You are on page 1of 6

Komunikaasyon at Pananaliksik

Kwento ng Wikang Pambansa (1st Video)

Wika- sinasalamin nito ang ating kalagayan ng mga Pilipino

Ito ay bumubuo sa ating pagiging Pilipino

Ito ay ang angkla ng ating pagkakakilanlan

Ito ay nagsisilbing koneksyon sa mga Pilipino sa loob at labas ng bansa.

Filipino- ang kalayaan at kaluluwa ng ating bayan

Marami ang humuhugot ng malalim, matalangihagang salita at ipinapakita ang puso at diwa ng pagiging makabayan

May mga negatibong isyu at kritisismo ang binabato tungkol nito.

Important pa ba to? Sa bayan? – hindi matatawaran ang importansya nito.

1934 1934 Nagsama-sama ang mga delegadong magbigay-daan sa pagbuo ng bagong konstitusyon ng pamahalaan para sa
Constitutional malayang Filipinas
Convention *** Nasa ilalim pa tayo ng Amerikano at nailatag nila ang sistemang pagtuturo ng wikang Ingles para sa publiko.
*Nanaig ang wikang Kastila at Ingles bilang opisyal na wika
Aug. 16, 1934 Nagsalita si Felipe R. Jose (delegado ng Mountain Province) sa kumbensyon. Nagsabi siya “Bago ako magsalita
nais kong ipaalam ang inihananda kong talumpati ay hindi nasa Ingles o Kastila kundi Tagalog”. Syempre, nagulat
ang mga delegado lalo na tinuloy niya ang kanyang pahayag. “kailangan natin ngayun ipakita sa daigdig na hindi
na tayo ay mamamayan sa silong ng bandila ng Espanya at Amerikano. Kailangan natin ngayon pa na mahalin
ang kalayaan at ang kaluluwa ng ating bayan, ang wikang sarili, sapagkat ang wika ay syang ginagamit sa isang
kasangkapan sa pagpapahayag ng damdamin. Sa pagtuklas ng karunungan at pagtatanggol ng mga karapatan. ”
Nov. 13, 1936 Commonwealth Nilikha ni Norberto Romualdez (father of law of national Language) ang Commonwealth Act No. 184 para itatag
Act No. 184 ang Surian ng Wikang Pambansa (SWP) upang mapag-aralan at pagtitibayin ang pagkakaroon ng isang
pangkahalatang wika
Jaime de Veyra (unang pinuno ng SWP)- isang kampyon ng panitikang Waray ang nangunguna sa SWP kasama
ang mga kasapi sa iba’t ibang rehiyon.
1. Cecilio Lopez (Tagalog)
2. Santiago Fonacier (Ilokano)
3. Filemon Sotto (Cebuano)
4. Casimiro Perfecto (Bikolano)
5. Felix S. Sales Rodriguez (Panay)
6. Hadji Batu (Mindanao)
7. Jaime de Veyra (Waray)
Nov. 9, 1937 Nagkasundo ang mga taga-SWP sa pagpili ng Tagalog dahil ito ginagamit ng mga manununlat, pahayagan,
publikasyon at karamihan sa mga mamamayan.
Dec. 31,1937 Sinang-ayunan ito ni Manuel L. Quezon (Ama ng Wikang Pambansa) at hinirang ang Tagalog bilang
pambansang wika ng Pilipinas.
1959 Nang nagsimulang tawagin ‘Pilipino’ ang ating wika upang malayo ito sa pagkokonekta sa tatak ng tagalog.
Hindi ito tinaggap ng mga grupong galing sa ibang rehiyon dahil para sa kanila, hindi pambansang wika ang
Pilipino dahil ito ay purong tagalog at walang representasyun ang ibang katutubong wika.
1960s Bumuo ang SWP ng mga bagong salita para sa wikang Pilipino na hango sa mga salitang Tagalog. Ginawa nila ito
upang palitan ng tuluyan ng mga hiram na salita ng mga banyaga.  nagkaroon ng dalawang kilusan
1963 LABAN SA WIKA: Inaakusahan ni Innoncencio V. Ferrer (Congressman ng Negros Occidental) ang wikang Pilipino
ay hindi konstitusyonal dahil ito lamang ang tagalog at walang inaambag ang ibang mga wika
BUKAS SA IBANG WIKA: Si Congressman Geruncio Lacuesta ang gumawa ng “Modernizing the Language
Approach Movement”. Gumawa rin siya nga mga “Anti-purist conferences ” at nagturo ng “Manila Lingua
Franca” na nagpapahiwatig sa bukas na paggamit ng mga salitang hango sa banyagang wika.

!!!!! Natalo ang kaso ni Innoncencio V. Ferrer sa Korte Suprema at nanahimik ang kilusan ni Geruncio Lacuesta
sa kanyang pagpanaw.
1971 Bumalik ang isyu tungkol sa pambansang wika. Maraming delegado na hindi tagalog ang gustong alisin ang
Constitutional pagkakaroon wikang pambansa. Nagkasundo ang mga delegado sa pamamagitan ng isang kompurmiso.
Convention
1973 Saligang Batas Ang batasang pambansa ay masasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunald at pormal na paggamit ng
ng 1973 pamabansang wikang Pilipino na nakabase sa Tagalog. (Artikulo XV, Seksiyon 3(2))
Dito nabuo ang bagong wikang Pambansa: ang Filipino
1987 Bagong Nilinaw nito ang mitihiing totoo payaminin ang Filipino bilang isang wikang Pambansa na gamit pa ang mga
konstitusyon ng ibang katutubong wika. Hindi na ito ang dating wikang Filipino na nakabase lamang sa Tagalog
1987
2000 Ayon sa SWS Survey tungkol sa “Karunungan ng mga Pilipino sa Pag-intindi, Paggamit at Pagsulat ng Wikang
Pambansa”, 85% nakakaintindi, 85% nakakabasa, 79% nakakapagsulat at 79% nakakapagsalita = malaking
porsyento ang ipinapakita ng mga nakakaintindi sa wikang pambansa sa buong Pilipinas totoong wika ng
bayan ang Filipino. Maraming kritiko ang hindi tanggap ang wikang pambansa dahil hindi ito nagrerepresenta ng
kanilang rehiyon.

8 pangunahing katutubong wika:


1. Ilocano
2. Tagalog
3. Hiligaynon
4. Tausug
5. Bikolano
6. Waray
7. Cebuano
8. Bisaya
170 na katutubong wika:
Tila Nawala sa isip ng karamihan ang sistematikong pagpili at pagsuri ng ating wikang Filipino. Para sa kanila,
pinapatay ng ’Filipino’ ang kanilang salita.  gawin nalang ang English bilang pangunahing wika. Marami ang
nagpapatupad ng ‘English First, English only’ policies. Ang paggamit ng wikang Ingles ay nagiging batayan ng
pagkakaroon ng mataas na antas sa lipunan.

Ayon sa SWS 2008 sa pag-iintindi ng mga Pilipino sa Wikang Ingles, 75% nakakabasa, 61% nakakapagsulat at
46% nakakapagsalita.

Jose Rizal- “Ang hindi magmahal sa sariling wika, daig pa ang hayop at malansang isda.”
Dapat pagyamanin ng kusa. Hindi naman masama gumamit ng banyagang wika o atutubong wika

Kahalagahan:

Kasaysayan ng Wikang Pambansa

Date BATAS/ KONSTITUSYON Deskripsyon


Nov. 1, 1897 SB Biak na Bato Kauna-unahang pagkilala sa Tagalog bilang opisyal na wika ng BAGONG TATAG NG PAMAHALAANG
REBOLUSYONARYO.
Artikulo VIII (Article 8) “Ang wikang Tagalog ay siyang magiging opisyal na wika ng Republika.”
Ito ay bunga ng masidhing pagkakaisa ng damdamin ng mga mamamayan dahil sa mga akdang
naisulat sa Tagalog noong sa panahon ng propaganda.
1901 Phil. Commission- Batas Nag-uutos sa paggamit ng Ingles bilang wikang panturo o midyum ng pagtuturo sa lahat ng paaralan.
Blg. 74
1931 Batas Komonwelt Blg. Ngtagulbilin sa paggamit ng mga wikang bernakular (dayalekto) bilang wikang pantulong sa pagtuturo
577 sa buong kapuluan sa buong taong araln 1932-1933
SB 1935 Artikulo XIV, (Manuel L. Quezon at Kongresista na si Wenceslao Vinzon)
Seksyon 3 Pormal na nag-aatas sa Kongresos na gumawa ng kinakailangang mga hakbang hinggil sa pagkakaroon
ng wikang Pambansa na ibabatay sa isa sa mga umiiral na wika sa Pilipinas.
Oct. 7, 1936 Batas Komonwelt Blg. Sa pangunguna ng puno ng Committee on Style sa Kongresos ni Kgg. Norberto L. Romualdez na
184 nagbigay-daan para maitatag ang ‘Surian ng Wikang Pambansa’
‘Surian ng Wikang Pambansa’-magsasagwa ng mga pag-aaral hinggil sa mga umiirl na katutubong wika
sa Pilipinas at mula doon ay pumili ng magiging batayan ng wikang pambansa.

Batayan
1. Ginagamit ng nakararaming Filipino na siyag wika ng Maynila na sentro ng kalakalan.
2. Ginagamit sa pagsulat ng pinakadakilang panitikan ng lahi
3. May pinakamaunlad na balangkas, mayamang mekanismo, at madaling matutuhan ng mga Filipino
4. Maraming salita na may pinakamalapit na hawig sa iba pang mga wika

Nov. 9, 1937 Tagalog- ito ang nakatugon sa lahat ng pamantayang inilatag ng lupon

Apr. 1, 1940 Kautusang Ito ay ang pagpapalimbag ng Diksyonaryong Tagalog-Ingles at ng “Balarila ng Wikang Pambansa” ni
Tagapagpaganap Blg. Lope K. Santos
263
Kautusang (Kalihim ng Pagtuturo Jorge Bocobo)
Pangkagawaran Blg. 1 Sinimulang ituro ang Wikang Pambansa sa ika-4 na taon sa mataas na paaralan at sa ikalawang taon
sa mga paaralang normal.

Feb. 17, 1942 Military Order Blg. 2 Unti-unting naitanghal bilang wikang pambansa ang Tagalog.
Iniutos din ang opisyal na mga wika sa Pilpinas ay Tagalog at Nihonggo.
SB 1943 sa Artikulo 9, Nagkaroon ng malawakang pagpapalaganap ng Filipinismo at ideolohiyang Hapones partikulana sa
Seksiyon 2 ilalim ng pamamahala ni Pangulong Jose P. Laurel
Laurel Constitution
Kautusang Nag-aatas sa pagtuturo ng wikang Tagalog sa lahat ng mga paaralan maging sa mga kolehiyo at
Tagapagpaganap Blg. 10 unibersidad.
Jul. 4, 1946 Batas Komonwelt Blg. Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa & ito pa rin ang ideneklarang opisyal na wika ng bansa.
570
Feb. 1956 Pagrerebisa sa salin ng Panatang Makabayan maging ang pagtuturo at pagpapaawit sa Lupang Hinirang
sa mga paaralan.
Aug. 13, Kautusan Sinimulang tawaging Pilipino sa panguguna ni Jose Romero (dating kalihim ng Kagawaran ng
1959 Pangkagawaran Blg. 7 Edukasyon) sa paniniwalang mas magiging katanggap-tanggap ang wikang pambansa sa bago nitong
pangalan.
Oct. 24, 1967 Kautusang Ang pagsasa-Filipino ng pangalan ng lahat ng gusali at mga tanggapan ng pamahalaan, letterheads, at
Tagapagpaganap Blg. 96 panunumpa sa tungkulin ng mga kawani ng pamahalaan.
Kautusang Nag-uutos na gamitin sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan, at iba pang sangay ng
Tagapagpaganap Blg. pamahalaan na gamitin ang Filipino sa mga opisyal na komunikasyon, transaksiyon at
187 korespondensiya.
Aug. 17, Memorandum SIrkular Nagsasaad na lahat ng korporasyong kontrolado at pagmamay-ari ng pamahalaan na tangkilikin ang
1970 Blg. 384 wikang pambansa.
SB 1973- Artikulo XV, “Ang Pambansang Asemblea ay dapat gumawa ng hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na
Seksiyon 3, Talata 2 adapsiyon ng panlahat na wikang pambansang tatawaging Filipino”
1970 Resolusyon Blg. 70 Nag-uutos na wikang panturo ang Pilipino sa antas ng elementarya.
1970 Resolusyon Blg. 73-7 Ang Ingles at Filipino ay isasama sa kurikulum mula sa unang baiting sa mababang paaralan hanggang
sa kolehiyo.
Jul. 21, 1978 Kautusan Pangministri Nag-uutos ng pagkakaroon ng anim nay unit ng Filipino sa lahat ng kurso sa antas tersiyarya at
Blg. 22 labindalawang yunit ng Filipino sa mga kursong pang-edukasyon.
6 units- all tertiary courses - education courses
SB 1987, Artikulo XUC, Seksyon 6: Ang wikang pambansa ng pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang ito ay dapat
Seksyon 6&7 payabungin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang mga wika.

Seksyon 7: Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo , ang mga wiakng opisyal ng Pilipinas ay
Filipino, at hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay
magsisilbing pantulong sa mga wikang panturo doon.
Aug. 5, 2013 Depinisyon ng FILIPINO Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Flipinas bilang wika ng komunikasyon, sa
(KWF, Aug. 5, 2013) pagbigkas at sa pagsulat na paraan, ng mga pangkating katutubo sa buong kapuluan. Sapagkat isang
wikang buhay, mabilis itong pinaunlad ng araw-araw at iba’t iabgn uri ng paggamit sa iba’t iabng antas
ng saliksik at talakayang akademiko ngunit sa paraang maungnayin at mapagtampok sa mga lahok na
nagtataglay ng mga malikhaing katangian at kailangang karunungan mula sa mga katutubong wia ng
bansa.
DECS Order Blg. 52 s. Implementasyon ng edukasyong bilingguwal sa bansa
1987
Memorandum SIrkular Nag-aatas ng pagsasama sa mga kurikulum ng siyam na yunit ng Filipino sa mga kolehiyo at
Blg. 59 pamantasan.
Proklamasyon lg. 1041 Pagbabago ng pagdiwang ng Linggo ng Wika sa Buwan ng Wika

You might also like