Professional Documents
Culture Documents
Sagutin ang bawat tanong. Ipaliwanang nang mabuti (discuss comprehensively), bigyan ng halimbawa,
mga patunay na susuporta sa inyong pagtatalakay.
Nagbabago ang anyo ng morpema dahil sa impluwensya ng kaligiran nito. Ito ay tinatawag na mga pagbabagong
morpoponemiko. Narito ang mga uri nito;
Asimilasyon ang pagbabagong nagaganap sa /A/ o /ng/ dahil sa impluwensiya ng ponemang kasunod nito, isa
sa mga ponemang binibigkas nang pailong (balikan ang tsart) ang maaaring gamitin sa pagbabago.
Halimbawa:
pang- magiging pam-kapag napapasama sa /p/ at /b/
pang-+ magiging pan- kapag napapasama sa /d/, /l/, /r/, /s/, /t/
Asimilasyong parsyal ang naganap sa mga salitang pambayan, pandaigdig, panradyo, pantao, panlamay at
pansaka. Magiging ganap lamang ang asimilasyon kapag nawala ang unang ponema at napapasama na sa
kasunod.
Halimbawa:
Ang /d/ ay nagiging /r/
Halimbawa:
Metatesis ang pagbabago kapag nagkakapalit ng posisyon ang /I/ o /y/ na simula ng salitang – ugat at /n/ sa
gitlang – in na ikinakabit sa nasabing salitang – ugat.
Halimbawa:
-in + lukso = linukso = nilukso -in+lakbay = linakbay = nilakbay
Halimbawa:
Atip+-an = atipan = aptan Tanim+-an = taniman = tamnan
Halimbawa:
Ang pagsusudlong ay pagdaragdag ng isa pang hulapi sa salita gayong mayroon na.
Halimbawa:
Halimbawa:
Ipatayo ay nagiging patayo Magpabunot ay nagiging pabunot
Pag-aangkop ang tawag sa pagbabagong may pag-iisa ng dalawang salita, may pagkakaltas ding
kasama.
Halimbawa:
2. Ibigay ang katuturan ng mga sumusunod : ponolohiya, ponema (ano ano ang mga ito), ponemang segmental
(ano ano ang mga ito), ponemang suprasegmental (ano ano ang mga ito). Gumawa ng tsart ng katinig at patinig
ayon sa punto at paraan ng artikulasyon.
Ponolohiya o Palatunugan
Ang wika ay binubuo ng mga makahulugang yunit ng tunog na tinatawag na ponema. Ang tawag sa maagham na
pag-aaral ng mga ito ay ponolohiya.
Nahahati sa ponemang segmental at ponemang suprasegmental ang mga makahulugang tunog sa ponolohiya sa
wikang Filipino.
Ponemang Segmental ang tawag sa mga makahulugang tunog na inirerepresenta ng simbolo at mga titik na
maaaring katinig o patinig at nagsisilbing gabay sa pagbigkas. Ang mga ponemang katinig ay ang mga
sumusunod: /b/, /d/, /k/, /h/, /l/, /m/, /n/, / 𝜋 /, /)/, /p/, /r/, /s/, /t/, (Santiago Alfonso et. Al., 2003). Sa
pagiging Malaya ng paggamit ng walong dagdag na titik sa ating alpabeto, naitala sa aklat na Sining ng
Komunikasyon sa Akademikong Filipino nina Arrogante at mga kasama na maituturing na rin iyon (/f/, /j/, /v/,
/z/, /c/, /ñ/)na mga ponema/fonema sa Filipino.
Sumisimbolo sa digrapo o dalawang titik nang ponemang / 𝜋 / . samantala, ang ponemang /)/ naman ay
kumakatawan sa gitling at sa diing may impit (mga malumi at maragsa).
Pasara may b d g
tinig
Pasutsot s h
walang tinig
Pasulot may z
tinig
Frikativ f c
walang tinig
Frikativ may v j
tinig
pailong m n ñ 𝜋
Pagilid l
Pangatal r
Malapatinig y w
Sa punto ng artikulasyon ay inilalarawan kung saang bahagi ng bibig nagaganap ang pagbigkas ng isang
katinig.
Ponemang Suprasegmental
- Pag-aaral ng makabuluhang yunit ng tunog. Hini ito tinutumbasan ng letra o titik sa halip ay sinasagisag nito
ang notasyong ponemik upang mabanggit ang paraan ng pagbigkas” (Up Diksyonaryong Filipino)
- Sa pamamagitan ng ponemang suprasegmental nagiging higit na mabisa ang ating pakikipagtalstasan.
(Santiago at Tiangco)
- Sa pakikipag-usap, natutukoy natin ang kahulugan, layunin o intensiyon ng nagsasalita sa pamamagitan ng
ponemang suprasegmental: diin (stress), tono (tune), haba (lengthening), at hinto (juncture) sa pagbibigkas
at pagsasalita.
-
1. Haba – ito ay ang pagbigkas nang mahaba sa patinig (a, e, I, o, u) ng bawat pantig. Maaaring gumamit
ng tuldok (.) upang ipakita ang haba ng pagbigkas:
Halimbawa:
Bu.kas = nangangahulugang susunod na araw Bukas = hindi sarado
2. Diin – tumutukoy ito sa bigat ng pagbigkas sa isang pantig ng salitang binibigkas. Ang diin ay
tinutumbasan ng tuldik. Ang sumusunod ay apat na diin sa Filipino:
a. Malumay – binibigkas nang banayad at may diin o bigat sa penultima o ikalawang pantig ng salita.
Hindi ito tinutuldikan at maaaring magtapos sa patinig at katinig.
Halimbawa:
Dalaga Nanay
Lalaki Kanluran
Sarili Matahimik
talo malumay
b. Malumi – tulad ng malumay, ito ay binibigkas nang banayad subalit may impit o glottal stop sa
huling pantig ng salita. Nilalagyan ito ng tuldik na paiwa (‘)
Halimbawa
Batì dalamhatì
Batà talumpatì
Labì dambuhalà
Sukà mutà
c. Mabilis – binibigkas ito nang patuloy-tuloy at may diin sa huling pantig. Tinutuldikan ito ng palihis
(´).
Halimbawa:
Haimbawa:
Dukhâ salitâ
Kaliwâ butikî
Sampû panibughô
Pô apatnapû
3. Tono – nagbibigay-linawsa tunay na mensahe ng pahayag. Ang isang pahayag ay maaaring magkaroon
ng dalawa o higit pang kahulugan batay sa tono ng pagsasalita.
Halimbawa:
1. Maupo nang maayos. ( Pinauupo nang maayos)
maupo
maayos
3
nang 2
1
2. Maupo nang maayos. ( Babala)
nang
3
maayos
maupo
2
1
maayos
nang
3
maupo 2
4. Hinto/antala – ito ay saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensahe.
Maaaring gumamit ng simbolong kuwit (,), dalawang guhit na palihis (//) o gitling (-) upang ipakita ang
paghinto.
Halimbawa:
Si Mark Anthony// at ako.- (Ipinakilala niya ang sarili kasama si Mark Anthony
Si Mark//Anthony//at ako. - (ipinapakilala niya ang sarli kasama sina Mark at Anthony.
3. Ipaliwanag ang salik na kailangan upang makapagsalita ang tao?
Mayroon tatlong salik na kailangan ang tao upang makapagsalita. Ang interkasiyon nagaganap sa tatlong salik na
ito ay lumilikha ng alon ng mga tunog. At gaya ng alam natin, ang hangin ang nagiging midyum o pahatiran ng
mga alon ng tunog na siya naman nating naririnig. Ang mga salik ay ang pinanggagalingan ng lakas o
enerhiya ang enerhiya ay ang presyong nalilikha ng pagpalabas na hiningang galing sa baga na siyang
nagpapapalag sa mga babagtingang pantinig na siyang gumaganap na artikulador. Lumilikha ito ng
tunog na minomodipika ng bibig na siya namang nagiging patunugan o resonador. Ang itinutring na mga
resonador ay ang bibig at ang butas ng ilong.
Ang bibig ng tao ng tao ay may apat na bahaging mahalaga sa pagbibigkas ng mga tunog:
1. Dila at panga (sa ibaba)
2. Ngipin at labi (sa unahan)
3. Matigas na ngalangala (sa itaas)
4. Malambot na ngalangala (sa likod)
Nagbabagu-bago ang hugis at laki ng espasyo sa loob ng bibig dahil sa panga at sa dila na kapwa malayang
naigagalaw. Ang dila ay napaphaba, napapaikli, napapalapad, napapapalag, naitutukod sa ngipin o sa
ngalangala, naikukubkob, naililiyad o naiaarko ayon sa tunog na ibig bigkasin.