You are on page 1of 59

Magandang

Hapon!
FIL.1 (Kom sa Akademikong FIL)
2

Inihanda ni:

Yolanda S.
Cargado
3

"PANALANGIN"

3
4

Kabanata 3
DISKURSO AT KUMUNIKASYON
POKUS:
Sa Pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaaasahang:

👉Nailalahad ang iba't ibang uri ng diskurso at komunikasyon.


👉Nagagamit ang mga proseso ng mabisang pakikipag-diskurso at
pakikipag-komunikasyon.
👉Naipahahayag ang mga kaisipan at saloobin sa pamamagitan ng
pagdidiskurso at pakikipag-komunikasyon.
5

3.1 KAHULUGAN NG DISKURSO


Ang salitang diskurso ay nagmula sa Latin na “diskursur' at ibig
sabihin nito ay “argumento” at “kumbersasyon". Ito ay isang
pasalita o pasulat na pagtalakay ng isang bansa tulad ng
disertasyon, “treatise”, "homily” o kaya'y sermon. Ito ay pag-aaral
na sangay pangwika o wikang ginagamit ng isa o mahigit pang
pangungusap,subalit sa pamamagitan ng isang sistema at
kaugnay na paksa. (Castillo et. al,2008).

Ang Diskurso ay tulad din ng pagpapahayag ng kaisipan at


damdamin ng mga tao,wika ang kasangkapang ginagamit upang
sila'y magkaunawaan at maaaring pasalita o pasulat.
6

MGA TEORYA NG DISKURSO

1 Speech Act Theory

Tumutukoy sa pariwalang anuman ang ating sabihin lagi na itong


may kaakibat na kilos maging ito man ay paghingi ng paumanhin,
pagbibigay-babala paghihimok at iba pa.
Halimbawa:

Babala! Madulas ang sahig,(Sinumang mapapadaan


ay pinapayuhang mag-ingat.)
7

2 Communication Accommodation Theory

(Teoryang akomodasyon) - ang konsepto sa teoryang


ito ay mula kay HowardGuiles na tumutukoy sa
pagbabago ng paraan ng pagsasalita ng isang tao
upang maging katulad o di katulad sa paraan ng
pagsasalita ng kausap.
Nagagawa ito ng dalawang paraan: divergence at
convergence.
7
8

a. Divergence- sadyang pag-iiba o paglayo sa


paraan ng pagsasalita ng kausap upang ipakita o
ipadama na naiiba ang nagsasalita sa kausap.

b. Convergence- pakikihalubilo na
nagpapakilala na kapag ang isang
individual ay nakikipag-usap sa kapwa
ang kanyang pakikipag-usap ay halos
magkatulad ng kinakausap.
9

3 Narrative Paradigm-naratibong lohika


o lohika ng mabuting katwiran
naglalarawan sa mga taong bilang story
telling animals.

Nagmumungkahi na husgahan ang


kredibilidad ng isang ispiker batay sa
koherens at proliti ng kanilang istorya.
10

4
Variation Theory- nakapokus sa
baryasyon ng wikang ginagamit
ng mga taong sangkot sa isang
diskurso.
11

"May tatlong komponent ang mga


actong lingguistik"
1.Aktong lokyusyonari o aktong pagsasabi ng isang bagay. (may
kahulugan)
2. Aktong ilikyusyonari o ang pagganap/perpormans sa akto ng
pagsasabi ng bagay.(may pwersa)
3. Aktong perlokyusyonari o ang pagsasabi ng isang bagay na kadalasang
nagproprodyus ng mga tiyak na konsikwensyal na epekto. (may konsikwens)
12

"Pankalahatang Magkakaugnay na
Component ng Konteksto"
1. Kontekstong Intersabdyektib
kaalamang ibinibigay ng mga Kaaalamang sosyal at kultural na
kasangkot salinggwistikong diskurso na siyang humuhubog sa
interaksyon. Kasama sa kaisipan at pagsasalita ng tao, nang
dahil sa kaalamang ito. Maaari din
kontekstong ito ang, (http-
tiyak, hindi mahayagan at hindi
prezi.com). kumpleto ang diskurso.
13

2. Kontekstong Interpersonal - tumutukoy ito sa personal na estilo,


tungkuling sosyal at relasyong interpersonal, ang paulit-ulit na
pauyam na diskurso o pahayag ng isang tao ay maaaring walang bisa
sa isa ngunit sa parehong pag-uyam ng isang tao, seryoso ang
kahulugan at kalikasan nito.
Kung ang isang kagawad ang mga sabi na “I will crash you" wala itong
bisa sa mga nakikinig o nagmamasid, ngunit nang sinabi ni dating
Pangulo Gloria Macapagal Arroyo. Ang pahayag na iyon, dahil sa
posisyon niyang Pangulo ng bansa, nakakapag-babala sa mga susuway
sa kanyang kautusan dahil sa taglay na kapangyarihan.
14

3. Kontekstong Setwasyunal
Isinasaad nito ang sitwasyon kung kailan naganap ang
diskurso, panahon, lugar at layunin ng interaksyon.

(halimbawa: pagbili ng gamot sa botika,


pagdedesisyon) at daloy ng komunikasyon. Ito ang
“where and how" o "now o later" ng diskurso. Ang
pangyayari o bagay na tinutukoy ng sitwasyon ay
pagpapahayag ng malinaw na kahulugan ng
diskurso.
15

4. Kotekstong Simbolitiko
Isinasaad dito ang sabay-sabay, nauna at sumusunod na
mga pahayag o ibang simbolitikong materyal, mas
madaling maunawaan kung minsan ang pahayag sa
para-paraan ng pagkakasabi o sa mga simbolitikong
ginagamit.
Halimbawa: "Sorry na" na paangas ang pagkakabitaw at
pagkakasabi ay mangangahulugang di-makatotohang paghingi
ng pasesnsya.
16

5. Konteksto ng Risertser
Ito'y tinatawag na pansariling diskurso ng propesyunal na
mananaliksik/resertser. Ang diskurso ay nagiging siyentipiko, akademiko at
propesyunal sa pananaliksik sapagkat ito ay diskurso ng pagtatanong o
paghahanap ng mga kasagutan sa mga tanong na may kinalaman sa paksa ng
teksto.
17

Pasalita at Pasulat na Diskurso


Pinakamahalaga at pangunahing instrumento ang wika
sa pasalitang komunikasyon. Ang mga kahulugang tunog na
isinasaayos sa tamang organisasyon ay nakakabuo ng mga
makahulugang salita. Isinasaayos din ang mga ito upang
makabuo ng isang pahayag na nagsisilbing daluyan ng
mensahe patungo sa sinumang tatanggap nito. Ang wika ay
binubuo ng dalawang (2) sistema: ang Sistema ng mga
Tunog at Sistema ng mga Salita. May sariling sistema ang
bawat wika, semantik at sintaktik na sinusunod ng mga
taong gagamit nito.

Reynaldo
18

Ang pasulat na komunikasyon ay


mahalaga at nangyayari ito sa mga Sa paglaganap at pag-unlad ng
pagkakataong hindi posible ang pasalita teknolohiya, malaki ang
na komunikasyon, naisasagawa ang pagbabago at pamamaraan sa
pasulat na pagpapahayag sa pamumuhay ng mga tao sa
pamamagitan ng mga simbolo gaya ng daigdig. Naging praktikal at
letra, bilang at mga larawang komportable ang mga tao sa
pasulat na komunikasyon. Kung
nagpapahayag ng mensahe sa tatanggap
noon ay telepono ang ginagamit
nito. Ang mga nababasa ay hindi wika
kung nais makipagkomunikeyt sa
kundi ang kumakatawan, malalayong lugar, ngayon ay
representasyon, o simbolo ng wika madaling naisasagawa na ito sa
sapagkat tono ang binubuo ng wika. pamamagitan ng text at e-mail.
19

Ang pasalitang diskurso ay awtomatik kaysa


sa pasulat na diskurso. Kapag pasulatang
komunikasyon ay may pagkakataong
maribisa at mapaghahandaan na isulat ang
mensahe na di nagaganap sa pasalitang
diskurso. Ito ang dahilan kung kaya't mas
pormal ang pasulat kaysa pasalitang
komunikasyon.
20

3.2 MGA URI NG DISKURSO

NARATIV DISKRIPTO
(Pagsasalaysay) (Paglalarawan)

EKSPOSITORI ARGUMENTATIV
(Paglalahad) (Pangangatwiran)

20
21

3.2.1 PAGSASALAYSAY
Ang pagsasalaysay ay isang uri ng komposisyong
pagkukwento. Layunin nito ang magsalaysay ng isang
pangyayari o kawili-kawiling mga pangyayari sa isang maayos
na paghahanay.

Mahalaga ang maayos na pag-uugnay ng mga pangyayari


upang maging mahusay at kawili-wili ang pagsasalaysay.

21
22

Isa sa mahalagang uri ng


sulating pasalaysay para sa
mag-aaral ay tungkol sa
karanasang pansarili tulad ng:

a. Tungkol sa isa lamang pangyayari;


b. Tungkol sa ilang pangyayaring magkaugnay; at
c. Tungkol sa pagsulong at pag-unlad ng tao lalo na agham at
teknolohiya.

22
23

Halimbawa:
Limitasyon sa Pag-inom Vitamin C Supplements
Sinasabi ng mga eksperto sa kalusugan na anumang uri ng
vitamin supplements ay may buting naidudulot sa katawan ng
tao at kailangan ang mga sustansiyang ito, dahil hindi lahat ng
mga bitamina at mineral ay makukuha sa mga kinakain sa araw-
araw.
Mahalaga ang Vitamin C na isa sa essential vitamins upang lumakas
ang resistensiya gayon din ang immune system. Subalit may
limitasyon pala ang pag-inom ng Vitamin C supplements ayon sa mga
dalubhasa dahil posible umanong makasama sa kalusugan ng tao ang
labis na pag-inom ng mga ito, gaya ng ascorbic acid o vitamin c
supplements.
23
24

Natuklasan sa isang pag-aaral ng Karolinska Institute sa Sweden


na ang mga lalaking regular na umiinom ng Vitamin Cay mas
mataas umano na magkaroon ng kidney stone.

Lumalabas umano ito sa resulta ng pag-aaral na nailathala


kamakailan sa Periodical sa JAMA Medicine, kung saan ay nakasaad
doon na ang mga lalaking umiinom ng Vitamin C (typical ang 1,000)
kada tablet ay dalawang beses umano ang peligrong magkaroon ng
kidney stones, kumpara sa mga kalalakihang hindi gumagamit ng
anumang dietary supplements.
25

Napag-alaman ding tumataas umano ang panganib habang dumadalas ang


pag-inom ng Vitamin C supplements ng taong umiinom nito.

May magandang balita naman sa pag-inom ng multivitamins


na hindi umanomaiiugnay sa panganib ang kidney stones.

Dahil dito ang natukoy na pagtaas ng panganib ay hindi mai-aapply sa normal dietary intake ng
Vitamin C sa mga gulay at prutas. Ang pananaliksik na ito ay batay sa mga datos sa isang
malaking population-based study sa kalalakihan na sinubaybayan ng labing-isang taon. “Given
that there are no well-documented benefit softaking high doses of Vitamin C in the form of dielary
supplement the wisest thing might be not to take them at all, specially if you have suffered kidney
stone previously', sabi ni study leader Agneta Akesson, Associate Professor sa Karolinska
Institute.

25
26

Pagpili ng Paksa

Ito ang unang mahalagang hakbang sa pagsulat ng


salaysay. Kailangan ito ay maganda at kawili-wili.
Bukod dito, mahalaga rin ito ay napapanahon at
may dalang pakinabang o kabutihan sa mga babasa
27
llan sa mga Dapat Isaalang-alang sa Pagpili ng Paksa
ay ang mga sumusunod:
1. Kawilihan ng Paksa - dapat ay likas na napapanahon; may mayamang damdaming pantao, may
kapanapanabik na kasukdulan, naiibang tunggalian, at may malinaw at maayos na paglalarawan sa mga
tauhan at tagpuan.
2. Sapat na Kagamitan - mga datos na pagkukunan ng mga impormasyon.
3. Kakayahang pansarili- ang pagpili ng paksa ay naaayon din sa kahusayan at hilig ng manunulat.
4. Tiyak na Panahon o Pook- ang kagandahan ng isang kwento ay nakasalalay sa malinaw at masining na
paglalarawan ng panahon at pook na pinangyarihan nito kaya, mahalagang iwasan ang labis na paghaba sa
panahong sakop ng salaysay at pagbanggit ng napakaraming pook na pangyayarihan ng salaysay.
5. Kilalanin ang Mambabasa - sumusulat ang tao hindi lamang sa kanyangpansariling kasiyahan at
kapakinabangan kundi para sa kanyang mgamambabasa.
28

Ang Mga Mapagkukunan ng Paksa


1. Sariling Karanasan - pinakamadali at pinaka-detalyadong paraan ng pagsasalaysay ng
isang tao, sapagkat ito ay hango sa pangyayaring naranasan ng mismong nagsasalaysay o
magsasalaysay.
2. Narinig o napakinggan sa iba - maaring usapan ng mga tao tungkol sa isang
pinagtatalunang isyu, mga balita sa radyo at telebisyon at iba pa. Subalit, tandaan na hindi
lahat ng narinig sa iba ay totoo at dapat paniwalaan, mahalagang tiyakin muna ang
katotohanan bago isulat.
3. Nabasa o napanood - mga palabas sa sine, telebisyon, dulang panteatro atiba pa.
4. Likhang isip-mula sa imahinasyon, katotohanan man o ilusyon ay makalikhang isang
salaysay.
5. Panaginip o pangarap- ang mga panaginip at hangarin ng tao ay maaari ring maging
batayan ng pagbuo ng salaysay.
29

3.2.2 PAGLALARAWAN
Kahulugan ng Descriptive o Paglalarawan
Ang diskursong ito ang nagbibigay o lumilikha ng isang malinaw na larawan
gamit ang imahinasyon. Ang paglalarawan ay isang paraan ng pagpapahayag
na ang mag layuniin ay ipamalas sa mambabasa o tagapakinig ang ating
nakikita, naririnig at nadarama.

Ang pangunahing layunin ng paglalarawan ay makabuo ng isang na


larawan sa isip ng mga mambabasa hinggil sa bagay na inilalarawan,
kaya kahit hindi panakikita ang mga bagay, pook, at kagamitang
inilalarawan ay parang nakikita niya sa kanilang isipan o imahinasyon.
30
Naglalayon din itong ipakita ang katangian, hugis, kulay, sukat, at bigat
napagkakakilanlan sa inilalarawan at maaaring ikinaiiba sa mga katulad o
kauri nito sa pamamagitan ng paggamit na ating mga senses. Ang sumusulat
ng isang paglalarawan ay maihahambing sa isang pintor na gumuguhit ng mga
tanawin at mga larawan.
Ang tanging pagkakaiba lamang ay pinsel at pintura ang ginagamit ng pintor upang makalikha ng
isang buhay na larawan samantalang mga salita naman ang ginagamit ng isang sumusulat at
nagpapahayag nang pasulat. Ang paggamit ng mga angkop na salita ang nagbibgay bias sa
paglalarawan.

Sa paglalarawan ay karaniwan nang ginagamit ang mga pang-uri at pang-abay. Maliwanag at


mabisang nailalarawan ng mga pang-uri at pang-abay ang anumang bagay na nais ipamalas sa iba.
Sa larangan ng industriya at teknolohiya, ang mga paksang karaniwan inilalarawan ay ang mga
kagamitan, makina, materyales, proseso at iba pang mga bagay na may kinalaman sa mga teknikong
gawain.
31

Kung sasagutin ang mga tanong na tulad


ng: Ano ang hitsura ng kagamitan? Paano
gumagana ang mga kagamitan o makina?
Gaano ba kagaling magpatakbo ng
sasakyan?
32

Ang mga dapat isaalang-alang upang mabisa ang paglalarawan


ay ang mga sumusunod:

1. Maingat na pagpili ng paksa


Ang pagpili ng paksa'y lalong mainam kung ibabatay sa paksang may sapat o lubos na kaalaman ang mga
mag-aaral at hindi bago sa kanilang paningin. Ang mga bagay na nakikita sa araw-araw tulad ng punong-
kahoy, gusali, kagamitan, at makina sa silid gawaan ay maaring maging paksa sa mabisang paglalarawan.
2. Pagbuo ng isang pangunahing larawan
Ito ang unang kakintalan ng bagay, pook, tao, o pangyayaring inilalarawan sa nakikinig o bumabasa. Sa
madaling sabi ang kabuuan muna ang unang nakikintal sa isipan, bago ang mga bahaging maliliit na
nasasangkap sa kabuuan. May kani-kaniyang katangian ang bawat bagay, tao, pook, o anumang namamasid
ng mga tao. Kung magmamasid ka sa isang silid, ang unang kakintalang nabubuo'y ang kaayusan,
karangyaan, kaguluhan, katahimikan o kalinisan. Ito ang pangunahino batayang larawan.
33

3.Kaisahan
Natamo ang kaisahan ng paglalarawan sa pagpili ng maliit na bahaging
maaaring makita lamang sa pananaw na napili ng naglalarawan.
4. Pagpili ng mga bahaging isasama
Hindi lamang ang mga bahaging bumubuo sa pangunahing larawan
angdapat isama. Dapat ding isama ang mga bahaging ikinaiiba ng mga
bagay, tao,pook, o pangyayaring inilalarawan sa iba pang kauri nito.
34

Mga Uri ng Paglalarawan


1. Tekniko/karaniwan
Ito'y nagbibigay- kabatiran hinggil sa inilalarawan ayon sa anyo at
ayos ng bagay na inilalarawan at ayon pa rin sa pangkalahatang
pangmalas. Hindi ito naglalaman ng damdamin at kuro-kuro ng
naglalarawan. Payak na pananalita ang karaniwang ginagamit sa
uring ito ng paglalarawan.
35

2. Masining na paglalarawan
PAGLALAHAD
Iba't Ibang Uri ng Paglalahad
Pagbibigay ng Kahulugan
May mga kahulugang makikita sa diksyunaryo sa bawat salita. Ang mga
pang-syentipiko at pang-teknikal na terminilohiya ay may tiyak na
katuturan kaya maiiwasan ang hindi pagkakaunawaan at pagkakaiba ng
interpretasyon sa harap ng batas.
Ngunit, iba ang salitang karaniwang ginagamit sa pang-araw-araw
napakikipag-usap. Ito'y nabibigyan ng napakaraming kahulugan kadalasan
ang kahulugan ay batay sa laman ng pangungusap at batay sa gamit o
pagkaunawang isang partikular na pangkat, lahi, o kailangan.
36

Ang pagpapakahulugan ay may dalawang


dimension: Deniotasyon at Konotasyon.

1. Denotasyon. Ito ay karaniwang kahulugan dala ng


diksyunaryo o salitang ginagamit sa pinakakaraniwan at
simplemg pahayag.

2. Konotasyon.Ito ay isang masining na pagpapakahulugan at


pansariling pagpapakahulugan ng isang tao o pangkat o literal na
kahulugan ng salita.
37

Pagbibigay-Katuturan
Ang pagbibigay katuturan ay isang
karaniwang pinagmulan ng paglalahad.
Ang katuturan ay pagtiyak ng abot at
saklaw ng isang bagay sa pamamagitan ng
pagbibigay ng hangganan nito at mga
napapaoob dito.
38

Ang karaniwang pagbibigay-katuturan sa


diksyunaryo ay may tatlong bahagi:
1. Pananalita- sallita o parirala na binibigyan ng katuturan.
2. Kaurian- bagay o kaisipang kinabibilangan ng pananalita.
3.Kaibhan - ang katangian ikinaiiba ng bagay o kaisipang nililiwanag.

"Ang mga ito ay sangkap na bumubuo sa isang katuturang pormal na


nasasalig sa isang makatwirang paghahanayng mga salita na sa ilang
nagbibigay ng lalong malaking kaalaman."
39

Sa pagsulat ng ganitong katuturan,


tandaan ang mga sumusunod:
1. Gumamit ng mga salitang simple, magaan, at lalong kilala kaysa sa
salitang binibigyan ng katuturan.
2. Huwag isama ang mga salitang hindi nasasaklaw ng kaurian.
3. Isama sa katuturan ang anumang bagay o sangkap na ukol at kaugnay.
4. Iwasan ang pag-uulit ng salitang tinuturuan o anumang mga kalakip
nito.
40

Halimbawa:
Ang tatsulok (triangle) ay kagamitan ng arkitekto o
inhinyero na ginagamit na patayo, pahilis at paiwang
guhit.
Pananalita-ang tatsulok
Kaurian- kagamitan ng arkitekto o inhinyero
Kaibhan-na ginamit sa pagguhit na patayo, pahilis, at paiwang guhit
Ulat-Pagbibigay impormasyon sa isinasagawang pag-aaral,
pagmamasid,pakikinig, pananaliksik at pagbabasa.
41

Halimbawa:
Iniulat ng Pangulo ng Russia na hindi nila pinang-
himasukan ang bansang Ukraine, sapagkat ito'y
bahagi ng teritoryo ng kanilang bansa at hana
silang ipagtanggol ang kanilang karapatan at
hindi sila susuko sa alin mang babala at
pagbabanta ng mga karatig bansa.

41
42

3.2.3
PAGLALAGOM O
PAGBUBUOD
Paglalahad na nagbibigay linaw sa isang mahabang pahayag. Mas madaling
maunawaan ang mga salitang ginagamit sa mga ganitong uri ng pagpapahayag.
Isinasalaysay lamang ang mga mahahalagang bahagi ng istorya na siyang
nakapanghikayat na mawiling ipagpatuloy na basahin ang sulatin o panoorin ang
pelikula.
Isinasagawa ito matapos magbasa ng nobela, kwento, manood ng du dula at pelikula.
Para sa mga mag-aaral nakabubuti ito para linangin ang kakayahang magpahayag
ng mga ideya na kanilang naintindihan.
43

Halimbawa:(Pagbubuod)
Magnifico

Sa Direksyon ni:Mario J.Delos Reyes


Isinulat ni: ni Michiko S. Yamamoto

Ang paksa ng pelikulang ito ay tungkol sa isang batang estudyante na


maagang nakipag sapalaran sa buhay. Dahil sa kahirapan ng pamilya,
maagang namulat at natutong magtiyaga ang batang si Magnifico. Nais
niyang makatulong sa kagipitan ng kanilang pamilya, makatulong sa
pagpapagamotsa kanyang lola, at gayon din sa pagpapasan sa kanyang
nakababatang kapatid na may sakit. Sa kanyang murang edad, humingi
siya ng tulong kung kani-kanino upang paghandaan ang nalalapit na
kamatayan ng kanyang lola.
44

Walang permanenteng trabaho ang kanyang mga magulang


upang may mapagkukunan ng pera at makakain sa pang araw-
araw. Ang kanyang ama ay isang hamak na karpintero; ang
kanyang ina ay nagbuburda lamang. Ang kanyang
nakababatang kapatid ay may “cerebral palsy", hindi
nakakalakad at hindi nakakapagsalita. Si Miong ang
nakakatandang kapatid ay natanggalan ng scholarship sa
Maynila at nakadagdag pa sa kanilang suliranin nang maospital
ang kanyang lola na may “cancer of the stomach" at may taning
na ang buhay.
45

Ang buong akala ng kanyang magulang, siya ay may


mahinang pag-iisip pagdating sa eskwela ,ngunit lingid sa
kanilang kaalaman, siya ay marunong tumulong sa kapwa at
praktikal sa buhay, Ang karunungan niyang taglay ay hindi
natutunan sa pag-upo sa silid-aralan at pakikinig lamang sa
guro. Karunungan at katalinuhan sa buhay na bibihira lamang
ang nabibiyayaan sa katulad niyang nasa murang edad pa
lamang.
46

Lingid sa kaalamanng lahat, unti-unting binubuoni Magnifico ang kabaong


ng kanyang Lola sa tulong ng kaibigang si Carlo. Siya rin ang naghanda sa
magiging kasuotan kapag namatay na ang kanyang Lola Magda.
Marami ang natulungan ni Magnifico, tulad nila Ka Domeng nagalit na galit
sa mundo, sina Cristy at Fracing na may tampuhan ngunit sa bandang huli
ay nagkabati rin. Punong-puno, ng kabutihan si Magnifico, ngunit sa
kasawiang palad ay nahagip siya ng isang sasakyan dahil sa pagliligtas niya
kay Ka Domemg na siyang dahilan ng kanyang maagang pagpanaw. Ang
paghahanda ng burol para sa kanyang Lola ay ginamit para sa kanyang
pagkamatay. Ang kabutihan ni Magnifico ay mananatili sa puso at isip ng
mga taong kanyang natulungan at nakasama.

46
47

"PAGSUSURI"
Pagsusuri sa anumang mga
babasahin. Ito ang mas malalim na
pagpapakahulugan at pag-unawa sa
mga akdang naisulat.
48
Halimbawa:
Maganda ang pelikulang “"Magnifico", maraming matutunan ng bawat manonood, bata man o
matanda. Ipinakita dito ang wagas na pagmamahal sa kapwa na walang hinihintay na kapalit. Ang
pagiging maalalahanin sa pamilya, pag-aalaga sa kanyang kapatid na may sakit, pagtugon sa
problemang kanyang mga magulang hinggil sa malapit na pagpanaw ng kanyang Lola ay sinikap ng
batang si Magnifico na tugunan ang lahat nang ito sa kabila ng kanyang murang edad. Siya ay isang
batang nagpamalas ng bukas na isipan sa nagaganap na sitwasyon, naging makatotohanan sa buhay,
hinarap nang positibo ang bawat problema at ipinamalas rin niya ang wagas na pagtulong sa kapwa
na hindi naghihintay ng kapalit.
Karamihan ay naghahangad ng yaman sa mundo at sinusubukang baguhin ang masalimuot na daigdig
ngunit wala pang nagaganap na positibong resulta. Samantalang, kung marami sana ang tulad ni
Magnifico, na sa kabila ng kanyang murang kaisipan ay nakapagpamalas ng pambihirang kabutihan
hindi lamang sa kanyang pamilya kundi pati sa kapwa ,malaki ang tsansa na may pagbabago ang
ating daigdig.
49

3.2.4 PANGANGATWIRAN
Ang pangangatwiran ay bahagi ng pang-araw-araw na
bahagi ng isang taomula sa isang pagpapasya at pagpili,
hanggang sa pakikilahok at pamumuno.
Sa mga teknikong gawain, ang pag-aaral ng pangangatwiran ay
lubhang mahalaga. Ang isang matagumpay sa anumang larangan ng
buhay ay nangangailangang magsanay sa pangangatwiran upang
maging mabisa sa pag-impluwensiya sa ibang tao.
50

Ang pangangatwiran sa makatuwid, ay isang


pamamaraan sa komunikasyon na ginagamit ng
lohikal upang maka-impluwensya.Ang pag-
impluwensyang ito
kung minsan ay naglalayong mapatibay ang
dating saloobin, o attitude, subalit kadalasan,
ito'y ginagamit upang mabuo ang mga bagong
saloobin.
51

Ang tunay na pangangatwiran ay iyong


naghahayag ng mga konklusyon hinugot mula sa
katotohanan. Ito'y naglalayong
makaimpluwensya ng pag-uugali at pag-iisip at
hindi pagsangkot lamang sa isang di
makabuluhang pagtatalo. Ang binibigyan ng diin
ay isang panig lamang ng suliranin.
52

Sa pangangatwiran ay lubhang mahalaga ang mga argument


na siyang bumubuo dito. Ang argumento ay isang lohikal na
paraan ng pagpapasang-ayon.
Ang lohika ay siyensya na nagtuturo na makaalam at
makaunawa; ang pangngatwiran ay pag-aaral ng pag-
impluwensiya sa iba sa pamamagitan ng makatwirang
pananalita upang mapaniwala at mapakilos ang iba ayon sa
nilalayon ng nangangatwiran. Ang lohikal ay siyensya
samantalang ang pangangatwiran ay sining.
53

Mga Hakbang sa Pangangatwiran


Upang mailahad ang mga katwiran at palitawin ang katotohanan ng isangbagay o
pangyayari, narito ang mga hakbang na dapat sundin :
1. Dapat na mabatid ang iba't ibang paksang nangangailangan ngpangangatwiran. Ang
ilang paksa ay maaaring mangailangan ng makatwirang pagtalakay samantalang ang
iba ay ng madamdaming lapit.
2. Mahalagang matutunan ang pagsusuri sa mga proposisyon upang mapili at mapaunlad
ang pinakamabuting argumento sa isang paksa.
3. Mahalagang pag-aralan ang mga paraan ng pangangatwiran upang madali at mabisang
makatipon ng mga gagamitin sa pagbuo ng argumento.
4. Dapat pag-aralan at suriin ang mga argumento at ang mga ebidensya sapagsulat o sa
pagtiyak sa naisulat na.
54

Ang Proposisyon Bilang Paksa ng Pangangatwiran

Ang pangungusap na pagpapahayag ng paksang pagtatalunan ay


tinatawag na proposisyon. Ito ay isang paninindigan na
pinatutunayan sa pamamagitan ng argumento.
Ang isang proposisyon ay dapat nasa anyong positibo, malinaw,
tiyak, may isang paksa lamang at maliwanag na maaaring tutulan
o pagtalunan. Layunin ng nagpapahayag na ito ay humikayat at
mapasang-ayon ang tagapakinig o mambabasa.
55

Matapos masuri ang proposisyon at ang mga


argumento ay nangangailangan nang paglikom ng
ebidensya. Ang unang magagamit na pantulong sa mga
proposisyon ay matatawag na ebidensya.
Ang mga pangyayari o kuro-kuro ay magagamit na
ebidensya sa paglilitis ng mga kaso, ang kadalasang
ginagamit ng testimonya ng mga eksperto (mediko-
legal, eksperto sa balistiks, atbp.) bilang ebidensya.
56

Sa dahilan ang mga pahayag ng mga nasabing


eksperto ay ipinalalagay ngbatay sa tunay na
pangyayari, ang kanilang paghatol sa mga
katotohanang ito ang hinihiling na tanggapin ang
ebidensya.

Ang pangyayari, upang matanggap na ebidensya ay


dapat na tunay na naganap. Ito'y pinatotohanan at
pinatunayan ng mapagkakatiwalaang sanggunian.
57

Magagamit lamang na ebidensya ang opinyon


kapag ito'y nagtataglay ng awtoridad. Halimbawa,
kung ito ay mula sa isang dalubhasa. Kaugnay
nito, kailangan din makilala ang tunay na
awtoridad, kadalasan, ang kapangyarihan ay
ibinabatay sa tagumpay ang pagiging
makapangyarihan ng isang opinyon ay batay din
sa panahon.
58

BSED MATHEMATICS

Chinee Jaztine Mary Kirk Jastine Aprilyn


Pama V. Macapagal Estiller

Reynald John Loyd Jommel


Rodriguez Jr. Rafa Matrixe
59

Thank you!

You might also like