You are on page 1of 13

Araling Panlipunan 8

Kwarter 3, LEARNING ACTIVITY SHEET 2

Unang Yugto ng Kolonyalismo


Asignatura at Baitang: Araling Panlipunan 8
Activity Sheet Bilang: 2
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon 8 – Sangay ng Samar

Isinasaad ng Batas RepubliKa 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan
ng pamahalaan na maghanda ng Gawain kung itoý pagkakakitaan. Kabilang sa
mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng
kaukulang bayad.

This Learning Activity Sheet na ito ay inilimbag upang magamit ng mga


Paaralan sa Rehiyon 8 – Sangay ng Samar.

Walang bahagi ng Learning Activity Sheet na ito ang maaaring kopyahin o


ilimbag sa anumang porma nang walang pahintulot sa kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 8 – Sangay ng Samar.

Bumuo sa Pagsulat ng Araling Panlipunan Activity Sheet

Manunulat: Lerma A. Llegado


Tagalapat: Janssen Louel C. Dabuet and Gibson J. Gayda
Editor: Eloisa R. Zartiga
Tagasuri: Diann C. Obingayan
Tagapamahala:
Carmela R. Tamayo EdD, CESO V – Schools Division Superintendent
Moises D. Labian Jr. PhD, CESO VI – Asst. Schools Division Superintendent
Antonio F. Caveiro PhD - Chief Education Supervisor, CID
Eloisa R. Zartiga - EPS – Araling Panlipunan
Josefina F. Dacallos EdD. – PSDS/LRMS Manager Designate
Jay G. Abia - District Head
Reldin R. Cajes Ph.D. - School Head
Araling Panlipunan 8

Pangalan ng mag-aaral: ____________________ Baitang:_____ Seksyon:______


Paaraalan : _______________________________________ Petsa:___________

Unang Yugto ng Kolonyalismo

I. Panimula
Nagsimula noong ika-15 na siglo ang dakilang panahon ng
eksplorasyon o paghahanap ng mga lugar na hindi pa nararating ng mga
Europeo. Ang eksplorasyon ay nagbigay-daan sa kolonyalismo o ang
pagsakop ng isang makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa.
Tatlong bagay ang itinuturing na motibo para sa kolonyalismo dulot ng
eksplorasyon: (1) paghahanap ng kayamanan; (2) pagpapalaganap ng
Kristiyanismo at; (3) paghahangad ng katanyagan at karangalan.

II. Kasanayang Pampagkatuto

Nasusuri ang dahilan, pangyayari at epekto ng unang yugto ng


Kolonyalismo AP8dkt-III-13

A. Simulan
Gawain 1:
Panuto: Piliin ang tamang sagot na makikita sa loob ng kahon.
Isulat ito sa bawat patlang.

Compass Kolonyalismo
Spices
Imperyalismo Astrolabe

1. ___________Ginagamit bilang pampalasa sa pagkain at upang


mapreserba ang mga karne.
2. ___________Ang pagsakop ng isang makapangyarihang bansa sa isang
mahinang bansa.
3. __________Ang panghihimasok, pag-impluwensiya, o pagkontrol ng
isang makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa.
4. __________Nagbibigay ng tamang direksiyon habang naglalakbay
5. ___________Gamit upang sukatin ang taas ng bituin.

B. Alamin
1. Paghahanap ng Kayamanan

Ang Asya ay isa nang kaakit-akit na lugar para sa mga Europeo.


Bagama’t ang kanilang kaalaman tungkol sa Asya ay limitado lamang at
hango lamang sa mga tala ng mga manlalakbay tulad nina Marco Polo at
Ibn Battuta, napukaw ang kanilang paghahangad na marating ito dahil sa
mga paglalarawan dito bilang mayayamang lugar. Mahalaga ang aklat na
“The Travels of Marco Polo” (circa 1298) sapagkat ipinababatid nito sa mga
Europeo ang yaman at kaunlarang taglay ng China. Hinikayat nito ang mga
Europeo na marating ang China. Sumang-ayon ang panahon sa mga
manlalakbay at mangangalakal na ito nang matuklasan ang compass at
astrolabe. Kapwa Malaki ang tulong ng dalawang instrumenting ito sa mga
manlalayag. Ang compass ang nagbibigay ng tamang direksiyon habang
naglalakbay samantalang gamit naman ang astrolabe upang sukatin ang
taas ng bituin.
Ang Paghahanap ng Spices
Mula noong ika-13 na siglo ay naging depende na ang Europeo sa spices
na matatagpuan sa Asya lalong-lalo na sa India. Ang ilan sa mga spices na
may malaking demand para sa mga Europeo ay ang paminta, cinnamon, at
nutmeg.
Ang kalakalan ng spices sa Europe at Asya ay kontrolado ng mga Muslim
at ng mga taga-Venice, Italy. Ang mga mangangalakal na Arabe na siyang
nagdadala ng mga panindang ito sa mga mangangalakal na taga Venice.
Malaking kita ang inaakyat ng ganitong uri ng kalakalan sa mga
mangangalakal na Arabe at Venetian. Dahil sa pagmomonopolyo sa
kalakalang ito ay naghangad ang mga Europeong mangangalakal na
direktang magkaroon ng kalakalan sa Asya ng mga spices na kailangan nila.
Ang panlupang kalakalan ay di na garantissadong protektado dahil sa mga
pananambang ng ginagawa ng mga Mongol kaya mas minabuti ng mga
Europeo na gamitin ang katubigan.
Ang spices ay ginagamit nila bilang pampalasa sa kanilang mga pagkain
at upang mapreserba ang mga karne. Ginagamit din nila ito para sa
kanilang mga pabango, kosmetiks, at medisina.
Pinangunahan ng Portugal ang Paggagalugad
Ang Portugal ang kauna-unahang bansang Europeo na nagkaroon ng
interes sa panggagalugad sa karagatan ng atlantic upang makahanap ng
mga spices at ginto. Sa pagitan ng mga taong 1420 hanggang 1528, ay
nakapaglayag ang mga mandaragat na Portuges hanggang sa kanlurang
bahagi ng Africa upang hanapin ang rutang katubigan patungo sa Asya.
Noong Agosto 1488 natagpuan ni Bartholomeu Dias ang pinakatimog na
bahagi ng Africa na naging kilala sa katawagang Cape of Good Hope. Ang
paglalakbay ni Dias ay nagpakilala na maaaring makarating sa Silangang
Asya sa pamamagitan ng pag-ikot sa Africa.
Samantalang noong 1497 ay apat (4) na sasakyang pandagat ang
naglakbay na pinamunuan ni Vasco da Gama mula Portugal hanggang sa
India. Ang nasabing ekspedisyon ay umikot sa Cape of Good Hope, tumigil
sa ilang mga trade post sa Africa upang makipagkalakalan at nakarating
matapos ang 10 buwan sa Calicut, India. Dito natagpuan ni da Gama ang
mga Hindu at Muslim na nakikipagkalakalan ng mahusay na seda,
porselana, at pampalasa na pangunahing kailangan ng mga Portuges sa
kanilang bansa. Hinimok niya ang mga Asyanong mangangalakal na
magkaroon ng direktang pakikipagkalakalan sa kanila ngunit di siya
gaanong nagtagumpay dito. Sa bansang Portugal ay nakilala siyang isang
bayani. Dahil din sa kanya kaya nalaman ng mga Portuges ang yaman na
mayroon sa silangan at ganoon din ang maunlad na kalakalan.

Si Prinsipe Henry, ay anak ni Haring Juan ng Portugal,


ang naging pangunahing tagapagtaguyod ng mga
paglalayag sa pamamagitan ng pag-anyaya ng mga
mandaragat. Siya ay tagagawa ng mapa, matematisyan,
astrologo, at mag-aaral ng siyensiya ng nabigasyon sa
bansa. Siya ang naging patron ng mga manlalakbay
kaya ikinabit sa kaniyang pangalan ang katawagang
“The Navigator.” Dahil sa kaniyang mga itinaguyod na
paglalakbay ay nakarating siya sa Azores, isla ng
Madeira, at sa mga isla ng Cape Verde.
Ang Paghahangad ng Spain ng Kayamanan Mula sa Silangan

Ang pagpapakasal nina Haring Ferdinand V ng Aragon at Reyna Isabella


I ng Castille noong 1469 ay naging daan upang ang Spain ay maghangad
din ng mga kayamanan sa Silangan. Ang pinagsanib na lakas ng kanilang
kaharian ang naging daan sa pagpapadala ng mga ekspedisyon sa Silangan
na ang una ay pinamunuan ni Christopher Columbus, isang Italyanong
manlalayag. Noong 1492 ay tinulungan si Columbus
na ilunsad ang kaniyang unang ekspedisyon
patungong India na dumaan pakanluran ng
Atlantiko. Ang kanyang ekspedisyon ay nakaranas ng
maraming paghihirap gaya ng walang kasiguraduhan
na mararating nila ang Silangan, pagod at gutom sa
kanilang paglalakbay, at haba ng panahon na
kanilang inilagi sa katubigan. Ngunit naabot din niya
Christopher Columbus

ang mga isla ng Bahamas na sa kaniyang pagkakaakala ay ang India dahil


sa ang kulay ng mga taong naninirahan doon ay gaya ng mga taga India
kaya tinawag niya ang mga itong Indians. Tatlong Buwan ang inilagi ng
kanilang paglalakbay ng maabot nila ang Hispaniola (sa kasalukuyan ay
ang mga bansa ng Haiti at Dominican Republic) at ang Cuba. Marami
siyang natagpuang ginto dito na makasasapat na sa pangangailangan ng
Spain ngunit sa tingin niya ay di pa rin niya tunay na narating ang mga
kilalang sibilisasyon sa Asya. Pagbalik niya sa Spain ay ipinagbunyi ang
resulta ng kaniyang ekspedisyon at binigyan ng titulong Admiral of the
Ocean Sea, Viceroy, at Gobernador ng mga islang kaniyang natagpuan sa
Indies. Tatlong ekspedisyon pa ang kanyang pinamunuan bago siya
namatay noong 1506. Narating niya ang mga isla sa Carribean at sa South
America ngunit di siya nagtagumpay sa paghahanap ng bagong ruta
patungo sa Silangan.

2. Pagpapalaganap ng Kristiyanismo

Ang Paglalakbay ni Ferdinand Magellan


Taong 1519 nang magsimula ang
ekspedisyon ni Ferdinand Magellan, isang Portuges
na ang paglalakbay ay pinunduhan ng Spain.
Nilakbay ng kanyang ekspedisyon ang rutang
pakanluran tungong Silangan. Natagpuan nila ang
Silangang baybayin ng South America o bansang
Brazil sa
kasalukuyan. Nilakbay din nila ang isang makitid
na daanan ng tubig; ang strait of Magellan ngayon,
pinasok ang malawak na Karagatang Pasipiko hanggang marating ang
Pilipinas.
Isinilang si Ferdinand Magellan noong 1480 sa Sabrosa, Portugal. Si
Rui de Magallanes, ang kanyang ama at Alda de Mesquita, ang kanyang ina.
Naging matagumpay din sila na madala sa Katolisismo ang mga katutubo.
Sa pangkalahatan, nagpatunay ang mga ekspedisyon na maaaring
ikutin ang mundo at muling makabalik sa pinanggalingan. Pinatunayan ito
nang ang barkong Victoria ay nakabalik sa Spain kahit pa napatay si
Magellan ng isa sa mga tauhan ng katutubong si Lapu-lapu. Ito ang unang
circumnavigation o pag-ikot sa mundo. Itinama nito ang lumang kaalaman
ng mga Europeo na ang mundo ay patag. Naitala sa mapa ang iba pang
kalupaan sa Silangan kaya’t lalo pang nakilala ang mga yaman nito.
3. Paghahangad ng Katanyagan
Dalawang bansa sa Europe ang nagpasimula ng paglalayag at pagtuklas
ng mga bagong lupain- ang Portugal at Spain. Nanguna ang Portugal sa mga
bansang Europeo dahil kay Prinsipe Henry the Navigator na naging
inspirasyon ng mga manlalayag sa kaniyang panahon. Siya ang nag-anyaya
sa mga dalubhasang mandaragat na magturo ng tamang paraan ng
paglalayag sa mga tao. Sukdulan ang kaniyang pangarap na makatuklas ng
mga bagong lupain para sa karangalan ng Diyos at ng Portugal.
Limitado lamang sa Spain at Portugal ang paglalayag ng mga Europeo
noong ika-16 na siglo. Ito ang panahon kung saan naitatag ang unang
pinakamalaking imperyo ng mga Europeo. Ang mga imperyong ito ang
nagpasimula ng mga dakilang pagtuklas ng mga lupain. Sa panig ng mga
Espanyol, nagsimula ito noong 1469 nang magpakasal si Isabella kay
Ferdinand ng Aragon. Sila ang sumuporta sa pagpapanatili ng
kapangyarihan ng mga dugong bughaw sa Castille. Sa kanilang paghahari
rin nasupil ang mga Muslim sa Granada at nagwakas ang Reconquista.
Dahil sa lumalalang paligsahan ng pagpapadala ng mga ekspedisyon ng
Portugal at Spain humingi ang mga bansang ito ng tulong sa Papa sa Rome
upang mamagitan sa kanilang mga paglalabanan. Noong 1493 ay gumuhit
ng line of demarcation ang Papa, isang hindi nakikitang linya mula sa gitna
ng Atlantiko tungo sa Hilagang Pola hanggang sa Timogang Pola.
Ipinaliliwanag nito na ang lahat ng mga matatagpuang kalupaan at
katubugan sa Kanlurang bahagi ng linya ay para sa Spain at sa Silangang
bahagi ng linya ay para naman sa Portugal.
Nagduda ang mga Portuges sa naging kinalabasan ng kanilang
pagtatanong kaya nagpetisyon sila na baguhin ang naunang linya ng dapat
mapunta sa kanila at sa Spain. Nakikita nila nab aka lumawak ang
paggalugad ng Spain sa kanluran at maaaring maapektuhan ang kanilang
mga kalakalan sa Silangan. Sa pamamagitan ng Kasunduan sa Tordesillas
noong 1494 nagkasundo sila na ang line of demarcation ay baguhin at ilayo
pakanluran. Ipinakikita dito na noong panahong iyon ay pinaghatian ng
lubusan ng Portugal at Spain ang bahagi ng mundo na di pa nararating ng
mga taga Europe.
Epekto ng Unang Yugto ng Kolonisasyon
Nagbunga ng pagbabago ng mga ruta sa kalakalan ang pagtuklas at
paglalayag noong ika-15 at ika-16 na siglo. Nawala sa dating kinalalagyan
ang Italy sa kalakalan na kaniyang pinamunuan sa Midieval Period. Naging
sentro ng kalakalan ang mga pantalan sa baybay-dagat ng Atlantic mula sa
Spain, Portugal, France, Flanders, Netherlands, at England. Sa
pagkakatuklas ng mga lupain, higit na dumagsa ang mga kalakal katulad
ng spices na nagmula sa Asia. Sa North America, kape, ginto at pilak; sa
South America, asukal at molasses; at sa Kanlurang Indies, indigo.
Ang mga produktong ito ang nagpalawak sa paglaganap ng mga salaping
ginto at pilak na galling sa Mexico, Peru, at Chile. Ito ang nagpasimula ng
pagtatag ng mga bangko. Sa dami ng mga salapi ng mga mangangalakal,
kinailangan nilang may paglagyan ng kanilang salaping barya. Kaya ang
salaping papel ang kanilang ginamit at ipinakilala sa mga mangangalakal.
Ang salapi ring ito ang nagbigay-daan sa pagtatatag ng kapitalismo, ang
Sistema kung saan mamumuhunan ng kaniyang salapi ang isang tao upang
magkaroon ng tubo o interes.

Maraming mahahalagang epekto ang unang yugto ng kolonisasyon, tulad ng


sumusunod:
1. Ang mga eksplorasyon na pinangunahan ng mga Espanyol at
Portuguese ay nagbigay-daan sa malawakang pagkakatuklas sa mga
lupaing hindi pa nagagalugad at mga sibilisasyong hindi pa
natutuklasan. Ito rin ang nagpalakas sa ugnayang silangan at
kanluran.
2. Nakapukaw ito ng interes sa mga makabagong pamamaraan at
teknolohiya sa heograpiya at paglalayag.
3. Sumigla ang paglaganap ng sibilisasyong kanluranin sa Silangan.
4. Nagdulot din ito ng maraming suliranin sa mga bansang nasakop
tulad ng pagkawala ng kasarinlan, paninikil, at pagsasamantala sa
kanilang likas na yaman.
5. Nagkaroon ng pagbabago sa ecosystem sa daigdig na nagresulta sa
pagpapalitan ng mga hayop, halaman, pati na sa mga sakit sa pagitan
ng Old World at New World.

A. Bumahagi
Gawain 2: Sagutin ang mga pamprosesong tanong.
1. Bakit mahalaga ang pagkakatuklas nila sa mga bagong lupain?
2. Ano-anong katangian ang ipinamalas ng mga manlalayag na nanguna
sa paggalugad sa daigdig?
3. Paano nakatulong ang mga manlalayag na ito sa paglawak ng
kapangyarihan ng Europe?
4. Ano ang naidulot sa Europe ng pagkakaroon ng mga kolonyang
bansa?
5. Bakit nanakop ang mga bansang kanluranin?

Gawain 3: Kilalanin ang mga taong nanguna sa mga paglalayag sa


pamamagitan ng pagpuno ng talahanayan na nasa ibaba.

Sino ang Naglayag Saang bansa sila Anong mga lugar ang
nagmula kanilang narating

Gawain 4: Mabuti o Masama?


Matapos ang pagtalakay sa mga pangyayari sa unang yugto ng
Imperyalismo at Kolonisasyon, tatayain ng gawaing ito kung naunawaan mo
ang mahahalagang konseptong tinalakay.
Lagyan ng tsek ang kolum na iyong sagot at sagutan ang mga
pamprosesong tanong.

EPEKTO NG UNANG YUGTO NG NAKABUTI NAKASAMA DAHILAN


KOLONISASYON

1. Paglakas ng ugnayan ng
silangan at kanluran

2. Paglaganap ng sibilisasyong
Kanluranin sa Silangan

3. Pagbabago ng Ecosystem ng
daigdig bunga ng
pagpapalitan ng hayop,
halaman, at sakit

4. Paglinang ng mga
Kanluranin sa likas na
yaman ng mga bansang
nasakop.

5. Interes sa mga bagong


pamamaraan at teknolohiya
sa heograpiya at paglalayag

Pamprosesong mga Tanong


1. Ano-ano ang mabubuting epekto ng unang yugto ng kolonisasyon?
Ano-ano ang masasamang epekto?
2. Sino ang higit na nakinabang sa unang yugto ng kolonisasyon: ang
mga Kanluranin ba o ang mga sinakop na bansa? Bakit
3. Pabor ka ba na muling mapasailalim sa mga mananakop ang ating
bansa? Bakit?
Basahin
A. Gawin Mo
Gawain 5: Photo Collage
Panuto: Bilang isa ang Pilipinas sa mga lugar na nasakop ng mga
kanluranin, gumupit ng mga larawan ng mga estruktura o gawain
na ating namana o naging impluwensiya sa ating bansa o sa iyong
lugar na dulot ng pananakop na ito.
Idikit ang mga larawan sa 1/8 na illustration board.

Gawain 6: Itala Mo!


Panuto: Mula sa teksto na nabasa, magtala ng mga pangungusap na may
mahalagang pangyayari sa panahon ng Kolonyalismo.
Magbigay ng lima (5)
1.
2.
3.
4.
5.

Gawain 7: Pagtataya
Panuto: Basahin Mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot mula
sa mga pagpipilian?
1. Ito ay nagbigay daan sa kolonyalismo.
a. Imperyalismo c. kolonyalismo
b. Kristiyanismo d. eksplorasyon
2. Ang sumusunod ay mga itinuturing na motibo para sa kolonyalismo
maliban sa:
a. Paghahangad ng kaginhawaan
b. Paghahanap ng kayamanan
c. Pagpapalaganap ng Kristiyanismo
d. Paghahangad ng katanyagan
3. Ito ay mahalagang bagay na ginagamit sa paglalayag dahil ito ay
nagbibigay ng tamang direksiyon habang naglalakbay.
a. Astrolabe c. Wind Vane
b. Compass d. Relo
4. Siya ay tinaguriang “The Navigator”
a. Prinsipe Henry c. Christopher Columbus
b. Ferdinand Magellan d. Marco Polo
5. Ito ay ginagamit bilang pampalasa sa mga pagkain at upang
mpreserba ang mga karne.
a. Pabango c. kosmetiks
b. Spices d. medisina
6. Ano ang mahalagang napatunayan sa mga paglalayag?
a. Napatunayan na ang mundo ay bilog
b. Napatunayan na ang mundo ay maraming kayamanan
c. Napatunayan na marami ang nakapaglayag
d. Napatunayan na napakalawak ng karagatan
7. Ang sumusunod ay mga epekto ng unang yugto ng kolonisasyon
maliban sa:
a. Ang mga eksplorasyon na pinangunahan ng mga Espanyol at
Portuguese ay nagbigay daan sa malawakang pagkakatuklas sa
mga lupaing hindi pa nagagalugad at mga sibilisasyong hindi pa
natutuklasan.
b. Sumigla ang paglaganap ng sibilisasyong kanluranin sa silangan.
c. Nakapukaw ito ng interes sa mga makabagong pamamaraan at
teknolohiya sa heograpiya at paglalayag.
d. Karamihan sa mga naglayag ay hindi nagtagumpay
8. Sino ang nagsimula ng ekspedisyon at nagpalaganap ng Katolisismo?
a. Marco Polo c. Prinsipe Henry
b. Ferdinand Magellan d. Christopher Columbus
9. Bakit hinati ni Pope Alexander VI ang mundo sa Portugal at Spain
a. Dahil sa lumalalang paligsahan ng pagpapadala ng mga
ekspedisyon ng Portugal at Spain
b. Upang sila na ang maghari sa buong mundo
c. Dahil sila ang may karapatan sa lahat ng kayamanan sa buong
mundo
d. Upang maging kolonya nila ang mga bansang kanilang sakop sa
paghahati
10. Ang kasunduan ang nakapagpabago sa ginawa ng Papa sa Rome
na line of demarcation?
a. Kasunduan sa Tordesillas c. Papal Bull
b. Dutch East India Company d. Kasunduan ng Portugal at
Spain

IV. Sanggunian

Rosemarie C. Blando, Michael M. Mercado, Mark Alvin M. Cruz,


Angelo C. Espiritu, Edna L. De Jesus, Asher H. Pasco, Towel S.
Padernal, Yoruba C. Manali at Kelene Lorene S. Asis (2014)
Kasaysayan ng Daigdig Modyul para sa mga Mag-aaral. Pilipinas ng
Department of Education-Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Gawain 1:
Spices
Kolonyalismo
Imperyalismo
Compass
Astrolabe

Gawain 2:
Ang pagpupuntos ay batay sa sagot
ng mag-aaral

Gawain 3.
Ang pagpupuntos ay batay sa sagot
ng mag-aaral

Gawain 4:
Ang pagpupuntos ay batay sa sagot ng
Mag-aaral

Gawain 5:
Ang guro ang magbibigay ng puntos

Gawain 6:
Ang pagpupuntos ay batay sa sagot ng mag-aaral

Gawain 7: Pagtataya
D
A
B
A
B
A
D
B
A
A

V. Susi sa Pagwawasto

You might also like