You are on page 1of 4

Gomez, John Axle G

TE-101

1. Diskuro ng mabisang pagpapahayag

Ang salitang diskurso ay mula sa wikang Latin na discursus na nangangahulugang “running to


and from” na maiiugnay sa pagsalita at pagsulat na komunikasyon. Interaktibong gawain tungo
sa mabisang paglalahad ng mga impormasyon.
Dalawang paraan ng pagpapahayag o diskurso

1. Pasalita (verbal) – oral


2. Pasulat – gumagamit ng mga ortografikong simbulo gaya ng mga letra
Dalawang uri ng pasalitang diskurso

1. Privado – sa pagitan ng dalawa o ilang tao (kumbersasyunal)


2. Publiko – sa harap ng maraming tao (publikong pagsasalita)

 Speech act theory

Ang speech act theory ay isang teorya ng wikang batay sa aklat na How to Do Things with Words
ni J.L. Austin (1975). Pinapaniwalaan sa teoryang ito na ang yunit ng komunikasyong linggwistik
ay hindi ang simbulo, salita o ang pangungusap mismo, kundi ang produksyon o paglikha ng mga
simbulo, salita o pangungusap sa pagganap ng kanilang tinatawag na speech acts. Tatlong
Komponent ang bumubuo sa mga aktong linggwistik sa teoryang ito. Ang mga ito ay lukyusyonari,
ilokyusyonari, at perlokyusyonari. Ang lukyusyonari ay ang akto ng pagsasabi ng isang bagay. Ito’y
naipapakita sa pagtatanong at pagsagot sa mga tanong, pagbigay ng mga impormasyon, pagbigay
ng kahulugan, paglalarawan at iba pa. Ito ang akto ng paggamit ng referring expression
(pariralang pangngalan) at predicating expression (pariralang pandiwa) upang magpahayag ng
proposisyon.

 Pragmatic discourse

Ang Pragmatiks o Pramatika ay isang bahaging larangan ng linggwistika na nag-aaral ng mga


paraan kung paano nakapag-aambag ang konteksto sa pagbibigay ng kahulugan sa wika o salita.
Isa itong sangay ng semiotika o semantika, ito ay pag-aaral mismo ng kahulugan ng wika. Ang
semantika ay tumatalakay sa ugnayan ng pinapakitang senyales o paraan ng pagpapahayag, at
pati ng mga taong gumagamit nito. Kung Ang isang tao ay may kakayahang pragmatik natutukoy
nito ang mensaheng sinabi at di sinasabi, batay sa ikinikilos ng taong kausap. Natutukoy din nito
ang kaugnayan ng mga salita sa kanilang kahulugan, batay sa paggamit at sa konteksto.

 Ethnography of Reading

Ang Ethnography of Reading ay naiiba sa pangalan sa lahat ng mga teorya. Mapapansing


paradigm ang ginamit at hindi teorya. Ang paradigm ay nangangahulugang isang hanay ng mga
pagpapalagay, mga konsepto, mga halaga, at mga kasanayan na bumubuo ng isang paraan ng
pagtingin ng katotohanan para sa komunidad na nakikibahagi, lalo na sa isang intelektuwal na
disiplina. Ang ethnography of reading ay naglalarawan sa mga tao bilang mga storytelling
animals. Ang teoryang ito ay nagpapanukala ng naratibong lohika bilang pamalit sa tradisyunal
na lohika ng argumento. Ang naratibong lohika o ang lohika ng mabuting katwiran ay
nagmumungkahi na husgahan ang kredebilidad ng isang ispiker batay sa kohirens at pideliti ng
kanilang istorya. Isang demokratikong paghuhusga di umano ito sapagkat hindi naman kailangan
ng pagsasanay sa oratoryo at panghihikayat upang makalikha ng paghuhusga batay sa kohirens
at pideliti.

 Ethnography of Communication

Ang ethnography of Communication o mas kilalang Speech codes theory ay nauukol sa pag-aaral
ng mga sitwasyon, gamit, patern at tungkulin ng pagsasalita. Ang pinakasusi ng teoryang ito ay
ang pamamaraang partisipant-obserbasyon na nangangailangan ng imersyon sa isang partikular
na komunidad. Pinapalagay kasi sa teoryang ito na kung saan may natatanging kultura may
matagpuan din naisangnatatangingspeechcode.
May mga teknik na maaring gamitin sa partisipant-obserbasyon. Ang mga ito ay ang mga
sumusunod:
• Introspection o ang paggamit ng intuiton. Ang intuition ay isang kagyat na pag-unawa ng
isang sitwasyon sa pamamagitan ng perception o hindi kaya ay pagpapaliwanag.

• Detached Observation o ang di-partisipatoring obserbasyon ng interaksyon sa komunidad.


Ito’y isang mahirap na teknik sapagka’t hindi mo masisigurado ang kawastuhan ng iyong
nakalap na datos.

• Interviewing o ang istraktyurd na interaksyong berbal sa mga miyembro ng komunidad. Ang


pamamaraan na ito ay maganda. Nakukuha ang mo ang iyong kailangang impormasyon na
may kawastuhan, ngunit nanganagilangan ito ng mabang panahon.

• Philology o ang paggamit ng pasulat na materyales.

• Ethnosemantics o ang pag-aaral ng mga kahulugang kultural

• Ethnomethodology o ang detalyadong analisis ng mga linggwista

• Phenomenology o ang pag-aaral ng kumbersasyon bilang isang problemang


penomenolohikal. Ginagamit ito upang maintindihan ang relasyon sa pagitan ng estado ng
kamalayan at pamumuhay sosyal.

2.Mabisang Pagpapahayag
Ang retorika ay tumutukoy sa sining ng maayos, malinaw, mabisa at kaakit-akitna
pagpapahayag upang maunawaan at makahikayat sa mga nakikinig at bumabasa.Dalawang
kawastuan ang kinakailangan sa pagpapahayag : ang kawastuang pambalarilaat ang kawastuang
panretorika. May dalawang uri ng pagpapahayag : (a) pagpapahayagna pasalita at
pagpapahayag na pasulat. DALAWANG SANGKAP NG PAGPAPAHAYAG May dalawang
mahalagang sangkap ang pagpapahayag : (a) nilalaman at (b)pananalita. Sinasabing may
nilalaman ang isang pahayag kung may mga sumusunod : (a)may pahatid o mensaheng
mahalaga (b) may mahalagang impormasyon o pabatid (c)may kaalamang mapapakinabangan
(d) kapupulutan ng magandang halimbawa at (e)makalilibang. Mga Maaaring Pagkunan ng
Nilalaman Ang mga sumusunod ay maaaring pagkunan ng mga nilalaman: 1.Karanasan May
kasabihang pinakamagaling na guro ang karanasan sapagkatwalang taong nabubuhay mula sa
kanyang kabataan hanggang sa kanyang pagtanda nahindi dumanas ng mga karanasan sa
buhay. Ang karanasan ng isang tao ay hindi angnaganap na pangyayari sa kanya kundi kung ano
ang ginawa niya sa pagyayari sakanyang buay upang siya y magtagumpay na malutas ang
kanyang suliranin, ng kanyangmga kasama at maaaring ng sangkatauhan. 2.
Pakikipanayam Maaaring makakuha ng mga kabatiran sa pamamagitan ng paglapitat
pakikipanayam sa mga dalubhasa sa kani-kanilang larangan. Kinakailangan ihandamuna nang
maayos ang mga katanungan bago makipanayam nang maiwasangmaaksaya ang panahon.
Dapat isaalang-alang ang mga sumusunod sa pakikipanayam :(a) mga tanong na sasagot sa mga
kaalamang kailangan (b) nakipagkita sakakapanayamin sa araw at oras na kanyang itinakda at
(c) maging magalang sa taongkinakapanayam. Matapos ang pakikipanayam, dapat pasalamatan
ang taongkinapanayam. Ang retorika ay tumutukoy sa sining ng maayos, malinaw, mabisa at
kaakit-akitna pagpapahayag upang maunawaan at makahikayat sa mga nakikinig at
bumabasa.Dalawang kawastuan ang kinakailangan sa pagpapahayag : ang kawastuang
pambalarilaat ang kawastuang panretorika. May dalawang uri ng pagpapahayag : (a)
pagpapahayagna pasalita at pagpapahayag na pasulat. DALAWANG SANGKAP NG
PAGPAPAHAYAG May dalawang mahalagang sangkap ang pagpapahayag : (a) nilalaman at
(b)pananalita. Sinasabing may nilalaman ang isang pahayag kung may mga sumusunod : (a)may
pahatid o mensaheng mahalaga (b) may mahalagang impormasyon o pabatid (c)may kaalamang
mapapakinabangan (d) kapupulutan ng magandang halimbawa at (e)makalilibang. Mga
Maaaring Pagkunan ng Nilalaman Ang mga sumusunod ay maaaring pagkunan ng mga
nilalaman: 1.Karanasan May kasabihang pinakamagaling na guro ang karanasan
sapagkatwalang taong nabubuhay mula sa kanyang kabataan hanggang sa kanyang pagtanda
nahindi dumanas ng mga karanasan sa buhay. Ang karanasan ng isang tao ay hindi angnaganap
na pangyayari sa kanya kundi kung ano ang ginawa niya sa pagyayari sakanyang buay upang
siya y magtagumpay na malutas ang kanyang suliranin, ng kanyangmga kasama at maaaring ng
sangkatauhan. 2. Pakikipanayam Maaaring makakuha ng mga kabatiran sa pamamagitan ng
paglapitat pakikipanayam sa mga dalubhasa sa kani-kanilang larangan. Kinakailangan
ihandamuna nang maayos ang mga katanungan bago makipanayam nang maiwasangmaaksaya
ang panahon. Dapat isaalang-alang ang mga sumusunod sa pakikipanayam :(a) mga tanong na
sasagot sa mga kaalamang kailangan (b) nakipagkita sakakapanayamin sa araw at oras na
kanyang itinakda at (c) maging magalang sa taongkinakapanayam. Matapos ang pakikipanayam,
dapat pasalamatan ang taongkinapanayam.

You might also like