You are on page 1of 5

Kabanata 3 – Aralin 1: ANG RETORIKA AT DISKURSO

Kahulugan at Kalikasan
Sa bawat sandali sa ating buhay ay nakikipag-ugnayan tayo sa ating kapwa.
Madalas tayong napapaloob sa isang sitwasyong pandiskurso kung saan naibulalas
natin ang lahat ng ating saloobin. Ang salitang diskurso ay mula sa wikang latin na
discursus na nangangahulugang “running to and from” na maiuugnay sa pasalita at
pasulat na komunikasyon. Batay naman sa semantika at panunuring diskursong
punto de bista, ito ay tumutukoy sa pangkalahatang konsepto ng kumbersasyon sa
lahat ng modality at konteksto. Mapapansing hindi ito palaging maihihiwalay sa
kahulugan ng komunikasyon sapagkat kapwa ito tumutukoy sa proseso ng
pag-uugnayan ng tagahatid at tagatanggap ng mensahe.
Ang pinakalayunin ng tao sa pakikipagdiskurso ay maipaunawa ang mensahe
sa loob ng siklo ng diskurso. Hindi rin namamalayan ng tao na nagagamit niya ang
retorika upang maging katanggap-tanggap o kapani-paniwala ang kanyang
mensahe. Ang retorika ang nagbibigay ng kulay at lasa sa pahayag (pasalita man o
pasulat) upang makapanghimok ng tagatanggap. Hindi maikakaila na madalas ding
iugnay ang retorika sa paggamit ng mga idyomatikong pahayag o matatalinghagang
pananalita. Subalit marapat na tingnan din ang iba pang aspekto na mahalaga sa
paggamit ng retorika sa isang sitwasyong pandiskurso. Ang konsepto ng retorika ay
hindi lamang umiikot sa paggamit ng matatalinghagang salita, bagkus mahalagang
malaman ang ugnayan ng tao, lugar, oksayon, paksa, kultura at wika.
Sa mga pagkakataon na kakausapin mo ang iyong mga magulang, kapatid,
kaibigan at guro ay gumagamit ka ng retorika upang mapadaloy ang mensahe sa
isang diskurso. Sa ganitong kaso, pansinin ang pagsasaalang-alang sa iba’t ibang
bagay o usapin sa pakikipagdiskurso sa mga nabanggit. Nakasalalay sa iba’t ibang
aspekto ang paggamit ng retorika, lalo’t higit sa tao na gagamit ng estilo at lilinang
sa pahayag na ihahatid sa loob ng isang diskurso. Tandaan ang retorika ay Sining
ng Tao o People’s Art kaya nakasalalay sa tao ang kaisipang mabubuo sa paggamit
ng retorika.

Pagkakaiba ng Pasalita at Pasulat na Diskurso

Sa anumang uri ng diskurso, ang wika ang kasangkapan natin upang


mapadaloy ang mga mahahalagang ideya na ating naisip o naramdaman. Hindi
maitatangging sa paggamit ng wika sa pagpapahayag ay mas madalas tayong
nagsasalita kaysa sa nagsusulat. Kung gayon, may pagkakaiba ba ang pasalita at
pasulat na diskurso? Tunghayan natin sa ibaba:
● Panlipunan ang konteksto sa ● Indibidwal ang konteksto sa
pagtanaw sa presensya ng pagtanaw (nag-iisa ang
tagapakinig. manunulat upang gumana ang
imahinasyon) sa mambabasa.
● Hindi malay (unconscious) sa ● May malay (concious) sa
paggamit ng wika ang paggamit ng wika ang
nagsasalita. manunulat.

● Isinasaalang-alang ang
● Isinasaalang-alang ang social
audience
settings.
● Natutuhan sa isang pormal
● Likas o natutuhan sa nap ag-aaral.
prosesong natural.
● Gumagamit ng grapema o
● Gumagamit ng tunog o simbolo.
ponema.

Alinman sa pasalita at pasulat na diskurso ay ginagamit sa pang-araw-araw


na buhay. Sa lahat ng larangang kinabibilangan ng kahit sino man at ano man ang
gawain, ang dalawang uri ng pagpapahayag na ito ay mga kailangang hindi
maiiwasang gamitin.
Ang Diskursong Pasulat
Hindi maiiwasan sa anumang pag-uusap, napagtatalunan kung bakit higit na
pinapaboran ang diskursong pasulat kaysa pasalita. Hindin ba’t sa hukuman na
lamang ay maririnig ang mga pahayag na tulad ng “ang mga sinabi mo ay walang
basehan dahil iyan ay sabi-sabi o haka-haka lamang” hindi tinatanggap ng husgado
ang mga pahayag na narinig lamang. Hindi ba’t kung may transaksyon o
pakikipag-ugnayan tayo ay kinakailangang may kasulatan upang kahit papaano ay
may habol o pinanghahawakan pagdating ng panahong magkaroon ng hindi
pagkakaunawaan. Ayon nga sa mga pag-aaral napatunayan na mas mataas ang
pagtinging inilalaan sa gawaing pasulat.
Ito ang itinuturing na midyum ng literature na siyang bukal naman ng
pamantayan sa kahusayang panlingguwistika. Ang mga alituntuning
panggramatika’y mahusay na nasusunod at nailalarawan sa mga tekstong
nakasulat. Para sa kanila, sa paraang pasulat lamang nabibigyan ang lengguwahe
ng pagkakataong mamalagi na may hibong kapangyarihan. Kung walang pagsulat,
wala ring magaganap nap ag-aaral ng ating kasaysayan. Wala tayong landas tungo
sa nakaraan. Ang mga pangyayari sa nakalipas ay pawang nakasulat sa ating
kasaysayan. Angkasaysayan ang nagtuturo sa atin upang ituwid ang mga
pagkakamaling nagawa.
Sa pamamagitan ng pagsulat ay nagagawa nating itago ang mga buhay ng
mga kinikilalang tao na sa huli ay magbigay sa atin ng inspirasyon at ng
gabay.natututo tayong mag-isip at gumawa ng tamang pagpapasya dahil naturuan
tayo ng mga literaturang ating nababasa at itinuturo sa atin.

Ang Diskursong Pasalita


Ang pagsasalita’y isang natural at hindi maiiwasang gawain bilang tao hindi
katulad ng pagsulat. Natutuhan nating magsalita nang hindi namamalayan,
samantalang maingat naman tayong tinuturuan upang matutong sumulat. Ang likas
na kakayahan ng taong magsalita’y tulad din ng likas niyang kakayahang lumakad at
tumakbo. Sa pagsasalita, namumutawi ang mga katag nang walang gaanong hirap
at pag-iisip. At sa bilis ng ating pagsasalita, hindi natin namamalayan ang tamang
pagpili ng mga salita at ang mga kahingian ng gramatika, sapat na sa atin ang
makapagpahayag at maunawaan. Hindi ito nakikita sa pagsulat, mabagal at
kailangan ang buong pag-iisip.

Mga Teorya ng Diskurso


Ang teorya ay nakatutulong upang lubos na maunawaan ang mga konsepto
sa proseso ng diskurso. Maaari rin itong magsilbing salalayan sa paggawa ng
desisyon tungkol sa mga sitwasyong pandiskurso. Gayunman, walang teoryang
perpekto dahil ang bawat isa ay may kani-kanyang kahinaan at kalakasan.
Kailangan pa rin ang masusing pag-aaral sa teorya upang makilatis ito nang
lubusan.
1.Teoryang Pragmatiks
Ang pragmatiks ay sangay ng lingguwistika na mauugatang etimolohiya sa
matandang sibilisasyon ng mga Griyego at Romano kung saan itinuturing na unang
natagpuan ang salitang “pragmatics” sa wikang latin at “pragmaticos” naman sa wika
ng mga Griyego na ang ibig sabihin ay pagiging praktikal. Ang makabagong gamit
ng pragmatiks ay itinuturing na impluwensya ng pilosopikal na doktrina ng
pragmatismon ng mga Amerikano.
Ayon sa pananaliksik ni Adriano balagot (2011), bilang larangan ng maagham
na pag-aaral sa wika, tuon ng pragmatiks ang pag-aaral kung paanong lumikha at
nauunawaan ang pahayag sa isang kongretong sitwasyon ng pag-uusap. Tumutukoy
ito sa dalawang pangunahing punto ng pahayag; una, ang kalagayang imformatib o
pagtukoy sa taglay na kahulugan ng pangungusap at ikalawa, ang
pangkomunikatibong layon o nais na ipahiwatig ng nagpapahayag.
Ayon kay Kasper mula pa rin sa pananaliksik ni Balagot (2011), ang
kakayahang maunawaan at bumuo ng pahayag ay maikakawing sa kakayahang
pragmatical. Ito ay karaniwang nakaugnay sa distansiyang panlipunan at kalagayang
panlipunan sa pagitan ng encoder at decoder, kaalamang kultural gaya ng
kagandahang asal at malinaw na unawang panlingguwistika.
Malinaw batay sa mga nabanggit na ang teoryang pragmatiks ay nakatuon sa
praktikal na gamit ng pahayag kung saan isinasaalang-alang ang kakayahan sa
pag-unawa at pagbuo ng mga ideya batay sa panlipunang kalagayan, kultura at
kaalamang lingguwistika.
2.Teoryang Speech Act
Ito ay pinasimulan noong 1962 ni Jane Austin at ipinagpatuloy naman ni John
Searle sa pagitan ng 1969 hanggang 1979. Ayon sa naturang teorya ang yunit ng
komunikasyong lingguwistika ay hindi ang simbolo, salita o ang pangungusap misno,
kundi ang produksyon o paglikha ng mga simbolo, salita o pangungusap sa
pagganap ng tinatawag na speech act.
Sa pagsasalita natin, walang taglay na kahulugan ang mga salita sa sarili
lamang nito. Naaapektuhan ito ng sitwasyon, tagapagsalita at tagapakinig at maging
ng kultura. Ang salita mismo ay walang permanenteng kahulugan.
Ayon kay J.L. Austin, nahahati ang aktong lingguwistika sa tatlong
component:
● Locutionary Act – ang akto ng pagsasabi ng isang bagay.
● Ilocutionary Act – o pagganap/ perpormans sa akto ng pagsasabi ng isang
bagay.
● Perlocutionary Act – o ang pagsasabibagay na kadalasang nagpoprodyus
ng mga tiyak na konsikwensyal na epekto damdamin, pag-iisip at aksyon ng
tagapakinig ng ispiker o maging ng ibang tao.

3.Teoryang Variationist
Hango ito sa pag-aaral ukol sa pagkakaiba-iba o baryasyon ng mga wika.
Pinaniniwalaan ng mga sosyolingguwista na lumilitaw ang mga baryasyon sat ono o
punto sa pagsasalita, intonasyon at kahulugan ng mga salita. Ito ay nakaugat sa
dimensyong heograpikal at dimensyong sosyokultural. May malaking epekto ang
teritoryo, lugar o espasyo at maging ang estado sa buhay, kasarian, trabaho, antas
ng pinag-aaralan at paniniwala sa pagkakaroon ng barayti ng wika.

4.teoryang Ethnography of Communication


Ang teoryang ito ni Dell Hymes, na noong una ay tinatawag niyang
ethnography of speaking at kalauna’y pinalitan niya bilang ethnography of
communication na naglalarawan sa bagong dulog upang maunawaan ang gamit ng
wika. Binigyan niya ito ng kahulugan na nauugnay sa sitwasyon at gamit, balangkas
at tungkulin at gawi ng pagsasalita.
Layunin ni Hymes na lumayo sa pagbibigay konsiderasyon sa pagpapahayag
bilang isang abstraktong modelo at sumalig sa pagsusuri sa dibersidad ng pahayag
na makikita sa mga etnikong grupo. Naniniwala siya na ang pag-aaral ng wika ay
kailangang magbigay-linaw sa paglalarawan at pagsusuri sa kakayahan ng isang
katutubong tagapagsalita na magamit ang wika sa isang totoong sitwasyong
pandiskurso (communicative competence) kaysa sa pagbibigay lamang ng tuon sa
paglalarawan sa potensyal na kakayahan ng isang ideyal na tagapagsalita o
tagapakinig upang makalikha ng pangungusap na angkop at wasto ang gramatika
(linguistic competence). Ang mga tagapagsalita ng wika sa isang partkilar na
komunidad ay maaaring makipagtalastasan sa bawat isa sa isang paraang hindi
lamang wasto subalit, angkop din sa sosyokultural na konteksto. Samakatwid, ang
punto ng teoryang ito ay nakatuon sa kung ano ang alam ng tao na angkop na
balangkas ng wikang gagamitin sa kanyang kinabibilangang komunidad at kung
paano niya ito matutuhan.

You might also like