You are on page 1of 50

Katuturan ng Wika

Binanggit ni Austero et al., (1999) mula kay Gleason na


“ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog
na isinaayos sa paraang arbitraryo. Ang mga tunog ay
hinugisan/binigyan ng mga makabuluhang simbolo (letra)
na pinagsama-sama upang makabuo ng mga salita na gamit
sa pagpapahayag.”
Dagdag naman nina Mangahis et al (2005) na ang wika ay
may mahalagang papel na ginagampanan sa
pakikipagtalastasan. Ito ang midyum na ginagamit sa
maayos na paghatid at pagtanggap ng mensahe na susi sa
pagkakaunawaan.
Pagpapakahulugan ng mga
dalubhasa sa wika
Depinisyon ng Wika
1.Edward Sapir (1949)Ang wika ay isang likas at
makataongpamamaraan ng paghahatid ng mgakaisipan, damdamin
at mithiin.
2.Caroll (1954)Ang wika ay isang sistema ng mga sagisag nabinubuo
at tinatanggap ng lipunan. Ito ay resulta ng unti-unting paglilinang
sa loob ng maraming dantaonat pagbabago sa bawat henerasyon,
ngunit sa isang panahon ng kasaysayan, ito ay tinutukoy ng isang
set ng mga hulwaran ng gawi ng pinag-aaralan o natutunan at
ginagamit sa iba’t-ibang antas ng bawat kasapi ng pangkat o
komunidad.
3.Todd (1987)Ang wika ay isang set o kabuuan ng mga
sagisag na ginagamit sa komunikasyon. Ang wika na
ginagamit ng tao ay hindi lamang binibigkas na tunog
kundi ito ay sinusulat din. Ang tunog at sagisag na ito ay
arbitaryo at sistematiko. Dahil dito, walang dalawang
wikang magkapareho bagaman ang bawat isa ay may
sariling set na tuntunin.
4.BuensucesoAng wika ay isang arbitaryong Sistema
ngmga tunog o ponema na ginagamit ng tao
sapakikipagtalastasan.
5.Tumangan, Sr. et al. (1997)Ang wika ay isang kabuuan
ng mga sagisag na panandang binibigkas nasa
pamamagitan nito ay nagkakaunawaan,nagkakaisa at
nagkakaugnay-ugnay angisang pulutong ng mga tao.
Mahalaga ang wika sapagkat:
1. ito ang midyum sa pakikipagtalastasan
o komunikasyon;
2. ginagamit ito upang malinaw at
epektibong maipahayag ang damdamin at
kaisipan ng tao;
3. sumasalamin ito sa kultura at
panahong kanyang kinabibilangan;
4. at isa itong mabuting kasangkapan sa
pagpapalaganap ng kaalaman.
Katangian ng wika
Ang wika ay isang masistemang
balangkas dahil ito ay binubuo ng mga
makabuluhang tunog (fonema) na kapag
pinagsama-sama sa makabuluhang
sikwens ay makalilikha ng mga salita
(morfema) na bumabagay sa iba pang mga
salita (semantiks) upang makabuo ng mga
pangungusap. Ang pangungusap ay may
istraktyur (sintaks) na nagiging basehan sa
pagpapakahulugan sa paggamit ng wika.
A. Ponolohiya o fonoloji – pag-aaral ng fonema o ponema;
ang fonema ay tawag sa makabuluhang yunit ng binibigkas
na tunog sa isang wika. Halimbawa ay ang mga fonemang
/l/, /u/, /m/, /i/, /p/, /a/ at /t/ na kung pagsama-samahin sa
makabuluhang ayos ay mabubuo ang salitang [lumipat].
2. Morpolohiya o morfoloji – pag-aaral ng morfema; ang
morfema ay tawag sa pinamakamaliit na makabuluhang
yunit ng salita sa isang wika. Sa Filipino ang tatlong uri ng
morfema ay ang salitang-ugat, panlapi at fonema.
Salitang-ugat = tao, laba, saya, bulaklak, singsing, doktor,
dentist
Panlapi = mag-, -in-, -um-, -an/-han
Fonema = a
*tauhan, maglaba, doktora
c. Sintaksis – pag-aaral ng sintaks; sintaks ay ang tawag sa
formasyon ng mga pangungusap sa isang wika. Sa Filipino,
maaaring mauna ang paksa sa panaguri at posible namang
pagbaligtaran ito. Samantalang sa Ingles laging nauuna ang
paksa.
Hal. Mataas ang puno.
Ang puno ay mataas.
The tree is tall. (hindi maaaring ‘Tall is the tree.’ o ‘Tall the
tree.’)
D. Semantiks – pag-aaral ng relasyon ng salita sa bawat isa
sa iisang pangungusap; ang mga salita sa pagbuo ng
pangungusap ay bumabagay sa iba pang salita sa
pangungusap upang maging malinaw ang nais ipahayag.
Hal. Inakyat niya ang puno.
Umakyat siya sa puno.
Makikita na nang ginamit ang pandiwang
[inakyat] ang panghalip ng aktor sa
pangungusap ay [niya] at ang pantukoy sa
paksa ay [ang]. Samantalang sa ikalawang
pangungusap ang pandiwa ay napalitan ng
[umakyat] kaya nakaapekto ito sa panghalip ng
aktor na dati’y [niya] ngayo’y [siya] na. Imbis
na pantukoy na [ang] ay napalitan na ng pang-
ukol na [sa]. Nagkaiba na ang kahulugan ng
dalawang pangungusap.
2. Ang wika ay binubuo ng mga tunog. Upang magamit
nang mabuti ang wika, kailangang maipagsama-sama ang
mga binibigkas na tunog upang makalikha ng mga salita.
(Tingnan ang ponolohiya)
Ang wika ay arbitraryo. Lahat ng wika ay
napagkakasunduan ng mga gumagamit nito. Alam ng mga
Ilokano na kapag sinabing [balay], bahay ang tinutukoy
nito. Sa Chavacano naman ay [casa] kapag nais tukuyin ang
bahay at [bay] naman sa Tausug samantalang [house] sa
Ingles. Kung sakaling hindi naintindihan ng isang tao ang
isang salita o pangungusap ng isang wika, nangangahulugan
na hindi siya bahagi ng kasunduang pangkaunawaan.
Ngunit kung pag-aaralan at matututunan niya ang wika,
nangangahulugang sumasang-ayon siya sa kasunduan ukol
sa naturang wika.
4. Ang wika ay may kakanyahan. Lahat ng wika ay may
sariling set ng palatunugan, leksikon at istrukturang
panggramatika. May katangian ang isang wika na
komon sa ibang wika samantalang may katangian
namang natatangi sa bawat wika.
Halimbawa
Wikang Swahili – atanipena (magugustuhan niya ako)
Wikang Subanon – gmangga (mangga)
Wikang Ingles – girl/girls (batang babae/mga batang
babae)
Wikang Tausug – tibua (hampasin mo), pugaa (pigain
mo
Wikang French – Francois (pangngalan /fransh-wa/)
Mapapansin sa wikang Swahili (isang wika sa
Kanlurang Afrika) isang salita lamang ngunit katumbas
na ng isang buong pangungusap na yunit sa wikang ito.
Sa Filipino lamang matatagpuan ang mga
salitang opo at po bilang paggalang. Sa Subanon
naman, mayroong di pangkaraniwang ayos ng mga
fonema gaya ng di-kompatibol na dalawang
magkasunod na katinig sa iisang pantig na wala sa
karamihang wika. Sa Ingles naman, isang fonema
lamang ang idinagdag ngunit nagdudulot ng
makabuluhang pagbabago. Sa Tausug naman ang
pagkabit ng fonemang /a/ ay nagdudulot na ng paggawa
sa kilos na saad ng salitang-ugat. Sa French naman,
mayroon silang natatanging sistema sa pagbigkas ng
mga tunog pangwika.
6. Ang wika ay buhay o dinamiko. Patuloy na
nagbabago at yumayaman ang wika. Nagbabagu-
bago ang kahulugan ng isang salita na
dumaragdag naman sa leksikon ng wika.
Halimbawa: BOMBA
Kahulugan
a. Pampasabog
b. Igiban ng tubig mula sa lupa
c. Kagamitan sa palalagay ng hangin
d. Bansag sa malalaswa at mapanghalay na
larawan at pelikula
e. Sikreto o baho ng mga kilalang tao
6.Lahat ng wika ay nanghihiram. Humihiram ang wika ng fonema at morfema
mula sa ibang wika kaya’t ito’y patuloy na umuunlad. Gaya sa Chavacano,
binibigkas na ang ‘ka’ na hiniram sa Visaya bilang kapalit ng ‘tu’ at ‘bo’. Ang
Filipino ay madalas manghiram gaya ng paghiram sa mga salitang [jip, jus at
edukasyon] na mula sa Ingles na [juice], [jip] at Kastilang [educaćion].
7.Ang wika at kultura ay magkabuhol at hindi maaaring paghiwalayin.
Maraming salita na hindi maisalin sapagkat wala silang katumbas sa ibang
wika. Dahil sa ganitong pagkakataon, napipilitang humiram ng salita mula sa
isang wika sapagkat hindi komon ang salita sa kultura ng wikang
patutunguhan. Halimbawa, walang katumbas ang /malong/ sa Tagalog
sapagkat hindi bahagi ng kultura ng mga Tagalog ang salitang ito. Ang /lamaw/
naman ng Cebuano ay hindi rin matutumbasan sapagkat iba ang paraan ng
paghahanda ng buko ng mga Cebuano sa iba pang komunidad sa bansa.
8. Ang wika ay bahagi ng karamihang anyo/uri ng
komunikasyon. Sa komunikasyon ng mga pipi, hindi wika
ang kanilang ginagamit kundi mga kilos. Hindi wika ang
kanilang midyum sapagkat hindi nito taglay ang katangian
ng isang ganap na wika.
9. Nasusulat ang wika. Bawat tunog ay sinasagisag ng mga
titik o letra ng alfabeto. Ang tunog na “bi” ay sinasagisag ng
titik na ‘b’. Ang simbolong ‘m’ ay sumasagisag sa tunog na
“em”.
10. May level o antas ang wika
Antas ng wika
A. formal at di-formal – di-formal na wika ang wikang
ginagamit ng tao sa ka-edad samantalang formal naman ang
wikang gingamit ng tao sa nakatataas o nakatatanda
B. lingua franca – wikang ginagamit ng karamihan sa isang
bansa; sa Pilipinas ang Filipino ang lingua franca ng mga tao
C. lalawiganin – mga wikang ginagamit ng mga tao sa
lalawigan gaya ng Chavacano, Tausug, Cebuano, Ilonggo,
Visaya at iba pa. Hindi talamak ang paggamit sa isang bansa
ng mga wikang lalawiganin ngunit nagsasadya ito ng
implikasyon ng kultura ng isang lalawigan
D. kolokyal - ito ay ang pakikibagay ng wika sa taong
gumagamit nito. Kadalasan napaiikli ang mga salita ngunit
napagkakasunduan ang pagpapaikli nito. Halimbawa: /tena/
para sa 'tara na', /pre/ para sa 'pare'
E. balbal o pangkalye – wikang ginagamit
ng tao na halos likha-likha lamang at may
kanya-kanyang kahulugan gaya ng wika ng
mga tambay at bakla – halimbawa ang mga
salitang ‘eklavush’, ‘erpat at ermat’ at
‘cheverloo’.
F. edukado/malalim – wikang ginagamit sa
panitikan, sa mga paaralan at pamantasan,
sa gobyerno, sa korte at iba pang venyung
profesyunal
Ang Pagkakaugnay
ng Wika at Lipunan:
Varayti at Antas ng
Wika
Wika at Lipunan
Ang lipunan ay malaking pangkat ng mga tao
na may karaniwang set ng pag-uugali, ideya,
saloobin at namumuhay sa isang tiyak na
teritoryo at itinuturing ang mga sarili bilang
isang yunit (UP Diksyunaryong Filipino).
Ang wika, pasalita man o pasulat, ang
instrumentong ginagamit ng mga tao sa loob
ng lipunang ito upang makapag-ugnayan sa
isa’t isa (Sapir, 1949).
Wika at Lipunan
Ang speech community ay ang pangkat ng
tao sa loob ng lipunan na may tiyak na wikang
gamit ayon sa kanilang antas ng pamumuhay,
lahi, kasarian, gulang, hanapbuhay, interes at
iba pang panlipunang sukatan.
Ang sosyolinggwistika ang larangan ng pag-
aaral ng wika na nagsusuri sa pagkakaiba-iba
ng lenggwahe sa istruktura ng lipunan (Paz,
2003).
Wika at Lipunan
Ang wika ay nahahati sa dalawang
pangunahing dimensyon:

1.Heyograpikal
2.Sosyal
HEYOGRAPIKAL
Heyograpikal na Salik
Ang Pilipinas ay isang arkipelago. Ang
pagkakahati-hati nito sa mga pulo ay
nagbunsod ng pagkakaroon nito ng
maraming wika.
Nag-iiba-iba ang wika dahil sa: (1)
heograpikong lokasyon ng speech
communities at (2) language boundary
bunga ng migrasyon o paglilipat.
Paano naiiba ang wika sa diyalekto?
Pinagbabatayan ang mutual
intelligibility o pagkakaunawaan.
Wika ito kapag hindi nagkaintindihan
ang dalawang taong nag-uusap na may
magkaibang barayti ng wika.
Diyalekto ito kapag nagkaintindihan sila,
bagamat may kaunting disturbance sa
pag-unawa.
Wika o Diyalekto?
Ay-ayatenka.
Nahigugma ako kanimo.
Kaluguran daka.
Inaru taka.
Payaba ta ka.
Je t’aime.
Ich liebe dich.
Wika o Diyalekto?
Ay-ayatenka. (Ilocano)
Nahigugma ako kanimo. (Bisaya)
Kaluguran daka. (Kapampangan)
Inaru taka. (Pangasinense)
Payaba ta ka. (Bicolano)
Je t’aime. (Pranses)
Ich liebe dich. (Aleman)
Wika o Diyalekto?
Nainom ako ng tubig.

Nakain ako ng isda.


SOSYAL
Social Dialect o Sosyolek
Baryasyon ng wika na ginagamit ng
speech communities ayon sa antas
panlipunan, edukasyon, trabaho, gulang
at iba pang panlipunang sukatan.
1. Register
2.Idyolek
3.Istandard na Wika
Register
Ang wikang gamit ng isang tao na nakabatay
sa kanyang katayuan sa lipunan o grupong
kinabibilangan.
Pormal na register kung ginagamit sa mga
pormal na sitwasyon o okasyon, gaya ng
akademya, simbahan, korte, at iba pa.
Di-pormal na register kung kaedad lamang
ang kausap.
Idyolek
Ito ang diyalektong personal sa bawat
ispiker; sinasaklaw nito ang kabuuan ng
mga katangian at kagawian sa
pagsasalita ng isang indibidwal.
Ang pagkakaiba-iba ng wika ayon sa
mga pisikal na katangian (liit o laki ng
bibig, kalidad ng tinig, at iba pa).
KAANTASAN NG WIKA
Kaantasan ng Wika
Wikang Pambansa / Wikang Opisyal
– itinatadhana ng batas at ginagamit ng
higit sa kalahati ng populasyon ng
bansa; ginagamit din sa halos lahat ng
larangan kabilang na ang edukasyon at
politika.
Kaantasan ng Wika
Wikang Pampanitikan – ginagamitan
ng mga idyoma at tayutay upang
magkaroon ng kakaibang pagpapahayag
maliban sa karaniwang paraan.
Lalawiganin – ginagamit ng mga tao sa
isang tiyak na lalawigan o rehiyon, gaya
ng Bisaya, Ilocano, Bicolano, at iba pa.
Kaantasan ng Wika
Pormal – ginagamit sa mga pormal na
okasyon, gaya ng pagpupulong,
pakikipagnegosasyon, pagtuturo, at iba
pa.
Kolokyal – ginagamit sa pang-araw-
araw na pakikipag-usap o
pakikipagkuwentuhan.
Kaantasan ng Wika
Jargon – ginagamit ng isang partikular na
grupo ng tao na nabibilang sa isang
propesyon.
Balbal– maririnig sa mga pangkaraniwang
lugar, gaya ng palengke, barber shop, at iba
pa na ginagamit ng mga taong kadalasan ay
hindi nakapag-aral at nabibilang sa
mababang antas.
Ano ang Kultura:
Ang kultura ay tumutukoy sa hanay ng mga
materyal at espiritwal na kalakal ng isang
pangkat ng lipunan na nailipat mula sa
henerasyon hanggang sa henerasyon upang
gabayan ang mga indibidwal at kolektibong
kasanayan. Kasama dito ang wika, proseso,
paraan ng pamumuhay, kaugalian, tradisyon,
gawi, halaga, pattern, tool at kaalaman.
Ang pag- andar ng kultura ay upang matiyak
ang kaligtasan ng buhay at mapadali ang
pagbagay ng mga paksa sa kapaligiran.
Ang kultura ay kaubuuan ng pinagsama-samang
pananaw ng mga tao sa kanilang lipunan. Naakapaloob
sa pananaw na ito ang koleksyon sa mga kaugalian,
nakasanayan, paniniwala, tradisyon at iba pa.
Maaaring ang mga pananaw na ito ay pamana pa ng
mga naunang henerasyon na naisalin hanggang sa
kasalukuyang pananhon.
Ito ay tumutukoy din sa paraan ng pamumuhay ng
mga tao. Nagbibigay ito ng kahulugan at paglalarawan
sa lipunang kanyang ginagalawan. Dagdag pa,
nagsisilbi rin itong batayan ng mga kilos at gawi ng
mga tao. Sa isang lipunan o kumunidad, tumutulong
ang kultura sa pagbibigay ng katwiran kung ano nga ba
ang kaibahan ng tama sa mali, at mabuti sa masama.
Ang kultura ay nagsisilbi ring pagkakakilanlan ng isang
luagar. Nabubuo ang kultura upang tugunan ang mga
pangangailangan ng mga indibidwal sa isang partikular
na lugar. Dahil bawat rehiyon ay mayroong sariling
pangangailangan, nag-iiba ang mga kilos at gawi nila
kumpara sa iba pa. Dahil bawat tao ay nabibilang
lipunan, ibig sabihan, nabibilang din tayo sa kanilang
papel sa lipunan sa kanais-nais na paraan. Sa tulong
nito, mas nagkakaroon ng kabuluhan ang buhay ng
isang tao at mas nabubuo ang kanilang pagkatao.
Ang bawat kultura ay naglalagay ng isang pananaw sa
mundo bilang tugon sa katotohanan na nabubuhay ang
pangkat ng lipunan . Samakatuwid, walang pangkat ng
lipunan na kulang sa kultura o "hindi nakapag-aral". Ano
ang mayroon ay iba't ibang mga kultura at, sa loob nito,
iba't ibang mga pangkat ng kultura, kahit na may paggalang
sa nangingibabaw na kultura.
Ang terminong kultura ay ginagamit din sa
mga paghihigpit na pandama , alinman upang
sumangguni sa mga halaga at gawi na namamahala sa mga
tiyak na grupo, o upang sumangguni sa mga dalubhasang
larangan ng kaalaman o aktibidad. Sa parehong mga kaso,
ang salitang kultura ay palaging sinamahan ng
isang kwalipikadong pang-uri .
Elemento ng Kultura
a. Kaugalian (Norms)
-ito ay tumutukoy sa mga kahulugan at paliwanag ukol sa
pinaniniwalaan at tinatanggap na totoo.
Apat uri ng norms

a. Folkways
Ito ay ang pangkalahatang batayan ng normal na pagkilos
ng mga tao sa isang lipunan. Halimbawa, sa Pilipinas,
pangkaraniwan na sa mga bisita na iwanan sa labas ng
bahay ang kanilang mga tsinelas.
b. Mores
Ito ay mas mahigpit na batayan ng kilos, kung saan
natutukoy ang moralidad ng isang tao sa lipunang kanyang
ginagalawan. Halimbawa, dapat magsuot ng maayos na damit
sa tuwing nagsisimba.
c. Taboos
Ang taboos naman ay ang paglabag sa mga mores, kung
saan ang moralidad ng isang tao ay hindi angkop sa dapat na
kilos. Halimbawa, pagsuot ng maikling mga shorts kapag
magsisimba.
d. Batas
Ito naman ang batayan ng kilos na ipinatupad ng
kinauukulan para sundin ng mga mamamayan. Ito ay
kalimitang pormal at nakasulat sa konstitusyon.
2. Pagpapahalaga (Values)
Tumutukoy naman ito sa pamantayan ng lipunan
kung ano ang mga gawaing katanggap-tanggap at
ano ang mga kilos na hindi kanais-nais. Basehan din
ito sa kung ano ang tama at mali, at kung anong
mga kilos ang mabuti at nararapat. Halimbawa, ang
pagmamano ng mga bata sa nakakatanda.
 3. Paniniwala (Beliefs)
Ito ay ang mga pananaw, ideya o kaisipan na
tinatanggap sa lipunan bilang totoo. Halimbawa,
ang pananalig at paniniwala ng ibang tao sa mga
Albularyo.
4. Simbolo (Symbols)
 Ang simbolo ay maaring mga materyal na bagay
na nagbibigay ng kahulugan. Maari din itong
paggamit ng di-berbal na kumunikasyon. Sa
pamamagitan ng mga simbolo, nabibigyan ng
kahulugan ang isang bagay kahit hindi ito gamitan ng
wika. Halimbawa ng bagay na nagbibigay ng
kahulugan ay ang Krus. Para sa iba, ito ay tanda ng
pagsasakripisyo ni Kristo upang tubusin tayo sa ating
mga kasalanan; Ang magandang halimbawa naman ng
simbolo na gumagamit ng hindi berbal na
kumunikasyon ay sign language at pagkumpas
(gestures).
5. Wika (Language)
Ang wika ang pinakamabisang paraan ng
komunikasyon. Ang wika ay maaring nasa anyo ng sulat
o bigkas. Mahalaga ang wika sa lipunan sapagkat sa
pamamagitan nito, mas nagkakaroon ng
pagkakaunawaan ang bawat indibidwal.
6. Sining at Panitikan (Arts and Literature)
Ang sining at panitikan ay ang produkto ng
imahinasyon ng mga tao. Sa pamamagitan ng dalawang
ito, mas naipapahayag ng bawat tao ang kanilang
emosyon at nararamdaman sa mas masining na paraan.
Mahalaga ang sining at panitikan sa kultura sapagkat sa
pamamagitan nito, naipapakita at naipapasa ng mga
naunang henerasyon ang ganda na nakaraan.
7. Relihiyon (Religion)
Ang relihiyon ay ang paniniwala at pananalig ng mga
tao sa mga ispiritwal na bagay, tao, o pangyayari,
partikular na sa mga Diyos. Sa ibang lugar, ito ang
nagiging sentro ng kultura sapagkat dito nakabase ang
kanilang kaugalian, pagpapahalaga at mga paniniwala.
Ang halimbawa ng relihiyon ay Hudaismo, Kristiyanismo
at Islam.
Dalawang uri ng Kultura
Nahahati ang kultura sa dalawang uri. Ito ay
ang materyal at hindi materyal na kultura. Ang
dalawang uring ito ay naiiba sa isa’t isa.
Materyal na Kultura
Masasabing ang materyal na kultura ay mga
bagay na makikita mo sa iyong paligid. Ito ay
mga bagay na nilikha at iyong nahahawakan.
Ilang halimbawa nito ay mga gusali o
arkitektura, mga likhang sining, mga kasuotan,
kagamitan, at iba pa. Maari bang ding sabihin
na ang pagkain ay isang materyal na kultura
sapagkat ito ay masasabing nagpapakita kung
anong paniniwala o mismong kultura ng isang
pangkat o grupo ng mga tao.
Di-materyal na Kultura
Ang di-materyal na kultura ay mga bagay
na hindi nahahawakan ngunit maaring
maramdaman o iyong maobserbahan sa
iyong paligid. Kabilang dito ang mga
ideya, paniniwala, batas, mga kaugalian, at
norms ng isang lupon ng mga tao.
Halimbawa sa di-materyal na kultura ay
ang paniniwala ng isang tribo sa mga anito
o sinasabing diyos-diyosan.
Kahalagahan ng Kultura
1. Nagkakaroon ng pagkakakilanlan ang isang
pangkat ng mga tao.
2. Napagbubuklod nito ang isang lugar at
nagbubunga ito ng pagkakaisa.
3. Sa pamamagitan ng kultura, naipapakita
ng mga tao ang kanilang mga talento.
4. Binubuo nito ang ating pagkatao
5. Nagkakaroon tayo ang kaalaman sa ating
kasaysayan at nakaraan.

You might also like