You are on page 1of 3

Aralin 10: Komunikasyong Berbal

I. Komunikasyong Berbal
Paggamit ng wika
o Pagpapabatid ng kahulugan
o Pagpapahayag ng ating iniisip at saloobin
o Upang lumikha at magpanatili ng mabuting relasyon sa kapwa
Kabilang banda
o Sirain at pigilan ang mga makabuluhang pakikipag-usap
Ipinaliwanag ni De Vito (2003) ang ilang katangian ng wika bilang sistema ng
komunikasyon
II. Ang Wika at Kahulugan
Ang kahulugan ng wika ay nagmumula sa tao
o Ngunit, maaari ring magbago na rin ang pakahulugan niya sa mga
nakaraan o dating mensahe
o Bypassing (De Vito) Kapag hindi nagtutugma and pagpapakahulugan
ng sender at ang receiver.
Pareho ang kahulugan ng sinasabi, ngunit ibang mga salita ang
ginagamit
Gumagamit ng magkatulad na salita, ngunit nagpapahayag ng
magkaibang kahulugan
Ang kahulugan ng wika ay nakabatay sa konteksto
o Ang berbal at di-berbal na komunikasyon ay umiiral sa loob ng isang
konteksto
o Ang konteksto ang siyang nagtatakda sa kahulugan nito
Ang wika ay kapwa denotatibo at konotatibo
o Denotatibo tiyak at literal na kahulugan; galling sa diksyunaryo
o Konotatibo Pang-emosyonal o saloobin
o Snarl and Purr words (Hayakawa, 1990)
Snarl Highly Negative
Purr Highly Positive
Ang wika ay maaring tahas o maligoy
o Tahas frank; Maligoy malabo
o Tahasang pananalita nagpapahayag ng tiyak na pagpapakahulugan
o Di tuwirang pananalita pagpapahayag ng kahulugan sa isang maligoy
na paraan
o Ang wika ay isang katutubong pamamaraan ng pagpapahayag na dituwirang ipinaaabot ngunit nababatid at nahihiwatigan ng matalas na
pakiramdam at matunog na pagbabasa ng mga berbal at di berbal na
palatandaang kaakibat nito. Maggay (2002)
Ang wika ay institusyong pangkultural
o Ang mga tuntunin ay institusyong pangkultural. Hindi sila unibersal na
batas kung kayat maaring magkaiba-iba sa bawat kultura.

III. Epektibong Paggamit ng Berbal na Mensahe


Ang wika ay sumasagisag lamang sa realidad, hindi ito ang realidad
o Pagtingin sa wika bilang realidad (Oryentasyong Intensyunal)
Tignan ang tao, bagay o pangyayari batay sa kung ano ang sinabi
ng ibang tao o kung anong leybel ang ikinapit sa kanila.
o Oryentasyong Ekstensyunal tignan muna at suriin ang aktwal na tao,
bagay o ang pangyayari, saka pagtugmain ang mga leybel na ikinapit sa
kanila
Ang wika ay nagpapahayag ng kapwa katotohanan at hinuha
o Masasabing factual kung itoy resulta o bunga ng matamang pagmamasid
o Hinuha ay imperensyal; mula sa obserbasyon at batay lamang sa palagay
Ang wika ay halos istatik
o Ebalwasyong Istatik Tendensiyang panatilihin ang mga ebalwasyong
ibinibigay natin sa mga tao o bagay samantalang sa katotohana, may
nangyari nang pagbabago sa kanila
o Mental Date (De Vito, 2003) Maispanahon ang mga pakahulugan sa
isang akto ng komunikasyon
Maisasagawa sa pamamagitan ng pagbanggit kung kalian ito
totoo o nangyari
Ang wika ay nakapagkukubli ng mga pagkakaiba sa pagitan ng mga tao at
pangyayari
o Indiskriminasyon Pagkaibong makita o mabigyang pagkakaiba ang
mga tao/pangyayari bagamat may pagkakaiba
o Stereotype Isang de-kahong paglalarawan sa isang pangkat ng mga
tao na ikinakapit natin sa baway taong bahagi ng pangkat na iyon na
walang pagsasa-alang-alang sa indibidwal na katangian nila.
o Pag-iindeks mental na pagsasaalang-alang ng pagkakaiba ng mga
tao/bagay/pangyayari bagamat nasasakopt sila ng isang leybel/kategorya

You might also like