You are on page 1of 3

MIDTERM EXAMINATION

PANITIKAN NG PILIPINAS
KLARENCE KATE N. CABERTE BSBA 2

I. TAMA O MALI

1. TAMA
2. TAMA
3. TAMA
4. TAMA
5. TAMA
6. MALI
7. TAMA
8. TAMA
9. TAMA
10. TAMA

II. PAGKILALA

11. G
12. C
13. I
14. B
15. A
16. F
17. L
18. H
19. E
20. J

III. PAGTAPAT- TAPATIN

21. J
22. B
23. E
24. C
25. G
26. D
27. A
28. K
29. H
30. F

31 -35

Ang Pilipinas ay kilala sa may masining na panitikan na nagb ibibigay kulay sa bansa.
Nakikilala ang bansa dahil angking galing ng mga Pilipino sa paglikha ng mga masisining na
kultura at isa na rito ang mga awiting bayan. Ang mga ito ay nakakamanghadahil na rin sa
pasalin -salin at magpasahanggang ngayon ay patuloy pa rin na ginagamit ng mga Pilipino.
Ang mga panitikan ng bansa tulad ng awiting bayan ay may mahalagang gampanin sa pag- unlad
ng kultura at tradisyong Pilipino. Ito ay nakatutulong sa pamamagitan ng patuloy na
pagtangkilik, pagpapahalaga at dapat na ingatan dahil hindi lamang ang kasalukuyang
henerasyon ang makikinabang kung hindi pati na rin ang susunod pa. Laging isaisip na ang
panitikan ng Pilipinas ay ang pinakakaiba at pinakamaunlad sa buong daigdig. Patuloy na
pagyabungin at itangkilik.

36 -50 “Panitikan ng Pilipinas: Ang Katuturan ng Kasaysayan”.

Ang Panitikan o Panulatan ay ang pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula na nag-uugnay


sa isang tao. Ito ay maaaring nagsasabi o naghahayag ng mga hangarin, kaisipan, damdamin at
karanasan ng isang tao. Naihahayag at nailalarawan ito sa pagsulat ng tuwiran, tuluyan at patula.
Ang salitang PANITIKAN ay nanggaling sa salitang "Pang-titik-an" at ang salitang titik naman
ay nangangahulugang literatura, na ang literatura ay galing sa salitang "littera" na
nangangahulugang titik. Ang panitikan ay kaugnay ng kasaysayan dahil sa pag-aaral ng
kasaysayan, napapaloob dito ang mga damdamin, mga paniniwala, kultura at tradisyon na siyang
sinasalamin ng panitikan. Ang Panitikang Pilipino ay pahayag na pasalita o pasulat ng mga
damdaming Pilipino tungkol sa pamumuhay, pag-uugaling panlipunan, paniniwalang
pampulitika at pananampalatayang niyakap ng mga Pilipino.
Para sa akin, ang panitikan ay marapat lamang na pag-aralan sa mga paaralan dahil
makakatulong ito sa pambansang pagkakakilanlan at pagkakaisa ng mga Pilipino. Sinasalamin
ng Panitikang Pilipino ang tradisyon, kaugalian, paraan ng pamumuhay, mga problema sa
panahon kung kailan ito naisulat, at kung minsan ay mayroon rin itong mga hindi kapani-
paniwalang pangyayari. Ang panitikang Pilipino ay biyaya ng Diyos sa ating mga ninuno.
Ipinamana naman ng ating mga ninuno sa atin ang panitikang Pilipino upang ito ay ating
malaman, palawakin at pagyamanin. Marapat lamang na tayong mga Pilipino ang maunang
tumangkilik o magbasa ng mga akda na mula sa ating bansa para oras na ipagmalaki o ibahagi
natin ito sa iba, alam na natin ang nilalaman nito. Makakatulong din ang mga ito sa atin na
makisama sa ibang tao lalo na kung nakapagbasa na tayo ng akda na mula sa lugar kung saan
tayo naroroon.
Maraming paraan upang ipagmalaki ang Panitikang Pilipino, at bilang mga Pilipino, tayo
dapat ang gumagawa ng paraan upang ipagmalaki ang mga ito at manghikayat ng ibang tao
upang tangkilikin din ang mayroon sa bansa natin. Maipagmamalaki mo ang Panitikang Pilipino
sa pamamagitan ng pagbabasa at pagiintindi nito. Sa oras na mabasa natin at maintindihan natin
ang isang akdang Pilipino, may kakayahan na tayong ibahagi ito sa iba at hikayatin sila na
magbasa rin. Dapat rin nating hasain ang ating mga talento, maaari tayong magsulat ng mga akda
na magtataglay ng katangian na ipinakikita ng Panitikang Pilipino. Bakit dapat ipagmalaki ang
Panitikang Pilipino? Dahil ba itinuturo lang ito sa atin sa paaralan? Hindi, dahil ang panitikan
ang nagsisilbing pagkakakilanlan natin mula sa ibang bansa. Ipinakikita nito ang mga naging
karanasan ng ating mga ninuno mula sa mga mananakop na nagsilbing daan upang makilala ang
ilang mga Pilipino na nagbuwis ng buhay para sa bayan.
Bilang mga Pilipinong mapagmahal at mapagmalasakit sa ating sariling kultura, dapat nating
pag-aralan ang ating panitikan. Tayo higit kanino man ang dapat magpahalaga at tumangkilik sa
sariling atin.
Dati pa lamang, magkaugnay na ang kasaysayan natin at ang ating panitikan. Ito ay dahil
malaki ang naging kontribusyon ng panitikan sa kasaysayan. Gayundin, malaki rin ang naiambag
ng kasaysayan sa paglaganap ng panitikan.
Dahil sa kasaysayan, makikita natin kung ano ang buhay ng mga tao sa sinaunang mga panahon,
ang kanilang mga datos, impormasyon, at iba pang mahahalagang impormasyon.
Sa paraan ng mga tula, Nobela, Kantahin, o talumpati nalalaman at iba pang karunungang
bayan, naipapakita kung ano ang obersbasyon ng mga pamumuhay sa paligid ng may akda sa
kanilang buhay. Isang halimabwa nito ay ang panitikang nagawa ni Jose Rizal. Ang mga sulat ng
ating bayani na si Rizal ay nagsisilbing patunay sa mga pangyayari sa nakaraan. Ang mga sulat
ni Rizal ay naging dahilan din nang pagkamulat ng mga Pilipino sa mga pang-aabuso ng mga
Kastila.
Isang tradisiyonal o nakasanayang paraan sa pagbasa at pagpapaliwanag ang mga teksto
na pampanitikan. Isa itong paraan na nagpapakita ng mga bagay, karanasan, at puwersang
pangkasaysayan na nagbigay ng impluwensiya tungo sa paggawa, pagsulat, paghubog, at pag-
unlad ng panitikan.

You might also like