You are on page 1of 5

LIT 106: PANULAANG FILIPINO

Aralin 6
Panahon ng Kastila
Sanayin Natin!
A. Maraming Pagpipilian
Panuto: Basahin ang mga katanungan at piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ang tibag ay kilala sa isa pang katawagang ___C____.
a. Salubong c. Santacrusan
b. Lagaylay d. Alay
2. Sino ang tinaguriang Unang Tunay na Makatang Tagalog? _D_
a. Jose de la Cruz c. Francisco Baltazar
b. Crisostomo Sotto d. Felipe de Jesus
3. Ito ay tawag sa tula na may limahang taludtud. _A_
a. Quintilla c. Cuarteto
b. Terceto d. Tanaga
4. Ang mga sumusunod ay mga makatang Ladino, maliban kay. _B_
a. Fernando Bagong Banta c. Tomas Pinpin
b. Gaspar Aquino de Belen d. Pedro Suarez Osorio
5. Ang pasyon ay binabasa o kinakanta nang walang hinto sa loob ng __B__
na araw at gabi.
a. tatlo c. anim
b. apat d. pito
6. Ano ang isa pang taguri sa Flores de Mayo? _D_
a. Santacrusan c. Panubong
b. Salubong d. Alay
7. Ang lowa ay isang halimbawa ng malikhain at masining na kalikasan ng mga _A_.

a. Ilonggo c. Ilokano
b. Bisaya d. Cebuano
LIT 106: PANULAANG FILIPINO

8. Ang kumpas ng kurido ay _______, samantala kumpas ng awit ay ______. _C_


a. andante; allegro c. allegro; andante
b. katamtaman; mabilis d. mabilis; katamtaman
9. Siya ang tinaguriang Huseng Sisiw. _B_
a. Francisco Baltazar c. Jose Corazon de Jesus
b. Jose de la Cruz d. Tomas Pinpin
10. Ang Florante at Laura ay halimbawa ng ____C_____.
a. korido c. awit
b. dalit d. pasyon
11. Ang pamanhikan ay tinatawag ding ____A_____.
a. panunuyo c. parangal
b. panubong d. panliligaw
12. Sa uring ito ng dulang pantahanan nagkaugat ang tinatawag na balagtasan. _A_
a. duplo c. senakulo
b. karagatan d. pasyon
13. Ito ay uri ng dulang panlasangan na ginaganap sa madaling araw ng Linggo
ng Pagkabuhay. _C_
a. Panubong c. Salubong
b. Panunuyo d. Senakulo
14. Sino ang kasa-kasama ni Reyna Elena sa paghahanap ng krus ni Kristo? _C_
a. Prinsipe Constantinople c. Prinsipe Constantino
b. Prinsipe Arnulfo d. Prinsipe Crisanto
15. Siya ang sumulat ng unang komedyang ipinalabas sa Pilipinas. _B_
a. Padre San Agustin c. Padre Diego Luis de San Vitores
b. Padre Jeronimo Perez d. Padre Martin Lucas

B. Panuto: Basahin ang dulang “Prinsesa Perlita” at buuin ang balangkas sa


pamamagitan ng pagsusuri ng dula.
LIT 106: PANULAANG FILIPINO

I. Pamagat: PRINSESA PERLITA


II. Nilalaman
A. Tauhan:
 Prinsesa Perlita Anak nina Haring Silanagan at Reyna Malaya
 Haring Silangan
 Reyna Malaya Magulang ni Prinsesa Perlita

 Konde Montenegro/ Prinsipe Leon/ Kardinal May balak na masama kay


 Prinsipe Magiting Prinsesa Perlita

 Prinsipe Bayan Mga tumulong sa Hari’t Reyna


at Prinsesa Perlita na maligtas
 Prinsipe Dakila
mula sa kasamaang balak ni
 Prinsipe Agila Konde Montenegro.
 Prinsipe Pilipino
Apo nina
 Prinsesa Luningning
Haring Silangan at
 Prinsipe Sulayman Reyna Malaya

B. Tagpuan:

 Sa isang lupain na tulad ay paraiso (kaharian nina Haring Silangan at


Reyna Malaya)
III. Kayarian
A. Dyanra: Moro -Moro o Komedya
B. Teorya: Teoryang Romantisismo/ Sosyolohikal
IV. Pagsusuri
A. Gintong Aral:
“Ang buhay ng tao ay isang tunggalian na mayroong mananalo at matatalo kaya
naman kung ikaw ay matalo matuto kang tanggapin ito at mas pagbutihan mo pa
sa susunod at huwagg pairalin ang ingit at paghihigante nang dahil lang sa natalo
ka. Matuto rin tayong maging kontento kung ano ang ipinagkaloob sa atin sa
panahong ito at pagtrabahuhan ng mabuti ang mga hangarin na walang
nahahamak na kapwa.”
LIT 106: PANULAANG FILIPINO

B. Taglay na Bisa
1. Bisang Pangkaisipan

 Sa buhay ng tao hindi talaga mawawala ang mga taong may


masamang balak sa iyo at gusto kang pabagsakin mulsa sa
kinasasadlakan mo ngayon kahit ubod ka pa nang bait may
ipipintas at ipipintas sayo ang mga tao kaya’t dapat tayong
maging maingat sa taong nakakasalamuha natin araw-araw at
huwag basta basta ibigay ang buong tiwala dahil maraming mga
taong kumukubli gamit ang iba’t ibang maskara.
2. Bisang Pandamdamin

 Ang tunay na pagmamahal ay hindi lamang sumasalamin sa


kasiyahang naidudulot ng magkasintahan sa isa’t isa at kung
gaano ka tamis ang pagtitinginan ng dalawa kundi ito rin ay
sumasalamin sa paghihirap ng magkasintahan na panatilihin at
protektahan ang pagmamahalang meron sila. Makikita sa dulang
Prinsesa Perlita ang paghihirap ng dalawang magkasintahan na
3. Bisang Pangkaasalan

 Kung tunay kang nagmamahal kahit magkalayo kayo ay


napipili mo paring manindigan sa pagmamahal mo sa isang tao.
Hindi yung tipong kapag malayo kayo sa isa’t isa ay maghahanap
ka na ng ibang mapaglilipasan ng oras. Sa dulang ito pinapakita
ng bidang babae na huwag tayong magpadala sa mga matatamis
na dila ng iba kung mayroon na tayong sinisinta. Matuto tayong
manindigan sa relasyong ating pinasukan at bigyang halaga ang
pagsasama lalo na sa panahong lugmok kayong dalawa. Kaya
naman paninindigan at katapatan ang asal na dapat tularan sa
dulang ito.
C. Kamalayang Panlipunan:

 Lahat ng tao ay may hangarin sa buhay ngunit hindi naman


kaila na sa buhay may mga panahong hindi tayo nananaig at
tayo’y natatalo at minsan nagiging sanhi ito ng kasamaan dahil
may mga taong hindi marunong tumanggap ng pagkatalo kaya
naman nagkakaroon sila ng damdaming maghigante at mas
LIT 106: PANULAANG FILIPINO

ungosan ang mga taong nakatalo sa kanila na nagiging sanhi din


upang sila’y makagawa ng kasamaan sa kapwa.

You might also like