You are on page 1of 8

Learning Area  

 FILIPINO 7    
Learning Delivery Modality   Modular Distance Learning    
Paaralan Baitang  7
LESSON EXEMPLAR Guro Asignatura  FILIPINO
WEEK 1-LE-2 Petsa Markahan Una
Oras Bilang ng Araw 2

I. LAYUNIN Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


● Nagagamit nang wasto ang mga pahayag sa pagbibigay ng
mga patunay sa pagbuo ng pangungusap, talata o sanaysay
● Naiuugnay ang mga pangyayari sa binasa sa mga kaganapan
sa iba pang lugar ng bansa gamit ang mga salitang
nagpapahayag ng patunay
A. Pamantayan Pangnilalaman Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang
pampanitikan ng Mindanao.

B. Pamantayang Pagganap Nakagagawa ang mag-aaral ng isang makatotohanang proyektong


panturismo
C. Pinakamahalagang Kasanayan sa Nagagamit nang wasto ang mga pahayag sa pagbibigay ng mga
Pagkatuto patunay (F7PN-Ic-d-2)
(MELC)
D. Pampaganang Kasanayan
II.NILALAMAN Pahayag na Nagbibigay ng Patunay
III.KAGAMITANG PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro MELC FILIPINO G7, PIVOT BOW R4QUBE, p. 40
b. Mga Pahina sa Kagamitang Activity Sheet
Pangmag-aaral
c. Mga Pahina sa Teksbuk
d. Karagdagang Kagamitan mula sa https://www.youtube.com/watch?v=Qt2w-ca8nAo
Portal ng Learning resource
B. Listahan ng Kagamitang Panturo para Activity Sheet
sa mga Gawain sa Pagpapaunlad at
pakikipagpalihan
IV.PAMAMARAAN
A. Panimula *Ang lahat ng gawain sa Lesson Exemplar na ito ay makikita
( unang araw ) sa Activity sheets sapagkat ito ay wala sa modyul (Filipino 7
PIVOT 4A Learners Material). Ang mga gawain sa Lesson
Exemplar na ito ang lilinang sa MELC Blg. 2, nagagamit
nang wasto ang mga pahayag sa pagbibigay ng mga patunay
(F7PN-Ic-d-2) na hindi makikita sa modyul.

● *Pasasagutan sa mga mag-aaral ang Gawain sa Pagkatuto Bilang


A na matatagpuan sa activity sheets, sasagutan nila ang mga
tanong batay sa larawan at ipaliliwanag ang kanilang sagot sa
pamamagitan ng pagbibigay ng patunay.

Gawain sa Pagkatuto A

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong. Ibatay sa larawan ang


iyong sagot at magbigay ng patunay.

1
B. Pagpapaunlad ● *Ipababasa sa mga mag-aaral ang konsepto tungkol sa pahayag sa
(unang araw) pagbibigay ng mga patunay at mga halimbawa nito na makikita
sa activity sheets

MGA PAHAYAG SA PAGBIBIGAY NG MGA PATUNAY


May mga pagkakataon na kailangang patunayan ang mga
pahayag upang maging kapani- paniwala. Malaki ang maitutulong ng
mga pahayag na ito upang mapatunayan ang ating paliwanag at ito ay
maging katangap-tanggap at paniwalaan ng makikinig. Gumagamit
tayo ng mga salitang totoo, tunay, pinatutunayan, katunayan,
nagpapahiwatig o nagpapakita at sinusundan ito o dinutugtungan ito
ng mga detalye o ibedensiya upang maging makatotohanan ang
anumang pahayag.

Halimbawa
1.Nabuhay ang bayanihan sa panahon ng pandemya sa katunayan
maraming mga Filipino ang nagbigay ng donasyon upang tumulong sa
kanilang kapwa.

2. Pinatunayan ni Senador Bong Go na may malasakit siya sa mga tao


matapos niyang hilingin sa Department of Health na tutukan ang
mental health ngayong panahon ng pandemya.

3. Unti-unti nang nagbubukas ang maraming negosyo matapos ang


mahabang lock-down nagpapahiwatig ito na magkakaroon na ng
oportunidad na magkatrabaho ang maraming Pilipino na nawalan ng
trabaho dahil sa pandemya.

● *Pasasagutan sa mag-aaral ang Gawain sa Pagkatuto Bilang B na


matatagpuan sa activity sheet. Patutunayan ng mga mag-aaral na
ang mga pangyayari sa Mindanao ay nagaganap din sa ibang
bahagi ng bansa.

Gawain sa Pagkatuto B

Panuto: Basahin ang bahagi ng balita sa Mindanao. Patunayan na ang


mga nangyayari sa Mindanao ay nangyayari rin sa ibang bahagi ng
bansa. Gumamit ng salitang nagpapahayag ng patunay sa pagsagot.
Isulat sa patlang ang iyong sagot.

*Pasasagutan sa mag-aaral ang Gawain sa Pagkatuto Bilang C na


matatagpuan sa Activity sheets. Pupunan ng mga mag-aaral ng mga
pahayag sa pagbibigay ng patunay ang patlang upang mabuo ang
pangungusap.

Gawain sa Pagkatuto C
Panuto: Punan ng angkop na salitang nagpapahayag ng patunay ang
patlang upang mabuo ang pangungusap sa ibaba. Pumili ng sagot sa
kahon sa ibaba.
C. Pagpapalihan ● *Pasasagutan sa mag-aaral ang Gawain sa Pagkatuto Bilang D
(unang araw ) na matatagpuan sa activity sheet. Susulat ng sanaysay ang mga
mag-aaral batay sa paksang napili gamit ang mga
salita/pahayag na nagbibigay ng patunay.

2
Gawain sa Pagkatuto D
Panuto: Sumulat ng sanaysay, pumili ng isang paksa sa ibaba.
Gumamit ng mga salita/pahayag na na ginagamit sa pagbibigay ng
patunay at salungguhitan ang mga ito. Ang sanaysay na bubuuin ay
may 3-4 na talata, ang bawat talata ay binubuo ng 3-8 pangungusap.
Lagyan ng angkop na pamagat ang sanaysay na bubuuin.
Paksang pagpipilian:
● Paano matatamo ng Mindanao ang inaasam na kapayapaan?
● Mahalaga ang edukasyon sa panahon ng pandemya
● Patunayan na magiging maunlad ang Pilipinas kung
mawawala ang korapsyon sa gobyerno.
D. Paglalapat ● *Pasasagutan sa mag-aaral ang Gawain sa Pagkatuto Bilang E
(ikalawang araw ) na matatagpuan sa activity sheets. Ipaliliwanag ng mga mag-
aaral kung naging epektibo ba ang paggamit ng mga salitang
nagbibigay ng patunay upang maging kapani-paniwala ang
detalyeng ibinigay.

Gawain sa Pagkatuto E
Panuto: Sagutan ng buong husay ang tanong. Isulat ang sagot sa
pamamagitan ng pagbuo ng talata.

*Pasasagutan sa mag-aaral ang Gawain sa Pagkatuto Bilang F na


matatagpuan sa activity sheet. Bubuo ang mga mag-aaral ng komiks
strips kung saan ipakikita nila kung paano o sa anong sitwasyon nila
nagagamit ang mga pahayag na nagbibigay ng patunay.

Gawain sa Pagkatuto F
Panuto: Gumawa ng Komiks Strip na nagpapakita kung paano mo
nagagamit ang mga pahayag na nagbibigay ng patunay sa iyong pang-
araw-araw na buhay. Bigyang pansin ang pamantayan sa ibaba.
Rubriks
Pamantayan sa Pag-iiskor Puntos

Angkop ang dayalogo sa tanong 4

Wastong gramatika , pagbabaybay, paggamit ng 3


malaking titik at bantas

Ilustrasyon/Drawing 3

Kabuuan 10
V.Pagninilay ● Pagsusulat ng mga mag-aaral sa journal ng repleksyon hinggil
sa kanilang natutunan sa aralin.

Panuto: Isulat sa inyong journal ang inyong repleksyon sa araling


tinalakay. Magtala ng tatlong (3) natutunan sa aralin, dalawang (2)
bagay na nais mo pang matutunan hinggil sa araling tinalakay at isang
(1) tanong na gumugulo sa iyong isipan tungkol sa aralin.

3
FILIPINO __7___
ACTIVITY SHEET- Unang Linggo LE-2

Pangalan: ______________________________________ Baitang 7 at Seksyon: __________________


MELC: Nagagamit ng wasto ang mga pahayag na nagbibigay ng patunay.
Paksa: Pahayag na Nagbibigay ng Patunay
Susing Konsepto:

MGA PAHAYAG SA PAGBIBIGAY NG MGA PATUNAY


May mga pagkakataon na kailangang patunayan ang mga pahayag upang maging kapani- paniwala. Malaki ang
maitutulong ng mga pahayag na ito upang mapatunayan ang ating paliwanag at ito ay maging katangap-tanggap at
paniwalaan ng makikinig. Gumagamit tayo ng mga salitang totoo, tunay, pinatutunayan, katunayan, nagpapahiwatig o
nagpapakita at sinusundan ito o dinutugtungan ito ng mga detalye o ibedensiya upang maging makatotohanan ang
anumang pahayag.

Halimbawa
Nabuhay ang bayanihan sa panahon ng pandemya sa katunayan maraming mga Filipino ang nagbigay ng donasyon upang
tumulong sa kanilang kapwa.
Pinatunayan ni Senador Bong Go na may malasakit siya sa mga tao matapos niyang hilingin sa Department of Health na
tutukan ang mental health ngayong panahon ng pandemya.
Unti-unti nang nagbubukas ang maraming negosyo matapos ang mahabang lock-down nagpapahiwatig ito na
magkakaroon na ng oportunidad na magkatrabaho ang maraming Pilipino na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

G
awain sa Pagkatuto Bilang 1
Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na tanong. Ibatay sa larawan ang iyong sagot at magbigay ng patunay.

1. Anong katayuan sa buhay ng taong nagmamay-ari ng silid? ____________________________


Patunay :_________________________________________________________________________________
2. Ano ang trabaho ng mga taong gumagamit ng silid? ____________________________________
Patunay :_________________________________________________________________________________

4
1.Babae ba o lalaki ang gumagamit ng silid ? _______________________________________
Patunay :________________________________________________________________________________
2. Ano ang hilig ng taong gumagamit ng silid? ____________________________________________
Patunay :________________________________________________________________________________

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2


Panuto: Basahin ang bahagi ng balita sa Mindanao. Patunayan na ang mga nangyayari sa Mindanao ay nangyayari rin sa
ibang bahagi ng bansa. Gumamit ng salitang nagpapahayag ng patunay. Isulat sa patlang ang iyong sagot.

Halimbawa
Hinigpitan ng Lokal na Pamahalaan ng Mindanao ang pagbabantay upang maiwasan ang
pagkalat ng swine fever sa Mindanao.
Sagot:
Naitala rin ang kaso ng swine fever sa Bulacan, sa katunayan, ayon kay Dr. Eduardo Jose
Municipal Veterinarian ng Guiguinto Bulacan 81 baboy ang pinatay dahil nakitaan sila ng
sintomas ng swine fever.

1.Niyanig ng 4.4 na lindol ang Davao Occidental ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.
Sagot:____________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

2. Lumikom ng pondo ang iIang grupo ng mga propesyonal na kabataang Muslim para sa medical fronliners sa isla ng
Sulu, Basilan at Tawi-Tawi upang matulungan silang labanan ang Covid-19.
Sagot:____________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
3. Sumiklab ang bakbakan sa pagitan ng mga militar at Moro Islamic Liberation Front sa Mamasapano Maguindanao
noong Lunes, napilitang lumikas ang 400 na pamilya.
Sagot:____________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3


Panuto: Punan ng angkop na salitang nagpapahayag ng patunay ang patlang upang mabuo ang pangungusap sa ibaba.
Pumili ng sagot sa kahon sa ibaba.

5
1. Paghahabi , pagbuburda at ang pag-uukit ay parte ng kultura _________________ mayaman at makulay ang
kultura ng Mindanao.
2. Maraming alamat at kwentong bayan ang Mindanao _______________ Alamat ng Waling Waling, Alamat ng
Bundok Pinto, Alamat ng Durian Si Manik at Buangsi, Si Usman ang Alipin at iba pa.
3. Sinusuportahan ng pamahalaan ang tradisyon ng mga katutubo _______________ nagpatayo na ng Weaving
Center sa Lamitan si Vice President Leni Robredo at gobyerno ng ARMM.
4. Dinarayo ng mga turista ang sikat na white sand beach ng Camiguin, Naked Island sa Siargao, Maria Cristina
Falls, Mt. Apo, Island Garden of Samal at marami pang iba, ___________________ maraming magagandang
tanawin sa Mindanao.
5. Taon-taon dinarayo ang Siargao dahil sa malalaking alon nito Dito rin isinasagawa ang international surfing
competition, _____________ ito na ang “Surfing Capital of the Philippines”.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4


Panuto: Sumulat ng sanaysay, pumili ng isang paksa sa ibaba. Gumamit ng mga salita/pahayag na ginagamit sa
pagbibigay ng patunay at salunnguhitan ang mga ito. Ang sanaysay na bubuuin ay may 3-4 na talata, ang bawat talata ay
binubuo ng 3-8 pangungusap. Lagyan ng angkop na pamagat ang sanaysay na bubuuin.
Paksang pagpipilian:
● Paano matatamo ng Mindanao ang inaasam na kapayapaan?
● Mahalaga ang edukasyon sa panahon ng pandemya
● Patunayan na magiging maunlad ang Pilipinas kung mawawala ang korapsyon sa gobyerno.

Rubrik sa Pagsulat ng Sanaysay

Kategorya Higit na Inaasahan Nakamit ang Inaasahan Bahagyang Nakamit Hindi Nakamit ang Iskor
(5) (4) ang Inaasahan Inaasahan
(3) (2-1)

Introduk syon Kasiya-siya ang Malinaw na nailahad ang Nailahad sa ang Hindi malinaw ang
introduksyon at paksa. pangunahing paksa pagkakala-had sa
malinaw na nailahad ngunit hindi gaanong paksa
ang paksa malinaw

Katawan Naipaliwanag ng Naipaliwanag ang paksa Hindi gaanong Hindi naipaliwanag


maayos at napalawak ngunit hindi napalawak naipaliwanag ng ang paksa
ang paksa maayos ang paksa

Organisasyon ng Lohikal at maayos Maayos ang Hindi gaanong Hindi maayos ang
mga Ideya ang pagkakasunud- pagkakasunud- sunod ng naihanay ng maayos pagkakalahad ng
sunod ng mga ideya mga ideya kaya madaling ang mga ideya kaya ideya kaya hindi
kaya madaling naunawaan hindi gaanong maunawaan
naunawaan naunawaan

6
Konklusyon May mapanghamong Nagpapakita ng Hindi ganap na Hindi malinaw ang
konklusyon na pangkalahatang ideya ng naipakita ang konklusyon
nagpapakita ng paksa pangkalahatang ideya
pangkalahatang ideya ng paksa
ng paksa

Mekaniks Walang mali sa mga May isa hanggang May tatlo hanggang Napakaraming mali sa
bantas at gramatika. dalawang mali sa mga limang mali sa mga mga bantas at
bantas at gramatika bantas at gramatika gramatika.

Kabuuan

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5


Panuto: Sagutan ng buong husay ang tanong. Isulat ang sagot sa patlang.
Naging epektibo ba ang paggamit ng mga salitang nagpapahayag ng patunay sa pagbibigay ng ebidensya o paliwanag
upang maging katanggap –tanggap o kapani-paniwala ang mga detalyeng ibinigay? Ipaliwang ang iyong sagot sa
pamamagitan ng pagsulat ng isang talata.

_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________

Pamantayan ng Pag-iiskor

4 3 2 1
Nasagot ng tama ang Nasagot ng tama ang tanong May kaunting kamalian sa Ang sagot ay walang
tanong, napalawak ngunit hindi naipaliwanag nang sagot at hindi gaanong kaugnayan sa tanong.
ang ideya at mabuti. Maayos na nailahad maunawaan ang
madaling ang kanyang sagot. pagkakalahad
maunawaan ang kaisipan
dahil naihanay
nang maayos ang mga
ito.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 6


Panuto: Gumawa ng Komiks Strip na nagpapakita kung paano mo nagagamit ang mga pahayag na nagbibigay ng
patunay sa iyong pang-araw-araw na buhay. Bigyang pansin ang pamantayan sa ibaba.

Pamantayan sa Pag-iiskor Puntos

Angkop ang dayalogo sa tanong 4

Wastong gramatika , pagbabaybay, paggamit ng 3


malaking titik at bantas

Ilustrasyon/Drawing 3

7
Kabuuan 10

Pagninilay
Panuto: Isulat sa inyong journal ang inyong repleksyon sa araling tinalakay. Magtala ng tatlong (3) natutunan sa aralin,
dalawang (2) bagay na nais mo pang matutunan hinggil sa araling tinalakay at isang (1) tanong na gumugulo sa iyong
isipan tungkol sa aralin.

3- Natutunan sa aralin
_________________________________
_________________________________
_________________________________

2-Nais mabatid tungkol sa aralin


__________________________________
__________________________________

1- Tanong na gumugulo sa iyong isipan


__________________________________

Sanggunian:
Malaya, J., (2020). Mga Pahayag sa Pagbibigay ng Mga Patunay. Halaw mula sa https://www.youtube.com/watch?
v=Qt2w-ca8nAo

You might also like