Sa isang sanaysay pampanitikan ni Miguel A. Bernard, S.J.,
"The Future of Philippine Literature," ikinuwento niya ang isang simposyum tungkol sa Panitikang Pilipino na inisponsor ng USIS noong Marso 1964.'1 Sinabi niyang sa tatlong manunulat na nagsipagsalita, ni isa man ay walang matanaw na maningning na kinabukasan ng panitikang Pilipino sa loob ng darating na isang ~ekada. Sa dakong huli ng kanyang introduksiyon, ipi- naliwanag niyang mapanganib na hulaan ang kinabukasan ng anumang bagay . . . kung ang mga manunulat ay magsusulat o hindi. At sa huli'y pawalang-bahala niyang sinabi: "And for the sake of convenience, let us limit the discussion to Philippine literature in English. "2 Ang isang dayuhang ang layunin sa pagparito sa ating bansa ay magkaroon ng masaklaw na kaalaman tungkol sa ating pani- tikang pambansa--ano kaya ang kanyang iisipin pagkabasa sa sanaysay ni Bernard? Tiyak na mabibitin lamang ang dayuhan sa pananabik (o pagkainis?) dahil waring tumalilis sa pananagutan sa kanyang mga mambabasa ang Heswitang iskolar. Ang limi- tasyong ibinigay ni Bernard sa pagtalakay sa ating panitikan ay hindi naman ·niya kasalanan; bunga iyon ng mga naganap sa kasaysayan ng ating. bansa mula sa pagdating ng kolonyalismo hanggang sa pagpapalawak ng sakop ng kapitalismo sa panig na ito ng daigdig. Kung sabagay, ang mambabasa naman ni Bernard sa partikular na artikulong iyon ay mga guro, mananaliksik, manunulat at iba pang may hilig sa panitikan. Alam ng mga ito ang pagkakawatak- watak ng panitikang pambansa sa maraming wika at ang maging conversant sa panitikang katutubo sa isa o dalawang wika ay tatak na ng antas ng kasapatan sa kaalaman sa literatura natin. Sapat na sa kanilang piliin bilang representasyon ng panitikang Pilipino ang mga nasusulat sa wikang Kastila at Ingles at kung inilibing na lamang niya sa lumipas ang kaluwalhatian ng panitikan natin sa wikang Kastila, magiging masaya na sila sa pagpili bilang kapalit ang panitikang nasusulat sa Tagalog. 74 PAGBUBU9 NG PANITIKANG PAMBANSA
Ang Pangangailangan ng Sambayanan
Ngunit ang manghawak sa ganoong argumento o masiyahan
sa gayong kalagayan ay pagtalikod sa tungkuling pangkasalukuyan ng panitikan: As with sociology, literature too is pre-eminently concerned with man's social world, his adaptation to it, and his desire to change it. 3 Ang pagtingin sa panitikan ng isang bansa nang hiwa-hiwalay, baha-bahagi at hindi sa kabuuan ay walang mabuting ibubunga para sa sambayanan: A work of literature, if it fulfills its function-if it helps men to realize their freedom through promoting social:reorganization or helping the individual realize his own potential-is good. 4 Hindi nagiging mabisa ang panitikan sa kasalukuyan panahon, sa isang bansang biktima ng imperyalismo kung nagsisilbi lamang ito sa iilang sumusuhay pa sa mapaniil na istraktura sa halip na tulungan itong ibagsak. Katotohanan ito sa Ikatlong Daigdig, ayon kay Epifanio San Juan, kaya idineklara niya: The Task of Third World Literature is two-fold: popula- rization. of progressive ideas in works intelligible to the broad masses, and the raising of standards from the level where the passes are. s Ang pangangailangan ng sambayanan ngayon ay isang pani- tikang mapagbago ng kamalayan, tulad ng apat na bolyum na mala-talambuhay na kasaysayan ng rebolusyonaryong pagbabago sa Tsina na sinulat ni Han Suyin-ang isang bolyum ay ang The Crippled Tree. Ipinakita rito si Han Suyin bilang simbolo ng isang edukadong tao na m'arahil ay ginastusan sa kanyang uni- bersidad ng salaping hinuthot mula sa sambayanan, ngunit sa pag- babago ng kamalayan ay dumaan sa isang masakit na proseso bago maiakma ang kanyang sarili sa Ikatlong Daigdig na kanyang ·pinagmulan. 6 Sa ganitong pangangailangan hinihingi ang pagbubuklod ng panitikan sa iba-ibang wika, mapadaan ang mga ito sa isang urian, mapaglangkap sa mga ito ang estetiko at buhay at magawang maging popular hindi lamang sa isang rehiyon o isang lalawigan kundi sa lahat ng mamamayan ng buong bansa. Sabi nga ni Manuel A. Viray noong 1953: There is an understandable hankering for a considerable body of Philippine literature truly , representative and vital which should be available to our peers as well as to the public. 7 Efren R. Abueg 75
Mga Mungkahi at Unang Hakbang
Maging si Leopoldo Yabes ay malinaw na nagpahayag ng
kanyang palagay sa paksang ito: Sa pag-aaral ng ating panliteraturang pamana, lahat ng litera- turang ito sa iba pang wika ay dapat pag-aralan at suriin ayon sa kanilang maiaabuloy sa pagbuo ng pambansang literatura. 8 At idinugtong pa niya: Karamihan sa literaturang ito ay masusulat at malalathala sa pambansang wika, na lubos na magiging modernong wikang pinayaman ng isang moderno at nakatingin sa hinaharap ng mga mamamayan. 9 Maging si Dr. Ernesto Constantino (katuwang si Rogelio Sikat) ay nagsaad ng ganito: . . . mayroon tayong malaking katipunan ng mga akda sa iba't ibang wika na likha ng mga Filipino. Kasama na rin ang ating literatura sa Espafiol, na bahagi ng ating panliteraturang pamana, gayundin ang literatura natin sa Ingles kabilang ang sinulat nina Manuel E. Arguilla, NVM Gonzales, Nick Joaquin, Jose Garcia Villa. Ang lahat ng mga literaturang ito ang sina- sabi naming mga sangkap sa pagbuo at pagpapaunlad ng isang pambansang literatura. 10 Ngunit sa pagbuo ng isang panitikang pambansa na pakiki- nabangan ng buong sambayanan at magiging kinatawan ng ating lahi sa iba-ibang bansa, hindi lamang ang yaman ng nilalaman nito, ang estetiko at istilo ang mahalaga. Higit sa lahat, lalo't ang bibigyan ng unang pansin ay ang kapakanan ng !along nakara- raming mamamayan, papasok dito ang konsiderasyon hinggil sa wika. Aling wika ang dapat gamitin sa pagbuo ng panitikang pambansa-Ingles, Kastila, Tagalog, Cebuano, o llokanoJ. Sinagot ito ni Constantiono: Ang wikang Filipino na itinuturo sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas ng UP ang dapat na maging medium na tipunan ng ating mga akda sa iba't ibang wika, sapagkat batay ito o gaZing sa pinakamalaganap na wika sa bansa ngayon, mas malaganap kaysa wikang Ingles at patuloy pa sa mabilis na pag- laganap. u lpinahayag ni Constantino na ang Pilipino sa UP ay tinatawag nila ngayong wikang Filipino (ibang-iba sa Filipino ni Geruncio Lacuesta). May dalawang bintahe ang paggamit sa wikang Filipino bilang medium ng panitikang pambansa, ayon kay Constantino.12 Una, naipakita ng mga pag-aaral panlingguwistika na magkaka- 76 PAGBUBUO NG PANITIKANG PAMBANSA
pareho ang istraktura ng mga pangungusap ng mga wika sa Pili-
pinas, gayundin naman ang pagkakatulad ng mga bokabularyo nito. Ikalawa, magkakatulad ang pinagdaanan sa kasaysayan ng mga katutubong panitikan at ang naging bisa nito sa kulturang Pilipino. Samakatwid, ayon kay Constantino ang panitikang Pilipino sa wikang Ingles, Kastila, Tagalog, Cebuano, Ilokano, Waray, Bikol at Kapampangan ay isasalin sa wikang Filipino sa ilalim ng isang programa. Sa ganitong paraan, sa malaganap na wikang ito ihahatid ang panitikang pambansa sa kalahatan ng ating mga mamamayan. Walang dahilan upang mahadlangan pa ang pagtaas ng antas ng kamalayan ng bayan at maisulong nito ang sarili sa pagpapasiya hinggil sa mga usaping pang-ekonomya at puli- tikal. Magiging katotohanan na ang hangarin ng tungkulin ng panitikan-ang mapagbago nito ang tao at nang pagkaraan, ang tao ay kumilos upang baguhin ang kasaysayan ng bansa at mata- ngay sa pagbabagong iyon ang ating panitikang pambansa. Hindi magiging hadlang ang mga wikang katutubo sa pagbuo ng panitikang pambansa-tulad ng di ito pagiging sagabal sa kaparehong layunin ng malalaking bansa sa Europa: Sa Espanya ay may tatlong pangunahing wika-ang Leonese, Aragones at Castilian (ito ay nagsilang pang Andalucian). Gayun- din ang Italya na may Sicilian, Neapolitan, Roman, Tuscan, Venetian at iba pa. Ang Alemanya'y may dalawang malaking hati ng wika-ang tinatawag na "High" at "Low" German na nagsupling naman ng kani-kanilang diyalekto. Ang England ay may tatlumpung diyalekto, ang Ireland ay may tatlo at ang Scotland ay may siyam. Maging ang dating Chinese National Assembly ay nangailangan ng mga interpreter upang maintindihan ang sinasabi ng mga delegado muhi sa iba't ibang lalawigan. Ngunit sa kabila ng mga balakid na ito ukol sa lengguwahe, ang mga bansang ito ay nakalikha ng nakapagpapakilalang panitikang .pambansa. 13 May mga elementong posibleng magbuklod ng panitikang pambansa ng Pilipinas: una, ang pagkabuwag ng kaisipan at pananaw na pangrehiyon; ikalawa, ang hangaring magkaroon ng isang tunay na wikang pambansang tatanggapin ng lahat at ma- gaan na makapagpapahayag ng damdap1in, kaisipan at kaluluwa ng lahing Pilipino; ikatlo, ang pagkaunawa sa pagiging magkatulad ng balangkas ng mga katutubong wika, ng mga bokabularyo ng mga ito at ang internalisasyon dito ng kulturang hinubog ng mga puwersang historikal; at ikaapat, ang paggalang ng pamilya ng mga bansa sa isang bansang may sariling identidad. Efren R. Abueg 77
Tungo sa layuning ito, maraming guro at manunulat ang nag-
salin nang mga akda mula sa Ingles tungo sa Pilipino ngayon. Ang Lupang Tinubuan ni Narciso G. Reyes, Lunsod, Nayon at Dagt-Dagatan ni NVM Gonzales (mga kuwento), Like a Qig, Bravo Man ni Celso Carunungan (no bela), Portrait of a Filipino as an Artist ni Nick Joaquin (dula) ay iilan sa mga halimbawa ng mga akdang salin na kinikilala hanggang sa ngayon. Si Federico Licsi Espino, Jr. ay nagsalin ng mga akda mula sa ibang wika sa Pilipinas, huwag nang banggiting sumulat pa siya sa mga wikang iyan. Noong 1970, nilimbag ang Manunulat: Mga Piling Akdang Pilipino, 14 isang katiprman ng maiikling kuwento na kinabi- bilangan ng mga obrang isinalin sa Pilipino mula sa Cebuano, Hiligaynon, Iluko at Ingles. Hinimok ng editor ng aklat na ito na isalin sa Pilipino ng mga ·awtor ang kanilang akda sa Ilokano, Hiligaynon, Cebuano at Ingles. Ginampanan ng patnugot ang "paglilinis" . sa lengguwahe at bago nilimbag ang mga akda ay tiniyak ng patnugot sa mga awtor na hindi gaanong nabawasan ang sustansiya ng mga ito. Hanggang sa ngayon na masigasig na ang pagsasalin sa wikang Pi!ipino, ang ganitong kauring proyekto ay hindi na naipagpatuloy pa.
Monopolyong Panitikan sa Unibersidad
Sa kabila ng pagpupunyagi ng mga pangkating nagmungkahi
ng pagbuo ng panitikang pambansa, hanggang sa ngayon ay pani- tikan sa Ingles at sa makabagong Pi!ipino ang itinuturo sa mga unibersidad at kolehiyo pababa sa haiskul. Ang GUMIL FILI- PINAS, isang samaltan ng mga manunulat sa Jlokano ay nakapag- limbag na ng may humigit-kumulang sa 30 aklat (tula, kuwento, sanaysay) ngunit sa mga gradwadong kurso lamang pinag-aaralan ng iilang estudyante ang yaman ng kanilang panitikan. Maging sa mga Kagawaran ng Panitikang Pi!ipino sa · mga pamantasan, walang sama-samang pagsisikap na mailagay sa urian ang mga akda sa mga wikang iyan upang maging palagiang bahagi ng pam- panitikang kurikulum. Kahit hindi sinasadya ng mga manunulat sa wikang Ingles at sa Pilipino, ang monopolyo ng panitikan sa dalawang wika sa mga paaralan ay tinitingnan bilang tenden- siyang mapanarili. Sa ganitong kalagayan, maging ang mga estud- yante na nagmula sa iba't ibang rehiyon ng bansa ay nagiging tiwalag sa panitikan ng kanilang mga Iugar, isang aksidenteng bunga ng tiwaling istraktura ng sistema ng edukasyon ng ating 78 PAGBUBUO NG PANITIKANG PAMBANSA
bansa. Kung mayroon mang tipong panitikang rehiyonal na
pinag-aaralan sa mga unibersidad, ang pag-aaral dito ay nagbibigay- diin sa kaibhan sa panitikan ng iba-ibang rehiyon sa halip na hanapin at ilantad ang mga magkakaparehong pamana ng lumipas, mga hangarin, karanasan at mga pamamaraan ng pagkilos upang maging kasangkapan sa pagbabago ng lipunan. Ang tendensiyang mapanarili ng mga may kapangyarihang magdesisyon ng pagpapatuloy ng tiwaling sistema ng pagtuturo ng panitikang Pilipino ay lumilikha ng pagpapalagay na mapang- hati at kolonyal: The objection to Filipino as the common national language is that it transformed the Tagalogs into the new elite, not by virtue of greater intellectual capacity or moral worth, but because they were born to a language which was made the basis of Filipino, the common national language developed under the 1935 Consti- tution . .. Is Kasunod nito ang nananakot na pagbanggit sa problema ng mga wika sa India, Sri Lanka at iba pang bansang ang mga mama- mayan ay hindi pa nakaaangat sa tribung kaisipan. Ngunit halatain ang ganitong argumento na tumututol sa paggamit ng isang domi- nanteng wikang katutubo, ang Tagalog na ang istraktura naman at ang bokabularyo ay halos kapareho ng sa iba-iba pang katu- tubong wika natin. Bakit tututulan ang isang isinabatas na katu- tubong lengguwaheng panlahat upang tanggapin ang isang sang- kutsadong wika (a new common national language) na bubuuin pa at tatawaging Filipino? Halatain ang makadayuhang tak- tikang ito sapagkat: The significant role of English in this matter is that, it being a neutral language(?) to most Filipinos, it will maintain the equality of the various ·eihno-linguistics groups forming the national population, while the new common national language is being developed. 16 ) .Ang kaayusang pangkabuhayan, pampulitika at panlipunan ay hindi ibinibilang na factors sa sinasabing bmtang na sa pagkapili sa Pilipino bilang dominanteng wika ngayon ay naging bagong elite ang mga Tagalog. Hindi lengguwahe ang nagsasampa sa kapangyarihan ng sinasabing elite kundi ang monopolyo sa kapangyarihan sa kabuhayan, pulitika. at militarya. Ang lik- siyon ng nangyayari sa kasalukuyan ang patunay ng kasinunga- lingan ng argumentong ito. Malayong magbunga ng anarkiya ang sigalot hinggil sa wikang pambansa. Kung babanggitin ang mainit na mga pagtatalo sa dalawang kumbensiyong konstitusyonal -(-1935 at 1971) dahil Efren R. Abueg 79
sa isyu ng wika, higit na magulo ngayon sa Batasang Pambansa
dahil sa isyu ng Amendment 6 at sinasabing nakadududang ka- walang kinikilingan ng COMELEC. Ang totoo, hindi lamang sa mga pahina ng mga pahayagan at magasin at broadcast ang la- rangan ng hidwaan hinggil sa mga usaping pulitikal na iyan kundi maging sa mga lansangan. Ang wika, kung pagtalunan sa bansang ito ay bunga lamang ng "init" at lumilipas kaagad-agad upang magpatuloy sa pagsusulong ng isang wikang pambansa.
Sa Mga Balikat ng Akademya
May malaking maitutulong ang akademya sa pagbuo ng pani-
tikang pambansa--kung magiging klaro at seryoso ang mga uni- bersidad sa pagpapalaganap ng kamalayan at pagkilos na maka- bayan. Hindi mabubuo ng mga mangangatha, makata at mananay- say lamang ang isang panitikang pambansa. Kailangan sa mabigat na tungkuling ito ang mga social and political scientist, economist at mga kritiko. Lahat halos ng kaalaman ay pumapasok sa pa- nitikan at ang mga sangkap nito ay hinahango, hindi lamang sa karanasan at pagmamasid sa paligid ng mga may-akda kundi sa mga sinulat din ng mga academician na tulad ng mga nabanggit sa itaas. Sila ang parola ng mga manunulat sa paglikha ng mga ito ng isang panitikang nagbabago sa sarili, napagbabago ang tao pati na ang 1~apaligiran. Qila ang rlugo, laT'"lan at 1ratas ng isang tunay na panitikang pambansa. Ang mga pamantasan ay makapagtatayo ng mga kagawaran o programa na ang identidad ay hindi lamang simbolo kundi higit sa lahat ay sustansiya ng ating nasyonalismo. Kailangan ang pagtatanging ito sa pagkilos habang ang ating bansa ay hindi pa nahuhubaran ng mga daantaon ng kolonyalismo at hindi man lamang makapusag sa malalim na putik ng imperyalismo. Ang mga kagawaran o programang ito ay makapagbabalangkas ng isang sistema ng pag-aangat ng antas ng panitikang sarili na ka- pantay ng panitikan ng Estados Unidos, Inglatera, Alemanya at Espanya. Tutulungan ng pananaliksik at kritika ng mga dalub- hasang Pilipinista mula sa iba't ibang disiplina sa pamantasan, mahahantad sa mga manunulat upang maging materyales nila ang mga katotohanan, penomenon at mga kontradiksiyon sa lipunan. Dapat ding maging patuloy at masigasig ang suporta sa mga programa ng pagsasalin, gayundin naman ang paglilimbag ng mga sulating pampanitikan. Ang pakikipag-ugnayan sa mga babasahing popular ay isang kaparaanan upang ang mga katunu- ngan nasa akademya ay "maibaba" sa masa, mapaunlad din sa 80 PAGBUBUO NG PANITIKANG PAMBANSA
proseso ang mga babasahing ito at sa dakong huli ay magkaroon
ng karanasan at matuto sa mga ito. Dapat tandaang ang mga dakilang obra ng daigdig ay unang nagsilitaw sa mga babasahing popular bago nailibro. Sa Pilipinas, ang Luha ng Buwaya ni Amado Hernandez at Maganda Pa ang Daigdig ni Lazaro Francisco ay isinerye (ayon sa pagkakasunod) sa Taliba at sa Liwayway bago isinaaklat pagkaraan ng mahigit na isang dekada ng Ateneo de Manila. Ang panitikang pambansa ay hindi isang islang walang kaug- nayan sa iba pang pulo-ito'y replekasyon at tagapagbago ng lipunan. Ang bisyon ng isang lahi, ang pakikitunggali, pagkagapi at tagumpay ng sambayanan nito sa kabuuan ay isang nagnining- ning na tanda ng identidad ng isang bansang idinadambana sa puso ng sambayanan nito at walang pingas na iginagalang ng mga dayuhan.
MGA TALABABA
1 Miguel S. Bernard, "The Future of Philippine Literature,"
in Rrown Heritage (Quezon City : Ateneo de Manila Press, 1967) p. 793. 2Ibid.
3Swingwood & Laurenson, The Sociology of Literature
(London : Granada Publishing Ltd. 1972) p. 12.
4David N. Margolies, The Function of Literature (New York :
International Publishers, 1972) p, 124.
s Carolyn M. Barrett, "The Third World as a Concept," in
Dialoque (Manila : DLSU, 1980) pp. 32-33.
6 Dolores S. Feria, ''The Third World : The Literature of
Refusal," in Essays in the Humanities (Quezon City : U.P., 1983) p. 100.
7Manuel A. Viray, "A New Perspective for Philippine Writing,"
in Diliman Review, Vol. 1, No. 4 (Quezon City : 1953) p. 360.
8Leopoldo Yabes, "Mga Tala sa Pagbuo sa Pambansang
Literatura," sa Jornal ng Masaklaw na Edukasyon, No. 22-23 (Quezon City: 1973)p. 120. Efren R. Abueg 81 9Ibid.
lOConstantino at Sikat, "Pagbuo ng Pambansang Literatura, "
sa Jamal ng Masaklaw na Edukasyon, No. 22-23 (Quezon City : 1973) p. 114.
lllbid. p.115.
12Ibid. p. 116.
13Efren R. Abueg, "Mga Binhi ng Pagkakaisa . . .sa Panitikang
Pambansa," sa Jamal ng Masaklaw na Edukasyon (Quezon City : 1973) p. 127.
14Efren R. Abueg, Manunulat : Mga Piling Akdang Filipino
(Quezon City : 1970) p. 1.
15Leopo1do Yabes, "English in the Next 20 Years," in The
Rebyung Bibliyograpikal Sa The Politics of Language: Language, Ethnicity, and Nation-State in The Philippines. Asia Pacific Social Science Review, Vol. 1, No. 2, 2000.