You are on page 1of 4

PERIODICAL TEST IN ARALING PANLIPUNAN 5

QUARTER 1
Name: ____________________________________ Date: __________________
Teacher: __________________________________ Section: _______________

Panuto: Basahin ang bawat tanong at isulat ang titik ng tamang sagot sa papel.

1. Saang bahagi ng Pilipinas matatagpuan ang malawak na Karagatang Pasipiko?


A. Hilaga B. Kanluran C. Silangan D. Timog
2. Ito ang pinakamalaking kontinente sa buong mundo.
A. Antarktika B. Aprika C. Asya D. Australia
3. Ano ang tawag sa guhit parallel na naghahati sa mundo sa dalawang hatingglobo- hilagang
hatingglobo at timog hatingglobo?
A. ekwador B. grid C. latitud D. longhitud
4. Anong tawag sa lokasyong tumutukoy sa hangganang lupain o katubigang nakapaligid sa
isang bansa?
A. absolute B. bisinal C. insular D. relatibo
5. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng isang bansang tropikal?
A. nakararanas ng tag-init at tag-ulan
B. nasa mataas na latitud ang isang lugar
C. nakararanas ng apat na uri ng panahon
D. nakararanas ng matinding lamig ng panahon
6. Kung ang prime meridian ang naghahati sa globo sa silangang- hatingglobo at kanlurang-
hatingglobo, ano naman ang kahalagahan ng International Date Line (IDL)?
A. May araw at gabi.
B. Naghahati sa mundo sa magkaibang araw.
C. Nagkakaroon ng iba’t ibang klima ang mundo.
D. Naghahati sa mundo sa timog at hilagang hating globo
7. Bakit madalas dalawin ng bagyo ang bansa natin?
A. May maraming bundok
B. Nakaharap ang Pilipinas sa Karagatang Pasipiko
C. Iba’t-ibang uri ng hangin ang bumibisita sa Pilipinas
D. Naiipon ang bagyo dahil sa init at ulan na narararanasan sa bansa

8. Ito ay isang kalipunan ng mga sistemang paniniwala, mga sistemang kultural at pananaw sa daigdig na nag-
uugnay sa sangkatauhan sa espiritwalidad at minsan ay sa moralidad.
A. kasaysayan B. mitolohiya C. relihiyon D. Teorya

9. Anong teorya ang nagpapaliwanag na ang lahat ng bagay sa daigdig ay nilikha ng Diyos batay sa
Banal na Kasulatan o Bibliya? Teorya ng
A. Bulkanismo C. Pagputok ng Bulkan
B. Paglalang D. Tulay na Lupa

10. Ito ay mga tipak na lupa sa ilalim ng katubigan na naghahati sa mga kontinente
A. Continental Shelf C. Volcanic Material
B. Pacific Basin D. Tectonic Plate
11. Anong teorya ang nagpapaliwanag na ang pagkatunaw ng yelo na bumabalot sa malaking bahagi ng
North America, Europe, at Asya ang naging dahilan upang mapahiwalay ang Pilipinas sa iba pang
bahagi ng Asya?
A. Bulkanismo C. Pagputok ng Bulkan
B. Paglalang D. Tulay na Lupa

12. Bakit nagkawatak-watak ang superkontinenteng bumubuo sa daigdig? Dahil sa ____.


A. pagputok ng bulkan C. pwersang pangkalikasan
B. pagkatunaw ng mga yelo D. paggalaw ng mga tectonic plate
13. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang dahilan ng pagbabago ng anyo, hugis, at posisyon ng mga
kapuluan?
A. pagkatunaw ng mga yelo
B. unti-unting paglitaw ng mga kapuluan
C. lumubog ang mababang bahagi ng daigdig
D. paghihiwalay at pagbabanggaan ng mga plato sa ilalim

14. Sinong arkeologo ang naniniwalang ang mga Austronesian ang mga ninuno ng mga Pilipino?
A. Henry Otley Beyer C. Robert Fox
B. Peter Bellwood D. Welheim Solheim II

15. Isa sa mapagkukunan ng impormasyon tungkol sa pinagmulan ng tao ay ang mga kuwentong-bayan
tulad ng mito.
A. depende B. mali C. tama D. wala sa lahat

16. Ang pangunahing dahilan ng pagpapalawak ng teritoryo ng mga Austronesian ay ang __________.
A. pakikipag-away C. pakikipagkalakalan
B. pakikipagkaibigan D. pakikipaglaban

17. Ano ang ipinaliliwanag ng Teorya ng Wave Migration hinggil sa pinagmulan ng tao sa Pilipinas?
A. Hinati ni Captan sa apat na direksiyon ang mundo.
B. Unang nanirahan sa Pilipinas ang mga Taong Tabon.
C. Nanggaling sa Timog-Silangang Asya ang mga unang Pilipino.
D. May tatlong pangkat ng tao ang nakarating sa bansang Pilipinas: Negrito, Malay at Indones.
18. Ang paglaganap ng tao sa Pilipinas ay .
A. nagpayabong ng kulturang Pilipino
B. nagpalaganap ng paggamit ng metal
C. nag-udyok sa permanenting paninirahan
D. nagpasimula ng paghahabi ng mga damit ng ating mga ninuno

19. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa ating mga ninuno?


A. Makisali sa kasiyahang isinasagawa ng mga Igorot.
B. Pagtawanan ang mga katutubo sa kanilang mga kasuotan.
C. Tanggalin sa ulo ng isang katutubong Aeta ang putong na isinusuot nito.
D. Sunugin ang mga palasong gamit ng mga Mangyan sa pangangaso dahil itoy makaluma na.
20. Ano ang tawag sa mga malalayang tao at mga taong lumaya mula sa pagkaalipin?
A. alipin B. bagani C. maginoo D. timawa
21. Alin sa mga sumusunod ang pinakamataas na antas ng tao sa lipunang Tagalog at Bisaya?
A. bagani B. datu C. timawa D. tumataban
22. Saan naninirahan ang mga sinaunang Pilipino sa panahon ng Lumang Bato?
A. bahay kubo B. bahay na bato C. kuweba D. Mansion
23. Bakit palipat-lipat ng tirahan ang mga sinaunang Pilipino sa panahon ng Lumang Bato?
A. Sila ay naghahanap ng mas magandang tirahan.
B. Gusto nilang manirahan sa mas malinis at tahimik na lugar.
C. Lumilipat sila kapag marami ng mga tao ang nakatira sa lugar.
D. Lumilipat sila kapag wala na silang makuhang pagkain at kung may pagbabago sa klima.
24. Ang mga sumusunod na pahayag ay mga patunay na ang mga sinaunang Pilipino ay may kakayahan na sa
pag-angkop ng kanilang kapaligiran MALIBAN sa isa?
A. Sila ay nakatira sa mga yungib o kuweba.
B. Natuto na silang magsaka at mag-alaga ng mga hayop.
C. Nilisan nila ang yungib at nagsimula na silang manirahan sa tabi ng dagat at ilog.
D. Marunong na silang gumamit ng irigasyon sa pagsasaka ng palay, taro, nipa, at iba pa.
25. May mga grupo ng mga kabataan na nahuli na nagnanakaw sa inyong lugar at dinala sa iyong
himpilan. Bilang isang “datu” o lider ng iyong barangay, ano ang gagawin mo sa kanila?
A. Ipakulong ng isang linggo upang magtanda.
B. Papagalitan at ipapahiya sa buong barangay.
C. Papauwiin lamang sila na parang walang ginawang kasalanan.
D. Ipatawag ang kani-kanilang mga magulang at pagsabihan na gabayan ng mabuti ang kanilang mga
anak upang maging kapaki-pakinabang sa lipunan.
26. Ang tatay ni Berto ay isang magsasaka. Alin sa mga sumusunod ang posibleng mga produkto
niya sa pagsasaka?
A. hinabing tela, damit at iba pang kasuotan
B. palay, mais, tubo, prutas at mga gulay
C. isda, perlas at kabibe
D. pilak, tanso at ginto
27. Ito ay sasakyang pandigma ng mga sinaunang Pilipino, sila ay naglalakbay at nanakop sa mga lugar.
A. balangay B. barko C. karakoa D. Roro

28. Ito ang hanapbuhay ng mga sinaunang Pilipino sa lugar kung saan may mahalagang metal na
makukuha.
A. paghahabi B. pagmimina C. pagtotroso D. paninisid

29. Maraming bansa ang nakikipag-ugnayan sa mga sinaunang Pilipino, anong bansa ang may malaking
kontibusyon sa mga kasangkapang gawa sa tapete, seramika at tanso?
A. Arab B. China C. India D. Indonesia

30. Ang mga kababayan nating OFW ay kilala at nangungunang mga manggagawa na hinahangad ng
ibang lahi. Aling mga katangian ng mga Pilipino ang nagpapakita ng magandang ugnayan
hanggang sa kasalukuyan?
A. masunurin at mabait C. matalino at matapang
B. masayahin at magaling D. tapat at mapagkakatiwalaan
31. Bakit nakipag-ugnayan ang mga sinaunang Pilipino sa mga karatig bansa?
A. nais nilang makipagkaibigan
B. gusto nilang makilala sa iba’t – ibang bansa
C. nakikipagkalakalan sila ng kanilang mga produkto
D. nakikipagdigmaan at nagpapalawak sa kanilang teritoryo
32. Ang tawag sa pagsamba sa lahat ng bagay na may espiritu ay ___ .
A. Animismo C. Kristiyanismo
B. Budhismo D. Hinduismo
33. Taglay ng mga sinaunang Pilipino ang isang mayamang kulturang maipagmamalaki hanggang sa
kasalukuyang panahon bago pa man dumating ang mga Espanyol.
A. depende B. mali C. tama D. wala sa lahat
34. Ito ay isang yunit na pampolitika, panlipunan, at pangkabuhayan noong sinaunang panahon sa Pilipinas.
A. bansa B. barangay C. lungsod D. sultanato

35. Gumagamit ang mga sinaunang Pilipino ng mga palamuti sa ngipin na tanda ng pagkahilig nila sa pag-
aayos ng katawan. Ano ang karaniwang gamit nila?
A. bato B. ginto C. halaman D. Pilak
36. Ang sumusunod ay tumutukoy sa salitang “kultura” MALIBAN sa isa.
A. Tumutukoy sa uri ng ugali ng isang tao.
B. Ito ay naisasalin sa mga sumusunod na bagong henerasyon.
C. Mga gawaing kinagawian na ng mga mamamayan sa isang komunidad.
D. Mga paraan ng pamumuhay ng tao tulad ng kanilang mga paniniwala, kaugalian, relihiyon at
pagpapahalaga.
37. Upang maging isang datu, kailangang ikaw ay kabilang sa pinakamataas na antas ng lipunan, at kung
sultan naman, kailangang ikaw ay .
A. matapang at mayaman
B. magaling gumawa ng batas
C. galing sa angkan ni Muhammad
D. galing din sa pinaka mataas na antas ng lipunan
38. Sa anong paraan maaring maipakita ang pagpapahalaga natin sa ating kultura at tradisyon sa
kasalukuyan?
A. Ikahiya ito at huwag isabuhay.
B. Ipagmalaki na ikaw ay isang Pilipino.
C. Palitan ang kinagisnang kaugalian ng mga Pilipino.
D. Pabayaan na lamang kung ano ang gusto ng lahat.
39. Ano ang tawag sa relihiyon ng mga Muslim?
A. Iglesia B. Islam C. Katoliko D. Protestante

40. Sino ang lider sa pagsasamba ng moske at sa pamayanang Muslim na siyang magbigay patnubay sa
relihiyong Islam?
A. Allah B. Bathala C. Imam D. Pari

41. Bakit ginagalang ng mga Muslim si Muhammad? Dahil siya ay isang ______.
A. Anghel B. Diyos C. Imam D. Propeta

42. Gusto mong sumama sa iyong kaibigang Muslim sa kanilang Moske, pero bago ka niya isinama
sinabihan kang huwag mag-ingay doon. Bakit? Dahil ________.
A. doon sila natutulog C. maraming mga Muslim doon
B. iyon ang kanilang pook dalanginan D. bawal madisturbo ang kanilang Imam

43. Bakit nahinto ang paglaganap sa katuruang Islam dito sa Pilipinas? Dahil _______.
A. ayaw tumanggap ng mga katutubo
B. dumating na ang mga Espanyol sa bansa
C. mas naniniwala sila kay Bathala kaysa kay Allah
D. mas pinili ng mga katutubo ang paniniwalang animismo

44. Paano mo tatratuhin ang mga taong nagtataglay ng paniniwalang Animismo, Islam, at iba pang
paniniwala?
A. Igagalang ko sila bilang tao pero hindi ang kanilang paniniwala.
B. Hahayaan ko sila sa kanilang paniniwala at lalayo na lang ako sa kanila.
C. Kilalanin ko pa rin silang kaibigan at igagalang ko ang kanilang paniniwala.
D. Kilalanin ko pa rin silang kaibigan at wala akong pakialam sa kanilang paniniwala.

45. Ang tawag sa pang-ibabang kasuotan ng mga sinaunang Pilipino na lalaki.


A. bahag B. bandana C. pantalon D. Saya

46. Tumutukoy sa uri ng pamamaraan ang pamumuhay ng tao sa isang lugar


A. kultura C. paniniwala
B. kagamitan D. sosyo-kultural

47. Ang tawag sa pang-ibabang kasuotan ng mga sinaunang Pilipino na babae


A. bahag B. baro C. bestida D. Saya

48. Napapahalagahan ang sinaunang musika sa pamamagitan ng .


A. pag-awit ng pa –rap
B. pag-awit ng pasigaw
C. pagsalin ng mga liriko sa wikang Ingles
D. patuloy na pag-awit sa mga katutubong awitin

49. Ito ay isang sistema ng pagsasaka noon na ginagawa sa pamamagitan ng pagsunog ng mga puno sa
gubat?
A. pagkakaingin C. pagmimina
B. pangangaso D. Pagtotroso

50. Alin sa mga sumusunod na katangian ng mga katutubo ang higit na nagpapakita ng pagpapahalaga sa
sariling kultura at paniniwala?
A. Tahimik na namuhay sa kabila ng mga pananakop.
B. Tumakas at lumayo upang hindi marating ng mga mananakop.
C. Nag-alsa at nagbuwis ng buhay upang mapangalagaan ang kultura.
D. Tinanggap ang mga pagbabago dala ng mga mananakop.

You might also like