You are on page 1of 7

Learner’s Activity Sheet

Araling Panlipunan (Ikalawang Markahan – Linggo 7)

Pangalan: __________________________________ Baitang at Pangkat: ________________


Guro: _______________________________________ Petsa:______________________________
Paaralan:
________________________________________________________________________
Mahal kong mag-aaral,

Magandang araw!
Sa linggong ito, matututunan mo ang mga impluwensiya ng mga kaisipang
lumaganap sa Gitnang Panahon (AP8DKT-lli-13).

Sa paksang ito, ang mailalapat mo ang mg impluwensiya ng mga kaisipang


lumaganap sa Gitnang Panahon.

Ang iyong guro

A (l

Ang Impluwensiya ng mga Kaisipang Lumaganap


Sa Gitnang Panahon

Gawain 1
Panuto: Suriin ang diagram tungkol sa pag-usbong ng
Europe sa Panahong Medieval.

1 8
Gawain 2 Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong.
1. Paano nakakatulong ang bawat pangyayari sa pag-usbong n Europe sa
Panahong Medieval? (8 puntos)

Ang paglakas ng Simbahang


Katoliko

Ang Holy Roman Empire

Ang paglunsad ng Krusada

Piyudalismo/Manoryalismo

Gawain 3
Panuto: Kopyahin sa inyong kwaderno at pag-aralanang
nakasaad na aralin sa Gawain 3.

Ang paglakas ng Simbahang Katoliko Bilang Institusyon sa Gitnang


Panahon

Ang paglakas ng institusyon ng Simbahang Katoliko ay ang kasagutan


sa kung paano nakatulong ang pag - usbong ng mga bayan at lungsod sa
pag - usbong ng Europe sa panahong Medieval. Sa mga unang taon ng
Kristiyanismo, ang simbahan ay pinamumunuan ng mga ordinaryong tao
lamang na di naglaon ay pinalitan ng paglitaw ng mga pari sa ibat’t ibang
parokya na napapasailalim naman sa Obispo. Sa ilalim ng kanyang

2
pamumuno, hindi lamang gawaing espiritwal ang pinangangalagaan ng mga
Pari kundi pati ang pangangasiwa sa mga gawaing pangkabuhayan, pang
edukasyon at pagkawanggawa sa simbahan.
Marami ang naging pinuno ng Simbahan na nakatulong sa pagpapalakas ng
pundasyon ng Simbahang Katoliko. Ang pamumuno ng mga Monghe ay
mayroon ding pinakamahalagang nagampanan sa pagpapalaganap ng
Kristiyanismo sa ilalim ng pag-uutos ng Papa sa iba - ibang dako ng
Kanlurang Europe.

Ang Holy Roman Empire

Bukod sa paglakas ng impluwensya ng Simbahang Katoliko, isa sa


mahahalagang kaganapan sa Europe sa Panahong Medieval ay ang
pagkakatatag ng Holy Roman Empire. Isa sa mga mayor ng palasyo si
Charles Martel na nagsumikap na pag-isahin ang France. Tinalo nya ang
mga Muslim na mula noo’y hindi na muling nagtangkang sakupin ang
Kanlurang Europe. Ang unang hinirang na hari ng France ay si Pepin the
Short. Noong 768, humalili sa kanya ang anak na si Charlemagne o Charles
the Great, isa sa pinakamahusay na hari ng Medieval Period. Noong
kapaskuhan ng taong 800, kinoronahan siyang Emperador ng Banal na
Imperyong Roman (Holy Roman Empire). Marami ang nagsabi na ang
imperyo ang bumuhay na muli sa imperyong Roman. Sa panahon ng
imperyo, ang mga iskolar ang naging tagapangalaga ng kulturang Graeco -
Roman. Ang pagsasama - sama ng elementong Kristiyano, German, at
Roman ang namayani sa kabihasnang Medieval. Sa panahong Medieval ay
unti - unting namayagpag ang Simbahang Katoliko. Nagsimulang maging
Kristiyano ang mga tao sa Europa.

Ang Paglunsad ng mga Krusada

Ang Krusada ay isang ekspedisyong militar na inilunsad ng


Kristiyanong Europeo dahil sa panawagan ni Pope Urban II noong 1095. Ito
ay isang banal na labanan ng mga relihiyosong Europeo laban sa mga
Turkong Muslim na sumakop sa banal na pook sa Jerusalem. Nagkaroon ng
ibat-ibang krusada na kung saan ang lahat ng ito ay naging bigo sa pagbawi
muli sa Holy Land.

Resulta ng Krusada

Kung mayroon mang naging magandang dulot ang Krusada, ito ay sa


larangan ng kalakalan. Napalaganap ang komersyo at ito ay nagsilbing salik
sa pag - unlad ng mga lungsod at malalaking daungan. Ang kulturang
Kristiyano ay napayaman din.

3
Piyudalismo at Manoryalismo

Piyudalismo:

Mula sa ikasiyam hanggang ika-14 na siglo, ang pinakamahalagang


anyo ng kayamanan sa Europe ay lupa. Kinakailangang pangalagaan ang
pagmamay-ari ng lupa.Pangunahing nagmamay-ari ng lupa ang hari o lord
o panginoong maylupa. Dahil sa hindi niya kayang ipagtanggol ang lahat ng
kaniyang lupain, ibinabahagi ng hari ang lupa sa mga nobility o dugong
bughaw na tinatawag na vassal na isa ring lord.

Tungkulin ng lord na suportahan ang pangangailangan ng vassal sa


pamamagitan ng pagkakaloob ng fief o lupa. Tungkulin din niya na
ipagtanggol ang vassal laban sa mga mananalakay o masasamang-loob at
maglapat ng nararapat na katarungan sa lahat ng mga alitan. Bilang
kapalit, ang pangunahing tungkulin ng vassal ay magkaloob ng serbisyong
pangmilitar. Tungkulin din ng vassal na magbigay ng ilang kaukulang
pagbabayad tulad ng ransom o pantubos kung mabihag ang lord sa
digmaan. Kailangan din niyang tumulong sa paghahanap ng sapat na salapi
para sa dowry ng panganay na dalaga ng lord at para sa gastusin ng
seremonya ng pagiging knight ng panganay na lalaki ng lord.

Ang knight ay isang mandirigmang nakasakay sa kabayo at nanumpa


ng katapatan sa kaniyang lord. Mayroon din na serf na binubuo ng masa
ng tao na nanatili silang nakatali sa lupang kanilang sinasaka ngayon.
Napilitan silang magtrabaho sa bukid ng kanilang panginoon nang walang
bayad. Wala silang pagkakataon na umangat sa susunod na antas ng
lipunan tulad ng maharlika at malayang tao.

Manoryalismo:

Ang Sistemang Manor ang sentro ng lipunan at ekonomiya ng mga tao


na nakatira dito. Ang isang fief o lupain ay binubuo ng maraming manor na
nakahiwalay sa isa’t isa. Ito ay maaaring maihalintulad sa isang pamayanan
(village) kung saan ang mga naninirahan dito ay umaasa ng kanilang
ikabubuhay sa pagsasaka sa manor, ibig sabihin ay pagsasaka ang batayan
ng sistemang manor. Sa kabilang dako, ang kanilang panginoon ay dito rin
umaasa sa manor na kaniyang magiging kayamanan. Ang manor ay isang
malaking lupang sinasaka.

4
Pag-usbong ng mga Bayan at Lungsod

Ang paglakas ng kalakalan ay naging malaking tulong sa paglago ng


mga bayan. Nagkaroon ng pagbabago sa agrikultura bunsod ng pagtuklas
ng mga bagong teknolohiya at mga bagong pamamaraan sa pagtatanim.
Bunga nito, tumaas ang ani kaya nagkaroon ng magandang uri ng
pamumuhay ang mga tao.Nakatulong din nang malaki ang pagsasaayos ng
mga kalsada upang mapadali ang pagdala at pagbili ng mga produktong
agrikultural. Marami ang nanirahan sa mga lugar na malapit sa
pangunahing daan.

Gawain 4.1 Panuto: Hanapin at pagdugtungin ang mga titik sa loob ng


mga kahon, bilugan ito upang makabuo ng mga salitang tumutukoy sa mga
naganapsa Gitnang Panahon o Medieval Period.

Itala ang mga ito sa sa loob ng diagram at tayain ang mga naging
impluwensiya nito sa pandaigdigang kamalayan. (12 puntos)

5
Pangyayari na naganap sa Impluwensiya sa
Gitnang Panahon Pandaigdigang Kamalayan

Gawain 4.2 Panuto: Punan ang chart ng mga natatanging impluwensiya


ng mga pangyayari sa gitnang panahon noon at sa kasalukuyan. (20
puntos)

NOON NGAYON
(Panahong Medieval) (Kasalukuyang Panahon)

1. Simbahan

2. Kabuhayan

6
3. Krusada ng mga
Bata

4. Paglulunsad ng
Krusada

Sanggunian:
ISBN:978-9601-67-8
Kasaysayan ng Daigdig, Araling Panlipunan
Modyul ng Mag-aaral, Unang Edisyon 2014

KATUNAYAN
Ito ay nagpapatunay na ang aking anak ay matagumpay na isinagawa ang
lahat ng mga gawain na nakapaloob sa Learning Activity Sheet.

_________________________________________ ____________________
Pangalan at Lagda ng Magulang o Tagapangalaga Petsa ng Paglagda

You might also like