You are on page 1of 12

SHS

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA
WIKA AT KULTURANG PILIPINO
KUWARTER 1 WEEK 6-7
MODYUL 6

MELC:
 Nasusuri ang mga pananaw ng iba’t ibang awtor sa isinulat na kasaysayan
ng wika (F11PB – lf – 95)
 Nakapagbibigay ng opinyon o pananaw kaugnay sa mga napakinggang
pagtalakay sa wikang pambansa (F11PN – lf – 87)

1
Pangalan:_______________________________ Petsa:______________________
Baitang/Seksyon:_________________________ Iskor:______________________
A. Panimula

Ang Kasaysayan Bilang Bahagi ng Wika: Isang Balik-Tanaw

Walang tulis at talim ang Kasaysayan kung walang mapanuri at maingat na Lingguwistang
pumapanday ng wika.

Mabuhay Senior High! Isa na namang makabuluhang pagkatuto ang tuon ng paksa ng pag-
aaral ngayon: ang kasaysayan ng Wikang Pambansa-Filipino. Ngayon, mabibigyan ka ng
malinaw na kaalaman sa masalimuot na pinagdaanan ng ating wikang pambansa-Filipino.
Mula sa Wikang Katutubo hanggang sa pagwiwika natin sa Kasalukuyan na sadyang patunay
na ang wika ay daynamik at nagbabago. Daan din ito sa kaunlaran ng wika at sa pinagdaanan
nitong iba’t ibang henerasyon. Kaya’t hali ka na! Atin nang dalumatin, Ang Kasaysayan
Bilang Bahagi ng Wika. Isang Balik-Tanaw sa mula noon hanggang ngayon na magagamit sa
Kasalukuyan.

Sa bahaging ito, subuking isagawa ang gawain na maghahanda sa’yo sa pag-aaral ng


kasaysayan ng Wikang Pambansa.

Tuklasin: Pick a Pics

Panuto: Pumili ng isa sa dalawang larawan sa ibaba na mayroong kaugnayan sa iyong


natamong pagkatuto sa pagtalakay ng wikang pambansa. Sumulat ng tatlo hanggang limang
pangungusap na naglalaman ng iyong pananaw o opinyon sa ambag nito sa kasalukuyang
pagwiwikang Filipino. Ilagay ang inyong sagot sa iyong sagutang papel. (5 puntos)

Larawan kuha sa FB post ni Eugene Bacasmas


Edukasyon: https://m.facebook.com/100000820691919/posts/1860059077364764/?d=m
Kapayapaan:https://m.facebook.com/100000820691919/posts/1476580172379325/?d=m

2
A. Pagtalakay

“Walang wikang nagtataglay ng kanyang sariling galing.” Umuunlad ito ng


likas at natural dala ng daynamik ng mga sitwasyon sa kinalakihan nitong henerasyon.
Ibig sabihin, lahat ng wika ay dumadaan sa masalimuot, kapanapanabik, at walang-
humpay na saliksik hingi ng pagbabago sa lipunan.

Ngayo’y ating bigyan ng pagtanaw ang hitik at makabuluhang pananaw ng


iba’t ibang awtor tungkol sa Kasaysayan ng ating Wikang Pambansa sa iba’t ibang
panahon. Nasusuri ang mga pananaw ng iba’t ibang awtor sa isinulat na kasaysayan
ng wika (F11PB – lf – 95)

Pananaw ni Paul Morrow sa Panahon ng Katutubo tungkol sa Wika-baybayin

Ayon sa mga Iskolar, sinasabi na mayroon tayong sariling kalinangan sa wika


bago pa man dumating ang mga dayuhan, katunayan nito, ay mayroon tayong
tinatawag na baybayin. Ayon sa tala ng kasaysayan ang katutubo at unang abakada o
alpabetong Filipino ay binubuo ng 17 na titik, tatlong (3) patinig at labing apat na (14)
na katinig.

Naglabas ng pananaw ang manunulat na si Paul Morrow sa kanyang artikulong


“Baybayin, The Ancient Script of the Philippines” noong 2002. Binanggit niya na
dahil sa mabilis na pag-unlad ng teknolohiya ng kabatiran, mas marami na ang
maaaring matutuhan ng mga Filipino mula sa Internet tungkol sa sinaunang panahon
kaysa itinuturo sa mga paaralan. Kaya maraming Filipino ang nagkakaroon ng interes
sa kanilang kultura at kadalasaan, ang baybayin ang unang tumatawag ng pansin nila.
Sa pamamagitan ng mga computer font ang baybayin ay ginagamit sa disenyo ng
mga web site, multimedia art, mga alahas, compact disc, T-shirt, at iba't ibang sagisag.

Masasabing mula sa pananaw na ito ni Morrow, ang Pilipinas ay minsan nang


nagkaroon ng natatanging wika. Sa paglipas nga ng panahon, ang wikang ito ay
nasapawan na ng pag-unlad at kolonisadong pag-uugali dagdag pa ang mabilis na
pagtatamo ng kaalamang pangwika dahil sa teknolohiya. Bukod sa ano pa man,
nabanggit din ni Morrow na sa kasalukuyang panahon, ang baybayin ay isang interes
pa rin upang ipakita ang tunay na kultura ng ating bansa.

3
Pananaw ni Dr. Camagay sa pinagdaanan ng Wika noong Panahon ng Kastila

“Utang natin sa mga ilustradong Filipino ang pagtitipon at pagsusuri ng


mga elemento na bumubuo ng ating kaalamang bayan,” ani Dr. Ma. Luisa T.
Camagay, kilalang historyador at Professor Emeritus ng Kasaysayan sa UP Diliman
Tinalakay ni Camagay sa kanyang pananaliksik, “Kaalamang Bayan: Balon ng
Kaalaman ng mga Ilustradong Filipino,” ang interes sa kaalamang bayan sa hanay ng
mga iIlustradong Filipino. Aniya, ito ang naging paraan upang ipamulat sa mga
Kastila na may kultura o sibilisasyon ang mga Filipino bago pa man sila dumating.
Ang mga ilustrado ay mga may pinag-aralan o edukadong Filipino. Sila ay tinawag na
ilustrado sapagkat sila ang mga taong nakabatid ng kalinawan at kaliwanagan ukol sa
mga ideya ng liberalismo at nasyonalismo mula sa Europa. Sila ang mga naghangad
ng mas makataong pamamalakad sa politika at ekonomya ng Pilipinas.

Wikang Tagalog bilang Wika sa Panahon ng Rebolusyong Pilipino

Ang Kilusang Propaganda ay nagsimula nang gamitin ang Tagalog sa mga


pahayagang isinulat nila. Sinundan ito ng Katipunan na Tagalog din ang ginamit sa
pagbuo ng mga Kautusan gaya sa Saligang- Batas ng Biyak-na –Bato noong 1897 at
napagtibay ito noong 1899. Dito pinagtibay na Tagalog ang opisyal na wika ng
pamahalaan. Naisip at isinaad ng mga manunulat at propagandista kabilang sina
Andres Bonifacio at Jose Rizal sa panahong ito na ang wika ay malaking bahagi
upang mapagbuklod ang mga Pilipino.

Ang Madilim na karanasan ni F. Sionil Jose noong Panahon ng Hapon

Sapilitang ipinaturo ang Nihongo at inalis ang Ingles. Naging masigla ang mga
Pilipino sa paggamit ng wika. Sumigla ang panitikang Pilipino gaya ng nobela at
maikling kuwento ngunit nanlamig ito ng dumating ang mga Hapones. Ayon kay F.
Sionil Jose, sa kanyang isang panayam tungkol sa politika at panitikan noong Panahon
ng Hapon, naging mahirap ang kalagayan ng mga Pilipino. Dagdag pa niya, “ginagamit
ang mga peryodiko at pahina ng telephone directory as cigarrette paper.” Wala na
iyong mga movies. Pero, nandoon pa ang mga plays. The first class theatres in Manila
exhibited plays, some of the classics like Cyrano de Bergerac.”

4
Ang Wikang Pambansa bilang Tagpuan sa Panahon ng Pagsasarili

Pagkaraan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nagtagumpay ang pagtuturo ng


wikang Pambansa na tinatawag na Pilipino sa isang kautusang nilagdaan ng naging
kalihim na si Jose Romero ng pagtuturo. Dala ng malaking pangangailangan ng mga taga-
subaybay sa pagtuturo ng Pilipino, nagdagdagan ng dalawa ang bilang ng tagamasid sa
Punong Tanggapan. Ang Maynila ay nagkaroon naman ng isa bagamat wala ang mga nasa
lalawigang Tagalog at di- Tagalog.Naging opisyal na wika ang Tagalog at Ingles. Naging
midyum sa mga paaralan ang Ingles at asignatura ang Pilipino.Nagkaroon na ng aklat para
sa mga Pilipino. Maraming pag-aaral na isinagawa sa wika upang magamit itong panturo.

Wika nga ng manunulat at propesor ng brodkasting mula sa UP Diliman na si


Eulalio Guieb III, batay sa kanyang karanasan, ang pinakaunang magiging tagpuan nilang
manunulat at nagsasalita ng ibang wika ay laging ang wikang Filipino. Mula sa tagpuang
ito (Wikang Filipino) doon magsasanga-sanga o mabibigyan ng iba’t ibang kahulugan ang
pagwiwika batay sa konteksto. Ayon sa pananaw na ito, kung sasanga ang nagsasalita sa
Ingles depende sa konteksto; sasanga sa Bisaya ang nagsasalita depende sa konteksto; at
sasanga sa iba pang wika ang nagsasalita depende sa konteksto ay muling babalik ang
nagwiwika at manunulat sa tagpuan iyon (Wikang Filipino).Ibig sabihin, ang wikang
Filipino ang nagiging tulay ng mga taong mayroong iba’t ibang wika upang
magkaunawaan.

Panahon ng Kasalukuyan: Masalimuot na Tagpuan ng Nakaraan at Kinabukasan ng


Wika ng Pilipinas

Higit na lumaganap ang paggamit ng wika, pag-aaral ng wika at nagkaroon ng


intelektuwalisasyon, istandardisasyon at elaborasyon ng wikang Filipino.

Sinang-ayunan ang mga pahayag na ito ng Dating Komisyoner ng Komisyon sa


Wikang Filipino at Propesor ng Lingwistika sa UP Diliman na si Ricardo Ma. D. Nolasco.
Ayon sa kanyang pananaw, “ang kailangan, ay iyong malawak na kilusang pangmasa gaya
nang nangyari noong 1970’s na nagsusulong ng paggamit ng sarili nilang wika at
pagkokonsepto sa kanilang sariling kultura.” Dagdag pa niya, “Hindi lang problema ng
wika ‘yan eh, problema ‘to kung paano tayo mag-isip. Nag-iisip ba tayo alinsunod doon sa
kultura ng mga wika at kultura ng mga iba’t ibang grupong etniko dito sa Pilipinas o
pinaninindigan pa rin natin ay ‘yong balangkas na kolonyal?”

5
B. Iba pang Kaalaman at Babasahin
Tandaan! Walang wika ang hindi umuunlad. Daan ang wikang maituturing
upang makatuklas ng mga pagbabago at mapataas ang literasi ng lipunan. Nakalilikha
ang tao kung ano man ang naisin niya sa tulong ng wika, gaya ng pag-ibig sa kapwa,
sa isang samahan o organisasyon at matiwasay na lipunan. Kaya napakahalaga ng
timeline ng pag-unlad ng wika upang maiugnay ang pagbabagong naganap sa
kasalukuyang pagpapayaman nito. Sa bawat yugto ng ating kasaysayan mayroong
malaking bahagi ang ating wika. Ito ang nagsisilbing tulay upang maitawid natin ang
kaalaman at interes sa ating kapwa.
Sa bahaging ito ng aralin, inaaasahang magkakaroon ka ng interaktibong
pakikinig tungkol sa timeline ng masalimuot at kapanapanabik na pag-unlad ng ating
Wikang Pambansa. Maaari itong gawin sa pamamagitan ng pagpapabasa sa kasama sa
bahay at iyo itong pakinggang mabuti.

Narito ang ilan sa mga mahahalagang panahon at tagpo sa pag-unald ng Wikang


Filipino.
Taon Pag-unlad ng Wikang Filipino
Sa saligang batas ng Pilipinas, nagtadhana ng tungkol sa wikang
pambansa na “ ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa
1935
pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang Wikang Pambansa na mula sa
isa sa mga umiiral na katutubong wika.” (Seksyon 3 Artikulo XIV)
Itinagubilin ng Pangulong Manuel L. Quezon sa kanyang mensahe sa
Asembleya Nasyonal ang paglikha ng isang Surian ng Wikang
1936(Okt. 27) Pambansa na gagawa ng pag-aaral ng mga wikang katutubo sa Pilipinas.
Mayroon itong layuning mapaunlad at mapatibay ang isang wikang
panlahat na batay sa isang wikang umiiral.
Pinagtibay ng Batasang Pambansa ang Batas Komonwelt Blg. 184 na
1936(Nob.13) lumikha ng isang surian ng Wikang Pambansa at itinakda ang mga
kapangyarihan at tungkulin niyon.
Hinirang ng Pangulong Manuel L. Quezon ang kagawad na bubuo ng
1937(Enero
Surian ng Wikang Pambansa, alinsunod sa tadhana ng Seksyon 1, Batas
12)
Komonwelt Blg.184, sa pagkakasusog ng Batas Komonwelt Blg. 333.

6
Bunga ng ginawang pag-aaral, at alinsunod sa tadhana ng Batas
Komonwelt Blg. 184 ang Surian ng Wika ay nagpatibay ng isang
1937(Nob.9) resolusyon na noo’y ipinahahayag na ang Tagalog ang “siyang halos
lubos na nakatutugon sa mga hinihingi ng Batas ng Pangulo ng Pilipinas
na iyon ay pagtibayin bilang saligan ng Wikang Pambansa.
Bilang pagsunod sa tadhana ng Batas Komonwelt Blg. 184 sa
pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 ay ipinahayag ni
1937(Dis. 30)
Pangulong Quezon na ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay batay sa
Tagalog.
1938 (Hulyo Pinagtibay ang Batas Komonwelt Blg. 333 na nagsusog sa ilang seksyon
18) ng Batas Komonwelt Blg.184
Sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 ay binigyang
pahintulot ang pagpapalimbag ng isang diksyunaryo at isang gramatika
1940 (April 1) ng Wikang Pambansa at itinakdang mula sa Hulyo 19, 1940 ay
pasisimulan nang ituro ang Wikang Pambansa ng Pilipinas sa lahat
paaralang bayan at pribado sa buong bansa.
Pinalabas ni Kalihim Jorge Bocobo ng Pagtuturong Pambayan ang isang
Kautusan Pangkagawaran: ito’y sinundan ng isang sirkular (Blg.26,
1940 (Abril
serye 1940) na Patnugot ng Edukasyon Celedonio Salvador. Ang
12)
pagtuturo ng Wikang Pambansa ay sinimulan muna sa mataas na
paaralan at mga paaralang normal.
Pinagtibay ng Batas Komonwelt Blg. 570 na nagtatadhana, bukod sa iba
1940 (Hulyo) pa, na ang Pambansang Wikang Pilipino ay magiging isa sa Wikang
Opisyal ng Pilipinas simula Hulyo 4, 1946.
Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklamasyon Blg. 12
na nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa
1954 (Marso
simula Marso 29 hanggang Abril 4 taon-taon, sang-ayon sa tagagubilin
26)
ng Surian ng Wikang Pambansa. Nakapaloob sa panahong saklaw ng
pagdiriwang ang Araw ni Balagtas (Abril 02).
Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklamasyon Blg.
1955(Sept. 186 na nagsususog sa Prok.Blg. 12 serye 1954, na sa pamamagitan
23) niyo’y inililipat ang panahon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang
Pambansa taon-taon simula ika-13 hanggang ika-19 ng Agosto.

7
Pinalabas ng Kalihim Jose E. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang
1959(Agosto
Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na nagsasaad na kailanma’y tutukuyin
13)
ang Wikang Pambansa, na salitang PILIPINO ang gagamitin.
Nilagdaan ng Pangulong Marcos ang isang Kautusang Tagapangulo
1967(Okt. 24) (Blg. 96) na nagtatadhana na ang lahat ng gusali at tanggapan ng
pamahalaan ay pangangalanan sa Pilipino.
Kautusang pinalabas ng Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Isports
Blg. 81 na nagsasaad ng reporma sa alpabeto at mga tuntuning
1987 (Agosto
ortograpiyang Filipino. Ang alpabetong Filipino ay binubuo ng 28 letra
6)
na ang ayos ay A B C D E F G H I J K L M N Ñ NG O P Q R S T U V
W X Y Z.

Mga Gawain at Pagsasanay

Gawain 1: Choose Juan (5 na puntos)

Panuto: Magtala ng ISA sa tingin mong naging suliranin/pagsubok sa kasaysayan ng


Wikang Pambansa batay sa iyong nabasa at napakinggan. Kung ikaw ay nabubuhay
sa panahong nagkaroon ng suliranin/pagsubok sa pag-unlad ng ating wika, ano ang
solusyon na maipapanukala mo upang matugunan ang sa tingin mo’y problema ng
iyong panahon?
Problema sa Wika:___________________________________________________
Kongkretong Solusyon:_________________________________________________

Gawain 2: Like & Share (10 na puntos)

a. Panuto: Hindi naman sa lahat ng pagkakataon masalimuot ang kasaysayan ng


ating wika,kaya kung ikaw ang tatanungin, anong bahagi ng kasaysayan ng
Wikang Pambansa ang nais mong ipagmalaki at sa tingin mo’y dapat pagyamanin
ng kasalukuyang henerasyon?
Sagot: ________________________________________________________

b. Panuto: Batay sa iyong sagot sa Gawain 2 a, anong panukalang gawaing


pangkabataan ang naiisip at maibabahagi mo na sa tingin mo’y makatutulong sa
kasalukuyang pagwiwika ng ating bansa? Ipaliwanag lang ang mabubuong
panukala huwag ng isagawa.
8
Halimbawa: #TiktokChallenge(magsasagawa ng pagwiwika tungkol sa

Pamagat ng panukalang gawain: _____________________________

Paliwanag:______________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

panahon ng hapon gamit ang tiktok app)

Gawain 3: InstaGraph (10 puntos)

Panuto: Pumili ng isang awtor na nagbigay ng pananaw tungkol sa Kasaysayan


ng Wikang Pambansa at bumuo ng sariling Instant na graphic organizer na
nagpapakita ng kanyang buong pananaw tungkol sa Kasaysayan ng Wikang
Pambansa. Matapos makabuo, bigyan ito ng maikling pagpapaliwanag batay sa
iyong sariling pagsusuri sa pananaw ng awtor na iyong napili. Maging malikhain
sa pagbuo ng inyong graphic organizer, maaari mo itong lagyan ng kulay upang
maging matingkad ang iyong awtput. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Graphic Organizer sa Kasaysayan ng Wikang Pambansa

Maikling Paliwanag: _____________________________________________


_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
________ 9
Pangalan:_______________________________ Petsa:______________________
Baitang/Seksyon:_________________________ Iskor:______________________

Lagumang Pagsusulit

A. Panuto: Magtala ng limang (5) suliraning pangwika sa Kasalukuyan na iyong


napapansin at magmungkahi ng kongkretong solusyon na sa tingin mo’y tutugon sa
iyong mga napapansing mga suliranin. (10 puntos)

Suliraning Pangwika Mungkahing Solusyon

Rubriks

Kategorya Pamantayan Puntos


Nakapagbigay ng makabuluhan at kongkretong solusyon
Nilalaman 5
tungkol sa nailahad na suliraning pangwika sa kasalukuyan
Sangkap Naipahayag ang mga suliraning pangwika sa kasalukuyan 3

Anyo Wasto ang pagbabaybay at pagbabantas sa gawain o/at sagot. 2

10
Kabuuan:
puntos

10
B. Panuto: Sumulat ng isang talata na mayroong 5-10 na pangungusap na nagpapakita
ng kahalagahan ng pagkakaroon ng estandardisadong Wikang Pambansa. (5 Puntos)
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

C.
a. Panuto: Ipagpalagay na ikaw ay isang mahusay na mambabatas sa iyong
kasalukuyang panahon. Suriin ang mga pagbabagong nagaganap sa Wikang
Pambansa sa Pilipinas. Anong batas ang maipapanukala mo upang magkaroon ng
intelektwalisasyon at estandardisasyon ang ating Wikang Pambansa? Ipaliwanag
ang iyong panukalang batas sa simpleng paraan. 5 puntos
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
b. Panuto: Ipaliwanag ang pahayag sa pagsusuri ni Propesor Eulalio Guieb III
tungkol sa Kasaysayan ng Wikang Pambansa, “ang pinakaunang magiging
tagpuan ng manunulat at nagsasalita ng ibang wika ay laging ang wikang
Filipino.” 5 puntos
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Rubriks para sa B at C (a at b)

Kategorya Pamantayan Puntos

Nasagot, natugunan, at nakapagbigay ng wastong ideya at


Nilalaman 3
konsepto tungkol sa hinihinging sagot sa tanong.

Anyo Wasto ang pagbabaybay at pagbabantas ng sagot. 2

Kabuuan: 5 puntos

11
SUSI SA PAGWAWASTO PARA SA MGA GAWAIN
Gawain 1

Kategorya Pamantayan Puntos


Nakapagtala ng isang suliranin at nakapagbigay ng
Nilalaman kongkretong solusyon kaugnay sa tanong tungkol sa Wikang 3
Pambansa
Anyo Wasto ang pagbabaybay at pagbabantas ng sagot. 2
Kabuuan: 5 puntos
Gawain 2

Kategorya Pamantayan Puntos


Nakapagbahagi ng panukalang gawaing pangkabataan tungkol
Nilalaman sa sagot Gawain 2a na naglalaman ng makabuluhan at 5
napapanahong ideya.
Naipamalas ang pagkamasining sa naturang gawain at
Sangkap 3
kakikitaan ng pagiging orihinal.
Anyo Wasto ang pagbabaybay at pagbabantas sa gawain o/at sagot. 2
Kabuuan: 10 puntos
Gawain 3

Kategorya Pamantayan Puntos


Nakapagbigay ng wastong ideya, konsepto at sagot tungkol sa
Nilalaman 5
hinihinging sagot sa tanong o/at gawain.
Nagpakita ng kaayusan at sining sa paggamit ng salita, imahen,
Sangkap 3
graph, guhit at iba pa sa sagot o/at gawain
Anyo Wasto ang pagbabaybay at pagbabantas sa gawain o/at sagot. 2
Kabuuan: 10 puntos
Sanggunian: I-scan ang QR Code para makita ang hanguan ng mga datos.

Mula sa Aklat Mula sa Internet

12

You might also like