Professional Documents
Culture Documents
NILALAMAN
“Manik Buangsi” – Kuwentong-bayan ng Mindanao
TEMA
Mga Akdang Pampanitikan: Salamin ng Mindanao
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Mindanao.
PAMANTAYAN SA PAGGANAP
Naisasagawa ng mag-aaral ang isang makatotohanang proyektong panturismo.
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
F7PN-Ia-b-1, F7PB-Ia-b-1, F7PT-Ia-b-1, F7PD-Ia-b-1, F7PS-Ia-b-1, F7PU-Ia-b-1, F7WG-Ia-b-1, F7EP-
Ia-b-1
INAASAHANG IBUBUNGA
Ang mga mag-aaral ay magsasaliksik ng mga impormasyon kugnay ng kaligirang pangkasaysayan ng
kuwentong-bayan na ipiprisinta sa iba’t ibang paraan na nakapanghihikayat ng turista sa Pilipinas.
ALAMIN
B. Katawan.
1. Paghahabi ng aralin/paghahawan ng sagabal.
Pagpangkat-pangkatin ang klase sa apat. Mula sa bawat pangkat ay ipasulat sa bawat isa ang
mga kababalaghan o mga di-kapanipaniwala (supernatural) na kanilang naranasan.
Pagpapasagot sa talasalitaan.
Kagamitan: Gantimpala 7. P. 5
Tanong:
3. Kasanayang Panggramatika
Ang mga kuwentong bayan o poklor ay mga kuwentong nagmula sa bawat pook na naglalahad ng
katangi-tanging salaysay ng kanilang lugar. Kadalasang ito ay nagpapakita ng katutubong
kulay (local color) tulad ng pagbabanggit ng mga bagay, lugar, hayop, o pangyayari na doon
lamang nakikita o nangyayari. Masasalamin sa mga kuwentong bayan ang kultura ng bayan
na pinagmulan nito.
Pakikinig: Babasahin sa klase ang akda habang ang mga mag-aaral ay sinusundan ng tingin ang
pagbabasa sa kanilang mga kopya.
Ang Pangatnig na Panlinaw
Sa pagpapahayag, mahalaga sa pagbuo ng kaisipan ay mapag-ugnayugnay ang mga ito.
Kung kaya napakalaki ang ginagampanan ng pangatnig sa komunikasyong ito.
Maraming uri ng pangatnig. Isa na rito ang pangatnig na panlinaw. Ang pangatnig na
panlinaw ay ginagamit sa pangungusap upang lalong bigyanglinaw ang mga nasabi na. Ito ay
nagpapatibay ng mga ideya sa pangungusap.
Mga halimbawa: sa halip sa madaling sabi samakatuwid kung gayon bagaman lamang.
DEEPEN
Ipagawa sa mga mag-aaral ang gawaing ito sa kuwaderno (indibiduwal)
PAGKAKAIBA PAGKAKAPAREHO
1. 1.
2. 2.
3. 3.
Pagpapalawig
Pagpangkat-pangkatin ang klase sa apat na grupo. Hayaang bumuo ang mga mag-aaral ng isang
pagsasadula tungkol sa kadalasang pagsuway ng mga kabataan sa panahon ngayon. Ilahad ang
naidudulot ng pagsuway na ito.
TRANSFER
Takdang-Gawain:
Pagsulat
I. Batay sa iyong nabasa at napakinggang kuwentong-bayan, paano mo mapatutunayan na
iyon ay salamin ng tradisyon o kaugalian ng lugar na pinagmulan nito?
Isulat sa iyong N4 ang pagpapatunay na ang kuwetong-bayan ay salamin ng tradisyon o
kaugalian na pinagmulan nito.
Gawing gabay ang mga sumusunod:
1. Nagsasalaysay – pangyayaring nasaksihan, nabasa o narinig.
2. Naglalarawan – isang imahinasyon na naglalaro sa iyong isipan na iyong nabasa o
narinig.
3. Naglalahad – pagpapaliwanag sa iyong nabasa o napakinggan, o sa iyong sariling
pananaw sa buhay.
4. Nangangatwiran – paninindigan sa narinig o nasaksihan.
Kagamitan: Gantimpala 7 Pagsulat p. 14
Interaktibong Pagganap
Ang Pakikipanayam
Isa sa mga mabisang paraan ng pangangalap ng mga impormasyon ay ang pakikipanayam o
ang pag-interbyu. Bukod sa mabisa, ito aymabilis ding paraan sa pagkuha ng mga datos.
Narito ang mga dapat tandaan sa pakikipanayam:
1. Pumili ng taong kakapanayamin na may sapat na kaalaman at makapagbibigay ng sapat na
impromasyon sa isang paksa.
2. Maghanda ng mga tanong para maging gabay sa pagkuha ng mga impormasyon.
3. Makipag-usap sa mga taong kakapanayamin. Ipaalam ang layunin, petsa, oras, at lugar kung
saan gaganapin ang panayam.
4. Dumating sa takdang oras at araw. Maging maayos at pormal sa pakikipag-usap.
5. Maging magalang sa pakikipag-usap at ipakilala ang iyong sarili. Gawing malinaw at tama
lamang ang lakas ng iyong tinig sa pagsasalita.
6. Itala sa pinakamabilis na paraan ng mga nakuhang impormasyon.
7. Magpasalamat at magpaalam nang maayos pagkatapos ng pakikipanayam.
Pangkatang Gawain:
Unang Pangkat – Mag-uulat ng kanilang nasaliksik na mga impormasyong kaugnay ng kaligirang
pangkasaysayan ng kuwentong-bayan. Gamitin ang estratehiyang In the News na wari’y nag-uulat ng
brodkaster.
Ikalawang Pangkat – Gaganap ang ilan bilang tourist guide na magtatrabaho sa isang sangay ng
pamahalaan na nangangalaga sa kalikasan. Ipapaliwanag ng tour guide sa mga turista ag tungkol sa
mga kuwentong-bayan ng bawat lugar na kanilang papasyalan. Kinakailangang mahikayat ang mga
turista na palaging mamasyal dito sa Pilipinas.
Ikatlong Pangkat – Bubuo ng hakbang o proyekto upang mapaunlad ang turismo sa bansa.
Ikaapat na Pangkat – Magtala ng mga pangyayari o impormasyon mula sa pakikinig sa mga nag-uulat
sa pagbuo ng concept map, gamit ang mga pangungusap ayon sa layon.
--
mahahalagang
---- impormasyon ----
sa akda
----
Kagamitan: Gantimpala 7 p. 15
Values Integration :
- Nakapagbabahagi ang mga mag-aaral ng kanilang karanasan sa kapwa.
Remarks: