You are on page 1of 8

Learning Area  

 FILIPINO 7    
Learning Delivery Modality   Modular Distance Learning    
Paaralan Baitang  7
LESSON EXEMPLAR Guro Asignatura  FILIPINO
Week 2-LE 1 Petsa Markahan Una
Oras Bilang ng Araw 3

I. LAYUNIN Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


● Nahihinuha ang kalalabasan ng pangyayari batay sa akdang
napakinggan
● Nagagamit ang paghihinuha sa pagbuo ng sanaysay
● Nakikilala ang katangian ng mga tauhan batay sa tono at
paraan ng kanilang pananalita
● Naipaliliwanag ang sanhi at bunga ng mga pangyayari
A. Pamantayan Pangnilalaman Naipamamalas ang mag-aaral ng pag-unawa sa mga akdang
pampanitikan ng Mindanao.

B. Pamantayang Pagganap Nakagagawa ang mag-aaral ng isang makatotohanang proyektong


panturismo
C. Pinakamahalagang Kasanayan sa Nahihinuha ang kalalabasan ng pangyayari batay sa akdang
Pagkatuto napakinggan (F7PN-Ic-d-2)
(MELC)
D. Pagpapaganang Kasanayan
II.NILALAMAN Nahihinuha ang Kalalabasan ng mga Pangyayari
III.KAGAMITANG PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro MELC FILIPINO G7, PIVOT BOW R4QUBE p.40
b. Mga Pahina sa Kagamitang Filipino 7 Modyul (PIVOT 4A Learners Material) p. 10-12
Pangmag-aaral Activity Sheet

c. Mga Pahina sa Teksbuk


d. Karagdagang Kagamitan mula sa
Portal ng Learning resource
B. Listahan ng Kagamitang Panturo para modyul, Activity Sheet
sa mga Gawain sa Pagpapaunlad at
pakikipagpalihan
IV.PAMAMARAAN
A. Panimula ● Pasasagutan sa mag-aaral ang Gawain sa Pagkatuto Bilang 1 na
(unang araw) matatagpuan sa modyul, pahina 10. Ibibigay ng mga mag-aaral
kung sino ang bayani para sa kanila at ipaliliwanag kung bakit ito
ang napili nila.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1

Panuto: Sagutin ang tanong. Isulat ang iyong sagot sa


graphic organizer gawin ito sa iyong kwaderno.
B. Pagpapaunlad ● Pagpapabasa sa mga mag-aaral ng konsepto hinggil sa nahihinuha
(unang araw) ang kalalabasan ng pangyayari na matatagpuan sa modyul pahina
10.
● Pagpapabasa sa mga mag-aaral ng karagdagang konsepto tungkol
sa paghihinuha na makikita sa activity sheet.

1
Mga Pahayag sa Paghihinuha
Ang hinuha ay mga pahayag na posible o inaakalang mangyayari
batay sa isinaad na sitwasyon.
Mga pahayag na maaring gamitin sa paghihinuha:
sa palagay ko siguro marahil tila
posible yata baka wari

● Pagbasa ng mga mag-aaral ng depenisyon ng epiko na makikita sa


activity sheet.
Ang epiko ay isang tulang pasalaysay na
nagsasalaysay ng kabayanihan ng pangunahing tauhan
na kalimitang nagtataglay ng kapangyarihan at
kadalasan siya ay mula sa lipi ng diyos o diyosa. Ang
pangyayari sa epiko ay mahimala, may kapangyarihan
ang mga tauhan na higit sa karaniwang nagagawa ng
tao at pangyayaring nagpapakita ng kabayanihan
noong unang panahon. Ito ay binubuo ng tula na
kinakanta o binibigkas ng paulit-ulit sa tonong
pakanta. Ang mga epikong Pilipino ay nagbibigay ng
diin sa tema gaya ng matibay na bigkis ng relasyon,
pagtutulungan, pagmamahal sa nasasakupan at
pagpapahalaga sa kalayaan.

● Pagbasa ng mga mag-aaral sa epiko ng mga Bagobo “Tuwaang at


ang Dalaga ng Buhong na Langit” na makikita sa pahina 10-11.

● Pasasagutan sa mag-aaral ang Gawain sa Pagkatuto Bilang 2,


paggawa ng character profile ng tauhan na matatagpuan sa
modyul, pahina 11.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2

Panuto: Sagutin ang mga tanong sa iyong kwaderno.


(ikalawang araw) Suriin ang pangunahing tauhan. Batay sa mga detalye at pangyayaring
nakapaloob sa epiko bumuo ng character profile tungkol sa
pangunahing tauhan.

● Pasasagutan sa mag-aaral ang Gawain sa Pagkatuto Bilang 3,


pagtukoy sa mahahalagang detalye sa epiko na matatagpuan sa
modyul, pahina 11-12.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3


Panuto: Sagutin ang mga tanong ayon sa epikong napakinggan. Isulat
ang letra ng tamang sagot sa iyong kwaderno.

● Ipababasa sa mga mag-aaral ang konsepto tungkol sa sanhi at

2
bunga na makikita sa Activity Sheets.
● Sanhi at Bunga
Ang sanhi ay dahilan kung bakit naganap ang isang
pangyayari samantalang ang bunga ay nagsasaad ng naging
resulta ng sanhi. Ginagamitan ito ng mga pang-ugnay na dahil,
dahilan sa, sapagkat, kaya, bunga nito at iba pa.

Halimbawa.
Sanhi Bunga
Mahusay ang presentasyon ng grupo kaya mataas ang iskor na
kanilang nakuha.
Sanhi Bunga
Dahil malaki ang kanyang naipon nakabili siya ng motor.
Sanhi
Patuloy ang pagdami ng kaso ng Covid-19 bunga nito
Bunga
pinag-iingat ang mga tao.

● Pasasagutan sa mag-aaral ang Gawain sa Pagkatuto Bilang 4 na


matatagpuan sa modyul, pahina 12. Ibibigay ng mga mag-aaral
ang kanilang hinuha sa posibleng sanhi at bunga ng mga
pangyayaring nakatala sa graphic organizer.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4


Panuto: *Nahihinuha ang maaring sanhi at bunga nga mga sumusunod
na sitwasyon. Isulat ang iyong sagot sa graphic organizer sa ibaba.
Gawin ito sa iyong kuwaderno.

C. Pagpapalihan ● Pasasagutan sa mag-aaral ang Gawain sa Pagkatuto Bilang 5 na


(ikalawang araw) matatagpuan sa modyul, pahina 12.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5


Panuto: Tukuyin ang sanhi at bunga ng mga sumusunod na pahayag.
Isulat sa kwaderno ang letra ng tamang sagot.
● Pasasagutan sa mag-aaral ang Karagdagang Gawain sa Pagkatuto
A na matatagpuan sa Activity Sheet.

Karagdagang Gawain sa Pagkatuto A


Panuto: Gumawa ng clippings ng mga larawan mula sa dyaryo o
magasin tungkol sa mga kasalukuyang isyu sa bansa o sa daigdig.
Batay sa larawan bumuo ng hinuha tungkol sa posibleng kalalabasan
ng pangyayari. Gawin ito sa iyong kwaderno. Gawing batayan ang
rubriks sa ibaba sa pagbuo ng clippings.

Rubriks

Pamantayan sa Pag-iiskor Puntos

Ang larawan ay nagpapakita ng kasalukuyang 3


pangyayari sa bansa o daigdig.

Kawastuhan ng hinuha sa kalalabasan ng pangyayari 5


sa larawan.

3
Wastong gramatika, pagbabaybay, paggamit ng 2
malaking titik at bantas

Kabuuan 10

D. Paglalapat ● *Pasasagutan sa mga mag-aaral ang Gawain sa Pagkatuto


(ikatlong araw) Bilang 6, pagbuo ng sanaysay na matatagpuan sa modyul,
pahina 12. Sa halip na ang panuto sa modyul ang sundin, ito
ang ipagawa sa mga mag-aaral.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 6.


Panuto: Sa isang buong papel, sumulat ng isang sanaysay na may
paksang: “Sanhi at Bunga ng Corona Virus.” *Ibigay ang iyong
hinuha sa posibleng dahilan ng mabilis na pagkalat ng virus sa bansa
at ang iyong hinuha sa maaaring maging bunga nito sa mga tao at sa
ating bansa. Ang sanaysay ay kinakailangang binubuo ng lima
hanggang walong pangungusap sa bawat talata at may tatlong
hanggang limang talata. Gumamit ng mga pang-ugnay na nagsasaad
ng sanhi at bunga. Salungguhitan ang mga pang-ugnay na ginamit sa
mga talata.

Rubrik sa Pagsulat ng Sanaysay


Kategorya Higit na Nakamit ang Bahagyang Hindi
Inaasahan Inaasahan Nakamit ang Nakamit ang
(5) (4) Inaasahan Inaasahan
(3) (2-1)

Introduk- Kasiya-siya ang Malinaw na Nailahad ang Hindi


syon introduksyon at nailahad ang pangunahing malinaw ang
malinaw na paksa. paksa ngunit hindi pagkakala-
nailahad ang gaanong malinaw had sa paksa
paksa

Kata- wan Naipaliwanag Naipaliwanag Hindi gaanong Hindi


ng maayos at ang paksa naipaliwanag ng naipaliwanag
napalawak ang ngunit hindi maayos ang paksa ang paksa
paksa napalawak

Organisas Lohikal at Maayos ang Hindi gaanong Hindi maayos


yon ng maayos ang pagkakasu- naihanay ng ang
mga Ideya pagkakasu- nud- sunod ng maayos ang mga pagkakala-
nud- sunod ng mga ideya kaya ideya kaya hindi had ng ideya
mga ideya kaya madaling gaanong kaya hindi
madaling naunawaan naunawaan maunawa- an
naunawaan

4
Konklu- May mapangha- Nagpapakita ng Hindi ganap na Hindi
syon mong pangkalaha- naipakita ang malinaw ang
konklusyon na tang ideya ng pangkalaha- tang konklusyon
nagpapa- kita paksa ideya ng paksa
ng pang-
kalahatang
ideya ng paksa

Meka- niks Walang mali sa May isa May tatlo Napakara-


mga bantas at hanggang hanggang limang ming mali sa
gramatika. dalawang mali mali sa mga mga bantas at
sa mga bantas at bantas at gramatika.
gramatika gramatika

Kabuuan

V.Pagninilay ● Pagsusulat ng mga mag-aaral sa journal ng repleksyon hinggil


sa kanilang natutunan sa aralin.

Panuto: Isulat sa inyong journal ang inyong repleksyon sa araling


tinalakay. Kulayan ang ilaw ng traffic light batay sa iyong natutunan.
Berde kung ikaw ay may natutunan sa aralin at isulat din ang iyong
mga natutunan. Pula naman kung wala kang natutunan at isulat ang
hindi mo naunawaan at dilaw naman kung ikaw ay may mga bagay
pang nais maliwanagan isulat ang mga ito.

FILIPINO 7
ACTIVITY SHEET-Ikalawang Linggo LE-1

Pangalan: ____________________ Baitang: 7


MELC: Nahihinuha ang kalalabasan ng pangyayari batay sa akdang napakinggan Paksa: Nahihinuha ang
Kalalabasan ng mga Pangyayari
Susing Konsepto:
Mga Pahayag sa Paghihinuha
Ang hinuha ay mga pahayag na posible o inaakalang mangyayari batay sa isinaad na sitwasyon.
Mga pahayag na maaring gamitin sa paghihinuha:

5
sa palagay ko siguro marahil tila
yata baka wari posible
Epiko

Ang epiko ay isang tulang pasalaysay na nagsasalaysay ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na


kalimitang nagtataglay ng kapangyarihan at kadalasan siya ay mula sa lipi ng diyos o diyosa. Ang pangyayari
sa epiko ay mahimala, may kapangyarihan ang mga tauhan na higit sa karaniwang nagagawa ng tao at pangyayaring
nagpapakita ng kabayanihan noong unang panahon. Ito ay binubuo ng tula na kinakanta o binibigkas ng paulit-ulit sa
tonong pakanta. Ang mga epikong Pilipino ay nagbibigay ng diin sa tema gaya ng matibay na bigkis ng relasyon,
pagtutulungan, pagmamahal sa nasasakupan at pagpapahalaga sa kalayaan.

Sanhi at Bunga
Ang sanhi ay dahilan kung bakit naganap ang isang pangyayari samantalang ang bunga ay nagsasaad ng
naging resulta ng sanhi. Ginagamitan ito ng mga pang-ugnay na dahil, dahilan sa, sapagkat, kaya, bunga nito at
iba pa.
Halimbawa.
Sanhi Bunga
Mahusay ang presentasyon ng grupo kaya mataas ang iskor na kanilang nakuha.
Sanhi Bunga
Dahil malaki ang kanyang naipon nakabili siya ng motor.
Sanhi Bunga
Patuloy ang pagdami ng kaso ng Covid-19 bunga nito pinag-iingat ang mga tao.

Karagdagang Gawain A
Panuto: Gumawa ng clippings ng mga larawan mula sa dyaryo o magasin tungkol sa mga kasalukuyang isyu sa bansa o
sa daigdig. Batay sa larawan bumuo ng hinuha tungkol sa posibleng kalalabasan ng pangyayari. Gawin ito sa iyong
kwaderno. Gawing batayan ang rubriks sa ibaba sa pagbuo ng clippings.

Rubriks
Pamantayan sa Pag-iiskor Puntos

Ang larawan ay nagpapakita ng kasalukuyang pangyayari 3


sa bansa o daigdig.

Kawastuhan ng hinuha sa kalalabasan ng pangyayari sa 5


larawan.

Wastong gramatika, pagbabaybay, paggamit ng malaking 2


titik at bantas

Kabuuan 10

Gawain sa Pagkatuto Bilang 6.


Panuto: Sa isang buong papel, sumulat ng isang sanaysay na may paksang: “Sanhi at Bunga ng Corona Virus.” *Ibigay
ang iyong hinuha sa posibleng dahilan ng mabilis na pagkalat ng virus sa bansa at ang iyong hinuha sa maaaring maging
bunga nito sa mga tao at sa ating bansa. Ang sanaysay ay kinakailangang binubuo ng lima hanggang walong

6
pangungusap sa bawat talata at may tatlong hanggang limang talata. Gumamit ng mga pang-ugnay na nagsasaad ng sanhi
at bunga. Salungguhitan ang mga pang-ugnay na ginamit sa mga talata.

Rubrik sa Pagsulat ng Sanaysay


Kategorya Higit na Inaasahan Nakamit ang Inaasahan Bahagyang Nakamit ang Hindi Nakamit ang Iskor
(5) (4) Inaasahan Inaasahan
(3) (2-1)

Introduksyon Kasiya-siya ang Malinaw na nailahad ang paksa. Nailahad ang pangunahing paksa Hindi malinaw ang pagkakalahad
introduksyon at malinaw na ngunit hindi gaanong malinaw sa paksa
nailahad ang paksa

Katawan Naipaliwanag ng maayos at Naipaliwanag ang paksa ngunit Hindi gaanong naipaliwanag ng Hindi naipaliwanag ang paksa
napalawak ang paksa hindi napalawak maayos ang paksa

Organisasyon ng Lohikal at maayos ang Maayos ang pagkakasunud- Hindi gaanong naihanay ng Hindi maayos ang pagkakalahad
mga Ideya pagkakasunud- sunod ng sunod ng mga ideya kaya maayos ang mga ideya kaya ng ideya kaya hindi maunawaan
mga ideya kaya madaling madaling naunawaan hindi gaanong naunawaan
naunawaan

Konklusyon May mapanghamong Nagpapakita ng pangkalahatang Hindi ganap na naipakita ang Hindi malinaw ang konklusyon
konklusyon na nagpapakita ideya ng paksa pangkalahatang ideya ng paksa
ng pangkalahatang ideya ng
paksa

Mekaniks Walang mali sa mga bantas May isa hanggang dalawang May tatlo hanggang limang mali Napakaraming mali sa mga bantas
at gramatika. mali sa mga bantas at gramatika sa mga bantas at gramatika at gramatika.

Kabuuan

Pagninilay

Panuto: Isulat sa inyong journal ang inyong repleksyon sa araling tinalakay. Kulayan ang ilaw ng traffic light batay sa
iyong natutunan. Berde kung ikaw ay may natutunan sa aralin at isulat din ang iyong mga natutunan. Pula naman kung
wala kang natutunan at isulat ang hindi mo naunawaan at dilaw naman kung ikaw ay may mga bagay pang nais
maliwanagan isulat ang mga ito. Maaring magkulay ng higit sa isang ilaw sa traffic light.

7
Natutunan ko
na:
______________
______________
______________
____________

Nais ko pang
Sanggunian: maliwanagan
ang:___________
Acido, J. (2019). Sanhi at Bunga. Halaw mula sa https://www.slideshare.net/JeniferAcido/ sanhi-at-bunga-
186272939 ______________
Tagaloglang.com (2020). Epiko.______________
Halaw mula sa https://www.tagaloglang.com/epiko/
___________
Kapitbisig.com. Epiko. Halaw mula sa https://www.kapitbisig.com/philippines/information/ arts-and-literature-mga-
epiko-epics_347.html

indi ko
naunawaan ang:
______________
______________
______________
___________

You might also like