You are on page 1of 5

Villasoto, Ira Mhae D.

Mga Natatanging Diskurso

ESFL 3-1 G. Del Rosario

NATATANGING DISKURSO SA WIKA

I. PAGPAPALIWANAG

1. Maaari ba na ang isang diskurso ay may isa o higit pang pamamaraan? Patunayan at
magbigay ng halimbawa.

 Sa isang diskurso, hindi imposible ang pagkakaroon ng isa o higit pang pamamaraan
dahil maaaring ang pamamaraan ng ating pagdidiskurso ay ibabatay sa ating layunin.
Isang patunay at halimbawa ay ang pampublikong talumpati na isang halimbawa ng
diskursong pasalita. Sa pagtatalumpati maaaring hindi lamang iisa kundi ang apat na
pamamaraan ay pupwedeng magamit. Una ay ang pasalaysay o narativ na binigyang
pagpapakahulugan bilang pangungusap na naglalahad ng isang katotohanang bagay.
Dapat bigyan ng katuturan ang sinasabi. Sa pagtatalumpati, maaaring ang
tagapagsalita ay nagbibigay o nagsasalaysay ng katotohanan sa mga tagapakinig.
Sunod naman ay ang pamamaraang paglalahad o ekspositori na kung saan ito ay
kinikilala bilang anyo ng pagpapahayag na naglalayong mabigyang-linaw ang isang
konsepto o kaisipan, bagay o paninindigan upang lubos na maunawaan ng nakikinig o
bumabasa. Ang pamamaraang ito ay maaari paring pumasok sa pagtatalumpati
kasabay nang naunang pamamaraan dahil sa isang talumpati mayroong nagaganap na
paglilinaw at pagpapaliwanag. Ang ikatlong pamamaraan naman ay ang
pangngangatwiran o argumentatib, na kung saan ito ay may layuning manghikayat at
magpapaniwala sa pamamagitan ng makatwirang mga pananalita. Ito ay muli pa ring
papasok at magagamit sa pagtatalumpati dahil maaaring ikaw ay nagbibigay
argumento na siyang makapaghihikayat o makaimpluwensya sa iyong mga
tagapakinig. At ang huli ay ang paglalarawan o deskriptiv na pamamaraan na
itinuturing na isang anyo ng diskurso na nagpapahayag ng sapat na detalye upang
makalikha ng isang larawan na aayon sa inilalarawan. Ang paglalarawan ay maaari pa
ring gamiting pamamaraan dahil maaaring mas maging epektibo ang pagbibigay o
paglalapat natin ng impormasyon kung mas nauunawaan ito ng ating mga
tagapakinig. Ang apat na pamamaraan ay maaaring gamitin ng sabay sabay upang
mapagbuti at maging epektibo lalo ang pagtatalumpati o pagdidiskurso.

2. Bigyang katuturan ang mga naging tungkulin ng Wika. Ipagpares pares ito at saka bigyan
ng pagpapaliwanag, ang tanging walang kapares any ang imahinatibo.

 Instrumental at Regulatori- ang instrumental ay may tungkuling magmanipula


upang maganap ang dapat mangyari, habang ang regulatori naman ay ang tungkulin
ng wika na pumipigil o kumukontrol sa mga pangyayari kaugnay ng dapat asalin o
ikilos sa tiyak na sitwasyon. Ang dalawang tungkulin ng wika na ito ay may
pagkakahalintulad sa isa’t isa dahil sila ay kumokontrol, nagmamanipula sa posibleng
kahantungan at ninanais na maganap. Maaaring sa regulatori ay may pagkontrol sa
pangyayari, sa instrumental naman ay pagmamanipula upang maganap o makuha ang
isang pangagailangan.
 Representasyon/Informativ at Interaksyunal- ang representasyon/informativ ay
ang tunguhin na naghahatid ng mga katotohanan at kaalaman, nagpapaliwanag o
nagrereport ayon sa nakikitang mga kaganapan, at ang intersyunal naman ay
paggamit ng wika sa pakikisalamuha sa kapwa upang mabuo ang panlipunang
ugnayan sa pagitan ng bawat tao. Sila ay may pagkakatulad sa paraan na nagbabahagi
ka ng impormasyon karamay ang tungkulin ng wika na makapaghatid ng
katotohaanan at kaalaman sa lipunan at ang paggamit ng wika na siyang nagiging
daan sa pagbuo ng ugnayan sa lipunan o ang interaksyunal na tungkulin ng wika.
 Personal at Heyuristik- ang personal ay naipapahayag ng indibidwal o ng ispeker
ang kanyang nararamdaman, emosyon, personalidad o ang kanyang indibidwalidad.
At sa heyuristik naman ay karaniwang ginagamit sa pamamagitan ng pagtatanong
upang mahikayat ang indibidwal na matuto ayon sa kanyang karansan o karanasan ng
iba at matuklasan ang kasagutan sa tanong. Ang dalawang tungkuling ito ay parehong
patungkol sa karanasan ng tao, sa personal ay maaaring pagbabahagi ng kanyang
karanasan at sa heyuristik naman ay ang pagkakaroon ng pagkatuto mula sa kanyang
sariling karanasan.

3. Magbigay ng isang propesyon o gawain sa bawat tungkulin ng wika na maaari nating


maihalintulad. Bigyan ng pagpapaliwanag ang bawat tungkulin sa loob ng isang
pangungusap lamang.

Instrumental
- Guro po ang propesyon na maihahalintulad sa instrumental, dahil ang po ang guro ay
gumagamit ng wika upang maibigay ang mga dapat mangyari sa klase o ang
pagbibigay po ng panuto sa mga Gawain.

Regulatori
- Pulis o traffic enforcer dahil sila ay nagsisilbing gabay natin sa pagsunod sa mga
alintuntunin o batas, sila rin ay nagsisilbing taga-alalay na siyang pumapasok sa
pagpapakahulugan ng Regulatori. 

Representasyunal
- Maaaring maihalintulad dito ang mga reporter dahil ginagamit nila ang wika upang
magpahatid ng mga kaalaman o pangyayari tungkol sa mundo. 

Interaksyunal
- Social Worker dahil dito po ay ginagamit ang wika sa paraang pormal at di-pormal
dahil mayroong pagpapanatili ng wika at makikita rin ang pagkakaroon ng
interaksyon kapag sila ay nakikipag-ugnayan mapa pormal man o hindi pormal.

Personal
- Doktor naman sa personal dahil sila ay sanay na hindi magbahagi ng impormasyon
lalo na kapag impormasyon ng kanilang pasyente.

Heuristiko
- Pastor o mga motivational speaker dahil sa pamamagitan ng wika, nagagawa nila na
pag-isipin ang isang indibidwal sa mga bagay-bagay at maging pag-iisip ng sagot at
kung paano nagaganap ang mga pangyayari.

Imahinatibo
- Mga Psychiatrist at Kuwentista dahil nagagawa nila na makabuo ng imahen sa isipan
ng kanilang tagapakinig gamit lamang ang piling salita . 

II. PAGLIKHA

1. Gamit ang malaya at masining na kaisipan, Pumili ng isang pamamaraan sa diskurso at


lumikha ng isang katha patungkol sa pandemyang nangyayari sa bansa. Ang mabubuong
diskurso ay hindi lalagpas ng 500 salita. (20pts)

Pasakit

Isang taon na ang nakalipas nang maitala ang kauna-unhang kaso ng novel corona virus
sa Pilipinas. Hindi makakaila na wala pa man ang nasabing virus ay nababahala na ang
nakararami sa posibleng pagpasok at banta nito sa ating kalusugan. Sa paglipas pa lamang ng
araw ay mabilis na kumalat at dumami ang kaso ng ngayong tinatawag na COVID-19 at dahil
dito ay napilitang magsagawa ng Community Quarantine, kung saan hindi pinapayagang
lumabas ng tahanan at ipinagbawal ang pagbubukas ng mga establisyamento. Marami ang
nawalan ng trabaho, maraming tindahan ang napilitang magsara, maraming hanap buhay ang
nalugi dahil sa pandemya kung kaya’t pasakit na lamang din ang tingin ng nakararami sa idinulot
ng nasabing sakit.

Sa kabilang banda, dapat rin nating tanawin ang mga aral at biyaya na dulot sa atin ng
sakunang ito. Kahit na ito ay banta sa buhay ng nakararami, nagkaroon ang bawat pamilya ng
oras upang sila’y magkasama-sama. May mga taong nakadiskubre ng kanilang bagong hilig, mga
talentong hindi mo aakalain at maging negosyo na nagsisilbing hanap buhay ngayon ng
nakararami. Pasakit man ang dala ng virus, pagmamalasakit naman ang nahubog sa nakararami
sa atin. Marami ang nagpapadala ng tulong lalo sa mga nangangailangan at marami ang
malasakit ang pinairal sa kabila ng paghihirap na dinanas ng lahat sa kasalukuyan. Marami
akong bagay na natutunan, natuklasan at dapat ipagpasalamat. Naniniwala ako na ang
karanasang ito ay pagsubok na nangyari para magkaroon ng paghuhubog sa katatagan at
katibayan ng bawat isa.

You might also like