You are on page 1of 17

11

Filipino
Komunikasyon at Pananaliksik
sa Wika at Kulturang Filipino
Modyul 7: Pag-unlad ng Wikang
Pambansa
KARAPATANG SIPI ©2020

Filipino – SHS Baitang 11


Komunikasyon – Modyul 7 : Pag-unlad ng Wikang Pambansa

Isinasaad ng Batas Republika 8293, sekyon 176 na “Walang aangkin ng


karapatang-ari ng anumang akda na gawa ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay gagamitin upang pagkakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang karapatang-ari ng mga hiniram na kagamitan (tulad ng awit, kuwento, tula,


larawan, ngalan ng produkto, tatak atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay taglay ng may-akda
at ng tagapaglathala nito. Ginawa ang lahat ng paraan upang mahanap at makuha ang
pahintulot ng nagmamay-ari na magamit ang mga nabanggit na kagamitan. Hindi
kinakatawan maging inaangkin ng tagapaglathala at ng mga may-akda ang karapatang-ari
sa mga ito.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Panrehiyong Direktor: Gilbert T. Sadsad


Kawaksing Panrehiyong Direktor: Jessie L. Amin

Mga Bumuo ng Modyul

Manunulat: Cierel G. Edma


Editor: Dorothy H. Gabion Imelda G. Narvadez
Daryl R. Orenciada Mary Ann Rimpola
Tagasuri ng Nilalaman: Nora J. LAguda Sharon A. Vito
Ana Maria B. Gojar Emma D. Gonzales
Gumuhit ng Larawan: Jotham D. Balonzo
Nagdisenyo ng Pahina: Rey Antoni S. Malate; Jotham D. Balonzo; Albert H. Noga

Kagawaran ng Edukasyon• Rehiyon V (Bicol)


11
Filipino
Komunikasyon at Pananaliksik sa
Wika at Kulturang Pilipino

Modyul 6-Kasaysayan ng Wikang


Pambansa

Ang kagamitang ito ay nabuo sa tulong ng pampublikong kaguruan,


tagamasid sa Filipino at mga kaagapay sa sektor ng edukasyon, Hinihikayat
ang inyong pagtugon, puna at mungkahi sa ikauunlad ng kagamitan

Lubos naming pinahahalagahan ang inyong mga tugon, puna at


mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon• Rehiyon V (Bicol)


Paunang Salita

Bilang tugon sa makabagong tunguhin sa pagkatuto ay binuo ang serye ng


modyul na ito. Nilalaman nito ang mga lubhang mahahalagang kasanayang
pampagkatuto o Most Essential Learning Competencies (MELC) sa ilalim ng
kasalukuyang kalagayan ng edukasyon. Upang matugunan ang hamong
kinakaharap sa edukasyon, kalusugan at kaligtasan malaking tulong ang modyul na
ito sa patuloy na pag-aaral ng kabataan sa loob at labas ng paaralan sa
pakikipagtulungan ng mga magulang at tagagabay
Inaasahan na ang modyul na ito ay higit na makatutulong sa paglinang ng
kasanayan at kakayahan ng mga mag-aaral.

Para sa Tagagabay:
Upang lalong kagiliwan ng mag-aaral at maging kapaki-pakinabang ang
modyul na ito, tiyaking makapagbigay ng oryentasyon sa mga mag-aaral,
magulang, o sinomang miyembro ng pamilya kung paano gagamitin at iingatan
ang modyul na ito.

Ipabatid na kailangang magkaroon ng sariling sagutang papel ang bawat


mag-aaral para sa paunang pagsubok, mga gawain sa bawat bahagi at panapos
na pagsubok. Kung tapos nang sagutin ang modyul na ito, ipaalala sa mag-aaral
na kaagad itong ibalik sa guro para sa kaukulang tunguhin.

Para sa mag-aaral:

Inihanda ang modyul na ito para sa iyo.


Kailangan mong sundin at saguting mag-isa ang
mga gawaing nasa loob nito. Huwag kang mag-
alala, kayang-kaya mo ito. Tiniyak kong matutuwa
ka habang natututo.
Ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mong
susulatan at iwasang mapunit ang mga pahina.
Gumamit ka ng sagutang papel o ang iyong
kuwaderno. Sige, simulan na natin!

2
Kasaysayan ng Wikang Pambansa

Panimula:
Napakahalaga ng isang wika. Ito ang nag-uugnay ng sambayanan. May
sariling kasaysayan ang ating wikang pambansa., tulad din ng ibang wika.Ang
kahalagahan ng wika ang naging patnubay sa pataluntunan sa masalimuot na
landas tungo sa pagkakaroon ng wikang pambansa.

Ikaw ba ay gumagamit ng wika?

Nais mo bang malaman ang kasaysayan ng wika?

Halika umpisahan mo ng alamin..

Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang


nakatutukoy ang mga pinagdaanang
pangyayari/kaganapan tungo sa
pagkakabuo at pag-unlad ng wikang
Pambansa. Layunin

Ito ang mga bagong salita na dapat mong kilalanin para sa


araling ito.

Talasalitaan

3
Basahin natin.
Kasaysayan
Malimit ko itong naririnig ano nga ba ito?

Agham na naglalarawan
at sumusuri sa makabuluhang
pangyayari na naganap.

Ito ay tumutukoy sa
isang wikang
Wikang Pambansa ginagamit nang
pasalita at pasulat ng
mga mamamayan ng
bansa.
Nag-iisang wikang
ginagamit batay sa Filipino ang
kultura ng lipunan. pambansang wika
ng Pilipinas

Ano ba ang alam mo na sa ating aralin,


subukin mo nga?

Panimulang Gawain

Basahin ng mabuti ang bawat tanong, at isulat ang tamang sagot sa iyong kuwaderno.
1. Siya ang tinaguriang Ama ng Wikang Pambansa
a. M.L Quezon c. L.K. Santos
b. J.P. Rizal d. F. Baltazar
2. Ama ng Balarilang Filipino ay si ______
a. M.L. Quezon c. L.K. Santos
b. J.P. Rizal d. J.E. Romero
3. Sa konstitusyong ito matatagpuan ang patunay sa probisyon ng wikang
Pilipino_____
a. Art. XIV, Sek. 6-9 c. Art. XVI, Sek 4-6
b. Art. XIV, Sek. 3-6 d. Art. XIX, Sek. 4-6
4. Ang patakaran hinggil sa paggamit ng at paglinang ng kasanayan sa
dalawang wika ay tinatawag na edukasyong ______
a. Multilingwal c. Trilinggwal
b. Monolinggwal d. Bilinggwal

4
5. Ito ang saligan ng Wikang Pambansa sa dahilang ito’y nahahawig sa
maraming wikain sa bansa_______
a. Tagalog c. Kastila
b. Ingles d. Hapon

Binabati kita. Natapos mo ang unang pagsubok.


Alamin natin sa pahina ____ ang wastong sagot sa mga tanong.
Saang antas ka nabibilang?
5 tamang sagot – NAPAKAHUSAY
3-4 tamang Sagot – MAGALING
1-2 tamang sagot – PAGBUBUTIHAN PA
0 tamang sagot – KAYA MO YAN

O, diba kayang-kaya mong sagutan ang mga mga


katanungan.

Halika, may inihanda pa akong babasahin para sa


iyo.

Mga Gawain sa Pagkatuto:


Iakma sa araling tinatalakay)
Basahin mo.
KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA
Panahon ng mga sinaunang Pilipino Ang mga katutubo ay may sarili ng
alpabeto at sistema ng pagbaybay na
mas kilala sa tawag na Alibata.

Panahon ng Kastila Ipinakilala nila ang kanilang sariling


bersyon ng alibata, ang abecedario o
ang alpabetong Espanyol.

Panahon ng Propaganda at Himagsikan Maraming naisulat na panitikan sa


wikang Tagalog- tula,sanaysay,kuwento
at iba pa na hitik sa damdaming
makabayan.

Panahon ng Amerikano Ginamit ang wikang Ingles bilang


pangunahing instrumento sa pagtuturo
kaya ang hispanisasyon ng mga kastila
ay napalitan ng Amerikanisasyon.

5
1935
1936

Pebrero 8, 1935
October 27, 1936
Artikulo XIV sec. 3 ng konstitusyong 1935 ang
Nilikha ang Surian ng Wikang Pambansa na gagawa
bagong wika ay ibabase sa mga kasalukuyang
ng pag-aaral sa wikang katutubo.
katutubong wikang mayroon sa ating bansa.

Nobyembre 13, 1936


Nagkaroon ng Unang Hakbangin Pinagtibay ang batas komonwelt
ang Pilipinas ang magkaroon ng blg. 184 na limikha ng Surian ng
wikang Pambansa Wikang Pambansa at itinakda ang
kapangyarihan nito.

Ipagpatuloy mo ang
pagbasa at sagutin ang mga tanong.

November 9, 1937 1937


Pagtibayin ang Tagalog Hinirang ni Pang. Quezon ang
bilang saligan ng wikang mga kagawad ng Surian ng
Pambansa. Wikang Pambansa.
Enero 12,
Nobyembre 13,1937 Disyembre 30, 1937
Ang unang Pambansang Asemble Sa pamamagitan ng kautusang
ang siyang bumuo sa Institusyon ng tagapagganap blg. 134 ng Pang. Quezon.
Ang wikang Pambansa ay ibabatay.
Wikang Pambansa.
1940

Hunyo 7, 1940 April 1,1940


Batas komonwelt Blg.570, mula sa hulyo Ipinalabas ang kautusang na
4, 1946 ang wikang pambansa ay isa sa nagtadhana ng paglilimbag ng
mga opisyal na wika ng bansa. isang balarila at isang diksyunaryo
1954 sa wikang pambansa.

Marso 26, 1954


Ipinag-utos ni Pangulong
Agosto 12, 1959
Magsaysay ang taunang
pagdiriwang ng Linggo ng Tinawag na Pilipino ang wikang
pambansa na nilagdaan ni
Wikang Pambansa.
1959 Kalihim Jose Romero ang
Kagawaran ng Edukasyon ang
Kautusang Blg 7.

Oktubre 24,1967

Nilagdaan ni Pang. Marcos na 1967


ang lahat ng mga gusali at mga
tanggapan ng pamahalaan ay
ipangalan sa Pilipino

6
Marso 1968 Agosto 7, 1969

Marso 1968 Kalihim ng Nanawagan sa


Tagapagpaganap na si Rafael Salas na mga pinuno at
ang lahat ng pamuhatan ng liham ng empleyado ng
mga kagawaran at mga sangay nito ay pamahalaan si
maisulat sa Pilipino.
1969 Ernesto Maceda
na dumalo sa
mga seminars sa
Pilipino na
idinaraos ng
Agosto 17, 1970 Surian ng Wikang
Pagpapalabas ni Alejandro Pambansa upang
Melchor ng Memorandum Sirkular maipalaganap
1970 ang wikang
Blg. 384 nagtalaga ng mga may
kakayahang tauhan upang pambansa
mamahala ng lahat ng
komunikasyon sa Pilipino.

Marso 4, 1971
Marso 16, 1971 1971 Pinalabas ni Alejandro
Melchor ang
Nilagdaan ni Pang. Ferdinand Memorandum Sirkular
Marcos ang Kautusang Blg. 443 na lahat ng
Tagapagpaganap Blg. 304 tanggapan ng
Nililiwanag ang kapangyarihan at pamahalaan magdaos
tungkulin ng Surian ng Wikang ng palatuntunan para
Pambansa. sa kapanaganakan ni
Balagtas.

Hulyo 29,1971

Memorandum Sirkular 1973 Agosto 7, 1973


Blg. 488 lahat ng
tanggapan ng Resolusyong nagsasaad
pamahalaan magdaos ng na gagamiting midyum ng
palatuntunan sa pagtuturo sa lahat ng
pagdirwang ng Wikang paaralan ang Pilipino.
Pambansa , Agosto 13-19

Hunyo 30, 1976


1974
Hunyo 19, 1974 Department Memo
no. 194- Ang
Nilagdaan ni Kalihim Juan naturang revised
Manuel ang Kautusang Filipino Alphabet ay
Pangkagawaran Blg. 25 para 1976 binuo ng 31 na letra.
sa pagpapatupad ng
Edukasyong Bilingwal.

7
Ipagpatuloy mo.

Sa pagpasok ng 1987
Kailan tayo nagkaroon ng Konstitusyon ay
Wikang Pambansa na Filipino? nagkaroon tayo ng
Wikang Pambansa na
Filipino.

Dito rin pinalabas ni Kalihim


Lourdes R. Quisumbing ng
Departamento ng Edukasyon ang
kautusan ng paggamit ng Filipino
bilang wikang panturo sa lahat ng
antas. Bakit sa kasalukuyang
panahon, pilit na inaalis ang
Filipino sa pagtuturo sa kolehiyo?

Setyembre 9, 1989 pinalabas ng


Kalihim Quisumbing ang
Kautusang Tagapagpaganap
blg.335 na nag-uutos na gamitin
ang Filipino sa lahat ng
komunikasyon at transaksiyon
ng pamahalaan.

Patunay lamang ito na hindi kailanman


maaaring alisin ang wikang Filipino sa
ating bansa bagkus ito ay pagyamanin at
paunlarin.kung kaya ang Alpabeto nito ay
mas lalong pinagyayaman at isinasaayos.
Anong taon natin yun sinimulan?

Agosto 25, 1988 Kautusang


Tagapagpaganap blg. 335 ay
ipinalabas ni Pang. Corazon Aquino na Taong 1987 ang
nagtadhana ng komisyong pangwika. Alpabetong Filipino ay
Kung kaya patuloy ang pag-aaral binubuo ng 28 letra
tungo sa kaunlaran ng Wikang
Pambansa.

8
Yehey! Nasiyahan ka ba sa ating talakay? Magaling! kung ganun natutuwa ako

at unti- unti mong nalalaman ang tungkol sa kasaysayan ng ating wikang pambansa.

Ituloy nating upang mapalawak pa ang iyong kaalaman sa paksa na ating


tinatalakay. Handa ka na ba?

Ano’ng mahahalagang impormasyon ang iyong nalaman?

Makatutulong kaya ang mga ito sa iyong pag-aaral?

Markahan sa ibaba ang antas ng iyong pagkaunawa:

Lubos na naunawaan
Naunawaan
Naguluhan

Simulan mo na ang iba’t ibang gawain.


Basahing mabuti ang mga pangungusap sa ibaba.
___________________________________

Panuto: Tukuyin kung kailan naganap ang mga


sumusunod na pangyayari sa pag-unlad ng Wikang
Pambansa. Isulat ang titik ng tamang sagot
sa linya na nasa ibaba ng timeline. Pagsasanay 1

1.Pebrero 8,1935-----2.Oktubre 27, 1936-----3.Nobyembre 9,1937-----


_______ _______ _______

4.Abril 1,1940----- 5. Marso 26, 1954-----6.Agosto 12,1959 ----


_______ _______ _______

7.Octobre 24,1967-----8. Marso 16,1971----9.Agosto 7,1973----


_______ _______ _______

10.Setyembre 9,1989 ______

9
A. Ipinag-utos ni Pang. Magsaysay ang taunang pagdiriwang ng Linggo ng Wikang
Pambansa.
B. Lahat ng gusali at tanggapan ng pamahalaan ay ipangalan sa Pilipino.
C. Nililiwanag ang kapangyarihan at tungkulin ng Surian ng Wikang Pambansa.
D. Ipinalabas ang kautusan ng paglimbag ng isang balarila at isang Diksyunaryo sa
Wikang Pambansa.
E. Pagtibayin ang Tagalog bilang saligan ng Wikang Pambansa.
F. Nilikha ang Surian ng Wikang Pambansa
G. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 na nag-uutos na gamitin ang Filipino sa lahat ng
komunikasyon at transaksiyon ng pamahalaan.
H. Ang Alpabetong Filipino ay binubuo ng 28 na letra.
I. Resolusyong nagsasaad na gamiting midyum ang pagtuturo sa lahat ng paaralan ang
Pilipino.
J. Ang bagong wika ay ibabase sa mga kasalukuyang katutubong wika.
K. Tinatawag na Pilipino ang Wikang Pambansa.

Kamusta ang unang pagsasanay? MADALI ba o MAHIRAP?


Tingnan ang sagot sa pahina ____.
Nakuha mo bang lahat ng wastong sagot sa pagsasanay 1?
Kung nakuha mo nang lahat, ikaw ay MAHUSAY!
Maaari mo nang gawin ang Pagsasanay 2.
Kung mababa sa 3, balikan mong muli ang hindi mo nakuha at pag-aralang muli at
pagkatapos, magpatuloy na sa pagsasanay 2.

Pagsasanay 2 Tukuyin ang mga kontribusyon ng ilang naging


Pangulo ng bansa sa pag-unlad ng ating
Wikang Pambansa sa tulong ng kasunod na timeline.

QUEZON MAGSAYSAY MARCOS AQUINO RAMOS

_________ _________ _________ _________ _________


_________ _________ _________ _________ _________
_________ _________ _________ _________ _________
_________ _________ _________ _________ _________
_________ _________ _________ _________ _________
_________ _________ _________ _________ _________
_________ _________ _________ _________ _________
_________ _________ _________ _________ _________
_________ _________ _________ _________ _________
__ _ ____ _ ________

10
RUBRIK NG PAGSUSURI
PAMANTAYAN BAHAGDAN

Nilalaman
Kaugnay na paksa 20% 50
Kalinawan sa paglalahad 20%
Orihinalidad 10%
Organisasyon
Kaisahan 10% 30
Pagkakaugnay 10%
Diin 10%
Mekaniks
Wastong gamit ng salita 5% 20
Bantas 5%
Baybay 5%
Pagpili ng mga wastong salita 5%
Kabuuan 100

Ang galing-galing mo! Natapos mo ang Pagsasanay 2.

Saang pagsasanay ka nahirapan? Pagsasanay 1 Pagsasanay 2

Gayunpaman binabati kita sa iyong tagumpay.

Balikan ang mga natutuhan sa naunang mga


gawain upang masagutan ang
sumusunod na pagsasanay. Pagsasanay 3

Panuto: Basahin ang panayam kay Virgilio


Almario, tagapangulo ng Komisyon sa
Wikang Filipino. Suriing mabuti ang pahayag ni Almario at gumawa ng isang
sanaysay hinggil dito.

____________________________________
MANILA, Pilipinas – Tuwing Agosto, ipinagdiriwang ng Filipinas ang kahalagahan ng
wikang Filipino sa pang-araw-araw na pamumuhay at sa pag-unlad ng bayan.
Nasaan na tayo sa pagpapaunlad ng wikang nauunawaan at ginagamit ng lahat ng
Filipino? Paano patuloy na maitataguyod ng bawat Filipino ang pambansang wika?
Panoorin ang aming panayam kay Virgilio Almario, tagapangulo ng Komisyon sa
Wikang Filipino.
Bakit po "Filipino: Wika ng Pagkakaisa" ang tema ng Buwan ng Wika ngayong
2014?
Una, gusto naming gunitain na isa sa mga layunin nang iproklama ang pagkakaroon
ng isang wikang pambansa batay sa katutubong wika ay 'yung lunggati, 'yung
aspiration na itong wika na ito ay maging sagisag para magbuklod ang mga Filipino.
Ikalawa, kaya rin namin naisip ito: Noong isang taon, nagkaroon kami ng isang
Summit Conference for Peace na ginawa namin sa Bukidnon. Dito, inimbita namin
ang mga pangkat etniko.

11
Doon lumabas ang malaking problema ng mga lumad natin: Ang lahat daw kasi ng
mga dokumento tungkol sa kapayapaan, tungkol sa kanilang kapakanan, nasa
Ingles. Kahit daw 'yung mga form lamang ng pag-register sa kanila ay nasa Ingles.
Kaya sabi nila, ang kanilang hiling, baka dapat – lalo ngayong nagkakaroon ng mga
kasunduang pangkapayapaan sa Mindanao – eh baka dapat Filipino ang gamitin, sa
halip na Ingles.
Iyong ganoong kahilingan, para sa amin, ay bahagi na rin ng diwa na hindi tayo
nagkakaisa, kasi iyong ating wika ay, di ba, hindi magkamukha, hindi magkatulad?
Ano po ang estado ng wikang Filipino?
Kung ang pag-uusapan dito ay kung ito ba ay ginagamit ng mamamayan, natitiyak
ko na ginagamit na ito ng halos lahat ng tao sa Filipinas, magmula sa Batanes
hanggang sa Tawi-Tawi. Nalibot ko na 'yung lahat halos ng pook sa Filipinas, at
hindi ako kailanman gumamit ng Ingles.
________________________________________

PAMANTAYAN BAHAGDAN
RUBRIK sa pagsulat ng sanaySay
Nilalaman
Kaugnay na paksa 20% 50
Kalinawan sa paglalahad 20%
Orihinalidad 10%
Organisasyon
Kaisahan 10% 30
Pagkakaugnay 10%
Diin 10%
Mekaniks
Wastong gamit ng salit 5% 20
Bantas 5%
Baybay 5%
Pagpili ng mga wastong salita 5%
Kabuuan 100

Bilib na talaga ako sa iyo. Nasagutan mo lahat na


pagsasanay. Iwasto mo ang iyong mga kasagutan sa pahina
___.
Anong naramdaman mo matapos malaman ang
resulta ng iyong pagsisikap?

  

Ang bahaging ito ng modyul ay susukat sa mga natutuhan mo


sa loob ng aralin. Huwag kang matakot dahil alam kong kayang-kaya
mo ito. Huling pagsubok na lamang ito na kailangan mong sagutin.

Panapos na Pagsubok
Panuto: Sumulat ng isang talumpati hinggil sa sitwasyon ng ating wika sa panahon
ngayon ng Pandemic may epekto ba ito sa pag-unlad ng wikang pambansa?

12
Gamitin ang Rubrik na ito sa pagsulat ng iyong talumpati.
Kategorya Napakahusay Mahusay Kasiya-siya Kulang sa kasanayan Iskor
5 4 3 2
Nilalaman Lubhang malinaw Malinaw ang Sapat lamang Hindi sapat ang
,mapanghikayat at ginawang ang ginawang ginawang pagtalakay
komprehensibo ang ginawang pagtalakay sa pagtalakay sa sa paksa may
pagtalakay sa paksa. paksa sa paksa upang kakulangan sa
pamamagitan ng matugunan ang hinihinging
kompletong mga inaasahang impormasyon.
paglalahad ng impormasyon.
mga kailangang
impormasyon.
Organisasyon Napakaayos ng paglalahad at Buo at maayos ang mga bahagi Kulang ang mga
Buo ang diwa at maayos ang ang pahayag ng ng pangungusap bahagi ng
pahayag ng bawat pangungusap upang mabuo pangungusap upang
pangungusap. ang pahayag mabuo ang pahayag

Yehey!
Malapit mo nang matapos ang araling ito. Iwasto ang
iyong mga sagot sa pahina ____.
Ilang bituin kaya ang iyong matatanggap? Suriin sa ibaba.

 nagawa lahat  1 hindi nagawa


 2 hindi nagawa  3 pataas hindi nagawa

Ang ganda ng aralin natin.

Ang dami kong natutuhan.

Na-enjoy ko rin ang mga gawain at


pagsasanay.

Karagdagang Gawain

Panuto: Suriing mabuti ang iyong mga pinag-aralan. Bakit sinasabing matalik na
magkaugnay ang wika at kultura? Pangatwiranan ang iyong sagot.

Sa wakas ay narating mo ang dulo ng aralin. Ang


saya-saya ko at napagtagumpayan mo ang mga
pagsasanay at gawain.

Ang husay mo kid!

13
Susi sa Pagwawasto

Panimulang Pagsubok

1. a
2. c
3. a
4. d
5. a

Pagsasanay 1
1. J 6.K
2. F 7. B
3. E 8.C
4. D 9.I
5. A 10.H

Pagsasanay 2
Gamit ang Rubrik
Pagsasanay 3
Gamit ang Rubrik

Panapos na Pagsubok
Gamit ang Rubrik

MGA SANGGUNIAN:

Website:
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Pilipinas https://prezi.com/km1g4touj4vc/ang-
kasaysayan-ng-wikang-pambansa/

Kahulugan ng wikang pambansa. Scribd.com/381590592/wikang


pambansa/.by.Novelita Figura.

Kasaysayan ng wikang pambansa.http://www.facebook.com/by Sherwin Paul


Carino.

Aklat:
Aggabao, Teresa R. et al.Sining ng Komunikasyon para sa mga Kolehiyo at
Pamantasan.Ferprint Manila Philippines,1999

Bernales, Rolando A. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Pilipino.Malabon City, Mutya Publishing house Inc.,2016.

14
Para sa iba pang tanong at puna, maaaring sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V

Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500

Mobile Phone: 0917 1781288

Email Address: region5@deped.gov.ph

You might also like