You are on page 1of 15

DEPARTMENT OF EDUCATION REGION VII

Sudlon, Lahug, Cebu City, Cebu

KASAYSAYAN SA PAG-UNLAD NG
WIKANG PAMBANSA
Para sa Filipino 11
UNANG MARKAHAN - LINGGO 7

1
PAUNANG SALITA

Pag-unlad ng wikang pambansa nakasalalay sa pagpapahalaga ng mamamayan.


Marahil maraming bagay ang papasok sa iyong isipan kung maririnig ang salitang wikang
pambansa. Ngunit gaano nga ba kalawak ang iyong kaalaman tungkol sa kasaysayan ng
wikang pambansa?

Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong-Pilipinas bilang wika ng


komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino ay
dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng mga panghihiram sa mga wika ng
Pilipinas at mga ebolusyon ng ibat-ibang barayti ng wika para sa ibat-ibang sitwasyon, sa
mga nagsasalita na may iba’t ibang saligang sosyal at para sa mga paksa ng talakayan at
iskolarling pagpapahayag.

.
Sa SARILING- LINANGAN KIT (SLK) na ito, mababalik-tanaw mo ang mga
kasaysayan sa wikang pambansa. Sa pag-aaral ng pag-unlad ng wikang pambansa,
inaasahang higit mong mauunawaan at mapahahalagahan ang pagmamahal ng
pambansang wika.

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Nauunawaan ang mga konsepto elementong
kultutural,kasaysayan ng at gamit ng wika sa lipunang Pilipino.

PAMANTAYAN SA PAGGANAP
Nakagagawa ng isang sanaysay batay sa isang panayam tungkol sa
aspektong kultural o lingguwistiko ng napiling komunidad

2
Kasanayang Pampagkatuto
1.Nakapaggggbigay ng opinion o pananaw kaugnay sa mga
1.Nakapagbigay ng /opinion
napakinggang o pananaw
nabasang kaugnay
pagtatalakay sa mgapambansa.
sa wikang napakinggang /
nabasang pagtatalakay sa wikang pambansa. (F11PN-1f-87)
(F11PN-1f-87)

MGA LAYUNIN
Paksa: Kasaysayan sa Pag-unlad ng Wikang Pambansa
Pagkatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang..
1. Nasusuri ang ibat-ibang pananaw tungkol sa kasaysayan ng wikang pambansa.
2. Nakakagawa ng sanaysay na tumatatalunton sa isang partikular na yugto ng
kasaysayan ng wikang pambansa.
3. Nagagamit ng wasto ang mga pahayag sa pagsalaysay sa kasaysayan ng wikang
pambansa.

ANO ANG NANGYARI?

Tuklasin

Sisimulan mo ang araling ito sa pamamagitan ng pagsubok sa


aaaaa
iyong kaalaman ng ibat-ibang kasaysayan ng wikang pambansa sa Pilipinas.Sa
pagbasa sa usapan sa ibaba hangad na mahinuha mo ang kaalaman sa
kasaysayan ng pag-unlad ng wikang pambansa.

3
GAWAIN 1. Tingnan Mo? Malaman Mo

Magandang araw sa inyong


lahat. Mapalad tayo sapagkat
Magandang araw po sa
ang mag -bibigay ng panayam sa
inyong lahat. Hayaan
atin ay isa sa matagal nang guro
ninyong ibahagi ko ang
sa asignaturang Filipino.
balik-tanawRsa maikling
mmrr
Pagkatapos ng kanyang
Mad kasaysayan ng wikang
panayam, maaring mag -tanong
pambansa noong panahon
kaugnay ng isang paksang
ng Hapon,Pagsasarili at
kanyang tatalakayin.
Hangang sa Knasalukuyan.
Pasalubungan natin siya ng
masigabong palakpakan

4
Sagutin mo ang mga sumusunod na pamprosesong tanong.
1. Ano-ano ang mga makabuluhang pangyayaring mapapansin sa itaas?
___________________________________________________________

2. Mahalaga bang malaman ang kasaysayan ng pinagmulan ng wika?


Patunayan
___________________________________________________________

3. Bakit kailangan pang pag-aaralan ang mga kasaysayan sa pag-unland ng wikang


pambansa? Ipaliwanag
______________________________________________________________

4. Sa iyong palagagay, totoo nga kayang ang wika ay malaking bahagi upang
makapagbuklod ang mga mamayan? Ipaliwanag
________________________________________________________________________

5.Kailangan bang isulong ang pagtataguyod ng wikang pambansa? Bakit?


_________________________________________________________________

ANO ANG DAPAT MALAMAN?

Basahin at Unawain

Akda Tungkol sa Kasaysan ng Wikang Pambansa

Alam mo ba na ...

Ang Kasaysayan ay mula sa salitang Griyego ”historia” na ang kahulugan ay


“inkuwiri,kaalamang nakuha mula sa imbestigasyon”. Nagmula din sa salitang
–ugat na “saysay “ ang kasaysayan na nangangahulugan ng kabuluhan
,kahalagahan,at katuturan .Maaring bigyang- kahulugan ang kasaysayan
bilang isang salaysay na may saysay sa isang pangkat ng tao.

5
Kasaysayan sa Pag-unlad sa Wikang Pambansa

Panahon ng Hapon
Sapilitang ipinaturo ng Nihongo at inalis ang Ingles. Naging masigla ang
mga Pilipino sap ag gamit ng saliring wika. Sumigla ang panitikang Pilipino
gaya ng nobela at maikling kuwento

Panahon ng Pagsasarili
Pagkaraan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nagtagumpay ang
pagturo ng wikang pambansa na tinawag na Pilipino sa isang kautusang
nilagdaan ng nagging kalihim Jose Romero ng Pagturo. Dala ng
malaking pangangailangan ng mga tagasubaybay sa pagtuturo ng
Pilipino, nadagagan ng dalawa ang bilang ng tagamasid sa Punong
Tanggapan. Ang Maynila ay nagkaroon naman ng isa bagama’t wala
ang nasa lalawaigang Tagalog at di-tagalog
Naging opisyal na wika ang Tagalog at Ingles. Nagging midyum sa
mga paaralan ang Ingles at asignatura ang Pilipino. Nagkaroon na ng
aklat na para sa Pilipino. Marami ang pag-aaral na isinagawa sa wika
upang magamit itong panturo.

Panahon sa Kasalukuyan
Nagpatupad ang Patakarang Bilingguwal ang Kagawaran ng Edukasyon
At sinimulang ipatupad ito ng taong 1974 sa mababang paaralan,
Sekondarya, at tersarya sa lahat ng paaralan ng bansa. Lalong pinagtibay
Ang implementasyon ng Patakarang Bilingguwal noong 1987. Bilang
Pagpapatuloy ng pagpapaunlad sa Filipino upang magamit mula
Elementarya hanggang sekondarya, nagtatag ng maraming samahang
Nagpasigla sa panitikan na ang gamit ng wika ay Filipino. Higit na
Lumaganap ang paggamit ng wika, pag-aaral sa wika at nagkaroon ng
Intelektuwalisasyon, estandardisasyon, at elaborasyon ng Filipino

Kautusang Pangkagawaran Blg. 24 – Ipinalabas noong 1962 ng


Kalihim ng Edukasyon, Alejandro Roces nag-uutos na mula sa taong-
Aralan 1963-1964, ipinalilimbag ang lahat ng sertipiko at diploma ng
Pagtatapos sa wikang Pilipino.

Kautusang Tagapagpaganap Blg. 60 – Ipinag-utos si Pangulong


Diosdado Macapagal na awitin ang pambansang awit ng Pilipino.
Saligang-batas ng 1973 – Dapat gumawa ng Batasang
Pambansang ng mga hakbang tungo sa paglinang at pormal na
Adapsyon ng isang panlahat na wikang pambansa na tatawaging Pilipino.

Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 - Hulyo 19, 1974 – Nilagdaan


ng kalihim ng Edukasyon at Kultura, Juan Manuel ang pagpapairal ng
Edukasyong Bilingguwal sa mga paaralan simula sa taong-panuran 1974-
1975

6
Kautusan Blg. 22 - Hulyo 21, 1978 – Nilagdaan
ni Kalihim, Juan Manuel na simula sa taong panuruan 1979- 1980,ituturo
ang 6 na yunit ng Pilipino sa kolehiyo.

Kautusang Tagapagpapaganap Blg. 1179(1981) - Pagpapalit


ng pangalan ng Surian ng Wikang Pambansa (SWP) sa Linangin ng mga
Wika sa Pilipinas (LWP)

Batas Republika Blg. 7104(1986) – Nilikha ang Komisyon sa Wikang


Filipino (KWF)

Karagdagang Kaalaman

Mga Salita /Pahayag sa Pagsalaysay ng Kasaysayan

Sa pagsulat ng kasaysayan higit na malawak ang salaysay ng nakaraan. Higit na


mahabang panahon ang saklaw nito. Sa pagsulat rin ng kasaysayan, hindi tinatangka ng
sumusulat na makarating sa isang kasukdulan ng mga pangyayari, kundi isinasalaysay
ang nakaraang mga pangyayari.
Gumagamit karaniwan ng mga salita o pahayag na nagsalaysay ng bahagi ng
anumang kasaysayan tulad ng: noon, buhat, kapag, hanggang, umpisa, nang, mula
nang, sa kasalukuyan, noong nakaraang buwan, noong unang panahon, paglipas ng,
hanggang ngayon, simula ng, at iba pa.
Pagsulat ng mga Dapat Tandaan sa Sanaysay na Pangkasaysayan
Isang akdang pampanitikan ang sanaysay na naglalahad ng matalinong opinion,
makatuwirang pagninilay ng mga kaisipan at damdamin batay sa karanasan, opinion at
palagay ng may akda. Anumang bagay ay maaring paksain .Ito ay may kahulugang sanay
sa pagsasalaysay.Isang tuluyan din ang sanaysay na karaniwang maikli.
Sa pagsulat ng sanaysay na pangkasaysayan karaniwang ang paglalahad ay maingat,
maayos, at mabisa. Pinipiling mabuti ang pananalitang ginagamit at ang paksa’ypinag-
uukulan ng isang masusing pag-aaral at pagsusuri
May paglalahad ng mga pangyayari sa paraang malinaw na karaniwang may batayan

Sanggunian:
.Jocson, Magdalena O Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino,Vibal
Group Inc.2016

7
ANO ANG NATUTUNAN?

GAWAIN 2 : Alamin Mo….Ipaliwanag Mo…


Panuto : Ibigay at ipaliwanag ang kahulugan ng mga salitang pangkasaysayan nang
ayon sa pagkakagamit sa binasang akda. Gamitin sa sariling pangungusap.

SALITA KAHULUGAN
vvv PALIWANAG

1 Ikalawang Digmaan Pandaigdig


2 implementasyon
3. .pagpapaunlad
4. lumaganap
5.nagtatag

GAWAIN 3 : Natutunan Mo….Iguhit Mo…


Gumuhit ng simbolo na nagpapakita ng inyong natutunan ng nilalaman ng batas,
kautusang tagapagpaganap at kautusang pangkagawaran, Kopyahin sa short bond paper
.

KASAYSAYAN NG PAG-UNLAD
A NG WIKANG PAMBANSA
PAMPAMBANSAPAMBANSA

Kautusang Patakara
263. Ipinag-uutos
Tagapagpaganap Blg.
Kautusang

Kautusang Saligan
Pangkaga Tagapagpa ng g-batas Batas Kautus
waran Blg. paganap Bilingguw ng 1973 Republi ang
25 - Hulyo Blg. al noong ka Blg. Tagapa
1179(1981) 1987 7104(1 ganap
19, 1974
986) Blg. 60

8
Paunlarin

Gramatika

GAWAIN 4. Pahayag
Isulat sa patlang ang mga salita o pahayag na ginagamit sa pangungusap na
nagpapahayag ng salaysay ng kasaysayan ng wikang pambansa
1. Noong 1935, pagkalipas ng dalawang taon, Tagalog ang naging wikang pambansa ng
Pilipinas.
_______________________________________________________________________
2. Maraming pa rin ang mga kritiko ang paggamit ng wikang pambansa bilang wikang panturo
at mula nang mangyari ito mas dumami pa ang nagtanggol dito.
_______________________________________________________________________
3. Hanggang ngayon, isang katotohanan na maraming mga Pilipino ang hindi matanggap ang
Filipino bilang wikang pambansa.
_______________________________________________________________________
4. Sana noon at ngayon, huwag mabago ang mamamayan ang pagpapahalaga sa wikang
pambansa, maipakita sana ito.
_______________________________________________________________________
5. Noong unang panahon, may sariling palaybaybayan na ang Pilipinas na tinatawag na
baybayin.
_______________________________________________________________________

rPaunlarin
GAWAIN 5. Natutunan Ko…Gamitin Ko….
Gamitin sa sariling pangungusap ang bawat salita o pahayag. Pumili ng isang panahon sa
kasaysayan ng wikang pambansa na tinatalakay sa aralin na maging batayang paksa sa
pagbuo ng sariling pangungusap.

SALITA/PAHAYAG PANGUNGUSAP

1.noon
2.buhat
3.hanggang
4.umpisa
5.nang
6.mula ng
7. noong unang panahon
8.pagkalipas ng

9
9. hanggang ngayon
10.buhat ng

Paglilipat

Gawain 6 : Pagsulat ng Sanaysay

Sumulat ng isang sanaysay na tumatatalunton sa isang partikular na yugto ng


kasaysayan ng wikang pambansa Lagyan ng sariling pamagat.
(Isulat ang gawain sa malinis na bondpaper)
Gawing batayan ang kasunod na kraytirya:

Kraytirya 4 3 2 1

Maayos ang organisasyon ng pagkakasulat ng sanaysay (may


panimula,gitna,wakas).

Bunga ng pananaliksik ang nilalaman ng sanaysay.

Nasusunod ang batayang paksa na ginagamit sa pagsulat

Isinaalang-alang ang mekaniks sa pagsulat na wastong bantas ,wastong


gamit ng Malaki at maliit na letra at kalinisan ng gawain.

Kabuuan

Pagpapakahulugan
4-Lubos na Naisagawa 2-Bahagyang Nasagawa
3- Nasagawa 1-Hindi naisa

Tasahin

10
A. Punan ng tamang salita/pahayag sa pagsalaysay ng kasaysayan ng wikang
pambansa ng mga pangyayari ang sumusunod na mga pangungusap.

1.Pinahahalagahan pa rin _____________-______ang pag-aaral ng iba pang wika sa


Pilipinas.

2.__________ ang mga salita ay ginawang wikang-Filipino bilang pagpapahalaga sa wika.

3.Kumilos ang Komisyon sa Wikang Filipino ng Wikang Filipino _________lumabas ang


jejemon.

4_______________, ginagawa ng pamahalaaan ang lahat upang mapanatili ang pagamit


ng wikang pambansa sa iba’t ibang sitwasyon o pagkakataon.

5.Ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika tuwing Agosto _________.

B. Basahing mabuti ang mga sumusunod na tanong. Bilugan ang titik ng wastong
sagot.

1. Ito ang tawag ng kasalukuyang pambansang wika ng Pilipinas.


a. Ingles c. Filipino
b. Nihonggo d. Pilipino
2. Aling saligang batas na gumawa ng kaukulang hakbang tungo sa paglinang
at pormal na adapsyon ng panlahat na wikang Pambansa
a. Saligang batas 1973 c. Saligang batas 1935
b. Saligang batas 1980 d. Saligang batas 14 sek 6 ng 1934

3. Sapilitang ipinaturo ng Nihongo at inalis ang Ingles. Naging masigla ang


mga Pilipino sap ag gamit ng saliring wika. Sumigla ang panitikang Pilipino
gaya ng nobela at maikling kuwento
a. Panahon ng Hapon c. Panahon ng Pagsasarili

b. Panahon sa Kasalukuyan d. Panahon ng Kastila

4. Nagpatupad ang Patakarang Bilingguwal ang Kagawaran ng


Edukasyon.
a. Panahon ng Hapon c. Panahon ng Pagsasarili
b. Panahon sa Kasalukuyan d. Panahon ng Kastila

5. Naging opisyal na wika ang Tagalog at Ingles. Nagging midyum sa


mga paaralan ang Ingles
a. Panahon ng Hapon c. Panahon ng Pagsasarili
b. Panahon sa Kasalukuyan d. Panahon ng Kastila

11
Mga Sanggunian:

Aklat
.Jocson, Magdalena O Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino,Vibal
Group Inc.2016 (Senior High School -Department of Education)

Galing sa Net

www.google.com
https://www.pinterest.ph/pin/12736811424992322/
https://www.depednegor.net/uploads/8/3/5/2/8352879/filipino_9_lm_draft_3.24.2014.pdf
hhttps://brainly.ph/question/2754803
https://www.pinterest.ph/pin/515310382337211551/

SINOPSIS

12
MGA SAGOT:
Ang Sariling-Linangan Kit (SLK) na ito ay
tumatalakay sa mga pangyayari na naganap sa kasaysayan ng
wikang pambansa sa Pilipinas. Makatutulong ang kaalaman saGawain 4.
kasaysayan pinagdaanan ng pag-unlad ng wikang pambansa 1. Noong 1935,pagkalipas ng
upang mahasa ang pag-unawa at mapalawak ng mag-aaral sa dalawang taon
pagpapahalaga at pagmamahal ng wikang pambansa bilang 2. Mula nang mangyari ito
mga mamamayan sa bansang Pilipinas. 3. Hanggang ngayon
4. Noon at ngayon
Ang mga mag-aaral ay inaasahang maipamalas ang 5. Noong unang panahon
kanilang pag-unawa at pagpapahalaga sa kasaysayan sa
pag-unlad ng wikang pambansa. Tasahin
A.
Tayo na at samahan mo kami sa paglalakbay upang 1. hangang ngayon
malalaman ang mga kasaysayan na naganap sa pag-unlad ng
2. Nagsimulang
wikang pambansa sa Pilipinas.
3. nang
4. Sa kasalukuyan
5. taon-taon
B.
1. C
May-Akda: JUDALINE S. COMISO. 2. A
Nagtapos sa University of Cebu sa kursong 3. A
Bachelor of Secondary Education with area of 4. B
Specialization – Values Educ.&Filipino, taong 5. C
PICTUR 1998. Nakapagtapos din sa kanyang post-graduate studies M.Ed
major in Administratio&Supervision taong 2004, Doctor in
Development Education taong 2015 at MA.Ed major in Filipino
Language Teaching taong 2017 sa Cebu Technological University.
E
Kasalukuyang nagtuturo sa Mandaue City Comprehensive National
High School bilang guro sa (SHS) Grade11 at Grade leader.

SCHOOLS DIVISION OF MANDAUE CITY

13
NIMFA D. BONGO, Ed.D., CESO V
Schools Division Superintendent

ESTELA B. SUSVILLA, Ph.D., CESO VI


Assistant Schools Division Superintendent

JAIME P. RUELAN, Ed.D.


Chief Curriculum and Implementation Division

ISMAELITA N. DESABILLE, Ed.D.


LRMDS, Education Program Supervisor

FELICITAS C. MAGNO, MAEd


Education Program Supervisor in Filipino

_JUDALINE S.COMISO
Writer

DEPARTMENT OF EDUCATION REGIONAL OFFICE

SALUSTIANO T. JIMENEZ, Ed.D. JD, CESO VI


Regional Director

DR. EMELIANO B. ELNAR, JR.


Chief, Curriculum and Learning Management Division

MAURITA F. PONCE
LRMDS-Education Program Supervisor

DR. ELAINE PERFECIO


Filipino Regional Education Program Supervisor

14
15

You might also like