You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Region VI – Western Visayas


Department of Education
Schools Division of Iloilo
DORONG-AN INTEGRATED SCHOOL
Tigbauan, Iloilo

(LAGUMANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNANAN 8)


UNANG MARKAHAN

Panuto: Ang pagsusulit na ito ay naglalayong masukat ang iyong mga natutunan mula sa
modules sa Unang Markahan. Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong bago ito
sagutan.
MARAMING PAGPIPILIAN

PANUTO: Tukuyin ang tamang linya ng globo. Piliin ang TITIK nga tamang sagot sa
kahon.

A. Tropic of Capricorn C. Prime Meridian E. Arctic Circle

B. Tropic of Cancer D. Equator F. Antarctic Circle

PANUTO: Isulat ang TITIK ng tamang sagot sa inyong sagutang papel.

7. Ang pinakamahabang hanay ng kabundukan sa buong mundo ay matatagpuan sa


kontinente ng __________.
A. Asia B. Antarctica C. Africa D. Europe

8. Ang karagatang pumapalibot sa kalupaan ng kontinente ng Antarctica ay ang


__________.
A. Indian Ocean B. Southern Ocean C. Pacific Ocean D. Atlantic Ocean
9. Ang pahalang na imahinaryong guhit na humahati sa hilagang hatingglobo at timog na
hatingglobo.
A. Equator B. Prime Meridian C. Tropic of Cancer D. Tropic of
Capricorn

10. Ang pinakamahabang ilog sa daigdig ay ang __________.


A. Yangtze B. Amazon C. Nile D. Indus

11. Ang pinakamataas na bundok sa mundo ay __________.


A. Fuji B. Everest C. Apo D. Kilimanjaro

12. Itinuturing na “kaluluwa at susi ng isang kultura”


A. relihiyon B. etnisidad C. lahi D. wika

13. Pagkakakilanlan ng tao batay sa kanilang pisikal at bayolohikal na mga katangian


A. relihiyon B. lahi C. wika D. etnisidad

14. Sa salitang ito hinango ang salitang relihiyon


A. ethnos B. religare C. wika D. mosaic

15. kalipunan ng mga paniniwala tungkol sa isang kinikilalang makapangyarihang nilalang


A. relihiyon B. etnisidad C. lahi D. wika

16. Wikang may pinakamaraming nagsasalita


A. Spanish B. English C. Chinese D. French

17. Pagdating ng taong 2100, pinaniniwalaang halos 3000 wika sa mundo ang posibleng
mawala o mamatay dahil sa pagkawala ng mga nagsasalita ng mga ito. Paano
mapapanatili ang buhay ng mga nasabing wika?
A. Igalang ang pagkakaiba ng mga wika.
B. Isulong ang paggamit ng mga wikang ito.
C. Huwang pansinin ang mga taong may ibang wika.
D. Makisalamuha sa mga taong may magkakatulad na wika.

18. Ang heograpiyang pantao ay ang maka-agham na pag-aaral ng ________.


A. relasyon ng tao at kapaligiran
B. pandaigdigang kultura at artifacts
C. distribusyon ng mga kultura sa mundo
D. pagbago ng kultura sa pagalipas ng panahon

19. Ang etnisidad ay tumutukoy sa pangkat ng mga tao na may magkakatulad


na _________.
A. relihiyon B. kasaysayan C. pagkakakilanlan D. katangiang pisikal

20. Nagdulot ng problema ang pagbuo ng mga eksperto ng iba’t ibang klasipikasyon ng
tao sa daigdig dahil maaaring __________.
A. magkamali ang mga eksperto
B. magpakita ito ng maraming diskriminasyon
C. hind maging pantay ang pagbuo ng klasipikasyon
D. hindi maging katanggap-tanggap ang klasipikasyong ginawa
21.Bakit ikinukumpara ang daigdig sa isang malaking mosaic?
A. Binubuo ito ng maraming pulo.
B. Binubuo ito ng pitong kontinente.
C. May iba’t ibang relihiyon ang mga tao.
D. May natatanging paglalarawan at katangian ng mga naninirahan dito.

PANUTO: Tukuyin kung sa anong yugto o panahon naganap ang mga mahahalagang
pangyayaring ito. Isulat ang TITIK ng tamang sagot sa inyong sagutang papel.

A. Panahon ng Lumang Bato B. Panahon ng Bagong Bato C. Panahon ng Metal

22. Natuklasan ang apoy sa panahong ito.


23. Umusbong ang pagiging artistiko ng mga tao sa panahong ito.
24. Natutong makipagkalakalan ang mga sinaunang tao sa karatig-pook.
25. Mas naging makinis at matibay ang mga kagamitang nagawa sa panahong ito.
26. Ito ang may pinakamahabang yugto ng ebolusyong-kultural sa kasaysayan ng tao.
27. Naganap sa panahong ito ang Rebolusyong Neolitiko o sistematikong pagtatanim.
28. Sa panahong ito nagkaroon ng unang pamayanan na matatagpuan sa mga lambak.
29. Sa panahong ito nilinang nang mabuti ang paggawa at pagpapanday ng mga
kagamitang yari sa metal.
30. Kilala ang panahong ito sa paggamit ng makikinis na kasangkapang bato, at
permanenteng paninirahan sa pamayanan.
31. Nakilala ang pangkat ng Homo habilis at Homo erectus sa panahong ito na nakitaan
ng kakayahan sa paggawa ng mga kagamitang bato.

PANUTO: Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay wasto at MALI naman kung hindi.
Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.

32. 1. Ang pag-inog ng daigdig sa araw ay nagdudulot ng pagkakaiba-iba ng mga klima.


33. Ang plate ay hindi nananatili sa posisyon sa halip at patuloy itong gumagalaw.
34. Ang Pangaea pinagsama-samang kabuuang lupain sa daigdig noong
unang panahon.
35. Walang taong naninirahan sa Antarctica dahil mailap hulihin ang mga isda at mammal
na nakatira sa lugar.
36. Ang mga kultura sa mundo ay magkakaiba ngunit magkakapantay.
37. Ang relihiyon ay tumutulong sa paglikha ng isang etikal na balangkas.
38. May mga kultura sa mundo na mas kilala at tinitingala samantalang mayroon ding mas
mababaw ang pagtingin ng tao.
39. Pinipigilan ng kultura ang tao upang umangkop sa kani-kanilang kapaligiran.
40. Ang lahi ay ang pagkakakilanlan kung sino ka at kung saan ka nagmula.

Inihanda ni:

SHEENLY JOY C. TORDA


Teacher I

You might also like