You are on page 1of 4

PRELIMINARYONG PERYOD

ARALIN I – DEPINISYON NG PANITIKAN

Pangalan: Mary Jane G. Anarna


Seksyon: BSHM 2-3

Pagsusulit:
I. Panitikan sa Panahon ng Internet
Sagutan:
1. Ano-ano ang kadalasang nilalaman ng mga popular na panitikan?
- Kwento ng pagibig at kung paano ipahahayag ang pagibig katulad ng paggamit ang
internet. Kadalasan ring laman nito ay ang mga bagay na magbibigay aliw sa masa. Dahil
nga sa modernong panahon ito ay tatangkilikin ng masa. Katulad nalang ng kwentong
tungkol sa mga likha ng isip ng taong cartoon karakter na ginagawang idolo ng marami.
Dahil din sa bagong panahon inihahambing ng maraming kabataan ang kwento ng
kanilang nababasa sa kung paano sila makakarelate. Isa rin sa laman ng popular na
panitikan ay ang mga malalaswang kwento na pinalalawak ng maduming isip ng
mambabasa sa bagong henerasyon.

2. Paano nakasusunod sa uso ang panitikan sa panahon ng teknolohiya?


- Sapamamagitan ng makabagong paggamit nito katulad ng pagsulat ng kwento sa
Wattpad, spoken word poetry kung saan ang tula ay binibigyan ng bagong anyo na
papatok sa panlasa ng masa at lalo na sa mga kabataan ng bagong henerasyon. Isa na rin
ang FlipTop Battle na bagong anyo ng balagtasan. Ginagamit ng mga bagong manunulat
ang teknolohiya upang ipakita ang isang kwento o tula kagaya na lamang paggawa ng
video at iupload ito sa facebook o sa iba pang sektor ng social media.

3. Paano kaya lumalaganap ang panitikan bago magkaroon ng internet? Bago nauso ang iba’t
ibang uri ng midya?
- Ang mga panitikan noon ay nagtataglay ng kasaysayan ng lahi kung saan ang mga
akdang ginagawa ng mga manunulat ay tinatawag na kwentong bayan, alamat, epiko,
kantahing bayan, karunungang bayan, salawikan, kasabihan, bugtong, palaisipan at iba
pa. Ito ay sumasaklaw sa pasalita o pasulat na nagpapahayag ng mga damdaming ukol sa
mga gawi at kaugaliang panlipunan, paraan ng pamumuhay, kaisipang pampulitika, at
mga pinaniniwalaang pangrelihiyon. Dito nila ipinahihiwatig ang kanilang saloobin o
opinion tungkol sa kung paano sila nabubuhay.

4. Ano ang natutunan mo tungkol mula sa akda? Ipaliwanag ang iyong sagot.
- Ang natutunan ko sa akda ay ang pagbabago ng panitikan ngayon. Kung gaano kalawak
ang isip ng tao upang makahanap ng bagong paraan ng pagpapahayag ng nilalaman ng
panitikan sa bagong henerasyon. Ngunit hindi nakasisiguro sa magandang resulta nito
dahil ang makabagong panitikan ay naglalaman ng mga akdang napapanahon na
maaaring makaapekto sa pamumuhay ng mambabasa. Dahil alam naman natin kung
paano mag isip ang mga tao ngayon lalo na ang mga kabataan. Dulot na rin ng
makabagong panitikan natatabunan na ang mga panitikan na naglalaman ng mga
makasaysayang tagpo ng mundo o ng isang bansa kung saan tayo namumuhay.
Nagkaroon man ng madaling paraan ng pagpapahayag ng panitikan na tinatawag na
internet hindi naman lahat ng ipinahahayag ng mga bagong manunulat ay makatutulong
upang mapalawak o mabigyang pansin ang mga makasaysayang panitikan na naglalaman
ng mga akdang bumuo sa kasaysayan.

II. Magbigay ng Sampung pangyayari sa Ibong Adarna na taliwas sa katotohanan ng


buhay.
1. Dumi ng Ibong Adarna na ginawang bato ang mga pangunahing tauhan sa kwento.
2. Pagkanta ng Ibong Adarna.
3. Pagpapagaling sa may sakit gamit ang awit ng Ibong Adarna.
4. Paggaling ng Hari dahil sa awit ng Ibong Adarna.
5. Ang Ibong Adarna ay isang engkantado.
6. Pitong beses na umaawit ang ibon at pitong beses ding nagpapalit ng kulay ng balahibo.
7. Umawit ang Ibong Adarna at inilahad ang buong katotohanan. Pitong ulit itong
nagpakitang gilas ng pagpapalit ng balahibo habang isinasalaysay ang mga pinagdaanang
hirap ni Don Juan hanggang pagtaksilan ng dalawang sukab na prinsipe.
8. Isang balon ang nakita ng tatlong magkakapatid na prinsipe. Ang bunganga ng balon ay
batong marmol na makinis at ang lumot sa paligid ay mga gintong nakaukit.
9. May palasyong kumikislap na yari sag into at pilak.
10. Bantay sa hardin ay isang malupit na higante.

III. Sagutan
Sanaysay:
1. Ipaliwanag kung bakit sa pag-unlad ng wika ay umuunlad din ang panitikan.
- Ang wika ay araw-araw dapat umuunlad at nagbabago, kaya kung may pumapasok na
bagong salita, iyon ay palatandaan na aktibo at buhay ang wika. Kasabay nito, ang
manunulat ng mga akdang pampanitika ay dapat na gamit ang umuunlad na wika. Sa
paraang ito uunlad din ang panitikan. Kasabay sa pag unlad ng wika ang pagunlad ng
panitikan dahil ang mga isinusulat sa akdang pampanitikan ay iyong mga napapanahong
wika na syang dahilan kung bakit ito mas lalawak o mas makikilala.

2. Bakit itinuturing ang panitikan bilang isang talaan ng buhay?


- Dahil ang akda sa bawat panitikan ay sumasalamin sa buhay ng tao. Kung paano
nabubuhay ang tao at sistema ng buhay nito. Ang isang buhay ng tao ay naglalaman ng
ibat-ibang yugto na nagsisilbing istorya sa pagdaan ng panahon. Kaya naman ang mga ito
ang nagiging inspirasyon ng mga manunulat upang makalikha ng akda.
3. Pumili mg tatlo (3) mula sa pitong salik na naka-aapekto sa panitikan at ipaliwanag
ang kanilang mga epekto. (Isiping maigi)
1. Lipunan at Politika
- Ang paggalawa ng lipunan sa paglipas ng panahon at kung paano tumatakbo ang
politika ay nakaaapekto sa panitikan dahil marami ang nagbabago. Katulad nalang
ngayo na meron nang teknolohiya. Mas nakikilala ang makabagong panitikan na
ang mga akda ay kinagigiliwan ng tao dahil ito ay napapanahon. Ang Politika
naman ang syang nagpapatibay sa paggamit ng teknolohiya at ang mga tao ang
nagbigay daan sa pag tuklas sa teknolohiyang ito. Kaya naman ang mga
manunulat ay ginawa na rin itong tulay sa pagsusulat at pagpapahayag ng akda
nila.
2. Edukasyon at Pananampalataya
- Ang epekto naman ng edukasyon at pananampalataya sa panitikan ay ang
pagkakaroon ng bagong kaalaman ng mga tao at pagpapalawak nito na nagiging
sanhi upang makabuo ng bagong gamit o bagong paraan upang magkaroon ng
mas madaling gamit sa pang araw-araw na buhay kabilang na rito ang
pagiimbento ng gamit para sa pagsusulat ng akdang pampanitikan. Ang
pananampalataya naman ang isa sa mga talakayan sa mga ginagawang akda kaya
ito ay nakaaapekto din sa panitikan.
3. Tungkulin ng mga Tao
- Bilang isang tao, ang isa sa mga magbibigay sayo ng dahil o ispirasyon upang
makapagsulat ng isang akda ay ang tungkulin mo bilang isang tao. Katulad
nalamang ni Dr. Jose Rizal na nagakda ng Noli Metangere at El Filibusterismo.
Bilang kababayan ng mga Filipino ginamit nya ang kanyang pagsusulat upang
maipakita ang kanyang tungkuling ipagtanggol ang mga kapwa nya Filipino sa
mga mananakop.

IV. Kabuuang Pagsusuri


a. Ano para sa iyo ang PANITIKAN?
- Ang panitikan para sakin ay ang talaan ng mga akdang magpapakita ng katotohanan na
magsisilbing hakbang para sa pagbabago ng mundo.

b. Ano sa tingin mo ang kahalagahan ng PANITIKAN?


- Halaga ang panitikan dahil ang panitikan ay nagsasabi at nagbibigay ng kaalaman
patungkol sa damdamin, karanasan, hangarin at ito rin ay nagpapahayag ng tungkol sa
lipunan, pananampalataya at mga karanasang may kaugnayan ng iba't ibang uri ng
damdamin.

c. Sa iyong palagay, ang Panitikang Filipino ba ay buhay na buhay o unti-unti nang


namamatay? Ipaliwanag.
- Sa aking palagay ang Panitikang Filipino ay unti-unti nang namamatay. Dahil sa
pagdaloy ng panahon marami ang natutuklasang pagbabago at kabilang dito ang
panitikan. Katulad nalang ngayon na mas pinadali ang pag papahayag ng akda sa
panitikan dahil sa teknolohiyang naglalaman ng mga gamit sa pagpapahayag ng isang
akda. Una na dito ang social media na kinawiwilihan ng nakararami ngayon.

You might also like