You are on page 1of 15

m

ARALING PANLIPUNAN 7
Kwarter 2, LEARNING ACTIVITY SHEET 3
Ang Kultura ng Asyano
Asignatura at Baitang: Araling Panlipunan 7
Activity Sheet Bilang: 3
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon 8 – Sangay ng Samar

Isinasaad ng Batas Republika 8293, Seksyon 176 na “Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan
na maghanda ng Gawain kung itoý pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

This Learning Activity Sheet na ito ay inilimbag upang magamit ng mga


Paaralan sa Rehiyon 8 – Sangay ng Samar

Walang bahagi ng Learning Activity Sheet na ito ang maaaring kopyahin o


ilimbag sa anumang porma nang walang pahintulot sa kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 8 – Sangay ng Samar.
Bumuo sa Pagsulat ng Araling Panlipunan Activity Sheet

Manunulat: Marevyl M. Laquidan


Tagalapat: Jansen Louelle Dabuet, Gibson J. Gayda
Tagasuri: Carina Echaque
Editor: Eloisa R. Zartiga
Tagapamahala:
Carmela R. Tamayo, EdD., CESO V – Schools Division Superintendent
Moises D. Labian Jr. PhD., CESO VI – Asst. Schools Division Superintendent
Antonio F. Caveiro PhD. - Chief Education Supervisor, CID
Eloisa R. Zartiga – EPS – Araling Panlipunan
Josefina F. Dacallos EdD. – PSDS/LRMS Manager-Designate
Zaldy A. Tabugoca - District Head
Zaldy A. Tabugoca - School Head
ARALING PANLIPUNAN 7

Pangalan ng Mag-aaral: ___________________ Baitang: _____ Seksyon: ______


Paaralan: ___________________________________ Petsa:___________

Ang Kulturang Asyano

I. Panimula:

Sa Araling ito ay tatahakin mo ang pang-unawa sa iba’t ibang katangian ng


kultura ng mga Asyano sa bawat bansa. Matututunan mo dito ang mahahalagang
pangyayari sa pagkabuo ng kulturang Asyano at impluwensya nito sa karatig-pook
tungo sa makabagong panahon.

Saklaw rin ng araling ito kung paano hinubog ng kultura ang pamumuhay ng mga
tao sa mundo at ito din ay nababatay higit sa lahat sa kakayahan ng tao na
makipagtulungan kaysa makipag-away.

II. Kasanayang Pampagkatuto:

Natataya ang impluwensiya ng mga kaisipang Asyano sa kalagayang panlipunan at kultura sa


Asya

Mga tiyak na layunin:


a. Nailalarawan ang mga kulturang ginagamit sa Asya
III. Pamamaraan
mamaraan:

A. A. A. Simulan:
Gawain 1: Pagtatapat-tapat
Panuto: Pagtapatin ang mga salita sa kolum A na may kaugnayan sa kolum B,
tukuyin ang kaugnayan nito sa pamamagitan ng pagkonekta ng guhit sa dalawang
kolum.
A. B.
1. Sumer a. Ilog Indus
2. Indus b. Ilog Huang Ho
3. Shang c. Ilog Tigres
4. Mohenjo-Jaro d. China
5. Lungshan e. India

Gawain 3: Libre ang Magtanong:

B. Alamin
Sa palagay mo, ano ang kaibahan ng Kultura ng Asya sa ibang kultura sa
kabihasnan?  At yung masasabi mong mas angat na Kultura ng Asya sa iba? 
Basahin ang mga talata sa ibaba at punan ang mga talahanayan ayon sa
impormasyong hinihingi.

Ang Kultura ng Asyano


Natatangi ang kultura ng Asya. Nagsimula ang kadakilaan at paghanga sa
kulturang Asyano as panahon ng pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig.
Ang kultura ng Asya ay ang kabihasnan ng tao sa Asya. Tinatampok nito ang
iba’t ibang mga uri ng pamanang
pangkultura ng maraming
mga kabansaan, mga lipunan, at
mga pangkat etniko ng rehiyon, na
nakaugaliang tinatawag bilang
isang kontinente magmula sa pananaw
na Kanluranin hinggil sa Asya. Ang
rehiyon o lupalop ay mas
pangkaraniwang hinahati sa mas likas
ng mga kabahaging rehiyon na
pangheograpiya at pangkultura,
kabilang na ang Gitnang
Asya,Silangang Asya, Timog Asya (ang
“subkontinente ng India”), Hilagang
Asya, Kanlurang Asya at Timog
Silangang Asya. Sa heograpiya, ang
Asya ay hindi isang namumukod
tanging kontinente; sa kultura, mayroong kakaunting pagkakaisa at karaniwang
kasaysayan para sa maraming mga kultura at mga tao ng Asya.

Ang sining, musika, at lutuin, pati na panitikan, ay mahahalagang mga bahagi ng


kulturang Asyano. Gumaganap din ng isang pangunahing gampanin
ang pilosopiya at relihiyon, na kinabibilangan
ng Hinduismo, Taoismo, Kompusyanismo,Budismo, Kristiyanismo at Islam; ang lahat ng
mga ito ay may pangunahing mga gampanin. Isa sa pinakamasasalimuot na mga
bahagi ng kultura ng Asya ay ang ugnayan sa pagitan ng mga kulturang nakaugalian at
ang mundo ng Kanluran.
Pag-unlad ng Kultura

Ang katawagang kultura ay


tumutukoy sa pamamaraan ng
pamumuhay ng isang pangkat kung
saan ang mga kasapi ay nasa isang
teritoryo at may pagkakakilanlan.
Kultura rin ang humuhubog kung
paano mamumuhay ang tao sa
mundo at mabibigyan ito ng
kahulugan. Ang pag-unlad ng
kultura ay nababatay higit sa lahat
sa kakayahan ng tao na makipagtulungan kaysa makipag-away. Apat na daang libong
taon na ang nakakaraan nang ang tinatawag na Homo Sapiens ay natutong magtipon,
magtago at mag-imbak ng pagkain. Sa pagtuklas ng apoy, ang tao ay natutong magluto
ng pagkain at gamitin para sa pagpapainit ng kanilang katawan. Ang malawakang
paghahanap ng pagkain ay nalinang sa pamamagitan ng paghulog sa matatarik na
lugar o paglalagay ng bitag para sa mga hayop at pagkain sa mga labi nito.

Kulturang Pangkabuhayan o Pang-ekonomiya ng Tao

Pagtitipon at Paghahanap

Hanggang 10,000 taon, lahat ng kultura kasama na ang sa Asya, ay namuhay sa


pamamagitan ng pagtitipon at paghahanap.

Nomadic Pastoralism.

Itinuturing ni E.H. Minns, isang kilalang iskolar, ang nomadism bilang isang
mahalagang paraan ng pamumuhay, kumakatawan sa isang mabisang paraan ng
paggamit ng ilang kapaligiran na kung saan
mahirap ang tubig para sumuporta sa isang
permanenteng pambukid na populasyon.

Pag-unlad ng Agrikultura
Natuto ang tao na magbungkal, mag-araro at magpatubig ng lupa na nagbigay
sa kanya ng maaasahang pantustos ng pagkain. Ang mga kalabisang pagkain ay
nagbibigay daan para sa pakikipagkalakal at pagtatayo ng mga pang-imbak na
kagamitan. Ang isang sistema ng pagtatala at pagbibilang upang mapangalagaan ang
pag-aari ay nalinang.

Katangian ng Pamilya at Lipunang Asyano

Ang pamilya ay pinagbigkis ng pagmamahal at


pagkalinga sa bawat isa. Kilala ang mga Asyano
sa pagpapahalaga at paggalang sa mga
nakatatanda. Ito ay ipinakikita sa pagsunod,
pagbibigay galang, paggamit ng po at opo ng
mga Tagalog sa pakikipag-usap at pagyukod
naman ng mga Hapones.

Mga Kaugalian, Paniniwala at Pagpapahalaga ng Pamilyang Asyano

Ang sakramento ng kasal ang simula ng buhay-pamilyang Asyano. Sa Timog


India, ang isang babae ay maaaring maging asawa ng magkapatid na lalaki (polyandry)
dahil sa kakulangan sa pagkain. Karaniwan naman ang pag-aasawa ng isang lalaki sa
maraming babae (polygamy) tulad ng harem sa India at mga Muslim. Sa mga Kristiyano
at Buddhista, monogamy ang sistema ng pag-aasawa. Sa Tsina, India at Israel, maliit
pa ang mga bata ay pinagkakasundo na
ng mga magulang at ang diborsyo ay
pinapayagan din. Sa mga Muslim, ang
hindi pagsipot ng lalaki sa loob ng
dalawang taon ay maaring maging
batayan ng diborsyo. Palagiang
kabutihan ng pamilya at anumang
bagay na makasisira rito ay hindi pinahihintulutan. Inaasahan sa
bawat kasapi ng pamilya ang pagkilala at paggalang sa pamahalaan at kumunidad.
Monogamy Polygamy Polyandry

Sistemang Pulitikal ng Asya

Ang tatlong pangunahing katangian ng mabuting pamahalaan ayon sa Aral ni


Confucius ng Tsina ay tiwala ng tao sa namumuno, sapat na pagkain at sapat na
armas.

Sa India, itinatag ni Asoka ng Imperyong Maurya ang isang sentral na burukrasya,


isang sistemang sentral na pagbubuwis sa ilalim ng pilosopiyang Estadong Dharma
(State Dharma) na binigyang-diin ang tungkuling moral at panlipunan ng mga pinuno
para sa kapakanan ng kanilang nasasakupan.

Uri ng Pamahalaan sa Asya noon

a. Imperyo- pinamunuan at nakasentro ang kapangyarihan sa isang emperador na


umusbong sa Kanluran at Timog Asya.
b. Dinastiya- pamumuno ng isang angkan sa isang imperyo o kaharian sa loob ng
mahabang panahon na umusbong sa Silangan at Hilagang Asya.
c. Kaharian- pinamumunuan ng isang hari na umusbong sa bahagi ng Timog-
Silangang Asya.

Edukasyon sa Asya

Habang lumalawak at umuunlad ang lipunan, lalong bumibigat ang bahaging


ginagampanan ng pamilya at lalong tumatagal ang proseso ng edukasyon. Higit ang
pangangailangan sa paglinang ng pagkakaisa, pagkakaunawaan at pagpapahalaga
upang magpatuloy ang maayos na buhay sa lipunan. Ang edukasyon noong unang
panahon ay impormal na ginagampanan ng pamilya; ang gawaing pambahay, ang mga
kasanayan sa paghahanapbuhay, mga kaugalian at gawi. Ang mga bagay na espiritwal
ay pinamamahalaan ng mga pari. Nagsimula ang edukasyong pormal nang maimbento
ang pagbasa at pagsulat gayundin ang paglilimbag na
nagpasimula ng paggawa ng mga aklat. Ang Diamong
Sutra ang itinuturing na kauna-unang aklat na
nalimbag.

Wika

Mahalagang sangkap ng isang pangkat ang


wika. Naipapahayag ng mga tao ang kanilang kaisipan,
karanasan, mithiin, paniniwala, kaugalian at pagpapahalaga.
Ang mga nabuong kaisipan ng mga tao ay naging bahagi ng
kanilang kultura sa pagdaan ng panahon.

Isa sa mga kontribusyon ng Tsina sa kabihasnan ay


ang kanyang wika na ginagamit ng mahigit sa isang kapat na
bahagi ng mundo, ang wikang ito ay walang alpabeto, walang bahagi ng pananalita, at
walang pagbabaybay. Maraming salitang makikita sa salita ng mga taga-Timog-
Silangang Asya. Ang wikang ito ay binubuo ng mga salitang may isang pantig.
Marami sa kanilang salita ang magkakatunog. Dahil sa wala silang alpabeto,
gumagamit sila ng iba’t ibang karakter para sa bawat salita.

Panitikan

Marami nang nagawang panitikan sa Asya, ilan dito ay ang mga sinulat ni
Confucius, panitikang Vedic ng India at nobelang Gengi Monogatari ng Hapon.
Makikita sa mga panitikan sa Timog-Silangang Asya ang impluwensiya ng panitikang
Indian sa mga kuwentong naging huwaran ang Ramayana at Mahabharata. Samantala,
ang mga kuwento mula sa panitikang Arabik ay laganap sa mga bansang dinayo o
karatig ng mga bansang Arabe. Maging sa makabagong panahong ito, ang kuwentong
Arabian Nights ay naisalin na sa mga wikang dayuhan. Ang Tsina ay nagkaroon ng
panitikang maaaring ihambing sa panitikan ng Greko-Romano at iba pang kabihasnan.
Noong panahon ng Imperyong T’ang, nakilala ang dalawang tanyag na makata, sina Li
Po at Tu Fu. Si Li Po ay sumulat ng mga tula tungkol sa pag-ibig, pag-iisa, pagdaan ng
panahon, at ligaya ng kalikasan. Si Tu Fu naman, isang tagahanga ni Li Po, ay sumulat
tungkol sa pakikidigma. Ang isa pang kilalang makatang Tsino ay si Li Yuan. Ang
panitikan ng India ay nasusulat sa dalampung pangunahing wika ng India. Ngunit ang
klasiko sa kanyang mga panitikan ay nasusulat sa Sanskrit, ang klasikong wika ng
India.

Musika

Ang tradisyunal na musika sa mga bansang Asyano ay binuo sa pamamagitan


ng sama-samang ideya ng pangkalawakan (cosmic), pilosopiya, at agham. Isang
halimbawa ay ang basic scale ng matandang Tsina. Ito ay binuo sa pamamagitan ng
ritmo na nagbigay ng isang batayang nota. Ang katumbas nito ay ang kaisipang
kalipunan ng kalawakan ng mga Tsino.

Sining

Ang palarawang sining ay umiinog sa relihiyon. Ang paglalarawan ay hindi


nakatuon sa makatotohanang larawan ng mga bagay o makamundong daigdig, kundi
sa ispiritwal na daigdig. Ang maka-Asyanong sining ay higit na nagbibigay-halaga sa
simbolong maaaring kumatawan sa paksang inilalarawan. Ang mga paksa ng
palarawang sining ay isang diyos-diyosan, hayop, o bulaklak. Hindi kailanman naging
interesado ang mga artistang Asyano sa pigura ng tao. Naniniwala ang isang artistang
Asyano na hindi sentro ng sansinukob ang tao. Ang tao raw ay isa lamang
panandaliang tahanan ng kaluluwa sa paglalakbay nito patungong kabanalan.

Arkitektura

Ang arkitekturang Tsina ay pinaunlad noon pang sinaunang panahon. Maraming


ginawang mga gusali, ngunit ang pinakamaganda ay ang mga Buddhistang templo at
ang mga pagoda. Ang arkitekturang Indian naman ay makikita sa Myanmar, Indonesia,
Cambodia, Nepal, Pakistan, Sri Lanka at Thailand. Ang tanda ng arkitekturang Indian
ay ang mga stupa ng mga templong Buddhista. Ang stupa na gawa sa laryo o bato ay
mga bilugang umbok na may tulis ng tore o payong. Dito inilalagay ang mga sagrado at
panrelihiyong relikya. Ang mga obra maestro ng arkitektura Indian ay ang templo ng
Borobudur sa Java at ang Angkor Wat sa Cambodia. Ang arkitekturang Islamik ay
tinatawag ding arkitekturang Muslim. Ang arkitekturang ito ay makikita sa mga bansa sa
Timog-Kanluran at Timog Asya.
Ang isang uri ng arkitekturang Islamik ay ang masjid o moske, naglalarawan ng
mga istrukturang may minbar o pulpito at mihrab o nitso na may madetalyeng disenyo
at nagtuturo sa direksiyon ng Mecca, ang banal na lungsod ng mga Muslim. Ang masjid
ay napapalamutian ng marmol, mosaic at gawang kahoy.

Agham at Teknolohiya

Maraming imbensiyong Asyano ang nagsilbing huwaran upang gamitin sa


industriya ng ibang mga bansa. Ang bansang Tsina ang nagbigay sa daigdig ng unang
papel, brutsa, tinta, kompas, pulbura, kanyon, at kaalaman sa paglilimbag. Tinuklas
noong ikatlong dantaon ang magnetic compass na ginagamit ngayon sa sasakyang
pandagat. Ang pulbura ay ginamit sa Tsina noong 200 BC bilang paputok tuwing pista
at pamuksa sa mga kaaway sa digmaan. Ang mga salitang algebra at chemistry ay
mga ebidensiya ng mga impluwensiyang Islam sa larangan ng agham at isinanib ang
kaalamang algebra sa geometry ng Griyego upang mabuo ang agham ng trigonometry.
Sa pagtuklas ng mga Muslim ng Agham ng chemistry natuklasn ang paggawa ng
alcohol at sulfuric acid

Gawain 4: FIT ME IN!


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat panungusap at isulat ang titik:

H. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Heograpiya;


E. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Ekonomiya;
L. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Lipunan;
P. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Pulitika at
Ed. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Edukasyon
SA. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Sining at Arkitektura
WP. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Wika at Panitikan

______1. Sa loob ng mahabang panahon ang Tsina ang itinuring na isa sa pinakamalaking
bansa sa daigdig na may impluwensyang umabot sa Dagat Tsina, Gitnang Asya, Vietnam,
Korea at bansang Hapon.
______2. Ang pamilyang Asyano ay mabilis na lumalaki dahil sa pagbibigay halaga sa angkan
na nagpapakita ng paggalang at pagkakaisa sa bawat kasapi nito.
______3. Sa bawat pang-angat ng isang imperyo o dinastiya ay kasabay ang pagsikat ng isang
matatag at matapang na pinunong handang magpatupad ng mga pagbabago sa pamamahala.
______4. Pagsasaka ang pangunahing hanapbuhay ng mga Asyano.

______5. Dinastiya ang uri ng pamahalaang umiral sa Tsina sa mahabang panahon.

______6. Ang pag-unlad ng agrikultura ay nagbigay daan para sa pakikipagkalakan.

______7. Ang magagandang templo ay patunay ng pagiging malikhain ng mga Asyano.

______8. Ang pamilya ay karaniwang binubuo ng magulang at mga anak na pinagbigkis ng


pagkakaisa, paggalang at pagkakaunawaan.
______9. Ang mga magulang ang siyang naging unang guro ng kanilang mga anak maging
noong unang panahon.
______10. Ang mga tulang isinulat ni Li Po ay kadalasan tungkol sa pag-ibig.

C. Bumahagi

Panuto: (TAMA O MALI) Basahin ng mabuti ang mga pangungusap. Isulat ang T kung
tama at M kung mali ang nakasaad sa pangungusap.
_______ 1. Ang kultura ay tumutukoy sa pamamaraan ng pamumuhay ng isang
pangkat ng mga tao sa isang tiyak na teritoryo na may pagkakakilanlan.
_______ 2. Sa pagkatuklas ng apoy, natutong magluto ng pagkain ang mga unang
tao.
_______ 3. Ang wika ang itinuturing na mahalagang sangkap sa pagpapalaganap
ng kaisipan, karanasan, mithiin, paniniwala, kaugalian at pagpapahalaga.
_______ 4. Ang palarawang sining ng mga Asyano ay kilala sa pagsasalarawan ng
mga makamundong bagay tulad ng damit at pagkain.
_______ 5. Ang pagmamahal ay isang sakramento o seremonya sa pamilyang
Asyano na batayan sa pagsisimula o paglaki ng pamilya.
Tama o Mali
Panuto: Suriin kung ang mga sumusunod na mga pahayag ay nagpapakita ng
mga bahaging ginagampanan ng mga pananaw, paniniwala, at tradisyon sa
paghubog ng kasaysayan ng mga Asyano. Isulat ang Tama kung ito ay
nagpapakita ng mga bahaging ginagampan at Mali naman kung hindi. Isulat
ang tamang sagot sa patlang.
_____1. Naimpluwensiyahan ng mga pilosopiya ang aspekto ng pamumuhay
ng tao tulad ng pag-uugali, lipunan, edukasyon, at kaayusan sa lipunan.
_____2. Naging daan ang mga pananaw at mga paniniwala ng mga ito upang
masira ang mga ugnayan ng mga Asyano sa isa’t-isa.
_____3. Nabigyan ng koneksyon at kahalagahan ang lahat ng mga bagay sa
mundo.
_____4. Pinatitibay ng mga ito ang paniniwala sa maykapal at ang
reinkarnasyon.
_____5. Nagpapahina ng paniniwala ng isang bansa kaya hindi
nagkakaunawaan ang mga Asyano na humantong sa isang kaguluhan.
Tama o Mali
Panuto: Basahin nang mabuti ang mga sumusunod at isulat ang Tama kung
ang pahayag ay nagpapakita ng pagpapahalaga tungkol sa mga naging
kontribusyon ng mga sinaunang Asyano at Mali naman kung hindi.
____1. Ingatan ito at linisan palagi para hindi masira at maipreserb pa.
____ 2. Ilagay at itago ang mga naging kontribusyon ng mga sinaunang Asyano
sa isang siradong lugar upang ito’y hindi magamit ninuman.
____ 3. Sa larangan ng panitikan, bigyan ng importansya ang mga ambag sa
pamamagitan ng pagbabahagi nito sa iba upang maging isang
magandang halimbawa para sa sunod pa na mga henerasyon.
____ 4. Itapon ang mga ito sa basurahan dahil ito ay hindi na naaayon sa
makabagong pamumuhay ng mga Asyano.
____ 5. Ipagmalaki ang mga ito sa pamamagitan ng paggamit bilang gabay sa
pamumuhay ng mga Asyano.
https://www.google.com/search?q=Pamumuhay+ng+mga+Sinaunang+Asyano&sxsrf=ALeKk01QR8s0-
kg80grll-0woTvUTvhi0w:1607924131817&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwjThs-
V4MztAhWiUN4KHQWPCnsQ_AUoAXoECA4QAw&biw=1366&bih=657#imgrc=Nv1fGBztemgOYM&imgdi
i=55fE3xNn7_ve1M

https://www.google.com/search?q=Pamumuhay+ng+mga+Sinaunang+Asyano&sxsrf=ALeKk01QR8s0-
kg80grll-0woTvUTvhi0w:1607924131817&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwjThs-
V4MztAhWiUN4KHQWPCnsQ_AUoAXoECA4QAw&biw=1366&bih=657#imgrc=55fE3xNn7_ve1M&imgdii
=7PYuvgc_z34LCM

https://www.google.com/search?q=pag-
unlad+ng+kultura+ng+sinaunang+tao&tbm=isch&ved=2ahUKEwjcnrmX4MztAhVMfpQKHdOPBacQ2-
cCegQIABAA&oq=Pag-
unlad+ng+kultura&gs_lcp=CgNpbWcQARgEMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAAyBAgAEB4yBAgAEB4yBAgA
EB4yBAgAEB4yBAgAEB46BAgAEEM6BwgAELEDEENQo-
ohWMWeImCVvyJoBHAAeACAAawHiAHcSZIBDTAuMS4zLjEuOS40LjKYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ8
ABAQ&sclient=img&ei=p_nWX5yvJ8z80QTTn5a4Cg&bih=657&biw=1366#imgrc=yM_szR2HAfs5fM

https://www.google.com/search?q=pag-
unlad+ng+agrikultura+ng+sinaunang+tao&tbm=isch&ved=2ahUKEwi0gKuTxs3tAhVJ-pQKHb3qC9kQ2-
cCegQIABAA&oq=pag-
unlad+ng+agrikultura+ng+sinaunang+tao&gs_lcp=CgNpbWcQAzoGCAAQBxAeOggIABAHEAUQHjoICAAQ
CBAHEB5QuYQHWOuqB2CmsAdoAHAAeACAAcYEiAH3L5IBCTItOC40LjMuM5gBAKABAaoBC2d3cy13aXot
aW1nwAEB&sclient=img&ei=k2TXX_TqGsn00wS91a_IDQ&bih=657&biw=1366#imgrc=VeihrHMymD8eS
M&imgdii=mH9IOCybeE-FkM

https://www.google.com/search?
q=pamilya+larawan+ng+sinaunang+pilipino&tbm=isch&ved=2ahUKEwi-7oSLx83tAhV0JqYKHcoQCswQ2-
cCegQIABAA&oq=pamilya+ng+sinaunang+pilipino+larawan&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgYIABAIEB46Agg
AOgQIABAeUPGfA1izhgRg-
IgEaAFwAHgAgAGsBIgBvSuSAQkyLTYuNy4wLjOYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ8ABAQ&sclient=img&ei
=jmXXX77vHPTMmAXKoajgDA&bih=657&biw=1366#imgrc=IOiLCvvfM2diWM

You might also like