You are on page 1of 2

PAGSUSURI SA PAGBABAGONG MORPOPONOMIKONG NAGAGANAP SA

PILING MGA SALITA MULA SA PASALITANG TULA NA PINAMAGATANG


“ANG HULING TULA NA ISUSULAT KO PARA SA’YO”

Mabal, Nico S.
BSED FIL-4
Unang Semestre, Taong 2017-2018

Malaki ang papel na ginagampanan ng panitikan sa buhay ng tao. Sapagkat sa


panitikan nailalahad at naipapahayag ang kaalaman at emosyon ng tao. Sinasabing ang
panitikan ay nagsisilbing pagkakakilanlan ng isang lugar, lahi at kultura. Samakatuwid
ang panitikan ay sumasalamin sa kahapon, bukas at kasalukuyan natin. Mula sa mga
panitikan, naipapakita ang buong pagkatao at maging ang pananaw sa buhay ng
sinuman. Maari ring nagbibigay-daan ang panitikan upang lubos na makilala at
maintindihan ang sarili, pinagmulan at maaring katapusan ng lahat. Sa madaling sabi ang
panitikan mismo ang buhay ng tao. Dahil sadyang likas sa bawat tao ang pagkamalikhain
gaya na lamang ng paglikha ng mga panitikan, minsan ito ay nakapagdudulot ng
maganda at nakatutulong pa nga ito upang maimulat ng bawat isa sa nakaraan ang
kasalukuyang sistema na umiiral sa katutohanan ng nagdaang uri ng pamumuhay,
kultura, tradisyon, at mga paniniwa.

Isa sa maraming uri ng panitikang palasak ang tula. Sinasabing ang tula ay isang
masining na pagpapahayag ng sariling saloobin at damdamin na nakabatay sa guniguni
at mga totoong pangyayari sa kapaligiran na nararanasan ng isang tao o manunulat. Ang
tula ay binubuo ng apat na uri. Una, tulang liriko o tulang damdamin (lyric poetry). Ito
ay nagtataglay ng mga karanasan, kaisipan, guniguni, pangarap at iba’t-ibang
damdaming maaaring madama ng may-akda o ng ibang tao. Pangalawa, tulang
pasalaysay (narrative poetry). Ito ay naglalahad ng makukulay at mahahalagang tagpo
sa buhay tulad ng pag-ibig, pagkabigo at tagumpay. Naglalahad din ito ng katapangan
at kagitingan ng mga bayani sa pakikidigma. Pangatlo, tulang patnigan (joustic poetry).
Ito ay mga laro o paligsahang patula na noo’y karaniwang isisnasagawa sa bakuran ng
mga namatayan. Kabilang sa uring ito ang karagatan, duplo at balagtasan. At pang-apat,
ang tulang pantanghalan o padula. Katulad din ito ng karaniwang dula, ang kaibahan
lang, ito ay binibigkas ng mga tauhan ang kanilang mga diyalogo sa paraang patula. Ang
tula ay binubuo ng saknong na nagtataglay ng taludtod na kadalasang pumapatungkol
sa iba’t ibang paksa o kaisipan depende sa manunulat nito. Sa tula natutuklasan ang
kuwento ng isang manunulat sa likod ng kanyang mga nakataling hiwaga o talinghagang
gamit mula sa kanyang sariling imahinasyon.

Hindi madali ang pagkatha ng isang tula. Sa katunayan hindi lahat ay marunong
lumikha at magpahalaga sa mga ito, lalo na sa panahon ngayon. Ngunit may iilan naman
na binibigyang halaga ito. Ang iilan pa nga ay ginagamit ang teknolohiya upang ibahagi
ang kanilang mga katha. Sa kasalukuyang lipunang ating ginagalawan sumikat sa sosyal
medya ang isang tula na kung tawagin ay Spoken poetry o pasalitang tula. Ang pasalitang
tula ay nabibilang sa mga tulang pantanghalan at sa kasalukuyan halos lahat ng tema
nito ay tungkol sa pag-ibig. Ito ay maaaring nagsasaad ng kasawian, kabiguan at mga
tagumpay sa buhay at pag-ibig. Marami rin sa kabataan ngayon ang nahuhumaling sa
ganitong uri ng panitikan. Isa itong magandang palatandaan o implikasyon na ang wikang
Filipino bilang pangunahing wika na kadalasang ginagamit sa pasalitang tula ay unti-
unting nalilinang at napapayabong. Kung gayon na lamang ang nagagawa nito sa mga
kabataan, aba’y dapat itong patuloy na linangin at bigyang halaga at pagpapahalaga ng
mga kinauukulan. Dahil maaring ito ay maging isang daan upang ang ating mga kabataan
ay ating mailayo sa kapahamakang dulot ng malupit na lipunang nagpapahirap sa ating
mismong bayan.
Sa kabuuan, ang panitikan partikular na ang tula ay maituturing na mahalagang
instrumento para sa pag-aaral ng kasaysayan ng mga bagay-bagay maging ang
kasalukuyang estado ng pamumuhay. Kaya mahalagang bawat uri ng panitikan na umiiral
sa ating lipunan ay ating pahalagahan at bigyan ng importansya. Dahil hindi lang ang
mga kabataan an gating matutulungan kung hindi pati na rin ang ating boung bayan.

Sa pag-aaral na ito, ang mananaliksik ay nagtatangkang matukoy ang mga salitang


dumaan sa prosesong pagbabagong morpoponomiko mula sa isang pasalitang tula na
sinulat at binigyang buhay ng modernong makata na si Juan Miguel Severo na
pinamagatan niyang “Ang Huling Tula na Isusulat ko Para Sa’yo”.

Narito ang mga tiyak na layunin sa pag-aaral na ito:

1. Maiisaisa ang mga salitang dumaan sa pagbabagong morpoponomiko mula sa


pasalitang tula na pinamagatang “Ang Huling Tula na Isusulat ko Para Sa’yo” ni
Juan Miguel Severo;

2. matukoy ang mga uri ng pagbabagong morpoponomiko sa pasalitang tula na“Ang


Huling Tula na Isusulat ko Para Sa’yo”;

3. maipakita ang kabuuang bilang ng mga salitang dumaan sa prosesong


pagbabagong morpoponomiko;

4. maihayag ang ilang implikasyon ng kabuang bilang ng mga sailitang dumaan sa


prosesong pagbabagong morpoponomiko; at

5. maipabatid sa mga mambabasa ang kahalagahan ng pagbabagong


morpoponomiko sa isang akdang pampanitikan.

Kwalitatib ang disenyo na gagamitin sa pangangalap ng datos at upang


maisasakatuparan ito ang mga mananaliksik ay madadownload ng kopya ng pasalitang
tula na pinamagatang “Ang Huling Tula na Isusulat ko Para Sa’yo” sa pamamagitan ng
internet partikular na ang search engine na google at youtube. Maari ring mapagkukunan
ng datos ang ilang mga artikulo tungkol kay Juan Miguel Severo. Pagkatapos makakuha
ng kopya ito ay susuriin sa paraang diskriptib-analytik.

Sa pamamagitan ng mga nasabing disenyo sa pananaliksik ang mga layuning nasa


itaas ay inaasahang maisasakatuparan at ang mga katanungan o suliraning nabuo mula
sa mga layunin ay masasagot. Narito ang mga katanungan o suliranin ng gagawing
pananaliksik- (1) Ano-ano ang mga salitang dumaan sa pagbabagong morpoponomiko
mula sa pasalitang tula na pinamagatang “Ang Huling Tula na Isusulat ko Para Sa’yo” ni
Juan Miguel Severo? (2) Ilang ang lahat ng mga salita ang dumaan sa prosesong
pagbabagong morpoponomiko? (3) Ano-ano ang maaaring implikasyon ng kabuuang
bilang ng mga salitang dumaan sa prosesong pagbabagong morpoponomiko? (4) Bakit
mahalaga ang pagbabagong morpoponomiko sa isang akdang pampanitikan? Kalakip sa
huling bahagi ng pananalikisk na ito ang kopya ng napiling akda ni Juan Miguel Severo,
personal na datos ng mga mananaliksik at mga dokumentasyon sa gagawing pananaliksik
bilang bahagi na rin ng apendiks.

You might also like