You are on page 1of 8

LIT 106: PANULAANG FILIPINO

ARALIN 3

Ang Idyoma at Ang Talinhaga


Sanayin Natin!

A. Maraming Pagpipilian
Panuto: Bilugan ang titik ng pinakaangkop na kahulugan ng mga
idyomang nakasulat nang pahilig sa loob ng mga sumusunod
na pangungusap.

B 1. Nahalata ni Bb. Varga na sila’y naglulubid ng buhangin lamang kaya hindi


na sila pinasok.
a. nagpapakitang-tao c. naglalakwatsa
b. nagsisinungaling d. nagbibiro

A 2. Naniningalang-pugad pa si Anthonykaya siya nahuhuli sa klase.


a. nanliligaw c. naghuhuli ng ibon
b. nagsisinungaling d. nagpapakain ng ibon

C 3. Parang hinihipang-pantog ngayon si Rikki kaya halos hindi ko siya


nakilala.
a. lumipad c. biglang tumaba
b. napakatapat d. nagtago

D 4. Napakatamis ng dila ni Randy kaya niya naaakit si Rachel.


a. nanloloko c. may diabetes
b. napakatapat d. magaling mangusap

B 5. Parang pinipit na luya si Alona nang Makita niya si Antonio.


a. nangulubot c. nanlaki ang mata
b. di-nakapagsalita d. nagtago

D 6. Kapansin-pansin sa mga dalagang iyon ang maagang pagwasak sa


makalumang paniniwala ng matatanda.
a. pagsuway sa nakagisnang ugali
b. pagyurak sa kulturang pambansa
c. pagsira sa mga magagandang asal
d. pagtalikod sa mga pangaral ng magulang

D 7. Ang pangyayaring iyon ang kinalulugmukan ng kanyang mga pangarap


sa buhay.
a. nagpatuloy sap ag-asa
b. dahilan ng kanyang mga layunin
c. pagsira sa mga magagandang asal
d. sumira sa kanyang magandang hinaharap

C 8. Nabasa ko sa kanyang mukha ang kaloobang may sugat.


a. damdaming nagagalit c. damdaming naghihinakit
LIT 106: PANULAANG FILIPINO

b. damdaming may sakit d. damdaming nagsusumamo

B 9. Kitang kita ko nang tumakas ang kulay sa kanyang mukha nang hulihin
siya ng mga pulis.
a. nangitim c. namula
b. namutla d. nangintab

D 10. Ang tinanggap nilang tulong ay tila hamog sa uhaw na talulot ng


bulaklak.
a. tubig sa halaman
b. mahigpit na kagustuhan
c. pagkain ng mahihirap
d. biyayang nakalunas ng kahirapan

C 11. Ano ka ba? Ang laki-laki mo, patabaing-baboy ka!


a. malusog c. tamad
b. marumi d. mabaho

A 12. May tali sa ilong raw iyang pulis na iyan kaya napawalan ang mga bata ni
Meyor.
a. nasa ilalim ng kapangyarihan
b. may sipon
c. walang pang-amoy
d. diktador

C 13. Ang taong may krus sa dibdib ay pinagpapala ng Diyos.


a.may sakit sa puso c. masakit ang kilooban
c. mapagpatawad d. maawain

B 14. Lumayas si Simon dahil maagaang ang kamay ng kanyang tiyahin.


a. madaldal c. magaling magmura
b. madaling manakit d. palautos

A 15. Higad na higad si Norberto kaya siya kinaiinisan ng kanyang mga


kaibigan.
a. kuripot c. mabagal kumilos
b. pikon d. nangangati

A 16. Binulungan ng kabaitan ang naguguluhang isip ng bata.


a. pagbibigay-katauhan c. pagpapalit-tawag
b. pagwawangis d. pagmamalabis

17. Bumaha ng dugo nang magsagupa ang dalawang pangkat.


D
a. pagtutulad c. pagbibigay-katauhan
b. pagwawangais d. pagmamalabis

C 18. Ang bait mo naman, sana kunin ka na ni Lord.


a. pagtutulad c. pag-uyam
b. pagwawangis d. paglumanay
LIT 106: PANULAANG FILIPINO

C 19. Nahiya ang buwan sa kanilang kabastusan.


a. pagtutulad c. pagbibigy-katauhan
b. pagwawangis d. pagmamalabis
C
20.Kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay.
a. pagpapalit-tawag c. pagpapalit-saklaw
b. pagtawag d. pagmamalabis

A 21. Abalang-abala sa gawain ang haligi ng tahanan.


a. pagpapalit-tawag c. pagpapalit-saklaw
b. pagtawag d. pagmamalis

B 22. Halika, panaginip at isakay moa ko nang malimot ko ang mga pighati sa
buhay.
a. pagpapalit-tawag c. pagpapalit-saklaw
b. pagtawag d. pagmamalabis

D 23. Sampung nanlilisik na mata ang nakatitig sa lalaking kriminal.


a. pagpapalit-tawag c. pagpapalit-saklaw
b. pagtawag d. pagmamalabis

A 24. Sinaksak mo ang puso ko nang sabihin mong ako’y wala nang pag-asa sa
‘yo.
a. pagmamalabis c. pagbibigay-katauhan
b. pagwawangis d. pagpapalit-saklaw

D 25. Dapat ipa-tune up ang wheels ko kasi matakaw na sa gasoline.


a. pagtutulad c. pagbibigay-katauhan
b. pagwawangis d. pagpapalit-saklaw

D 26. Ayoko nang Makita ang pagmumukha mo… isa kang taksil!
a. pagtutulad c. pagbibigay-katauhan
b. pagwawangis d. pagpapalit-saklaw

27. Lason sa kanya ang ginawang mong pagtalikod sa inyong pag-iibigan.


C
a. pagtawag c. pagwawangis
b. patutulad d. pagmamalabis

A 28.Kawangis mo’y isang papel na inaanod sa agos ng buhay.


a. pagtutulad c. aliterasyon
b. pagwawangis d. Asonans

A 29. Pare, narinig mo ba ang balita? Sumakabilang-buhay na pala si Gen Ver.


a. paglumanay c. pagbibigay-katauhan
b. pagwawangis d. retorikal na tanong

D 30.Ang buhay ng tao ay parang talinhaga.


a. anadiplosis c. pararelismo
LIT 106: PANULAANG FILIPINO

b. alusyon d. pagtutulad

D 31. Sumasayaw ang alon sa karagatan.


a. aliterasyon c. konsonans
b. onomatopiya d. pagbibigay-katauhan

D 32. Pasan ni Elma ang digdig simula nang namatay ang kanyang asawa.
a. paglumanay c. pararelismo
b. antiklaymaks d. pagmamalabis

B 33. Ang ulilang bahay ay muli niyang dinalaw.


a. pagtatambis c. anaphora
b. pagbibigay-katauhan d. alusyon

A 34. Kumukulo ang aking dugo kapag nakikita ko ang taong iyan.
a. pagmamalabis c. pagwawangis
b. pagtatambis d. anadiplosis

35. Napakaganda niyang lumakad, naiiwan ang puwit.


D
a. pagmamalabis c. pagsusukdol
b. pagtatambis d. pag-uyam

A 36. Si Ruth ang pinakamagandang tala sa kanilang barangay.


a. pagtutulad c. pag-uyam
b. pagpapalit-tawag d. pagsusukdol

37. Ako’y parang damong tinatangay ng agos. Napadpad sa parang pagliko


B ng ilog.
a. walang tayutay c. konsonans
b. pagtutulad d. epifora

B 38.Ang puso ng tao ay isang batingaw, sa palo ng hirap ay umaalingawngaw.


a. pagbibigay katauhan c. pagmamalabis
b. pagwawangis d. pagsusukdol

39. Bukas ay iiwan naming ang Mediterano. Paalam, Europa!


C a. pagsusukdol c. pagtawag
b. pag-uyam d. walang tayutay

40.Namuti ang aking dalawang mata sa kahihintay.


C
a. pag-uyam c. pagmamalabis
b. alusyon d. pagpapalit-saklaw

B 41. Kagabi, dinalaw ako ng mapapait mong alaala.


a. pagtatambis c. pagmamalabis
b. pagbibigay-katauhan d. paglumanay

A 42. Matapos maglublob sa putik, aba’y anong puti’t linis ng damit ng mga
bata.
a. pag-uyam c. paglumanay
LIT 106: PANULAANG FILIPINO

b. pagmamalabis d. aliterasyon

D 43. Ama ko, sa iyong kamay, inihahabilin ko ang aking kaluluwa.


a. pagpapalit-saklaw c. asonans
b. pag-uyam d. pagtawag

44. Masakit na sinturon ang tinanggap ng bata.


B
a. pagpapalit-saklaw c. pagbibigay-katauhan
b. pagpapalit-tawag d. pagmamalabis

B 45. Huwag ko na muling makikita ang mukha mo sa tapat ng aming hagdan.


a. pagpapalit-tawag c. pagsusukdol
b. pagpapalit-saklaw d. pag-uyam

B 46.Ang buntong-hininga ay isang sinulid ng nahihirapang lihim ng pag-ibig.


a. pagtutulad c. alusyon
b. pagwawangis c. pagmamalabis

47. Natunaw ang dilag sa tindi ng kahihiyan.


C
a. anaphora c. pagmamalabis
b. epifora d. konsonans

C 48.Ano ka ba, kabaitan? Ikaw ba’y isang pangalang walang kanuluhan?


a. tanong retorikal c. pagbibigay-katauhan
b. pagtawag d. pararelismo

C 49.Hindi ko mapalalampas ang pang-aaping ito. Hindi na kita kayang


patawarin. Ang husgado ang tatapos ng lahat ng ito.
a. pagsusukdol c. pagmamalabis
b. antiklaymaks d. epifora

A 50.Ikaw ang Venus at ako ang Apollo sa hamak ng buhay nating ito.
a. pagpapalit-tawag c. asonans
b. pagtawag d. alusyon

B. Pagkilala
Panuto: Basahin ang tula at tukuyin ang mga tayutay na ginamit dito.

Ermita
ni Rolando A. Bernales

Ito ang Ermita…


larawan ng mga tuwang naantala,
animoy kulisap na sa gabiý kumikislap,
LIT 106: PANULAANG FILIPINO

dyamanteng waring bituing matitingkad.


Ito ang Ermita.

Ermita ay gubat…
arena ng mga nilikhang lakas ang panukat;
may bangis ang pangil at kukong
sa balikat ng mahihinaý nakatarak,
saleeg ng mga katawang alipin ng pilak
Ermita ay gubat.

Ermita ay dula…
kasaysayan ng mga ligaw na kaluluwa,
ng libong aninong dilim ang nagluwa,
ng laksa-laksang mukhang tinakasan ng tuwa,
ni munting pag-asa, ang wakas ay wala.
Ermita ay dula.

Ermita ay awit…
himig ng mga hagulgol at iyak na paimpit,
ng mga daing at hinaing ng sumabog na dibdib
at mga luksang dasal na sa hinagpis ay tigib,
sa maghapo’t magdamag. Iitayang walang-patid.
Ermita ay dula.

Ito ang Ermita…


lungkot na nagkukubli sa likod ng mga halakhak,
piitan ng mga kalapating di na makalipad,
ng katawang ikinulong ng mga bisig na humpak
at pinagkaitan ng daigdig ng tuwa at galak.
Ito ang Ermita.
Disyembre, 1991
LIT 106: PANULAANG FILIPINO

Panuto: Basahin ang tula at tukuyin ang mga idyomang ginamit dito at
bigyan ng kahulugan.

Maling Pag-ibig

Ang maririnig nyong tula


Ay pawang aking nilikha
Sa mga hugot kayo'y mamangha
Kalimutan Iguhit man sa tubig ay di magawa
Sapagkat ito'y baon na sa puso't diwa

Ako'y walang tali sa bibig Walang kalayaang magsalita


Kaya't ibabahagi ko ang aking pag-ibig
Pag-ibig na siyang makabasag dibdib Mapanakit sa damdamin
Ngayong punto mismo kayo ay makinig
Sa tula kong pinamagatang "maling pag-ibig"

Oo mahal, alam ko
Ikrus man sa noo tandaan
Ako'y hindi nagiisa sa puso mo
Dahil bago paman magkaroon ng "tayo"
Ay meron ng "kayo"

Magiging bilang man ang araw ko Malapit nang


Kailan may hindi ka maging akin ng buo mamatay
Ano ba naman ang laban ko?
Sa kanya at mapaghusgang mundo
Lalo na sa masasamang tao at tsismoso

Pangarap mo sa akin
Ah hubad sa katotohanan Hindi totoo
Dahil kahit anong gawin ko
Papiliin man kita kong "siya o ako"
Alam kong sa huli ako parin ang talo

Akoy humanap ng batong ipinukpok sa ulo Naghahanap ng


Sa mundong pilit nyong binubuo gulo
Pero hindi kona alintana pa o away
Kung ano ba ang tama o mali
O kung ano ang dapat o hindi
Dahil ang mahalaga'y tayong dalawa
LIT 106: PANULAANG FILIPINO

Sa mundong ako at ikaw naman ang bida

Wala na akong pakialam


Sa sasabihin ng ibang tao
kawawa Kapupalad, malandi sanay na ako
Ang mahalaga'y tayo'y magkasama at nakangiti
Sa awitan mong nakawiwili
Kahit alam kong sa huli
Sa kanya ka padin uuwi

Kaya't Mahal ko
Sobrang naghihirap o Gagapang na parang ahas nalang ako
naghigikahos At ako na mismo ang lalayo
Palayo sa mundong di ko sinadyang magulo
Dahil ang tanging kasalanan ko lamang

Ay umibig ako sa maling tao

You might also like