You are on page 1of 7

Sanda, Desiry Joy A.

3RD YEAR

BSED FILIPINO B

Mga Teorya ng Diskurso

1. Speech Act Teory

- Ang speech act theory ay nakabatay sa isang premis na ang wika ay


isang mode of action. paraan ng pagpagpapadala ng impormasyon.
Ayon sa naniniwala sa teoryang ito, ang yunit ng
komunikasyonglinggwistik ay hindi ang simbulo, salita o ang
pangungusap mismo, kundi ang produksyon o paglikha ng mga
simbulo, salita o pangungusap sa pagganap ng kanilang tinatawag na
speech acts.

May Tatlong Komponent ang mga aktong linggwistik:

 Aktong Loksyusyonari

Ang lokyusyonari ay ang tungkulin o gawain ng pagsasabi


ng isang bagay na makabuluhan o may literal na
nauunawaan sa paggamit ng wika. Ang kaalamang
panglinggwistika na ang puhunan sa pagsasagawa ng akto
o kilos na lokyusyonari. (may kahulugan).
.

 Aktong Iloksyusyonari

Ang ilokyusyonari ay isang tungkulin sa pagsasagawa ng


isang bagay o isang mensahe ayon sa intensyon ng nagsasalita
(may pwersa performans sa akto ng pagsasabi ng bagay)

 Aktong Perloksyusyonari

-ay ang gampanin o tunkuling dulot ng pwersang


iloksyusyonari.

2. Sosyolinggwistikong Teorya

– Ito ay nauukol sa pag-aaral ng mga sitwasyon, patern at


tungkulin ng pagsasalita. Ito ay pamamaraang participant-
obserbasyon na nangangailangan ng imersyon ng isang
partikular na komunidad.

Iba’t ibang teknik na maaring magamit sa participant-


obserbasyon.

1. Introspection o paggamit ng intuition

2.Detached Obserbasyon -ang di-partisipatoring obserbasyon


ng interaksyon sa komunidad.
3.Interviewing o ang isatraktyurd na interaksyon berbal sa
mga myembro mg komunidad.

4. Philology o paggamit ng mga naisulat na materyales.

5. Ethnosemantics o ang pag-aaral ng kahulugang cultural.

6. Ethomethodology o detalyadong analisis ng mga


kumbersasyon, tinatawag ding diskorsung analisis ng mga
linggwistika.

7.Phenomenology o ang pag-aaral ng kumbersasyon bilang


isang problemang penomenolohikal.

3. Teorya ng Akomodasyon

- ang mga ito ay nga teorya sa SLA o Second Language Acquisition/


pag-aaral ng pangalawang wika. Ang mga gumagamit sa teoryang ito
ay naniniwalang ang komunikasyon, ang mga tao ay nagtatangang
iakomodeyt ang kanilang istilo kapag nakikipag-usap sa iba.

Convergence

-sa interaksyon ng mga tao, nagkakaroon ng tendensiya na gumaya o


bumagay

sa pagsasalita ng kausap para bigyang halaga ang pakikiisa o


pakikilahok, pakikipagbagayang-
loob pakikisama o kaya’y pagmamalaki sa pagiging kabilang sa
grupo.

Divergence

- ang pag-iiba ng pananlita sa kausap para ipakita o ipahayag ang


pagiging iba o naiiba, di-pakikiisa, o kaya’y lalong paggigiit sa
sariling kakayahan at identidad.

4. Teoryang Pragmatiks

Ang pragmatiks ay ang pag-aaral king paano iimpluwensyahan


ng konteksto ang paraan ng paghahatid ng impormasyon ng mga
pangungusap, sa medaling salita, ito ang pag-aaral ng mga aktwal na
pagsasalita sa iba’t ibang konteksto.

Mga modelo ng Proseso ng Komunikasyon

1. Modelo ng Aristotle.
• Nagpapakita ng linear (linyar) na katangian ng komunikasyon.
ang tagapagsalita ang lilikha ng mensahe at babalangkas nito sa
kongkreto at malinaw na paraan upang maunawaan ng
tagapakinig ang nilalahad o nais iparating. . Ang layunin ng
komunikasyon ay ang tanging maimpluwensiyahan ng
tagapagsalita at mabago nito ang damdamin ng kanyang mga
tagapakinig.

2. Modelo ng Berlo
-tulad ng modelong komunikasyon ni Aristole, ito ay binubuo
ng tatlong element ng komunikasyon. Mahihiwatigan kung
gayun na ang paraan kung paano pinararating at kung paano
natatanggap ang mensahe ay may mahahalagahang kontribusyon
sa buong sistema ng pakikipagtalastasan.

pinanggalingan mensahe tagatanggap

3. Modelo ni Schram
-ang pagkakaroon ng lawak ng karanasan ng bawat tao ay
nangangahulugan ng epektibong talastasan.

4. Modelo ni Frank Dance


5. Modelong kontekstuwal

You might also like