You are on page 1of 34

KRITIKASATABITABI

KRITIKA
PILIFILIPINO: ISANG TEORYA
NG WIKA
Marso 28, 2010kritikasatabitabiAraling Filipino, bilingual, dalumat ng wika, Departamento ng
Filipino, DLSU, Filipino, isip, kritika, kritika ng kritika, lalim ng wika, multilingual, paimbabaw na
wika, Philippine Studies, PiliFilipino, pilipinolohiya, pilosopiya, pilosopiya ng wika, teorya ng wika, ubod
ng wika, wika, Wikang Filipino1 Puna

Panayam Profesoryal Cecilio M. Lopez sa Wika at Panitikang Filipino


ni Dr. Rhod V. Nuncio

(Sipi mula sa babasahing papel ng panayam sa Y407 Pamantasang De La


Salle, Marso 30, 9:30-11:00 n.u.)

Ang limitasyon ng aking wika ay siyang limitasyon


ng aking mundo. – Ludwig Wittgenstein (TLP 1922)
Anong teoryang pangwika ang maaari nating gamitin para ipaliwanag ang
kasalukuyang hubog, anyo at takbo ng wikang Filipino? Paano ito
makatutulong upang maging masinop at masinsin ang ating analisis ng wika
at ang naturang gamit nito para sa mga tao at sa lipunan niyang
ginagalawan?

Ito ang dalawang pangunahing tanong na sasagutin ko sa


panayam na ito. Ang una ay tumutukoy sa pagkakaroon o kawalan ng
internal na banghay o istruktura ng wika natin na pundasyon o basehan ng
performatibong kakayanan ng mga Filipino na gamitin ang wikang Filipino.
Samantala ang ikalawa nama’y tumutukoy sa praktikalidad ng teorya upang
tasahin at usisain ang nangyayaring pagbabago ng wika sa gitna ng
mabilisang pagbabago ng ating panahon.

PiliFilipino – ito ang inihahaing panimulang teorya upang suriin ang


paimbabaw, malaliman at kaibuturan ng wika. Ang tatlong bahagdang ito ng
wika ang magiging punto ng analisis at pagdadalumat. Hango ito sa sinabi ni
N. Chomsky (sa Searle 1971) na mayroong surface structure (paimbabaw) at
deep structure (ubod) ang wika. Ang sa akin naman, may pumapagitna sa
dalawang level na ito, ang middle structure na tatawagin kong lalim ng wika.
Ito ang nawawala sa kayarian ng wikang Filipino (WF). Sa madaling salita,
walang lalim ang wika dahil walang gramatikang nakaugat sa internal na
himpilan ng ating kamalayan. Tanging ang malakas at dominanteng
paimbabaw na puwersa na mula sa iba’t ibang direksyon, ideolohiya,
adbokasi ang kasalukuyang nagiging sandigan at batayan sa pagbabagong
pangwika. Sa ngayon hangga’t di matutugunan ang kakulangan sa lalim at
ubod ng WF, ang paimbabaw na level ng wika ang tumatayong stratehiya sa
pagpili, pagpilipit at pagpipilit na lumabas ang kakanyahan ng wika. Ang
tanong nga lang, hanggang kailan ito tatagal? At aasa lang ba ang lahat sa
politikal at ideolohikal na bangayan ng mga makawika ang hinihintay na
pagkagulang ng WF? Ika nga’y matira ang matibay!
REPORT THIS AD

Katulad ng nabanggit, paimbabaw ang debelopment ng wikang Filipino. May


tatlong pananaw tungkol dito:

a.) Kasalukuyang nililinang pa rin ang wika mula sa pinagbatayang wikang


Tagalog at ang nakalululang hamon na paglinang nito mula sa mga katuwang
na wika sa bansa,

b.) Mabilis na paglaganap ng Taglish sa iba’t ibang domain ng kaalaman at


praktika,

c.) Interbensyon ng gahum (estado, iskolar, media) na nakakaapekto sa


menu ng pagpili, pamimilit at pagpilipit sa wikang Filipino.

………

PAIMBABAW NA WIKA
Ang puwersa ng pagbabagong wika ng WF ay hindi nakatarak sa kognitibong
kakayahan ng tao kundi sa samutsaring timpla (o gimik) at interbensyon ng
mga institusyon, grupo at mga polisiyang bitbit ng mga ito. Bakit hindi
nagmumula sa kognisyon o sa mental na proseso ng paglikha ng wika? Dahil
madalas at sa maraming pagkakataon ang internal na lohika at istruktura ng
pag-iisip natin ay nakakapit sa banyagang padron, sa banyagang wika –
Ingles. Pansinin:

1. Ang makabagong alpabetong Filipino ay binibigkas ayon sa Ingles. May


implikasyon ito sa ponetika dahil nabaligtad ang prinsipyo ng “kung ano ang
bigkas, siya ang baybay”. Imbis na phonocentric (una ang tunog kasunod ang
baybay) naging graphicentric (kung ano ang letra sa Ingles, ito ang baybay).
Kung kaya’t mamimilipit sa pagbigkas ang maraming batang mag-aaral ng
WF kung ito ang prinsipyong susundin sa ponetika ng WF. Ang “bahay” ay
bibigkasing “bey-hey”.
2. Ang pagbaybay ng mga hiram na salita at paglahok nito sa sintaktikang anyo
ng pangungusap ay nakakiling sa Ingles. Hal. Nakaka-turn-off naman ‘yang
friend mo. So, yabang! Marahil sa mga Manileno o elistang namimilipit
magFilipino o mag-Ingles, ito ang makabagong syntax sa palabuuan ng
pangungusap. Laganap din ito sa broadcast media, showbiz, advertisement,
interbyu sa mga politiko at kabataang cosmopolitan kuno ang oryentasyon sa
kasalukyan.
3. Ang tinatawag na code-switching ng mga dalubwika (Sibayan, Baustista,
Cruz) ay totoo namang di code-switching dahil ganito naman ang kaayusan at
kayarian ng pangungusap sa mga wikang lubos-lubos ang panghihiram ng
mga salita. Wala nang switching na nagaganap dahil lantaran na itong
lumilitaw sa mga diskursong gamit ang WF. Syntactic-semantic substitution
ang nagaganap dahil ang paggamit ng i-, pag-, mag-, nag-, kaka-, um-, na-
ay sadyang naghihintay ng halinhinang mga salitang banyaga o hiram
nagiging structurally flexible sa formang Taglish.

i-zerox, pag-zerox, mag-zerox, kaka-zerox, i-solve, pag-solve, nag-solve, kaka-solve

i-text, pag-text, mag-text, kaka-text, na- i-equate, pag-equate, mag-equate, kaka-


text equate

um-attend, um-increase, um-order, um-


answer

Kung kaya’t multiple substitution ang pedeng gawin dito na maiaayos o


mailalapat din sa pangungusap.

Hal. “I-zerox mo ang papers mo sa promotion.” “Ok na kaka-zerox ko nga


lang.” Ang Tagalog/Filipino component (unlapi o hulapi) ay laging co-
dependent sa hiram na salita, subalit nanatiling buo ang salitang Ingles o
ibang hiram na salita.

Wala namang ganitong halimbawa (co dependent ang Ingles sa Filipino):

Re-ayos mo na yan!

Anti-makabayan ang mga trapo sa Congress.

Pindotize (na katawa-tawa ang dating) mo yong keypad.

Hindi ang wikang Ingles ang kalaban natin. Maaaring matuto ang isang tao
ng higit pa sa dalawang wika. At kapag sinabi nating kakayahang bilingual o
multilingual, nararapat na magkapantay ang kabihasaan ng isang tao sa
pagbasa, pagsulat, pakikinig at pagbigkas sa mga wikang ito. Hindi tingi-
tingi.
Ang problema’y kapabayaan at ang pagpapaubaya na sa darating na
panahon, gugulang at uunlad din ang WF. Fatalistikong pananaw ito. Tila si
Juan Tamad ito na naghihintay sa pagbagsak ng bayabas sa kanyang bibig.

Kung kaya’t nangyari ang iba’t ibang direksyon at agendang pangwika na


batay sa interes ng iilan at uso ng panahon. Ang iba’t ibang direksyong ito ay
unti-unting nawawala’t namamatay, unti-unti nauungusan ng malalaking
diskurso tulad ng globalisasyon, industriyalisasyon at postmodernismo. Kung
kaya’t sa ating bayan mismo, nagtatalaban ang mga ito at naiiwang
nakatindig ang mapanuksong alternatibo – ang gawing wikang ofisyal at
panturo ang Ingles.

Tingnan natin ang iba’t ibang direksyon na narating ng ating wika sa


kasalukuyan:

1.) Ang WF ay Taglish – wikang bunga ng eksposyur sa midya, paimbabaw


at walang malinaw na gramatika (kung meron man contingent ito at
nakabatay sa talastasang publiko), ang wikang “maiintelektuwalisa ayon kay
Bonifacio Sibayan” (sipi mula kay Sison-Buban 2006)

2.) Ang WF ay Taglish na may varayti sa iba’t ibang wika sa bansa ayon kay
Isagani Cruz

3.) Ang WF ay batay sa Tagalog o ang pananaig para rin ng puristikong


gahum o ng Imperial Tagalog; walang pagkakaiba ang Filipino at Tagalog
ayon kay Cirilo Bautista (pananalitang ibinigay sa lunsad-aklat ng Galaw ng
Asoge, 2005)

4.) Ang WF ay larong-wika na pinasok ng mga batang manunulat ngayon,


iskolar sa iba’t ibang larang sa akademya, na walang malinaw na
alintuntunin ng laro ngunit nangingibabaw na examplar ng kasalukuyang
anyo ng wika

………

UBOD NG WIKA
Ang ubod ng wika ang unibersal na forma o kaayusan ng basikong
yunit ng kamalayan na taal nang matatagpuan sa isipan ng tao. Kumbaga ito
ang template ng isipan natin na yari na – naghihintay na mapunan,
mahubog, malilok, at maisaayos ayon sa idaragdag na istruktura ng natural
na wika. Kumbaga ito ang “universal o generative grammar” ni Chomsky,
ang “private language” ni Wittgenstein, “archi-writing” ni Derrida. Bago pa
man may istruktura ng wika, may nakalikha nang istruktura ang isip na
tatanggap at mag-oorganisa ng kamalayan ng tao. Kaya’t may kakayanan
ang lahat ng tao na matuto ng wika, ng kahit anumang wika, dahil sa ubod
ng wikang nakahimpil sa isipan natin. Ito ang a priori grammar. Ito rin ang
nag-uudyok sa imahinatibo’t malikhaing paraan ng isip natin na ikonstrak
ang wika batay sa iba’t ibang modalidad/range/linguistikong yunit sa
pagkatuto ng wika… … …

LALIM NG WIKA: GRAMATIKANG FILIPINO?


Lahat ng buhay na wika (natural languages) ay dumaraan sa mahabang
panahon ng pagbabago at madalas hindi developmental ang yugto ng
pinagdadaanan nito kundi retardasyon at tuluyang pagkawala. Alam natin
ang magiging kahihinatnan ng maramihang puwersang pangwika na
paimbabaw na nagtatalo-talo at naghahalo-halo sa isip at kamalayan ng tao.
Higit pa riyan, nagpapaubaya at nagpaparaya ang mga ispiker-tagapakinig
ng wika dahil wala silang masandigang internal na lohika o gramatika ng
wikang naririnig at nababasa nila. Alalahanin natin ang sinabi ni Emerita S.
Quito (1989/2010: 23): “Hanggang ngayon, tayo ay nasasadlak sa kabulukan
ng Taglish. Ang maikling kasaysayang ito ng wika sa ating bansa ay
nagpapahiwatig ng dalawang bagay. Una: pagkatapos ng 88 taon, hindi pa
rin maaaring sabihin na ang Pilipino ay natuto na ng wikang Ingles; at
ikalawa, lumaganap ang isang bulok na wika, ang Taglish, na hindi Ingles at
hindi Filipino.”

Mahalaga ang lalim ng wika dahil:

1. Ito ang nagsasaayos ng mga signal o yunit ng ubod ng wika para maging
natural na wika,
2. nagsisilbi itong auditing at editing facility sa isip ng gumagamit ng wika,
3. ito ang precursor ng imahinatibong pag-iisip ng tao ayon sa tuntunin ng wika
niya at ng daynamikong kakanyahan at kakayahan ng wika sa
pagpapakahulugan
4. nagiging transisyonal at transgenerational ang pagsasalin ng pagkatuto ng
wika na di nakadepende sa kung ano ang uso at pinapauso
5. intralinguistic facility ito para sa transformasyon ng wika ayon sa
pagbabalanse ng internal na lohika ng kanyang wika at ng praktika/gamit ng
wika bunsod ng pagbabago sa lipunan at iba pang external factor.
………

Ang pagpili ng Filipino bilang wika ay mangyayari sa kailaliman ng kanyang


isip at kung magkagayon malayong-malayong mabubuwal nang agad-agaran
ang Filipino (tao at wika) sa daluyong ng pagbabago sa mundo at lipunang
ginagalawan. Ang PiliFilipino ay panimulang pagtatangka sa pagteteorya sa
wika at analisis ng WF na may sandamakmak na varayti. Inisyal na hakbang
ito sa binubuong teorya ng wika at sa implikasyon nito na ang istruktura ng
WF ay dapat nakaangkla sa lalim at ubod ng wika o sa gramatika
(prescriptive) at pre-grammar (individuated inscription) ng isang tao. Ang
paimbabaw na wika’y di maglalaon ang magiging natural na wika
(descriptive) na gagamitin ng mamamayan. Ang PiliFilipino ay kritikal at
istratehikong pagpili ng taong malay sa ubod at lalim ng kanyang wika upang
maging kanyang wika sa pakikipagtalastasan, pamimilosopiya,
paghahanapbuhay, pagkrikritika at iba’t ibang komunikatibong sitwasyon at
pagkilos.

Kung kaya’t ibalik natin ang wika sa kaibuturan ng kamalayan


natin at di lamang sa sanga-sangang dila ng gahum.

Advertisements
REPORT THIS AD

REPORT THIS AD

PiliFilipino: Isang Teorya ng Wika

SAYSAY AT SALAYSAY NG
PANTAWANG PANANAW MULA
PAMUMUSONG
HANGGANG IMPERSONASYON
Pebrero 23, 2010kritikasatabitabikritika, pantawang pananaw, pusong, tawa1 Puna

ni rhod v. nuncio

– Sinipi mula sa masteral tesis ng awtor na nailimbag


sa Sangandiwa (2004)at Malay(2005).
Our literary tradition is unique in a way. Although
all oral and written literature…may be said to
reflect the complex sectoral conflicts of any
historical period, our literary tradition has
developed in constant engagement with urgent
sociopolitical debates. It has been engaged in
criticism, in questioning and protest, in resistance
through comic, satiric and other devious ways.
– E. San Juan, History and Form
Dalumat at Saysay
Mariing pinapahalagahan ang kakayahan ng tawa upang pagaanin at
pasayahin ang kalagayan ng buhay ng tao. Sa tawa lamang, ika nga, may
redempsyon mula sa problemang kinahaharap ng sinuman. Sa ngiti, hagikhik
o halakhak naibubulalas ang tanging paggapi sa kalungkutan. Sa tawa
nagkakaroon ng pagtudling sa sakit at pag-ahon upang purgahin ang
emosyon ng tao mula sa kabigatan ng saloobin o damdamin. Di ba nga’t
tinaguriang isang therapy ang pagtawa? “Laughter is the best medicine and
humor is the spice of life” (Batacan 1966). Kung susuriin nang mabuti ang
tawa ay isang mekanismo ng damdamin na nagbibigay laman sa puwang o
guwang sa damdamin ng isang malungkuting tao o di kaya’y yaong
naghahanap lamang ng kasiyahan sa buhay. Kung kaya’t, mahihinuha sa
sikolohiya ng tao ang pag-imbento niya ng mga kaparaanang magpapaaliw
sa kanya. Dapat may objek na pinagmumulan ng aliw, may mga persona o
maskara na nagtatanghal at may mga pangyayaring nagiging tampulan ng
kasiyahan. Ito ang naging dahilan marahil kung bakit naging pamoso ang
matsing sa mga kwentong bayan at ilang pabula na kinawiwilihan sa bayan-
bayan. Dagdag pa rito, ang pagkakaroon ng payaso, pusong, kengkoy, aktor
sa entablado o saan man ay naging popular sa pagbibigay kasiyahan. Ang
eksenang nadulas, nadapa, nahulugan ng mabigat na bagay at marami pang
iba ay mga pangyayaring nagdudulot ng katawa-tawang reaksyon sa iba.
Maging ang paghahalo ng imahinasyon at libido ng tao upang kilitiin ang
sexual na sensibilidad ay nagiging katawa-tawa rin; ito ang tinaguriang green
jokes o toilet humor. Maaaring may nakaligtaang isama sa ganitong
paggalugad sa penomenon ng tawa subalit ang kalikasan at kakayahan ng
tawa upang magbigay ng aliw ay isang malawak na terrain sa sikolohiya. Ang
mga halimbawa sa itaas ay mahalagang nabanggit upang bigyan ng
pagtatasa o kaibahan sa isang uri ng tawa o pagpapatawa na nakaangkla
hindi lamang sa damdamin o emosyon ngunit maging sa kamalayang
Pilipino. Sa paggamit ng salitang ‘pananaw’ tumutukoy ito sa pag-iisip ng
tao. Kung ang tawa ay reaksyong pandamdam, patungkol naman ang
pananaw sa kaisipan. Pinagninilayan o pinag-iisipan ng isang tao ang
pagkakaroon ng pananaw. Higit pa sa isang opiniyon lamang ang pananaw
ng isang tao, isang pagbasa o interpretasyon ito sa nangyayari sa kanya at
kanyang kapaligiran. Inaarok ng isipan ang kahalagan o kabalintunaan ng
isang pangyayari o kaalamang naging malaki ang epekto o kinahinatnan sa
sariling buhay, pakikipag-ugnayan sa iba at sa sandaigdigan. Kung isang
interpretasyon o pag-unawa ang pananaw, isasakontexto ito bilang kritika.
Naiiba ang kritika sa komentaryo sapagkat pinagnilayan ito nang husto at
hindi lamang puna nang puna sa nakikita o nararanasan. Ang kritika ay
interpretasyon o pagbasa sa karanasan, texto, kultura na inuunawa sa
perspektiba ng kamalayan. Hindi neutral na salita ang pananaw sa
pagbasang ganito. Kritikal na pagbasa ito at nakaugat sa kontextong
panlipunan. Ang pantawang pananaw ay nangagahulugang tawa bilang
kritika sa mga isyu at tauhan sa lipunan. Kung kaya’t isang pagbasang
kritikal ng kamalayan (pagsasanib ng damdamin at isipan) ang pantawang
pananaw, ng isang taong mulat sa nangyayari sa lipunan. Ang pantawa
bilang ‘pan + tawa’ ay pag-angkin at pantukoy sa kakanyahan at kakayahan
ng tawa bilang kritika. Tinaguriang pantawang pananaw ang ganitong
kalikasan at kakayahan. Ang tawa bilang catharsis ay masasabing
panandalian—isang comic relief. Ang pantawang pananaw ay nakakabit sa
kamalayan at diwa ng mga Pilipino. May limang elemento ang pantawang
pananaw. Ito ang: (1) midyum, (2) kontexto, (3) kontent o anyo, (4) aktor, at
(5) manonood. Isang diwa ng karanasang Pilipino ang pantawang pananaw.
Nakapaloob ito sa karanasan ng tawa bilang kritika, bilang pagtuligsa sa
kapangyarihan at kaayusan sa lipunan na mababakas mula pa sa oral na
tradisyon, bago pa dumating ang mga Kastila, hanggang sa paglaganap ng
mass media ngayon. Ang bahaging ito ay tumutukoy sa midyum ng
pantawang pananaw. Ang midyum ay daluyan na kung saan nagiging
laganap o natatangi ang pantawang pananaw. Kasama rin sa elementong ito
ang lunan o situs ng daluyan, halimbawa, sa entablado, kalye, radyo at
telebisyon. Samantala, nakapaloob sa daluyang ito ang iba’t ibang anyo na
kinabibilangan ng kwentong bayan, entremes, sainete, drama, bodabil,
dulang panradyo at impersonasyon bilang palabas sa telebisyon. Ang mga
nagsisiganap o mga aktor, karakter ang tinaguriang mga pusong,
aktor/komedyante at impersoneytor. Ang mga isyung panlipunan na
tumatahak sa sosyal at pulitikal na kalagayan ng bansa ang bumubuo sa
kontexto ng pantawang pananaw. Ilang Katangian ng Pantawang Pananaw
Isang pagbasang kritikal. Katulad nang nabanggit na hindi lamang pagtawa
na walang kontexto ang pantawang pananaw. Itinataas ito hindi lamang
bilang sa aspektong emosyunal, kundi bilang isang kritikal na pagbasa na
tumatarok sa kamalayan at kaisipang Pilipino. Subjektibong pagbasag sa
imahe at katawan. Masasabing isa itong pagkwestiyon sa katauhan,
kaligiran, katawan, at kaayusang panlipunan bilang objek ng tawa at
pagtuligsa. Winawasak nito sa ganitong kritikal na pagbasa ang imahe ng
kapangyarihan bilang kahinaan o ang kapangyarihan bilang imahe ng
kawalang kapangyarihan. May kasaysayan. Masasabi nating nakatuon sa
pangyayaring historikal ang pagkukwestiyon sa imahe o katawan ng
kolonyalismo (pahanon ng pananakop) o komersyalismo (panahon ng
kulturang popular). Nagpapabago ng kahulugan ang pantawang pananaw sa
tayo o poder ng karanasang kolonyalismo o komersyalismo. Intersubjektibo.
Nangangailangan ng kapwa o sabjek na tuwirang babasa at magkikritika
gamit ang pantawang pananaw. Ang ganitong paraan ay nangangahulugan
ng walang humpay na pagbasa ng manonood, tagapakinig at sinuman upang
makapagbigay ng tuloy-tuloy na panlipunang kritika. Intertextual at
Reflexibo. Nangangailangan nang pagiging bukas ng ilang texto upang
magamit sa pagpapakahulugan at pagkatuto sa mensahe o simbulo sa
alinmang diskurso. Kung kaya’t mahihinuhang naglalakbay ang pantawang
pananaw mula sa kwentong bayan hanggang sa kulturang popular.
Samakatuwid, hindi lamang masasabing isang genre o anyo ng panitikan ang
pantawang pananaw, sapagkat nakabukas sa iba’t ibang anyo at daluyan sa
karanasang Pilipino ang pagiging texto nito bilang pagbasa. Maaari rin kasing
isama ang komiks, comic strip na makikita sa mga pahayagan, pelikula at iba
pa. Kung tutuusin, isang magandang paksa sa iba pang pag-aaral ng
pantawang pananaw ang isama ang ilang nabanggit na anyo. Subalit
nakatuon lamang sa limitasyon ng pag-aaral na ito ang konsepto at praktika
ng pagtatanghal at palabas gamit ang pantawang pananaw, partikular sa
impersonasyon. Sa bandang huli ang puntos ng intertextualidad sa pagdulog
ng pantawang pananaw ay masasabing paglulugar at paglilinang sa ugnayan
ng kapangyarihan, karanasan, kaalaman, diwa, at katauhan upang
isakontexto ang pakay ng pag-aaral na ito.

Salaysayin
Tungkol sa impersonasyon bilang pantawang pananaw ang pag-aaral na ito.
Nakatuon sa kasalukuyan, sa napapanahong isyu at tauhan sa lipunan ang
pagbasa ng impersonasyon. Subalit bago natin patibayin ang kasalukuyang
diskurso, diwa, dalumat at pagbasa ng impersonasyon kinakailangan muna
nating balikan ang salaysay at saysay ng pantawang pananaw. Isang
dalumat ito ng pagbasa – isang reflexibo at kritikal na pagsukat sa
nangyayari sa lipunan, sa mga tauhan sa lipunan. Upang mabigyan ng
katuwiran ang kasalukuyang pagbasa sa impersonasyon bilang pantawang
pananaw, marapat na alamin kung bakit naging reflexibo sa tala ng
kasaysayan ng dula at panitikan ang pantawang pananaw. Ang dalumat na
ito ay isa na mismong pagteteoryang politikal, sosyal at kultural. Nakabalot
sa tradisyon at kultura ang panitikang nagbibigay ng pakahulugan, puna at
deskripsyon sa nangyayari sa lipunan. Sa ganitong analisis, nakatuon sa isyu
at tauhang sumasagisag sa o bumubuo ng lipunan ang panitikan bilang
texto. Ang texto na umuugma sa samu’t saring pakahulugan at ganap na
impluwensya nito sa kalakaran ng mga tao at institusyon, politika at kultura
ay masasabing may kaganapan sa paglipas ng panahon. Kung kaya’t ang
pantawang pananaw bilang dalumat ng pagbasa ay magsisilbing diwa sa
pag-uunawa sa kaganapang sosyo-politika sa pamamagitan ng tawa.
Mahalaga ito sapagkat bilang dalumat gustong ipahatid ng pag-aaral na ito
na namumutawi na ang pantawang pananaw sa talastasan o kwentuhan at
pagtatanghal bago pa man dumating ang mga Kastila. At nagpapatuloy ito
sa ngayon sa mga palabas sa telebisyon bilang isa sa mga bumubuo ng
kulturang popular. Bilang isang diwa, nakapaloob na sa damdamin at isipan
ng mga Pilipino ang pagpapatawa bilang pagbatikos sa kolonyal na
kapangyarihan. Makikilala ang pantawang pananaw mula sa mahabang
naratibo ng karanasan at kasaysayan ng mga Pilipino. Sumasabay ito bilang
diwa at dalumat sa iba’t ibang anyo at genre ng panitikan. Hindi naman
masasabing isang likas o lantay na uri o anyo ng panitikan ang pantawang
pananaw dahil sa pagiging reflexibo at daynamiko nito sa takbo ng panahon.
Kasama gayundin, bilang bahagi ng kritikang intertextual ang pakahulugan,
deskripsyon at puna ng pantawang pananaw bilang isang pagbasa sa
pagkaka-ugnay mula dula at pagtatanghal hanggang sa palabas sa mga
isyung politikal at kultural ng isang bansa. Samakatuwid, isang kritikang
panlipunan ang tawa bilang pananaw na maaaring sabihing impluwensyal
upang makapagdulot ng malalimang repleksyon at pagsusuri sa gitna ng
pagtawa o paghalakhak. Bilang isang pagbasa ang mananaliksik ay gagawa
ng sarbey sa paglilinang sa salaysay at saysay ng pantawang pananaw. Hindi
nagtatakda ng isang ganap na kasaysayan ang gagawing pagtalakay dito.
Layuning bumuo ng sarbey ang pagsasalaysay na ito mula sa naitalang
naratibo, kuwento o texto. Kasama rito ang pagtalima sa dalumat ng
pantawang pananaw sa pagbabalik mula sa nakaraan. Hahatiin sa dalawang
punto ang gagawing paggalugad sa nakaraan. Kabilang sa sarbey na ito ang
mga sumusunod: (1) Pusong mula sa kwentong bayan, (2) entremes at
sainete mula sa komedya at sarswela, (3) drama, (4) comedy skits mula sa
bodabil, (5) dula mula sa programang panradyo at (6) palabas sa telebisyon
na may impersonasyon. Magandang balikan ang ilan sa mga datos na
nagpapatibay sa ganitong penomenon ng tawa na hindi lamang bilang pang-
aliw sa manonood bagkus, isang pagpuna o kritika rin. Mula sa Kwentong
Bayan—Ang Pusong Mayaman at laganap ang mga kwentong bayan sa oral
na tradisyon. Pasalin-salin sa bukambibig ng mga taong pinanggalingan,
tumangkilik at tumatangkilik pa rin sa mga kwentong ito. Bilang daluyan ng
pantawang pananaw masasabing nagsimula pa noong bago pa man
dumating ang mga Kastila (ika-16 siglo pababa) ang mga kwentong bayan
na ito. Kung tutuusin ang pagsusuri sa kontexto nito ay bilang isang social
praxis. Bago man ito tinaguriang isang panitikan, isang matibay na
kinagawiang tradisyon at pamumuhay ang pagsasalin ng kani-kanilang
kaalamang bayan. Ayon kay F. Lando Jocano ang tradisyong oral ng mga
Pilipino ay nagbubunsod sa isang malakihang rekonstruksyon ng panlipunang
kontexto ng sinaunang kasaysayan. Nakapagbibigay din ito nang mas
mahusay na pag-uunawa sa mga detalye ng ganitong tradisyon sa
kasaysayan na kung saan nagsisilbing pundasyon ng kasalukayang kultura at
lipunan ng mga Pilipino (sa Manuud 1967). Samakatuwid, ang puno’t dulo ng
tradisyong oral ay nasa kaligirang panlipunan na tumatalakay sa buhay-
buhay, kustumbre, paniniwala, sining at spiritualidad. Isang malaking dagok
kung ituturing na primitibong panitikan ang kabilang sa ganitong tradisyon.
Mahirap tukuying isang primitibo ang anyo ng kwentong bayan, at isang
lipunang walang sistemang panulat ang pinanggalingan nito katulad nang
nabanggit ni Arsenio E. Manuel. “The best examples of primitive literature
may be found on non-literate societies. Illiterate bearers carry on the
traditions supposed to have been transmitted through the ages for
generations…because these traditions are oral or verbal. A collection of such
traditions may be labelled primitive literature” (Manuud 1967: 255). Sa
katunayan, tumuturol lamang sa aspekto ng panahon o peryodisasyon ang
konsepto o lebel na primitibo. Subalit ang nilalaman ng nasabing tradisyon
ay hindi. Sa ganitong argumento, masasabi bang ang nilalaman ng ating
kultura sa ngayon ay magiging primitibo makalipas ang limampu o
isandaang taon? Hindi pa patay ang tradisyong oral sa ngayon, bagkus
nakikipagsabayan pa ito sa ilang bahagi ng bansa, lalung-lalo na sa mga
probinsya. May sistema rin ng pagsulat ang mga sinaunang Pilipino. Hindi
lamang patungkol sa pagkakaraoon ng alpabeto o wikang napreserba sa
panitik ang sistema ng panulat (baybayin/alibata). Ang tradisyong ito ay
namayani sa paninimbulo sa gawang sining at kilos ng mga tao noon.
Kasama sa paninimbulong ito ang mga nakakatawang kwentong bayan ukol
kay Juan Pusong o Suan ng mga Tagalog at mga Kapampangan, Juan Usong
(Osong) ng mga Bikolano, Juan Pusong ng mga Taga-Bisaya at Sulo; at
Pilandok ng mga taga-Maranao (Eugenio, 1989). Bakit paninimbulo? Dahil sa
kwentong bayan mahirap tukuyin kung talagang nangyari ang mga
salaysaying ito sa kanilang karanasan o kasaysayan. Bagkus, malalaman ang
mensahe ng mga nakakatawang kwentong bayang ito sa pagsipat sa tawa
bilang kritika sa karanasan at kultura ng mga sinaunang Pilipino. Gamit ang
ginawang koleksyon ni Eugenio, susuriin sa bandang ito ang tatlong
kwentong bayan ng Pusong na nagmula sa mga Cebuano (369-370), Waray
(370-371) at mga Muslim ng Sulu (379-380). Tingnan ang balangkas ng
naratibo ng tatlong nabanggit. Sa kabuuan, ang pinakabuod ng kwentong ito
ay tungkol sa pakikipagsapalaran ni Juan Pusong at sa kanyang
pakikipagtunggali sa hari o datu sa pamamagitan ng pagbibiro at pagiging
tuso. Sa bandang huli, ang kanyang katawa-tawang pagbibiro ay nagdudulot
sa kanya ng kapahamakan ngunit sa ganito ring pagbibiro siya nagwawagi.
Mga Kahulugan ng mga titik o unit ng naratibo: A – bida B – ang Hari o taong
binibiro ni Juan T – mga nakakatawang pagbibiro X – tunggalian o
konfrontasyon ng A at B C – tagapamagitan, maaaring isang tao o hayop Ct –
panggogoyo o pagbibiro sa tagapamagitan Y – pagtakas ng bida Yt –
panloloko o pagbibiro muli ni A kay B Z – konklusyon ng kwento Cebuano
Waray Muslim ng Sulu A Pusong Pusong Posong B Hari Hari Sultan at Pitong
datu T Pinutol ang buntot ng mga baka at binaon sa putikan. Sinabi sa hari
na nalunod ang mga baka. Gustong makuha ang pabuya ng hari sa
pamamagitan ng pagpapanggap na may lorong nagsasalita. Biniro at
nakipagtalik sa anak na babae ng Sultan isang gabing umuulan. X Nalaman
ng hari ang kalokohan ni Juan at inilagay siya sa hawla at pinatapon sa
dagat. Kahahabol ng hari sa loro siya ay napunta sa dumi ng mga hayop.
Hinuli si Juan at itinale sa poste. Pumunta sa pitong datu na nagpapagalingan
para sa kamay ng dalaga at sinabi ni Posong na nakipagtalik siya sa anak ng
hari na kasing sarap ng nganga. Hinabol siya ng mga ito. C Isang lalaki
Prinsipe Mga mababangis na hayop sa gubat Ct Inalok na ikakasal ang lalaki
sa anak na babae ng hari kung makikipagpalit ng puwesto. Inalok ang
Prinsipe na mamili sa mga anak na babae ng hari upang pakasalan Sa
hudyat ng gong nang tamaan ng mga karibal ni Juan nagising ang mga
natutulog na mabangis na mga hayop. Y Nakatakas si Juan at bumalik sa hari
Bumalik si Juan sa hari na nakasuot nang marangyang kasuotan mula sa
prinsipe Nakatakas si Juan mula sa mababangis na hayop at sa mga karibal
niya. Yt Sa panloloko uli ni Juan sinabi niyang hinahanap ng mga kamag-anak
ang hari sa ilalim ng dagat Sinabing maraming ginto at kayamanan sa ilalim
ng dagat Z Ipinatapon ang hari sa dagat at si Juan ang naging bagong hari
Initusang itali at itapon ang hari upang makita nito ang mga kayamanan sa
ilalim ng dagat Nilamon ng mga mababangis na hayop ang pitong datung
karibal ni Juan. Anong paninimbulo o signos meron ang mga kwentong
nabanggit? Gamit ang mga talang pangkasaysayan at ibang panunuri sa
kalagayan noon ng mga Pilipino, babasahin natin ang texto sa punto de bista
na ibinigay ni William Henry Scott (1982) at sa perspektiba rin ng dalumat ng
pantawang pananaw. Ayon kay W. H. Scott, hindi totoong mahirap balikan
ang kasaysayan ng mga sinaunang Pilipino, dahil lamang sa itinakda ng mga
Kastila na wasakin ang mga labi ng kalinangang panulat o oral at kaalaman
noon. Ang mga Kastila ang may monopolyo sa pagbubuo (o pagwasak) ng
panibagong kaalaman upang gahasain ang kultura, kasaysayan at
kamalayan noong panahong iyon. Subalit may mga guwang sa texto (cracks
in the parchment) na maaaring basahin batay na rin sa oral na tradisyon na
naging daluyan ng mga kwento kay Juan Pusong, at batay na rin sa ginawang
koleksyon ni Eugenio (1989). Ano ang maaaring ipasok sa pagbasa ng mga
guwang na ito? Patungkol ang unang paliwanag sa pag-usisa upang mang-
uyam at manudyo sa harap ng may kapangyarihan, i.e., karaniwan ang hari
o sultan. Kung susuriin nang mabuti si Juan Pusong ay isang ordinaryong tao
lamang na mahilig magbiro hindi sa katulad niya (sa kontexto ng nabanggit
na kwento), kundi sa katauhan ng mga hari at datu—silang mga angat sa
estado sa lipunan. Maaaring hindi totoo subalit sino naman ang
makakapagsabi, gayong dumaan sa mahabang panahon ang pagsasalin sa
bibig ng ganitong kwento. Kung tutuusin sa pagdating ng mga Kastila at sa
ilang anyo ng dula na galing sa Espanya, ang pamumusong ay naging
kasakasama bilang komentaryo sa pagtatanghal. Isang patunay na ang
pusong at pamumusong ay bahagi ng pagganap at paggamit sa wikang oral.
Sabi ni Feldman: “And these events, as signal social events, not only take
place in, but…are made by their characteristic forms of talk, for these forms
of talk are much like those other event-making forms of language” (1991:
49). Kung kaya’t maisasama sa pagtatanghal ang mga kwentong pusong sa
dahilang sa pamamagitan ng pagkukuwento at pagsasalin-salin nito sa ibang
bibig, ang kaganapan ng buhay at kaisipan ang naipapaabot sa ibang
nakakarinig o nakakaalam. Hindi ang pagkamito ng kwento ang punto rito
bagkus, nakatuon sa mensahe at simbulo laban sa imahe ng kapangyarihan.
Katulad sa Sulo, sinabing lumaganap ang kwentong Pusong noong panahong
nanungkulan ang isang sultang diktador o autokratiko. Maipapalagay na
gumamit ng kwentong Pusong ang mga tao noon upang paglaruan ang
imahe ng Sultan at upang ilabas ang kanilang saloobin sa kagustuhang
makaganti sa katauhan ni Juan Posong (Eugenio, xxxv). Umaangkop sa
pantawang pananaw ang katauhan ni Juan Pusong bilang aktor sa
pagpapatawa at pagbibiro. Sinusumbatan ng kwento ang kapangyarihan sa
katauhan ng isang tuso at mapagbirong tao. Si Pusong o Posong ay isang
karakter na masasabi nating binuo sa tradisyong oral at gumamit ng pang-
aasar, panggagaya o pagpapanggap at panloloko. Subalit hindi dapat
tingnan sa negatibo ang mga katangiang ito ni Posong, tulad ng depinisyon
nina Hart at Hart: [Juan Pusong] “is…a scampish young Filipino trickter,
whose swindles, notorious escapades, and practical jokes are always
amusing, frequently off-color, sometimes obscene but rarely villainous” (sa
Eugenio 1989: 315). Maituturing na isang pagtingin sa kapangyarihan ng
tawa o pagpapatawa ang mga kaparaanan ni Posong. Nakakatawa nga ang
mga ito dahil ginagawa nitong mangmang ang hari at sa bandang huli si
Posong ang humahalili at nagwawagi. Katangian ito ng pagsubvert at
pagbaligtad sa kapangyarihan. Na kahit sa panahon noong bago pa
dumating ang mga Kastila, ang mga sinaunang Pilipino ay nagpapatawa at
nagbibiro na upang kwestyunin ang nasa kapangyarihan. Ito ang guwang sa
mga kwento at kasaysayang, maituturing, patungkol sa kamalayan at
karanasang Pilipino noon. Batid pa nga ni F. Landa Jocano na: “Oral folk
literature functions in society as a means through which the people’s faith in
the efficacy of their tradition is affirmed, and their convictions strengthened.
It constitutes the framework of meaning and values in terms of which the
people interpret their experience and guide their actions” (Manuud 1967:
307).

Saysay at Salaysay ng Pantawang Pananaw mula Pamumusong


Hanggang Impersonasyon

PAGDALUMAT-SALITA TUNGO SA
PAGTETEORYANG FILIPINO
Disyembre 6, 2009kritikasatabitabiAraling Filipino, dalumat-
salita, diskurso, Filipino, hiyang, kritika, kritikang Filipino, pagdalumat, pagteteorya, Philippine
Studies, pilipinolohiya, sangandiwa, sanghiyang, teorya, teoryang Filipino, Wikang Filipino1 Puna

PANAYAM DR. ISAGANI R. CRUZ (binasa sa DLSU noong Nobyembre 13, 2008)

PAGDADALUMAT-SALITA: Kung Bakit Hindi na Hikain ang Wika ng


Teorya sa Wikang Filipino
ni Prof. Rhoderick V. Nuncio, Ph.D. Departamento ng Filipino, Kolehiyo ng
Malalayang Sining, Pamantasang De La Salle-Maynila

Nais kong buwagin ang matagal nang paniniwala na walang kakayahan ang
ating wika—ang wikang Filipino—na magamit sa larangan ng pagteteorya.
Hindi pa raw ganap na intelektwalisado ang wikang ito sa iba’t ibang
larangang pang-akademya (liban na lamang daw sa panitikan) kung kaya’t
nananatiling lingua franca pa lamang ito sa kalye. Ganyan ba kababaw ang
tingin natin sa wikang Filipino? O dili kaya’y ganyan ang tingin nating nasa
akademya sa wika ng mamamayan natin? Sa isang maliit na pulong na
dinaluhan ko, talagang tingin ng iba na kapag ituturo ang isang aralin (na
nakasanayan na sa Ingles) sa Filipino ay nagmumukhang mababaw daw. Sa
isang pulong din, binatikos at tinarget ng pagmamaliit ang kurikulum ng
Araling Filipino dahil wala pa raw corpus ng pag-aaral tungkol sa Midya at
Pagtuturo. Marami silang puna, lalong-lalo na ang hindi naman gumagamit
ng Filipino kesyo Ingles at Ingles pa rin ang wika ng teorya, wika ng
akademya, wika ng pagtuturo, ang wika ng gahum. Iyon ang akala nila. Hindi
ko na bubusisiin kung anu-ano ang dahilan kung bakit tayo ganito, at sila’y
ganoon, dahil matagal ng debate ang “kababawan ng wikang Filipino”. Sa
akin lamang gusto kong manindigan at sabihin at gawin na ang wika ng
teorya ay nakasalalay ngayon sa wikang Filipino katulad ng paniniwala ni Dr.
Isagani Cruz. Nasa wikang Filipino, sa palagay ko, ang hinaharap ng teorya sa
mundo. Sa wika natin mabubuo ang teoryang titingalain ng buong mundo sa
darating na dantaon. (2003: 146) Ang papel na ito ay nagsimula sa mga
hamong ibinabato sa atin ni Dr. Isagani R. Cruz. Kung ang mga hamong iyon
ay mga bato, sa dami ng mga matatapang na hamon niya tungkol sa isyu ng
wika, pagtuturo, kritika at literatura, siguradong puro pasa na tayo. Pero ang
punto niya: gusto lang niya tayong gisingin! Akala natin magaling lang
magdikonstrak ng texto si Isagani R. Cruz, subalit ang totoo’y tayo ang gusto
niyang distrungkahin, idikonstrak, windangin. Ito ang bitbit ko ngayong
inspirasyon dahil kung wala ang aklat na Bukod na Bukod (bukod pa sa iba
pa niyang kritikal at pilosopikal na mga akda), ang teksto’t texto ng kanyang
kritika, ang textong si Isagani R. Cruz at ang kritikong si Isagani R. Cruz, hindi
mabubuo ang dalumat ko. Hindi magiging matibay ang paninindigan ko.
Tatlong sanaysay ni IRC ang magiging batayan sa panayam na ito: una, Kung
Bakit Mas Dato Gid ang Wikang Filipino Kaysa Wikang Langyaw; ikalawa,
Kung Bakit Hinihika ang Wika sa Kritika; ikatlo’t huli, Ang Wika bilang
Ideolohiya o ang Wika ng Teorya bilang Teorya ng Wika. Hindi ko nais
rebyuhin ang tatlong sanaysay na ito, bagkus magsisilbing pananda at
tagapag-usad ang mga ito upang palitawin ko ang aking mga argumento.

Unang argumento: Naniniwala ako na may


kakayahan ang wikang Filipino na magamit ito sa
pagdadalumat upang higit na mapayabong ang
karunungang Filipino at Araling Filipino.
Ayon kay IRC, “Hanganrin kong ipakita na mas mayaman ang ating wika
kaysa sa banyagang wika dahil mas marami tayong salitang maitutumbas sa
konseptong langyaw” (2003: 84). Karugtong nito ang paglalagom ng
kanyang sanaysay: “Sa madaling salita, maraming salita tayong maaaring
gamitin para pag-ibahin ang iba’t ibang kahulugan ng iisang salitang
langyaw” (93). Maraming nabigay na mga halimbawa si IRC sa sanaysay na
ito: kritika, teorya, kritisismo, pamumuna, panunuri, kasaysayang
pampanitikan, buwis, daigdig at mundo. Ngunit ihahaylayt ko lang ang isang
salita: teorya. Ang teorya na galing sa literary theory o theory ay ang “pag-
aaral sa pangkalahatang isyung bumabalot sa literatura, sining, at kultura,
tulad ng papel ng literatura sa mundo, kung maaari ngang matuklasan ang
kahulugan ng isang likhang panliteratura, o ang relasyon ng literatura sa
wika” (92) Ang teorya ay isang salitang langyaw na inangkop sa baybay
Filipino. Ngunit kung susundin ang premis ni IRC mas angkop at mas wastong
gamitin ang salitang “dalumat”. Mula sa etymology ng theory: Gk. theoria
“contemplation, speculation, a looking at, things looked at,” from theorein
“to consider, speculate, look at,” from theoros “spectator,” from thea “a
view” + horan “to see.” (http://www.etymonline.com/index.php?
term=theory) Kay Panganiban (1973) ang salitang “dalumat” ay
kasingkahulugan ng “paglilirip” at “panghihiraya”. Sa Ingles na kahulugan,
ayon kay Panganiban (1973), ganito ang ibig sabihin: very deep thought,
abstract conception. Ang dinadalumat ay salita na may implikasyong
abstrakto at pilosopikal. Ginagamit ang salita hindi sa payak na paraan
bagkus sa mataas na antas ng pag-iisip. Sa ganitong paliwanag,
samakatuwid, ginagamit ang salita bilang konsepto sa larangan ng
pagteteorya. Humihiwalay sa lexical o diksyunaryong kahulugan lamang ang
salita at nililirip ito sa antas ng interpretasyon. Ang kahulugan mismo ng
panghihiraya ay upang maging malikhain ang isang palaisip o teorista sa
kognitibong konstruksyon ng kabuluhan, kahulugan at kakanyahan ng salita
bilang dalumat. Kung kaya’t pumapasok dito ang lisensiya ng isang iskolar o
teorista na bumuo ng bagong salita sa dinadalumat na teorya . Kung susuriin
natin ang teorya batay sa etymology nito nakatutok lamang ito tulad ng
dalumat sa paglilirip o abstraktong konseptwalisasyon. Ikalawa,
ipinipahiwatig nito ang distansiya ng teorista bilang tagamasid, tagatanghod,
tagasipat. Subalit, wala rito ang kapangyarihan ng haraya at paghihiraya na
nakasahog sa konotasyon ng salitang dalumat. Samakatuwid, kung
nagdadalumat ang isang palaisip, nakakapit sa isip niya ang paglilirip,
pagsisid sa kailaliman ng kahulugan/penomenon at paghihiraya nito. Ibig
sabihin dahil sa imahinasyon, tagakatha’t tagasuri siya sa pagdadalumat.
Hindi lamang textual ito bagkus, visual din ang saklaw ng pagdadalumat.
Visual din naman ang ipinapahiwatig ng teorya ngunit palabas ito,
nakatanaw ito. Sa dalumat, sasabihin kong, internal ito’t nasasakop na ang
pagtanaw sa labas, dahil hiniharaya na ito sa kognitibong pagtakbo ng isip,
sa loob, sa ating kamalayan. Siyempre pa kailangang linawin din kung anong
kontexto nakatali ang kahulugan ng teorya dahil sa ngayon maraming
kahulugan ito batay sa anumang disiplinang (siyensya, agham panlipunan o
humanidades) sumususo rito. Ikalawang argumento: Hindi na bansot ang
ating wika, hindi na kulang-kulang ang ating vocubularyo para sa talastasang
teoretikal. Hindi na totoong kailangan pa nating maghintay ng isandaang
taon para maintelektuwalisa ang wikang ito. Ang Pagdalumat-Salita Sa
anumang binubuong teorya, mahalaga at makapangyarihan ang wika. Bukod
sa pagtingin na ang wika ay representasyon ng mundo ayon sa mga
nominalista, ang wika rin ay isang instrumento na maaaring makapagpabago
ng isipan ng mga tao at sa pagtagal ng panahon ng kilos ng tao. Subalit, mas
tututukan ng panayam na ito ang gamit ng wika bilang “wika ng teorya”
(Cruz, 2003: 134). Mas tatalab ang hamon sa intelektuwalisasyon ng wikang
Filipino kung gagamitin ang wikang ito sa teoretikal o pilosopikal na larangan
ng mga iskolar. Ibig sabihin nararapat na sa wikang Filipino nag-iisip nang
analitikal at kritikal at sa wikang Filipino ito naipapahayag . Ganito rin ang
paniniwala ng ibang iskolar (Cruz 2003, Lumbera 2000, Salazar 2000, Covar
1998, Atienza 1996, Enriquez 1992, Torres-Yu) na sila mismong nagtangka’t
nagtagumpay sa masinop at mataas na paggamit ng Filipino sa akademya.
Sa ginawang paglilinaw ni I R. Cruz (2003: 134-135) sa Critical Practice ni
Belsey (1980), lumitaw ang apat na konsiderasyong ito. Ayon kay Cruz,
maaari nating: 1. …linawin ang bagong konsepto na nais ipaliwanag ng
teorista, 2. …ituro ang mga bagong salita, kung mayroon man, na nilikha ng
teorista para maipaliwanag ang kanyang bagong konsepto; 3. …ipaliwanag
kung ano ang mga bagong palagay na naghahari sa diskors ng teorista, kung
ano samakatwid ang kanyang nais ipalit sa kababawan 4. …kung aling mga
palagay na kasama sa kababawan ang binabatikos ng diskors, hindi lamang
ng nilalaman nito kundi pati na ang estilo o estratehiya ng pagsulat nito.
Isang punto lang naman ang hindi ako sang-ayon, ang salin ng common-
sense bilang kababawan. Ang wika ay isang ideolohiya, wika ni IRC (131). Sa
tingin ko ito ang diskurso ng balana. At dahil sinabing nakasahog ang
kababawan sa wika, dahil wika ang kongkretong manifestasyon nito,
magiging kontradiksyon ang pagwaksi sa kababawan o common sense
upang linangin ang wika ng teorya sa wikang Filipino at pagdadalumat-salita.
Dalawa ang paliwanag ko rito: Una, ang common-sense, ang balon ng
kaalaman at kamalayan ng mga tao upang sila’y kumilos at makipagdiskurso
sa pang-araw-araw nilang buhay. Ito ang kasangkapan nila sa pag-unawa ng
mga ordinaryo at maski mga komplikadong bagay-bagay sa buhay nila. Dito
nanggagaling ang sumatotal ng makabuluhang pagkilos nila batay sa
nabuong paniniwala at hinuha bunsod ng pagdanas o karanasan nila.
Common-sense na umiyak tayo sa palabas na madrama. Siyempre dahil
common-sense nga ito. Tumawa kung talagang nakatatawa. Magdala ng
payong kung makulimlim ang langit. Sa normal at normatibong takbo ng
buhay natin, napakahalaga ng pagkakaroon nito. Di nga ba’t ang kulang sa
ganito’y nababansagang mahina ang pag-iisip. Natatanging kaloob sa atin ito
dahil ito ang dahilan kung bakit nagbreakdown ang mga riserts tungkol sa
Artificial Intelligence dahil ang kaya lang iproseso ng kompyuter o
computational system ang impormasyon ngunit hindi ang common-sense na
tulad sa isang tao. Ikalawa, ang gusto kong sabihin ay ganito. Mahalaga ang
balanang pananaw dahil nakasandig dito ang pagdadalumat. Totoo ngang sa
artikulasyon at presentasyon ng dalumat/teorya pinahihirap ng mga
teorista/palaisip ang kanilang isinusulat, dahil common-sense din naman,
para mag-isip ang babasa nito at lalo pang paghusayan ang pag-unawa rito.
Ika nga’y winiwindang tayo para ang hindi obvious ang lumabas, kundi ang
iba pang maaaring kahulugan. Kung kaya’t ang function ng pagdadalumat ay
hindi para idikonstrak ang balanang pananaw, kundi bukod pa sana sa
pagkakaroon ng ganitong pananaw, mabuksan ang iba pang posibilidad ng
pag-unawa. Hindi maaaring maging kababawan ang common-sense dahil sa
halos lahat ng pagkakataon, ito ang nakalitaw at nakalutang sa inaaakala
nilang paraan ng pag-unawa sa praktikal na pamumuhay nila. Ang tungkulin
ng teorista’t palaisip ay palawakin pa ang palaisipan ng buhay at realidad.
Para sa karaniwang tao hadlang nga ang balanang pananaw para usisain pa
ang ibang kaisipan at palaisipan. Ito rin ang kapangyarihan ng wika at ito
nga ang layunin ng panayam kung bakit kailangang nasa wikang Filipino ang
pagdadalumat dahil sa wikang balana manggagaling ang dalumat.
Nakasanayan na kasi na ang wikang Filipino ay wika lamang sa
komunikasyon ng mga karaniwang tao, wika ng midya at showbiz, at wika
lamang sa kababawan. Subalit kailangang maging wika ito ng ating diwa, sa
mataas na antas ng pag-iisip ng mga Filipino. Hindi rin naman inosente ang
wika ng teorya. Ang lahat ng wika ay may pinagbubukalang ideolohiya. Ang
wika ng teorista/palaisip ay nagpapahiwatig ng posisyon ng kapangyarihan.
Ika nga’y bunga ito ng social capital ayon kay Bourdieu na taglay ng isang
nakapag-aral, titulado, at kahit paano mataas ang katayuan sa buhay
kumpara sa iba. Kung kaya’t dahil dito, natural din na magkaiba talaga ang
kayarian ng wika ng balana at wika ng akademya. Tunghayan natin kung ano
ang pagdadalumat-salita. Ang pagtatangkang teoretikal, alinsunod sa
paglikha ng bagong salita at katuturan nito, ay tatawaging pagdadalumat-
salita. Ano ang pagdadalumat salita? Tinatawag na dalumat-salita ang
paggamit ng wika sa mataas na antas ng pagteteorya batay sa masusi,
masinop, kritikal at analitikal na paggamit ng mga salitang kumakatawan ng
mga ideya at kaalamang nagiging konsepto sa malalimang pag-uuri’t
paggamit nito. Tinitingnan sa paraang ito ang ugnayan ng salitang ugat at
ang varyasyon ng mga pagbabanghay ng salita na nagluluwal ng sanga-
sangang kahulugan (Nuncio at Morales-Nuncio 2004: 167). Ganito ang ilang
paraan ng pagdadalumat-salita ng ilang kritiko, teorista, at palaisip sa iba’t
ibang disiplina. 1. Pag-imbento/pagkatha ng mga bagong salita/konsepto:
Pilipinolohiya ni Covar, Pantayong Pananaw ni Zeus Salazar, Pamathalaan ni
Consolacion Alaras, Sarilaysay ni Rosario Torres-Yu. 2. Pagsasalin at
pagdagdag ng kahulugan: kritika, anda, at gahum ni IRC, loob at labas 3.
Pag-aangkop/rekontekstuwalisasyon: Sikolohiyang Pilipino ni Virgilio
Enriquez, kasaysayan bilang “salaysay na may saysay” at “pag-uulat sa
sarili”; Dating bilang pagdadalumat sa estetikang Filipino ni Lumbera.
Dagdag pa natin ang naging ilang kontribusyon ko sa pagdadalumat-salita.
Kaakuhan-pag-ako ng sarili (ako) sa kanyang pagkatao, pagkakakilanlan
Pantawang pananaw-kapangyarihan ng tawa na tumuligsa at mang-uyam sa
mga nasa kapangyarihan; ang tawa bilang kritika Sangandiwa (kasama ang
aking asawa sa pagkatha nito)-kalikasan ng Araling Filipino bilang
multidisiplinari ang lapit, multikultural at multilinggwal ang mga
konsiderasyon sa pag-aaral nito. Pagsasanga-sanga ng mga talastasang
pangkalinangan sa loob at labas ng bansa na may lalim at lawak. Kaisahan
ito ng pagkakaiba-iba ng diwa at kabuuan din ng maramihang pakikisangkot
tungo sa mapanaklaw at malawakang kapilipinuhan ng sarili’t bansa (2004:
167). Ikatlong argumeto: Nasa atin mismong kalinangan o kultura, sa
balanang pananaw, at makaFilipinong diskurso sa tulong ng ating wika ang
pagbubukulan ng wika ng dalumat/teorya natin. Sa bahaging ito, nais kong
talakayin ang pagdadalumat-salita ng “sanghiyang” upang ipakita sa inyo
ang detalye at kabuluhan nito sa kasalukuyang panahon, sa penomenon ng
internet. Sisimulan ko ito sa hambingan ng morpolohiya at pagdadalumat-
salita. Maaaring sabihin na magkahawig ang morpolohiya at ang
pagdadalumat-salita. Ang morpolohiya ay isang sangay ng pag-aaral sa
linggwistiks. Ayon kina Santiago at Tiangco (1991) pag-aaral ito sa mga
morpema ng isang wika at ng pagsasama-sama ng mga ito upang makabuo
ng salita. Ang bawat salita ay maaaring binubuo ng salitang-ugat at ng mga
panlapi. Binanggit din nina Santiago at Tiangco (1991:108) na ang panlapi
bilang yunit ng salita ay tinatawag ding “di malayang mga morpema”,
sapagkat walang sariling katuturan ang mga salitang ito kung hindi
idudugtong o ilalapi sa ibang mga yunit salita na tinatawag bilang mga
morpema. Katulad halimbawa ng salitang magbasa; binubuo ito ng dalawang
yunit morperma: mag+ (unlapi, unang yunit morpema) at basa (salitang
ugat, ikalawang yunit morpema). Ang mag+ ay hindi nakakatayong-sariling
salita (sa ponolohiya, ponema ito na tinatawag ding pantig), walang sariling
katuturan kung hindi ilalapi sa ibang salita. Sa ganitong mabusising
pagtanaw sa wika, bubuksan ang binubuong pagteteorya sa wika.
Magkahawig man sa proseso, hindi magkatulad sa maraming bagay ang
morpolohiya at pagdadalumat-salita . Pansinin ang talahanayan sa ibaba:
Morpolohiya Pagdadalumat-salita Tipo/kinabibilangang pag-aaral linggwistik
metalinggwistik Tipo ng palabuuan ng salita denotatibo konkreto konotatibo
Abstrakto/teoretikal Uri ng pag-unawa linggwistiko pilosopikal
Pagpapakahulugan gramatikal diskursibo Talahanayan 1.1 Pagkakaiba ng
Morpolohiya at Pagdalumat-salita Ang pag-unawa sa salita sa morpolohikal
na istruktura ay linggwistikong nakabatay sa kumbensyonal na pamantayan.
Ibig sabihin higit nang alam ng nakararami ang salita at kahulugan nito.
Samantala, ang isang katangian ng dalumat-salita ay hindi ito matatagpuan
sa anumang diksyunaryo, dahil nga sa bagong mga salita-konsepto ito at
dahil arbitraryo itong nilikha ayon sa pangangailangang teoretikal. Sa
pagpapakahulugan sa natural na wika , ibig sabihi’y wikang ginagamit ng
nakararami sa komunidad ng gumagamit (nagwiwika) nito, hinuhugot ang
kahulugan sa istruktural-gramatikal na kaayusan ng salita. Ang
pagpapalagay na walang sariling kahulugan ang pantig o unlaping mag+ ay
nabuo bilang mga koda o batas sa pag-aaral ng wika. Samantala sa dalumat-
salita, diskursibo ang pagpapakahulugan, hindi natatali sa istruktura ng wika
o sa mga batas nito lamang ang pagpapakahulugan, bagkus winawari ito
batay sa partikular at kabuuang signifikasyon nito sa ibang usapin. Imbis na
textual (panloob-suri sa wika), intertextual (panlabas-suri) ang nagiging
hantungan ng pagdadalumat-salita. Ang panloob-suri ay tinatawag na
linggwistikong analisis, samantalang ang panlabas-suri’y diskors analisis
(Tannen 1993, Fairclough 1995, Van Dijk 1997, Georgakopoulou at Goutsos
1997). Kultural (Kontextualisasyon at Konseptuwalisasyon) Madalas sabihin
ng mga iskolar na magkatambal ang wika at kalinangan. Sa isang banda,
tama ito sa dahilang binubuhay ng bawat isa ang isa’t isa. Nasa kalinangan
mismo mahihinuha ang konteksto ng wika, kung papaano binibigyang lalim
at salaysay ang salita sa partikular na gamit, at ang wika sa kabuuang
signifikasyon nito. Hindi masalimuot na relasyon ito. Ika nga’y kung gusto
mong matutunan ang isang buhay na banyagang wika o lokal na wika,
nangangailangang mamalagi sa sisidlan nitong kalinangan. Kailangang
makibagay, makibahay at makipamuhay. Sa fanksyonal na pagtingin, ang
wika ang ginagamit para sa transmisyon ng kultura, para manatiling buhay
ito. Ang wika sa isang kalinangan o kultura ay kumbensyonal na ginagamit at
nauunawaan. Napag-alaman at alam ito ng mga kabahagi ng kulturang iyon
dahil na rin sa mahabang panahong paggamit nito at dahil sa nakasahog ito
sa aktibong ritwalisasyon ng kultura. Ibig sabihin nito, ang wika’y ritwal na
praktika at praktika ng ritwal sa nasabing kalinangan. At sa kaligiran nitong
mga kalinangan na may iba pang wika, nabubuhay pang lalo ito,
lumalaganap at nagiging tampulan ng kuryosidad at higit pang pag-aaral.
Ang salitang sanghiyang ay hindi nalalayo sa ganitong pagpapalagay. Sa
kultural na kahulugan nito, ang sanghiyang ay isang ritwal-sayaw sa Alfonso,
Cavite. Kilala ito bilang sayaw sa apoy ng mga naninirahang may taimtim na
pagtanaw sa bisa ng mapagkalingang kapangyarihan ng ritmo, ritwal at
paniniwala. Ritmo ito dahil sa pisikal na pakikilahok ito ng buong katawan na
sinasabayan ng chant habang nagsasayaw. Ritwal ito sa dahilang
isinasagawa ito ng isang pamayanan sa ilang makabuluhang gawain tulad ng
pagpapagaling ng sakit, pag-aalay sa Kataas-taasan, at pakikipagkapatiran.
Sa ganitong tradisyonal na ritwal, isang grupo ng pesanteng nakapaa ay
umaapak sa nagbabagang uling, na wari’t nasa kalagayan ng kapayapaan at
hindi nakakaramdaman ng init/sunog, at walang pagpapaliwanag ng kanilang
ritwal sa pamamagitan ng kahit anong sakit; sa katunayan, sila’y tila naiiba
ang kamalayan sa pagkakatiwala nila sa kanya, ang tagalikha ng apoy at
kaluluwa (Azurin 1995: 91). Sinasabi ng mga experto na nagkakaroon ng
altered-state of consciousness ang mga lumalahok sa ganitong gawain.
Parang isang trance ang nagaganap, na pakiwari’y humihiwalay ang isipan
sa katawan o hindi namamalayan ng katawan ang sakit at pagbabago rito
habang pumapaloob sa ganitong saysikal na kondisyon ng pag-iisip o
pagtutok ng isip sa isang bagay, kamalayan, at kalagayan. Ganito ang
naging obsebasyon ni Jaime Bulatao, isang kilalang clinical psychologist: …
Kapag nasa trance na sila, magsasayaw sila sa ibabaw ng nagbabagang
uling, pabalik-balik na nakapaa sa loob ng sampung minuto. Pagkatapos ng
seremonya, sampung minuto pa ang dasal-pasasalamat, bago sila
manumbalik mula sa trance. Tiningnan ko ang kanilang mga paa. Walang
sugat/sunog. Buong-buo ang kanilang malay sa katatapos nilang sayaw,
ngunit mayroong pakiramdam ng matinding saya habang nagsasayaw sila…
(sa Azurin 1995: 92). Ito ang kontextual na kahulugan ng sanghiyang batay
sa kultural na sandigan nito. Kumbaga’y kailangang ilatag ito dahil ang mga
elemento’t karanasan ay magiging pundasyon sa mga susunod na hakbang
sa pag-aaral na ito, lalong-lalo na sa pagdadalumat-salita nito. May
mangilan-ngilang pag-aaral na rin ang tumutok sa sanghiyang, kina Austria
at Calairo (2000) tinawag nila itong sahiyang at dinala ang diskurso nito sa
ibang level: sa pagsulat ng kasaysayan ng Cavite. Hinambing nila ang
elemento’t karanasan ng sanghiyang sa iba’t ibang diskursong
pangkasaysayan ng Cavite. Sa pag-aaral na ito dadalhin din sa ibang
diskurso ang salita/konseptong sanghiyang. Dadalhin ito sa mundo ng
internet. Dekontextualisasyon Sa ganitong pag-aangkat sa ibang usapin ng
salita/konseptong sanghiyang, huhugutin ito mula sa pinagbukalang
kontexto, sa kultural na katuturan nito at ipapalagay ito bilang bukas na
signos/senyal na maaaring unawain sa ibang larangan. Hindi titingnan ang
sanghiyang sa puntadebista ng folk religion, na unang binasa ng ilang
antropologo at sikolohista tulad nina Azurin at Bulatao. Paglalaruin ang mga
salita/konsepto kaugnay ng dalumat ng sanghiyang bilang malikhaing
operasyon ng kognitibong kakayahan ng teorista. Sasahugan ito ng
kritikal/analitikal na operasyon ng isip upang maging kapanabayang lapit sa
malikhaing bisa sa teoretikal na larangan. Higit sa lahat titingnan ito sa ubod
ng katuturan nito bilang makabuluhang gawain, bilang penomenon at bilang
diskurso. Pananatilihin ang mga elementong ritwal at ritmo ngunit babaguhin
ang huling kategorya ng paniniwala bilang “functional” at hindi sa
konotasyong relihiyoso, sa halip sa bagong basa nito: isang cybernetic na
relasyon na kung saan pumapasok sa ibang estado ng kamalayan at
pananaw ang GNI. Sa ganitong lapit nagkakaroon ng pagpapabago sa galaw,
kilos at pananaw ng mga gumagamit ng internet. Sa kabuuan ang
dekontextualisasyon ay pagbabago ng dulog, pagpapalit ng pansipat, at
pagtanaw sa ibang paradaym, sa ibang tunguhing teoretikal. Sa ganitong
paraan magiging buhay ang ating mga salita hindi lamang ng talastasang
pang-araw-araw, bagkus ng talastasang makabuluhan sa ating binubuong
karunungang Filipino. Rekontextualisasyon at Rekonseptuwalisasyon Mula sa
pagwawari sa kultural na gamit at pagiging malay sa mawawalang kontexto,
ibang lapit at dulog ang siyang magpapaangat nito sa ibang level ng usapin
o diskurso. Nabanggit na ang tinutukoy na ibang level o diskurso ay ang
diskurso at penomenon ng internet. Papaano pumapasok ang
rekontextualisasyon at rekonseptuwalisasyon ng sanghiyang sa kontexto ng
internet? Ano ang dulog at paradaym upang mawari, mabuo at maunawaan
ito? Bakit kailangan ang rekontextualisasyon? Anu-ano ang iba’t ibang
kahulugan at/o pagdadalumat salita ng sanghiyang? Diskurso
Rekonseptuwalisasyon (Dalumat-salita) Rekonstextualisasyon Metadiskurso
(pagdidiskurso sa diskurso ng internet at mga pananaw ukol dito)
Pagsanghiyang Pagtatahi sa diskurso ng postmodernong diskurso,
modernong kondisyon sa gitna ng bulusok ng praktis sa Teknolohiya ng
Impormasyon at Komunikasyon (TIK) o Information & Communication
Technology (ICT) Penomenon ng kompyuter, internet at tao Pagkahiyang,
“Hiyang” Datos sa kasaysayan at mga gumagamit ng internet. Pagtalakay sa
iba’t ibang digri ng paggamit ng konsepto ng “hiyang” tungkol sa relasyon
ng tao at kompyuter Cybernetic, ang isyu ng kaakuhan (identity) at
pamayanan (community) Kasanghiyang [Ka(i)sanghiyang] Problematisasyon
sa relasyong cybernetic: dualismong external sa mundo ng internet at
kabuuang pumapaloob sa mundo ng internet Adiksyon sa Online game at
diskurso ng kaakuhan at pamayanan hinggil dito Sanghiyang Ritmo, ritwal,
paniniwala at pagkahiyang sa mundo ng online game at sa internet mismo
Talahanayan 1.2 Rekonseptuwalisasyon ng Sanghiyang Teoretikal na
Lapit/Lapat Sa ganitong punto ipapasok ang binubuong teorya, una ang
sanghiyang bilang lapit, at ikalawa, bilang lapat. Isang pagdulog, pananaw-
pananaliksik o paradaym ang lapit. Ito ang nagbibigay sukat sa sipat o
pagtingin sa gagawing paliwanag at interpretasyon sa mga datos ng
pananaliksik na ito. Samantala, ang sanghiyang bilang lapat ay
nangangahulugang frame o kuwadro. Ito ang nagbibigay hugis sa
ginagawang pagsusuri, ito ang banghay ng analisis. Kung kaya’t may mga
modelo, iskima, at dayagram upang matuntun ang direksyon ng pagteteorya
sa madawag na diskurso at praktis ng internet, gayundin, upang maunawaan
nang lubos ang binubuong diskurso at teorya o mga teorya sa pag-aaral na
ito. Tatalakayin isa-isa ang mga ito. Linggwistiko semantikong pagsipat Sa
mga taga-Alfonso, ang salitang sanghiyang ay isang buong termino kung
uunawain mula sa kanilang lokal na pananaw. Hindi tinitingnan ang salitang
ito sa kasaysayan ng pagkabuo ng salita, kundi tinitingnan sa kultural na
pinagmulan nito. Kalinangang-bayan ang bumabalot na kontexto sa
pinagmulan ng salita, na kung saan ang salita ay hindi nagiging salita
lamang, bagkus winawari ito batay sa makabuluhang gawaing nakakabit sa
salitang iyon. Kung kaya’t kina Austria at Calairo (2000), ang sahiyang o
sanghiyang ay “base sa lumang alamat”. Ayon sa alamat may ilang mga
bata ang nahatulang mamatay. Inutos ng hari na sunugin sila. Ngunit dala ng
matindi at masidhing pananampalataya kay Bathala, sila’y nakaligtas. Hindi
sila nasunog! Manghang-manghang pinanuod ng hari at ng lahat ng mga
saksi ang mga bata habang nagsasayaw sa galak ng mga ito sa ibabaw ng
mga maiinit na baga. Itong “sayaw sa kagalakan” na ito ang siyang inaalala
ng mga mananayaw ng sahiyang sa pamamagitan ng ritwal na paglalakad sa
mga buhay na baga (Austria at Calairo 2000: 2). Subalit, sa pagtatangkang
teoretikal sisikaping banghayin at baybayin ang mayamang diwang
nakapaloob sa salita/termino/konseptong sanghiyang. Sa
rekontextualisasyong ito hindi na ito yaong kumbensyonal na salitang
nakatali sa kultural nitong kontexto, kundi magiging isang konstrak—
teoretikal na konstrak. Sa pagdadalumat-salita ng sanghiyang, binubuo ito
ng dalawang salita: (1) sang+, at (2) hiyang. Kung wawariin, lumalabas na
“isang hiyang” ang katuturan nito. Batay sa masusing paghihimay ng salita,
maaari nating banghayin pa nang lubos ang konstrak na ito: Banghay ng
salita Kahulugan/Rekontextualisasyon sang+ Panlapi [isa+ng]: pambuo ng
pangngalan at nagsasaad ng kabuuan (UP Diksyunaryo) hiyang 1. Pang-uri:
anumang bagay na akma, angkop o lapat (UP Diksyunaryo) 2. adj. suited,
compatible, agreeing (as medicine, food, company, etc.) / Syn. Bagay,
agpang, akma, tama, tapat (Panganiban 1973) sanghiyang: 1. mundo o
kabuuan ng anumang karanasan at kamalayan na may
kaangkupan/kaakmaan ang dalawa o higit pang mga bagay, tao, at
kalagayan sa isa’t isa. 2. pakiramdam sa karanasang nilalapatan ng
kaginhawaan at kaangkupan na nag-uugnay sa tao, bagay, konsepto,
diskurso Talahanayan 1.3 Pagbabanghay ng salita/konseptong sanghiyang
May apat na level na maaaring dalumatin sa digri ng pagpapakahulugan sa
salitang hiyang batay sa iba’t ibang gamit nito sa isang (a) tipikal, at (b)
teoretikal na diskurso: A. Tipikal na talastasan (kumbensyonal na gamit ng
salitang hiyang) Unang level: may kinalaman sa relasyong tao at bagay (hal.
“Hiyang ako sa shampoo na ‘yan.”) Ikalawang level: relasyon ng tao sa tao
(“Magkahiyang kami , kaya nga’t magpapakasal na kami sa Mayo?”) [mula
sa varyasyon ng gamit sa Tesauro ni Panganiban 1973] Teoretikal na diskurso
(kinonstrak na gamit sa antas ng pagteteorya) Ikatlong level: relasyon ng tao
sa konsepto, diskurso at praktis (“Hiyang akong mag-internet.” “Hiyang ang
mga kapitalista sa diskurso ng globalisasyon.”) Ikaapat na level: relasyon ng
diskurso sa konsepto, iba pang diskurso, at praktis na tumatalakay sa isang
kabuuan o malakihang pananaw. (“Magsanghiyang ang postmodernismo at
usapin ng multikulturalismo.” “Ang sanghiyang ng modernong kalagayan at
praktis ng ICT sa bansa ay madaling nararamdaman ng mga nasa middle
class.”) Talahanayan 1.4 Tipikal at Teoretikal na Diskurso ng
hiyang/sanghiyang Eskima ng Sanghiyang at Paglalapat nito sa Buong Pag-
aaral Metadiskurso Pagsanghiyang Ideolohiya at Diskurso (ideational at
interpersonal) Ritmo Ideolohiya Ritwal Paniniwala •
Modernidad/postmodernidad (intelektuwal) • Globalisasyon (politikal-
ekonomiya) • Cyberkulturang popular (kultural) • Teknolohiya ng
impormasyon at komunikasyon (praktikal/instrumental) (pook at panahon)
interpersonal ideational Dalumat Paradaym (relasyon ng tao, kompyuter at
internet) Komunikasyon hiyang isang hiyang (sanghiyang) ka-isang-hiyang
(kasanghiyang) sanghiyang Makina Extensyon Cybernetic intrapersonal
interpersonal intertextual Praktika (Penomenon) Konsepto ng Kaakuhan at
Pamayanan/Samahan Mga Implikasyon Intrapersonal Blogging Interpersonal
(dalawahan) Chat Interpersonal (networking) Friendster Interpersonal
(pamayanan/ samahan) Layadimasupil Pinoyexchange Intertextual (hybrid)
Online game (Ragnarok) Kaakuhan (maximum) Kaakuhan (maximum)
Kaakuhan (maximum) Pamayanan (minimum) Kaakuhan (minimum)
Pamayanan (maximum) Kaakuhan (maximum) Pamayanan (maximum)
Konklusyon ng pag-aaral Kongklusyon Sa kasalukuyang literatura ng pag-
aaral sa internet na nakasulat sa Ingles, wala pang salitang naimbento upang
saklawin ang penomenon ng relasyon ng tao, kompyuter at tao. Pinag-
aaralan nila ito sa larang na computer mediated communication. Tanging sa
pagitan ng tao at kompyuter sila may bansag, ang cybernetic relationship.
Ngunit sa pangyayaring mga tao mismo ang magkakaugnay sa internet na
pinapagitnaan ng iskrin ng kompyuter at ng virtual na mundo ng internet,
wala pa silang salita para rito. Individuated pa ang katawagan nila batay sa
ispesipikong feature at gamit ng internet: users, online game addicts,
chatters, surfers, bloggers. Sa wikang Filipino pa lamang, ang sanghiyang,
ang may malawak at makabuluhang pakahulugan sa ugnayan ng mga tao sa
cyberspace. At sa aking palagay, kung dadalumatin natin ang ating sariling
wika, ang ating sariling mga salita, matutuklasan natin ang kaugnayan natin
sa ating kalinangan, kinapopookan at kapwa. At upang dagdagan ang
pangarap ni IRC: ang mga salita/dalumat naman natin ang isasalin at
isasama sa mga antolohiya sa kritika, teorya at pilosopiya. Sila naman ang
mamimilipit sa pagbigkas ng ating mga salita, at sila naman ang
pagkakamot ng ulo kung paano ito isasalin o kung pananatilihin ba ang
naturang salita. Naniniwala akong darating din sila sa ganyang punto.
Kailangan lamang maging malikhain at kritikal tayo sa pagdadalumat, lalong
higit kung nakatapak lagi tayo sa lupa at sa ating tinubuang lupa. Maraming
salamat po!
Pagdalumat-salita tungo sa pagteteoryang Filipino
TUNGKOL SA “KULTURANG
POPULAR” AT “KOLONYALISMO”
Disyembre 5, 2009kritikasatabitabiAraling
Filipino, kolonyalismo, komersyal, komersyalismo, kritika, kulturang popular, Philippine
Studies, pilipinolohiya, popculture, sangandiwaMag-iwan ng puna

Mga Bakas ng Popularisasyon Bilang Aparatong Kolonyal/Komersyal


at ang Kapangyarihan ng Komukunsumong Masa
(sipi mula sa aklat na Sangandiwa: Araling Filipino bilang Talastasang
Pangkalinangan at Lapit-Pananaliksik. Manila: UST Publishing House, 2004,
nina RVNuncio at EMorales-Nuncio)
Ang kulturang popular ay kasangkapan sa
pagpapahayag ng damdamin at kaisipang popular.
Ngunit ang pagpapahayag na ito ay hindi payak
lamang sa paglilipat ng nilalaman ng isang isipan
sa isipan ng iba. May radikal na intensyon ang
komunikasyon sapagkat ito ay kasangkapan ng
kapangyarihan dahil bukal ang wika sa pagnanasa
ng taong abutin at manipulahin ang kanyang lugar.
—Florentino Hornedo, Kulturang Popular:
Kabuluhan, Midyum, Daigdig at Paninda
Mabisang aparato ng kolonyalismo at komersyalismo ang popularisasyon. Sa
panahon ng pananakop ng Kastila ginamit ang krus, sandata at maskara.
Pagdating ng mga bagong kolonyalistang Amerikano, ginamit naman ang
teknolohiya at mas midya. Sa diskursong ito ang popularisasyon ay
pananakop bilang panghihimasok sa kasarinlan ng kamalayan at katawan.
Panlulupig din ito na kinukonsidera ang paggamit ng simbulo, senyal at
materyal na kumakalat dala ng mga inobasyon at istratehiyang kolonyal at
komersyal sa bansa. Ngunit sa bandang huli mayroong tensyon,
kontradiksyon, kapangyarihan at resistans ng mamamayan ang nalilikha.

Mga Bakas ng Kolonyalismo


Ang pagsusuri sa kontexto ng aparatong popularisasyon ay isang
mapanuring pagtingin sa naging epekto ng kolonyalismo sa Pilipinas.
Inuunawa ang salitang kolonyalismo sa papel na ito bilang texto at kontexto
ng pananakop sa Pilipinas. Ang una ay patungkol sa imahe bilang
instrumento sa pagpapalawig ng kaayusan, pananakop at paniniil sa katawan
at kaisahan ng bawat Filipino. Dito sa imahe ng kolonyalismo ipinapalabas
ang pagkakaroon ng simbulong krus, espada at maskara bilang mga
natatanging simbolikong instrumentong ginamit ng mga Kastila para sa
panlulupig at pagpapayapa ng kaayusan ng mga ng mga Filipino. Ginamit
ang relihiyon upang maikalat ang Kristiyanismo sa bansa. Ginamit naman
ang dahas at puwersang militar, upang maipamukha ang katatagan at
kalakasan ng mga dayuhan sa pananakop nila gamit ang istrakturang
politikal at ekonomiko. Ginamit naman ang maskara bilang pananakop sa
kultural na lebel—ang paggamit ng comedia at zarzuela upang mahubog ang
mga sinakop sa kaisipan at kostumbreng dayuhan. Subalit masasabing
naging mahina ang imahe ng maskara dahil sa hindi paglaganap ng wikang
Espanyol. Naging isang miskalkulasyon sa loob ng tatlong daang taon ang
hindi pag-ayon sa paglaganap ng nasabing wika.

May posibilidad na hindi sana sumiklab ang


Rebolusyong 1896 kung naging malawakan sa
simula pa ang pagtuturo ng Espanyol sa mga
mamamayan sa kolonya. Repormista ang
kamalayan ng mga edukadong nanguna sa
kampanya para sa pagtuturo ng Espanyol. Kung
may pagbabago mang ibubunsod ang pagkakamit
ng wika ng kolonyalista, iyon ay tungo marahil sa
pagpapatibay pang lalo sa paghahari ng Espanya
sa Pilipinas. Naganap ang radikalisasyon ng
kamalayan ng mga edukadong Filipino sa panahon
ng kanilang pakikibaka para sa karapatan ng mga
Filipinong matuto ng Espanyol. Sa pagtatanggi ng
mga kolonyalista na ibigay ang wika nila sa mga
Filipino, naliwanagan ang mga ilustrado na layunin
ng mga kolonyalista na panatilihing mangmang
ang nasasakupan upang ang mga ito’y manatiling
alipin (Lumbera 2000: 91).
Kung kaya’t ang maskara ay gumamit ng wika mismo ng mga Filipino; ito
ang wikang nagbigay ng sariling anyo sa dulang naging kasangkapan dapat
sa programang kolonyal. Dito naisafilipino at naging komedya at sarswela
ang mga dulang ito.
Walang lantarang hangaring bigyan ng kasarinlan ang mga Filipino noon sa
ilalim ng Espanya. Subalit ang pagsasabansa ng lahing Filipino kabilang ang
mga Muslim, Intsik at iba pang lahi ay isang implikasyon ng pagbabago o
pag-aaklas laban sa mga Kastila.

Kung kaya’t aktuwalisasyon ng kamangmangan, pantasya, kahirapan at


pagkaalipin ang pananakop ng Kastila. Ang kolonisasyon ng mga Kastila ay
ang pagtatalaga ng katauhan na sila mismo ang humubog, isang katauhan
ng imahen bilang indio sa paningin nila ngunit naging tensyon at
kontradiksyon na gagapi sa kanila.

ANG MGA TUNGGALIANG IDEOLOHIKAL


Ngunit sa pagpasok naman ng mga Amerikano, naging isang daluyan ng
pag-aaklas sa panibagong kolonisasyon ang paggamit ng drama. Halimbawa
nito ay ang pagyabong ng Drama Simbolico sa Maynila at karatig-
Katagalugan (Chua 1997) at maging sa mga drama realistiko na ipinangalan
ni Resil Mojares (Don Pagusara 1997:xxi) sa Cebu. Naturete at nangamba din
ang mga Amerikano sa ganitong uri ng pagsasadula gamit ang mga dramang
naisulat nina Aurelio Tolentino (Kahapon, Ngayon at Bukas), Juan Matapang
Cruz (Hindi Aco Patay), Juan Abad (Tanikalang Ginto), at Tomas Remigio
(Malaya). Kung kaya’t tinurin ang mga obrang ito bilang subersibo at
mapanganib. Dahil sa ang nilalaman ng pagtatanghal ay laban sa
imperyalistang Amerika, naging palaman sa publiko ang ganitong
pagbabanta (Arthur Riggs, 1981):
…[It] inculcate a spirit of hatred and enmity
against the American people and the Government
of the United States in the Philippines, and…to
incite the people of the Philippine Islands to open
and armed resistance to the constituted
authorities, and to induce them to conspire
together for the secret organization of armed
forces, to be used when the opportunity presented
itself, for the purpose of overthrowing the present
Government and setting up another in its
stead. (sinipi mula kay Arsenio Manuel ni Doreen
Fernandez, 377).
Upang maiwasan ang ganitong pagkakataon sa unang salvo ng mga
kolonyalistang Amerikano, pinalaganap ng huli ang tunggaliang ideolohikal
na hindi nakatutok sa puwersa kundi sa tinaguriang inobasyon at benevolent
assimilation. Ipinasok din ang edukasyon bilang instrumento ng kolonisasyon
sa mga Pilipino. Ang ganitong kaparaanan ng kontrol ay mabisang
naisakatuparan. Sinabi ni Renato Constantino na: “American control of the
educational system made possible the distortion and suppression of
information regarding Philippine resistance to American rule and the
atrocities committed by the American army to crush that resistance” (1978:
68).
Ang pangkahalatang ideolohiya ay umikot sa agenda ng pagpapayapa ng
resistans bitbit ng sistemang edukasyunal na inihain ng mga Amerikano.
Bukod pa rito, bilang namamayaning pananaw, sinabi ni Priscelina Legasto
(1998: 46-47) na may dalawa pang kategorya ang ipinagmalaki ng mga
Amerikano para alisin ang pagkaatrasado ng mga Pilipino: una na rito ang
sistemang pensionado at ang ikalawa ang pagtuturo ng wikang Ingles. Dito
ngayon naging masalimuot ang baybaying kaisipan at paniniwala sa isang
wika at kulturang labas sa tunay na saloobin at karanasan ng mga Filipino.

MGA BAKAS NG KOMERSYALISMO:


PAGPASOK NG RADYO AT
TELEBISYON BILANG
DOMESTIKASYON AT
KOMODIPIKASYON O
PAKIKISANGKOT NG MASS MEDIA SA
BUHAY NG KOMUKUNSUMO NITO

Kasama ng radyo, ang telebisyon ay bunga ng imbensyon at


eksperimentasyon dala ng mapusok na edad ng industrialisasyon hanggang
di nagtagal pumasok ang mga imbentong ito sa larangan ng komersyo. Ang
teknolohiya at inobasyon ang naging sisidlan ng panibagong pagbulusok ng
komidipikasyon ng pangangailangan ng tao. Impormasyon ang naging
bentahe, naging bagong tutok sa panahong itinatalaga ng kapital ang pag-
angat o pagbagsak ng isang bansang yumayakap sa ideolohiya at praktika
ng imperyalistang Amerika. Dahil nga nasa ilalim ng pamunuang Amerikano
ang Pilipinas noon, madaling naipasok sa merkado ang gawang Kano.
Kasama na rito ang oportunidad sa pagpasok partikular ng radyo at
telebisyon at pangkalahatan ng mas midya. Sa katunayan sa pagdating ng
radyo sa bansa ay nakitaan na ng gamit sa palitan at bilihan sa merkado at
komersyo. Ganito ang pananaw ni Clodualdo del Mundo Jr.: “So good was the
response to this medium of information and entertainment that in 1928, the
local distributor of a famous American-manufactured radio set saw it fit and
without doubt, profitable to establish their own radio station…So it went from
experimental to plain business” (1986:69).
Samantala, pumasok naman ang telebisyon bilang bahagi ng mekanismong
politikal upang palakasin at pabanguhin ang imahe ng isang Pangulong
nagnanais muling tumakbo. Si Judge Antonio Quirino ang gumawa ng paraan
upang gamitin ang isang midyum na kilalang-kilala at patok na patok sa
Amerika noong dekada singkwenta. Subalit naging bigo si Elpidio Quirino sa
kanyang planong politikal na mahalal muli kahit na naging tagumpay ang
pagpasok sa bansa ng telebisyon sa tulong ng kanyang kapatid. Ngunit kung
hindi naman nagtagumpay sa unang sigwa ng pagpasok ng telebisyon sa
larangan ng politika, kabaligtaran naman ito sa nangyari sa pagpapaunlad ng
industriya ng mas midya at ng negosyo sa bandang huli. Ganito ang
paliwanag ni Clodualdo del Mundo, Jr. (sa Patajo-Legasto, 1998) nang sa
bandang huli, napunta sa mga kamay ng mga negosyante ang mas midya.
Katulad halimbawa ng isang istasyon, napilitan silang sumuung sa batam-
batang industriya ng telebisyon. “Bolinao Electronics Corporation…not only
had to set up and maintain a TV station, but also had to arrange for the
distribution and sale of TV sets. Because it was directly responsible for the
people buying TV sets, it was bound to continue operations at any cost” (del
Mundo, Jr. 1986: 74).

Bunga nito nakisangkot ang mas midya bilang daluyan ng impormasyon at


enterteynment na kinagigiliwan ng tao. Bawat tahanan ay nagnanais na
magkaroon kung hindi man radio, tv set o ng pareho. Pumasok na ang moda
ng produksyon at distribusyon ng mas midya sa Pilipinas. Sa simula ang
distribusyon ay nakatuon sa napripribilehiyong iilan na may salapi at
kapangyarihan para magmay-ari o magkaroon ng akses sa mas midya.
Sapagkat ang pamantayan ay negosyo, katulad nang nabanggit iilan lamang
ang nagkakaroon ng akses dito. Subalit babaguhin lahat ito nang ang
kulturang ito na sinusustene ng iilan ay tututok sa kultura ng
komukunsumong masa.

Ang pagkonsumo sa produkto ng mass media—radyo, telebisyon, pahayagan


—ay nagtatakda ng pagtangkilik sa kalakaran ng oras o panahon. Ang mass
media ay kinokonsumo hindi dahil ito ay mahalaga sa panapanahong yugto,
kundi nagbibigay ito ng tuluyang pangagailangan ng tao sa lahat ng yugto
ng panahon. Sabi ni Philip Abrams: “Unique among the mass media, radio
and television are given opportunities by time, by the fact that they have the
whole day, everyday, to dispose of, and that they can break up the day” (sa
Casty, 1973: 90). Ang prosesong ito ay domestikasyon ng mass media
sapagkat ang bawat programa sa radyo at palabas sa telebisyon ay tuluyang
naihahatid nang walang puknat, nang walang hinto sa pandinig, sa paningin
at sa kamalayan ng tao. Dagdag pa ni Alice Guillermo: “Much of the
effectivity of the TV medium as a conveyor of values and hence of ideological
content lies in its immediate accessibility: with a flick of a dial, the images
spring to life and all at once there is created the illusion that these images
are within us, around us and that they unfold in space as the world outside
our domestic confines” (1989: 204).

Lahat na yata halos ng galaw, hilig, pagpapahalaga, hitsura, problema,


kaalaman at iba pa ay tumatakbo bilang mga nag-aagawang tema sa
programa o produkto ng mass media. Lahat ng ito ay nakasilid ika nga sa
idiot box (TV) o talkies (radio) na mistulang nagbebenta ng tema at produkto
sa pagkonsumo ng tao. Dahil dito, ang galaw, isip at damdamin ng tao ay
nakakahon sa diskurso ng mass media. Sinusuyod ito bilang praktika ng
pang-araw-araw na pamumuhay sa lipunan. Sinasang-ayunan ito ni Nick
Couldry nang sabihin niyang: “We can understand the media’s ability to
become ‘obligatory passing points in the general circulation of images and
discourse, not as something superimposed on social practice from the
outside; instead it endlessly reproduced the details of social practice itself”
(2000: 5).

Kung bakit ganito ang kinahihinatnan ng mga komukonsumo ng mass media


ay sa dahilang hindi na ito tinitingnan bilang repleksyon o representasyon ng
realidad; bagkus, ang mass media mismo ay bumubuo na ng realidad ng tao.
Kalabisan mang sabihin, subalit ito ang nagdidikta kung ano ang kakainin,
iinumin, susuotin, aalamin, papanoorin, pakikinggan, sasabihin ayon kay
Rolando Tolentino (2001). At sa kaganapang ito nagiging mistulang normal
at natural lamang ang pagkonsumo sa pangkahalatang diskurso at praktika
ng mga tao.

ANG DISKURSO NG KULTURANG POPULAR SA PANAHON NG


KOMERSYALISMO
Ang kulturang popular ay realidad ng tao; inaangkin ito bago ang lahat at
pinapalaganap mula sa sensibilidad ng tao dahil sa kanyang pagnanasa sa
buhay patungo sa kamalayang naghahari ang makabago, mapusok,
marangya at makapangyarihan. Ang kulturang popular ay pagsasabuhay ng
bagay, imahe, simbulo, pananda, paninda at komoditi sa karanasan ng tao
na namulat sa mabilisang pagbabago sa isang sibilisasyon. Tinatangkilik ito
dahil sa popular at higit sa lahat tinatangkilik ito dahil sa tao ang una at
huling puntirya. Paano? Dapat munang isaalang-alang ang kahalagahan ng
teknolohiya at inobasyon sa isang bansa. Sinabi ni Tolentino na:

Makikilala lamang ang produkto ng kulturang


popular kung ito ay naipapalaganap. Kinakailangan
ng mga teknolohiya para maipaabot ito sa mga
tao. Ang teknolohiyang ito ay maaaring media—
print, broadcast, film, computer at iba pa. Ito ay
maaaring domestikong teknolohiya tulad ng
telebisyon…Ito ay maaaring kultural na
teknolohiya—tulad ng edukasyon at sining (2001:
7).
Ang industriya, imprastraktura, telekomunikasyon at merkado ay
mahahalagang sangkap sa komersyo ng isang bansa. Napasimulan ang lahat
ng ito sa pagpasok ng mga Amerikano na sila ang nagpalakad at nakinabang
sa negosyong pambansa ng Pilipinas sa panahon ng Komonwelt at Unang
Republika, partikular ang pagbibigay pantay-karapatan sa mga Amerikano sa
negosyo at kalakalan sa panunungkulan ni dating pangulong Manuel Roxas.
Ang implikasyong ekonomiko nito sa usapin ng uring panlipunan ay umikot
(at umiikot hanggang ngayon) sa namumuhunan, sa mga negosyanteng may
salapi. Kung kaya’t ang teknokrasya ay ginamit para mapanatili pa lalo ang
sangkalan sa pagpapaigting ng mga interes at kapritso ng mga kapitalista.
Ang pagbubukas ng pinto sa mga bagong teknolohiya ang naging dahilan
kung kaya’t ang pagnanasa ng lahat sa uso at makabago ay bigla-biglang
natutugunan. At dahil na rin dito naging mahusay na kasangkapan ang
teknolohiya upang lumikha ng artipisyal na pagnanasa, hilig at fanstasya.
Ikinumpol ang produksyon sa pamamagitan ng teknolohiya para sa higit na
nakakaraming tao—ang masa. Ayon kay Teresita Maceda (Lagda 1999)
binaha ng mga produktong buhat sa Amerikanong kulturang popular ang
Pilipinas at dahil dito nagmistulang di makatakas sa Amerikanisasyon ang
masa kahit na hindi sila natutong lahat ng Ingles o nakapag-aral.
Kung dadalumatin ang salitang kulturang popular, dalawa ang kategoryang
bumubuo ritor: ang una’y kultura at ikalawa’y popular. Ang kultura ay isang
pinagsasaluhang praktika at mentalidad ng tao. “Culture is both the ‘arts’
and the values, norms and symbolic goods of everyday life. While culture is
concerned with tradition and social reproduction, it is also a matter of
creativity and change” (Barker, 2000: 35).

Isang deskripsyon lamang ito sa terminong kultura, sapagkat walang


tahasang kahulugan ito. Ang kultura ay masasabing mayroong reflexibong
kahulugan na maaaring nakabatay sa katangian, salik at deskripsyon na
sumasanga-sanga sa usapin ng politika, ekonomiya at kasaysayan. Sinasabi
naman ni Tolentino (2001) na ang kultura ay isang kamalayan na gumaganap
sa cohesion o kabuuan ng isipan sa mga kilos at bagay-bagay na likha nito o
nilikha para rito. Pahayag niya: “Ito ay tumutukoy sa afinidad ng indibidwal
na kaisipan sa iba pang kolektibong kaisipan…(H)alimbawa ang hindi
namang magkakakilalang mga tao ay nagkakaroon ng di-malay
(unconscious) na ugnayan dahil sa parehong balitang kanilang nabasa sa
pahayagan o napakinggan sa radyo tungkol sa mga pamabansang isyu”
(2001: 4-5).
Samantala, ang salitang popular naman ayon kay Raymond Williams ay
isang pang-uri na nangangahulugang “kinagigiliwan, nagugustuhan ng
nakararaming tao.” (1983: 87, salin). Numerikal din ang isang pakahulugan
ng popular. Popular ang isang bagay o tao kung maraming tumatangkilik.
Ang afirmatibong aksyon na pagtangkilik ang lumilikha ng bilang. Sa isang
banda, ang salitang popular ay tuwirang tumutukoy sa tao mula sa
salitang populus (“people” sa Ingles) sa wikang Latin.
REPORT THIS AD

Sa ideolohikal na usapin, sa pagsasanib ng dalawang salitang ito, ang


kulturang popular ay unang lumitaw at naintindihan sa pagsapit ng
modernong panahon sa Europa bilang kabaligtaran ng mataas na Kultura
(may empasis sa malaking K). Kultura ito ng namamayaning kaayusan at
inaangkin ng naghaharing uri sa lipunan. Ang produkto ng Kultura nila ay
tinaguriang kanon at klasiko, samantalang ang kulturang masa ay bakya at
mababang uri (Adorno at Horkheimer, sa During 2000). Pakiwari ni Chris
Baker dito: “A variant of high-low cultural boundary, and one which
reproduces the’inferiority of the popular, is that which decries commodity-
based culture as inauthentic, manipulative and unsatisfaying” (2000: 44).

Saan nanggagaling o ano ang sentrong pinagluluwalan ng kulturang popular?


Sinasabing ang gumagawa o sumusugal sa kulturang ganito ay yaong mga
transnasyunal at translokal na kapitalista. Wala ng geopolitikal na hangganan
ang pagpasok ng makabagong musika, literatura, pagkain, damit, kaisipan,
ideolohiya at marami pang iba. May rasyonalisasyon ng pang-araw-araw na
tunguhin ang mga tao na naiimpluwensiyahan ng mga bagay o komoditi
mula sa labas. Humahatak ito sa pangkalahatan na sumanib at makiuso at
nagiging pananda ng kasikatan sa panloob na geograpi ng kilos at gawi ng
tao (Ritzer, 1990). Kay Lumbera (1997) usapin ng loob at labas ito, ang
kulturang popular ay galing sa labas na kaiba sa pambansa o folk na
kulturang nasa loob ng bansa. Nang tumagal, ang puwersang ito na mula sa
labas ay pumasok na sa sensibilidad, pagpapahalaga, kaugalian ng mga tao.
Matatawag natin itong kultura ng kamalayang popular na mas matindi pa sa
pisikal na pagtangkilik lamang ng produkto. Kapag napasok na ang
kamalayan, nagiging bahagi na ng kalooban ang mula sa labas.
Sa bandang huli ng spectrum, makikita ang kalagayan ng mga
komukonsumong masa. Sa ganitong sitwasyon pinaniniwalaang ang
kulturang popular ay maiintindihan, hindi sa yugto ng produksyon ng mga
produkto, bagkus sa pagkonsumo nito.

Kulturang Popular: Isang Pagsasaayos sa Kapangyarihan ng Kultura


at Masa sa Panahon ng Komersyalismo
Lubhang nakakulong sa diskurso ng kawalang kapangyarihan ang papel ng
masa sa kontexto ng kulturang kanilang nililikha at lumilikha sa kanila. Sa
ganitong kadahilanan, nararapat na gamitin at basahing muli ang
pagteteorya ng terminong kulturang popular.

May tatlong kategorya ang paggamit ng mga katagang ito. Ang kulturang
popular ay isang pag-aangkin sa puntodebista ng gumagamit o
komukonsumo nito. Ito ay kultura ng tao, ng masa at masasabing dikta ng
komukonsumo. Paanong mangyayaring dikta ito ng masa? Ang mga produkto
ng kulturang popular ay ginagawa kasa-kasama ang masa sa isipan ng mga
kapitalista. Hindi ba’t bago lumustay ng malaking puhunan sa isang produkto
ang isang negosyante, tinitingnan at sinusuri muna kung magugustuhan ba
ito ng konsumer? “Judgments about popular culture are concerned with
question not of cultural or aesthetic value (good or bad taste) but of power
and the place of popular culture within the wider social formation” (Barker,
2000: 48). Ang produksyon sa kalakaran ng kulturang popular ay
nasasapawan. Ang mga kapitalista ay dapat na sumunod at mamalagi sa
paggawa ng may matataas na serbisyo at produkto. Sa pamamagitan ng
makabagong pamamaraan sa produksyon at paggamit ng teknolohiya
napapanatili ang kalidad at kahusayan. Ang produksyon sa kulturang popular
ay maramihan sapagkat inaabot nito ang masa. Subalit ang ganitong takbo o
kalakaran ay naglalagay ng alanganin sa mga kapitalista. Sapagkat gamit din
ng nasabing teknolohiya at pananaw sa maramihang produksyon,
nasasapawan sila ng mga maliliit ngunit makapangyarihang retailer o
negosyante. Dito pumapasok ang mga imitasyon ng mga produkto sa
merkado, halimbawa ang mga pekeng pantalon, damit, bag; payrited na
tape, cd, at dvd; suplus na appliances tulad ng computer, tv, radio, cd
player, kotse at marami pang iba. Sa ganitong tunggalian ang may matataas
na kalidad na produkto ay binibigyan ng proteksyon ng batas. Ngunit ang
kalaban nito ay ang puwersa ng mamimili na siyang nagpapasya sa
pagkonsumo kahit na ang produkto ay peke, payrited o imiteyted. Isang
kasagutan kung bakit mataas ang pagtangkilik dito ay ang presyo ng
serbisyo at produkto—lahat ito ay mura kumpara sa orihinal, awtentik at
patented. Hindi rin natin masasabing labas ito sa kalakaran ng kulturang
popular. Hindi ang isyu ng legalidad ang punto rito, kundi ang tunggalian at
tensyon sa espasyo ng paggamit ng kapangyarihang pumili at bumili. Ang
boses ng masa bilang konsumer ang gumagawa sa malaking bahagdan ng
pagkilos ng produkto at serbisyo sa merkado at sa lipunan sa kabuuan.
Inululugar ang kapangyarihan ng masa bilang espasyo ng tunggalian at pag-
aaklas sa merkado o lipunan. Babagsak ang isang kapitalista kung hindi
patok sa masa ang kanyang produkto. Sapagkat ang pag-aangkin ng
kapangyarihan ng masa ay nakatutok sa kalayaan ng konsumer na mamili sa
produkto o serbisyong kanyang bibilhin. May kalayaan sa pagpili ang
konsumer, samantalang ang kapitalista ay nakakulong sa produksyong
walang katiyakan at katatagan pagdating sa merkado.
Ang lugar ng elit, aristokrat at burgis ay yaong gamitin ang kanilang salapi
para sa produksyon at wala ng iba pa. Samantalang ang masa mismo ang
tuwirang may kapangyarihan upang buhayin, ipagpatuloy at buuin ang
kulturang popular. Maling sabihin na ang kulturang popular ang
namamayaning kaayusan na binuo ng mga elit. Sa bahagdan ng pagbubuo
ng kulturang ito maliit na porsyento lamang sila bilang prodyuser-konsumer.
Ang punto ng kulturang ito ay wala sa produksyon kundi nasa pagkonsumo.
Ang trending kung anong palabas o produkto ang dapat pamalagiin ay dapat
na nakasunod sa kagustuhan, desisyon at pagtangkilik ng mga
komukonsumo; kung hindi, ang palabas at produktong ito ay mauuwi sa
pagkalimot at pagkalugi. Kung kaya’t nawawala sa ere ang isang palabas sa
telebisyon kung hindi ito nagustuhan ng manonood. Nalalaos ang isang
usong damit kung wala nang nagsusuot. Nalalaos din ang mga artista o aktor
kung lumipat sa iba ang kanilang dating fans. Sa katapusan, nagsasara ang
isang kompanya kung ang kanilang pananatili ay wala ng saysay sa mga tao.

Ang kulturang popular ay lugar ng tensyon at kontradiksyon, kapangyarihan


at resistans. Tunay ngang nakikinabang ang mga kapitalista sa pag-ikot ng
transaksyon sa negosyo, industriya at kulturang popular. Ngunit nagiging
pupugak-pugak na mithiin na ang magkamal ng malaking kita, sapagkat
magastos ang kagustuhan ng konsumer. Ang pangunahing tungkulin ng
kapitalista o prodyuser ay pasayahin at gawing kuntento ang konsumer,
ngunit alam nating walang katapusan ito. Isa pa, kailangan nilang sustenahin
ang kanilang lugar sa merkado dahil sa kompetisyon. Kailangan din nilang
magkaroon ng palagiang inobasyon sa serbisyo at produkto, at bigyan ng
maraming benepisyong libre at iba pang gimik ang konsumer upang
manatiling tapat na tagapagtangkilik. Hindi ba’t magastos ang ganitong
kalakaran ng kulturang popular? Kung may kontrol man sila iyon ay dulot ng
kanilang salapi, subalit hindi pangmatagalan ito sa dahilang madaliang
guguho ang kapital dahil sa walang hinto at hindi matigil na kagustuhan ng
mga komukonsumo. Ang kulturang popular sa mga kapitalista ay lugar ng
pakikipagbuno. Samantala sa masa ito ay isang bukas na lugar ng malayang
pagpili o paghulagpos. RVN

Tungkol sa “kulturang popular” at “kolonyalismo”


ANG “KULTURA” AT “POPULAR” SA
KULTURANG POPULAR…
Nobyembre 29, 2009kritikasatabitabiAraling Filipino, DLSU-M, Filipino, kritika, kritikal na
pagsulat, kultura, kulturang popular, popular, sikolohiyang pilipino, worksyap11 mga puna

(sipi mula sa tinalakay na papel, “Kritika/Kultura/Popular: Ang Kulturang


Popular ng Kritika at Kritika ng Kulturang Popular” sa Seryeng Panayam Br.
Andrew Gonzalez, FSC noong Nobyembre 2009 sa DLSU)

Popular
Alam kong alam nyo na kung ano ang ibig sabihin ng popular, ng sikat, ng
uso, “in” ngayon – lahat ng salitang ito’y nagpapahiwatig sa kasalukuyan.
Ibig sabihin ang specific time frame o fixated time marker natin ay kung ano
ang sikat, uso, at in ngayon at wala nang ibang panahon pa, walang noon,
walang hinaharap na time frame. Basta sa kasalukuna lamang.

Kung tutuusin simpleng sikolohiya ng panahon ang terminong popular.


Kumbaga nag-iisip tayo sa ngayon, umiiral tayo sa ngayon,
naiimpluwensiyahan tayo ng maraming bagay at tao sa ngayon,
binabagabag tayo ng maraming problema sa ngayon, lahat talaga sa
ngayon. Samakatuwid ang salitang “popular” sa kulturang popular ay walang
ibang pinapatungkulan kundi ang “kasalukuyan”, ang “ngayon”.

Kultura
Samantala, hindi naman pwedeng maging independent variable o isolated
conceptual marker ang “panahon/kasalukuyan/ngayon” lamang, dapat may
ka-konsepto ito na kaya nating unawain at lingunin nang pabalik-balik kahit
na ba sabihin ng iba na mahirap unawain yan. Ang tinutukoy ko po rito’y ang
terminong “kultura”. Isa sa pinakamahirap ng terminong i-define ay kultura
ayon kay Raymond Williams. Sa aking pag-unawa, ang simpleng
interpretasyon ng kultura ay “lokasyon/pook/espasyo/sityo” at ang kaakibat
nitong pag-iral, kabuluhan, esensiya dahil sa kamalayan at pisikal na
presensiya ng tao. Ibig sabihin ang kultura sa kulturang popular ay
panandaliang nagkakaroon ng saysay dahil sa tao, mula sa tiyak niyang pag-
iral sa lokasyon/espasyong kinalalagyan niya (tao: mrt, tao: kompyuter, tao:
media, tao: pelikula, etc. etc.) hanggang sa malay niyang pagturing sa mga
ito bilang bahagi ng kanyang buhay, pamumuhay at pag-inog sa mundong
ito dahil marahil ito ang kanyang natatanging realidad (ito ang totoo sa
kanya habang binabagtas niya ang kanyang karanasan sa kasalukuyan).

Sa madaling salita, ang kultura ay kombinasyon ng pag-iral ng materyal sa


isang lokasyon at pinapalagay na lokasyon, pag-iral ng tao habang
nakaintersek siya sa iba’t ibang materyal na ito, at ang kamalayan at
karanasang nalilikha mula rito.
Hihimayin ko muna ang materyalidad ng kultura. Hahatiin ko ito sa
dalawang saray o antas: ang first order materiality o unang saray ng
materyalidad at second order materiality o ikalawang saray ng materyalidad.

Dalawang saray ng materyalidad


Ito ang first-order materiality o pisikal o materyal na nakatambad sa atin sa
isang lokasyon/pook – mga gusali, NLEX, SLEX, kalsada, mall, village,
subdivision, palengke, ukay-ukay, parke, zoo, istasyon ng TV, atbp. Ang
second-order materiality na ini-internalize natin sa isipan at kalooban natin
dahil hindi naman nakatambad ang mga ito o di nakatirik ang mga ito sa
isang lokasyon o pook, kundi nililikha ito bunga ng functionality ng first-order
materiality. Ibig sabihin mula pisikal na bagay tungo sa ibang anyo o forma
ng materyalidad. Halimbawa, tunog, ingay o musika na likha ng radyo, ipod,
paligid/kalikasan, choir, orchestra; telebiswal na karanasan na nakatali sa
panonood siyempre natin ng TV; cinematic na karanasan dahil sa sinehan o
mula sa DVD player at TV; at virtual na karanasan tulad ng online game,
chat, facebook, youtube atbp na mula sa internet o cyberspace at
nagkakaroon ng second-order na materyalidad dahil sa
kompyuter/laptop/palmtop.

You might also like