You are on page 1of 4

Tagalog

- Pangunahing wikang Republika ng Pilipinas na sinasalita ng mga taga Hilagang kapuluhan mariana
- wikang natural noong taong 1565.
-pinakamalaganap na sinasalita sa ating mga katutubong wika at sinasalita ng mga naninirahan sa
katimugang Luzon.

Pilipino
-Tawag sa mga taong mamamayan sa pilipinas.
-tawag sa mga nakatira sa Pilipinas.
- tawag sa lahi natin.

Filipino
-tawag sa asignaturang pinag-aaralan natin.
-asignaturang tinuturo n gating paaralan.
-wikang pambansa taong 1987.
- Ito ang wikang pinagtibay ng pambansang pamahalaan at ginagamit sa pakikipagugnayan at tinatawag
na tulay ng wika .

Purismo- mahigpit na pagtataguyod o paggigiit ng kadalisayan.


Taglish-pinag samang salita na Tagalog at Ingles.
Englog-(Ingles sa tagalog).
Diyalekto- barayti ng wikang nalilikha ng dimensyong heograpiko.
Dinamiko- wika y buhay at aktibo.
-mabilis na pagbabago.
Proto-Austronesian- pangalawa sa pinaka malaking angkan ng wika.

Disyembre 30, 1937 Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134

 Iprinoklama na ang Wikang Tagalog ang batayan ng wikang gagamitin sa pagbubuo ng Wikang
Pambansa.

Ayon sa pag-aaral ng SWP, may 7 dahilang kung bakit Tagalog ibinatay ang Pambansang Wika.

1. Higit na maraming panitikan ang naisulat sa tagalog.


2. Ginagamit ito ng nakararami.
3. Ito ay may pinakamayamang talasalitaan.
4. Ginagamit ito sa sentrong kalakalan.
5. Madali itong pag-aralan, matutunan at bigkasin.
6. Kaya nito pag-isahin ang iba’t ibang linggwahe ng ating bansa.
7. Gumagamit ng Tagalog ang karamihan sa mga bayaning nagbuwis ng buhay para sa ating
kalayaan.
Disyembre 30, 1937

 Bilang alinsunod sa tadhana ng Batas ng Komonwelt Blg 184,sa pamamagitan ng kautusang


tagapagpagana Blg. 134 ay
ipinahayag ng Pangulong Manuel L. Quezon na ang Wikang
Pambansa ng Pilipinas ay batay sa TAGALOG.
Ngunit maraming umalma at tumutol na mga mamayan ng bansa.

 Ang (SWP) Surian ng Wikang Pambansa ang naatasang pumili ng katutubong wika na
gagamiting basehan para sa pagbabalangkas at pagpapatibay ng wikang pambansa.
 Ito rin ang inatasan na magbigay ng preperinsya sa pinaka-
maunlad sa kayarian, nilalaman at panitikan na tinatanggap at ginagamit ng pinakamaraming
bilang ng mga pilipino.

 Gumawa ng rekomendasyon si Pangulong Manuel L. Quezon ang SWP na ang tagalog ang
gawing saligan ng wikang pambansa.Ngunit idinemanda ang Surian dahil sa kuwestiyon ng
legalidad ng pagkapili ng Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa gayon din ang
pagpapalaganap ng Pilipino bilang wikang pambansa.

 Pinagwagian ng Surian ang kaso sa Hukumang unang dinulugan.

Hulyo 15, 1970 ay nagpasya ang korte:

“Ang Tagalog bilang batayan ng ating wikang pambansa (na siyang pinakamalaganap na sinasalita sa
ating katutubong wika), ang hayag na pagpapahayag at pagkilala rito ng bayan at pamahalaan,sa
kapahintulutan ng Batas ng Komonwelt Blg. 570 na pinagtibay ng kongreso na ang wikang pambansang
Pilipino ay isa sa mga wikang opisyal na may bisa noong Hulyo 4, 1946.

 Dahil sa pangyayaring nabanggit, sa kasalukuyan, ang pinakaangkop na kahulugan ng wikang


pambansa ay ang wikang pinagtibay ng pamahalaan na gingamit sa pamamahala at pakikipag-
ugnayan ng mamayan at puspusang paggamit at pagpapalaganap ng wika bilang matatag na
pundasyon at pakikipag-ugnayan sa iba’t-ibang larangan-pampolitiko, panlipunan, pang-media,
pampanitikan, pang-edukasyon at iba pa.
 Alinsunod sa Batas ng Komonwelt Blg. 184,
 Itinatag ang SWP “na mag-aaral ng mga diyalekto sa pangkahalatan para sa layuning
magpaunlad at magpatibay ng isang pambangsang wikang batay sa isa sa mga umiral na wika”.
 Ang pagpili ng isang pambanasang wika ay ibinatay sa “pagkaunlad ng estruktura, mekanismo, at
panitikan na pawang tinatanggap at ginagamit ng malaking bilang ng mga pilipino.
 Sa madali’t salita, Tagalog ang napili.At pinili ang Tagalog sa ilalim ng pamumuno ni;

 Jaime C. de Veyra (Samar-Leyte)


 Santiago A. Fonacier (Ilokano)
 Filemon Sotto (Cebuano)
 Casimiro F. Perfecto (Bikol)
 Felix S. Salas Rodriguez (Panay)
 Hadji Butu (Moro)
 Cecilio Lopes (Tagalog)

Wikang Pilipino bilang Wikang Pambansa

 Taong 1943 nang tinukoy na ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Pilipino, na ibabatay sa
tagalog, alinsunod sa ipinasa ni kalihim Jose Romero(Department order no. 7)ng kagawaran ng
Edukasyon.
 Simula 1959, ito na rin ang ginamit sa panturo sa paaralan, ngunit nahinto nang pagtibayin ang
wikang Filipino bilang wikang Pambansa alinsunod a Artikulo 14 sec. 6 ng 1987 konstitusyon.
 Nang ipinatupad ang pagiging pambansang wika ng wikang Pilipino,
Umani ito ng malakas na pagtutol.
 Ang pagpili sa tagalog bilang batayan ng Wikang Pambansa ay lumikha ng mga di-tagalog at pro-
ingles.
 Pangunahin sa pagtutol dito ay ang mga Cebuano.
 Ang mga hindi-tagalog ay hindi nabigyan ng pagkakataon na maging parte ng pagpapayaman at
pagpapaunlad ng Pilipino
 Tagalog ang piniling saligan ng Wikang Pambansa sa kadahilanang ito’y
Nahahawig sa maraming wikain sa bansa.

 59.6% sa Kapampangan

 48.2% sa Cebuano

 46.6% sa Hiligaynon

 49.5% sa Bikol

 31.3% sa Ilokano
May dahilan kung bakit nagkakahawig-hawig ang mga wika sa Pilipinas.

 Lahat ng katutubong wika sa Pilipinas ay buhat sa iisang angkan.

 Ang orihinal na wikang pinagmulan ng ibat-ibang wika ay karaniwang tinatawag natin na wikang
proto ng angkan.

 Ang isa sa mga anak ng wika sa Pilipinas ay tinatawag nating Proto-Philippine.

Wikang Filipino BIlang Wikang Pambansa


European Union(23 opisyal na wika)

Canada ay PRANSES AT INGLES kahit estados Unidos ay walang nakitang pangangailangang


magproklama ng isang wikang pambansa.

TAGALOG AT PILIPINO- Ay hindi pareho ngunit hindi rin magkaiba.


Tagalog ay “Purista” at Filipino ay hindi guro-titser , pulong-miting.
Gasang –Cebuano at Taglog para sa “Coral”.
Kagasangan- Coral Reef
Terminong ingles para sa konsepto
“Koral Rif”
Nadagdagan ng letra ang Alpabeto -C, F,J,Ñ,,Q,V,X,Y at Z
Hal.
Dabaw- ay nagging Davao na.
Cañao – selebrasyon ng ifugao.

Sa Wikang INGLES
Filipino- wika
-pagkamamamayan

Philippines- ang bansa.

Sa Wikang FILIPINO
Pilipino-mamayan
Filipino-wika
PIlipinas- bansa

You might also like