You are on page 1of 2

Christine B. Mananghaya X – J.

Rizal

Synthesis Paper

Kadalasang ginagamit ang venn diagram sa pagtukoy ng kaibahan at pagkakatulad ng

dalawa o higit pang mga bagay. Ngunit sa synthesis paper na ito, ginamit ko ang venn diagram

upang ipakita ang ugnayan ng lipunan, kultura, globalisasyon, at ng isyung pangkasarian sa isa’t

isa at bilang kabuuan.

Ang lipunan ay isang grupo ng mga tao o mamamayan na binibigyan ng katangian o

paglalarawan sa mga huwaran ng mga pagkakaugnay ng bawat isa na binabahagi ang naiibang

kultura at mga institusyon. Sa madaling pagpapakahulugan, tumutukoy ang lipunan sa mga taong

sama-samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon at

pagpapahalaga. Binubuo ito ng iba’t ibang mga samahan, korelasyon, at kultura.

Ang kultura naman, ayon kina Andersen at Taylor (2007), ay isang komplikadong sistema

ng ugnayan na nagbibigay-kahulugan sa pamumuhay ng isang grupong panlipunan o isang

lipunan sa kabuuan. Sa madaling salita, ito ay tumutukoy sa paraan ng pamumuhay na

nakagawian ng isang tao sa isang lipunan.

Sa usaping globalisasyon naman, ito ang konsepto na pinagmulan ng pagliit ng mundo

dahil mas nagiging madali para sa iba’t ibang mga bansa na magpalitan ng mga produkto,

teknolohiya, impormasyon at trabaho sa iba’t ibang mga bansa at kultura. Dahil sa globalisasyon,

napapalago nito ang ekonomiya ng bansa kaya’t napapaunlad din nito ang sining at kultura ng

isang bansa. Sa aking pananaw, nakatutulong ang globalisasyon sa paglaganap ng kultura ng

isang bansa. Mas nakikilala ang isang bansa dahilan kung bakit dumarami ang bilang ng dayuhan

dito na nagreresulta sa paglago ng ekonomiya ng isang bansa.

Pagdating naman sa isyung pangkasarian, ito naman ay tumutukoy sa iba’t ibang mga

hamon na kinakaharap ng bawat kasarian. Makikita din dito ang ugnayan ng kultura sa isyung
pangkasarian. Halimbawa na lamang ng foot binding sa China. Ang foot binding ay naging parte

na rin ng kultura ng China, kinikilala ito bilang simbolo ng yaman, kagandahan at pagiging

karapat-dapat sa pagpapakasal. Kahit na nalalabag nito ang karapatan ng isang kababaihan,

kailangan pa rin nila itong gawin dahil nga ito ay naging kanilang tradisyon.

Isa pang halimbawa nito ay ang female genital mutilation, isa itong kaugalian o kultura sa

ilang bansa sa Africa. Ito ay ang proseso ng pagbabago ng ari ng kababaihan nang walang

anumang medikal na benepisyo. Ayon sa kanilang paniniwala, sa ganitong paraan nila

mapapanatili ang kalinisan at kapurihan ng isang babae bago ito ikasal. Katulad ng foot binding,

walang ibang magagawa ang babae kundi sumunod sa nakagawian ng kanilang lipunan. Sa mga

halimbawa na nabanggit, pinapatunayan lamang nito na may ambag o ugnayan rin ang kultura

sa isyung pangkasarian.

Sa patuloy na paglago ng mundo, iba’t ibang mga batas rin ang nabubuo upang maiwasan

ang anumang uri ng isyung pangkasarian. Dahil din sa globalisasyon, mas napapalaganap ang

mga kampanya at batas na tumataguyod sa mga karapatan ng bawat kasarian. Halimbawa nito

ang CEDAW o ang Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women,

na tumatalakay sa karapatan ng kababaihan sa iba’t ibang larangan. Para naman sa LGBTQ+

community, nariyan naman ang Yogyakarta Principles na may layuning pagtibayin ang mga

prinsipyong makatutulong sa pagkakapantay-pantay ng LGBT. Isa pang halimbawa ng kampanya

na nagtataguyod ng mga karapatan ng bawat kasarian ay ang HeForShe. Ang pinakalayunin nito

ay pag-isahin ang kalalakihan at kababaihan sa laban para sa pagkakapantay-pantay ng

karapatan na natatamasa ng bawat isa.

Bilang kabuuan, masasabi natin na ang tatlong paksa na tinalakay ay may papel na

ginagampanan sa bawat isa. May mabuti at masamang epekto man ito, may mahalagang

tungkulin pa rin na ginampanan at ginagampanan ang bawat isa dito sa paghubog ng ating

mundo.

You might also like