You are on page 1of 2

DETALYADONG BANGHAY ARALIN

Grado: __7 Petsa:


Asignatura: FILIPINO Markahan: IKALAWA

I. LAYUNIN:
A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Naipamamalas ng mag-aaral ng pag-unawa ng mga
akdang pampanitikan sa Visayas
B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Naisusulat ang sariling alamat sa anyong komiks
C. PAMANTAYAN SA PAGKATUTO: Nagagamit ng maayos ang mga pahayag sa
paghahambing. F7WG-IIc-d-8
1. Nagagamit ang higit/mas, di-gasino, di-gaano at iba pa sa pangungusap.
2. Nasusuri ang kulturang nakapaloob sa alamat ng Visayas.
II. A. Paksa : Alamat ng Basey (Visayas)

B. Kagamitan:
Modyul, Laptop,Larawan
C. Sanggunian:
Google, Filipino CG, TG

D. Pamamaraang Pangkakayahan: pagsusuri, pagtukoy at pagpapaliwanag

Kapakinabanagang Integrasyon:
Pag-unawa sa alamat ng Visayas.
III. Gawain sa pagkatuto
A. Pakikisangkot
1. Pagbabalik Aral:
Ano pagkakaiba ng bulong at awiting bayan?
Ano ang sumasalamin sa bulong at awiting bayan?
2. Motibasyon:
Video Clip
Bawat mag aaral ay manunuod ng isang video tungkol sa tatalakaying aralin. Bago
umpisahan ang panonod, magtatala ang mga mag-aaral ng mga nakuhang ideya batay sa
mga tanong na ibibigay ng guro.
1. Anong uri ng akdang pampanitikan ang pinanood?
2. Ano ang mga mahahalagang detalye tungkol sa napanood?

B. Pagtuklas
A. Paunang Gawain

1. Ang guro ay hahatiin ang klase sa limang pangkat. Bawat pangkat ay may kanya-kanyang
Gawain.Sisikapin ng bawat pangkat na unawain ang pinanood.
2. Ang mga mag-aaral ay magtatalaga ng mamumuno sa pangkat.
3. Maglalaan lamang ng sampung minuto para sa Gawain
4. Pagkatapos ng pag unawa, iuulat ito sa harapan.

B. Pagsasagawa ng gawain
1. Ang mga mag aaral ay maayos na isasagawa ang pangkatang Gawain.
2. Ang guro ay magbibigay ng patnubay para sa bawat pangkat.

C. Pagpapaliwanag:
1. Sa kanilang pag-uulat, maglalaan ng tanong ang guro sa bawat pangkat na mag-uulat.
Hikayatin ang lahat na makiisa sa ulat upang makita ang kooperasyon ng bawat myembro.
2. Bibigyang pansin ang bawat kasagutan ng mag-aaral
3. Hihikayatin din ang ibang pangkat na makisangkot kung sakaling di nabigyang katwiran ng
grupo ang kanilang ulat.
4. Muling iklaro ang mga sagot ng mga bata at sikaping mas ipaliwanag ang dalawang tulang
tinalakay upang magkaroon ng maayos na talakayan.

Gabay na Tanong:

1. Ano ang nilalaman ng alamat ng Visayas?


2. Kanino o saan pumapatungkol ang alamat ng Visayas?
3. Ano ang kulturang nakapaloob sa alamat ng Visayas?

Konklusyon:
1. Paano nakilala ang alamat?

D. Pagpapaliwanag:
Pangkalahatan:
Paano nagpasimula ang alamat ng Kabisayaan?
Applikasyon:
1. Sumulat ng isang alamat sa anyong komiks.
E. Ebalwasyon:
Gamitin sa pangungusap ang mga salitang nagpapahayag sa paghahambing na
nakapaloob sa kahon.

higit/kaysa di-hamak higit/kaysa

di-gasino di-gaano

IV. Takdang Aralin:

Sumulat ng tekstong naglalarawan tungkol sa mga katangian ng alamat at ang kaibahan nito sa
iba pang uri ng panitikan.

Inihanda ni:
SARA JANE D. PURIFICACION
Guro I
Binigyang pansin ni:

PERLA M. BERMEJO
Punong Guro I

You might also like