You are on page 1of 2

Almighty C.

Tabuena
III-7 BSE Music Education

KULTURANG POPULAR
Reaction Paper

Kulturang popular, isa sa mga umiiral na usapin at masasabing may halaga sa kamay ng kultura at
tradisyon, maging sa henerasyon at kinagisnan, dahil ang bagay na ito ay may kinalaman sa
kabuuang dami ng tao, kabuuang interes o kinahihiligan, at sa kabuuang aspeto ng lipunan. Sa
tipikal na buhay, na mas mahalaga sa pag-iral, may kinalaman nga ba ito sa tinatawag na
paghubog, o di kaya'y ambag sa kulturang pinagmulatan ng laman at lahat ng laman? Kung saan
ang kulturang hindi namamatay ay magbabago lamang? Mahirap ipaliwanag ngunit madaling
silayan.

Ang lahat ng bagay na umiral ay hindi masasabing may halaga, katulad ng kulturang popular, na
ang minsang sumikat ay malalaos din, at sa pag-inog ng panahon unti-unti, naglalaho. Ang
kulturang popular ay hindi pangmatagalan, hindi rin panandalian, dahil ang bagay na umiral ay
naging bahagi na ng tinatawag na kultura, kulturang walang eksaktong panahon kung kailan
matatapos, o di kaya'y magsisimula muli. Maraming tanong na bumabalot pagdating sa usaping
kulturang popular, ngunit ang akin lang, ito'y ugat ng lahat ng sanhi, at sanhi lahat ng ugat, kung
saan ang pag-aaral nito ay nagsisilbing katuldukan, walang pagpapatuloy, sa kulturang
kinamulatan. Oo nga't may kulturang popular, isa ba itong instrumento upang tuldukan ang mga
isyung nakahaharap nito? Tulad ng diskriminasyon pagdating sa estado ng buhay, kalidad ng
edukasyon, korapsyon at maging koneksyon sa teknolohiya, isyu kung saan mas nangibabaw ang
mga suliranin kaysa sa paraan kung paano ito lulutasin, suliranin kaysa sa mga bagay na marapat
bigyan ng pansin tulad ng buhay, pamilya, interes at kinabukasan. Hindi ba't mas nakakagaan ng
kalooban kung may pagbabago? Hindi pagbabago sa kultura kundi pagbabago sa kinagisnan -
'yung mga bagay na sadyang popular din ngunit umaasang may katiyakang solusyon - tulad ng
mga nakuhang aspeto ng buhay mula sa dayuhan, mga taguring wala ring katiyakang panahon
kung kailan mawawaksi, mga luma - talagang luma - na paniniwala pagdating sa buhay - tungkol
sa pamilya, pag-aasawa, relihiyon, pilosopiya at iba pa. Hindi ba't popular (at umiinog din) sa
kultura ang mga nasabing bagay? Samakatuwid, napakalawak na aspeto ang kulturang popular, at
lahat ay kasapi nito.

Pagdating sa panitikan, iba-ibang personalidad ay iba-ibang hilig at interes pagdating sa uri nito,
gayun din naman sa panahon kung saan umusbong ang iba't ibang klase ng pagpapalabas ng salita,
nakaka-engganyo man o nakababagot kung salamisimin ang nilalaman nito. Ngunit, bakit nga ba
ulit ito pinag-uusapan? Kung may mas mahalaga na pagnilayan kaysa sa tignan ang kalagayan nito
pagdating sa halaga (numero) o may akda nito? May mas dating nga ba 'pag popular ang sumulat
o ang nilalaman? Isang bagay pa lang na "popular" lamang sa mga nakakakita.

Kulturang popular pagdating naman sa mga uri ng binabasa ng pangkalahatang lipunan ay


nagbabago depende sa takbo ng tinatawag na "trend", subalit lahat ba ay nakiki-angkop sa trend, at
sumusunod sa galaw ng kung sinuman? Maaaring oo, pwede ring hindi, dahil may kaniya-kaniya
tayong panlasa (pagtingin) sa kung anong maibigan nating basahin, parte ng buhay o di kaya'y
pilit pinapasok sa buhay, dahil ang pag-iral ay walang katiyakan.

Malaki ang impluwensiyang hatid ng social media pagdating sa kulturang popular, kung saan ang
kilos at galaw ng tao ang madalas na pinagbabatayantan sa impak na dulot nito, ang kaalaman,
damdamin at paggalaw, tatlong pangunahing domeyn sa paghubog ng "real self", pwede ring
"self-image".

Sa mga nabanggit, sila lang ba ang may karapatang mamuno at magtanghal sa kulturang popular?
Ang isyu kaya, may solusyon pa kaya para sa mga ito, o baka dahil sa pag-iral, ay umiral na nang
umiral ang mga bagay na sadyang nilipasan na ng panahon ngunit, nariyan pa rin "popular". Hindi
lahat ay sang-ayon, hindi rin ibig sabihin ay di sang-ayon, may pagkakataon para sa bawat bagay,
may puwesto para sa kanila, may tamang panahon kung saan dapat lumugar ng tama o di kaya'y
nasa atin naman talaga ang kultura, popular lang dahil marami sa mga 'yun ang nagkakaintindihan
pagdating sa bagay na 'yun. Kailangan ba kulturang popular agad? Hindi ba maaaring, dumaan
lang sa panahong maraming naki-angkop at nakisangkot. - Kulturang Popular

You might also like