You are on page 1of 64

1

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

1.1 Introduksyon

Sadyang napakalaki ng papel na ginagampanan ng panitikan sa buhay ng


tao. Sapagkat sa panitikan nailalahad at naipapahayag ang kaalaman at emosyon ng
tao. Sinasabing ang panitikan ay nagsisilbing pagkakakilanlan ng isang lugar, lahi
at kultura. Samakatuwid ang panitikan ay sumasalamin sa kahapon, bukas at
kasalukuyan natin. Mula sa mga panitikan, naipapakita ang buong pagkatao at
maging ang pananaw sa buhay ng sinuman. Maaari ring nagbibigay-daan ang
panitikan upang lubos na makilala at maintindihan ang sarili, pinagmulan at
maaring katapusan ng lahat.
Ayon nga kay Flores (1984), ang Panitikang Pilipino ay ang pagpapahayag
na pasalita o pasulat ng mga damdaming Pilipino tungkol sa kanilang mga gawi at
kaugaliang panlipunan, sa pamumuhay, sa mga paniniwalang pampulitika at sa
kanilang inaangking pananampalataya. Pinagtibay naman ito ni Arrogante (1983)
na ang panitikan ay ang talaan ng buhay. Sapagkat dito naisisiwalat ng tao sa
malikhaing paraan ang kulay ng kanyang buhay, ang buhay ng kanyang daigdig,
ang daigdig na kanyang kinabibilangan at pinapangarap. Ngunit ang paraan ng
bawat pagpapahayag ay dumedepende sa kalagayan ng lumilikha nito, mayroong
pasulat at mayroong ding pasalita. Pasulat na panitikang karaniwang nababasa,
nalalaman at naisasaulo ng karamihan. Pasalita naman kung ito’y sinasalita gaya
na lamang ng pagkukuwento at maging ang pasalitang tula.
Dahil sadyang likas sa bawat tao ang pagkamalikhain gaya na lamang ng
paglikha ng mga panitikan, minsan ito ay nakapagdudulot ng maganda at
2

nakatutulong pa nga ito upang maimulat ng bawat isa sa nakaraan ang


kasalukuyang sistema na umiiral sa katotohanan ng nagdaang uri ng pamumuhay,
kultura, tradisyon, at mga paniniwala. Kung gayon tayo rin sa kasalukuyan ay
maaaring nakalilikha ng panitikang makapagpapabago rin sa hinaharap.
Isa sa maraming uri ng panitikang nabubuo at palasak sa ating lipunan mula
noon hanggang ngayon ay ang tula. Sinasabing ang tula ay isang masining na
pagpapahayag ng sariling saloobin at damdamin na nakabatay sa guniguni at mga
totoong pangyayari sa kapaligiran na nararanasan ng isang tao o manunulat. Ang
tula ay binubuo ng apat na uri. Una, tulang liriko o tulang damdamin (lyric poetry).
Ito ay nagtataglay ng mga karanasan, kaisipan, guniguni, pangarap at iba’t-ibang
damdaming maaaring madama ng may-akda o ng ibang tao. Pangalawa, tulang
pasalaysay (narrative poetry). Ito ay naglalahad ng makukulay at mahahalagang
tagpo sa buhay tulad ng pag-ibig, pagkabigo at tagumpay. Naglalahad din ito ng
katapangan at kagitingan ng mga bayani sa pakikidigma. Pangatlo, tulang patnigan
(joustic poetry). Ito ay mga laro o paligsahang patula na noo’y karaniwang
isinasagawa sa bakuran ng mga namatayan. Kabilang sa uring ito ang karagatan,
duplo at balagtasan. At pang-apat, ang tulang pantanghalan o padula. Katulad din
ito ng karaniwang dula, ang kaibahan lang, ito ay binibigkas ng mga tauhan ang
kanilang mga diyalogo sa paraang patula. Ang tula ay binubuo ng saknong na
nagtataglay ng taludtod na kadalasang pumapatungkol sa iba’t ibang paksa o
kaisipan depende sa manunulat nito. Sa tula natutuklasan ang kuwento ng isang
manunulat sa likod ng kanyang mga nakataling hiwaga o talinghagang gamit mula
sa kanyang sariling imahinasyon.
Hindi madali ang pagkatha ng isang tula. Sa katunayan hindi lahat ay
marunong lumikha at magpahalaga sa mga ito, lalo na sa panahon ngayon nauubos
ang oras ng maraming kabataan sa paglalaro ng mga elektronikong mga laro na
kung saan nagdudulot lamang ng hindi mabuti sa isipan at kalusugan. Ngunit may
3

iilan naman na binibigyang halaga ito. Ang iilan pa nga ay ginagamit ang
teknolohiya partikular ang sosyal medya (Facebook, Youtube, Instagram) upang
ibahagi ang kanilang mga katha sa lipunang kinabibilangan nila at maging sa buong
mundo. Sa kasalukuyang lipunang ating ginagalawan sumikat sa sosyal medya ang
isang uri ng tula na kung tawagin ay Spoken poetry o pasalitang tula. Ang pasalitang
tula ay nabibilang sa mga tulang pantanghalan at sa kasalukuyan halos lahat ng
tema nito ay tungkol sa pag-ibig. Ito ay maaaring nagsasaad ng kasawian, kabiguan
at mga tagumpay sa buhay at pag-ibig.
Marami sa kabataan ngayon ang nahuhumaling sa ganitong uri ng panitikan.
Isa itong magandang palatandaan o implikasyon na ang wikang Filipino bilang
pangunahing wika na kadalasang ginagamit sa pasalitang tula ay unti-unting
nalilinang at napapayabong. Kung gayon na lamang ang nagagawa nito sa mga
kabataan, aba’y dapat itong patuloy na linangin at bigyang halaga at pagpapahalaga
ng mga kinauukulan. Dahil maaring ito ay maging isang daan upang ang ating mga
kabataan ay ating mailayo sa kapahamakang dulot ng malupit na lipunang
nagpapahirap sa ating mismong bayan.
Upang lubos na mapahalagahan ang ang panitikan partikular na ang tula
dapat lang na ito’y dumaan sa isang pagsusuri gamit ang iilang mga teorya. Ito ang
naging pangunahing dahilan ng mananaliksik upang maisagawa ng matagumpay
ang pananaliksik na ito, kung saan pumapatungkol sa pagsusuri sa ilang mga salita
sa isang pasalitang tula na maaaring dumaan sa prosesong pagbabagong
morpoponemiko, mahalaga na ang bawat uri ng panitikan na umiiral sa ating
lipunan ay ating pahalagahan at bigyan ng importansya. Dahil hindi lang ang mga
kabataan ang ating matutulungan kung hindi pati na rin ang pagpapayabong ng
ating pambansang wika na Filipino at ang ating mismong bansa.
4

1.2 Layunin ng Pag-aaral

Sa pag-aaral na ito, tinangkang tukuyin ng mananaliksik ang mga salitang


dumaan sa prosesong pagbabagong morpoponemiko mula sa isang pasalitang tula
na sinulat at binigyang buhay ng modernong makata na si Juan Miguel Severo na
pinamagatan niyang “Ang Huling Tula na Isusulat ko Para Sa’yo”. Ang mga
sumusunod ay ang mga tiyak na layunin sa pag-aaral na ito:
1.2.1 Naiisa-isa ang mga salitang dumaan sa pagbabagong morpoponemiko mula
sa pasalitang tula na pinamagatang “Ang Huling Tula na Isusulat ko Para
Sa’yo” ni Juan Miguel Severo;
1.2.2 natutukoy ang mga uri ng pagbabagong morpoponemiko sa pasalitang tula
na “Ang Huling Tula na Isusulat ko Para Sa’yo”;
1.2.3 naipapakita ang uri ng prosesong pagbabagong morpoponemiko na
pinakaginagamit sa pasalitang tula na pinamagatang “Ang Huling Tula na
Isusulat ko Para Sa’yo” ni Juan Miguel Severo.

1.3 Suliranin ng Pag-aaral

Upang maisakatuparan ang mga layunin sa pag-aaral na ito kinakailangan


na malutas o masagot ang mga sumusunod na katanungan o suliranin:
1.3.1 Ano-ano ang mga salitang dumaan sa pagbabagong morpoponemiko mula
sa pasalitang tula na pinamagatang “Ang Huling Tula na Isusulat ko Para
Sa’yo” ni Juan Miguel Severo?
1.3.2 Ano-anong uri ng pagbabagong morpoponemiko ang makikita mula sa
pasalitang tula na pinamagatang “Ang Huling Tula na Isusulat ko Para
Sa’yo”?
5

1.3.3 Anong uri ng pagbabagong morpoponemiko ang pinakaginagamit sa


pasalitang tula na pinamagatang “Ang Huling Tula na Isusulat ko Para
Sa’yo”?

1.4 Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay inaasahan at pinaniniwalaan ng mananaliksik na


magiging instrumento upang lubos na maintindihan ng mananaliksik at ng
mambabasa ang kahalagahan ng pagpapahalaga sa isang akdang pampanitikan
partikular na ang pasalitang tula sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga ito. Sa pag-
aaral na ito nasubok ng mananaliksik ang kanyang sarili kung gaano na nga ba siya
kahanda at katatag sa tatahaking daan niya sa hinaharap. Dito din nahanap niya ang
pagitan ng dati at bago niyang sarili na kung saan napagtanto niyang ibigay ang
lahat ng makakaya upang matapos ang pag-aaral na ito. Kahit hindi man perpekto
ngunit buong puso naman ang pagsasakripisyong inalay lalong-lalo na sa gabi-
gabing pagsusunog ng kilay. Sa pamamagitan din ng pananaliksik na ito nahubog
at mas lalong napabuti ng mananaliksik ang kanyang sariling kakayahan sa lahat
ng aspekto ng buhay kaya napakahalaga ng pag-aaral na ito.
Pinaniniwalaan ng mananaliksik na makatutulong ang pag-aaral na ito sa
mga susunod na henerasyon ng mag-aaral bilang mananaliksik na rin sa hinaharap.
At napakahalaga din ng pananaliksik na ito sa mga mambabasa sapagkat
nakatutulong ito upang magkaroon sila kamalayan sa pagpapahalaga ng isang
panitikan sa paraang pagsusuri sa mga pagbabagong morpoponemikong nagaganap
sa isang akdang pampanitikan partikular na ang isang pasalitang tula. Sa ganitong
paraan lalawak ang kanilang kaalaman sa balarila o gramatika ng wikang Filipino
partikular na sa morpolohiya at sintaktika nito.
6

Nakatutulong din ang pananaliksik na ito sa mga guro, dahil maaaring


magamit nila ito bilang sanggunian lalong lalo na sa asignaturang Filipino 47
(Istruktura ng Wikang Filipino). Gayon din sa lipunan maaaring makatutulong ito
sa kanila upang magkaroon ng pahapyaw na kaalaman sa morpolohiya at sintaktika
ng wikang Filipino.

1.5 Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral

Saklaw o sakop lamang ng pag-aaral na ito ang mga salitang may sapat na
batayan upang maituring na dumaan sa prosesong pagbabagong morpoponemiko
mula sa isang pasalitang tula na pinamagatang “Ang Huling Tula na Isusulat ko
Para Sa’yo”. Kasali rin ang mga uri ng pagbabagong morpoponemiko na pinal na
dinaanan ng bawat napiling salita ng mananaliksik sa loob nasabing pasalitang tula.
Hindi kasali rito ang mga uri ng pagbabagong morpoponemiko na hindi pinal na
dinaanan ng bawat napiling mga salita ng mananaliksik sa loob ng nasabing
pasalitang tula. Hindi na rin kasali sa pagsusuri ang buong istruktura ng mga
pangungusap sa loob pasalitang tula; ang mga salitang makailang beses ng naulit
sa bawat taludtod; ang buhay ng may-akda; ang mga paktor na nakaapekto sa may-
akda sa pagbuo niya ng pasalitang tula na ito; ang paraan o estilo ng may-akda sa
pagsusulat. Hindi rin kasali sa interpretasyon ang mga uri ng panlapi na lumitaw sa
pagsusuri ng bawat salita, bagama’t ito ay may malaking kinalaman sa bawat
pagbabagong morpoponemikong nagaganap sa bawat mga salita sa loob ng
nasabing pasalitang tula. At hindi rin kasali sa interpretasyon kung ilang prosesong
pagbabagong morpoponemiko ang pinagdaan ng bawat salita bago paman ito
naging ganap na salita at humantong sa pinal na proseso ng pagababagong
morpoponemiko batay na rin sa pagsusuri ng mananaliksik.
7

Ang pasalitang tula na nabanggit sa itaas ay isinulat ni Juan Miguel Severo


isang makata, aktor, at musikero. Naging tanyag ito sa sosyal medya gaya na
lamang ng facebook at youtube mula sa taong 2015 hanggang sa kasalukuyang taon
(2017). Bukod pa doon ang pasalitang tula na ito ay personal kinagigiliwan ng
mananaliksik. Ito ang isa sa nagging mabigat na dahilan kung bakit sinadyang piliin
ng mananaliksik na suriin ang akdang pampanitikang ito.

1.6 Depinisyon ng mga Terminolohiya

Upang magiging madali at ganap ang pagkakaintindi ng mga mambabasa,


minabuti ng mananaliksik na bigyan ng depinisyon ang mga sumusunod na
terminolohiya batay sa kahulugan at paggamit nito sa pananaliksik.
Ang American Structuralist theory ay isang teoryra para sa morpolohiya
na nakatuon sa mga morpema, at ito ay nahahati sa dalawang bahagi: allomorphy,
o paglalarawan sa pagkakaugnay-ugnay ng mga alomorp ng isang morpema; at
morphotactics, o paglalarawan sa mga alituntunin sa pagbuo na siyang
nagpapangkat sa mga morpema upang maging mas malaking yunit.
Ang Asimilasyon ay isa sa mga uri ng pagbabagong morpoponemiko na
kung saan nagkakaroon ng pagkakatulad sa katabing tunog ng isang salita. Ito ay
nauuri sa dalawa, ang asimilasyong di-ganap o parsyal at asimilasyong ganap. Ang
pagbabago sa morpema ng panlapi dahil impluwensiya ng katabing ponema ng
kasunod na salitang-ugat ay tinatawag na asimilasyong parsyal. Habang ang
asimilasyong ganap ay dahil sa dalawang punto na binibigyang diin. Maaaring dahil
sa pagbabago sa ponemang /n/ dahil sa punto ng artikulasyon ng kasunod na tunog
o dahil sa pagkawala ng unang letra ng morpemang salitang-ugat na maaaring
nagsisimula sa /p, b, d, l, r, s, t/ at ang tunog na lamang ng /r/ at /m/ ang mananatili.
8

Ang Aspekto ay isa sa katangian ng pandiwa na nagsasaad kung naganap


na, kasalukuyan pang nagaganap, kung natapos nang ganapin o ipinagpapatuloy pa
ang kilos.
Ang Balarila o Gramatika ay ang kabuuang sistema at istruktura ng isang
wika. Dito nakapaloob ang ponolohiya, morpolohiya, sintaktika, at ang semantika.
Ang Descriptive Grammar ay isang pag-aaral sa wika, sa istruktura nito, at
sa mga tuntunin nito habang ito’y ginagamit sa pang-araw-araw na buhay ng mga
gumagamit ng wikang ito, kabilang na diyan ang mga tamang pamantayang uri at
hindi tamang pamantayang uri. Ang descriptive grammar ay naglalarawan sa wika,
sa istruktura nito, at sa tuntunin ng sintaktika na bumubuo sa pangungusap at sa
pagkakabuo ng parirala (Greenbaum & Quirk, 1990).
Ang Gitlapi ay isang uri ng panlapi na matatagpuan sa gitna ng salitang-
ugat. Ang karaniwan nito ay ang gitlaping –in- at -um-.
Ang Hulapi ay isang uri ng panlapi na matatagpuan sa hulihan ng salitang-
ugat. Ang karaniwang hulapi ay –an, -han, -in, at –hin.
Ang Imperpektibo ay isang aspekto ng pandiwa na nagsasaad ng
inumpisahang kilos na patuloy pa ring ginagawa at hindi pa tapos.
Ang Istrukturalismo ay isang pananaw na pinalaganap ni Ferdinand de
Saussure kung saan idinidiin niya na ang bisa ng pangangahulugan sa wika ay
bunga ng kumbensiyong dulot ng tumbasan ng pagkakaiba. Nilikha niya ang
konsepto ng pagiging arbitrary ng kahulugan ng salita na walang isang salita na
nagkakaroon ng kahulugan. Ang kahulugan ay malilikha lamang sa pagkakaugnay
ng isang salita sa iba pang mga salita kung saan ito napapabilang. Kung gayon
nalilikha lamang ang kahulugan dahil sa pagkakaiba ng isang salita mula sa ibang
mga salita.
Ang Kontemplatibo ay isang aspekto ng pandiwa na nagsasaad ng kilos na
hindi pa nauumpisahan at gagawin pa lamang.
9

Ang Metatesis ay ang tawag sa pagpapalit ng posisyon ng letra sa loob ng


isang nabuong salita. Sa uring ito, ang mga salitang-ugat na nagsisimula sa /l/ o /y/
na ginigitlapian ng /-in-/ ay nagkakaroon ng paglilipat ng posisyon ng /n/ at ng /l/
o /y/.
Ang Morpolohiya ay ang pag-aaral sa pagkabuo ng mga salita at iba’t ibang
bahagi ng pananalita tulad ng pangngalan, pang-uri, pandiwa at iba pa.
Ang New Formalism ay isang makabagong kritikong pagdulog na
ipinaglalaban na ang panitikan ay walang kinalaman sa intensyon ng may-akda,
buhay o sosyal/kalagayang pangkasaysayan. Lahat ng kailangan sa pagsusuri ay
nakapaloob lamang sa loob ng teksto. Kilala rin ang pagdulog na ito bilang
“Expansive” poetry (Shimojima,2010).
Ang Ortograpiya ay ang pag-aaral sa paraan ng palabaybayan ng isang wika
kalakip na nito paggamit ng tamang bantas o pagbabantas sa isang salita.
Ang Pagbabagong Morpoponemiko ay tumutukoy sa kahit anong
pagbabagong naganap ng isang morpema dahil sa impluwensiya ng katabing
ponema.
Ang Pagkakaltas ng Ponema ay isang uri ng pagbabagong morpoponemiko
na kung saan nagaganap kapag ang huling ponemang patinig ng salitang-ugat na
hinuhulapian ay nawawala.
Ang Paglilipat-diin ay isang uri ng pagbabagong morpoponemiko na kung
saan ay nagaganap lamang kapag ang paggamit ng panlapi ay nakapagbabago ng
diin ng salita na maaaring mailipat ang diin sa isa o dalawang pantig patungong
huling pantig o isang pantig sa unahang ng salita.
Ang Pagpapalit ng Ponema ay isang uri ng pagbabagong morpoponemiko
na nagaganap ang pagbabago o pagpapalit ng salita mula sa ponemang inisyal ng
salita na nilalapian na.
10

Ang Pandiwa ay tumutukoy sa mga salitang nagsasaad ng kilos o


nagbibigay buhay sa isang lipon ng mga salita.

Ang Panlapi ay isang morpema na ikinakabit sa isang salitang-ugat upang


makabuo ng isang salita. Tinatawag rin itong morpemang di-malaya.
Ang Panlaping Makadiwa ay tumutukoy sa uri ng panlapi na ginagamit sa
pagbuo ng salita.
Ang Panlaping Makangalan ay tumutukoy sa uri panlapi na ginagamit sa
pagbuo ng salita.
Ang Panlaping Makauri ay tumutukoy sa uri panlapi na ginagamit sa
pagbuo ng salita.
Ang Perpektibo ay isang aspekto ng pandiwa na nagsasaad ng kilos na
nasimulan at natapos nang gawin.
Ang Ponema ay ang maliit na unit ng tunog na nagpapakita ng kaibahan ng
isang salita mula sa iba pang salita mula sa kahulugan nito.
Ang Ponemang Segmental ay tumutukoy sa mga tunog na ginagamitan ng
mga katumbas na letra upang mabasa at mabigkas.
Ang Ponemang Suprasegmental ay tumutukoy sa mga makabuluhang yunit
ng tunog na karaniwang hindi tinutumbasan ng mga letra, sumisimbolo lamang ito
ng mga notasyong ponemiko upang matukoy ang paraan ng pagbigkas. Ang diin,
notasyon at hinto ay ang mga uri ng ponemang suprasegmental.
Ang Punto ng Artikulasyon ay naglalarawan kung saang bahagi ng bibig
nagaganap ang saglit na pagpigil o pag-abala sa paglabas ng hangin sa pagbigkas
ng isang katinig.
Ang Semantika ay isang sangay ng linguwistika at lohika na nag-aaral sa
mga kahulugan ng isang salita at maaari rin itong pag-aaral sa relasyon ng mga
salita sa isang pangungusap o relasyon nito sa pangungusap mismo.
11

Ang Sintaktika ay ang pag-aaral naman sa pagkabuo at pagkakaayos ng mga


bahagi ng pangungusap.
Ang Unlapi ay isang uri ng panlapi na matatagpuan sa unahan ng salitang-
ugat.
12

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

2.1 Mga Kaugnay na Pag-aaral

Ang pagbabagong morpoponemiko ay hindi lang nangyayari sa isang wika


na matagal ng ginagamit. Pinatunayan ito ni Tribucio (2015) sa kanyang pag-aaral
na pinamagatang MORPHOLOGICAL STRUCTURE OF CENTRAL
MINDANAO UNIVERSITY STUDENTS’ GAY LINGO sinabi niyang ang mga
baklang mag-aaral ng CMU ay ginagamit sa pinakamaginhawa, malayang
naipapahayag, at pinakamalikhaing paraan ang istrukturang morpolohiko at ang
mga bakla sa parehong komunidad ay tinatayang gumagamit ng parehong wika ng
mga bakla.
Mula sa pag-aaral ni Tribucio (2015), pinatunayan nitong ang wika ng mga
bakla bilang isang bagong usbong na wika sa lipunan na ginagamit ng mga bakla
ay binubuo rin ng morpolohiya. Kung gayon ang bawat wika sa mundo ay binubuo
ng gramatika bilang isang anyo ng wika na kung saan nakapaloob dito ang
ortograpiya, ponolohiya, morpolohiya, sintaktika, at semantika. Ang gramatika ay
alinsunod rin sa mga alituntuning naaayon sa mga ito. Maging ang pagbabago ng
isang salita ay napapabilang rin dito. Ang isang salita ay hindi maaaring basta na
lamang lumitaw sapagkat ang bawat salita ay may pinagmulan.
Bilang patunay sinabi ni Palmaria (2014) sa kanyang pag-aaral na
pinamagatang LOANWORDS SA TEXTMESSAGES AT FACEBOOK POST
TUNGO SA PAGPAPAUNLAD NG MORPOLOHIYA SA AKADEMIKONG
WIKANG FILIPINO na ang istruktura ng wika ay kumakatawan sa mga bahagi ng
pag-aaral ng wika tulad ng ponolohiya, morpolohiya, sintaks, at semantika. Kung
13

gayon, sa pag-aaral ng wika laging magkasama ang ponolohiya, morpolohiya,


sintaks, at semantika sapagkat ang mga ito ang bumubuo sa isang wika. Ngunit,
wala namang nagsabi na kung pag-aaralan natin ang wika hindi tayo puwedeng
pumili lamang ng isa sa mga nabanggit na bumubuo sa isang wika upang pagtuunan
ng higit na pansin.
Sa parehong pag-aaral naman ni Pascual (2016) kay Tribucio (2015) na
pinamagatang SWARD SPEAK (GAY LINGO) IN THE PHILIPPINE
CONTEXT: A MORPHOLOGICAL ANALYSIS ay sinabi niyang mahilig ang
mga bakla na paglaruan ang mga salita; gayunpaman, sinusunod pa rin sila sa
proseso o istratehiya ng paglinang at pagbuo ng mga salita gaya ng ginagawa ng
ibang mga wika. Ito ay bahagi na ng pagbabago sa isang wika dahil ang wika ay
hindi natin maiiwasang magbago sapagkat nasa katangian na nito ang pagiging
dinamiko.
Ang pagbabago ng isang wika ay maaaring nadaragdagan ng bagong
bukabularyo dahil na rin sa pagiging malikhain ng isip ng tao kung kaya’t sila ay
nakabubuo ng mga salitang bago. Ayon kay Bautista (2012) sa kanyang pag-aaral
na pinamagatang PAGSUSURI NG PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO SA
IMPLEKSYON NG FILIPINO: ANG KASO NG PAGLALAPI NG MGA
ALOMORF NG UNLAPING MANG-, nangyayari ang mga morpoponemikong
pagbabago dulot ng linggwistikong proseso ng asimilasyon. Dito, ang impluwensya
ng mga kasangkot na tunog sa paglalapi (i.e. inisyal na tunog ng pinagkakabitang
rut, pinal na tunog ng kinakabit na afiks), ay sumasailalim sa asimilasyon at
alomorfi kaya’t ang nabuong salita sa pagkakabitan ay kakikitaan ng mga bagong
elementong tunog.
Ibig sabihin, sa pagkalitaw ng panibagong salita mula sa isang payak na
salita na nilapatan ng panlapi at alomorp, nabubuo ang panibagong salita na may
katumbas na bagong kahulugan. Kung gayon, malaki talaga ang papel na
14

ginagampanan ng mga panlapi at alomorp sa prosesong pagbabagong


morpoponemiko. Sapagkat hindi lang sila basta bumubuo sa panibagong salita
mula sa payak na salita kundi sila talaga ang dahilan kung kaya maaari tayong
gumawa ng panibagong mga salita na maganda, malinaw, nauunawaan at angkop
sa kung ano ang nais nating ipahayag sa araw-araw nating pamumuhay at
pakikipagtalastasan.

2.2 Kaugnay na Literatura

Ang bahaging ito ay nagpapakita kaugnay na literatura hinggil sa kaligiran


ng morpolohiya at pagbabagong morpoponemiko.

2.2.1 Morpolohiya

Binanggit sa aklat ni (Bernales et al. 2013) na ang morpolohiya ay isang


makaagham na pag-aaral ng mga morpema o makabuluhang yunit ng mga salita.
Dagadag pa nina (Santiago & Tiangco, 2003) mula pa rin sa aklat ni (Bernales et
al. 2013) na ang morpolohiya ay ang pag-aaral sa pagbuo ng mga salita sa
pamamagitan ng iba’t ibang morpema. Ang pahayag na ito ay pinagtibay naman
nina Ronda et al. (2009) mula pa rin sa aklat ni (Bernales et al. 2013), ayon sa kanila
ang morpema ay itinuturing na pinakamaliit na yunit ng isang salita na may angking
kahulugan. Ito ay maaaring panlapi o salitang-ugat.
Ang morpolohiya din ay isang bahagi ng mental grammar na may
kaugnayan sa mga uri at kung paano nabuo ang salita mula sa pinakamaliit na
kahulugan at ibang salita. Ang morpolohiya bilang sangay ng lingguwistika na nag-
15

aaral sa istruktura ng mga salita. Inilalarawan nito ang makahulugang piraso ng


wika na kung saan maaaring pagsamahin upang makabuo ng mga salita at kung ano
ang kalalabasan ng mga nasabing pagsasama sa kahulugan o tungkuling
panggramatika ng resultang mga salita (Rosalinda, 2011). Sa panloob na istruktura
ng wika, at sa mga tuntunin kung paano nabuo ang isang salita. Ang kaalaman sa
wika ay nangangahulugang kaalaman sa morpolohiya nito. Ang mga pangngalan,
panghalip, at mga pang-uri ay karaniwang nagbabago ayon sa uri at number
declension patterns (Doludenko, 2012).
Ang bawat salita ay maaaring napapalooban ng maraming pagbabago sa
kaanyuan ng isang morpema dahil sa impluwensiya ng kapaligiran nito. At ang mga
pagbabagong ito ay tinatawag na pagbabagong morpoponemiko.

2.2.2 Pagbabagong Morpoponemiko

Ang pagbabagong morpoponemiko ay nagpapakahulugan ng impluwensiya


ng kapaligiran ng katabing ponema o mga katabing ponema na nagsasaad ng
impluwensiya upang magkaroon ng pagbabago sa anyo ng morpema.
Pinagtibay naman ito nina Bernales, et al. (2013) na, ang pagbabagong
morpoponemiko ay ang ano mang pagbabago sa karaniwang anyo ng isang
morpema dahil sa impluwensiya ng kapaligiran nito. Dagdag pa nila, ang
kapaligiran ay yaong mga katabing ponemang maaaring makaimpluwensiya upang
makapagpabago sa anyo ng morpema. Ang nakaiimpluwensiyang ponema ay
maaaring yaong sinusundan ng morpema o yaong sumusunod dito, bagama’t
karaniwan nang ang sinusundang ponema ang nakaiimpluwensiya.
Kaugnay nito, ang iba’t ibang uri ng pagbabagong morpoponemiko na
malawakan ring tinalakay nina Santiago at Tiangco (2003) at Bernales, et al.
16

(2007). Ayon sa kanila napapabilang dito ang asimilasyon, pagpapalit ng ponema,


metatesis, pagkakaltas ng ponema, paglilipat-diin at reduplikasyon.

2.3 Batayang Teoritikal

Ang isa sa pinagbatayan ng mananaliksik sa pag-aaral na ito ay ang


pananaw na Istrukturalismo na pinalaganap ni Ferdinand de Saussure kung saan
idinidiin niya na ang bisa ng pangangahulugan sa wika ay bunga ng kumbensiyong
dulot ng tumbasan ng pagkakaiba. Ang kahulugan ng salita ay nalilikha lamang sa
pagkakaugnay ng isang salita sa iba pang mga salita kung kaya’t nalilikha lamang
ang kahulugan dahil sa pagkakaiba ng isang salita mula sa ibang mga salita. At
dahil sa pagkakaiba ng salita sa ibang salita mula sa kahulugan nito, matutukoy rin
mismo kung anong mga salita ito nanggaling maging ang proseso ng pagkabuo ng
mga salita na siyang gustong alamin at tuklasin ng mananaliksik.
Isa pang teoryang pinagbatayan sa pag-aaral na ito ay ang teoryang
Descriptive Grammar. Isang teorya sa pag-aaral sa wika, istruktura, at sa mga
tuntuning gramatikal habang ito’y ginagamit sa pang-araw-araw na buhay ng mga
gumagamit ng wikang ito. Kabilang na diyan ang mga tamang pamantayang uri at
hindi tamang pamantayang uri. Ito’y isang teorya na naglalarawan sa wika,
istruktura, at sa tuntunin ng sintaktika na bumubuo sa pangungusap at sa
pagkakabuo ng parirala (Greenbaum & Quirk, 1990). Sa paraang ito, masusuri ng
mananaliksik ang wika, maging ang anyo ng gramatika na maaaring dumaan sa
maraming pagbabago dahil sa paraan ng paggamit nito.
Nakatulong rin sa pag-aaral na ito ang paglapat ng teoryang New
Formalism, isang makabagong kritikong pagdulog na ipinaglalaban na ang
panitikan ay walang kinalaman sa intensyon ng may-akda, buhay o
17

sosyal/kalagayang pangkasaysayan. Lahat ng kailangan sa pagsusuri ay nakapaloob


lamang sa loob ng teksto. Kilala rin ang pagdulog na ito bilang “Expansive” poetry
(Shimojima,2010). Buhat nito, ang mananaliksik ay nakatuon lamang sa nilalaman
o nakapaloob sa napiling panitikan at upang maisagawa ang pagsusuri na nakaayon
sa naunang teorya, ang mga salitang ginamit mismo ng may-akda ang sinubukang
suriin ng mananaliksik.
Bagamat mayroon nang kaliwa’t kanang pagbabago sa mga salita mula
noon hanggang sa kasalukuyan hindi natin maitatanggi na ang mga salitang yaon
ay patuloy na umuusbong at nadadagdagan sa paglipas ng panahon.
Dagdag pa diyan, ang teoryang American Structuralist theory ay isang
teoryra para sa morpolohiya na nakatuon sa mga morpema, at ito ay nahahati sa
dalawang bahagi: allomorphy, o paglalarawan sa pagkakaugnay-ugnay ng mga
alomorp ng isang morpema; at morphotactics, o paglalarawan sa mga alituntunin
sa pagbuo na siyang nagpapangkat sa mga morpema upang maging mas malaking
yunit.
Sa tulong ng apat na teoryang nabanggit sa itaas naisasakatuparan ng
mananaliksik ang suliraning nabuo mula sa mga layunin ng pag-aaral na kung saan
nakatuon lamang sa mga piling salitang dumaan sa pagbabagong morpoponemiko.
Makikita sa sususnod na pahina ang figyur na nabuo mula sa mga nabanggit na apat
(4) na teoryang ginamit sa pag-aaral na ito.
Mula sa mga teoryang nabanggit sa itaas, nabuo ang figyur tungkol sa
batayang teoritikal na makikita sa susunod pahina.
18

Istrukturalismo

Discriptive Grammar

New Formalism

American Structuralist
Theory

Figyur 1. Ang Batayang Teoritikal sa Pag-aaral na Ito.

Sa itaas makikita ang figyur na nabuo mula sa mga nabanggit na apat (4) na
teoryang ginamit sa pag-aaral na ito. Ito ay may apat na magkaparehong kahon. Sa
bawat kahon nakalagay ang apat (4) na teoryang ginamait sa pag-aaral na ito.
Mayroong tatlong (3) magkaparehong maliliit na mga arrow na makikita sa gitna
ng bawat magkaparehong kahon na kung saan nakaturo naman sa baba. Ang bawat
arrow ay nagsasaad ng pagkasunodsunod. Nakalagay sa itaas na kahon ang
teoryang Istruturalismo, sapagkat ito pangunahing teorya na ginamit ng
mananaliksik sa pag-aaral ito. Sa pangalawang kahon naman nakalagay ang
teoryang Discriptive grammar, ibig sabihin ito ang pangalawang teorya na ginamit
ng mananaliksik. Sa pangatlong kahon naman nakalagay ang teoryang New
formalism bilang pangatlong teorya na ginamit ng mananalikisik sa pag-aanalisa ng
19

datos. At sa panghuling kahon naman nakalagay ang American structuralist theory,


ibig sabihin ito ang panghuling teorya na ginamit ng mananaliksik sa pag-aaral na
ito.

2.4 Batayang Konseptwal

Isa sa mabigat na dahilan ng mabagal na pag-usad ng ating pambansang


wika na wikang Filipino ang madalang o kakulangan ng tamang pagpapahalaga
nating mga Pilipino sa sariling wika natin. Noon paman sa kapanahunan ng ating
pambansang bayani na si Dr. Jose P. Rizal batid na natin na mas minamahal ng
ibang Pilipino ang wika ng mga banyaga, pinapatunayan ito ng pahayag ni Rizal na
“Ang hindi marunung magmahal sa sariling wika ay mas mabaho pa sa malansang
isda”. Ngayon bilang pagpapahalaga sa wika isa sa kinakailangan ang pagsusuri ng
mga akdang pampanitikan partikular na ang mga pasalitang tula. Sa pagsusuri
unang una sigurong dapat na bigyang-pansin ng mga tagasuri ang istruktura ng
wika dahil sa istruktura nito mas higit na napapahalagan ang wika mismo.
Sa pagsusuri sa istruktura ng wika hindi mawawala ang morpolohiya dito
inaalam ang pagkabuo ng mga salita at iba’t ibang bahagi ng pananalita tulad ng
pangngalan, pang-uri, pandiwa, prosesong pagbabagong morpoponemiko at iba pa.
Ayon kina Alfonso O. Santiago & Norma G. Tiangco (1977); Lydia Gonzales-
Garcia (1992). Sa fangsyonal-istruktural na sulating panggramar nina Santiago &
Tiangco (1977) at Gonzales-Garcia (1992), ipinapaliwanag nila ang pagbabagong
morpoponemiko gaya ng asimilasyon bilang “anumang pagbabago sa karaniwang
anyo ng isang morpema dahil sa impluwensya ng kaligiran nito.” Binanggit ang
salik ng pagtitipid o ekonomiya sa pagkakaganap ng proseso. Sinasaad pang
20

nagiging lalo ang pagtitipid kung may nangyayari muling asimilasyon sa


pamamagitan ng pagbabawas ng tunog.
Kina Santiago at Tiangco naman, sinasabi nilang may mga salitang
katanggap-tanggap ang parehong parsyal at ganap na asimilasyon, bagamat hindi
sapat ang mga halimbawa rito. May ilang mga salita rin kung saan kahit mas tama
ang ganap na asimilasyon, tanging ang pormang nasa parsyal na asimilasyon ang
nakasanayan ng tao (e.g. mas sanay ang tao sa pambansa at panluto, kaysa
*pamansa at *panuto). Kakatuwa lamang ang pagbanggit sa ikalawang halimbawa
(panluto) dahil walang ibang pag-aaral na nagpapanukalang posible ang
pagkakaltas sa letrang (l).
Batay sa kaunting kaisipan na tinalakay sa mga naunang talata, nabuo ang
iskematik paradaym ng pag-aaral na makikita sa ibaba.

Figyur 2. Ang Iskematikong Paradaym ng Pag-aaral.


21

Sa iskematik paradaym ng pag-aaral na nasa itaas ay may makikitang


tatlong (3) magkaparehong kahong pinagdurugtong ng talong (3) magkaparehong
arrow na nagmumula sa itaas at nakaturo sa ibabang bahagi ng bawat kahon. Sa
itaas naman na bahagi nito makikita ang isang (1) mahabang kahon na kasinglaki
ng tatlong (3) magkaparehong kahon sa ibaba nito kung pagdudugtungin ang mga
ito.
Ang mahabang kahon na nasa itaas ng tatlong (3) mgakaparehong kahon ay
naglalaman ng pamagat at awtor ng pasalitang tula na sinusuri sa pag-aaral na ito.
Ang tatlong (3) magkakaparehong kahon naman ay kinapapalooban ng mga susing
salita mula sa tatlong (3) suliranin ng pag-aaral na ito.
22

KABANATA III

3.1 PAMAMARAN NG PANANALIKSIK

Makikita/inilalahad ng kabanatang ito ang disenyo na ginamit sa pag-aaral,


ang pangunahing paksa ng pag-aaral, ang paraan na ginamit sa pangangalap ng mga
datos, at ang mga pamamaraan na ginamit sa pagsusuri ng mga datos na kung saan
naging susi tungo sa pagkamit ng tagumpay ng mananaliksik sa pag-aaral na ito.

3.1.1 Disenyo ng Pananaliksik

Kuwalitatibo o qualitave na palarawan (descriptive) at pasuring (analytical)


ang disenyo na ginamit ng mananaliksik sa pag-aaral na ito. Upang maisa-isa ang
mga salitang may sapat na batayan upang masabing dumaan talaga sa prosesong
pagbabagong morpoponemiko, matukoy ang mga uri ng pagbabagong
morpoponemikong matatagpuan sa loob ng pasalitang tula na pinamagatang “Ang
Huling Tula na Isusulat ko Para Sa’yo”, at maipakita ang uri ng prosesong
pagbabagong morpoponemiko na pinakaginagamit sa nasabing pasalitang tula. Sa
mga nabanggit sa itaas na disenyong gamit ng mananaliksik naging matagumpay
at naisakatuparan ng mananliksik ang mga tiyak na layunin na inilahad sa itaas.

3.1.2 Paksa ng Pag-aaral

Ang pangunahing paksa ng pag-aaral na ito ay tanging ang mga uri ng


pagbabagong morpoponemiko na nagaganap sa mga piling salita mula sa isang
23

pasalitang tula na naging palasak sa kasalukuyang panahon. Iniisa-isa dito ang mga
salita na kung saan ay pinaghihinalaan ng mananaliksik na dumaan sa prosesong
pagbabagong morpoponemiko.

3.1.3 Paraan ng Pangangalap ng Datos

Sinimulan ng mananaliksik ang pag-aaral na ito sa pagpili ng isang


pasalitang tula na palasak sa kasalukuyang panahon. Gamit ang internet partikular
na ang search engine na google at youtube personal na pinili at dinownload ng
mananaliksik ang kopya ng pasalitang tula na pinamagatang “Ang Huling Tula na
Isusulat ko Para Sa’yo”. Ang pasalitang tula na ito ay isinulat ni Juan Miguel Severo
isang makata, actor, at musikero.
Lubos ding nakatulong ang silid-aklatan ng Pamantasang ng Gitnang
Mindanao at ang silid-aklatan ng Kolehiyo ng Edukasyon ng nasabing unibersidad
para sa ilang mga piling bagong edisyon ng mga aklat na nakapagbigay ng ilang
mahahalagang impormasyon na siyang ginamit ng mananaliksik upang pagbatayan
sa pananaliksik na ito.

3.1.4 Paraan ng Pagsusuri

Gamit ang mga teoryang Descriptive Grammar, Istrukturalism, New


Formalism, at Prosodic Morphology bilang batayan sa pagsusuri ng mga piling
salita mula sa pasalitang tula na pinamagatang “Ang Huling Tula na Isusulat ko
Para Sa’yo”. Matapos mapili ng mananaliksik ang mga salitang posibleng dumaan
sa prosesong pagbabagong morpoponemiko bilang mahalagang datos sa pag-aaral
24

na ito ay iniisa-isa ito ng mananaliksik at masinsinang inalam ang mga salitang-


ugat at panlapi na bumubuo sa mga nasabing salita. Sa tulong naman ng isang guro
na may sapat na kaalaman sa lingguwistika muling sinuri ang mga nakalap na datos
ng mananaliksik, ginawang tama ang ilang mga pagkakamali at pinaliwanag ng
mabuti ang bawat pagbabagong isinagawa sa nakalap na datos ng mananaliksik sa
pamamagitan nito naging mas makatutuhanan at balido ang mga datos na nakalap
ng mananaliksik na kung saan nagsisilbing daan naman sa pagiging matagumpay
ng pag-aaral na ito.
25

KABANATA IV

PRESENTASYON, ANALISIS, AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

4.1 Presentasyon

Mula sa pasalitang tula na isinulat ni Juan Miguel Severo na pinamagatan


niyang "Ang Huling Tula na Isusulat ko Para Sayo" na kung saan matatagpuan sa
apendiks, makikita sa unang hanay ang mga sumusunod na salitang dumaan sa
pagbabagong morpoponemiko. Habang sa pangalawang hanay naman ay makikita
ang uri ng pagbabagong morpoponemiko na kung saan napabilang ang mga salita
sa unang hanay.

Salita Pormula Uri ng Bilang ng Makikita sa


Pagbabagong Pagkabanggit Apendiks A,
Morpoponemiko Pahina 47
1. abutin abót + in > abu.tin paglilipat-diin 2 linya 9
2. uubusin uubos + in > pagpapalit ng 1 linya 11
uubusin ponema
3. patirahin patirá + hin > paglilipat-diin 1 linya 16
patira.hin
4. nginitian ngití + -in- + -an > paglilipat-diin 3 linya 20
nginiti.an
5. tinignan tininginan > pagkakaltas ng 1 linya 24
tinignan ponema
6. niyakap -in + yakap > metatesis 1 linya 27
niyakap
7. hinalikan halik + -in- + -an > paglilipat-diin 1 linya 29
hinalik.an
8. nalilinawan nalilináw + an > paglilipat-diin 1 linya 30
nalilina.wan
9. tinitignan tinitignan > paglilipat-diin 1 linya 34
tini.tignan
10. dudukutin dudukut + -in > paglilipat-diin 1 linya 36
duduku.tin
11. kawalan kawalán > paglilipat-diin 1 linya 37
kawa.lan
26

Karugtong ng talahanayan1.
12. mahalin mahál + -in > paglilipat-diin 8 linya 47
maha.lin
13. isinasantabi i- + sasantabi > paglilipat-diin 1 linya 49
i.sinasantabi
14. nanlamig nang- + lamig > asimilasyong di- 1 linya 49
nanlamig ganap
15. niyayakap niyayakap > paglilipat-diin 1 linya 54
niya.yakap
16. sinasandalan -in- + sasandálan > paglilipat-diin 1 linya 55
sina.sandalan
17. binubulungan -in + bubulóng > paglilipat-diin 1 linya 55
binu.bulungan
18. patawarin pa + tawad + in > pagpapalit ng 9 linya 64
patawadin > ponema
patawarin
19. kasunduan kasunduan > paglilipat-diin 3 linya 69
kasun.duan
20. patatawarin patatawad + -in > pagpapalit ng 14 linya 69
patatawarin ponema
21. pananahimik patatahimik > pagpapalit ng 1 linya 73
pananahimik ponema

Talahanayan 1. Talaan ng mga salitang dumaan sa pagbabagong morpoponemiko.

4.2 Analisis at Interpretasyon

Sa bahaging ito makikita ang mga talahanayan ng pagpapangkat sa mga


nailistang salita na dumaan sa prosesong pagbabagong morpoponemiko. Sa ibaba
ng bawat talahanayan makikita naman ang mga kaukulang paliwanang kung bakit
napabilang ang mga nasabing salita sa loob ng bawat talahanayan.

4.2.1 Paglilipat-diin

Panlapi Salitang-ugat Nabuong Salita


27

Karugtong ng talahanayan2.
-in abot abutin
pa-, -hin tira patirahin
-in-, -an ngiti nginitian
-in-, -an halik hinalikan
na-, -an linaw nalilinawan
-in-, -an tingin tinitignan
-in dukot dudukutin
ka-, -an wala kawalan
-an mahal mahalin
i-, -in-, sang- tabi isinasantabi
-in-, yakap niyayakap
-an sandal sinasandalan
-in-, -an bulong binubulungan
ka-, -an sundo kasunduan

Talahanayan 2. Talaan ng mga salitang dumaan sa paglilipat-diin.

 abutin
abot > abut (pagpapalit ng ponema)
abót + -in > abu.tin (paglilipat-diin)

Ang salitang abutin na makikita sa Apendiks A sa ika-9 na taludtod ng tula


ay binubuo ng morpemang salitang-ugat na abot at panlaping maka-uring /-in/ na
nagsasaad ng katangiang itinulad sa isinasaad ng salitang-ugat. Ang salitang abutin
ay unang dumaan sa pagbabagong morpoponimekong pagpapalit ng ponema,
kung saan ang ponemang /o/ ay napalitan ng /u/. Ito ay sa palabaybayan lamang
sapagkat kung ponemikong transkripsiyon ang pag-uusapan, maaaring magpalitan
ang /o/ at /u/. Ang pagpapalit ng ponemang /u/ sa ponemang /o/ ay dahil sa
impluwensiya ng hulaping /-in/. Ang pagbabagong morpoponemikong paglilipat-
diin ng salitang abutin ay naganap dahil sa gamit nito sa loob ng pangungusap
bilang pang-uri na nagbibigay turing sa panghalip na ako. Ang diin ay nalipat sa
ikalawang pantig ng salita.
28

 patirahin
pang- + tira = pangtira > pantira > patira (asimilasyong parsyal o ganap)
patirá + -hin > patira.hin (paglilipat-diin)

Ang salitang patirahin na makikita sa Apendiks A sa ika-16 na taludtod sa


ikalawang saknong ng tula ay mula sa salitang-ugat na tira. Mayroon itong
panlaping makadiwang /pang-…-hin/ dahil ito ay nasa pokus sa layon ng pandiwa
na may kahulugang gawin sa paksa o ipagawa sa paksa ang kilos na nasa pandiwa.
Sa pagbabagong morpoponemiko, ang pagdagdag ng unlaping pang sa salitang-
ugat na tira ay kabilang sa asimilasyon. Sa unang bahagi ng pagdudugtong kung
saan ang pang + tira ay nagiging pangtira ay tinatawag na asimilasyong parsyal.
Subalit ito ay naaasimila pa sapagkat kapag ang salitang inuunlapian ng pang ay
nagsisimula sa titik /t/, ang /-ng/ ay nagiging /n/. Ito ay sa dahilan na ang /t/ at /n/
ay magkatulad sa punto ng artikulasyon- parehong dental. Sa ganitong paraan
nakatitipid sa pagbigkas ng isang punto ng artikulasyon na tinatawag na
asimilasyong parsiyal. Subalit, mas makatitipid pa kapag nagkaroon muli ng
asimilasyon kung saan ang pantira ay nagiging patira. Ito ay kabilang sa
asimilasyon ganap. At dahil ginamit ito bilang pokus sa layon ng pandiwa, nilagyan
ito ng hulaping /-hin/ na nakaimpluwensya sa sinusundang ponema kaya nabuo ang
salitang patirahin. Dahil sa mga pagbabagong naganap, nagkaroon din ng
paglilipat-diin.

 nginitian
ngití + -in- + -an > nginiti.an (paglilipat-diin)

Ang salitang nginitian na makikita sa Apendiks A sa ika-20 taludtod ng tula


ay binubuo ng morpemang salitang-ugat na ngiti at morpemang panlaping /-in-/ at
29

/-an/. Dahil sa gitlaping /-in-/ ang salitang-ugat ay naputol subalit walang


pagbabagong morpoponemikong nagaganap sa puntong ito. Ang pagdudugtong ng
hulaping /-an/ ay naka-impluwensiya sa katabing ponema na naging dahilan ng
pagbabagong morpoponemikong paglilipat-diin.

 hinalikan
halik + -in- + -an > hinalik.an (paglilipat-diin)

Ang salitang hinalikan na makikita sa Apendiks A sa ika-29 na taludtod ng


tula ay mula sa salitang-ugat na halik. Ito ay nilagyan ng gitlaping /-in-/ at hulaping
/-an/ kaya naging hinalikan. Dahil sa pagdagdag ng panlapi, naimpluwensiyahan
nito ang diin ng salita kaya nagkaroon ng paglilipat diin.

 nalilinawan
na- + linaw = nalinaw
li + nalinaw > nalilinaw (reduplikasyon)
nalilináw + -an > nalilina.wan (paglilipat-diin)

Ang salitang nalilinawan na makikita sa Apendiks A sa ika-30 taludtod ng


tula ay mula sa salitang-ugat na linaw. Unang nilagyan ng panlaping makadiwang
/na-…-an/ na naging nalinawan na nagsasaad ng kakayahang gawin ang kilos na
isinasaad ng salitang-ugat. Nagkaroon din ng pag-uulit sa unang pantig ng salitang-
ugat na /li/ kaya naging nalilinawan na nangangahulugang mas nagkakaroon ng
kaliwanagan ang mga bagay-bagay sa tagaganap ng kilos ng pandiwa. Dahil sa
paglalagay ng mga morpemang panlapi, naimpluwensiyahan ang mga katabing
ponema kaya nagkaroon ng paglilipat-diin.
30

 tinitignan
ti + tingin > titingin (reduplikasyon)
-in-+ titingin > tinitinginan > tinitignan (pagkakaltas ng ponema)
tinitignan > tini.tignan (paglilipat-diin)

Ang salitang tinitignan na makikita sa Apendiks A sa ika-34 na taludtod ng


tula ay mula sa salitang-ugat na tingin. Nagkaroon ng pag-uulit ang unang pantig
ng salitang-ugat na pag-uulit na parsiyal o di-ganap kaya ang kinalabasang salita
ay titingin. Ang sunod na proseso ay ang paglalagay ng gitlaping /-in-/ at hulaping
/-an/ ay nagbibigay ng kahulugan na ang kilos ay kasalukuyang ginagawa. Ang
kinalabasang salita ay tinitingnan. Upang makatipid sap unto ng artikulasyon,
nagkaroon ng pagkakaltas ng ponema kung saan kinaltas ang ponemang /n/ at /i/
kaya naging tinitignan. Ang dahilan ng pagbabagong ito ay upang makatipid sa
punto ng artikulasyon. Dahil sa mga pagbabagong naganap sa salitang-ugat,
nagkaroon ng paglilipat-diin na kung saan nalipat sa unahan ang diin ng salita.

 dudukutin
du + dukot + -in > dudukutin (reduplikasyon)
dudukotin > dudukutin (pagpapalit ng ponema)
dudukut + -in > duduku.tin (paglilipat-diin)

Ang ikasampung salita na makikita sa Apendiks A sa ika-36 na taludtod,


dudukutin. Mula ito sa salitang-ugat na dukot. Inulit ang unang pantig ng salita
at nilagyan ng hulaping /-in/ kaya naging dudukutin, isang salitang pandiwa na
nasa aspektong kontemplatibo na ang ibig sabihin ay hindi pa nasisimulan ang kilos
na isinasaad ng salita. Sa proseso ng paghuhulapi, naimpluwensiyahan ang ponema
/o/ ng salitang-ugat kaya napalitan ng /u/. Ito ay tinatawag na pagpapalit ng ponema.
31

Dagdag pang pagbabagong morpoponemikong naganap dahil sa pag-uulit ng unang


pantig at paghuhulapi ng salitang-ugat na dukot, nagkaroon ng paglilipat-diin na
kung saan ang diin na nasa pantig /du/ ng salitang-ugat na dukot ay nalipat sa /ku/
ng mabuo ang salitang dudukutin.

 kawalan
ka- + wala + -an > kawalaan > kawalan (pagkakaltas ng ponema)
kawalán > kawa.lan (paglilipat-diin)

Ang salitang kawalan na makikita sa Apendiks A sa ika-37 na taludtod ng


tula ay mula sa salitang- ugat na wala. Nilagyan ito ng panlaping makangalan na
/ka-…-an/ kaya naging kawalaan na nagsasaad ng kasukdulan o kasagaran ng
pangyayari. Sa prosesong ito, magkaroon ng pagkakaltas ng ponema kung saan ang
ponemang /a/ na magkasunod ay kakaltasin ang isa upang makatipid sa punto ng
artikulasyon. Ito ay tinatawag na pagkakaltas ng ponema. Sanhi ng paglalapi at
pagkakaltas ng ponema, naimpluwensiyahan nito ang diin ng salita mula sa
ikalawang pantig ng salitang-ugat ay nalipat ito patungong unang pantig ng salita.

 mahalin
mahál + -in > maha.lin (paglilipat-diin)

Ang salitang mahalin na makikita sa Apendiks A sa ika-47 na taludtod ng


tula ay mula sa salitang-ugat na mahal. Taglay ng salitang mahalin ang hulaping
makadiwang /-in/ na nagsasaad ng kakayahang gawin ang kilos na isinasaad sa
salitang-ugat. Dahil sa proseso ng paghuhulapi nagkaroon ng paglilipat-diin na
kung saan ang diin na nasa unang pantig ng salita ay nalipat sa huling pantig ng
bagong salita.
32

 isinasantabi
sang- + tabi > santabi (asimilasyong di-ganap)
sa + santabi > sasantabi (reduplikasyon)
i- + sasantabi > i.sinasantabi (palilipat-diin)

Ang salitang isinasantabi na makikita sa Apendiks A sa ika-49 na taludtod


ng tula ay mula sa salitang-ugat na tabi. Ang salitang isinasantabi ay dumaan sa
maraming proseso bago ito nabuo. Una itong nilagyan ng unlaping makangalang
/sang-/ na nagsasaad ng kabuuan ng salitang-ugat kaya naging sangtabi. Sa
alomorp ng morpema, ang isang morpema ay maaaring magbago ng anyo dahil sa
impluwensiya ng kaligiran nitong ponema. Ang alituntuning ito ay naaayon sa
pagbabagong morpoponemikong asimilasyon na kung saan ang unlaping
nagtatapos sa /ng/ ay nababago depende sa unang ponema ng salitang-ugat. Ang
unlaping /sang-/ ay nagiging /san-/ dahil sa impluwensiya ng katabing ponemang
/t/ ng salitang-ugat kaya ang sangtabi ay naging santabi. Sinundan ito ng pag-uulit
ng unang katinig-patinig ng salita na kabilang sa alituntunin sa pagbuo ng
pandiwang nasa anyong kontemplatibo kaya ito naging sasantabi. Sunod na
nilagyan ng panlaping makadiwang /i-/ na nagsasad ng paggawa sa isang bagay ng
kilos na nasa pandiwa ang salitang sasantabi, kaya ito naging isasantabi. Sunod
ay ang paglalagay ng gitlaping /-in/ na isiningit sa pagitan ng unang pantig ng
salitang-ugat kaya ang kinalabasang salita ay isinasantabi. Ang pagdagdag ng
unlaping /i-/ ay nakaimpluwensya sa diin ng salita, ito ay tinatawag na pagbabagong
morpoponemikong paglilipat-diin, kung saan ang diin ay nalipat sa isang pantig
patungong unahan ng salita.
33

 niyayakap
ya + yakap > yayakap (reduplikasyon)
-in + yayakap > niyayakap (metatesis)
niyayakap > niya.yakap (paglilipat-diin)

Ang salitang niyayakap na makikita sa Apendiks A sa ika-54 na taludtod ng


tula ay salitang ang kayarian ay inuulit mula sa salitang-ugat na yakap. Sa pagbuo
ng salitang niyayakap, ang unang proseso ay inulit ang unang pantig ng salitang-
ugat kaya naging yayakap, isang pandiwang nasa aspektong kontemplatibo na
nagsasaad ng kilos na hindi pa nasimulan. Ang sunod na proseso ay ang paglalagay
ng gitlaping makauring /-in-/ na nagsasaad naman ng katangiang itinulad o
ginagawang tulad sa isinasaad ng salitang-ugat, dito mabubuo sana ang salitang
yinayakap ngunit sa pagbabagong morpoponemikong metatesis kung saan
kabilang ang prosesong ito, kapag ang salitang-ugat na nagsisimula sa /l/ o /y/ ay
ginigitlapian ng /-in-/ , ang /l/ o /y/ ng salitang-ugat at ang /n/ ng gitlapi ay
nagkakapalit ng pusisyon, kaya ang mabubuong salita ay niyayakap, isang
pandiwang nasa aspektong imperpektibo. Dahil sa mga pagbabagong nabanggit,
naimpluwensiyahan din ang diin ng salitang-ugat na kung saan nailipat ito sa
unahan. Ito ay tinatawag na paglilipat-diin.

 sinasandalan
sa + sandal + -an > sasandalan (reduplikasyon)
-in- + sasandálan > sina.sandalan (paglilipat-diin)

Ang salitang sinasandalan na makikita sa Apendiks A sa ika-55 taludtod ay


mula sa salitang-ugat na sandal. Nagkaroon ng pag-uulit ang unang pantig ng
34

salitang-ugat subalit ito ay pag-uulit na parsiyal o di-ganap, sapagkat ayon sa


alituntunin kapag ang pantig na inuulit ay may kayariang KPK (katinig-patinig-
katinig), ang inuulit lamang ay ang unang katinig at patinig ng pantig kaya ang
kinalabasang salita ay sasandal. Sumunod ang paglalagay ng hulaping
makadiwang /-an/ na nagsasaad na gawin sa isang tao, bagay, hayop o lunan ang
kilos na isinasaad ng salitang nilalapian at ang nabuong salita ay sasandalan, isang
pandiwang nasa aspektong kontemplatibo. Ang sunod na proseso ay ang pagdagdag
ng gitlaping /-in-/ na nagsasaad ng katangiang itinulad o ginagawang tulad sa
isinasaad ng salitang-ugat at ang kinalabasang salita ay sinasandalan. Dahil sa mga
pagbabagong naganap sa salitang-ugat, nagkaroon ng paglilipat-diin na kung saan
nalipat sa unahan ng salita ang diin.

 binubulungan
bulong + -an > bulungan (pagpapalit ng ponema)
bu + bulungan > bubulungan (reduplikasyon)
-in + bubulóng > binu.bulungan (paglilipat-diin)

Ang salitang binubulungan na makikita sa Apendiks A sa ika-55 taludtod


ay mula sa salitang-ugat na bulong. Unang nilagyan ang salitang-ugat ng hulaping
makadiwang /-an/ na nagsasaad na gawin sa isang tao, bagay, hayop, o lunan ang
kilos o diwang isinasaad ng salitang nilalapian. Batay naman sa alituntunin ng
pagbabagong morpoponemikong pagpapalit ng ponema, ang ponemang /o/ sa
huling pantig ng salitang-ugat na hinuhulapian ay nagiging /u/ kaya ang
kinalabasang salita ay bulungan. Sunod na proseso ang paglalagay ng gitlaping
makadiwang /-in-/ na nagsasaad ng katangiang itinutulad o ginagawang tulad sa
isinasaad ng salitang-ugat at ang nabuong salita ay binulungan, isang pandiwang
nasa anyong perpektibo. Mula sa anyong perpektibo, nagkaroon ng pag-uulit sa
35

unang pantig ng salitang-ugat kaya naging binubulungan, na isang pandiwang


nasa aspektong imperpektibo na nagpapahayag ng kilos na nasimulan na ngunit di
pa natatapos. Dahil sa prosesong naganap sa salitang-ugat na bulong, nagkaroon
paglilipat-diin sa salitang nabuong binubulungan.

 kasunduan
ka-…-an + sundo > kasunduan (pagpapalit ng ponema)
kasunduan > kasun.duan (paglilipat-diin)

Ang salitang kasunduan na makikita sa Apendiks A sa ika-69 na taludtod


ng tula ay mula sa salitang-ugat na sundo. Nilagyan ng panlaping makangalan na
/ka-…-an/ kabilaang panlapi na nakabubuo ng pangngalang ngalan ng bagay na
bunga ng kilos o diwang isinasaad ng salitang-ugat. Sa proseso ng paglalapi,
nagkaroon ng pagpapalit ponema na kung saan ang ponemang /o/ ng salitang-ugat
ay napalitan ng /u/. Tinawag itong pagpapalit ng ponema. Nagkaroon din ng
paglilipat-diin na kung saan nalipat sa unahan ng salita ang diin.

4.2.2 Metatesis

Salitang-ugat Panlapi Salitang Nilapian Nabuong salita


yakap -in = -in- yinakap niyakap

Talahanayan 3. Talaan ng mga salitang dumaan sa metatesis.

 niyakap
-in + yakap > niyakap (metatesis)
36

Ang salitang niyakap na makikita sa Apendiks A sa ika-27 na taludtod ng


tula ay mula sa salitang-ugat na yakap. Nilagyan ito ng gitlaping /-in/ na naging
yinakap subalit batay sa alituntunin ng pagbabagong morpoponemikong
metatesis, kapag ang salitang-ugat na nagsisimula sa /l/ o /y/ ay ginigitlapian ng /-
in-/, ang /-in-/ ay nagiging /ni-/ at ang /l/ o /y/ ay nagkakapalit ng posisyon kaya
ang kinalabasan ay salitang niyakap hindi yinakap.

4.2.3 Pagkakaltas ng Ponema

Salitang-ugat Panlapi Salitang Nilapian Nabuong salita


tingin -in-, -an tiningnan tinignan

Talahanayan 4. Talaan ng mga salitang dumaan sa pagkakaltas ng ponema.

 tinignan
tingin + -in- + -an > tininginan (paglalapi)
tininginan > tinignan (pagkakaltas ng ponema)

Ang salitang tinignan na makikita sa Apendiks A sa ika-24 taludtod ng tula


ay mula sa salitang-ugat na tingin. Kabilang ito sa pandiwang di-karaniwan. Ang
paglagay ng gitlaping /-in-/ at hulaping /-an/ ay nagbigay ng kahulugan na ang kilos
ay kasalukuyang ginagawa. Ang pagbabagong morpoponemikong naganap ay
pagkakaltas ng ponema, kung saan sa halip na tininginan ay kinaltas ang
ponemang /n/ at /i/ kaya naging tinignan. Ang dahilan ng pagbabagong ito ay
upang makatipid sa punto ng artikulasiyon.
37

4.2.4 Pagpapalit ng Ponema

d>r
Panlapi Salitang-ugat Nabuong Salita
-in ubos uubusin
pa-, -an tawad patawarin
pa-, -in tawad patatawarin
pa- tahimik pananahimik

Talahanayan 5. Talaan ng mga salitang dumaan sa pagpapalit ng ponema.

 uubusin
u + ubos > uubos (pag-uulit na parsiyal o di-ganap)
uubos + -in > uubusin (pagpapalit ng ponema)

Ang salitang uubusin na makikita sa Apendiks A sa ika-11 taludtod ng


ikalawang saknong ng tula ay mula sa salitang-ugat na ubos. Nagkaroon ng pag-
uulit na parsiyal o di-ganap sa unang patinig na /u/ at nilagyan ng hulaping
makadiwang /-in/ na nasa pokus sa direksiyon kung saan nagsasaad ng pagganap
ng kilos sa paksa nito. Ang pagbabagong morpoponemikong ito ay kabilang sa
pagpapalit ng ponema sapagkat, dahil sa pag-uulit na parsiyal o di-ganap at
paglalagay ng hulaping makadiwang /-in/, naimpluwensiyahan ang ponemang /o/
kaya ito ay napalitan ng /u/.

 patawarin
pa- + tawad + -in > patawadin > patawarin (pagpapalit ng ponema)

Ang salitang patawarin na makikita sa Apendiks A sa ika-64 na taludtod ng


tula ay mula sa salitang-ugat na tawad. Dinagdagan ang salitang-ugat na tawad ng
38

unlaping makangalan na /pa-/ na tumutukoy sa isang bagay na ipinagagawa sa


ibang tao. Ang nabuong salita ay patawad. Sunod itong nilagyan ng hulaping
makauring /-in/ na nagsasaad na maging mapasakalagayan ng isinasaad ng salitang-
ugat. Sa paghuhulapi, ang ponemang /d/ sa posisyong pinal ng salitang nilalapian
ay karaniwang napapalitan ng ponemang /r/. Ito ay dahil sa higit na naaayon sa likas
na hilig ng tao na gawing lalong madali para sa kanya ang pagbigkas nito, kaya ang
resultang salita ay patawarin. Ang pagbabagong morpoponemikong ito ay
tinatawag na pagpapalit ng ponema.

 patatawarin
pa- + ta + tawad > patatawad (repudlikasyon)
patatawad + -in > patatawarin (pagpapalit ng ponema)

Ang salitang patatawarin na makikita sa Apendiks A sa ika-69 na taludtod


ay mula sa salitang-ugat na tawad. Nilagyan ng panlaping makangalang /pa-/ na
tumutukoy sa isang bagay na ipinagagawa sa ibang tao. Ang kinalabasang salita ay
patawad. Sunod itong dinugtungan ng hulaping /-in/ na nagsasaad na
mapasakalagayan ng isinasaad ng salitang-ugat. Ang mabubuong salita ay
patawadin, subalit ayon sa alituntunin ng pagbabagong morpoponemikong
pagpapalit ng ponema, ang /d/ na nasa posisyong pinal ng salitang hinuhulapian
ng /-in/, ang /d/ ay karaniwang nagiging /r/ kaya nagiging patawarin ito.

 pananahimik
pa- + ta + tahimik > patatahimik
patatahimik > pananahimik (pagpapalit ng ponema)
Ang salitang pananahimik na makikita sa Apendiks A sa ika-73 na taludtod
ng tula ay mula sa morpemang salitang-ugat na tahimik. Unang nagkaroon ng pag-
39

uulit na di-ganap kung saan inulit ang unang pantig ng salitang-ugat at ang
kinalabasang salita ay tatahimik. Nilagyan ito ng unlaping makangalan na /pa-/ na
tumutukoy sa bagay na bunga ng kilos ng salitang-ugat at ang mabubuong salita ay
patatahimik. Mapapansing sa paraan ng artikulasyon ang /p/ at /t/ ay parehong
pasara na ang ibig sabihin ang daanan ng hangin ay harang na harang. Ito ay
nakakaantala sa artikulasyon ng salita kaya nagkaroon ng pagpapalit ng ponema
na kung saan ang ponemeng /t/ ay pinalitan ng ponemang /n/. Ponemang /n/ ang
ipinalit sapagkat ang /t/ at /n/ ay magkatulad ang punto ng artikulasyon na pangipin-
ang dulo ng dila ay dumidikit sa loob ng ngiping nasa itaas. Napag-aralan natin na
hindi maaaring alisin o palitan ang ponema ng isang salita nang hindi nababago ang
kahulugan nito, subalit may mga pagkakataon na ang isang ponema ay maaaring
palitan na hindi mababago ang kahulugan kapag ang mga ponema ay wala sa pantig
na may diin. Ito ay naaayon sa alituntunin ng ponemeng suprasegmental. Ang
tatlong ponemeng suprasegmental na tono, haba, at diin ay karaniwang
magkakasama sa isang pantig subalit ang bawat isa ay may kanya-kanyang halaga,
at sa wikang Filipino, higit na mahalaga ang haba kaysa tono at diin.

4.2.5 Asimilasyon

Panlapi Salitang-ugat Nabuong Salita


nang- lamig nanlamig

Talahanayan 6. Talaan ng mga salitang dumaan sa asimilasyon.

 nanlamig
nang- + lamig > nanlamig (asimilasyong di-ganap)
40

Ang salitang nanlamig na makikita sa Apendiks A sa ika-49 na taludtod ng


tula ay mula sa salitang-ugat na lamig. Ang salitang nanlamig ay nabuo dahil sa
pagkakabit ng unlaping /nang-/ sa salitang-ugat na lamig. Sa panuntunan ng
pagbabagong morpoponemikong asimilasyon, ang morpemang panlapi ay
nababago dahil sa impluwensiya ng alinmang ponemang /d, l, r, s, t/ na katabi ng
kasunod na salitang-ugat kaya sa halip na nanglamig, ito ay naging nanlamig. Ito
ay tinatawag na asimilasyong di-ganap.

4.3 Resulta

KABUUANG BILANG NG MGA SALITANG


DUMAAN SA PAGBABAGONG
MORPOPONEMIKO
Pagkakaltas ng
Asimilasyon, 1 Metatesis, 1 ponema, 1

Pagpapalit ng
ponema, 4

Paglilipat-diin, 14

Figyur 3. Kabuuang bilang ng mga salita na dumaan sa pagbabagong morpoponemiko

Batay sa Talahanayan 1 ng pahina 25-26 makikita ang mga piling salita na


dumaan sa pagbabagong morpoponemiko mula sa pasalitang tula na pinamagatang
41

“Ito na ang Huling Tulang Isusulat ko Para Sayo”. May kabuuang bilang itong
dalawampu’t-dalawang (21) na tiyak na dumaan sa proseso ng pagbabagong
morpoponemiko at ilan sa mga salita ito ay ang abutin, uubusin, patirahin,
nginitian, tinignan, niyakap, hinalikan at nalilinawan. Mula sa grap na makikita sa
itaas lima lamang na uri ng pagbabagong morpoponemiko ang dinaanan ng mga
naturang salita at ito ay ang paglilipat-diin, pagpapalit ng ponema, metatesis,
pagkakaltas ng ponema at asimilasyon.

Mula sa dalawampu’t-isa (21) salita, labing-apat (14) sa mga ito ang


dumaan sa paglilipat-diin na uri. Ang apat (4) na salita ay nasa uri ng pagpapalit ng
ponema, isang (1) salita sa metatesis, isang (1) salita sa pagkakaltas ng ponema, at
isang (1) salita rin sa asimilasyon na uri ng pagbabagong morpoponemiko.
42

KABANATA V

LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

5.1 Lagom

Ang pag-aaral na ito ay isang pagtatangkang matukoy ang mga salitang


dumaan sa prosesong pagbabagong morpoponemiko mula sa isang pasalitang tula
na pinamagatang “Ang Huling Tula na Isusulat ko Para Sa’yo”.
Gamit ang kuwalitatibo o qualitave na palarawan (descriptive) at pasuring
(analytical) kasabay ng mga teoryang Descriptive Grammar, Istrukturalism, New
Formalism, at American Structuralist Theory bilang batayan sa pagsusuri ng mga
piling salita mula sa pasalitang tula na pinamagatang “Ang Huling Tula na Isusulat
ko Para Sa’yo”. Matapos mapili ng mananaliksik ang mga salitang posibleng
dumaan sa prosesong pagbabagong morpoponemiko bilang mahalagang datos sa
pag-aaral na ito ay iniisa-isa ito ng mananaliksik at masinsinang inalam ang mga
salitang-ugat at panlapi na bumubuo sa mga nasabing salita.
Matapos ang mahabang proseso na pinagdaanan ng mga datos upang
maging balido lamang ito lumabas sa pag-aaral na ito na sa panitikang umiiral sa
ating lipunan ngayon gaya na lamang ng pasalitang tula mahalaga ang papel na
ginagampanan ng prosesong pagbabagong morpoponemiko, sapagkat ang
prosesong ito ang siyang nakatutulong upang ang isang salita ay maging akma o
tugma sa loob ng isang pangungusap. Sa bawat pagpapahayag o pagbigkas ng
makata sa kanyang binuong mga salita sa kanyang isipan hindi maiiwasan na
kailangan niyang pumili ng mga salitang magandang pakinggan upang makahatak
siya ng atensiyon mula sa mga manunuod at tagapakinig. lumabas din na ang mga
panlapi at alomorp ay mayroong malaking ambag sa prosesong pagbabagong
43

morpoponemiko. Dahil sa mga panlapi at alomorp nagiging ganap ang pagbabago


ng kahulugan ng isang salita. Kung gayon ito ang naging dahilan kung kaya’t ang
isang payak na salita ay kailangang dumaan sa prosesong pagbabagong
morpoponemiko.
Natuklasan din ng mananliksik sa pag-aaral na ito na ang isang salita ay
maaaring dumaan sa tatlo o higit pang uri ng prosesong pagbabagong
morpoponemiko bago paman siya maging ganap at angkop na salita sa isang
partikular na pangungusap.

5.2 Kongklusyon

Sa kabuuan, ang isang panitikan partikular na ang pasalitang tula na isang


uri ng tulang malayang taludturan ay hindi maaaring hindi dumaan sa prosesong
pagbabagong morpoponemiko ang ilang mga salita sa loob ng pangungusap o
bawat pahayag. Sapagkat ang pasalitang tula ay nangangailangan ng masising na
pagpapahayag. Kung gayon nararapat lamang na isaalang-alang ng isang makata
ang pagpili o paggamit niya ng mga salita. Dahil sa ganitong kalagayan pumapasok
na ang prosesong pagbabagong morpoponemiko sa iilang mga salita sa loob ng mga
pangungusap sa isang pasalitang tula.
Batay sa mga datos na inilahad, natutunan ng mananaliksik na mahalaga
ang pagsusuri sa isang panitikan partikular na ang mga pasalitang tula sapagkat isa
itong paraan ng pagpapahalaga sa panitikan at sa wika na rin mismo na gamit nito.
Ang pagpapahalagang ito rin ay maaaring magtulak upang ang isang wika na nasa
proseso pa lamang ng pagpapayabong ay umunlad. Mahalaga rin ito upang lubos
na maunawaan ang bawat kahulugan ng mga salita at kung paano ito nagmula at
44

nabuo bilang isang makabuluhang salita sa loob ng isang masining na


pagpapahayag ng saloobin at damdamin.

5.3 Rekomendasyon

Kaugnay ng mga kongklusyong nabanggit, buong pagpapakumbabang


iminumungkahi ng mananaliksik hindi lang sa kanyang sarili kundi pati na rin sa
mga mambabasa at higit sa lahat sa institusyong gaya ng Central Mindanao
University ang mga sumusunod:
Para sa mananaliksik bilang guro sa hinaharap, dapat lang na mas
pagbutihan pa ang pananaliksik na ito matapos itong maipasa sa guro. Upang
magamit ito sa hinaharap. Dapat din na pag-aralan pa ng mananaliksik kung paano
niya mailalahad ng mas maayos at malinaw ang mga nalikom niyang datos para
mas kapaki-pakinabang ito sa karamihan sa hinaharap.
Para naman sa mga mananaliksik sa hinaharap, kung magsasagawa sila ng
pag-aaral na gaya nito dapat unang una sa lahat isaalang-alang nila ang oras na
maaaring ilaan nila sa pag-aaral, dahil hindi ito magiging madali. Kung
pagtutuunan nila ng pansin ang pag-aaral sa pagbabagong morpoponemiko, dapat
lang na maghanap na sila ng mas marami pang mga kaugnay na pag-aaral sa loob
at labas ng ating bansa ng mas maaga upang hindi dila mahirapan sa pagbuo ng
kanilang ikalawang kabanata. Kinakailangan din na pagtounan nila ng pansin ang
pag-aaral sa mga uri ng panlapi at alomorp na naging susi para sa pagbabago ng
isang salita. Sapagkat lumabas sa pag-aaral na ito na ang mga panlapi at alomorp
ay mayroong malaking ambag sa prosesong pagbabagong morpoponemiko. Dahil
sa mga panlapi at alomorp nagiging ganap ang pagbabago ng kahulugan ng isang
salita. Iminumungkahi ko rin na ipagpatuloy at palawigin pa nila ang pag-aaral na
45

ito lalo na sa pagsusuri sa mga salita na dumaan maraming uri ng pagbabagong


morpoponemiko bago paman lumitaw ang pinal nitong prosesong pagbabagong
morpoponemiko na kinabibilangan.
Para sa mga mambabasa naman, dapat lang na maging mapanuri sila at higit
sa lahat lawakan nila ang kanilang pag-iisip hinggil sa mga ganitong uri ng pag-
aaral. Sapakat maaaring makatutulong ito sa kanila na magkaroon ng mas malawak
na pag-unawa tungo sa mas malawak na uri ng pagpapahalaga ng isang panitikan
partikular na ang mga pasalitang tula na siyang palasak sa kasalukuyang lipunan.
Para sa mga lingguwista, sana pagtuunan di nila ng pansin ang ganitong uri
ng pagpapahalaga sa panitikan partikular na ang pasalitang tula at iba pang mga uri
ng panitikan gaya ng maikling kuwento, nobela, dula at maging ang mga pelikula
upang mas lumawak pa ang kaalaman ng ilang mga mag-aaral o tao na interesado
sa ganitong mga pag-aaral.
Para sa mga institusyon naman, dapat lang na gawing mas madalas ang
ganitong uri ng pag-aaral. Sapagkat makatutulong ito sa kaunlaran ng panitikan at
ng wikang gamit nito.
46

SANGGUNIAN

Almendral, Rechelle B., Evora maria Kristina Cassandra R., at Hermoso, Abner S.
(2013). Mga Piling Talumpati ng Iba’t ibang Pangulo ng Pilipinas: Isang
Pagsusuri. Di-Limbag na Tesis, Pamantasang Pamantasan ng Batangas.
Bautista, Francis (2010). Pagsusuri ng Pagbabagong Morpoponemiko sa
Impleksyon ng Filipino: Ang Kaso ng Paglalapi ng mga Alomorf ng
Unlaping Mang-. Di-limbag na disertasyon, UP Diliman.
Department of Education Bureau of Secondary Education CURRICULUM
DEVELOPMENT DIVISION. 2013. Meralco Ave., Pasig City.
Dayag, Alma M. at del Rosario, Mary Grace G. (2016). Pinagyamang Pluma
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. 927
Quezon Ave., Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc.
Folah, Liz. 2015. “Ang Huling Tula na Isususlat Ko Para Sa’yo”. Nakuha noong
Seteyembre 20, 2017 sa websayt na
https://hellopoetry.com/poem/118826/ito-na-ang-huling-tula-na-isusulat-
ko-para-sayo.
Hinkel, Eli (2004). TESOL Encyclopedia of English Language Teaching:
Descriptive versus Prescriptive Grammar. Seattle Pacific University.
McCarthy, John J. at Prince Alan. (1993)/ Prosodic Morphology I: Constraint
Interactio and Satisfaction. Linguistics Department Faculty Publication
Series. 14.
Pascual, Gemma R. (2016). Sward Speak (Gay Lingo) In The Philippine Context:
A Morphological Analysis. International Journal of Advanced Research
in Management and Social Sciences, No. 12:33
Santos, Angelina L. at Magracia, Emma B. (2010). Pagsulat ng Proposa sa
Pananaliksik sa Filipino. MSU-Iligan Institute of Technology.
47

Severo, Juan Miguel. 2015. “Ang Huling Tula na Isususlat Ko Para Sa’yo”. Nakuha
noong Seteyembre 20, 2017 sa websayt na
https://m.youtube.com/watch?v=tejS6M3NAdg.
Severo, Juan Miguel. 2015. Actor Juan Miguel Severo on Failure, Happiness, and
Life Before OTWOL. Nakuha noong Setyembre 20, 2017 sa websayt na
https://www.rappler.com/entertainment/news/161374-live-jam-juan-
miguel-severo-paulo-avelino-shirebound-and-buskung.
Sicat –De Laza, Crizel at Batnag, Aurora E. (2016). Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t
ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. 856 N. Reyes Sr. St., Sampaloc
Manila: Rex Book Store, Inc.
48

APENDIKS A

NAKASULAT NA KOPYA NG PASALITANG TULA

1 "Ito na ang Huling Tula na Isusulat ko para Sayo"


2
3 Pangako yan at totoo. Hindi ko alam kung magiging gaano kahaba o kung kasya
4 ba sa isang piyesa,
5 ilang pahina, ilang minuto ang itatagal at ihahaba nito, kaya posibleng hindi ko
6 agad makabisado pero pangako yan,
7 ito na ang huling tula na isusulat ko para sayo.
8
9 Itaga mo to sa bato, abutin man ako ng umaga dito hindi ko ipipikit ang mga
10 matang ito..
11 uubusin ko ang lahat ng salita na posibleng tugma ng pangalan mo o anumang
12 tawag ko sayo,
13 mahal, sinta, iro g, pangga, babe, bbq, bae, beb, asawa ko, mhine, kulet, kapal,
14 kupal, hayop, pa, p*ng ina ka ano pa ba..wala akong pakialam kung abutin man
15 ako ng ilang talata dito,
16 pero hindi ko na pwedeng patirahin lang dito sa loob ko ang mga salitang ito
17 kaya pangako,
18 ito na ang huling tula na isusulat ko para sayo.
19
20 Magsisimula ako sa umpisa, sa kung paanong nginitian mo ako at tinanong
21 kung saan ako nakatira.
22 hindi mo nga pinansin ang mga agiw sa dingding, hindi ka nga natinag sa ipis
23 na biglang dumating sa iyong pagbisita..
24 pero hindi mo rin man lang din tinignan ang mga libro na nasa tabi ng kama
25 kong natutulog din, at tangi ko noong kapiling.
26
27 Magsisimula ako sa umpisa, sa kung paanong niyakap mo ako nung sabihin
28 ko sayong "mahal kita.."
29 sa kung paanong hinalikan mo ako sa noo sabay sabi na "mahalaga ka.."
30 at ako naman tong si tanga, tuwang tuwa na hindi pa nalilinawan na
31 ayaw ko na maging mahalaga, ayaw ko na maging mahalaga..
32
33 Hindi ako antigong salamin na matagal mo nang pag-aari
34 na tinitignan mo lang para ipaalala sa sarili mo na maganda ka, ayaw ko na
35 maging mahalaga..
49

36 hindi ako telepono mong dudukutin lang sa bulsa kapag kailangan mo ng


37 solusyon sa kawalan mo ng koneksyon sa mundo mong masyado ng malawak
38 para bigyang atensyon ka pa, ayaw ko na maging mahalaga..
39 hindi ako kuwintas na isusuot mo lang sa piling-piling mga okasyon
40 kapag mayroong mga sitwasyon na pakiramdam mo ay kulang ka pa
41 Hindi ako para ibalik sa loob ng isang kahon kapag matutulog ka na sa gabi sa
42 takot na masakal ka sa yakap ko kapag mahimbing ka na,
43 o ibalik sa loob ng isang kahon at itabi sa sulok ng isang aparador
44 sa takot na manakaw ako ng iba, ayaw ko na maging mahalaga..
45
46 Ang gusto ko ay mahalin, ang kailangan ko ay mahalin..
47 kailangan ko na mahalin mo ako gaya ng kape mo sa umaga
48 tanggap ang tamis at pait, kailangan para sa init
49 pero hindi isinasantabi dahil lang nanlamig na..
50 kailangan ko na mahalin mo ako gaya ng sarili mong opisina
51 kabisado kung para saan ang ano, kabisado kung nasaan nakatago ang alin
52 kabisado ang mga tinatago kong patalim, silbi, dumi, lihim..patalim, silbi,
53 dumi lihim...
54 kailangan ko na mahalin mo ako gaya ng unan mo sa gabi, niyayakap sa ginaw,
55 sinasandalan kahit na mainit, binubulungan ng mga pinakatatago
56 mong panaginip
57 ayaw ko na maging mahalaga, ang gusto ko ay mahalin, ang kailangan ko ay
58 mahalin..
59
60 at nagsulat ako noon hanggang sa mahalin mo, kaya patawad pero magsusulat
61 ako
62 hanggang sa maubos ko ang lahat ng salita na posibleng tugma ng pangalan
63 mo
64 patawad pero magsusulat ako para patawarin mo ako..
65 dahil minsan may nakapagsabi sa akin na ang taong hindi raw marunong
66 magpatawad ay hindi makapagsusulat
67 kaya mahal sa huling pagkakataong ito
68 sa huling pagkakataon na magsusulat ako ng tula para sa’yo
69 gumawa tayo ng kasunduan, patatawarin kita pero patatawarin mo rin ako.
70
71 Patawarin mo ako sa hindi ko pagtahan at patatawarin kita sa hindi mo
72 pagluha
73 Patawarin mo ako sa hindi ko pananahimik at patatawarin kita sa hindi mo
74 pagsasalita
75 Patawarin mo ako sa hindi ko pag-alis at patatawarin kita sa hindi mo
50

76 pananatili
77 Patawarin mo ako sa hindi ko sayo paglimot at patatawarin kita sa hindi mo
78 sa’kin pagpili mahal
79 gumawa tayo ng kasunduan patatawarin kita pero patatawarin mo rin ako.
80
81 Patawarin mo ako sa hindi ko pagbitiw at patatawarin kita sa hindi mo
82 pagkapit
83 Patawarin mo ako sa hindi ko paglayo at patatawarin kita sa hindi mo paglapit
84 Patawarin mo ako sa hindi ko pagsuko at patatawarin kita sa hindi mo
85 pagsugal
86 Patawarin mo ako sa hindi ko pagkamuhi sayo at patatawarin kita sa hindi mo
87 sa’kin pagmamahal, mahal
88 gumawa tayo ng kasunduan patatawarin kita pero patatawarin mo rin ako
89 para sa wakas ay matapos ko na itong tula na masyado ng matagal na nakatira
90 dito
91 at patawad kung magiging masyadong mahaba at marami masyadong bulalas
92 pero pangako huli na to, huli na to, huli na to...
93
94 Magsisimula ako uli sa umpisa, sa kung paanong nginitian mo ako at tinanong
95 kung san ako nakatira.
96 Magsisimula ako uli sa umpisa, sa kung paanong nginitian mo ako
97 Magsisimula ako uli sa umpisa,
98 Magsisimula ako uli...
99 Magsisimula ako....
100
101 Ito na ang huling tula na isusulat ko para sayo, mali...
102 Ito na ang huling tula na isinulat ko tungkol sayo
103
104 Iniibig kita, at ubos na ubos na ako....”
51

APENDIKS B

LIHAM PARA SA BALIDYETOR


52

APENDIKS C

DOKUMENTASYON

“Gabi-gabing pagsusunog ng
kilay ng mananliksik”

“Pagpirma ng liham ng
balidyetor”
53

APENDIKS D

MGA BINALIDYET NA DATOS


54
55
56
57
58
59
60
61

APENDIKS E

TALAMBUHAY NI JUAN MIGUEL SEVERO

Si Juan Miguel Severo ay ipinanganak sa Pilipinas siyudad Malabon noong


Agosto 14, 1988.Siya ay dalawampu’t siyam (29) na taong gulang at kilala bilang
isang aktor, musikero at mahusay na manunulat. Lalong naging tanyag siya sa
larangan ng pag-arte noong lumabas siya sa isang comedy series na pinamagatang
“On the Wings of Love” na kung saan gumanap siya bilang si Rico noong taong
2015. Bago paman sumikat siya sumikat, nakapag-aral siya ng kolehiyo sa UP
Diliman at Arkitektura ang kanyang kinuha na kurso sa loob ng dalawang taon.
Pumasok din siya sa College of Mass Comunication na kung saan naging roomates
niya si Antoinette Jadaone na siyang director ng comedy series na pinamagatang
“On the Wings of Love”. Habang siya’y nagsisimulang magtrabaho sa industriya
ng pelikula nagplano siyang magshift sa BA Film bilang isang director, slate guy,
tagaingat ng kamera at kung anu-ano pang raket. Ilan sa mga naisulat niya ay ang
mga tulang pinamagatang Ang Huling Tula na Isusulat ko Para Sayo, Tatlong Tula,
Isang Tula, Naniniwala Ako, Sampung Bagay na Natutunan ko Mula sa mga
Umiibig, Kapag Sinabi kong Mahal Kita, Tuwing Ikatlong Sabado at maraming
pang iba.
62

APENDIKS E

DATOS PERSONAL NG BALIDYETOR

MGA PERSONAL NA DATOS

Pangalan: PATRICIA CUEVAS AMILAO


Petsa ng Kapanganakan: Disyembre 16, 1968
Lugar ng Kapanganakan: Don Carlos, Bukidnon
Katayuan sa Buhay: May-asawa
Pangalan ng Asawa: Epimaco Roxas Amilao
Relihiyon: The Church of Jesus Christ of the Latter-
Day Saints
Trabaho: Guro

EDUKASYON

Elementarya : Calao-calao Elementary School


(Calao-calao, Don Carlos, Bukidnon)
Sekundarya : Loyola High School
(Don Carlos, Bukidnon)
Kolehiyo : Bukidnon State University
(Malaybalay City, Bukidnon)
Masters Degree : Central Mindanao University
(Musuan, Maramag, Bukidnon)
Post Graduate : Southwestern University
(Cebu City)

DATOS NA MAY KAUGNAYAN SA TRABAHO

Kurso at Medyor : BSE, MAT, Ed.D- FLT


Unang Araw sa Trabaho : Dis. 19, 1991
Petsa ng Unang Appointment : Dis. 19, 1991
Petsa ng Pinakahuling Appointment: Ago. 24, 2010
Kasalukuyang Designation : Master Teacher I
Bilang ng Taon sa Serbiyo : 20 taon
63

APENDIKS F

DATOS PERSONAL NG MANANALIKSIK

PERSONAL

Pangalan: NICO S. MABAL


Adres: Zone-3 Lumbia, Cagayan de Oro City
Edad: 21 taong gulang
Kaarawan: Setyembre 20, 1995
Estado sa Buhay: Walang Asawa
Relihiyon: JW
Bilang ng Selpon: 09261572289

PINAG-ARALAN

Elementarya: Lumbia Central School (Paaralang Sentral ng Lumbia) - 2008


Lumbia, Cagayan de Oro City
Sekondarya: Lumbia National High School (Mataas na Paaralan Lumbia) -2012
Lumbia, Cagayan de Oro City
Digre: Central Mindanao University (Pamantasan ng Gitnang Mindanao) -
(Kasalukuyan) BSED Filipino

KARANASAN SA TRABAHO

Helper: GHTS – Prycegas Delievery


Lumbia, Cagayan de Oro City
Helper: “Agoho Furniture”
Agoho drive Carmen, Cagayan de Oro City
Manager: “Orong Bakeshoppe” (Manolo Fortich Public Market)
Manolo Fortich, Bukidnon
64

SERTIPIKO NG TUNAY NA PAGMAMAY-ARI

Pinatutunayan ko na itong isinumiting manuskrito ay aking sariling gawa at


sa abot ng aking kaalaman ay walang mga materyal na naunang nalathala o naisulat
ng ibang tao, o nagtataglay ng materyal na may malaking saklaw na natanggap para
sa paggawa ng anumang digri o diploma sa CMU o ano pa mang institusyong
edukasyunal, maliban na lamang sa mga binanggit at kinilala dito sa manuskrito.
Anumang kontribusyong naibigay na bunga ng pananaliksik ng iba na kasangkot
ako, dito sa CMU o saan man, ay hayagang kinilala sa manuskrito.

Isinasaad ko rin na ang nilalamang intelektwal ng manuskrito ay bunga ng


aking sariling gawa maliban na lamang sa tulong mula sa ibang disenyo, konsepto
o estilong pamproyektong paglalahad at panlingguwistikong ekspresyong kinilala
rin dito.

NICO S. MABAL

You might also like