You are on page 1of 19

11

Filipino
Komunikasyon at Pananaliksik
sa Wika at Kulturang Filipino
Modyul 7: Pag-unlad ng Wikang
Pambansa
Filipino – SHS Baitang 11
Komunikasyon – Modyul 7 : Pag-unlad ng Wikang Pambansa

Isinasaad ng Batas Republika 8293, sekyon 176 na “Walang aangkin ng karapatang-ari


ng anumang akda na gawa ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunman, kailangan muna ang pahintulot ng
ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay gagamitin upang pagkakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.”

Ang karapatang-ari ng mga hiniram na kagamitan (tulad ng awit, kuwento, tula, larawan,
ngalan ng produkto, tatak atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay taglay ng may-akda at ng
tagapaglathala nito. Ginawa ang lahat ng paraan upang mahanap at makuha ang pahintulot ng
nagmamay-ari na magamit ang mga nabanggit na kagamitan. Hindi kinakatawan maging inaangkin
ng tagapaglathala at ng mga may-akda ang karapatang-ari sa mga ito.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Panrehiyong Direktor: Gilbert T. Sadsad Kawaksing


Panrehiyong Direktor: Jessie L. Amin

Mga Bumuo ng Modyul

Manunulat: Cierel G. Edma


Editor: Dorothy H. Gabion Imelda G. Narvadez
Daryl R. Orenciada Mary Ann Rimpola
Tagasuri: Nora J. LAguda Sharon A. Vito
Ana Maria B. Gojar Emma D. Gonzales
Tagaguhit: Jotham D. Balonzo
Tagalapat: Rey Antoni S. Malate; Jotham D. Balonzo; Albert H. Noga; Brian Navarro
Paunang Salita

Bilang tugon sa makabagong tunguhin sa pagkatuto ay binuo ang serye ng modyul na


ito. Nilalaman nito ang mga lubhang mahahalagang kasanayang pampagkatuto o Most
Essential Learning Competencies (MELC) sa ilalim ng kasalukuyang kalagayan ng
edukasyon. Upang matugunan ang hamong kinakaharap sa edukasyon, kalusugan at
kaligtasan malaking tulong ang modyul na ito sa patuloy na pag-aaral ng kabataan sa loob at
labas ng paaralan sa pakikipagtulungan ng mga magulang at tagagabay
Inaasahan na ang modyul na ito ay higit na makatutulong sa paglinang ng kasanayan
at kakayahan ng mga mag-aaral.

Para sa Tagagabay:
Upang lalong kagiliwan ng mag-aaral at maging kapaki-pakinabang ang modyul na ito, tiyaking makapagbigay
Ipabatid na kailangang magkaroon ng sariling sagutang papel ang bawat mag-aaral para sa paunang pagsubok,

Para sa mag-aaral:
Inihanda ang modyul na ito para sa iyo. Kailangan mong sundin at saguting mag-isa ang mga gawaing nasa lo
Ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mong susulatan at iwasang mapunit ang mga pahina. Gumamit ka ng sa

ii
Kasaysayan ng Wikang Pambansa

Panimula:
Napakahalaga ng isang wika. Ito ang nag-uugnay ng sambayanan. May sariling
kasaysayan ang ating wikang pambansa., tulad din ng ibang wika.Ang kahalagahan ng wika
ang naging patnubay sa pataluntunan sa masalimuot na landas tungo sa pagkakaroon ng
wikang pambansa.

Ikaw ba ay gumagamit ng wika?

Nais mo bang malaman ang kasaysayan ng wika?

Halika umpisahan mo ng alamin..

Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang nakatutukoyangmgapinagdaanang pangyayari/kaganapantun

Layunin

1
Ito ang mga bagong salita na dapat mong kilalanin para sa
araling ito.

Basahin natin.
Talasalitaan

Kasaysayan
Malimit ko itong naririnig ano nga ba ito?

Agham na naglalarawan
at sumusuri sa makabuluhang
pangyayari na naganap.

Ito ay tumutukoy sa
Wikang isang wikang
Pambansa ginagamit nang
pasalita at pasulat ng
mga mamamayan ng
bansa.

Nag-iisang wikang Filipino ang


ginagamit batay sa pambansang wika
kultura ng lipunan. ng Pilipinas

2
Ano ba ang alam mo na sa ating aralin, subukin mo ng

Panimulang Gawain

Basahin ng mabuti ang bawat tanong, at isulat ang tamang sagot sa iyong kuwaderno.

1. Siya ang tinaguriang Ama ng Wikang Pambansa


a. M.L Quezon c. L.K. Santos
b. J.P. Rizal d. F. Baltazar

2. Ama ng Balarilang Filipino ay si


a. M.L. Quezon c. L.K. Santos
b. J.P. Rizal d. J.E. Romero

3. Sa konstitusyong ito matatagpuan ang patunay sa probisyon ng wikang


Pilipino
a. Art. XIV, Sek. 6-9 c. Art. XVI, Sek 4-6
b. Art. XIV, Sek. 3-6 d. Art. XIX, Sek. 4-6

4. Ang patakaran hinggil sa paggamit ng at paglinang ng kasanayan sa


dalawang wika ay tinatawag na edukasyong
a. Multilingwal c. Trilinggwal
b. Monolinggwal d. Bilinggwal

5. Ito ang saligan ng Wikang Pambansa sa dahilang ito’y nahahawig sa


maraming wikain sa bansa
a. Tagalog c. Kastila
b. Ingles d. Hapon

Binabati kita. Natapos mo ang unang pagsubok.


Alamin natin sa pahina 14 ang wastong sagot sa mga tanong.
Saang antas ka nabibilang?
5 tamang sagot– NAPAKAHUSAY 3-4 tamang Sagot – MAGALING
1-2 tamang sagot – PAGBUBUTIHAN PA 0 tamang sagot– KAYA MO YAN

3
O, diba kayang-kaya mong sagutan ang mga mga katanungan.

Halika, may inihanda pa akong babasahin para sa iyo.

Mga Gawain sa Pagkatuto:

Basahin mo.
KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA
Panahon ng mga sinaunang Pilipino Ang mga katutubo ay may sarili ng alpabeto
at sistema ng pagbaybay na mas kilala sa
tawag na Alibata.
Panahon ng Kastila Ipinakilala nila ang kanilang sariling bersyon
ng alibata, ang abecedario o ang alpabetong
Espanyol.
Panahon ng Propaganda at Himagsikan Maraming naisulat na panitikan sa wikang
Tagalog- tula,sanaysay,kuwento at iba pa na
hitik sa damdaming makabayan.

Panahon ng Amerikano Ginamit ang wikang Ingles bilang


pangunahing instrumento sa pagtuturo kaya
ang hispanisasyon ng mga kastila ay
napalitan ng Amerikanisasyon.

1935 1936

October 27, 1936


Pebrero 8, 1935
Nilikha ang Surian ng Wikang Pambansa na gagawa
Artikulo XIV sec. 3 ng konstitusyong 1935 ang
ng pag-aaral sa wikang katutubo.
bagong wika ay ibabase sa mga kasalukuyang
katutubong wikang mayroon sa ating bansa.

Nobyembre 13, 1936


Pinagtibay ang batas komonwelt
Nagkaroon ng Unang blg. 184 na limikha ng Surian ng
Hakbangin ang Pilipinas ang Wikang Pambansa at itinakda ang
magkaroon ng wikang kapangyarihan nito.
Pambansa

4
Ipagpatuloy mo ang
pagbasa at sagutin ang mga tanong.

November 9, 1937
1937
Pagtibayin ang Tagalog Hinirang ni Pang. Quezon ang
bilang saligan ng wikang mga kagawad ng Surian ng
Pambansa. Wikang Pambansa.
Enero 12,
Nobyembre 13,1937 Disyembre 30, 1937
Ang unang Pambansang Asemble ang Sa pamamagitan ng kautusang tagapagganap
siyang bumuo sa Institusyon ng blg. 134 ng Pang. Quezon. Ang wikang
Wikang Pambansa. Pambansa ay ibabatay.
1940

Hunyo 7, 1940 April 1,1940


Batas komonwelt Blg.570, mula sa hulyo 4,
1946 ang wikang pambansa ay isa sa mga Ipinalabas ang kautusang na
opisyal na wika ng bansa. nagtadhana ng paglilimbag ng isang
balarila at isang diksyunaryo sa
wikang pambansa.
1954
Marso 26, 1954
Ipinag-utos ni Pangulong Agosto 12, 1959
Magsaysay ang taunang
pagdiriwang ng Linggo ng
Tinawag na Pilipino ang wikang
Wikang Pambansa.
pambansa na nilagdaan ni Kalihim
1959 Jose Romero ang Kagawaran ng
Edukasyon ang Kautusang Blg 7.

Oktubre 24,1967

Nilagdaan ni Pang. Marcos na ang


lahat ng mga gusali at mga 1967
tanggapan ng pamahalaan ay
ipangalan sa Pilipino

5
Marso 1968 Agosto 7, 1969

Marso 1968 Kalihim ng Tagapagpaganap na si Rafael Salas na ang lahat ng pamuhatan ng liham Nanawagan
ng mga kagawaran
sa mgaatpinuno
mga sangay nito ay ma
at empleyado n

1969

Agosto 17, 1970

Pagpapalabas ni Alejandro Melchor ng Memorandum Sirkular


1970
Blg. 384 nagtalaga ng mga may kakayahang tauhan upang
mamahala ng lahat ng komunikasyon sa Pilipino.

Marso 4, 1971
Marso 16, 1971 1971 Pinalabas ni Alejandro Melchor ang Memorandum

Nilagdaan ni Pang. Ferdinand Marcos ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 304 Nililiwanag ang kapangyarihan at tungkulin ng Suria

Hulyo 29,1971

1973
Memorandum Sirkular Blg. 488 lahat ng tanggapan Agosto
ng pamahalaan magdaos ng 7, 1973
palatuntunan sa pagdirwang ng Wikang Pamban

Resolusyong nagsasaad na gagamiting midyum ng p

Hunyo 30, 1976


1974
Hunyo 19, 1974 Department Memo no. 194- Ang naturang revised

Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 para sa pagpapatupad ng Edukasyong Bilingwal.

1976

6
Ipagpatuloy mo.

Sa pagpasok ng 1987
Kailan tayo nagkaroon ng Konstitusyon ay
Wikang Pambansa na Filipino? nagkaroon tayo ng
Wikang Pambansa na
Filipino.

Dito rin pinalabas ni Kalihim


Lourdes R. Quisumbing ng
Departamento ng Edukasyon ang
kautusan ng paggamit ng Filipino
bilang wikang panturo sa lahat ng
antas. Bakit sa kasalukuyang
panahon, pilit na inaalis ang
Filipino sa pagtuturo sa kolehiyo?

Setyembre 9, 1989 pinalabas ng


Kalihim Quisumbing ang
Kautusang Tagapagpaganap
blg.335 na nag-uutos na gamitin
ang Filipino sa lahat ng
komunikasyon at transaksiyon ng
pamahalaan.

Patunay lamang ito na hindi kailanman


maaaring alisin ang wikang Filipino sa ating
bansa bagkus ito ay pagyamanin at
paunlarin.kung kaya ang Alpabeto nito ay
mas lalong pinagyayaman at isinasaayos.
Anong taon natin yun sinimulan?

Agosto 25, 1988 Kautusang


Tagapagpaganap blg. 335 ay ipinalabas ni
Pang. Corazon Aquino na nagtadhana ng Taong 1987 ang
komisyong pangwika. Kung kaya patuloy Alpabetong Filipino ay
ang pag-aaral tungo sa kaunlaran ng binubuo ng 28 letra
Wikang Pambansa.

7
Yehey! Nasiyahan ka ba sa ating talakay? Magaling! kung ganun natutuwa ako at unti-
unti mong nalalaman ang tungkol sa kasaysayan ng ating wikang pambansa.

Ituloy nating upang mapalawak pa ang iyong kaalaman sa paksa na ating


tinatalakay. Handa ka na ba?

Ano’ng mahahalagang impormasyon ang iyong nalaman? Makatutulong kaya ang mga ito sa iyong pag-a
Markahan sa ibaba ang antas ng iyong pagkaunawa:

Lubos na naunawaan Naunawaan Naguluhan

Simulan mo na ang iba’t ibang gawain.


Basahing mabuti ang mga pangungusap sa ibaba.

Panuto: Tukuyin kung kailan naganap ang mga


sumusunod na pangyayari sa pag-unlad ng Wikang
Pambansa. Isulat ang titik ng tamang sagot
sa linya na nasa ibaba ng timeline. Pagsasanay 1

1.Pebrero 8,1935-----2.Oktubre 27, 1936-----3.Nobyembre 9,1937-----

4.Abril 1,1940----- 5. Marso 26, 1954-----6.Agosto 12,1959 ----

7.Octobre 24,1967-----8. Marso 16,1971----9.Agosto 7,1973----

10.Setyembre 9,1989

A. Ipinag-utos ni Pang. Magsaysay ang taunang pagdiriwang ng Linggo ng Wikang


Pambansa.
B. Lahat ng gusali at tanggapan ng pamahalaan ay ipangalan sa Pilipino.

8
C. Nililiwanag ang kapangyarihan at tungkulin ng Surian ng Wikang Pambansa.
D. Ipinalabas ang kautusan ng paglimbag ng isang balarila at isang Diksyunaryo sa
Wikang Pambansa.
E. Pagtibayin ang Tagalog bilang saligan ng Wikang Pambansa.
F. Nilikha ang Surian ng Wikang Pambansa
G. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 na nag-uutos na gamitin ang Filipino sa lahat ng
komunikasyon at transaksiyon ng pamahalaan.
H. Ang Alpabetong Filipino ay binubuo ng 28 na letra.
I. Resolusyong nagsasaad na gamiting midyum ang pagtuturo sa lahat ng paaralan ang
Pilipino.
J. Ang bagong wika ay ibabase sa mga kasalukuyang katutubong wika.
K. Tinatawag na Pilipino ang Wikang Pambansa.

Kamusta ang unang pagsasanay? MADALI ba oMAHIRAP?


Tingnan ang sagot sa pahina 14. Nakuha mo bang lahat ng wastong sagot sa pagsasanay 1?
Kung nakuha mo nang lahat, ikaw ay MAHUSAY!
Maaari mo nang gawin ang Pagsasanay 2.
Kung mababa sa 3, balikan mong muli ang hindi mo nakuha at pag-aralang muli at pagkatapos, magp

Pagsasanay 2 Tukuyin ang mga kontribusyon ng ilang naging Pangulo ng


bansa sa pag-unlad ng ating
Wikang Pambansa sa tulong ng kasunod na timeline.

MAGSAYSAY MARCOS AQUINO RAMOS


QUEZON

9
RUBRIK NG PAGSUSURI

PAMANTAYAN BAHAGDAN

Nilalaman
Kaugnay na paksa 20% 50
Kalinawan sa paglalahad 20%
Orihinalidad 10%
Organisasyon
Kaisahan 10% 30
Pagkakaugnay 10%
Diin 10%
Mekaniks
Wastong gamit ng salita 5% 20
Bantas 5%
Baybay 5%
Pagpili ng mga wastong salita 5%
Kabuuan 100

Ang galing-galing mo! Natapos mo ang Pagsasanay 2.

Saang pagsasanay ka nahirapan? Pagsasanay 1 Pagsasanay 2

Gayunpaman binabati kita sa iyong tagumpay.

Balikan ang mga natutuhan sa naunang mga


gawain upang masagutan ang
sumusunod na pagsasanay. Pagsasanay 3

Panuto: Basahin ang panayam kay Virgilio


Almario, tagapangulo ng Komisyon sa
Wikang Filipino. Suriing mabuti ang pahayag ni Almario at gumawa ng isang
sanaysay hinggil dito.

MANILA, Pilipinas – Tuwing Agosto, ipinagdiriwang ng Filipinas ang kahalagahan ng


wikang Filipino sa pang-araw-araw na pamumuhay at sa pag-unlad ng bayan. Nasaan na
tayo sa pagpapaunlad ng wikang nauunawaan at ginagamit ng lahat ng Filipino? Paano
patuloy na maitataguyod ng bawat Filipino ang pambansang wika? Panoorin ang aming
panayam kay Virgilio Almario, tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino.
Bakit po "Filipino: Wika ng Pagkakaisa" ang tema ng Buwan ng Wika ngayong
2014?
Una, gusto naming gunitain na isa sa mga layunin nang iproklama ang pagkakaroon ng isang
wikang pambansa batay sa katutubong wika ay 'yung lunggati, 'yung aspiration na itong wika
na ito ay maging sagisag para magbuklod ang mga Filipino.

10
Ikalawa, kaya rin namin naisip ito: Noong isang taon, nagkaroon kami ng isang Summit
Conference for Peace na ginawa namin sa Bukidnon. Dito, inimbita namin ang mga
pangkat etniko.
Doon lumabas ang malaking problema ng mga lumad natin: Ang lahat daw kasi ng mga
dokumento tungkol sa kapayapaan, tungkol sa kanilang kapakanan, nasa Ingles. Kahit daw
'yung mga form lamang ng pag-register sa kanila ay nasa Ingles. Kaya sabi nila, ang kanilang
hiling, baka dapat – lalo ngayong nagkakaroon ng mga kasunduang pangkapayapaan sa
Mindanao – eh baka dapat Filipino ang gamitin, sa halip na Ingles.
Iyong ganoong kahilingan, para sa amin, ay bahagi na rin ng diwa na hindi tayo
nagkakaisa, kasi iyong ating wika ay, di ba, hindi magkamukha, hindi magkatulad? Ano
po ang estado ng wikang Filipino?
Kung ang pag-uusapan dito ay kung ito ba ay ginagamit ng mamamayan, natitiyak ko na
ginagamit na ito ng halos lahat ng tao sa Filipinas, magmula sa Batanes hanggang sa Tawi-
Tawi. Nalibot ko na 'yung lahat halos ng pook sa Filipinas, at hindi ako kailanman
gumamit ng Ingles.

RUBRIK sa pagsulat ng sanaySay

PAMANTAYAN BAHAGDAN

Nilalaman
Kaugnay na paksa 20% 50
Kalinawan sa paglalahad 20%
Orihinalidad 10%
Organisasyon
Kaisahan 10% 30
Pagkakaugnay 10%
Diin 10%
Mekaniks
Wastong gamit ng salit 5% 20
Bantas 5%
Baybay 5%
Pagpili ng mga wastong salita 5%
Kabuuan 100

Bilib na talaga ako sa iyo. Nasagutan mo lahat na pagsasanay. Iwasto mo ang iyong mga kasagutan sa pa
Anong naramdaman mo matapos malaman ang resulta ng iyong pagsisikap?

  

11
Ang bahaging ito ng modyul ay susukat sa mga natutuhan mo sa loob
ng aralin. Huwag kang matakot dahil alam kong kayang-kaya mo ito.
Huling pagsubok na lamang ito na kailangan mong sagutin.

Panapos na Pagsubok

Panuto: Sumulat ng isang talumpati hinggil sa sitwasyon ng ating wika sa panahon ngayon
ng Pandemic may epekto ba ito sa pag-unlad ng wikang pambansa?
Gamitin ang Rubrik na ito sa pagsulat ng iyong talumpati.

Kategorya Napakahusay Mahusay Kasiya-siya Kulang sa kasanayan Iskor


5 4 3 2
Nilalaman Lubhang malinaw Malinaw ang Sapat lamang Hindi sapat ang
,mapanghikayat at ginawang ang ginawang ginawang pagtalakay sa
komprehensibo ang ginawang pagtalakay sa pagtalakay sa paksa may
pagtalakay sa paksa. paksa sa paksa upang kakulangan sa
pamamagitan ng matugunan ang hinihinging
kompletong mga inaasahang impormasyon.
paglalahad ng impormasyon.
mga kailangang
impormasyon.
Organisasyon Napakaayos ng paglalahad at Buo Buo at maayos ang mga bahagi Kulang ang mga
ang diwa at maayos ang pahayag ang pahayag ng ng pangungusap bahagi ng
ng bawat pangungusap upang mabuo ang pangungusap upang
pangungusap. pahayag mabuo ang pahayag

Yehey!
Malapit mo nang matapos ang araling ito. Iwasto ang iyong mga sagot sa pahina 14.
Ilang bituin kaya ang iyong matatanggap? Suriin sa ibaba.

 nagawa lahat  1 hindi nagawa


 2 hindi nagawa  3 pataas hindi nagawa

12
Ang

Karagdagang Gawain
ganda ng aralin

Panuto: Suriing mabuti ang iyong mga pinag-aralan. Bakit sinasabing matalik na
magkaugnay ang wika at kultura? Pangatwiranan ang iyong sagot.

Sa wakas ay narating mo ang dulo ng aralin. Ang saya-saya ko at napagtagumpayan mo ang mga pagsasanay at
Ang husay mo kid!

13
Susi sa Pagwawasto

Panimulang Pagsubok
a
c
a
d
a

Pagsasanay 1

J 6.K
F 7. B 8.C 9.I 10.H
E
D
A

Pagsasanay 2
Gamit ang Rubrik
Pagsasanay 3
Gamit ang Rubrik

Panapos na Pagsubok
Gamit ang Rubrik

14
MGA SANGGUNIAN:

Website:
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Pilipinas https://prezi.com/km1g4touj4vc/ang-
kasaysayan-ng-wikang-pambansa/

Kahulugan ng wikang pambansa. Scribd.com/381590592/wikang pambansa/.by.Novelita


Figura.

Kasaysayan ng wikang pambansa.http://www.facebook.com/by Sherwin Paul


Carino.

Aklat:
Aggabao, Teresa R. et al.Sining ng Komunikasyon para sa mga Kolehiyo at
Pamantasan.Ferprint Manila Philippines,1999

Bernales, Rolando A. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Pilipino.Malabon City, Mutya Publishing house Inc.,2016.

15
Para sa iba pang tanong at puna, maaaring sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V

Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500 Mobile Phone: 0917 1781288
Email Address:

You might also like