You are on page 1of 13

Araling Panlipunan

7
Kwarter 2: LEARNING ACTIVITY SHEET
NO. 2

Mga Kabihasnang Sumer,


Indus at Shang
Asignatura at Baitang; Araling Panlipunan 7
Activity Sheet Bilang: 2
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon 8- Sangay ng Samar

Isinasaad ng Batas Republika 8293, Seksyon 176 na “Hindi


maaaring magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang
pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng
ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na maghanda ng Gawain kung ito’y
pagkakakitaan. Kabilang sa mgamaaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang Learning Activity Sheet na ito ay inilimbag upang magamit ng


mga Paaralan sa Rehiyon 8 -Sangay ng Samar.

Walang bahagi ng Learning Activity Sheet na ito ang maaaring


kopyahin o ilimbag sa anumang porma nang walang pahintulot sa
kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 8 – Sangay ng Samar.

Bumuo sa Pagsulat ng Araling Panlipunan Activity Sheet


Manunulat: Rhea B. Otida-SST-III, Parasanon NHS/Pinabacdao II
Tagalapat: Jansen Louel C. Dabuet, Gibson G. Gayda
Editor: Eloisa R. Zartiga-EPS- Araling Panlipunan
Tagasuri: Marevyl M. Laquidan, SST-I/Osmena NHS/Marabut District
Tagapamahala:
Carmela R. Tamayo, EdD, CESO V-Schools Division Superintendent
Moises D. Labian Jr., PhD, CESO VI- Asst. Schools Division Superintendent
Antonio F. Caviero, PhD, Chief Education Supervisor, CID
Eloisa R. Zartiga-EPS- Araling Panlipunan
Josefina F. Dacallos, EdD- PSDS/LRMS Manager Designate
Theresa O. Labareño-District Head
Rosita B. Ocenar- School Head
ARALING PANLIPUNAN 7
Pangalan ng Mag-
aaral:________________________________Baitang:____Seksyon:_________
Paaralan: _____________________________________________Petsa:
_______________________

Mga Kabihasnang Sumer, Indus at Shang

I. Panimula
Sa araling ito matutuklasan natin ang uri ng pamumuhay ng
kabihasnang Sumer, Indus at Shang. Ang Mga kabihasnang ito ay
umusbong sa mga lambak-ilog. Katulad nalang ng Kabihasnang Sumer na
umusbong sa Mesopotamia na napapalibutan ng dalawang ilog ng Tigris at
Euprates. Ang Indus naman ay sa lambak-ilog ng Indus at Ganges.
Gayundin ang Shang na umusbong sa may ilog ng Huang Ho.

Ang Mesopotamia ang kinilala bilang cradle of civilization dahil dito


umusbong ang unang sibilisadong lipunan ng taao. Matatagpuan ang
Mesopotamia sa Gitnang Silangan na tinatawag na Fertile Crescent sa
kasalukuyan ito ay ang bansang Iraq.

Sa Timog Asya makikita ang lambak-ilog ng Indus at Ganges. Tulad


ng ilog Tigris at Euprates, at Huangho umaapaw din ito taon-taon dahil sa
pagkatunaw ng yello sa Himalayas na nag iiwan ng banlik na nagpapataba
ng lupaing agricultural nito.

Tinatawag din na Yellow River ang Huang Ho dahil tuwing pagkatapos


ng pagbaha ang tubig nito ay nag iiwan ng loess o dilaw na lupa na
nagsisilbing pataba sa lupaing agricultural na malapit dito.

II. Kasanayang Pampagkatuto


Napaghahambing ang mga sinaunang kabihasnan sa Asya (Sumer,
Indus, Tsina) –AP7 KSA-IIc1.4, pahina 47

III. Pamamaraan

A. Simulan:

Gawain 1: Halika Ating Balikan!


Tingnan ang mga larawan sa ibaba at sagutin ang mga katanungan.

1 2 3

Pamprosesong Tanong:

1. Saang kontenente matatagpuan ang unang larawan?


2. Ano ang nakikita mo sa ikalawang larawan?
3. Anong bagay ang ikatlong larawan?
4. Sa iyong palagay, ang mga larawan bang ito ay may
kaugnayan sa mga sinaunang kabihasnan? Ipaliwanag.
5. Ano ang ibig sabihin ng kabihasnan?
B. Alamin:

Basahin ang mga talata sa ibaba at punan ang mga


talahanayan ayon sa impormasyong hinihingi.

Ang Kabihasnang Sumer

Noong panahong Neolitoko naitatag ang ilang pamayanan sa labas ng


rehiyon ng
Mesopotamia tulad ng Jericho sa Israel at Catal Huyukat Hacilar sa
Anatolia (Turkey sa kasalukuyan) na pawing mga pamayanang agricultural.
Nagkaroon ng malawakang pagtatanim ng trigo at barley sa mga lugar na ito
at pinaniniwalaan din na natuto silang mangaso at mag-alaga ng mga
hayop.Subalit hindi rin nagtagal ang mga naturang pamayanan dahil sa
salat ang kapaligiranupang mapunan ang pangangailanganng mga
pamayanan na ito. Tanging ang kasagutan sa mga suliraniin na ito ng
pamayanan ay ang matabang lupa ng Tigris at Euprates kung saan
umusbong ang kabihasnang Sumer (3500-3000BCE) na itinuturing na
pinakamatanda at pinakaunang kabihasnan sa daigdig.

Dito nagsimula ang pag-usbong ng iba’t ibang lungsod tulad ng Ur,


Urik, Eridu, Lagash, Nippur at Kish. Dahil sa Kanilang pinagsanib na
kakayahan at paniniwala sa mga diyos ay naitataag ang templo na
tinatawag na Ziggurat, ang pinakamalaking gusali sa Sumer. Pinamunuan
ng mga haring pari ang mga lungsod dito na hindi lamang lider ispiritwal at
politikal. Sila ay kumakatawan bilang taga pamagitan ng tao sa diyos kayat
nagiging kontrolado ng mga diyos diyosan amg pamumuhay ng mga tao. Sa
usaping pamumuhay naman may kaniya-kaniyang espesyalisasyon ang
mga Sumerian na naging hudyat sap ag-uuri ng tao sa lipunan. Mataas ang
tingin sa mga pinunong hari, kasunod nito ang mga mangangalakal,
artisano at mga scribe, at sa huli ang mga magsasaka at alipin. Paglaon ay
natuklasan ang Sistema ng pagsusulat na tinatawag na cuneiform kung
saan ay naitatala ng mga scribe sa mga clay tablet ang mga mahahalagang
pangyayaring nagaganap. Nagkaroon din ng pag-unlad sa kanilang sining at
naitala ang mahalagang tradisyon at epiko tulad ng epiko ng Gilgamesh na
katibayan ng kanilang kabihasnan. Naimbento rin ang teknolohiya sa
pagsasaka tulad ng araro at mga kariton na may gulong at natuklasan din
ang paggawa ng mga palayok at paggamit ng perang pilak. Sumunod ang
paggamit ng lunar calendar at ang decimal system. Ito ay mga patunay na
nagkaroon ng pag-unlad ang kabihasnang Sumer.Subalit sa kabila ng
kanilang kaunlaran na ito, hindi naiwasan na mya mga grupo na nainggit
sa natamo nilang pag-unlad dahilan upang sakupin ang kanilang lupain na
nakapagpabagsak sa kanilang kabihasnan.

Kabihasnang Indus
Bago pa man umunlad ang kabihasnang ito ay may mga pamayanan
nang naitatag noong panahon ng Neolitiko. Ito ay ang pamayanang Mhergah
(3500 BCE) na nasa kanluran ng Ilog Indus. Masasabing sedentaryo at
agricultural ang pamumuhay ng tao dito batay sa mga nahukay na
ebidensiya May dalawang importanteng lungsod na ito na ipinakita sa mga
lansangang nakadisenyong kuwadrado (grid-patterned) at pare-pareho ang
sukatna bloke ng kabahayan. Patunay ito na magaling sa matematika ang
mga nanirahan dito. May isa o higit pa ang banyo o palikuran na
nakakonekta sa sentralisadong Sistema ng tubo at imburnal sa ilalim ng
lupa. Pinapalagay na ang mga Dravidian ang bumuo ng kabihasnang Indus.
Ang mga ito ay sumasamba sa mga hayop at puno.
Pinamunuan ang kabihasnang ito ng mga naghaharing uri sa lipunan
tulad ng mga haring pari. Dahil sa salat sa mga punong kahoy at metal,
pagsasaka ang ikinabuhay ng mga tao dito. Natuto rin silang
makipagkalakalan sa mga karatig lungsod. Pinaniniwalaan na ang mga
mangangalakal na ito ang unang gumamit ng Sistema ng pagsulat ng Indus,
ang pictogram na walang sinumang eksperto ang nakapagpaliwanag nito
kaya nagkaroon ng pagkukulang sa kaalaman tungkol sa kabihasnang
Indus. May mga artifact na nahukay dito dito tulad ng mga laruan at alahas
na palamuti at mga palayok na nagpapakita ng kanilang kasanayan sa
paggawa ng mga bagay na ito. Naging mahiwaga ang paglaho ng
kabihasnang Indus noong 1750 BCE. May paliwanag ang mga iskolar dito.
Ayon sa knila, maaring nagkaroon ng mga kalamidad na naganap o maaring
nagkaroon ng pagsakop sa lugar na pinaniniwalaang mga Aryan. Walang
matibay na ebidensiyang naipakita sa mga paliwanag na ito. Sa paglipas ng
panahon ang kabihasnang ito ay unti-unti ng nawaglit sa alaala at nawala
sa kasaysayan.

Kabihasnang Shang

Ang taunang pagbaha sa ilog ng Huang Ho na kumikitil ng maraming


buhay ay pinaghandaan ng mga tao sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga
halaman na kokontrol sa tubig at ang paglagay ng mga dike. May mga
pamayanang umusbong dito bago pa ang Shang. Ito ang kalinangang
Yangshao (3000 BCE- 1500 BCE) at Lungshan (2500 BCE -2000 BCE ).
Pagtatanim ang pangunahing gawain sa panahong ito. Bagamat mas
permanente ang pamayanang Lungshan, nagkaroon din naman ng
kontribusyon ang pamayanang Yangshao. Isa ang pangunahing gawain ng
Yangshao ay paggawa ng tapayan na nahigitan naman ng Lungshan sa
pamamagitan ng pagtuklas ng potter’s wheel. Masasabi na ang Lungshan
ang transisyon patungo sa panahon ng kabihasnang Shang. May mga
nasulat din na nauna pa sa pamayanang Shang tulad ng dinastiyang Xia
subalit walang sapat na dokumentong nagpapatunay dito. Samantalang sa
Shang may mga labi na nahukay ang mga arkeolohiya na nagpapatunay sa
kabihasnang ito noong 1920. Isa na rito ang oracle bone o butong orakulo
na ginagamit sa panghuhula.. Paniniwala nila na nakakusap nila ang mga
diyos ng kalikasan at mga ninuno gamit pa ang mga butong orakulo.
Ang Shang ay pinamunuan ng mga paring-hari na naging organisado
sap ag-aayos ng kanilang lungsod na napapalibutan ng mga matataas na
pader na naging paghaahnda sa mga madalas na digmaan sa kanilang
lupain. May malinaw na paghahati ng lipunan sa lupain na ito, ang mga
aristukrasya at ang mga mababang uri na nailalarawan sa uri ng kanilang
tirahan. Natuklasan ang sistema ng pagsulat na tinawag na calligraphy na
nagsisilbing taga pag-isa ng Tsino. Bagamat may iab’t ibang wika, nasentro
lamang sa isang sistema ng pagsulat ang mga Tsino at ang mga simbolo ng
butong orakulo ang ginagamit na karakter na unang simbolo ng pagsusulat
nila. Ipinalagay ng mga Tsino na ang kanilang kabihasnang umusbong sa
Huang Ho ang isa sa mga sinaunang kabihasnan at pinakamatandang
nabubuhay na kabihasnan sa daigdig. Ang pananaw nilang ito ay
nagpatuloy tungo sa pagtatag ng mga emperyo.

Gawain 2: Pagtapatin Natin!

Pagtapatin ang Hanay A sa B ayon sa tamang sagot.

A B

1. Bumuo ng kabihasnang Indus. A. Mesopotamia


2. Sistema ng pagsusulat ng Indus. B. Huang Ho
3. Lambak-ilog kung saan umusbong C. Ganges at Indus
ang kabihasnang Indus. D.Calligraphy
4. Mga artifact na nahukay sa lungsod E. Oracle Bone
ng Mohenjo-Daro at Harrapa. F. Cuneiform
5. Templo ng Sumer G. Ziggurat
6. Sistema ng pagsusulat ng Sumer. H. Laruan,alahas
7. Craddle of Civilization at palayok
8. Ginagamit sa panghuhula I. Pictogram
ng mga Tsino J.Dravidian
9.Sistema ng pagsusulat na naimbento
ng kabihasnang Shang.
10. Ilog na naging tagpuan ng kabihasnang
Shang.
Gawain 3: Punan Mo Impormasyon ko!

Punan ang talahanayan tungkol sa naging pagbabago at pag-unlad ng


pamumuhay ng mga kabihasnang umunlad sa Asya.

Lugar na Mga Unang Kabihasnang Uri ng Sistema


Pinagmulan Pamayanang Umunlad Pamumuhay ng
ng Umusbong Pagsulat
Kabihasnan na
Nalinang
Mesopotamia

Indus Valley

China

Pamprosesong mga Tanong

1. Ano ang pagkakatulad ng bawat kabihasnan?


2. Paano hinarap ng bawat kabihasnan ang mga hamon ng
kalikasan?Bakit itinuturing na mahiwaga ang kabihasnang
Indus? Paano ito naglaho?
3. Bakit napakahalaga sa mga Tsino ang Sistema ng
pagsususlat na nalinang ng kabihasnang Shang upang
panatilihin nila ito hanggang sa kasalukuyang panahon?
C. Bumahagi:

Gawain 4: Venn Diagram

Isulat ang mga impormasyon ng bawat kabihasnan .

Indus

Sumer
Pagkakatulad

Shang

D. Gawin Mo!

Gawain 5: Tingnan ang mga salita o pangungusap sa


kahon at isulat ang mga ito ayon sa impormasyon ng isang
kabihasnan.

Scribe ang tawag sa tagapagtala Buto ng Orakulo ay ginagamit sa panghuhula


Lungsod ng Mohenjo-Daro at Harrapa Nagpatayo ng Ziggurat
Naniniwala sa Mandate of Heaven Walang naitalang pinuno
Dravidian ang pinaniniwalaang nanirahan sa lambak ng Indus
Ang pinuno ay kumakatawan bilang tagapamagitan ng tao sa diyos
Calligraphy ang nagsisilbing taga pag-isa sa kanila
SUMER INDUS SHANG

II. Mga Sanggunian

Rosemarie C. Blando, Adelina A. Sebastian, Angelo C. Espiritu, Erna


C. Golveque, August M. Jamora, Regina R. Capua, Armi S. Victor ,
Sandra I. Balgos, Allan F. Del Rosario, at Randy R. Mariano, ASYA:
Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, pahina 112-115.

https://www.google.com/search?
q=oracle+bones&oq=&aqs=chrome.0.69i59i450l7.2572110j0j15&sourc
eid=chrome&ie=UTF-8

https://www.google.com/search?
q=fertile+crescent&sxsrf=ALeKk039wG7Sk3s3wel2C1oUiJLUYhU-
wg:1607586321463&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir=_opYww2YiGsi
uM%252CA6XN5-JyqwqGOM%252C_&vet=1&usg=AI4_-
kQS6Y2Zf8b5fYrYQZabIdrTc-
ZymQ&sa=X&ved=2ahUKEwjHtYvd9cLtAhVaMd4KHQZwDCYQ_h16B
AgSEAE#imgrc=_opYww2YiGsiuM

https://www.google.com/search?
q=mohenjo+daro&tbm=isch&ved=2ahUKEwiEhebe9cLtAhUGhJQKHS
3jDNwQ2-
cCegQIABAA&oq=mohenjo&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgUIABCxAzICCA
AyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADoECCMQJzoHC
AAQsQMQQzoECAAQQzoHCCMQ6gIQJzoGCAAQChAYOggIABCxAxCD
AVDIkQFYvdYBYO_lAWgFcAB4BIAB_QGIAdIZkgEGMC42LjEwmAEAo
AEBqgELZ3dzLXdpei1pbWewAQrAAQE&sclient=img&ei=FdLRX8SmAo
aI0gStxrPgDQ#imgrc=Euhon1yBK1sMrM

9
III. Susi sa
Gawain 2 C. Bumahagi- Gawain 4
Pagtapatin Natin!
Sumer- Ang kabihasnang ito ay umusbong
J. sa Mesopotamia kung saan napapalibutan;
Dravidian ito ng Ilog Tigris at Euprates. Mataba ang
I. lupain dito kaya naman umunlad ang
Pictogram kabihasnang ito dahil hindi sila salat sa
C. pagkain. Naimbento rin nila ang
Ganges at Indus teknolohiya sa paagsasaka tulad ng arao at
mga kariton na may gulong. Malaki ang
H. naging kontribusyon ng mga scribe dahil sa
Laruan, alahas at kanila naitala ang kasaysayan ng Sumer.
palayok Mayroon ding pag-uuri sa lipunan ng
G. Sumer.
Ziggurat
F. Indus- May dalawang mahalagang lungsod
na umusbong dito, ang Harrapa at
Mohenjo-Daro. Planado at organisado ang
lungsod na ito dahil sa sistema ng paggawa
ng mga bahay na kwadrado o grid pattern .
Pagsasaka ang ikinabubuhay ng mga tao
rito.Dahil salat ang lugar na ito sa mga
mineral at bakal. Pinaniniwalaang mga
Dravidian ang bumuo ng kabihasnang ito.
Sumasamba sila sa mga hayop at puno.

Shang- Ang kabihasnang Shang ay


matatagpuan sa China. Ang Huang Ho
River ang naging tagpuan ng kabihasnang
ito. Ang Shang ay pinamumunuan ng
paring-hari na nag oorganisa sa pag-aayos
ng kanilang lungsod. Ang kabihasnang ito
ang pinakamatandang kabihasnang
nanatili.

Pagkakatulad- ang tatlong kabihasnan ay


parehong umusbong sa mga lambak-ilog.
Parehong may pagtatangi sa lipunan.
Naging maunlad dahil sa kanilang mga
naging kontribusyon. Pagsasaka ang
parehong ikinabubuhay ng mga tao.

Pagwawasto

You might also like