You are on page 1of 5

Pamanang Piging sa Hilaga

Sa pagtitig sa mapa, bigyang-diin ang nasa hilaga---wari’y kilala

ang pinanggalingan ng pangulo sa nakalipas na mga dekada, NGUNIT, higit

dito’y kasaysayan, kultura at tradisyon na pamana ng mga sinauna sa mga

Ilocanong masisipag at matitiyaga.

Labag sa kalooban ng isang grupo ng mga debosyonadong Ilokano

ang pagkitil sa mga nakagawian dahil sa mga kabataang sumasabay sa uso at

pagbabago (De Guzman, 2018). Kung kaya’t nagsimula ang masining na pag-

unawa at pag-iisip nila para gisingin ang kasaysayan, kultura at tradisyong

Ilokano at ikintal ito sa mga puso’t isipan ng kabataan, na magiging mga

instrumento upang ang nakagawian ay pagpapasa-pasahan. Mula sa isang

ideya, nabuo ang pundasyon ng sining at kulturang Ilokano--- KANNAWIDAN.

Ayon kina De Guzman et. al. (2018), “Ilocos Sur has a rich heritage

and unique culture that are to be preserved for the next generations because it is

observed that many of these traditions, songs, dances and other Ilocano culture

are not familiar to the younger generations already. Children of today are paying

more attention to the modern and novelty dances they seen on the television

than the traditional ones. There is also a need to evaluate the different products

of the different municipalities and the agricultural products and livestock of the

farmers and fisher folks.” Kung kaya’t binigyang-kahulugan at konsiderasyon ito

ng pamahalaang Probinsiyal ng Ilocos Sur sa pamamagitan ng isang pista na

bibigyang-diin ang kultura at tradisyong Ilokano na pinaniniwalaang eenganyo sa


mga lokal na mamamayan at turista---ang Kannawidan Ylocos Festival, na

nagpapaalala na rin sa pagkahati ng Provincia de Ylocos sa Ilocos Sur at Ilocos

Norte noong ika-2 ng Pebrero, taong 1818.

Ang Kannawidan Ylocos Festival ay isa sa pinakasikat na pista na

ginaganap sa Vigan City, Ilocos Sur. Sa katunayan, ang “kannawidan” ay

salitang Ilokano na nangangahulugang pamana o tradisyon (Quiambao, 2016).

Mula sa mga bibig ng mga matatandang Ilokano, nangangahulugan din itong ma-

kannawidan o sa Filipino ay nakasanayan. Sa paglipas ng panahon, ang

pistang ito ang pinakahihintay ng mga Ilokano taun-taon na pinaniniwalaan

nilang nag-aangat ng kultura, ekonomik at turismo ng probinsya. Ika nga ni

Cohen (1985), “One way to understand community is to look at it as a social

construction, in which people create the feeling of similarity based on their

culture, thus the starting point of community is the culture.”

Sari-saring pagdiriwang ang hinahanda taun-taon. Ipinagmamalaki rito

ang mga iba’t ibang produkto ng Ilocos Sur, ang bunga ng masaganang ani, ang

magagandang mga gusali at mga atraksyon na dinadayo ng mga turista. Ang

mga bunga ng masisining na musika, disenyo, at sayaw, at pati ang mga

tradisyunal na pagkain rito na isa sa nagsisilbing salik sa pag-angat ng

ekonomiya ng mga Ilokano (Quiambao, 2016).

Isa sa mga tampok na ginagawa sa Kannawidan Festival ay ang

tinatawag nilang OTOP o ang ‘One Town One Product’ na kung saan ang mga

tao ay inilalantad ang kanilang mga produkto at ito’y ibebenta. Binibigyang

pagkakataon nito ang mga mamamayang Ilokano upang ipakita at ibenta ang
kanilang mga gawang produkto mula sa kanilang bayan. Halimbawa na lamang,

ang suka at balikutsa ng Santa Maria, bagnet ng Narvacan, calamay ng

Candon City, bawang ng Cabugao, burnay ng Vigan City at iba pa.

Isa sa mga maglalako galing sa Laoag City na nagsabing, “Namayat ti

aglako ditoy ta awan bayadam nga ticket isu nga saan nga masapul nga ingato ti

presyo dagitoy lako mi, isu nga nalaka laeng nga maibus.” Kaya’t ang

Kannawidan Festival ay instrumento upang makatulong sa mga maglalako at iba

pang mga producer na nagbebenta ng kanilang produkto sa mabababang presyo

at naging inspirasyon ito upang mas pag-igihan pa ang paggawa ng mas kalidad

na produkto. Sabi nga, “Food ways are a way of cultural heritage by their passing

of intergenerational knowledge, taste, political power struggles, connection to

nature, stories of subsistence, local environment, human sensuality, poverty and

wealth” ( Edson, 2004 ).

Ang mga produkto o pagkain na ginagawa ng mga tao ay nagsisilbing

kasangkapan sa kultura ng isang bayan dahil sa mga sistema ng paniniwala,

pagtingin at mga kasanayan. “This festival increases the income compared to

local barangay based market,” pahayag galing sa Agricultural Technologist

galling sa San Emilio, Ilocos Sur.

Bagama’t ang pistang ito ay nakatutulong sa pag-unlad ng ekonomiya sa

isang bayan, nakatutulong din ito sa pagtaas ng porsyento ng turismo. “That

festival and events have tourism of the participants involved” (Connell, 2012).
Ang Kannawidan Festival ay dinadayo rin ng mga turista kung kaya’t sila rin ang

isa sa mga dahilan sa pang-angat ng ekonomiya.

“No mapadur-as ti turismo, mapadur-as met dagiti hotel ken restaurant,

pati beach resorts, pakairamanan ti promotion dagiti One Town, One Product ken

kangrunaanna, maaddaan iti trabaho dagiti kakailian tapno sumayaat ti

panagbiagda.” (JCR/BPP- PIA 1 Ilocos Sur). Sabi pa ni Savellano, “Through this

“Kannawidan Ylocos Festival, we are preserving and sustaining our old

traditions, attractive products and practices as we are also promoting our tourism

industry.”

Sa panahon ng piging, maraming mga turista ang galling sa Manila,

Cavite, Laoag City, Nueva Ecija at marami pang iba upang dumayo at tignan ang

kagandahan ng pistang ito. Ang pistang ito ay nakatutulong sa pagbahagi ng

kani-kanilang kultura (Dacumos, 2012). Dagdag pa, “That festival creates

meaningful social interaction among people which overpass the imposed social

boundaries and can enhance social networks, and the social fabric of a

community is strengthened” (Ziakas, 2013).

Unti-unting nadadama ang simoy ng pag-angat ng probinsya. Ang

simpleng ideya ay naging isang matagumpay na tradisyon na sa hilaga. Kung

kayat, nirerekomenda, “Kannawidan Festival of Ilocos Sur should be sustained

since it showcases the different cultures of the Ilokanos at present and even in

the past centuries.” (De Guzman, 2018)


Sa pagtitig muli sa mapa, tumatatak ang lugar sa hilaga---may mayamang

kasaysayan, tradisyon at kultura na nagpapayabong sa ekonomiya at turismo ng

probinsya---repleksyon ng pagkakaisa ng Ilocano na may puso sa isip at gawa---

KANNAWIDAN YLOCOS FESTIVAL, isa kang piging na pamana!

You might also like