You are on page 1of 17

Filipino

Ikaapat na Markahan – Modyul 4:


NOLI ME TANGERE
Pulong ng Bayan
Filipino– Grade 9
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan– Modyul 4: Noli Me Tangere: Pulong ng Bayan

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon.Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales.Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat : Cyrine B. Pesalbon
Tagasuri : Aida F. Tabañag
Tagawasto : Rollynda Ruth T. Dacillo
Tagaguhit : Jiemond D. Catam-isan
Tagalapat : Radino Bryan C. Sardido, Rollynda Ruth T. Dacillo, Wendie C. Ferolino

Tagapamahala
Schools Division Superintendent:
Marilyn S. Andales
Assistant School Division Superintendents:
Anelito A. Bongcawil
Fay C. Luarez
Lorenzo M. Dizon
Chief, CID : Mary Ann P. Flores
EPSVR, LRMDS : Isaiash T. Wagas
EPSVR, Filipino : Araceli A. Cabahug

Inilimbag sa Pilipinas ng:


Kagawaran ng Edukasyon – Region VII, Division of Cebu Province
Tanggapan: IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City
Telefax :( 032) 255-6405
E-mail Address: cebu.province@deped.gov.ph

Grade 9 Filipino ii
9
Filipino
Ikaapat na Markahan – Modyul 4:
NOLI ME TANGERE
Pulong ng Bayan

iii
Grade 9 Filipino
Alamin
Ayon kay Dr. Jose P. Rizal, isa ka sa mga kabataang inaasahan ng bayan. Kaya
naman para mahubog mo ang iyong sarili na maging responsableng kabataan o
mamamayan ay inihahatid ko ang modyul na ito.

Sa pagtatapos ng modyul na ito ay inaasahan na:

 Naipaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa aralin gaya ng:


 Pamamalakad ng pamahalaan
 Paniniwala sa Diyos
 Kalupitan sa kapuwa
 Kayamanan
 Kahirapan at iba pa

1
Grade 9 Filipino
Subukin

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na mga katanungan. Bilugan ang titik
ng tamang sagot.
1. Anong kaisipang nakapaloob sa sitwasyong ito: “Pagsasagawa ng
indulhensiya sa kaluluwa ng yumaong kamag-anak.”
A. pamamalakad ng pamahalaan C. palupitan sa kapwa
B. paniniwala sa Diyos D. kayamanan at kahirapan
2. Ang paglabag sa karapatang pantao ay napabilang sa kaisipang __________.
A. pamamalakad ng pamahalaan C. kalupitan sa kapwa
B. paniniwala sa Diyos D. kayamanan at kahirapan
3. Saan nangyari ang pagpupulong ng mga namumuno sa bayan at sa nayon ng San
Diego?
A. tribunal C. simbahan
B. plasa D. kabisera
4. Ito ay mga sandatang panugis ng mga tulisan, maliban sa:
A. baril C. patalim
B. sable D. sibat
5. Ano ang nakasabit sa dulong dingding ng bulwagan na may kurtina?
A. platapormang kahoy C. larawan ng hari ng Espanya
B. lumang silyon D. larawan ni Don Filipo
6. Mabulaklak ang pananalita ni Kapitan Basilio sa kanyang hinaing plano.
Ang kahulugan ng sinalungguhitang matalinghagang salita ay __________.
A. maraming sinasabi C. may bulaklak ang kanyang dila
B. nakakaenganyong pananalita D. magalang na pagsasalita
7. Ano-anong mga partido ang nakaupo sa pagpupulong?
A. Conservador at Liberal C. Liberal at Pulis-munisipyo
B. Conservador at Kunsumidor D. Kunsumidor at Pulis-munisipyo
8. Lahat ng nabanggit ay may kaugnayan kay Don Filipo, maliban sa:
A. kapitan sa bayan ng San Diego C. mahilig magbasa ng Latin
B. isang tenyente mayor D. asawa ni Donya Teodora
9. Ano ang pinag-uusapan sa pagpupulong ng mga namumuno sa bayan?
A. ang yumaong si Don Rafael C. ang pagpapatayo ng paaralan
B. ang kapistahan D. ang plataporma ng pamahalaan

2
Grade 9 Filipino
10. Isang mayor ang iyong tatay sa lungsod na inalukan ng malaking porsyento
ng gusaling kanyang ipapatayo kung sakaling sila ang kuning kontraktor.
Ngunit napag-alaman niya na ang materyales na gagamitin ay hindi mabisa.
Ano sa palagay mo ang nararapat gawin ng iyong tatay?
A. tanggapin ang alok para makakuha ng malaking pera
B. kausapin ang nag-alok at sabihing maaaring magdulot ito ng aksidente
C. magpupulong-pulong kasama ang miyembro ng sanggunian sa lungsod
at pag-usapan ang alok
D. hindi tanggapin ang alok

Balikan
Sa nakaraang modyul ay natuto kang gumamit ng mga pang-uri. Ngayon ay ibig
kong malaman kung ito ba ay lubos mong natutunan kaya gawin mo na ang gawaing ito.

Panuto: Gamit ang mga pang-uri, ilarawan ang iyong barangay base sa:
> Tao
> Lugar
> Kaugalian

___________________________________________
(Pangalan ng Barangay)

1. Mga mamamayan ________________________________


_______________________________________________________
2. Lugar _______________________________________________
_______________________________________________________
3. Kaugalian____________________________________________
_______________________________________________________

3
Grade 9 Filipino
Tuklasin
Marahil ay kilala mo ang iyong barangay. Ngayon ay batid kong magkaroon ka ng
paunang kaalaman sa prosesong ginagawa sa namamalakad o nanunungkulan sa
barangay bago matupad ang mungkahi o pasya. Basahin mo ang buod ng Kabanata XX:
Pulong ng Bayan.
Pulong ng Bayan

Mahaba at maluwang ang bulwagan sa tribunal. Dito nagpupulong ang mga


namumuno sa bayan at sa nayon ng San Diego. May mga larawang nakasabit sa
dingding. Hindi kagandahan ang mga iyon at may kasagwaan ang paliwanag na mga
salita. May nakapalamuti ring makalumang mga baril, sable, at patalim. Ito’y
sandatang panugis sa mga tulisan at masasamang loob ng mga pulis-munisipyo
roon. Sa isang dulo ng bulwagan na kinabitan ng pulang kurtinang marumi na ay
nakasabit sa dingding ang larawan ng hari ng Espanya. Tinutunghayan ng larawan
ang isang platapormang kahoy na kinapapatungan ng isang lumang silyon.
Nakaharap dito ang malaking mesa na pinalibutan ng mga silya at bangko. Nakaupo
at nag-usap ang mga miyembro ng dalawang partido. Matatanda ang mga miyembro
ng Partidong Conservador at kabataan naman ang bumubuo sa Partidong Liberal.
Magkalaban kaya’t magkabukod kung mag-usap-usap ang dalawang lapian.
“Nakapagdududa at nakakawala ng tiwala ang ikinikilos ng kapitan,” sabi ni
Don Filipo sa mga kaibigan. Siya ang tenyente mayor at lider ng Partidong Liberal.”
Talaga yatang ayaw na niyang pag-usapan pa ang tungkol sa gugulin para sa pista.
Aba’y lalabing-isang araw na lamang at pista na. Sa a-dose ng buwang kasalukuyan
ang pista sa San Diego.”
“At ngayo’y nasa kumbento at kausap ng kura na di raw makapaparito pagkat
may sakit,” puna ng isang kabataan.
“Hindi bale!” Sabi naman ng isa pa. “Handa na tayo. Huwag lang sang-ayunan
ng nakararami ang balak ng matatanda.”
“Palagay ko’y hindi sasang-ayunan,” wika ni Don Filipo. “Ako ang maghaharap
ng kanilang plano.”
“Ano? Ano ang gusto n’yong sabihin?” nagtatakang tanong ng mga nakikinig.
“Hindi namin kayo maintindihan, ginoo,” naghihinalang wika.
“Makinig kayo,” bulong ni Don Filipo sa dalawa o tatlong kausap na malapit sa
kanya. “Nakasalubong ko kaninang umaga si Tandang Tasyo.”
“Ano ang sabi?”

4
Grade 9 Filipino
“Sabi niya sa akin ay ito, ‘Mas galit sa inyo ang kalaban. Kaya, magmungkahi
kayo ng planong hindi ninyo aaprobahan. Tiyak na hindi nila pagtitibayin ang balak
kahit na mahalaga pang tulad ng putong ng Obispo, pagkat kayo ang nagmungkahi.
Kung talo na kayo ay saka imungkahi ang gustong maaprobahan. Bayaan ang isang
karaniwang miyembro ng partido ninyo ang magharap ng balak. Pagtitibayin iyon ng
kalaban ninyo para kayo hiyain. Pero, ilihim n’yo lang.”
“Baka…”
“Kaya nga ako ang maghaharap ng balak ng ating kalaban at gagawin ko itong
katawa-tawa.” Binalingan ni Don Filipo ang isang batang kabisa. “Kayo ang
magmungkahi ng plano ng ating partido pagkatapos kong matalo,” anang Don.
Siyang pagpasok ni Ibarra at ng guro. Bumati ang dalawa sa mga naroroon
ngunit hindi nakihalo sa kanilang usapan. Maya-maya’y dumating naman ang
kapitan. Nahinto ang bulong-bulungan. Isa-isa nang nagsiupo ang mga naroroon at
unti-unting natahimik ang lahat makaraan ang ilang sandali.
Umupo ang kapitan sa silyong nasa plataporma at apat o limang beses na
umubo. Hinaplos ang buhok at mukha, ipinatong ang siko sa mesa pero inialis na
muli. Umubo na naman. Inulit-ulit niya ang ganitong kilos.
“Mga ginoo,” sa wakas ay marahan niyang wika. “Pinulong ko
kayo…,e…,e…,pista na ng San Diego a-dose ng buwang ito. . . ,e . . . Ngayo’y
ikalawang …,e…,e….” Sinadya niyang umubo nang sunod-sunod at nanahimik
pagkatapos.
Tumayo ang isang lalaki mula sa grupo ng Consevador. Apatnapung taong
gulang na siya marahil at mukhang mayabang. Siya si Kapitan Basilio na naging
kalaban ng yumaong si Don Rafael.
Naniniwala ang nasabing kapitan na hindi na sumulong kahit isang hakbang
man lamang ang mundo mula nang mamatay si Santo Tomas de Aquino. Hindi na
rin daw umunlad, kundi umurong pa ang sangkatauhan mula nang iwan niya ang
Kolehiyo ng San Juan de Letran.
Humingi ng pahintulot si Kapitan Basilio na unang makapagsalita dahil
mahalaga ang paksang pag-uusapan.
“Hindi naman nangangahulugang ako ang pinakaimportanteng tagapagsalita
at pinakawalang-kuwenta ang mahuhuli. Kaya lamang ay hindi maipagpapaliban
ang aking sasabihin, at para mapag-isipan itong mabuti,” paliwanag niya.
Isa-isa niyang binanggit ang pangalan ng mga may-sinasabing naroroon nang
pahintulutan siyang unang magsalita. Maligoy at mabulaklak ang kanyang mga
pananalita. Panay ang paghingi niya ng paumanhin at pahintulot. Humaba nang
humaba ang kanyang talumpating wala namang kabuluhan at tinapos sa
pagsasabing ang panahon ay ginto kaya’t dapat na iklian at liwanagin kaagad ng
ibang magsasalita ang kanilang sasabihin.

5
Grade 9 Filipino
Ipinahayag ng kapitang nangungulo sa pulong na puwede nang
makapagsalita ang iba. Tumayo si Don Filipo nang walang ibang nangahas.
Nagkindatan at nagsenyasan nang makahulugan ang mga miyembro ng
Conservador.
“Inihaharap ko ang mungkahing badyet para sa pista,” sabi ni Don Filipo.
“Hindi matatanggap iyan!” sigaw ng isang matandang Conservador.
“Tutol kami r’yan!” magkakasabay na wika ng iba pa.
“Mga ginoo,” nangingiting wika ni Don Filipo. “Hindi ko pa naman
naipapaliwanag ang balak na inihaharap ng kabataan. Natitiyak naming ang
mahalagang proyektong ito ay magugustuhan ng lahat, kaysa sa ihaharap ng
oposisyon.”
Lalong nakapagpainit ng kalooban ng mga Conservador ang mapusok na
pahayag, kaya pinagkaisahang kalabanin ang nagmungkahi.
Nagpatuloy si Don Filipo, “Tatlong libo’t limandaang piso ang badyet para sa
pista. Sa halagang ito ay makapagpista tayo nang higit sa nakita na natin dito at sa
iba pang lalawigan.”
“Ow!” bulalas ng mga hindi makapaniwala, “Ang bayan ng A ay may badyet
na 5,000 piso, ang kalapit-bayan ay may 4,000 piso. Hmm… Kahambugan ‘yan!”
“Makinig kayo, mga ginoo, at makumbinsi kayo,” walang pagkabahalang
patuloy ni Don Filipo. “Imumungkahi kong magtayo ng isang malaking entablado sa
plasa sa halagang 150 piso.”
“Kulang ‘yan!” matigas na tutol ng isang Conservador. “Gawin mong 160 piso.”
“Ginoong Kalihim, ilista ninyong 200 piso para sa entablado,” utos ni Don Filipo.
“Arkilahin din natin ang komedya sa Tundo upang magpalabas sa loob ng pitong
gabing sunod-sunod. Dalawandaang piso isang gabi, 1,400 piso ang ilista ninyo.
Ginoong Kalihim, 1,400 piso.”
Gulat na gulat na nagkatinginan ang matatanda at kabataan, maliban sa mga
nakakaalam ng sikreto.
Idinagdag ni Don Filipo ang balak para sa mga paputok… 200 bomba at 200
kuwitis na bawat isa’y dalawang piso, kaya ipinalista ang sanlibong piso para rito.
Hindi na nakapagpigil ang mga Conservador. Tumayo ang ilan at sumangguni
sa mga kasamahan.
“Isa pa, para ipakita sa mga kanugnog-bayan na bukas ang palad natin
at may perang gagastusin,” dugtong ni Don Filipo, inilakas niya ang boses at
sinulyapan ang grupo ng Conservador. “Kumuha tayo ng apat na isponsor para sa
dalawang araw na pista. Saka, 200 pritong manok, 100 relyenong kapon, at 50 litson
ang ihagis natin sa ilog tulad ng ginagawa ni Sulla sa kapanahon ni Cicero. Kilala
sila ni Kapitan Basilio.”
“Oo nga, tulad ni Sulla,” nasisiyahang wika ni Kapitan Basilio.
Nagitla ang madla nang gayon na lamang.

6
Grade 9 Filipino
“Magsisipamisa rin lamang ang mayayaman na dala ang libo-libong piso, ang
pinakamagagaling na sasabungin, baraha, at ‘yung ginagamit
sa larong Intsik ay magpasabong tayo nang labinlimang araw at gawing legal
ang sugal.”
Nagtindigan ang kabataan bilang pagtutol. Naisip nilang nasisiraan na
yata ng ulo ang tenyente mayor. Mainitan ang pagtatalo ng matatanda. Nadaig ang
tinig ni Don Filipo ng mga pasigaw na pagsasalita mula sa bawat sulok ng bulwagan.
“Hindi maaari!” sigaw ng may-prinsipyong Conservador. “Hindi ako
makapapayag na maipagmalaki niyang siya ang nagpapista. Hindi! Bayaan n’yo
kong makapagsalita!”
“Naloko tayo ni Don Filipo,” sabi naman ng mga Liberal. “Huwag nating
botohan. Kumampi siya sa matatanda. Huwag nating botohan.”
Nanlambot ang kapitan, ngunit wala siyang ginawang anuman para payapain
ang kaguluhan. Hinintay niyang magsiayos ang lahat. Humingi ng pahintulot na
makapagsalita ang pinuno ng pulisya, pero nagtikom ng bibig at umupong muli na
nalilito at hiyang-hiya.
Nagkaisa ang lahat na tuligsain at kalabanin si Don Filipo, kaya’t nag-urong
siya ng kanyang mungkahi.
Tuwang-tuwa ang mga Conservador sa pagkatalo ng kanilang kalaban.
Payapa na nilang tiningnan ang pagtayo ng isang kabisa na humiling na
makapagsalita.
“Imumungkahi kong magpalabas ng mga hindi karaniwang napapanood sa
araw-araw. Sikaping huwag makalabas sa bayan natin ang ating salapi, kaya huwag
itong aksayahin sa walang kuwentang mga paputok, kundi sa mga bagay na
makabubuti para sa lahat.”
“Iyan nga!” sang-ayon ng kabataan. “Iyan ang ibig namin.”
“Magaling,” ayon din ng mga Conservador. “Ano ang mapapala natin sa pitong
araw na komedyang mungkahi ng tenyente mayor? Ano ang matutunan natin sa
mga hari ng Bohemya at Granada na nagpapapugot ng ulo sa kanilang mga anak
na prinsesa, o nag-uutos na ibala sa kanyon ang mga iyon? Hindi naman tayo mga
hari ni Barbaro, at kung tutularan sila’y baka mabitay pa tayo sa Bagumbayan. E,
ano ba sa atin ang mga prinsesang solong nakikipaglaban sa mga prinsipe, o kaya’y
naglalagalag sa mga bundok na parang kinukulam? Hindi ba mas mabuting
magpalabas tayo ng mga dramang naglalarawan ng sariling kaugalian upang
maunawaan at maiwasto ang ating mga bisyo’t kapintasan at mapahalagahan
naman ang ating mga katangian?”
“Iyan nga!” sang-ayon muli ng mga Liberal.
“Tama siya,” nag-iisip na bulong ng ilang Conservador.
“Hindi ko naisip ‘yon,” bulong din ni Kapitan Basilio.
“Pero, paano ang gagawin ninyo?” tutol pa rin ng isang matanda.
“Madali ‘yan,” tugon ng batang kabisa.”Dala ko po rito ang dalawang komedya
na tiyak na maiibigan ng mga maginoo at iginagalang nating katandaan. Lubhang

7
Grade 9 Filipino
kapuri-puri at nakalilibang ang mga ito. Ang isa’y may pamagat na Ang Paghahalal
sa Kapitan. Ang ikalawa’y Mariang Makiling, siyam na yugto ang dulang ito at
dalawang gabi ipalalabas. Makabago at makabuluhan ang mga palabas na ito saka
hindi magastos. Mga karaniwang damit lamang kasi ang kailangan.”
“Sagot ko ang entablado,” masigasig na sabi ni Kapitan Basilio.
“Kung kailangan ang pulis sa drama ay puwede ang mga tauhan ko,” sabi
naman ng puno ng pulisya.
“At ako, ako ang lalabas na matanda kung kailangan ninyo!” umaarteng
tumayo ang isang Conservador.
Sumang-ayon na ang lahat matapos ang ilang pang diskusyon. Masigla sila
maliban sa kapitan na pinagpapawisan at balisa. Hinaplos niya ang noo at nauutal
na nagsalita.
“Payag din ako, pero…e…,” kinusot niya ang mga mata bago nagpatuloy,
“ngunit iba ang gusto ng kura.”
“Ang kura ba o tayo ang gumagasta para sa pista?” mariing tanong ni
Pilosopong Tasyo na nilingon ng lahat.
“Ano naman ang gusto ng kura?” usisa ni Kapitan Basilio.
“Ang gusto ng kura’y anim na prusisyon, tatlong sermon, tatlong misa mayor.
At kung may pera pa ay komedya sa Tondo at musikang pang-intermisyon.”
“Ayaw naming n’yon!” tutol ng kabataan at ng nakararaming Conservador.
“Iyon ang gusto ng kura at nangako akong matutupad iyon.”
“Bakit pa kayo tumawag ng pulong?”
“Para nga sabihin sa inyo.”
“Bakit hindi n’yo sinabi agad?”
“Sasabihin ko na sana, ngunit nagsalita si Kapitan Basilio, at hindi na ako
nagkaroon ng pagkakataon….Dapat na masunod ang kura!”
“Dapat na masunod ang kura!” ulit ng ilang matatanda.
“Kailangang siyang sundin kung hindi’y ibibilanggo tayong lahat ng alcalde,”
susog ng iba pang matatanda.
“Asikasuhin n’yong mag-isa ang pista,” bulalas ng kabataan habang
nagsisitayo. “Babawiin namin ang aming abuloy.”
“Naibigay na ang lahat ng abuloy,” sabi ng kapitan.
Nilapitan siya ni Don Filipo at buong kapaitang nagwika. “Magsakripisyo
kayo para sa isang mabuting bagay. Nakapagsakripisyo na rin lang kayo para sa
masama, at nasira ang lahat.”
Samantala’y kinausap ni Ibarra ang guro.
“May ipagbibilin ba kayo sa Kapitolyo? Papunta ako doon ngayon.”
“May lalakarin ba kayo doon?”
“Mayroon!” mahiwagang sagot ni Ibarra.
Sanggunian: Pinagyamang Pluma Aklat 2
Baitang 9 pahina 617-622

8
Grade 9 Filipino
Suriin
Panuto: Sagutin ang bawat katanungan. Isulat ang sagot sa sautang papel.

1. Sinu – sino ang dumalo sa pulong?


2. Para saan ang ginawang pagpupulong?
3. Bakit hindi magkasundo ang partidong Conservador at partidong Liberal?
4. Maituturing mo bang mabuti ang paying ibinigay ni Pilosopong Tasyo kay Don
Filipo? Bakit?
5. Ano ang ipinahihiwatig ni Kapitan Basilio sa kanyang sinabi na, “Hindi sumulong
kahit isang hakbang man lang ang mundo?”

Pagyamanin
Panuto: Isulat ang pangyayaring nasa buod na nagsasaad ng kaisipang hinihingi sa
bawat kahon.

9
Grade 9 Filipino
Isaisip
Panuto: Sa isang pangungusap, anong aral ang iyong mahihinuha sa buod ng
“Pulong ng Bayan”?

Isagawa
Panuto: Maghanap ng mga pangyayari sa “Pulong ng Bayan” at iugnay ito sa
pangyayaring naranasan mo sa totoong buhay. Isulat ang iyong sagot
sa pamamagitan ng pagpuna ng tsart sa ibaba.

Pangyayaring mula sa “Pulong ng Pangyayaring naranasan sa totoong


Bayan” buhay

10
Grade 9 Filipino
Tayahin
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na mga katanungan. Piliin ang titik ng
tamang sagot.

1. Lahat ng nabanggit ay may kaugnayan kay Don Filipo, maliban sa:


A. kapitan sa bayan ng San Diego C. mahilig magbasa ng Latin
B. isang tenyente mayor D. asawa ni Donya Teodora
2. Ano ang pinag-uusapan sa pagpupulong ng mga namumuno sa bayan?
A. ang yumaong na si Don Rafael C. ang pagpapatayo ng paaralan
B. ang kapistahan D. ang plataporma ng pamahalaan
3. Saan nangyari ang pagpupulong ng mga namumuno sa bayan at sa
nayon ng San Diego?
A. tribunal C. simbahan
B. plasa D. kabisera
4. Ito ay mga sandatang panugis ng mga tulisan, maliban sa:
A. baril C. patalim
B. sable D. sibat
5. Ano ang nakasabit sa dulong dingding ng bulwagan na may kurtina?
A. platapormang kahoy C. larawan ng hari ng Espanya
B. lumang silyon D. larawan ni Don Filipo
6. Mabulaklak ang pananalita ni Kapitan Basilio sa kanyang hinaing plano.
Ang kahulugan ng sinalungguhitang matalinghagang salita ay __________.
A. maraming sinasabi C. may bulaklak ang kanyang dila
B. nakakaenganyong pananalita D. magalang na pagsasalita
7. Ano-anong mga partido ang nakaupo sa pagpupulong?
A. Conservador at Liberal C. Liberal at Pulis-munisipyo
B. Conservador at Kunsumidor D. Kunsumidor at Pulis-munisipyo
8. Anong kaisipang nakapaloob sa sitwasyong ito: “Pagsasagawa ng
indulhensiya sa kaluluwa ng yumaong kamag-anak.”
A. pamamalakad ng pamahalaan C. kalupitan sa kapwa
B. paniniwala sa Diyos D. kayamanan at kahirapan
9. Ang paglabag sa karapatang pantao ay napabilang sa kaisipang __________.
A. pamamalakad ng pamahalaan C. kalupitan sa kapwa
B. paniniwala sa Diyos D. kayamanan at kahirapan

11
Grade 9 Filipino
10. Isang mayor ang iyong tatay sa lungsod na inalokan ng malaking porsyento
ng gusaling kanyang ipapatayo kung sakaling sila ang kuning kontraktor.
Ngunit napag-alaman niya na materyales na gagamitin ay hindi mabisa.
Ano sa palagay mo ang nararapat gawin ng iyong tatay?
A. tanggapin ang alok para makakuha ng malaking pera
B. kausapin ang nag-alok at sabihing maaaring magdulot ito ng aksidente
C. magpupulong-pulong kasama ang miyembro ng sanggunian sa lungsod
at pag-usapan ang alok
D. hindi tanggapin ang alok

Karagdagang Gawain

Sa sinabi ni Dr. Jose P. Rizal na, “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan,” paano ka
makatutulong sa pagsugpo ng korapsiyon o katiwalian sa bansa?

_________________________
__________________

_________________________
__________________

_________________________
__________________

_________________________
RUBRIKS SA MALIKHAING PAGSULAT
__________________
10- Napakahusay ang pagpapahayag sa mensaheng iparating
_________________________
8- Mahusay ang pagpapahayag sa mensaheng iparating
__________________
7- Katamtaman lamang ang pagpapahayag sa mensaheng iparating
5- Di- mahusay ang pagpapahayag sa mensaheng iparating
4- Sadyang di- mahusay ang pagpapahayag sa mensaheng iparating

12
Grade 9 Filipino
Grade 9 Filipino
13
Balikan
Karagdagang Gawain
(Opinyon ng
Maaaring magkaiba ang sagot ng mag-aaral ang iskor ay mga mag-
batay sa pag-ebalweyt ng guro. aaral)
Suriin
1. Mga miyembro
Tayahin ng partidong Subukin
1. A Conservador at
partidong Liberal 1. B
2. B 2. C
Isagawa 2. Para sa
3. A kapistahan 3. A
(Paiba-iba ang
4. D kasagutan) 3. Dahil ang 4. D
gusto ng kura
5. C 5. C
Isaisip ang masusunod
6. B 6. B
(Opinyon ng mga mag- 4. (Paiba-iba ang
7. A aaral) kasagutan) 7. A
8. B 5. Walang pag- 8. A
Pagyamanin
unlad o hindi
9. C 9. B
(Paiba-iba ang umuunlad
10. B kasagutan) 10. B
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian:
Alma M. Dayag, Ailene G. Baisa-Julian, Mary Grace G. del Rosario, at Nestor S.
Lontoc. Pinagayamang Pluma 9 (K to 12) Aklat 2. Phoenix Publishing
House, Inc. 2015
Domingo D. De Guzman, Francisco Laksamana, at Maria De Guzman. Noli Me
Tangere. Quad Alpha Centrum. 2015
https://www.bitmoji.com/

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources


(DepEd-BLR)
IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City, Philippines 6000
Telefax: (032) 255-640
Email Address: cebu.province@deped.gov.ph

14
Grade 9 Filipino

You might also like