You are on page 1of 6

ORDILLANO, VANESSAMIE H.

2019-17780-MN-0
MAF616
MGA NATATANGING PAKSA SA WIKA

PAPEL NG PAGSASALIN SA DISKURSO NG PAMBANSANG WIKA AT PANITIKANG PANREHIYON

Pamela C. Constantino

Ang panitikan ay isang mahalagang bahagi ng kultura ng isang lahi. Ito ay naglalarawan ng mga

tunay na pangyayaring naganap at patuloy na nagaganap sa isang lahi o bansa. Nagbibigay ito sa

atin ng mga impormasyon upang maunawaan ang mga kaugalian at ang uri ng pamumuhay ng

iba’t ibang tao sa iba’t ibang kaalaman na nagbubunga ng kaularan pansarili man o panlipunan.

Masasabi ring ang panitikan ay isang uri ng lakas na nagtulak sa atin upang tayo ay kumilos. Sa

ano mang kaparaanan, ito ay nauugnay sa damdamin ng mga tao upang Makita ang katwiran at

karunungan.

Sinabi nga ni Arrogante , ang literatura ay isa sa dapat ituro nang may kahusayan sapagkat

bukambibig na ang wika at literatura ay kambal na isinilang sa bibig ng isang lahi. Ang wika ay

siyang kaluluwa at ang literatura ay siyang buhay nito. May maraming layunin ang pagtuturo ng

literatura; nakapagbibigay-lugod, nakapagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa iba’t ibang

gawain at karunungan, pumupukaw ng guniguni at gumigising sa damdamin, nagtuturo ng mga

aral at humihikayat nang mabuti, nagpapahalaga ng mga makabuluhan sa buhay higit sa lahat

may layuning pagtatanim ng kabutihang-asal, wastong pag-uugali at pag-ibig. Dagdag pa niya,

bawat bansa ay may sari-sariling kultura, may sari-sariling pambansang pagkakakilanlan. Kung

natural lamang sa bawat isa ang magkaroon ng sariling wika, natural din na magkaroon ang bawat

isa ng sariling panitikan. Panitikang magsasalamin sa tangi at tunay na pagkatao, pagkalahi, at

pagkabansa.
Ayon nga kay Constantino at Sikat, “Nandito ang pilosopiya ng bayang pinanggalingan, ang

pananaw sa mga bagay-bagay, mula sa mga paningin ng isang lahi o nasyonalidad” (1974,p.1)

Isa sa mga masasabing political pagdating sa isyung pambansa ang konsepto ng pambansang

panitikan. Gayuman, ang isyung ito ay mas pinagtutuunan ng panisn sa mga sirkulong akademiko,

particular ang mga nasa larangan ng panitikan, malikhaing pagsulat at pag-aaral ng kultura.

Umiikot din ang mga talakayan at diskurso sa dalawang aspeto: ang wika ng pambansang

panitikan at saklaw ng pambansang panitikan.

Maraming paniniwala kung saan ba nanggling ang panitikan ng Pilipinas. Ayon nga kina

Constantino at Sikat, bigo ang wikang Ingles na makapagpahayag ng ating “kaluluwa” sa

literature. Ayon pa sa kanila, “Bigo ang ating literature sa Ingles sapagkat bigo ang wika:”hindi

Ingles ang nagging wika at magiging wika ng sambayanan, ang pinagmumulan at hanguan ng sigla

at lakas ng anumang literatura.”

Isang dahilan kung bakit nabago ang konsepto ng wikang Pambansa ay dahil sa sentimiyento ng

mga di-Tagalog laban sa Tagalog. Hindi nila makikita sa wikang ito ang representasyon ng kanilang

sariling wika at kultura sa mga gawaing Pambansa. Ayon kay Yabes “Hindi makatwirang likhai ang

pambansang panitikan na ang pampanitikang pamana lamang ng mga Tagalog ang batayan. Ang

pampanitikang pamana ng mga Tagalog ay rehiyunal lamang”(1974:54)

Ito ang pinaninindigan nina Constantino at Sika (1974) at maging ni Efren Abueg (1974). Ayon kay

Abueg, isa sa mga elementong posibleng magbuklod tungo sa isang panutikang Pambansa ng

Pilipinas ang hangaring magkaroon ng tunay na wikang pambansang tatanggapin ng lahat at

makapagpapahayag ng damdamin, kaisipan at kaluluwa ng lahing Pilipino. Ayon pa sa kanya


“Sumulat ka sa Ingles at ang sinulat mo’y itinuturing na tiwalag sa nakararaming

mamamayan.Samantala, sumulat ka naman sa isa sa mga pangunahing wika sa Pilipinas at ang

babasa lamang s aiyo ay isang panig ng kapuluan.”

Kung ng isang bansa’y may iba’t ibang wika, ng literature ring ito, na karaniwa’y nasusulat sa

kanilang Pambansa, ay magsisilbng tulay ng pagkakaunawaan ng mga pangkat at rehiyon.

Nagiging dahilan ito ng pagbibigkis, ng pagkakaisa sapagkat sa pambansang literature at

nadadama ng mga pangkat na sila’y kabilang sa isang malaking kabuuan.

Karamihan sa panitikang ito ay masusulat at malalathala sa pambansang wika na lubos na

magiging modernong wikang pinayaman ng isang modern at nakatingin sa hinaharap na mga

mamamayan.

May mga nagsasabi na ang mga sinulat at isinalin lang sa wikang Filipino ang dapat maging bahagi

ng pambansang panitikan. Mayroon din nagpapalagay na ang mga piling akda sa anumang wika

ito nasulat, kung ang nagsulat ay Filipino at Pambansa ang lawak, sakop at epekto ng sinulat ay

maituturing na bahagi ng pambansang panitikan.

Kakawing ng pagnanais na lumaya kalakip ng mga pagsisikap na magkaroon ng pambansang

kasarinlan ay ang mga hakbangin patuloy na ginagawa ng mga Pilipino. Salig sa kolektibong

kakayahan, nangyaring ginamit ang wikang kolonyal laban mismo sa kolonyalismo. Kung ating

susumahin, nagkakaisa sa paniniwala ang mga tagapagtaguyod ng pambansang panitikan na

mahalagang mabuo ito. Naniniwala rin sila na kailangang maisam ang mga rehiyonal na panitikan

sa bubuuing ito sapagkat sinasalamin ng mga panitikang ito ang mga saloobin, pagkilos, pag-iisip,

damdamin ng mga taong saklaw ng bayan at bansang Filipino saanman ito sinulat o ipinahayag,
kasama ang mga panitikang di-nakasulat. Ang epekto ng isang akda ay maaaring di maramdaman

o mapakinabangan ngayon o sa malapit na bukas.

Mahalaga na magpatuloy ang pagsulat ng mga panitikan mula sa iba’t ibang rehiyon. Gayundin,

ang mga panitikang di-nakasulat ay kinakailangang magaganap at maipon upang maging bahagi

ng kaban ng yamang pantikan. Ito ang nagsisilbing tulay ng nakaraan sa kasalukuyan. Dito naiipon

ang bakas ng yaman ng kultura ng mga ninuno na magsisilbing gabay sa pagpapahalaga, paglinang

at pagsulat ng kasaysayan.Ito rin ang nagbubuklod-buklod ng mga rehiyon tungo sa sentro upang

mabuo ang bansa. Ayon nga kay Lumbera “Kapwa may natatanging bisa ang panrehiyon at

Pambansa at malaking pakinabang para sa isa’t isa kung magkakasalinan ng bisa ang dalawang

etnidad.”

Ang diyalektong magbubunga ng palitan ng mabisang minimithi natin ay nagpapatampok sa

mahigpit na pangangailangan para sa puspusang pagsasalin.

Sa pagtataguyod nina Constantino at Sikat sa pagsasalin ng mga akda mula sa iba’t ibang rehiyon,

tiyak ang kanilang mungkahi kung paano at saang wika ito isasagawa sa pambansang wika.

Nariyan ang mahigit isandaang mga wikang katutubo na sinasalita ng mga etnikong grupo.Ang

wika ang nagging kolonya, gaya ng Espanyol at Ingles, nariyan din ang wikang Pambansa, ang

Filipino. Sinasabing ideolohikal ang pagsasalin. Ang pamimili mismo ng tekstong isasalin ay

pagbubuo na ng kahon magdidikta kung ano ang dapat basahin.

Ang mga kadang sinulat sa Ingles at Espanyol ay dapat ding isalin sa Filipino bilang mga pamana

at tagapagpaalala ng masaya at mapait na nakaraan. Ang mga akdang pumapasok sa atin mula

sa ibang bansa bunga ng pag-unlad ng mass media, edukasyon at teknolohiya ay dapat ding isalin
sa wikang Pambansa. Lahat ng ito ay mga kdang mula sa iba’t ibang wika sa Pilipinas, Espanyol,

Inges at iba pang banyaga, ay tutulong sa pagbuo , pag-unlad at pagpapalaganap ng wikang

pambansnag Pilipino.

Sa kabila at gitna ng globalisasyon, ang Pambansa at bansa pa rin ang dapat na mangibabaw hindi

ang daigdig at global. Ang penomenong globalisasyon ay itinuturing ng marami na kapwa biyaya

at salot sa kultura.Katumbas din nito ang proseso at pag-unlad.

Ang mga panrehiyong panitikan ay higit na nagiging kawili-wili kung ito ay naisalin sa Filipino nang

sa gayo’y maintindihan ng nakararami. Napauunlad nito ang panitikang pambansa. Mahalaga ang

ugnayan ng panitikang panrehiyon at panitikang pambansa. Kapwa may natatanging bisa ang

dalawang ito na higit na maisasakatuparan sa pagsasalin. Ang bawat rehiyon o probinsya ng ating

bansa ay may mga manunulat na nagnanais maipaabot sa mga mambabasa ang yaman ng

kanilang kultura, ang damdamin at pananaw nila sa bawat naisulat na mga maikling-kwento,

nobela, alamat, awitin at iba pa ngunit kung minsan ay may mga hadlang din kung paano

maipararating ang mga mensahe na nakapaloob sa mga akdang panliteratura lalung-lalo na sa

mga akdang rehiyunal na gamit ang bernakular na lenggwahe.

Ayon nga sa konstitusyon ng 1987, sa Artikulo XIV, Sek. 9, ay nagtadhana na: “Dapat magtatag

ang Kongreso ng isang Komisyon ng Wikang Pambansa na Binubuo ng mga kinatawan ng iba’t

ibang rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga

pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at

pagpapanatili.” Ang panitikan ay sumasalamin sa kultura ng isang lugar, tinatalakay ang iba’t

ibang damdamin, naglalaraawan ng buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan,


pananampalataya at mga karanasang kaugnay ng iba't ibang uri ng damdaming tulad ng pagibig,

kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkamuhi, pagkapoot, paghihiganti, sindak at pangamba. Ito

ay dapat pagyamanin at ituro nang wasto. Isa rin sa sangkap para mas lalong maging kawiliwili

ang panitikan ay ang pagsusuri, ito ay isang malalim na paghihimay sa mga akdang pampanitikan

sa pamamagitan ng paglalapat ng iba’t ibang dulog ng kritisismo para sa mabisang pag-unawa sa

malikhaing manunulat at katha.

You might also like