You are on page 1of 5

Republika ng Pilipinas

PAMPAMAHALAANG PAMANTASAN NG PANGASINAN


Kampus ng San Carlos
KOLEHIYO NG EDUKASYON
DEPARTAMENTO NG MGA WIKA
Lungsod San Carlos, Pangasinan (2420)

Mala-masusing
Banghay-Aralin
sa Pagtuturo ng
NOLI ME TANGERE
ni Dr. Jose Rizal
(Kabanata 53 II Buon Di Si Conosce Da Mattina )

Inihanda ni:

MAYBELEN B. CALUGAY

Petsa ng Pagpasa:
25 Hulyo 2016
I. Mga Layunin
A. Nakapagbibigay ng reaksiyon hinggil sa nabuong larawan;
B. Naibubuod ang tekstong binasa sa pamamagitan ng dugtungang pagkukwento;
C. Naiuugnay ang tekstong binasa hinggil sa pansariling pananaw patungkol sa mga
pangyayari sa buhay sa nakaraan.
D. Nakapagsusuri ng mga kaugnay na pangyayari sa kasalalukuyan.

II. Paksa
Paksa: Kawalan ng Kaalaman sa Nakaraan
Tatalakaying Genra: Nobela
Pamagat ng Teksto: KABANATA 53 II BUON DI SI CONOSCE DA MATTINA
( Makikilala sa Umaga ang Isang Magandang Araw ) ni Dr. Jose Rizal
Mga Kagamitan: Mga larawan, kopya ng teksto, tsart, show me board, marker
Sanggunian:
JOSE RIZAL- NOLI ME TANGERE
Salin ni Virgilio S. Almario
Adarna House 2011
Lungsod Quezon
pahina 363-368
Kasanayang Pampanitikan:
- Dugtungang pagkukuwento
- Pagtukoy sa damdaming nangingibabaw sa pahayag
- Pagtukoy ng paksa ng ipinakitang larawan
Kasanayang Pampag-iisip:
- Pagbibigay saloobin, reaksyon o opinyon
Halagang Pangkatauhan:
- Pagkakaroon ng kaalaman sa nakaraan at pagkatuto mula sa mapapait na
karanasan.

III. Yugto ng Pagkatuto

A. Tuklasin

1. Pagganyak
a. Bingo Word. Bawat mag-aaral ay pipili ng limang salita na makikita sa
harap ng pisara. Ang guro naman ang siyang magsasabi kung anong salita ang
kanyang nabunot. Ang sinumang mag-aaral ang mananalo ay makakatanggap
ng premyo.

2. Paglinang ng Talasalitaan
a. JUMBLED WORDS. Buuin ang mga titik sa loob ng kahon upang matukoy
ang kahulugan ng mga salita.

Hinagpis Itahgip Pighati


Mapanglaw Otrepske Eksperto
Nakaraan Tokgnulam Malungkot
Umiinog Tokiimu Umiikot
Nagtutungayaw Tialalgnan Nanglalait

B. Paglalahad
1. Picture Puzzle.
a. Pagbuo ng mga mag-aaral sa pira-pirasong larawang ibinigay ng guro.
b. Pagbibigay reaksyon ng mga mag-aaral sa nabuong larawan.

2. Kadalasan ang mga pangyayari sa ating nakaraan ay nauulit lamang.


Maraming nagsasabing ang isang mapait na karanasan ay muli't muli mong
mararanasan hanggat hindi mo natutuhan ang aral na taglay nito at nagamit
upang maiwasan ang nasabing karanasan. Sa araling ito ay maraming
ibabahagi si Pilosopo Tasyo na tiyak na makapagpapaisip sa atin. Mula ito sa
Kabanata LIII ng Noli Me Tangere na " Di Si Consce Da Mattina " ni Dr. Jose
Rizal.

C. Linangin
1. Pagbasa ng teksto.
2. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng bahagi ng tekstong babasahin pagkatapos
ay ibubuod nila ang kanilang binasa.
3. Sa pamamagitan ng Number Heads Together, tatawag ng isang bilang ang
guro na siyang magsasalaysay ng ibinuod na kuwento sa pamamagitan na rin
ng dugtungang pagkukuwento.
4. Ang lihim ng Mahiwagang Kahon. May mga nakasulat na tanong sa loob ng
kahon. Ipapasa ng mga mag-aaral ito habang may kasamang tugtog. Kapag
huminto ang tugtog, ang huling may hawak ng kahon ang siyang bubunot ng
tanong at sasagot nito.

Mga Gabay na Tanong:


a. Anong balita ang mabilis na kumalat sa buong bayan? May katotohanan
ba ito?
b. Sino ang nangahas magsabi ng katotohanan? Ano ang napapala niya sa
pagsasabi nang totoo?
c. Anong katangian ng mga Pilipino ang lutang na lutang sa kabanata?
d. Bakit sinabihan ni Pilosopong Tasyo si Don Filipo na hindi ito dapat
nagbitiw?
e. Ano ang dahilan ni Don Filipo sa pagbibitiw? Makatwiran ba ang
kanyang dahilan? Ipaliwanag ang iyong sagot?
f. Isa-isahin ang mga pagbabagong binanggit ni Pilospong Tasyo.
g. Ipaliwanag: “Ang mamamatay na ay hindi nangangailangan ng gamot;
higit iyang kailangan ng mga naiwan.”

D. Pagnilayan at Unawain
1. Paglalahad ng mga mag-aaral ng pangyayari patungkol sa kanilang buhay sa
nakaraan.
a. Mayroon bang isang pangyayari sa iyong buhay na ayaw na ayaw mo
nang maulit? Ano ito?
b. Ano ang iyong ginagawa o iniiwasan upang hindi na ito maulit?

E. Ilapat
1. Pagsusuri ng mga mag-aaral sa mga pangyayari sa kasalukuyan na maiuugnay
sa Kabanatang ito. Batay sa ibinigay na pahayag ni Pilosopong Tasyo ay
ibabahagi ng mag-aaral sa kanyang kapangkat ang kanyang opinyon base sa
nabasang pahayag.

"Ang tungkulin naman ninyo ay yumanig upang makayanig, kailangan ang


lakas at pusok. Bukod dito, hindi dapat isiping laban sa gobernadorsilyo ang
labanang ito. Ang dapat na parirala'y laban sa sinumang nagmamalabis sa
kaniyang lakas, laban sa sinumang gumagambala sa katahimikan ng bayan,
laban sa sinumang nagkukulang sa kaniyang tungkulin. At hindi na kayo nag-
iisa, sapagkat hindi na tulad ng nakaraang dalawampung taon ang bayan
ngayon. "

" Hindi ba ninyo nadarama ang katotohanang iyan? Iyan ay gawa ng kawalan
ng kaalaman sa nakaraan! "

IV. Pagtataya: Vissible Quiz

A. Itaas ang salitang PAK kung ang sumusunod na pahayag ay tama at GANERN
naman kung mali.
1. Namatay si Pilosopo Tasyo matapos itong kausapin ni Don Filipo.
2. Si Hermana Sipa ng Confradia del Santisismo Rosario ang tanging nakarinig
di umano ng mga daing at hinagpis mula sa sementeryo.
3. Binanggit ni Don Filipo ang mga pagbabagong nangyari makaraan ang
dalawangpung taon
4. Hindi nangangailangan ng gamot ang hindi pa mamamatay. Kayong maiiwan
ang mangangailangan.
5. Nagbitiw si Don Filipo sa kanyang katungkulan sa kadahilanang nababagot
na ito sa kanyang mga ginagawa.

B. Itaas ang letra ng pinakaangkop na sagot sa sumusunod na katanungan sa bawat


bilang.
1. Siya ang sinabihan ni Pilosopo Tasyo na hindi dapat nagbitiw sa kanyang
katungkulan?
a. Hermana Sipa
b. Hermana Rufa
c. Don Crisostomo
d. Don Filipo

2. Alin sa mga sumusunod na dahilan ang sinabi ni Don Filipo kung bakit siya
nagbitiw sa katungkulan.
a. Hindi ipinagbibili ng pinuno ang kanyang sarili.
b. Kagagalitan siya ng nakatataas na pinuno kapag hindi ito nagbitiw.
c. Magiging katawa-tawa lang siya sa maraming tao.
d. Natatakot itong lumaban sa gobernadorsilyo.
3. Alin sa mga sumusunod ang hindi naglalarawan kay Pilospong Tasyo.
a. May paninindigan
b. May pakikiisa para sa bayan
c. Mapagmataas
d. Maalam sa lahat

4. Anong damdamin ang namumutawi sa pahayag na ito, “Ganyan din ang


pagsulong ng tao. Hindi ito mapipigil anuman ang mangyari. Susuko ang ilan,
may ilan pa ring mamamatay, subalit magpapatuloy ang pag-unlad.”
a. naninigurado
b. nagagalit
c. nagugulumihanan
d. nagpapaliwanag
5. Ayon kay Pilosopo Tasyo " Ang tungkulin naman ninyo ay yumanig upang
makayanig, kailangan ang ___________. "
a. Pag-unawa sa isa't isa
b. Lakas at pusok
c. Paunlarin ang bayan
d. Katahimikan ng bayan

V. Kasunduan

A. Bumuo ng kawikaang angkop sa kaisipan ng kabanata.

You might also like