You are on page 1of 2

Aralin 11: Komunikasyong Di-Berbal

Sistema ng komunikasyon na di gumagamit ng salita


o Gumagamit tayo ng kilos ng katawan/tinig ng boses
Nakakapahayag ng kahulugan, tulad ng berbal
Meta Communication - Paggamit ng di berbal upang makatulong sa lalong
ikalilinaw ng mensaheng berbal (a.k.a. Second Order Message)
Komunikasyo ay 30% berbal at 70% di berbal Birdwhistell
Nakakatulong sa pagbigay-diin sa mensaheng berbal; pang-komplemento
Maaari rin kontrahin ng di berbal ang berbal na mensahe

I. Daluyan o Tsanel ng Di Berbal na Komunikasyon (De Vito, 2002)


1. Ang Katawan (Kinesics)
Sagisag (Emblem)
o Direktang pamalit sa mga salita/parirala
Tagapaglarawan (Illustrators)
o Ginagamit ang kamay/dalari upang maglarawan
Pagkontrol ng berbal na interaksiyonn (Regulators)
o Ginagamit ang kilos ng katawan upang i-monitor ang daloy ng
usapan
Pandamdam (Affects Display)
o Ang mga kilos ng katawan ay nagpapakita ng mga ekspresyong
berbal tungkol sa nadarama.
Kasangkapan sa pagsasagawa ng bagay (Adaptors)
o Ang kilos ng katawan ay nagsisilbing kasangkapan sa
pagsasagawa ng mga bagay
2. Ang Mukha
Nakakapagpakita ng mga emosyon, dahil sa mga muscle
Ang ekspresyon ng mukha ay hindi unibersal sa bawat kultura
Ang pagngiti ay maaring pagpapakita ng..mapahiya sa madla. (Maggay,
2002)
3. Ang Mata
Ang eye contact ay ang paraan kung paano natin pinagmamasdan an
gating kausap (Badayos, 2002).
Tinitignan natin ang kausap para kumuha ng feedback
Iniiwasan natin kapag hindi interesado sa paksa
Mahalaga ang paggamit ng tingin hindi lamang bilang pamamaraan ng
komunikasyon, kundi bilang kasangkapan sa pag-sasaayos n gating
lipunan (Maggay, 2002).
4. Espasyo o Distansya (Proxemics)
4 na uri ni Hall (1976)
o Intimate halos magkadikit na ang balat hanggang 18
o Personal mula 18 hanggag 4 piye (feet); comfort zone

o Sosyal 4-12 feet


o Pampubliko 12-25 feet
5. Ang mga Artifacts
Ang mga bagay na gawang-tao ay magagamit sa komunikasyon
Hinuhusgahan tayo batay sa itsura o sa suot
6. Paghipo (Haptics)
Ang paghipo ay nakapaghahatid ng ibat ibang mensahe
Ang paghipo ay naghahayag ng positibong pakiramdam
Hal. Pagtapik sa balikat, pagyakap
Palahipo tayo bilang isang kultura (Maggay, 2002).
7. Paralanguage
Mga tunog na di berbal na nagsasaad kung paao sinasabi ang isang
bagay (Badayos, 2000).
Kasama ang pitch, speed, volume etc
8. Pananahimik
Nangangahulugan ng di pag-sang-ayon. Malamang tayoy nagbibigay
galang, ayaw manakit ng damdamin (Maggay, 2002).
9. Oras o Panahon (Chronemics)
Komunikasyong Temporal (Chronemics)
10. Pang-amoy
Komunikasyong olfactory paggamit ng pang-amoy sa
pagpapakahulugan ng mensahe

You might also like