You are on page 1of 6

IKAAPAT NA LAGUMANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 9

Pangalan:______________________________________________________________________________
Baitang/Antas: ________________ Seksyon:______________________ Petsa: _____________________

Panuto: Bilugan lamang ang titik ng tamang sagot.

1. Sinong kaibigan ni Kapitan Tiyago na nakahalubilo sa usapan ng mga litaw na tao sa pagtitipon at
malakas ang loob na kausapin si Crisostomo?
a. Laruja b. Kapitan Tinong c. Tenyente Guevarra

2. Sino ang nabigla nang makita ang binatang luksang-luksa at nakalimutang ang kanyang tungkulin bilang
pari na babasbasan si Kapitan Tiyago?
a. Padre Salvi b. Padre Sibyla c. Padre Damaso

3. Sino ang luksang-luksa ang pananamit na kasama ni Kapitan Tiyago na pumasok sa bulwagan?
a. Crisostomo Ibarra b. Padre Damaso c. Tinyente Guevarra

4. Sino ang lalaking pumuri kay Don Rafael Ibarra?


a. Laruja b. Kapitan Tiago c. Tenyente Guevarra

5. Saang lugar galing si Crisostomo pagkalipas ng maraming taon na pagkawala sa Pilipinas?


a. London b. Europa c. America

6. Padabog niyang (Padre Damaso) ibinagsak ang kutsara sa plato na lumikha ng malakas na kalansing at
saka sinabayan ng tulak sa pinggan.
a. inis b. galit c. lungkot

7. Kaninong mga mata ang nagmamasid sa paglisan ni Crisostomo?


a. Laruja b. Kapitan Tiago c. Tenyente Guevarra

8. Ibig-ibig nang sabihin ni Ibarra na "Magtatapos na ang hapunan at busog na ang kanyang Reverencia..."
a. pagkainis b. pagkasuklam c. lungkot

9. Ano ang natutuhan ni Crisostomo sa Alemanya na ginawa niya sa pagtitipon?


a. gumalang sa mga matatanda
b. dumalo sa mga pagtitipon para maging tanyag
c. magpakilala sa tao kapag walang nagpapakilala

10. Ano ang hindi matanggap ni Padre Damaso na sinabi ni Crisostomo?


a. Siya ay kumpesor ni Don Rafael Ibarra.
b. Siya ay matalik na kaibigan ni Don Rafael Ibarra.
c. Siya ang tagapagmana ng mga ari-arian ng ama ni Crisostomo.

11. Ano ang hinangaan ni Tenyente Guevarra kay Crisostomo batay sa naganap na sitwasyong hindi
maganda sa mata ng tao tulad ng pagtatwa ni Padre Damaso na matalik niyang kaibigan ang ama ni
Crisostomo?
a. karunungang angkin mula sa mga kaalaman sa ibang bansa
b. mayaman at tanyag
c. katatagan ng sarili

12. Ano ang ginawa ni Crisostomo bilang paggalang sa papuri na ibinigay ni Tenyente Guevarra sa ama
habang titig na titig sa Padre Damaso kay Tenyente Guevarra?
a. kinamayan b. humalik sa kamay c. yumuko bilang paggalang

13. "Yamang iniuutos ninyo ay susunod ako," patapos na wika ni Padre Sibyla na umakmang uupo.
a. pagdaramdam b. galit c. pagkayamot

14. "Sana'y higit kayong maging mapalad mapalad kaysa inyong ama."
a. Huwag sana kayong maging mapalad kaysa inyong ama.
b.Yumaman sana kayong higit sa inyong ama.

15. "Puwedeng kilala ko siya," pagbibigay-loob ni Ibarra. "Lamang ay hindi ko maalala ngayon."
a. pagpapaumanhin b. paggalang c. katapatan

16. "Mayroon po, ginang. Dalawang malinaw kaysa mga mata ninyo. Kaya lang ay nakatingin ako sa kulot
ng inyong buhok," pangangatwiran ng militar sabay layo.
a. paghanga b. pangungutya c. pagkainis

17. "Maaaring nalilimot ako ng aking bayan ngunit lagi ko naman siyang naaalaala."
a. pagkaawa b. pagdaramdam c. pagmamahal

18. "Hindi po ba kayo makikisalo sa amin, Don Santiago?" patanong na tawag ni Ibarra.
a. kasiyahan b. pag-aalaala c. panghihinayang

19. "Hindi dapat aksayahin ang iyong salapi para lamang sa napakaliit na bagay. Kahit munting batang nag-
aaral ay nakaaalam niyan!"
a. galit b. pangungutya c. kayabangan

20. "Dahil sa papuri ninyo sa aking ama ay nawala ang alinlangan ko tungkol sa mga bagay-bagay na hindi
naliliwanagan."
a. Naintindihan ko na ang nangyari sa aking ama dahil sa papuri ninyo sa kanya.
b. Nawawala ang hinala ko dahil sa mga papuri ninyo sa aking ama.

21. "...Mistulang isang dayuhan na ni hindi nakaalam kung kailan at kung paanong namatay ang aking ama!"
a. kalungkutan b. pag-ibig c. pagkasuklam

22. "...Iyan ang masamang epekto ng pagdadala sa Europa ng mga kabataang Indio! Kailangan itong
ipagbawal ng gobyerno!"
a. pangungutya b. paninisi c. katapatan

23. "...Itulot ninyong gayahin ko ang kaugaliang iyon, hindi dahil sa kagustuhan ko lamang na magpasok ng
ugaling dayuhan, kundi dahil lamang sa hinihingi ng pagkakataon."
a. Puwedeng gayahin ang ugaling dayuhan, kung makatutulong sa sitwasyon sa sariling bayan.
b. Puwedeng gayahin ang ugaling dayuhan para hindi mapagsabihang atrasado ang sariling bayan.
24. "...hindi ko matiis na hindi batiin ang pinakamahalagang hiyas ng aking bayan, ang mga babae."
a. Paris ng makinang na hiyas ang mga babae sa aking bayan.
b. Nais kong mapahalagahan ang pinakamahal na kayamanan ng aking bayan.

Panuto: Tukuyin ang inilalarawan sa bawat bilang. Isulat ang tamang sagot sa patlang.

25. Ang bahay ni Don Santiago de los Santos ay matatagpuan sa________________.

26. Ayon kay Padre Damaso, kakaiba ang pamamahala rito sa Pilipinas kung ihahambing sa ____________.

27. Si______________ay dapat tanungin hinggil sa kamangmangan ng mga Indio.

28. Si Padre Damaso ay namalagi sa Pilipinas nang halos________taon.

29. Si Padre Sibyla, na isang Dominikong pari, ay naging propesor sa kolehiyo ng_____________.

30. Ang antigong larawan ng _______________________ ay nakasabit sa dinding ng bahay ni Kapitan


Tiyago.

31. Nakagawian na sa isang pagtitipon, kapag ang mga kabataan ay nasa simbahan,____________ng lugar
ang mga upuan ang mga lalaki at babae.

32. Ang mga babae ay humalik sa kamay ni Tiya Isabel bilang___________.

33. Si___________ay paring maingat sa kanyang pananalita at pormal makitungo sa mga panauhin.

34. Ang dumadalo sa pagtitipon kahit hindi siya inaanyayahan ay tinatawag na___________.

35. Ang paghahanda ni Kapitan Tiyago ay bilang pag-aalay sa _______________ para sa maluwalhating
pagdating ni Crisostomo Ibarra.

36. Ang lugar na pinuntahan ni Crisostomo upang mag-aral at magliwaliw ay______________.

37. Noong huling dalawang taon ni Crisostomo, nagtungo siya sa Alemanya at_____________.

38. Ang taong nagkunwari na inaalok ang upuan ng kabisera ngunit nais naman niyang siya ang maupo roon
ay si___________.

39. Siyam na taong namalagi si Crisostomo sa Europa.


a. Mali b. Tama

40. Ang artilyero ay nagtrabaho bilang kolektor ng buwis.


a. Tama b. Mali

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Isang obra maestro ni Jose Rizal ang nobelang Noli Me Tangere. Ito ay salitang Latin na
nangangahulugang ___.
a.Huwag Mo Akong Apihin c.Huwag Mo Akong Linlangin
b.Huwag Mo Akong Galitin d. Huwag MoAkong Salingin

2. Aling nobela ang nagsilbing inspirasyon ni Jose Rizal sa pagsulat ng Noli Me Tangere?
a. Iliad & Odyssey c.Pride & Prejudice
b.Les Miserables d.Uncle Tom’s Cabin

3. Ang mga tauhang nilikha ni Rizal sa kanyang nobela ay may kaugnayan sa kanyang buhay.Sino sa mga
tauhan ang kumakatawan sa kanyang kapatid na si Paciano na madalas niyang hingan ng payo?
a.Don Rafael Ibarra c.Pilosopo Tasyo
b.Kapitan Tiyago d.Tinyente Guevarra

4. Ang iyong amang si Don Rafael Ibarra ay inakusahang erehe at pilibustero,”ang kwento ni Tinyente
Guevarra kay Crisostomo.Alin ang kahulugan ng salitang “erehe”?
a.isang taong hindi marunong sumunod sa mga batas ng pamahalaan
b.isang taong lumalabag sa batas ng simbahan
c.isang taong hindi nagsisimba at nangungumpisal
d.isang taong nag-aalsa laban sa pamahalaan

5. Alin sa mga sumusunod ang pinakadahilan ng pagkawala ng bait ni Sisa?


a.pagkakakulong ng dalawang anak
b.pagkamatay ni Crispin
c.pagkawala ng dalawang anak
d.pagpaparusa kay Basilio

6. Sino sa mga sumusunod na tauhan ang nag-aral sa Europa at nangarap na makapagtayo ng bahay-paaralan
upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego.
a. Elias c. Andeng
b. Crisostomo Ibarra d. Lucas

7. Ang Noli Me Tangere ay inialay sa ___.


a. GOMBURZA c. pamilya
b. kasintahan d. Inang Bayan

8. Sakit ng lipunan na tinutukoy ni Rizal sa nobelang Noli Me Tangere.


a. HIV c. Dengue
b. Kanser d. Tuberculosis

9. Ang salitang panlibak ng mga Espanyol sa mga Pilipino ay ___.


a. mangmang c. erehe
b. tamad d. indiyo

10. Ito ay ang kalagayan na kung saan itinatakwil o itinitiwalag mula sa simbahang katoliko ang isang
makasalanang tao.
a. Indulgencia c. Reverencia
b. Excomunion d. Erehe
11. Ang paring nag-utos kay Kapitan Tiyago na sirain ang nakatakdang pakikipag-isang dibdib ni Maria
Clara kay Ibarra.
a. Padre Damaso c. Padre Sibyla
b. Padre Martin d. Padre Salvi

12. Isa itong uri ng makina na walong metro ang taas at tinutukuran ng apat na malalaking troso na
pinagkabit-kabit sa tuktok ng malalaking pako. Ginagamit itong pambuhat ng mabibigat na bagay.
a. Panghugos c. Agnos
b. Telegrama d. Onsa

13. Sila ang mga tauhan ng Noli Me Tangere na nagpapakita ng Kaisipang Kolonyal (Colonial Mentality).
a. Maria Clara, Crisostomo Ibarra, Elias
b. Don Filipo, Don Saturnino, Don Rafael
c. Donya Consolacion, Donya Victorina, Kapitan Tiyago
d. Sisa, Crispin, Basilio

14. Mga taong kinikilalang makapangyarihan o casique sa bayan ng San Diego.


a. Don Rafael Ibarra at Kapitan Tiyago
b. Pilosopo Tasyo at Don Filipo
c. Gobernadorcillo at Kapitan ng bayan
d. Kura paroko at Alperes

15. Ang huling pag-ibig ni Jose Rizal ay si ___.


a. Josephine Bracken c. Segunda Katigbak
b. Leonor Rivera d. Maria Clara

16. Ang nagpahiram ng pera kay Rizal para maipalimbag ang nobelang Noli Me Tangere ___.
a. Paciano Rizal c. Maximo Viola
b. Ferdinand Blumentritt d. Valentin Ventura

17. Ang Noli Me Tangere ay halimbawa ng nobelang:


a. pampolitika c. panlipunan
b. panrelihiyon d. pampamilya

18. Isang mahabang salaysay na nahahati sa mga kabanata, maraming tagpuan, maraming tunggalian, at
masalimuot ang mga pangyayari.
a. sanaysay c. maikling kwento
b. nobela d. dula

19. Kaibigang Aleman ni Rizal na pinagpaliwanagan niya ng kanyang layunin kung bakit isinulat ang
nobelang Noli Me Tangere.
a. Ferdinand Blumentritt c. Maximo Viola
b. Andres Bonifacio d. Valentin Ventura

20. Petsa ng kapanganakan ni Jose Rizal.


a. Hunyo 19, 1861 c. Hunyo 20, 1861
b. Hunyo 19, 1862 d. Hunyo 20, 1862
21. Ang tulang ito ay isinulat ni Rizal sa Calamba, sa gulang na walang taon lamang.
a. Sa Aking mga Kabata c. Isang Alaala ng Aking Bayan
b. Ang Aking Huling Paalam d. Sa Kabataang Pilipino

22. Alin sa mga sumusunod na kanser ng lipunan ang HINDI ipinakita sa nobelang Noli Me Tangere?
a. Pananakot ng mga prayle sa mga Pilipino ukol sa mga turo ng simbahan.
b. Kawalang pansin sa kahalagahan ng edukasyon
c. Pang-aabuso sa mga kababaihan
d. Pagpapautang nang may patubo sa kapwa

23. Tawag sa larong pinagkakaabalahan ng mga kadalagahan at kabinataan sa lugar ng piknik.


a. Patintero c. Luksong-lubid
b. Gulong ng kapalaran d. Palo Sebo

24. Ang sinasabing kinuhanan ng inspirasyon sa karakter na Maria Clara ng Noli Me Tangere.
a. Segunda Katigbak c. Nelly Bousted
b. O-Sei San d. Leonor Rivera

25. Ang unang bahagi ng Noli Me Tangere ay naisulat sa taong 1884 sa bansang ___.
a. Madrid, Spain c. Paris, France
b. Berlin, Germany d. Tokyo, Japan

26. Pinalitan ng Mercado ang orihinal na apelyido bilang pagsunod sa kautusan ni Gobernador Narciso
Claveria na nag-aatas na gamitin ng lahat ang mga apelyidong Espanyol noong 1849. Ang Mercado ay
nangangahulugang ___.
a.palengke c.talino
b.pera d.yaman

27. Samantalang ang apelyidong ‘Rizal’ ay idinagdag din sa pangalan ng kanilang pamilya sa bisa rin ng
kautusan ni Gobernador Claveria noong 1849 na nangangahulugan namang ___.
a.katalinuan c.pagsasaka
b.luntiang bukid d.palengke

28. Ang Noli Me Tangere ang binubuo ng ___ na Kabanata.


a. 34 c. 54
b. 44 d. 64

29. Alin sa mga sumusunod na elemento ng nobela ang tumutukoy sa pagkakasunud-sunod ng mga
pangyayari sa nobela?
a. Banghay c. Tema
b. Tagpuan d. Pananaw

30. Sino ang kauna-unahang Pilipinong nagsalin ng Noli Me Tangere sa Tagalog?


a. Alejandro G.Abadilla c.Pascual Poblete
b.Lope K.Santos d.Virgilio Almario

You might also like