You are on page 1of 8

Kultura

Bawat indibidwal ay may natatanging katangian at kaugalian na ikinaiba niya sa ibang indibidwal.
May sarili siyang gawi at kaparaanan para mabuhay niya ang kanyang sarili. Natututo siyang
makisalamuha sa iba gamit ang kanyang wika at sariling paraan ng pakikitungo sa iba. Kultura ang
nagpapakilala sa kanya bilang tao upang mabuhay sa mundong ibabaw. Ang lahat ay tungkol sa
paniniwala at bawat kilos niya ay kultura.

Mula sa pagkasilang ng isang indibidwal ay kasapi na siya sa kompilikadong sosyal na grupo. Ang
pakikipamuhay niya sa lipunang ito ay isang mahalagang pangangailangan para makamit ang mga
pangarap niya sa buhay. Kasangkot na siya sa lipunan ng kanyang pamilya, sa daigdig ng kanyang
mga kalaro, at sa malawak na tatahakin ng buhay kasama ang kanyang mga kapitbahay. Sa kanyang
paglaki, kasali na rin siya sa lipunan ng kanyang mga kaeskwela, kasamahan sa trabaho at sa
banyagang kultura kung ang kapalaran ay magdala sa kanya sa ibang bansa. Para sa mapayapang
sosyal na interaksyon, kailangang alam niya at maunawaan ang kultura ng iba. May isang kasabihan
sa Ingles, “It’s because we are so different from each other that we have so much to share.”

m
er as
Ang pagbabahaginan ng kultura ay kaalaman sa pagkilala sa pamamaraan ng pamumuhay ng bawat
isa. Ang pag-unawa nito ay malaking factor para sa mapayapang pagsasamahan sa kahit anong

co
eH w
lipunan. Ito ang layunin ng mga susunod pang bahagi ng aklat na ito.

o.
ARALIN 1: ANG KULTURANG PILIPINO
rs e
ou urc
1.1 KAHULUGAN NG KULTURA

Ang salitang kultura ay may katumbas na salitang “kalinangan” na may salitang ugat na linang
o

(cultivate) at linangin (to develop/to cultivate). Kaya ang kalinangan o kultura ay siyang
aC s

lumilinang at humuhubog sa pag-iisip, pag-uugali, at gawain ng tao (Tembreza,2008).


vi y re

Kung ang kultura ay ang kabuuan ng isip, damdamin, gawi, kaalaman at karanasang nagtatakda ng
angking kakayahan ng isang kalipunan ng tao, ang wikang hindi lamang daluyan kundi higit pa rito
ay tagapagpahayag at impukan-kuhanan ng alinmang kultura (Salazar, Zeus A.) mula sa aklat ni
ed d

Pamela Constantino (1996). Dagdag pa ni Salazar na walang kulturang hindi dala ng isang wika bilang
ar stu

saligan at kaluluwa na siyang bumubuo, humuhubog, at nagbibigay-diwa sa kulturang ito.

Alinmang wika ay ekspresyon ng isang grupo ng tao, maliit man o malaki na may sarili at likas na
katangian. Wika ang ekspresyong kakikilanlan ng isang kultura sapagkat ito ang nagbibigay-anyo rito
is

at siyang nagtatakda ng pagkakaiba at sariling uri nito at ang kanyang pagkakaiba sa ibang kultura
Th

sa daigdig ng mga kaisahang pangkultura. Ano ngayon ang kultura?

Sang-ayon kay Edward Burnett Tylor, Ama ng Antropolohiya, ang kultura ay isang kabuuang
kompleks na may malawak na saklaw sapagkat kabilang dito ang kaalaman, paniniwala, sining,
sh

moral/valyu, kaugalian ng tao bilang miyembro ng isang lipunan. Hindi lamang sining at musika ang
kultura ayon sa paniniwala ng iba ngunit ito ay naglalaman ng mga valyu at alituntunin sa lugar na
tinitirhan ng ating mga ideya na mabubuti o masasama, ng ating wika, relihiyon, at iba pa. Sa madaling
salita, ang kultura ay matututuhan ng tao bilang miyembro ng isang lipunan. Ito ay tumutukoy sa
lahat na natutuhan ng isang indibidwal sa lipunang kinabibilangan.

This study source was downloaded by 100000817544169 from CourseHero.com on 10-05-2021 11:38:05 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/86255629/Ang-Kulturapdf/
Malalaman na may kakaibang kultura ang ibang tao sa pamamagitan ng pagmamasid at pag-unawa
sa kanilang pananalita, kilos, at damdamin.

Halimbawa sa pagkain; ang mga Intsik ay ayaw ng gatas ngunit ang mga Amerikano ay gusto ng gatas
dahil ang gatas para sa Amerikano ay perfektong pagkain mula sa kalikasan. Sa pag-aasawa naman –
sa mga Kristiyanong Pilipino, iisang asawa lamang ang nararapat para sa bana ngunit sa mga Muslim
ay pupwede ang maraming asawa. Sa ibang mga bansa naman ay tanggap ang pagkakaroon ng
maraming bana.

Si Leslie A. White ay nagsabing ang kultura ay isang organisasyong penomena na sumasaklaw sa


aksyon (paraan ng pag-uugali) bagay (kagamitan) at iba pang mga kasangkapan, ideya (paniniwala
at kaalaman),at sentiment (karakter/ kilos at valyu). Ibig sabihin, ang kultura ay ang kabuuang
paraan ng pamumuhay na sinusunod ng mga tao at binubuo ng lahat ng natututunan at naibabahagi
ng tao sa isang komunidad.

Ayon din sa mga antropolohista, ang kultura ay lahat ng natututuhang beheybyur at resulta kung
papaano pinahahalagahan ng tao ang mga natutuhan niya na tinatawag na cognitions – ang

m
er as
pagkaalam sa lahat ng bagay na nagbibigay-patnubay sa tao sa pagkilala niya sa kapaligiran at sa
ibang tao. Halimbawa, ang isang punong-kahoy ay likas na yaman ng bansa na nagbibigay lilim o

co
eH w
maaaring gawing gusali/bahay, gamit ng bahay (aparador, upuan at iba pa), ngunit sa mga Tiruray
sa Cotabato at Negrito sa Zambales ito ay isang buhay na bagay na may ispiritu at kinikilala nilang

o.
nagbibigay ng lahat ng kanilang pangangailangan na parang Diyos ang mga ito. Ang kaibahang ito ay
rs e
sa paniniwala/prinsipyo sa isang bagay dahil sa kulturang nakagisnan nila.
ou urc
Mula naman sa aklat ni Donna M. Gallnick, et al. (2009), ang kultura ay ginagamit para sa maayos na
paraan ng may kapangyarihan at mga makapangyarihang tao, dahil ang mga taong may kaalaman sa
o

kasaysayan, literatura, at sa sining ang siya lamang may kultura ayon sa unang paniniwala. Ang
paniniwalang ito ay binatikos ng ilang mga antropolohista.
aC s
vi y re

Ang kultura ay nagpapakilala kung sino at ano tayo. Ito ang umiimpluwensiya sa ating kaalaman,
paniniwala, at valyu. Ito ang nagbibigay-kahulugan at nagdedetermina sa paraan ng ating pag-iisip,
damdamin, at pag-uugali.
ed d

Ayon sa sumusunod, ito ang kahulugan ng kultura:


ar stu

1. Hudson (1980). Ang kultura ay socially achieved knowledge. Nakukuha ang kultura sa mga
kasamahan na nasa paligid lamang. Mula sa pagkabata, may mga kulturang nakuha mula sa
is

mga magulang, kapatid , mga kalaro o mga kapitbahay. Paglaki ng isang tao, may may
kulturang natutunan niya mula sa kanyang kagrupo, mga kaeskwela, kasamahan sa opisina
Th

mga barkada, at mga kaibigan.


2. Ward Goodenough. Ang kultura ay patterns of behavior (way of life) and patterns for
behavior (designed for that life). May kulturang ginagawa o sinusunod dahil iyon ang
kinasanayan o kinagisnan ng isang grupo o pangkat. Maaaring mga kaugalian o ikinikilos ng
sh

mga grupo ng tao na ginagawa o pinaniniwalaan nila dahil sa iyon lamang ang dapat sa grupo
nila. Halimbawa nito ay, sila ay mga magingisda dahil sa kapaligiran o sila ay naninirahan sa
malapit sa dagat, mga magsasaka sila dahil nakatira sila sa kapatagan na puro sakahan ang
makikita, ang mga Badjao ay naging tagakuha ng perlas o hiyang sa pagtulog at mamuhay sa
karagatan dahil ang kapaligiran nila ay puro dagat.

This study source was downloaded by 100000817544169 from CourseHero.com on 10-05-2021 11:38:05 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/86255629/Ang-Kulturapdf/
3. Tembreza (2008). Ang kultura ay kabuuan ng mga natamong gawain, mga natutunang
huwaran ng pag-uugali at mga paraan ng pamumuhay sa isang takdang panahon ng isang lahi
o mga tao. Ang lahat ng nakuhang gawain, mabuti o masama mang pag-uugali mula sa
kinagisnan ay kultura. Ang paraan ng pamumuhay na kultura rin ay maaaring magbabago
depende sa panahon ng isang lahi. Kaya maihahambing nang malinaw ang maraming
kaibahan sa kultura noon at ngayon. Ang ebolusyon ng kultura sa iba’t ibang siklo ng buhay
ay nagpapakita ng maraming pagbabago.

ARALIN 2

2.1 KATANGIAN NG KULTURA

1. Natutunan (learned). Ang tao ay isinilang at inalagaan ng mga magulang at kung paano siya
inaalagaan, pinakakain, pinaliliguan, dinadamitan, atbp. ay isang proseso ng kulturang
natutuhang nagsimula sa pagkatuto sa kultura ng pamilyang kinabibilangan niya. Ang
prosesong ito ay magpapatuloy sa buong buhay sa pakikihalubilo ng tao sa kultura ng

m
kanyang pamilya at sa ibang kultura.

er as
co
May dalawang proseso ng pag-inter-ak o pakikihalubilo ng tao sa isang lipunan; ang

eH w
enculturation at socialization. Ang enculturation ay isang proseso ng pagkuha ng mga
katangian ng ibang kultura at maging bahagi siya ng kulturang iyon. Karaniwan ding mas

o.
magaling pa siya sa wika, gawi, paniniwala at kaalaman ng kulturang napasukan niya kaysa
rs e
dati nang miyembro ng nasabing kultura. Ang socialization naman ay ang pangkalahatang
ou urc
proseso sa pagkilala sa mga sosyal at istandard na kultura. Makikilala kung sino ang may mga
panlipunang tungkulin tulad ng ina/ama, asawa/bana, estudyante, kabataan, mga titser,
banker, policeman/military men, custodians, at iba pa.
o
aC s

Ang enculturation at socialization ang proseso na nagsisimula pa pagkaanak ng isang titser,


vi y re

kapitbahay, at iba pang tao sa lipunan na kanyang nakahalubilo. Ang mga tagapagturo niya
ay maaaring walang kamalayan sa prosesong nangyayari ngunit makikitang nagbibigay sila
ng pabuya sa mabubuti at katanggap-tanggap na ugaling nakikita nila. Natututo ang tao kung
paano mamuhay nang mabuti sa pamamagitan ng pag-obserba at pakisalamuha sa kultura at
ed d

lipunang kanyang kinagisnan.


ar stu

2. Ibinabahagi (shared). Ang ibinabahagi ng kultura ay nagbubuklod sa mga tao bilang isang
pagkakilanlan ng kanilang pangkat. Sa ganitong paraan ay natututo ang tao para mamuhay
nang maunlad at may alam para maipagpatuloy ang mahusay at matiwasay na
is

pakikisalamuha niya sa kanyang kapuwa.


Th

3. Naaadap (adapted). Ang kultura ay nag-aakomodeyt ng kapaligirang nagkokondisyon sa isang tao


sa likas o teknolohikal na resorses. Halimbawa, ang mga Eskimo ay nakatira sa isang napakalamig,
may snow, at yelong lugar. Sila ay nabubuhay nang normal sa ganitong kalamigan ng kapaligiran
sh

samantalang ang ganitong sitwasyon ay imposible sa mga Pilipino na sanay naman sa mainit at
katamtamang lamig ng panahon. Ang kulturang urban ay iba naman sa rural dahil din sa resorses na
nasa kapaligiran nila. Ang kultura ng isang depres na lugar ay iba sa kultura ng may kapangyarihan
at mayayamang lugar. Kaya ang isang sanay na sa buhay-mayaman ay nahihirapan sa buhay-mahirap
at ang isang sanay na sa buhay-mahirap ay nakikilala talaga kahit pa punuin ang katawan niya ng
maraming alahas.

This study source was downloaded by 100000817544169 from CourseHero.com on 10-05-2021 11:38:05 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/86255629/Ang-Kulturapdf/
4. Dinamiko (dynamic). Ang kultura ay dinamikong sistema kaya patuloy na nagbabago. Tulad ng
wika, may mga kulturang mabilis ang pagbabago at mayroon din namang hindi nagbabago o mabagal
ang pagbabago. Ang mga pagbabagong ito ay makikita sa istilo ng pananalita, istilo ng buhok/gupit,
atbp. Ang teknolohiya ay nakapagdudulot ng malaking pagbabago sa kultura. Ang halimbawa nito ay
ang pag-unlad sa komunikasyon dahil sa celfon, kompyuter, at iba pang kagamitan.

2.2 MANIFESTASYON NG KULTURA

Naipakikita ang kultura sa maraming paraan sa pamamagitan ng panlipunang institusyon, karanasan


sa pamumuhay, at ang katuparan ng indibidwal sa sikolohikal at beysik na pangangailangan niya. Sa
araw-araw na pamumuhay, nasisinag ang ilang manifestasyon ng kultura sa mga sumusunod:

1. Valyu. Tumutukoy ito sa kung ano ang karapat-dapat at nakabubuting ugaliin. Ito’y
naiimpluwensiyahan ng prestige (kapangyarihan), istatus, garbo, katapatan sa pamilya, pag-ibig sa
bayan, paniniwalang panrelihiyon, at karangalan. Ang status symbol ay magkakaiba sa iba’t ibang
kultura. Halimbawa, sa Amerika, ang pagkakaroon ng maraming kapritso/props sa sarili at materyal

m
na pag-aari ay iginagalang. Ang moralidad at imoralidad, ang pagbibigay ng kaparusahan at

er as
gantimpala, ang pagkakaroon ng mataas na pinag-aralan ay madedetermina sa sistema ng

co
pagbibigay-kahalagahan sa valyu ng isang kultura. Sa sulat na ipinadala ni Dr. Jose Rizal sa kanyang

eH w
nakababatang kapatid na si Trinidad (March 1, 1888) inilarawan niya ang mga aleman na ganito,
kung ikaw ay nasa isang pagtitipon kailangan kang magpakilala ng sarili lalo na sa nagdaraos mismo

o.
ng pagtitipon dahil para sa kanila hindi magandang ugali sa isang bisita ang manahimik at maghintay
rs e
sa iba para magpakilala sa kanya. Ang mga babaeng Aleman ay hindi partikular sa magagandang
ou urc
damit o kasuotan at mga palamuti o mamahaling alahas, ngunit partikular sila sa edukasyon.

Ang pagmamano ng kamay ng mga Pilipino sa mga nakatatanda sa kanila lalo na sa kanilang mga
o

magulang ay palatandaan ng paggalang na hindi nakikita sa mga banyagang kultura. Ang pagsasabi
aC s

ng “po” ng mga Tagalog at “manang” o “manong” ng mga Visayan at Ilokano ay isang kahanga-
vi y re

hangang valyu na tanda pa rin ng paggalang.

Di-verbal na Komunikasyon. Ang kahulugan ng aksyon at ekspresyon ay naglalarawan ng


konteksto ng kultura. Ang pakikipagkamay, pagsaludo, o paghalik sa bibig sa harapan ng maraming
ed d

tao na walang kiyeme ay nagpapakita ng pagkakaiba sa kultura. Ang kultura ay madedetermina rin
sa paraan ng paglakad, pag-upo, pagkilos, at maging sa pagsayaw. Tandaang may mga kilos at galaw
ar stu

na maaaring nakasanayan na ngunit maaari rin namang hindi katanggap-tanggap sa iba lalo na sa
ibang kultura.
is

2.3 KOMPONENTS NG KULTURA


Th

1. Materyal na Kultura. Mga bagay itong nilikha at ginagamit ng tao. Ito ay mga materyal na
objek na nagawa at ginagamit ng tao mula sa pinakapayak tulad ng mga kasangkapan,
muwebles, at pananamit hanggang sa malalaking bagay tulad ng arkitektural na disenyo, mga
sh

kotse, makina at iba pa. Halimbawa, ang brass pot ay ginagamit sa pagluluto sa ibang kultura,
samantalang ito ay pangdekorasyon lamang sa ibang kultura. Ang kompyuter ay isang
mahalagang kagamitan sa kultura natin ngayon, ngunit sa ibang kultura naman, ito ay walang
kabuluhang bagay. Kaya, ang kamalayan natin sa mga bagay-bagay lalo na sa uri at gamit nito
ay nagdudulot sa atin ng malawak na pag-unawa sa kultura at lipunan ng ibang grupo.
2. Di-materyal na Kultura. Binubuo ito ng mga norm, valyu, paniniwala, at wika.

This study source was downloaded by 100000817544169 from CourseHero.com on 10-05-2021 11:38:05 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/86255629/Ang-Kulturapdf/
a. Norms. Tumutukoy ito sa pag-uugaling karaniwan at pamantayan. Tinatawag
ng mga sosyolohista ang norm na kumakatawan sa kung ano ang aktuwal na
ginagawa o ikinikilos ng isang tao na ideyal at estandard na inaasahang
uugaliin niya sa isang partikular na sitwasyon. Halimbawa, ang ideal norm
para sa mga naninigarilyo sa mga pampasaherong sasakyan ay Smoking is
not permitted. Ito ay tama sa sosyolohikal na pagtingin at dahil mali at may
batas na sinusunod kaya ito ang karapat-dapat na gawin o sundin.

Ang norm ay ideyang nasa isip ng bawat miyembro ng isang grupo. Ang
ideyang ito ay nagsasabing kung ano ang dapat at inaasahang gawin sa isang
sitwasyon. Ang ideyal na norm ay mahalaga dahil nagpapaliwanag ito ng
inuugali ng iba at nakatutulong din nang malaki para maunawaan ang mga
ugaling ito. Halimbawa, dapat huwag mag-ingay kung may natutulog lalo na
kung siya ay bisita at hindi mo kilala, pagsasabi ng “po” ng mga Tagalog bilang
palatandaan ng paggalang, paghingi ng permiso tuwing umaalis ng bahay,
paghihintay sa pagsasabi ng titser na maaari nang lumabas ng klasrum kahit
na nagring na ang bel.

m
er as
b. Folkways. Isa itong kaugaliang nakikita sa isang sitwasyon na tinitingnan ang

co
magandang kapakanan ng isang pangkat. Ilang halimbawa ng folkways ay

eH w
pag-aayos ng lugar lalo na ang hapag kainan, pagtanggap nang mahusay sa

o.
mga bisita, pagdaramit nang maayos kung may pupuntahan, pagsisimba,
rs e
pagsama-sama ng pamilya tuwing Linggo, atbp. Kung ang kultura raw ay
ou urc
sementong nagbubuklod sa mga tao sa lipunan, ang beheybyur ng mga tao
ang pangunahing sangkap/sahog sa semento. Ang dahilan na ang mga
sosyolohista ay gumagamit ng terminong folkways kaysa customs ay upang
o

idiin na ang mga ito ang mga katanggap-tanggap na beheybyur ng tao sa isang
lipunan. Sumasaklaw pa rin ito sa marami pang kustombreng ating sinusunod
aC s

dahil ito ang ating nakikita at ginagawa mula pa noong tayo ay isinilang. May
vi y re

mga inaasahang beheybyur na tradisyunal nang ginagawa ng mga Pilipino


dahil sa ating palagay, ito ang tamang gawin. Halimbawa, may paniniwala ang
mga Pilipino na kung ang isang pamilya ay namatayan, ang mga kamag- anak,
kaibigan, at kapitbahay ay dapat pumunta sa bahay ng namatayan upang
ed d

makiramay. Ang perang abuloy o tulong sa namatayan ay karaniwang


ar stu

inilalagay sa plato o kahon na malapit sa kabaong. Ang mga direktang


miyembro ng pamilya ay bawal na tumulong sa pag-aayos sa patay. Sa halip,
sila ay mag-aasikaso lamang sa mga bisita. Naniniwala rin ang karamihan sa
mga Pilipino sa siyam na gabing pagdarasal, sa ikaapatnapung araw na
is

pagdarasal at sa hubkas o isang taon na anibersaryo ng pagkamatay. Isa pang


Th

kultural na ekspektasyon sa Pilipinas ay keeping the family purse (Sino ang


hahawak ng pera ng pamilya?). Ang mga bana ay inaasahang mag bigay sa
asawa ng kanilang suweldo dahil ang huli nagdadala ng badjet ng pamilya. Sa
mga Amerikano naman, ang bana ang humahawak sa pera ng pamilya.
sh

c. Mores. Tumutukoy ang mga ito sa pamantayan ng kaasalang lubhang


iginagalang at pinahahalagahan ng isang grupo. Kinakailangan at mahalaga
para sa kapakanan ng isang grupo ang pagsasabuhay sa mga pamantayang ito.
Halimbawa, bawal sa mga Muslim ang kumain ng karneng baboy, bawal sa
ibang relihiyon ang kumain ng dinuguan at magpuputol ng buhok ang mga
babae.

This study source was downloaded by 100000817544169 from CourseHero.com on 10-05-2021 11:38:05 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/86255629/Ang-Kulturapdf/
Ito ay hindi ginagawa nang basta na lamang ng isang miyembro dahil may
mabigat na kaparusahan ang paglabag sa mores.

d. Batas. Para sa mga sosyolohista ang batas ay pormal at karaniwang ginagawa


at isinasabatas ng federal state o lokal na awtoridad. Halimbawa: Ang
pagpatay, pagnanakaw, pagtawid sa daan nang hindi sumusunod sa batas-
trapiko ay may kaparusahan. Ang pagdedeklara ng presidente ng Pilipinas ng
ligal na holiday sa araw ng pagkamatay ng dating Presidente Corazon Aquino
para maalala palagi ng mga Pilipino ang kanyang kadakilaan ay nakapaloob
sa isang batas o proklamasiyon kalaunan, magiging customary na ang
pagbibigay-pugay kay Cory Aquino at hindi na ito basta ligal na araw na
walang trabaho kundi magiging tradisyunal na holiday na.
e. Valyu. Ito ang inaasahang mabubuting pag-uugali o dapat gawin/ikilos o
ipakita.

Sa pangkalahatan, tumutukoy ito sa indibiduwal na ideya ng kahalagahan at


pangangailangan, at siyang magdidikta sa atin kung ano ang moral at imoral,

m
er as
ng mabuti at masama, ng tama, at mali, ng maganda, at pangit. Halimbawa nito
ay ang pagbati ng “good morning” at “good evening,” pagpapasalamat,

co
eH w
pagtulong sa mga titser lalo na kung may mabigat na dalahin, pagdating sa
tamang oras, paggalang sa mga nakatatanda, hindi pagsagot nang pasigaw sa

o.
mga magulang, pagsagot nang tama kapag tinatawag, pagkatok kung papasok
rs e
sa ibang bahay, atbp.
ou urc
f. Paniniwala. Ayon sa mga sosyologo, persepsyon ito ng isang tao sa mga
nangyayari sa kanyang kapaligiran at mundo. Kabilang dito ang mga
o

pamahiin.
g. Wika. (Balikan ang kahulugan ng wika sa naunang bahagi ng teksto)
aC s

h. Technicways. Pakikiangkop ito ng lipunan sa mga pagbabagong dala ng


vi y re

teknolohiya. Ang halimbawa nito ay ang paggamit ng mga bagong kagamitan


at pagsunod sa moderno o popular na kultura o global na pagbabago. Ang bilis
ng komunikasyon ay dahil sa kompyuter at mga telefon o celfon. Naging maliit
ang mundo at nagkakaimpluwensyahan ng kultura dahil sa impluwensya na
ed d

rin na dala ng mga makabagong kagamitan at pamamaraan ng pamumuhay


ar stu

tulad ng pagbabago sa pagluluto, pag-aayos o pagpapaganda ng sarili,


pagpapagamot, pag-eenrol o pag-aaral, pag-aanak, pagbibiyahe, at marami
pang iba mula sa tradisyunal nitong kaparaanan. Ang technicways ay
is

kumakatawan sa klase ng pagbabago ng kultura at halos kabaligtaran ng


folkways at norms.
Th

2.4 KULTURA AT ANG GRUPO

May tatlong mahalagang tungkulin ang kultura ng isang pangkat. Anumang kultura ay:
sh

1. Isang paraan upang makita ang biyolohikal na pangangailangan ng grupo para mabuhay.
2. Nagbibigay sa isang indibidwal na kasapi ng grupo na mag-adjust o makibagay sa sitwasyon
ng kapaligiran.
3. Sa pamamagitan ng komon na kultura, nagiging tsanel upang makapag- interak ang bawat
myembro ng isang pangkat at maiwasan ang anumang alitan.

This study source was downloaded by 100000817544169 from CourseHero.com on 10-05-2021 11:38:05 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/86255629/Ang-Kulturapdf/
2.5 PANDAIGDIGANG HULWARAN NG KULTURA (Universal Pattern of Culture)

Iba-iba ang kultura ng bawat lugar ngunit may mga kulturang komon at makikita sa lahat ng pangkat
sa bawat lipunan. Ang unipormidad na ito ay tinatawag na universal pattern of culture.

Ang lahat ng ginagawa kaugnay sa wet rice agriculture sa Pilipinas ay halimbawa ng hulwaran ng
kultura. Kumakatawan sa wet rice pattern ang maraming katangian ng kultura na ginagamit tulad
ng paggamit ng kalabaw, paggamit ng araro, sakahan, espesyal na varayti ng palay, espesyal na
paraan ng pagtatanim at muling pagtatanim.

Si Winsker na isang Amerikanong antropolohista ang unang nagbigay ng pakahulugan sa universal


pattern of culture. Ayon sa kanya, ang lahat ng tao sa mundo ay may:

1. Wika at pananalita

2. Materyal na Kultura

m
er as
1. Food habits/Kinasanayang pag-uugali sa pagkain

co
2. Pamamahay

eH w
3. Transportasyon
4. Kagamitan

o.
5. Pananamit
6. Sandata o weapon rs e
ou urc
7. Trabaho at Industriya

2.6 ALTERNATIBO/MGA ALTERNATIBO


o
aC s

Ang bawat lipunan ay may mga kaugaliang sinusunod at mayroon din namang maaaring hindi
vi y re

sinusunod na tinatawag na alternatibo. Maaaring mamili ng kung ano ang sa palagay ng bawat isa ay
nakapagdudulot sa kanya ng kabutihan at kasiyahan. Halimbawa, maaaring mamili ang kahit sino
kung anong relihiyon ang gusto niya; sa pagbiyahe ay puwede siyang sumasakay sa bus, dyip, tren,
eroplano, helikopter, barko, bangka, kalesa, o motorsiklo. Pwedeng kumain sa restawran, sa bahay,
ed d

sa may tabing dagat o kahit saan. Maaaring mag-asawa at maaaring hindi. Sa pagpapakasal maaaring
ar stu

sa pari, huwes, pastor, at maging sa mayor. May lipunan na tanggap ang pag-aasawa ng marami at
tanggap ang diborsiyo, samantalang may lipunan naman na hindi tinatanggap ang mga ito. May
lipunan ding sang-ayon sa mercy killing at aborsiyon at mayroon ding tumitingin sa mga ito bilang
napakabigat na kasalanan sa batas ng tao at lalo na ng Diyos.
is
Th

2.7 PAGTINGIN NG IBANG TAO SA SARILING KULTURA AT KULTURA NG IB


sh

a. Noble Savage. Ang pagpapahalaga ng isang tao sa sariling kultura at sa kultura ng iba ay
maaari niyang ibatay sa mga sumusunod. Dito, tanggap niya kung ano siya. Hindi niya
ikinahihiya kung ano siya. Halimnawa, tanggap na tanggap ko na ako ay isang Meranaw at
hindi ko ito ikinahihiya.
b. Ethnocentrism. Paniniwala ito ng iba na ang kanilang kultura ay tama at nakahihigit sa ibang
kultura samantalang ang sa iba ay mali kaya hindi dapat gayahin ng iba. Halimbawa, ang

This study source was downloaded by 100000817544169 from CourseHero.com on 10-05-2021 11:38:05 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/86255629/Ang-Kulturapdf/
pagdadasal sa altar na may mga imahe ng iba- ibang santo ay hindi tama, maling-mali kaya
hindi dapat gayahin.
c. Cultural Relativity. Pag-unawa sa ibang kultura. Dito, tinitignan ang lahat ng kultura bilang
pantay-pantay, walang superyor at imperyor. Kabaligtaran ito ng ethnocentrism. Halimbawa,
Kung hindi man sila nagmamano sa kanilang tahanan ay hindi ibig sabihin na wala silang
respeto sa magulang nila. Ito ay nakasanayan nila kaya nauunawaan ito ng mga nakakakilala
sa kanila. Xenocentrism. ang mga banyagang tao, lugar, at bagay ay magaganda at ang lokal
o sariling kanya ay pangit. Pagmamahal sa imported na bagay.

2.8 KULTURAL NA KATANGIAN NG IBANG MGA TAO

1. Polychronic. Sa ibang kultura, may mga taong gumagawa ng isang bagay o gawain nang
sabay-sabay. Halimbawa, Nagsasaing habang naglalaba at nagbabantay ng bata, nag-aaral at
nanonood ng tv habang sige rin ang pindot ng selfon

m
2. Monochronic. Ang mga tao ay paisa-isa kung gumawa ng kanilang trabaho. Naniniwala sila

er as
na bawat trabaho ay may oras. Halalimbawa, hindi muna sila magluluto hangga’t di natatapos

co
ang kanilang paglalaba.

eH w
2.9 KATANGIANG KOMUNIKATIBO AYON KAY HOFSTEDE (1984)

o.
rs e
1. Individualist. Sarili lang ang iniisip at mahalaga para sa isang tao. Wala siyang pakialam sa
ou urc
damdamin ng iba. Prangka kung magsalita at wala siyang pakialam sa nararamdaman ng iba.
2. Collectivist. Iniisip ng isang tao ang kapakanan at pag-uunawaan ng lahat. Mahalaga sa kanya
ang damdamin ng iba.
o
aC s

2.10 KATANGIANG KOMUNIKATIBO AYON KAY HARRY TRIANDS (1990)


vi y re

1. Allocentric. Sa katangiang ito, iniisip ng isang tao na mahalaga para sa kanya ang iba.
2. Idiocentric. Nagsasabi ang katangiang ito na sarili lamang ng isang tao ang mahalaga
ed d
ar stu
is
Th
sh

This study source was downloaded by 100000817544169 from CourseHero.com on 10-05-2021 11:38:05 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/86255629/Ang-Kulturapdf/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like