You are on page 1of 3

Panitikan: Sa Lente Ni Mark

Bilang isang Mag aaral at Bilang isang Filipino likas na yaman din natin ang mga
panitikan. Sa tingin ko dapat pang pag yamanin ang kaalaman ng bawat Filipino na kung saan ito
ay dapat pahalagahan at isama sa kurikulum lalo na sa ngayong modernong panahon na dapat ang
makabagong henerasyon ay alam ang Panitikang Pilipino at kung paano ito pahalagahan, mahalin
at i pag malaki.

Ayon kay, Nibalvos Malaki ang ginagampanan ng lipunan sa pagbuo ng mga kaisipang
nagagamit sa paglikha ng mga sining kabilang ang iba’t ibang anyo ng panitikan gaya ng tula,
maikling kuwento, nobela, dula, at iba pa. Malaki rin ang tungkuling nagagawa ng panitikan sa
paghubog ng isang lipunan lalo na sa kaniyang mga mamamayan. Sa madaling salita, magkaugnay
ang dalawang konseptong ito na mahalagang sangkap sa paghulma sa pagkakakilanlan o identidad
ng mga tao sa isang lugar.
Hindi lang dapat pang kolehiyo ibilang ang kurikulum na pag aaral ng Panitikan dapat din
maging bahagi ito ng pag aaral ng sekondarya upang mas ma payaman pa ang kaalaman ng bawat
Filipino. Ang modernong kinagawian ng mga studyante sa kapanahunan ngayon ay minsan na
kakalimutan na ang yaman na meron tayo lalo sa plataporma ng panitikan na dapat nating
pinapahalagahan, ipinag mamalaki at binabalik tanaw sa kadahilanang ng maka bagong
teknolohiya lalo na ang sosyal medya na syang prayoridad. Malaking epekto ang nadulot din ng
makabagong teknolohiya sa kabataan dahil sapagkat na mas palawakin pa ang kanilang kaalaman
sa pag babasa o pa nonood ng mga panitikan ay mas inuuna pa ang pag tinging ng kanilang
facebook, Instagram, tiktok at Twitter pero sakabilang banda may mas naging magandang dulot
din naman ang maka bagong teknolohiya dahil mas dumami at mas na pa ganda ang mga
panitikang akda at sakabila ng iyon marami rin ang naging interesado.

Ayon kay, Mangubat Maaaring mawala o maubos ang mga kayamanan ng isang tao, at
maging ang kanyang pagiging makabayan, subalit hindi ang panitikan. Isang halimbawa nito ang
pangdadayuhan ng ibang mga Pilipino. Bagaman nilisan nila ang kanilang bayang sinilangan, ang
panitikan ang kanilang tulay sa naiwan nilang bansa. Sa panlipunan, pambansa, at pandaigdigang
kaukulan, isa ang panitikan sa pinagbabatayan ng pagkakaroon ng tagumpay at kabiguan ng isang
bansa at ng ugnayan ng mga bansa.

Kilala sa larangang Panitikan ang Filipino dahil sa mahuhusay na manunulat nito isa na
dito sila Graciano Lopez Jaena, Jose Corazon De jesus at Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo
Realonda o kilala bilang Dr. Jose Rizal at marami pang iba na manunulat na likas ngang ipinag
malaki ang panitikang Pilipino at itinanghal bilang mahuhusay na manununulat.

Batay sa aking opinyon malaki ang naitutulong ng akdang panitikan sa ating buhay may
mga kasangkapan o mga nilalamang kaalaman ang bawat panitikang akda na syang tumutulong at
nagbibigay inpormasyon sa ating pang araw-araw na pa nga ngaylangan. Ang bawat nababasa at
na papanood na akdang panitikan ay may maganda ring na idudulot sating buhay gaya nalamang
ng mga akdang kwento, maikling kwento, tula at iba pang mga akdang pampanitikang na nag
bibibigay aral na makaka tulong sa ating buhay.

Ayon kay, Kuizon Ang panitikan ay isang bagay na karamihan ng mga tao ay
nakasalamuha. Ito ay isang napakalapad at kamanghamanghang paksa. Ang pag-aaral ng iba’t
ibang uri ng literatura ay nakapagpapalawak ng imahinasyon at nakapagpapabuti sa paraan ng
pagbabasa at pagsusulat. Malaki ang kaugnayan ng pagbabasa sa pagsusulat dahil sa pagbabasa at
pagsusulat nalilikha ang magagaling na manunulat. Lampas sa mga batayang benepisyo, and pag-
aaral ng literatura ay nakatutulong upang maranasan na makita ang buong mundo.

Noong 2000, binigyang katangian ito ni Villafuerte bilang isang buhay ngunit payak na
salitang dumadaloy sa katawan ng tao. May buhay ang panitikan sapagkat may sarili itong pintig
at dugong mainit na dumadaloy sa mga arteryo at bena ng bawat nilalang at ng isang buong
lipunan. Sa kasong ito, sa mga Pilipino at sa kanilang lipunang ginagalawan. Kapag binasa ang
panitikan, pinagmumulan ito ng madamdaming emosyon sa isang tao o pangkat ng mga tao,
sapagkat sinulat ang mga ito ng kapwa tao. Sa kasalukuyan, madali at magaang ang pamamaraan
ng pagkalat at pagpapamudmod ng panitikan sa Pilipinas. Dahil ito sa makabagong mga kaunlaran
sa larangan ng teknolohiya. Bukod sa mga nasusulat na salita sa mga aklat, radyo, at telebisyon,
kumakalat din ang panitikan sa pamamagitan ng mga kagamitang elektronika, katulad ng grabador
ng tinig at tunog (tape recorder), diskong kompakto (compact disk), plaka, mga tape ng VHS, at
mga kompyuter.[3] Dahil sa internet, naging maginhawa at madali ang pagkuha ng impormasyong
pampanitikan. Isa nang instrumento ito para sa mga mambabasang Pilipinong may pagpapahalaga
at pagmamalaki sa kanilang pinagmulan, kasaysayan, at kalinangan o kultura.

Ang mga Pilipino ay likas na mahuhusay lalo na sa larnangan ng Panitikan katulad


nalamang sa nabangit ko na maraming kilalang mahuhusay sap ag pag gawa ng mga akdang
pampanitikan. Akon a bilang isang studyante o mag a-aral ay dapat kong ipag Malaki ang mga
bagay na ito kagaya nalamang ng akdang ginawa ni Dr. Jose Rizal na Elfilibusterismo at Noli Me
Tangere na naankop sa kurikulum natin sa sekondarya na hanggang ngayon ay kilalang kilala at
ipinag mamalaki.
Nibalvos, E. (2019). Lipunan at Panitikan: Pag-Uugat ng Kapilipinuhan sa Pagbubuo ng
Literaturang Pambansa.

https://www.dlsu.edu.ph/wp-content/uploads/pdf/research/journals/malay/tomo-32/1/7-
nibalvos.pdf

Shemiah Mangubat. (2014). Kahalagahan ng Panitikang Pilipino

https://prezi.com/boutz8jqg9uj/kahalagahan-ng-panitikang-pilipino/

Aika Kate Kuizon (ND). Ang Kahalagahan ng Panitikan.

https://pdfcoffee.com/ang-kahalagahan-ng-panitikandocx-pdf-free.html

You might also like