You are on page 1of 9

NG KAHULUGAN NG KULTURAsinulat ni Phil Bartle, PhD isinalin ni Ken PoliranLahat ng kultura ay

natutunan, ngunit hindi lahat na bagay na natutunan ay kulturaKabilang dito ang lahat ng ating mga kilos
at paniniwala na hindi na ipinapadala sa pamamagitanng genes, ngunit ipinapadala (at naka-imbak na) sa
pamamagitan ng mga simbolo.Ang simbolo ay walang kabuluhan sa kanilang mga sarili (intrinsically)
maliban na lamang kungsila ay binibigyan ng kahulugan sa pamamagitan ng mga tao.Ang ating mga
kahalagahan kasama ang kahit anong tingin namin ng bilang magandang laban samasama, karapatang
laban sa mali o maganda laban pangit.Kabilang sila bilang isa sa anim na sukat ng kulturaIba't-ibang mga
komunidad o lipunan ay may iba't-ibang uri ng mga halaga.Ang pagkakaiba nila ay ang pagsalungat sa
mga kahalagahanKatulad nito, iba't-ibang mga komunidad ay may iba't-ibang mga sistema ng pang-
ekonomiya (isasa anim na sukat).

ANG KAHULUGAN NG KULTURA

sinulat ni Phil Bartle, PhD

isinalin ni Ken Poliran

The simplest definition of culture is that it is composed of everything symbolic that we learn

Lahat ng kultura ay natutunan, ngunit hindi lahat na bagay na natutunan ay kultura

Kabilang dito ang lahat ng ating mga kilos at paniniwala na hindi na ipinapadala sa pamamagitan ng
genes, ngunit ipinapadala (at naka-imbak na) sa pamamagitan ng mga simbolo.

Ang simbolo ay walang kabuluhan sa kanilang mga sarili (intrinsically) maliban na lamang kung sila ay
binibigyan ng kahulugan sa pamamagitan ng mga tao.

Ang ating mga kahalagahan kasama ang kahit anong tingin namin ng bilang magandang laban sa
masama, karapatang laban sa mali o maganda laban pangit.

Kabilang sila bilang isa sa anim na sukat ng kultura

Iba't-ibang mga komunidad o lipunan ay may iba't-ibang uri ng mga halaga.


Ang pagkakaiba nila ay ang pagsalungat sa mga kahalagahan

Katulad nito, iba't-ibang mga komunidad ay may iba't-ibang mga sistema ng pang-ekonomiya (isa sa anim
na sukat).

Sa libo-libong taon na tayo'y nagkaroon ng Kain-Abel conflict sa pagitan ng magsasaka (planting) at


magpapastol na lipunan.

Sila ay gumagamit ng lupa sa magkasalungat na paraan, hindi sangayon sa isat'-isa.

Ang magsasaka ay kailangan niya ng bakod para maprotektahan niya ang kanyang pananim at mga gulay,
habang ang magpapastol naman kailangan ng malawak at bukas na lupain.

(Si Kain ay isang magsasaka habang si Abel ay isang magpapastol, at ang kanilang mga kuwento ay
maaaring maging isang sinaunang makahulugan na representasyon ng pagkakasalungat).

Tayo ay maaring makahanap ng mga halimbawa sa lahat ng anim na sukat ng kultura na may pagkakaiba
kung paano ang pagpatakbo nito, at ito ay maging batayan ng pagkakasalungat ng kultura, kung saan
dalawa o higit pa ng komunidad ay maroong kaibahan at subukan na sumakop sa parehong lugar at
teritoryo.

Sa isang komunidad, na kung saan ay may isang hanay ng mga pagbabago-bago sa lahat na anim na
sukat, diyan ay maaaring umiral ang isang maliit na pangkat ng komunidad na may kaibahan mula sa mas
malaking komunidad.

Iyon ay isang maliit na kultura. Karaniwan ang mga kuru-kuro ay nagpapahiwatig ng isang maliit na
pangkat ng mga halaga o paniniwala, habang ang kaibahan ng isang maliit na pangkat (sub kultura) ay
maaaring sa anumang ng anim na kulturang dimensyon.
Ang salitang "pananakop" kadalasan ay naaangkop sa mga pampulitikang pananakop, kung saan ay may
nakapamamayani komunidad o lipunan, at ang isang malapit na mahinang komunidad kung saan mauwi
sa pansariling pangingibabaw ng pampulitika sa pamamagitan ng mas malakas na kapit-bahay.

Pulitika ay isa lamang sa anim na dimensyon ng kultura, gayunpaman, at na ang impluwensiya o


impormal na dominasyon ay maaaring mag-aplay sa anumang ng mga dimensyon

Ito ay walang katiyakan kung pwedeng gamitin sa isa lamang.

Habang ang mga Canadians ay nakita nila ang sarili na isang malayang bansa laban sa Amerika (USA), ang
pangkalakal na relasyon ng USA ay may pangibabaw sa pang-economiya ng Canada

Ang produksyon ng popular na panitikan, musika, sine, telebisyon, at radyo entertainment sa USA, na
kung saan ay may marami at mas malaki mas malakas kaysa sa merkado ang Canada, ay
nangangahulugan na may pananakop ng kultura (sa mga tuntunin ng aesthetics sa ang halaga ng laki)
USA ng higit sa Canada.

May mga relasyon na katulad ng mga pananakop sa lahat ng mga kontinente, ngunit ang mga
Canadadian mas may kamalayan sa bansang USA.

Tangkilikin ang Kulturang Pilipino

PANGANGALAGA SA KULTURA

ni Phil Bartle, PhD

isinalin ni Dionisio R. Vitan III

Iniaalay kay Audra Taillefer, Aktibista at Dalubhasa


Kung gayon, nais mong mapangalagaan ang iyong kultura.

Mabuti naman. Ganoon pa man, baka mabigla ka na malaman na isa kang panganib sa iyong kultura
kung nais mo itong mapangalagaan.

Para bang isa itong nakalilitong kaisipan? Hindi kung maingat mong titignan kung ano talaga ang kultura
at alamin kung papaano mo ito mapapalakas pa. Ang metodolohiya ng pagbibigay-kapangyarihan ang
nasa web site na ito, hindi ang pangangalaga lang.

Nais mo bang magkaroon ng kapangyarihan ang iyong kultura o mapangalagaan lang ito? Nasa iyo ang
pagpapasya. Mamili lamang sa isa. Hindi mo maaaring magawa ang dalawa.

Katangian ng Kultura

Bago natin pag-usapan ang pagpapanatili ng kultura, sumang-ayon muna tayo sa tunay na kahulugan ng
kultura. Ang pinaka-madaling kahulugan ng kultura ay ito: binubuo ito ng lahat ng ating kaalaman.

Ilan sa mga dokumento ng pagsasanay ng web site na ito ay tungkol sa kultura. Tignan ang dalawa sa
mga ito: Kultura at Ano ang pamayanan? Pareho itong nagbibigay-diin na ang kultura ay ang sistema ng
sosyo-kultural o lipunan, na ito ay ang ating mga paniniwala at kilos sa lipunan na hindi maaaring
mamana mula sa ating pagkapanganak. Ito naitatabi at naipapamahagi sa pamamagitan ng mga simbolo.
Sila ay nagtataglay ng anim na kasukatan: ang kasukatan ng teknolohiya, ekonomiya, politikal at
institusyunal (pagkilos) , at ang kasukatan na kultura na pisikal at pinapahalagahan, at ang pananaw o
pagtingin sa kalikasan ng sanlibutan.

Ang madalas, pang-araw-araw, o salitang-kalye na kahulugan ng kultura ay kung papaano natin nakikita
ito sa agham ng pakikisama bilang isa sa anim na kasukatan, ang panglabas na anyo. Ang pagtatambol at
pagsasayaw sa Africa, patatambol at pag-awit sa parteng-Aboriginal ng Hilagang Amerika, baley at opera
sa Europa, ang lahat ng mga ito ay bahagi ng kultura, ngunit hindi ng kabuuan ng kultura.
Ang mga tradisyunal na awit, sayaw at tugtugin ay mahalagang bahagi ng pagkakakilanlan ng
nagsasagawa nito, kung kaya aming masugid na binibigyang suporta ang pagpapaniti ng mga ito.
Karagdagan pa riyan, ang pagdaragdag, pagpaparami ng anyo at pagpapakita, at ang pagpapakita at
pagpapalaganap ng nilalaman nito sa lahat ng lipunan. Ang isang malakas na kaisipan ng pagkakakilanlan
ay isang mahalagang elemento sa pagpapalakas ng pamayanan at ng kanilang kultura. Tignan ang mga
Simulain ng Pagbibigay-Kapangyarihan.

Nasa sa ibang kasukatan, at ng ibang aspeto ng halaga ng sukat, kung saan ang pangangalaga sa kultura
ay maaaring makasira sa lakas nito.

Katangian ng Pangangalaga

Mag-isip ng mga bagay na napangalagaan: mga binurong pagkain sa isang garapon, paruparo sa isang
lalagyang-salamin, balat na ginawang pitaka, minatamis na blackberry sa garapon, troso para sa
gagawing bahay, mga insekto sa dagta ng isang puno, mga palaka sa isang garapon na may formalin.
Lahat sila ay may isang bagay na magkakapareho: lahat sila ay may buhay noon (o bahagi ng isang buhay
na nilalang) aat ngayon ay mga patay na lamang.

Ang proseso ng pangangalaga ay isang bagay na kung saan ito ay dapat hindi masira at magtagal pa, hindi
dapat magkaroon ng pagbabago, hindi na dapat mabuhay pa muli. Ang maging buhay ay
nangangailangan ng paggalaw, ng pagbabago.

Kaya kung gusto mong maiwasan na magbago ang isang bagay, kailangan mo itong supilin. Tutal,
magbabago rin naman ito (kahit itanong mo pa sa kahit sinong Buddhist) kahit papaano mo ito
mapangalagaan.

Hayaang Lumago at Lumakas ang Kultura.

Kung babalikan ang mga dokumento ukol sa kultura; mapapansin na ang kultura ay isang buhay na bagay.
Ito ay binubuo ng mga simbolo, kahulugan at ugali ng mga tao, ngunit maaaring mabuhay higit pa sa
buhay ng mga taong nagtataglay nito. Tila isang buhay na organismo, ngunit hindi isang nilalang. Ito ay
tumatawid pa sa kung ano ang bayolohikal.
Hindi kita kayang bigyan ng kalayaan. Kung naibibigay ang kalayaan, ito ay maaaring makuha muli mula
sa iyo (ayon sa mga katuruan ni Lao Tsu) at ito ay hindi isang tunay na kalayaan.

Ang pagsasanay ng pagbibigay-kapangyarihan sa web site na ito ay nakatuon sa paglaban sa kahirapan at


kaapihan, hindi ng mga mahihirap at mga naaapi. Ang pamamaraang ito ay nakatuon upang mapalakas
ang pamayanan ng mga mahihirap at mga naaaping mga tao. Para sa mga pamayanan na maging
malakas, kailangang sila ay magbago, samakatwid, ang kanilang kultura ay kailangang magbago rin.
Kailangang silang mga tao ang gumawa nito; kami ay makapagbibigay lamang ng gabay at mga
panimulain, ngunit hindi para gawin o ibigay sa mga tao ito ng kusa lamang.

Sa kadahilanang ang kultura ay pangkalahatan ng mga kaalaman ng mga tao, ang pagbabago na
kailangan upang maging malakas sila sa isang pamayanan ay nangangailangan ng pagbabago sa kultura.
Ang pag-unlad ay pagbabago at ganoon rin naman ang pagkabulok). Kung ganoon, hayaan ang mga tao
na umunlad.

Ang isang bulaklak ay mamumukadkad kung makakauha ito ng sapat na tubig, sikat ng araw, lupa at
sustansiya. Hindi ito lalago kung ito ay bubunutin mo lang. Maaaring magbigay kami ng kailangang tubig
at sustansiya, ngunit ang bulaklak mismo (katulad ng mga mahihirap na pamayanan) ang siyang dapat
gumalaw upang lumago. Ang pagbunot sa halaman ng bulaklak ay katulad ng sosyal na pagtatatag. Ang
pagbuhay dito sa pamamagitan ng paglalaan ng tubig at sustansiya upang lumago at mabuhay at
lumakas ay pamamaraan ng pagbibigay-kapangyarihan sa bulaklak.

Maraming tao ang naniniwala sa maalamat na nakaraan kung saan ang tradisyunal na kultura ang siyang
pinakamataas. Ngunit iba ang sinasabi ng mga ebidensiya. Ang "magagandang nakaraan" ay hindi naman
nangyari. Walang pamayanan bago ang pagsakop ng mga ibang dayuhan ang hindi nagbago. Mayoong
mga ebidensiya ng dahas, mga digmaan, ng mga kaapaihan, ng pagbabago at pagbagay sa pagbabago.
Hindi tayo dapat maniwala sa isang hindi-totoong nakaraan at subuking mapanatili ang isang bagay na
hindi naman naganap o nangyari. Noon at ngayon, ang lakas, paglago at pananatili ay kinailangan at
kailangan ng pagbabago at paninidigan.

Pumili
Sinabi namin kanina na aming pinasisigla ang pangangala ng mga awit, sayaw at musika o tugtugin, dahil
ang mga ito ay nagbibigay ng kakikilanlan. Ito ay isang importanteng kakayanan sa kakayanang pag-
unlad. Ngunit naiisip namin na ang ibang gawi at pagpapahalaga ay kailangan sa pagbabago kung ang
pamayanan ay upang maging malakas.

Pansamantalang isipin na ang kultura ay katulad ng pananamit. Sa katunayan, ang pananamit ay isang
teknolohiya, bahagi ng ating kultura. Tayo ay nagsusuot ng iba-t-ibang damit ayon sa sitwasyon sa
kapaligiran. Hindi tayo nagsusuot ng pampaligong damit sa pangangaso ng makakain sa isang lugar na
may niyebe o yelo, at hindi naman tayo nagsusuot ng makakapal na damit na panglamig kung tayo ay
maliligo sa isang lugar na may mainit na klima. Upang lumago at makibagay sa nagbabagong kondisyon,
tayo ay dapat na mag-suot ng iba't-ibang aspeto ng ating kultura.

Isa pang paglalarawan: isipin na ang kultura ay isang paraan ng paglalakbay. (Ang ating paraan ng
paglalakbay ay isang aspeto ng teknolohiya sa ating kultura.). Hindi tayo nagmamaneho ng dyip sa dagat
kung nais nating mangisda.. Hindi tayo sumasakay ng bangka kung gusto nating mangaso ng usa. Tayo ay
namimili at pumupili ng kung ano ang dapat at epektibo.

Kailangang magkaroon tayo ng ibang katangian sa ating kultura kung ang ibang aspeto ng ating kultura sa
ngayon ay nakasasagabal sa ating pamumuhay, paglago at pagtatagumpay sa kapaligiran kung saan tayo
nakatira. Tignan ang dokumento sa FGM.

Ang ibang mga katangian ng kultura ay kagalang-galang at katangi-tangi. Ngunit kung ang mga ito ay
nagpapahina sa atin at nangangamatay na, kailangang palitan ang mga ito ng mga bagong katangian
tulad ng pagpapalit ng lumang damit o paggamit ng makabagong sasakyan pangtransportasyon. Kung
ating sasabihin, "Oh hindi kami nagsasakdal at nakikipaglaban," at tayo ay may mataas na pagtingin sa
aspetong iyan ng kultura, samaktwid, kapag hindi tayo lumaban sa bagay na tamang ipaglaban para sa
sarili natin, tayo rin ang mawawalan.

Kung ating sasabihin, "Oh kami nagbibigay respeto at sumusunod sa mga taong nasa kapangyarihan," at
kung ang mga taong iyon ay masama at magnanakaw, samaktwid, kailangang panandaliang isantabi ang
katangian ng kulturang ganyan at gumayak ng mas nakakatulong na katangian. Kung hindi, tayo ay
magagamit, mananakwan at maaapi ng ating mga mananakop o mga namumuno.
Samatwid, hindi nating dapat sabihin na dapat nating piliin ang pinakamagaling na katangian ng ating
kultura at dapat na mapangalagaan ito. Ang kailangang sabihin natin ay ang pagpapanatili ng ating
pagkakakilanlan, ngunit kailangan rin na ang ating mga paniniwala, pag-iisip, mga galaw, at mga
nakasanayan na ay magawang makibagay roon sa mga bagay na lalong magpapalakas sa atin (hindi doon
sa magbibigay puri nga sa atin ngunit nagpapahina naman sa katagalan). Katulad ng pagsusuot ng 'parka'
na maina at katangi-tangi sa lugar na may niyebe ngunit hindi naman para sa lugar na tropiko.

Ang modernong Aprika pagkatapos ng pananakop ng mga dayuhan at ang Latin-Amerika, mga
pamayanan ng Aborigins ngayon sa Kanluran o ng mga lipunan sa Europa, mga mahihirap na bansa sa
mundo, at ng lahat nga mga namumuhay sa kapaligirang nangangailangan ng pagbabago sa iabng
katangian ng kultura. Kailangan maging mapili tayo doon sa nababagay na mga katangian upang lalo
tayong lumakas, para sa ating pagbibigay-lakas sa ating mga sarili.

Samakatwid; Nais mo bang mapanatili ang kultura?

Sa pagsasanay ng pagbibigay-lakas, ating binibigyang-pansin na ang paghimok sa paglahok ng


pamayanan at sa pagdedesisyon nila ay hindi nangangahulugan na sinasangayunan at tinatanggap ang
lahat ng gusto ay saloobin ng mga miyemro nito. Ito ay ngangahulugan ng pagsubok at paghimok sa mga
miyembro ng pamayanan na ihayag at maingat na suriin anuman ang kanilang gusto at gustong gawin. Sa
huli, kailangang sila ang pumasan ng responsibilidad.

Bahagi ng pagsubok ninyo bilang isang aktibista ay maging klaro sa sariling isipan anuman ang ibig
sabihin ng mga bagay na ito. Kung ano ang pinahihiwatig, kung ano ang maaaring maging bunga sa huli.
(Iyan ang dahilan kung bakit tinanggihan natin ang pagpapababa ng antas ng kahirapan, bagkus ay mas
isinulong natin ang pag-alis ng kahirapan).

Ang kaisipan ng Pagpapanatili ng Kultura" kapag hindi napagtantong mabuti, ay tila masarap sa
pakiramdam Sa simula, akala natin ay magagawa nating suportahan ito. Ngunit sa matamang pagtingin,
sa isang banda, ay matutuklasan na ito ay kabaligtaran lamang ng kung ano ang tunay nating nais.

––»«––

© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle


Web Design: Lourdes Sada

––»«––

https://mobile.facebook.com/tangkilikin.ang.kulturang.pilipino.11.roxas/posts/1776365099351590?
_rdc=1&_rdr&refsrc=http%3A%2F%2Fwww.google.com.ph%2F

Ano Ang Kultura?

Ang kalinangán ay kabuuang kaisipan, kaugalian, o tradisyon ng isang bayan. Ito ay paraan ng búhay.

Ano Ang Kultura?

Ang kultura ng isang bansa ay binubuo ng kanyang mga katutubo at katangi-tanging kaugalian,
paniniwala at mga batas.

Sa kultura nakikilala ang isang bansa at ang kanyang mga mamamayan. Ang kultura ay mabisang
kasangkapan sa pambansang pagkakaisa dahil dito naipapahayag ang tunay na diwa ng pakikipagkapwa.

Ang ating mabubuting gawi, kaugalian at kinamihasang Pilipino ay nailalarawan ng ating mga kaalamang-
bayan gaya ng mga alamat, kwentong-bayan, pabula at epiko.

Kahit na ang mga ito ay makaluma, maari itong pagbatayan ng mga kabutihang asal na dapat ipamana sa
mga sumsunod na henerasyon. Kung kaya’t nararapat nating pananatilihing buhay ang ating mga kultura
sapagkat dito nasasalig ang ating pagkakakinlanlan, kaisahan, kamalayan at kinabukasan.

https://www.tagaloglang.com/ano-ang-kultura/

You might also like