You are on page 1of 4

Kwarter 4- Bilang 2

Pangalan ng Mag-aaral_____________________________ Petsa:_____________


Baitang at Seksiyon________________________________ Iskor______________

PAKSA: Kontekstwal na Pahiwatig


Batayang Aklat: Noli Me Tangere

I. PINAKAMAHALAGANG KASANAYANG PAMPAGKATUTO


1. Natutukoy ang mga kontekstuwal na pahiwatig sa pagbibigay-kahulugan.
2. Naipaliliwanag ang iba’t ibang paraan ng pagbibigay-pahiwatig sa kahulugan.

II. PANIMULANG KONSEPTO


IBA’T IBANG PARAAN NG PAGBIBIGAY PAHIWATIG
Ang Pahiwatag ay tumutukoy sa hindi tuwirang pagbibigay/ pagpapaabot ng
mensahe
Ang pahiwatig na kontekstwal ay hindi iisa ang kahulugan.
Nakabatay ang kahulugan sa konteksto o gamit nito sa isang pahayag. Ito ay
maaaring ibatay sa intensiyong gaya ng mga sumusunod:
a. Pasaring – mga berbal at di-berbal na pagpaparating ng puna, paratang, at
iba pang mensaheng nakasasakit sa mga nakaririnig na kunwari ay labas sa
usapan.
b. Papansin- mensaheng humihikayat ng pansin sa pamamagitan ng pandama.
c. Pahaging - ang pahaging ay ang sadyang pagpapahiwatig sa mensahe sa
pamamagitan ng pagkalat nito sa paligid.
d. Paramdam – isang mensaheng pinapaabot ng tao sa pamamagitan ng mga
ekspresyong nararamdaman.
e. Parinig – malawakang ginagamit upang maiparating ang saloobin, hindi sa
kaharap na kausap kundi sa sinumang nakikinig sa palagid.
f. Padaplis – isang mensaheng sadyang lihis sa layuning matamaan nang
bahaging kinauukulan nito.
g. Berbal – mga pahiwatig na binibigkas/ sinasabi.
h. Di-berbal – di pasalitang pagpapahayag ng damdamin sa isang partikular na
bagay o pangyayari.

Halimbawa:
1. Paano mo ipahihiwatig ang iyong pagkainis?

1
 Hindi ka iimik/kikibo
 Maaring ikaw ay magdabog
 Nakasimangot
 Sasabihin mong ikaw’y naiinis sa mataas na tono.

2. Paano mo ipahihiwatig ang pagmamahal sa isang tao?


 Bibigyan ng mga regalo
 Magpapadala ng sulat
 Sasabihan mo ng salitang “mahal kita” at iba pa

III. MGA GAWAIN

A. Pagsasanayan mo
Pagsasanay I
Panuto: Piliin sa Hanay B ang katumbas na kahulugan ng mga pahiwatig na nasa
hanay A. Titik lamang ang isulat sa patlang.
Hanay A Hanay B
___1.kumakalam ang sikmura A. Naiinis
___2.tumatalon sa tuwa B. Nauuhaw
___3.Hindi maipinta ang mukha C. Galit
___4.Nanunuyo ang lalamunan D. Nagugutom
___5. Tumatayo ang balahibo E. Natatakot
F. Masaya

Pagsasanay II
Panuto: Ibigay ang kontekstwal na kahulugan ng salitang initiman sa loob ng
pangungusap. Isulat sa nakalaang patlang ang sagot.

1. Madilim-dilim pa ay ginising na ng tugtugin ng musiko ang mga hapong katawan


ng mga mamamayan ng San Diego. ___________________
2. Inilathala sa pahayagan ng maynila ang mga pamamaraan sa pagdaraos ng
pista ng mga Pilipino para sa mambabasang banyaga. ________________
3. Magarbong Handaan ang sumalubong sa mga Pilipino at Kastila sa bayan ng
San Diego. __________________
4. Ang banayad na lakad ng prusisyon ay sinasabayan ng kuwitis at awit.
__________
5. Ang karong sinusundan ng palyo ay tumugil sa tapat ng isang magarang bahay.
____________________

2
Pagsasanay III
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng salitang may salungguhit o pahiwatig na ginamit sa
loob ng pangungusap. Isulat ang sagot sa sa grapikong pantulong na nakalaan.

MGA PAHIWATIG PAKAHULUGAN


1. Si Sisa ay mapagmahal at ilaw ng
tahanan.
2. Sumilay ang magandang ngiti sa
kanyang mga labi nang masilayan
niyang muli ang kanyang bayan.
3. Maituturing na maganda at mayuming
bulaklak sa bayan ng San Diego si Maria
Clara.
4. Hinimatay si Maria Clara nang marinig
ang tinig ng kanyang minamahal.
5. “Ako po ang nagbayo, at nagsaing,
ako pa rin po ba ang kakain?” wika ni
Ibarra sa alkalde.

B. Pagtataya
A. Panuto: Basahin at tukuyin ang kasingkuhulagan ng salitang may
salungguhit sa loob ng pangungusap. Piliin ang sagot sa loob ng kahon at
isulat sa patlang bago ang bilang.

Naglakas-loob paghihirap
Kasamaan mailantad
isiniwalat

________________1. Tanging si Rizal ang nangahas na salingin ang maling


Sistema ng pamamalakad ng mga Espanyol sa bansa.
________________2. Itinambad niya ang totoong larawan ng relihiyong itinuro ng
mga Espanyol sa mga Pilipino.
________________3. Sinulat ni Rizal ang Noli Me tangere sa paglalayong
maisiwalat ang kabaluktutan at pagmamalupit ng mga Espanyol at gisingin ang
natutulog na damdamin ng kanyang mga kababayan.
________________4. Ang pagdaralita ng mga Pilipino ay bunga ng pagpapahirap at
pang-aabuso ng mga dayuhan sa bansa.
________________5. Ang kabuktutan at pagmamalupit ng mga Espanyol ang
nagtulak sa kanyang lumikha ng pagbabago sa bayan.

3
IV. SUSI SA PAGWAWASTO
Pagsasanay I Pagsasanay II
1. D 1. Ina
2. F 2. Masaya/pagkagalak
3. A 3. Babae/dilag
4. B 4. Kinabahan
5. E 5. Pagtutol
Pagsasanay II Pagtataya
1. Pagod 1. Naglakas-loob
2. Dayuhan 2. Isiniwalat
3. Marangya 3. Mailantad
4. Mabagal 4. Paghihirap
5. maganda 5. Kasamaan

V. SANGGUNIAN
Bartlolome Del Valle, B. Zamora, S. Enrique (Binagong Edisyon ) Noli Me Tangere
K to 12 MELCs sa Filipino 9
Kontekstuwalisadong Banghay- Aralin sa Filipino –Baitang -9 (Kwarter 4) 2019,
www.cousrehero.com

Inihanda ni :

IVY C. CATARUNGAN,Guro I
Bulan national high School

Tiniyak ang kalidad:

ANA MARIA B. GOJAR, MT I


Bulan National High School

SHARON A. VITO, EPS I


SDO- Sorsogon

You might also like