You are on page 1of 30

8

Araling
Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 1:
Mga Sanhi at Bunga ng Unang
Digmaang Pandaigdig
Araling Panlipunan– Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 1: Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyulna ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nicolas T. Capulong PhD, CESO V
Ronilo Al K. Firmo PhD, CESO V
Librada M. Rubio PhD

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Jereena M. Cruz
Tagasuri ng Nilalaman: Angelica M. Burayag PhD / Salvador B. Lozano
Madonna R. Estacio / Alma G. Pineda
Tagasuri ng Wika: Neil Omar B. Gamos / Madonna R. Estacio
Tagasuri ng ADM Format: Raymart Guinto
Tagasuri ng Paglapat
at Pagguhit: Jeremy Daos / Jay Ahr Sison
Tagaguhit: Neil Omar B. Gamos
Tagalapat: Reynaldo B. Pacleta
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD
Angelica M. Burayag PhD
Ma. Editha R. Caparas EdD
Nestor P. Nuesca EdD
Marie Ann C. Ligsay PhD
Fatima M. Punongbayan
Salvador B. Lozano / Arnelia R. Trajano PhD

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon-Rehiyon III


Office Address: Matalino St., Diosdado Macapagal Government Center
Maimpis, City of San Fernando, Pampanga 2000
Telefax: (045) 402-7003 to 05
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
8

Araling
Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 1:
Mga Sanhi at Bunga ng Unang
Digmaang Pandaigdig
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa
ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang
bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang
ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-
aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang


nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang
magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa
guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat
naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o
mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito


upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o
mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na
makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng
suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga


tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila
sa paaralan.

ii
Alamin

Ang modyul na ito ay binuo upang makatulong sa iyong pag-aaral tungkol sa


mga naging dahilan at bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig, gayundin ang mga
usapin ng mga bansang sangkot sa digmaan. Bibigyang-pansin din sa modyul na ito
ang mga naging matinding epekto ng digmaan na nag-iwan ng malalim na sugat at
aral sa kasaysayan ng sangkatauhan. Bilang karagdagan, tatalakayin din ang mga
ginawang pagsisikap ng mga bansa upang makamit ang kapayapaang pandaigdig.

Ang modyul na ito ay nahahati sa tatlong aralin:


• Aralin 1 – Mga Sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig
• Aralin 2 – Mga Mahahalagang Pangyayari sa Digmaan
• Aralin 3 – Mga Epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig
Matapos mong basahin ang modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:
1. natutukoy ang mga dahilang nagbigay-daan sa Unang Digmaang Pandaigdig;
2. nasusuri ang mga mahahalagang pangyayaring naganap noong Unang
Digmaang Pandaigdig;
3. nasusuri ang mga pagsisikap ng mga bansa upang makamtam ang
kapayapaan sa pagtatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig; at
4. natutukoy ang mga naging bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral. Maaaring gumamit ng
mga mapa upang mas higit na maipakita sa mga mag-aaral
ang mga bansang nakilahok sa digmaan. Dagdag pa rito,
gumamit din ng mga larawan at mga graphic organizers upang
maging mas madali para sa mga mag-aaral ang unawain ang
mga Unang Digmaang Pandaigdig.

1
Subukin

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ito ay tumutukoy sa paniniwala ng isang bansa sa pagkakaroon ng isang malakas


na puwersang militar, gayundin sa agresibong paggamit nito.
A. Alyansa C. Imperyalismo
B. Digmaan D. Militarismo

2. Ito ang lugar na tinaguriang powder keg sa Europe dahil sa masidhing tensyong
namamayani rito.
A. Balkan C. Italy
B. Germany D. Russia

3. Ang pagpaslang kay _______________ ay nagmistulang mitsa na tuluyang


nagpasiklab sa Unang Digmaang Pandaigdig.
A. Franz Ferdinand C. Georges Clemenceau
B. David Lloyd George D. Winston Churchill

4. Ang mga sumusunod ay mga pinuno ng tinaguriang Big Four maliban sa isa:
A. David Lloyd Georges C. William P. Fyre
B. Georges Clemenceau D. Woodrow Wilson

5. Ang mga sumusunod ay mga bansang kasapi ng Allied Forces maliban sa isa:
A. France C. Hungary
B. Great Britain D. Russia

6. Ang mga sumusunod ang naging dahilan ng pagsiklab ng Unang Digmaang


Pandaigdig, maliban sa _________.
A. pag-atake sa Manchuria
B. pagkakabuo ng mga alyansa
C. masidhing damdaming nasyonalista
D. pagpapalakas ng puwersa-militar ng bansa

7. Ito ay tumutukoy sa pagpapalawak ng kapangyarihan at kayamanan ng isang


bansa sa pamamagitan ng pananakop sa mga mas mahihinang bansa.
A. alyansa C. legalismo
B. imperyalismo D. nasyonalismo

8. Ito ay isang samahan na nagdeklara ng digmaan laban sa Imperyong Ottoman


noong 1912 upang mabawi ang Macedonia.
A. Balkan League C. League of Nations
B. Central Powers D. United Nations

2
9. Ito ay isang lihim na organisasyon na naglalayong wakasan ang rehimen ng
Austria-Hungary.
A. Allied Forces C. Black Hand
B. Balkan League D. League of Nations

10. Ito ay isang pampasaherong barkong pinalubog ng puwersang Germany na


naging sanhi sa pagkamatay ng mahigit 100 Amerikano.
A. Dardanelles C. Gallipoli
B. Frye D. Lusitania

11. Ang Liga ng mga Bansa ay nabuo matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig.
Ang sumusunod ay ang mga layunin ng Liga, maliban sa __________.
A. mapalaganap ang pandaigdigang kapayapaan
B. mapalaganap ang kasunduang pangkapayaan
C. maprotektahan ang Germany mula sa pagbabayad ng malaking halaga
D. lutasin ang mga usapin at hindi pagkakaunawaan ng mga kasaping bansa

12. Siya ang chancellor ng Germany na nanguna sa pakikipag-alyansa sa Austria-


Hungary at Italy.
A. Adolf Hitler C. Wilhelm II
B. Otto von Bismarck D. Woodrow Wilson

13. Pagsunud-sunurin ang sumusunod na kaganapan noong Unang Digmaang


Pandaigdig:
I. Pagpaslang kay Archduke Franz Ferdinand at sa kaniyang asawang si
Sophie
II. Pinamahalaan ng Austria-Hungary ang Bosnia-Herzegovina
III. Pagsalakay ng Bulgaria sa Greece at Serbia upang makapagtatag ng
teritoryo sa Macedonia
IV. Nabuo ang Balkan League

A. I, II, III, IV C. IV, III, II, I


B. II, IV, I, III D. I, IV, III, II

14. Siya ay miyembro ng Black Hand na tinuturong responsable sa


pagkamatay ni Archduke Franz Ferdinand at ng kaniyang asawa.
A. Benito Mussolini C. Otto von Bismarck
B. Gavrilo Princip D. William Frye

15. Pagsunud-sunurin ang sumusunod na mga pangyayari noong Unang


Digmaang Pandaigdig:
I. Nagdeklara ang Germany ng digmaan laban sa France
II. Nagdeklara ang Germany ng digmaan laban sa Russia
III. Sumanib ang Japan at Italy sa Allied Powers
IV. Nagdeklara ang Britain ng digmaan laban sa Germany

3
A. I, II, III, IV C. III, IV, I, II
B. II, I, IV, III D. IV, I, III, II

Binabati kita! Kung nasagutan mo nang tama ang lahat ng katanungan sa


bahaging ito, maaari mo ng laktawan ang susunod na bahagi ng modyul. Kung may
mga katanungan naming hindi mo nasagot nang tama ay tutulungan kita upang
linangin pa natin ang iyong mga kaalaman tungkol sa paksa.

4
Modyul
Mga Sanhi at Bunga ng
1 Unang Digmaang Pandaigdig

Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay kinilala bilang Great War sapagkat ito
ang kauna-unahang malawakang digmaan na tumagal sa loob ng apat na taon at
kumitil sa maraming buhay at sumira sa milyong-milyong ari-arian.

Balikan

Hu-letra
Panuto: Basahin ang mga mga sumusunod na paglalarawan sa bawat bilang.
Tukuyin ang mga konseptong inilalarawan sa pamamagitan ng pagpupuno ng
wastong letra sa loob ng mga kahon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ito ay tumutukoy sa pagpapalawak ng kapangyarihan at kayamanan ng isang


bansa sa pamamagitan ng pag-okupa at pagkontrol sa teritoryo ng ibang bansa.

I M P E R Y A L I S M O

2. Ito ang alyansang binubuo ng Germany, Austria-Hungary, at Italy.

T R I P L E A L L I A N C E

3. Ito ang samahang nabuo sa pagitan ng France, Great Britain, at Russia.

T R I P L E E N T E N T E

4. Siya ang pangulo ng United States na naglahad ng kanyang tanyag na Fourteen


Points.

W O O D R O W W I L S O N

5. Ito ang kasunduang opisyal na nagwakas sa Unang Digmaang Pandaigdig.

V E R S A I L L E S

5
Tuklasin

Concept Web
Panuto: Suriin ang fact web sa ibaba. Punan ang mga ito ng impormasyon gaya ng
mga posibleng sanhi ng digmaan, mga posibleng mangyari sa digmaan, mga
posibleng bunga ng digmaan, at maaaring maging wakas ng digmaan. Matapos mong
buuin ang fact web, sagutin mo rin ang mga pamprosesong tanong. Gawin ito sa
sagutang papel.

• _____________ • _____________
• _____________ Mga Posibleng • _____________
• _____________ Sanhi ng • _____________
• _____________ Digmaan • _____________
_ _

Mga Mga
Posibleng Posibleng
Pangyayari DIGMAAN
Bunga ng
sa Digmaan
Digmaan

Mga
• _____________ Posibleng
• _____________ Maging
• _____________ Wakas ng
• • _____________
_____________ Digmaan • _____________
_
• _____________
• _____________
_

Mga Pamprosesong Tanong:


1. Ano ang mga naging batayan mo sa pagsagot sa fact web?
2. Sa iyong palagay, bakit nagkakaroon ng digmaan?

6
Suriin

Aralin 1: Mga Sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig

1. Sistema ng mga Alyansa


Ang salitang alyansa ay tumutukoy sa isang kalipunan ng mga bansa o
partido na sumusuporta sa iisang programa, paniniwala at adhikain.

Matapos magtagumpay ang Germany sa Digmaang Franco-Prusso noong


1871, nakuha nila ang kontrol sa mga probinsyang Alsace at Lorraine na pawang
mga bahagi ng hangganan ng sakop ng France. Upang maiwasan ang muling
pagbangon ng France at upang hindi nito mabawi ang mga dati nitong
nasasakupang probinsya, pinangunahan ng German Chancellor na si Otto von
Bismarck ang pakikisanib-puwersa sa mga ibang bansang Europeo. Tinawag ang
alyansang ito bilang Triple Alliance. Ito ay binubuo ng pagsasanib-puwersa ng mga
bansang Germany, Austria-Hungary, at Italy. Nagkaroon din ng pagsasanib-puwersa
sa pagitan ng Germany at Russia noong 1887 ngunit sa kalaunan ay nabuwag din
ito.

MAPA NG MGA NABUONG ALYANSA SA EUROPA (Larawan mula sa https://en.wikipedia.org/wiki/Triple_Entente)

Noong 1888, naluklok sa trono si Kaiser Wilhelm II. Sa ilalim ng kaniyang


pamumuno ay nagwakas ang alyansa sa pagitan ng Germany at Russia; mas
pinaigting ang hukbong dagat ng bansa upang mahigitan ang hukbong dagat ng
Britain; pinalakas din niya ang hukbong sandatahan ng Germany; at pagtatatag ng
mga kolonya sa Asya at Aprika. Sa kabilang banda, lubos na pagkapahiya ang

7
naramdaman ng bansang France mula sa kanilang pagkatalo laban sa Germany
noong 1871 at kanilang napagtanto na hindi niya matatalo ang Germany ng mag-
isa lamang. Dahil dito at sa patuloy na pagpapalakas ng Germany, humanap din ang
France ng mga bansa na maaari niyang maging ka-alyado. Unang nakipag-alyansa
ang France sa Russia noong 1894. Bagaman magkaribal sa mga usaping kolonyal,
nagkasundo ang mga bansang France at Britain sa pamamagitan ng Entente
Cordiale (ahn-TAHNT cor-DYAHL). Taong 1907, bunsod ng kanilang pangamba sa
patuloy na paglakas ng puwersa ng Germany, tuluyan ng bumuo ng alyansa ang
mga bansang France, Russia, at Britain at tinawag itong Triple Entente. Ang Triple
Entente ay isang kasunduan ng pakikipagkaibigan sa pagitan ng tatlong bansa at
hindi isang alyansang militar, ngunit para sa Germany, ang pagkakatatag ng
alyansang ito ay isang banta sa kanilang bansa.

2. Imperyalismo

Ang imperyalismo ay tumutukoy sa pagpapalawak ng kapangyarihan at


kayamanan ng isang bansa sa pamamagitan ng pag-okupa at pagkontrol ng mga
karagdagang teritoryo. Ang pag-uunahan ng mga makapangyarihang bansa na
sumakop ng mga lupain at magkaroon ng kontrol sa pinagkukunang-yaman sa Asya
at Africa ay nagdulot ng alitan sa pagitan ng mga bansa sa Europa.

3. Militarismo

Ito ay tumutukoy sa paniniwala ng isang bansa sa pagkakaroon ng isang


malakas na puwersang militar at sa agresibong paggamit nito. Sa pagpasok sa ika-
20 siglo, nagsimula na ang paligsahan ng pagkakaroon ng malakas na puwersang
militar, kabilang na rin dito ang pagkakaroon ng mga malalakas at makabagong
armas. Ang Germany at Great Britain ay nagpaligsahan sa pagpapalakas ng kani-
kanilang hukbong pandagat, habang nagkaroon naman ng impluwensiya ang militar
sa mga usaping sibil sa Russia at Germany. Dahil sa patuloy na pagpapalakas ng
mga bansang Europeo sa kanilang mga sari-sariling puwersang militar, mas naging
madali sa kanila ang pagpasok sa digmaan.

4. Nasyonalismo

Maituturing na nasyonalismo ang paghahangad ng kalayaang pulitikal, lalo


na ng isang bansang nasa ilalim ng kapangyarihan at kontrol ng ibang bansa. Ang
damdaming ito ay nagtulak para sa mga tao na maghangad ng kalayaan mula sa
kamay ng mga mananakop. Masususog ang pinagmulan ng Unang Digmaang
Pandaigdig sa paghahangad ng mga Slavs sa Bosnia at Herzegovina na makalaya
mula sa kapangyarihan ng Austria-Hungary at maging bahagi ng Serbia. Maliban sa
ninanais na kalayaan, masidhi rin ang pagkamuhi ng Serbia sa Austria-Hungary
dahil sa malupit nitong pamamahala.

Kung minsan, ang masidhing pagmamahal sa bayan ay nakapagdudulot ng


bulag at panatikong pagmamahal sa bansa. Patunay dito ang aristokrasyang militar
ng Germany na tinawag na mga Junker. Sila ay mula sa mga pamilyang nagmamay-

8
ari ng mga malalawak na lupain sa Prussia at kanlurang Germany. Dahil sa kanilang
yamang taglay ay malaki ang naging ambag nila sa pagpapalakas ng mga hukbong
militar ng Prussia at Germany. Dahil dito, malaki ang naging impluwensya ng mga
Junkers sa pulitika ng mga nabanggit na bansa.

Nagbunsod din ang nasyonalismo ng masidhing tunggalian sa pagitan ng mga


bansa. Ang tunggaliang ito ay bunga ng kompetisyon sa mga hilaw na materyales,
at pagtatalo sa pangangakamkam ng mga teritoryo. Ang paghahangad ng kasarinlan
at pagpapalawak ng teritoryo ang isa sa nagbigay-daan sa pagsidihi ng alitan sa
pagitan ng mga bansa na tuluyang nauwi sa digmaan.

Mga Iba pang Sanhi ng Pagsiklab ng Digmaan

Ang mga pangunahing sanhi ng pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig ay


pagkakabuo ng mga alyansa, masidhing damdaming nasyonalismo, imperyalismo,
at militarismo. Subalit, liban sa mga nabanggit ay mga kaganapang tuluyang
nagpasiklab sa mitsa ng digmaan.

Tinagurian ang Balkan bilang powder keg ng Europe dahil sa tensyon na


namumuo rito. Pangunahing dahilan ng labis na tensyon ay ang nasyonalismong
namayani sa mga pangkat-etniko sa Balkan na naghahangad ng kalayaan mula sa
Imperyong Ottoman.

Upang mas madali mong maunawaan ang mga iba pang pangyayaring
tuluyang nagtulak sa pagsiklab ng digmaan, tignan at unawain ang timeline sa
ibaba:

1908 1912 1914


Sa kabila ng pagtutol ng Serbia Nabuo ang Balkan League na Pagpaslang kay Archduke
ay pinamahalaan ng Austria- nagdeklara ng digmaan laban Franz Ferdinand at ng kanyang
Hungary ang Bosnia- sa Imperyong Ottoman upang asawa na si Sophie.
Herzegovina makuha ang Macedonia.

1912-1913
Pananakop ng Serbia sa Albania
upang magkaroon sila ng ruta sa
Dagat Adriatiko, ngunit ito ay
tinutulan ng Austria-Hungary.

1913
Pagsalakay ng Bulgaria sa Greece at
Serbia dahil sa kagustuhan nilang
magtatag ng teritoryo sa Macedonia.

Itinuturing ang pagpaslang kay Archduke Franz Ferdinand at sa kanyang


asawang si Sophie bilang mitsa na tuluyang nagpasimula sa Unang Digmaang
Pandaigdig. Noong Hunyo 28, 1914, habang nasa opisyal na gampanin sa Sarajevo,
Bosnia ay pinaslang ang tagapagmana sa trono ng Austria-Hungary na si Archduke
Franz Ferdinand at ang kanyang asawa. Ang itinuturong salarin sa malagim na
pagpaslang na ito ay si Gavrilo Princip, isang Serbian na kasapi ng lihim na
organisasyon na Black Hand. Nilalayon ng Black Hand na wakasan ang rehimen ng
Austria-Hungary sa Bosnia-Herzegovina.

9
Archduke Franz Ferdinand; Duchess Sophie; at Gavrilo Princip

Kaugnay sa naganap na pagpaslang kay Franz Ferdinand, nagbigay ng isang


ultimatum ang Austria-Hungary sa Serbia. Ang ultimatum ay nagsasaad ng mga
kondisyon na dapat gawin ng Serbia. Lahat ng kondisyong nakasaad sa ultimatum
ay nabigyang-katuparan ng Serbia, maliban lamang sa isa. Hiniling ng Austria-
Hungary na pahintulutan ang mga opisyales nito na lumahok sa imbestigasyon ng
pagpaslang kay Ferdinand, ngunit hindi ito pinahintulutan ng Serbia dahil ito ay
paglabag sa kanilang pambansang karapatan. Dahil hindi nasunod ang ultimatum
at sa tiwala na sila ay tutulungan ng Germany, noong Hulyo 28, 1914 ay nagdeklara
ng digmaan ang Austria-Hungary laban sa Serbia. Ang pangyayaring ito ang opisyal
na pagsisimula ng Unang Digmaang Pandaigdig.

Aralin 2: Mga Mahahalagang Kaganapan sa Digmaan

Ang pagdeklara ng Austria-Hungary ng digmaan laban sa Serbia ay nagdulot


ng iba’t ibang alyansa ng mga bansa. Tignan sa ibaba ang mga nabuong alyansa
dulot ng digmaan ng Austria-Hungary at Serbia na kalaunan ay nilahukan ng mga
iba’t ibang bansa sa Europa.

Nagdeklara ang Germany ng digmaan laban sa Russia


Agosto 1, 1914 bunsod ng pagpapadala ng mga hukbong military ng Russia sa
hangganan ng Germany.
Nagdeklara ang Germany ng digmaan laban sa France
Agosto 3, 1914 sapagkat napagtanto nito na susuportahan ng France ang
Russia sa digmaan.
Ang Britain ay nagdeklara ng digmaan laban sa Germany
Agosto 4, 1914
dahil sa pagsalakay nito sa Belgium.
Tuluyan nang nasangkot sa digmaan ang lahat ng mga
makapangyarihang bansa sa Europa: ang Great Britain,
France, at Russia ay tinawag na Allied Powers, samantalang
Agosto 5, 1914 ang Germany, at Austria-Hungary naman ay kinilala bilang
Central Powers.
Kalaunan ay sumali ang Japan at Italy sa Allied Powers at
sa panig naman ng Central Powers lumahok ang Bulgaria.

10
Ang krisis na naganap sa Bosnia noong 1914 ang naghudyat sa pagsisimula
ng Unang Digmaang Pandaigdig. Noong Hunyo 28, 1914, pinatay si Archduke Franz
Ferdinand at ang kaniyang asawang si Sophie habang sila ay naglilibot sa Bosnia na
noon ay bahagi ng teritoryo ng Austria-Hungary. Tignan sa talahanayan ang mga
labanang naganap sa Kanluran at Silangan noong Unang Digmaang Pandaigdig.

MAHAHALAGANG
PANGYAYARI RESULTA
LABANAN
Ginamit ng mga Ang labanang ito ang
Germans ang itinuturing na kauna-
Schlieffen Plan kung unahang tagumpay
kaya’t halos nasakop ng mga Allied Forces
nito ang lungsod ng sa Western Front
Paris. Subalit, sa tulong dahil hindi
Labanan sa ng Russia ay nahati ang nagtagumpay ang
Marne hukbong German kung Germans na
kaya’t nabawasan ang isakatuparan ang
LABANAN SA KANLURAN

puwersa nito na Schlieffen Plan.


sasalakay sa Paris.
Nagtagumpay ang Allied
Forces na paatrasin ang
puwersang German.
Nagtangka ang Dahil sa pangamba
hukbong dagat ng na tuluyang
Germany na palubugin mapalubog ng mga
ang mga nakadaong na Briton ang kanilang
barko ng Britain sa mga barko ay
North Sea. Ang Britain, umatras ang hukbong
Labanan sa
bilang kanilang German sa labanan.
Jutland
opensibang taktika, ay Bunga ng pag-atras
sorpresang sumalakay ng mga Germans sa
sa hukbong dagat ng digmaan, nanatiling
Germany na nakadaong kontrolado ng Allied
sa baybayin ng Forces ang Atlantiko.
Denmark.
Ito ay naganap sa Sa labanang ito ay
pagitan ng pinagsanibn pinangunahan ng
a puwersa ng Russia at Russia ang
LABANAN SA

Serbia laban sa pagsalakay ngunit sa


SILANGAN

puwersa ng Germany, bandang huli ay


Labanan sa
Turkey, at Austria- napaatras ito ng mga
Tannenberg
Hungary. Ang labanang hukbong Germany.
ito ay mula sa baybayin Ito ang kauna-
ng Baltic Sea hanggang unahang tagumpay
sa Black Sea. ng Central Powers sa
Silangan.
Ito ay bunga ng Nahirapan ang
SA LABAS
LABANAN

Gallipoli paghahangad ng Allied hukbong Ingles sa


EUROPE

Campaign/ Forces na makaganti sa pangunguna ni


NG

Dardanelles Central Powers. Admiral Winston


Campaign Tinangka ng Allied Churchill na
Forces na kubkubin ang tuluyang sakupin ang

11
Dardanelles Strait na Dardanelles kung
noo’y kontrolado ng kaya’t bandang huli
imperyong Ottoman. ay napagpasyahan na
lamang nila na
umatras sa labanan.

Pagsali ng United States sa Digmaan

Sa pagsiklab ng digmaan noong 1914, pinili ng United States sa pangunguna


ni Pangulong Woodrow Wilson, na walang kampihang alyansa. Ang United States
ay isa sa mga kapalitan ng kalakal ng Britain kung kaya’t hindi naglaon ay
nagkaroon din ng tensyon sa pagitan ng Amerika at Germany. Ang tensyong ito ay
mas lalong umigting nang naglunsad ang Germany ng isang unrestricted warfare,
kung saan ay palulubigin ng hukbong pandagat ng Germany ang anumang barkong
papasok sa Britain, kalaban man o hindi.

Makalipas ang isang buwan mula ng


magdeklara ng unrestricted warfare ang
Germany ay napalubog ng isang barkong
German ang William P. Frye, isang pribadong
barkong Amerikano. Ang pangyayaring ito ay
lubhang ikinagalit ni Pangulong Wilson at inako
ng Germany ang responsibiliad sa insidente.
Noong Mayo 7, 1915 ay pinalubog din ng
Germany ang Lusitania, isang pampasaherong Paglubog ng Lusitania (Larawan mula
barko ng Britain. Lulan ng Lusitania 1,959 na sa
pasahero kung saan 1,198 ang namatay https://en.wikipedia.org/wiki/Sinking
_of_the_RMS_Lusitania
kabilang ang 128 Amerikano. Bunsod ng
pangyayaring ito, nangako ang Germany sa Amerika na hindi na muling paiigtingin
ang unrestricted warfare, ngunit sa kasamaang palad ay muling naulit ang
pagpapalubog sa mga barko na may lulang inosenteng sibilyan. Ang pangyayaring
ito ang tuluyang nag-udyok sa United States na sumali sa digmaan laban sa
Germany noong Abril 2, 1917.

Sa kabuuan, maitatalang mahigit 2 milyong Amerikano sundalo ang nakilahok


sa digmaan kung saan nasa 50,000 sa kanila ang nagbuwis ng buhay hanggang sa
magwakas ang digmaan noong Nobyembre 1918.

12
Aralin 3: Pagwawakas ng Digmaan at Usaping Pangkapayapaan
Sa pagpasok ng United States sa digmaan ay
lumakas ang pwersa ng Allied Powers at humina
naman ang puwersa ng Central Powers. Dahil sa
sunod-sunod na pagkatalo sa mga bakbakan at
pagkaubos ng mga sundalo, umatras ang
Germany sa labanan habang ang iba nitong
kapanalig ay sumuko na. Kasunod nito ang
pagbaba sa trono ni Kaiser Wilhelm II noong
Nobyembre 9, 1918. Tuluyang natapos ang
unang digmaang pandaigdig nang malagdaan
“Big Four” David Lloyd George, Vittorio ang armistice noong Nobyembre 11, 1918.
Orlando, Georges Clemenceau, At
Woodrow Wilson (Larawan mula Ilang buwan matapos ang digmaan, muling
https://www.history.com/topics/world
-war-i/league-of-nations nagpulong ang mga pinuno ng mga Allied Forces
at Central Powers. Pinangunahan ni Pangulong
Woodrow Wilson ng United States ang naturang pagpupulong na ginanap sa palasyo
ng Versailles sa France noong Hunyo 1919. Ito ay dinaluhan ng mga kinatawan ng
32 bansa na naglalayong makabuo ng isang kasunduan na tuluyang
makapagwawakas sa digmaan at muling magtataguyod sa Europa. Kabilang sa mga
pinunong nagsipagdalo ay sina Georges Clemenceau ng France, David Lloyd
George ng Britain, at Vittorio Orlando ng Italy.

Ayon sa Tratado ng Versailles, ang Germany ang pangunahing responsable sa


pagkakaroon ng digmaan. Dahil dito, pinatawan ng matinding parusa ang Germany
tulad ng pagkawala ng ilan sa kanilang mga teritoryo, pagbabayad nang malaking
halaga sa mga nasira dulot ng digmaan, at pagkawala ng ilan sa kanilang
sandatahang lakas sa ilang lugar sa Europe.

Ang mga probisyon ng tratado ay nakabatay sa Labing-apat na Puntos ni


Pangulong Woodrow Wilson na kaniyang ibinahagi sa kaniyang talumpati sa
Kongreso ng Amerika noong 1918. Nilalaman ng Labing-apat na Puntos ang mga
layunin ng United States sa pakikidigma, gayundin ang ideya ni Pangulong Wilson
tungkol sa “kapayapaang walang talunan” (peace without victory). Narito ang ilan sa
mga nilalaman ng labing-apat na puntos ni Pangulong Wilson:

1. katapusan ng lihim na pakikipag-ugnayan;


2. kalayaan sa karagatan;
3. pagbabago ng mga hangganan ng mga bansa at paglutas sa suliranin ng
mga kolonya ayon sa sariling kagustuhan ng mga mamamayan;
4. pagbabawas ng mga armas;
5. pagbabawas ng taripa; at
6. pagbuo ng Liga ng mga Bansa.

13
Mga Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig
Ang pagkakaroon ng digmaan at nagdulot ng pinsala sa maraming buhay at
ari-arian. Ilan sa mga naging bunga ng digmaan ay ang mga sumusunod:

1. Pagkamatay ng maraming mamamayan – Tinatayang umabot sa humigit


kumulang 8.5 milyong tao ang nasawi digmaan simula ng pagsiklab nito noong
1914 at pagwawakas nito noong 1918, habang nasa 22 milyon naman ang
tinatayang sugatan. Maliban sa mga sundalo, marami rin mga sibilyan at
ordinaryong tao ang labis na nagdusa at namatay sanhi ng matinding
pagkagutom, pagkakaroon ng mga sakit at malubhang pagdurusa.
2. Pagkasira ng mga kabuhayan sa Europa – Nagdulot ang digmaan ng matinding
pagkagutom at pagkasira sa mga ari-arian. Naantala ang kalakalan, pagsasaka,
at iba pang mga gawaing pang-ekonomiko. Bukod dito, tinatayang nasa 200
bilyong dolyar ang kabuuang nagastos sa digmaan.
3. Nabago ang kalagayang pampulitika sa Europa at sa ibang bahagi ng mundo
– Nagkahiwalay ang Austria-Hungary at mga bansang Latvia, Estonia, Lithuania,
Finland, Czechoslovakia, Yugoslavia, at Albania ay naging malayang mga bansa.
Nagwakas din ang apat na imperyo sa Europe: ang Hohenzollern sa Germany;
Habsburg sa Austria-Hungary; Romanov sa Russia; at Ottoman sa Turkey.

Liga ng mga Bansa


Isa sa mga puntos ni Pangulong Wilson ang pagkakaroon ng isang
pandaigdigan samahan ng mga bansa. Pangunahing layunin ng samahan na
bigyang-solusyon ang anumang di-pagkakaunawaan sa pagitan ng mga bansa
upang hindi ito mauwi sa digmaan. Nakapaloob sa Tratado sa Versailles ang
konstitusyon ng Liga ng mga Bansa na may mga sumusunod na layunin:

1. maiwasan ang digmaan;


2. maprotektahan ang mga kasaping bansa mula sa pananalakay ng ibang
bansa;
3. lutasin ang mga usapin at hindi pagkakaunawaan ng mga kasaping bansa;
4. mapalaganap ang pandaigdigan pagtutulungan; at
5. mapalaganap ang mga kasunduang pangkapayaan.

14
Pagyamanin

A. Cloze Procedure
Panuto: Punan ang patlang ng wastong sagot upang makumpleto ang talata. Piliin
ang mga salita mula sa word bank. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Ginamit ng mga Germans ang (1) ______________ kung kaya’t halos


nasakop nito ang lungsod ng (2) ______________. Subalit, sa tulong ng Russia
ay nahati ang hukbong German kung kaya’t nabawasan ang puwersa nito na
sasalakay sa Paris. Nagtagumpay ang (4) ______________ na paatrasin ang
puwersang German sa (4) ______________. Ang labanang ito ang itinuturing na
kauna-unahang tagumpay ng mga (5) ______________ sa Western Front dahil
hindi nagtagumpay ang Germans na isakatuparan ang Schlieffen Plan.

B. I-check Natin ‘To!

Panuto: Lagyan ng tsek (✓) ang mga pahayag kung ito ay naganap noong Unang
Digmaang Pandaigdig at ekis (x) naman kung hindi ito naganap noong Unang
Digmaang Pandaigdig. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

______ 1. Naglunsad ang Germany ng isang unrestricted warfare.


______ 2. Naitatag ang United Nations sa pagtatapos ng digmaan.
______ 3. Pinirmahan ang Kasunduan sa Versailles.
______ 4. Nilagdaan ni Kaiser Wilhelm II ang armistice.
______ 5. Dumaong si Douglas MacArthur sa Leyte.
______ 6. Pinalubog ng Germany ang barkong Lusitania.
______ 7. Sinubukan ng kampo ng British na sakupin ang Dardanelles Strait.
______ 8. Nabuo ang alyansa sa pagitan ng France, Britain at Germany.
______ 9. Nabuo ang Balkan League.
______ 10. Pinaslang ni Gavrilo Princip ang mag-asawang sina Franz Ferdinand at
Sophie.

C. Baitang ng mga Pangyayari

Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga mahahalagang pangyayaring naganap noong


Unang Digmaang Pandaigdig. Isulat ang 1 – 5 sa patlang ayon sa kanilang tamang
pagkakasunod-sunod. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

15
_______ A. Nagdeklara ang Germany ng digmaan laban sa France.
_______ B. Napaslang si Archduke Franz Ferdinand at ang kanyang asawa.
______ C. Nagdeklara ng unrestricted warfare ang Germany sa mga barkong
dumadaan sa mga katubigan ng Britain.
_______ D. Sinubukang sakupin ng Allied Forces and Dardanelles Strait.
_______ E. Pinirmahan ng pinuno ng Germany ang armistice

D. Sang-ayon o Hindi Sang-ayon.

Panuto: Basahin ang ilan sa mga probisyon ng Kasunduan sa Versailles. Ilahad ang
iyong pananaw kung ikaw ay sumasang-ayon o hindi sa mga probisyong nabanggit.
Magbigay rin ng isang maikling paliwanag kung ano ang maaaring maging
implikasyon ng mga probisyong ito sa Germany. Gawin ito sa sagutang papel.

Hindi Implikasyon
Probisyon ng Kasunduan Sang-ayon
sumasang-ayon sa Germany
1. Pagbabayad ng malaking
halaga sa mga nasirang ari-
arian
2. Pagkawala ng ilang
teritoryo
3. Paglilimita sa bilang ng
sandatahang-lakas ng
Germany nang hindi hihigit
sa 100,000 sundalo lamang
4. Pag-amin na sila ang
pangunahing responsable
sa pagsiklab ng digmaan

E. Patalasan ng Isip.

Panuto: Tukuyin ang bawat pangyayari, lugar, o tao na inilalarawan sa bawat


pahayag. Punan ang crossword puzzle ng mga sagot na may kaugnayan sa bawat
pahayag. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Pahalang:
7. Siya ang tinuturong pumaslang kay Franz Ferdinand.
8. Ito ang pampasaherong barkong Ingles na pinalubog ng hukbong pandagat ng
Germany na kumitil sa buhay ng 128 na Amerikano.
9. Isang lihim na samahan na nagnanais wakasan ang rehimen ng Austria-Hungary
sa Bosnia at Herzegovina.

Pababa:
1. Dito pinaslang si Franz Ferdinand at ang kanyang asawa.

16
2. Ito ay tumutukoy sa pagpapalawak ng kapangyarihan sa pamamagitan ng
pananakop sa mga mas mahinang bansa.
3. Sila ay mula sa aristokrasyang pamilya sa Germany na may malaking
impluwensiya sa pulitika ng Germany.
4. Dito naganap ang kauna-unahang tagumpay ng mga Allied Forces sa Kanluran.
5. Ito ay isang kasunduan ng pakikipagkaibigan sa pagitan ng France, Russia, at
Great Britain.
6. Pinangunahan niya ang pagtatatag ng Triple Alliance.
9. Ito ang tinaguriang powder keg ng Europe.

17
F. Cause and Effect Chart
Panuto: Punan ang tsart sa ibaba. Isulat sa kahon ng cause ang mga pangunahing
sanhi ng digmaan. Isulat naman sa kahon ng effect ang mga naging bunga ng sanhi
ng digmaan. Gawin ito sa sagutang papel.

Mga Pangunahing Sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig

A
U

S
E

E
F

E
C

18
Isaisip

A. Concept Map
Panuto: Gamit ang graphic organizer, ilahad ang mga mahahalagang impormasyon
patungkol sa Unang Digmaang Pandaigdig. Gawin ito sa sagutang papel.

UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG (1914-1918)


Mga
Pangkat na
Mga Sanhi Mahahalagang Mga Epekto
Naglaban
Pangyayari
• ______________ • ______________ •______________ • ______________
• ______________ • ______________ •______________ • ______________
• ______________ • ______________ •______________ • ______________
• ______________ • ______________ •______________ • ______________
• ______________ • ______________ •______________ • ______________
• ______________ • ______________ •______________ • ______________
• ______________ • ______________ •______________

Mga Pamprosesong Tanong:

1. Sino-sinong pinuno ang nanguna sa Unang Digmaang Pandaigdig?


2. Saang bahagi ng daigdig naganap ang pinakamaiinit na labanan?
3. Ipaliwanag ang simula, mahahalagang labanan, mga kasunduang naganap,
at naging wakas ng Unang Digmaang Pandaigdig.
4. Paano nakaapekto ang Unang Digmaang Pandaigdig sa mundo?

B. Magpaliwanag Tayo
Panuto: Ang mga sumusunod na pahayag ay binanggit ng mga pinuno ng nakilala
noong Unang Digmaang Pandaigdig. Sa loob ng 2 pangungusap, magbigay ng isang
maikling paliwanag sa kahulugan ng bawat pahayag sa pamamagitan ng pag-
uugnay nito sa tinalakay na paksa. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Pahayag Paliwanag

1. “Ang United States ay lumahok


sa digmaang upang gawing
mapayapa ang mundo para sa
demokrasya.”
• Pangulong Woodrow Wilson

2. “Ang mga alitan ay dapat na


lutasin hindi sa pamamagitan ng
kumperensiya kundi sa
pamamagitan ng dugo at bakal.”

19
• Otto von Bismarck

3. “Lahat ng ilawan sa Europe ay


nawalan ng liwanag, at hindi
natin makikita ang kanilang pag-
iilaw na muli sa loob ng
mahabang panahon.”
• Edward Grey

*Halaw sa Modyul ng Mag-aaral sa Araling Panlipunan 8 Kasaysayan ng Daigdig


(pahina 463)

Isagawa

Islogan para sa Kapayapaan.


Panuto: Bumuo ng isang islogan na nagpapahiwatig ng iyong matinding pagtutol sa
mga kaguluhang nagaganap sa kasalakuyan. Gawin ito sa sagutang papel. Gamiting
gabay sa pagbuo ng islogan ang rubrik.

Rubrik sa Pagmamarka ng Islogan:

Mensahe – 5 puntos

Pagkamalikhain - 5 puntos

Kalinisan - 5 puntos

KABUUAN - 15 puntos

Tayahin

Basahin at unawain ang bawat pahayag. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat
ito sa sagutang papel.

1. Ang sumusunod na pangyayari ay naganap noong Unang Digmaang Pandaigdig,


maliban sa _______.
A. Pagkakatag ng United Nations
B. Pagbuo ng Triple Alliance at Triple Entente

20
C. Pagpapalakas ng hukbong militar ng mga bansa
D. Pagkakaroon ng diwang nasyonalismo ng mga kolonyang bansa

2. Sinasabing sa Kanlurang Europe naganap ang pinakamainit na labanan sa


panahon ng Unang Digmaang Pandaigdig. Alin sa mga sumusunod na pangyayari
ang nauugnay dito?
A. Digmaan ng Germany at Britain
B. Labanan ng Austria at Serbia
C. Paglusob ng Russia sa Germany
D. Digmaan mula sa Hilagang Belgium hanggang sa hangganan ng Switzerland

3. Ito ang kasunduan ng mga bansa na nagbigay hudyat sa pagwawakas ng Unang


Digmaang Pandaigdig.
A. League of Nations C. Treaty of Versailles
B. Treaty of Paris D. United Nations

4. Ito ang lugar kung saan pinatay si Archduke Franz Ferdinand at ang kanyang
asawa na si Sophie.
A. Austria C. Sarajevo
B. Hungary D. United Kingdom

5. Ito ay isang pandaigdigang samahan ng mga bansa na nabuo matapos ang Unang
Digmaang Pandaigdig.
A. Balkan League C. League of Nations
B. Black Hand D. United Nations

6. Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay itinuturing bilang Great War dahil ito ang
kauna-unahang digmaan na tumagal sa loob ng apat na taon sa pagitan ng mga
bansa sa Europe. Ang sumusunod ay mga naging bunga ng Unang Digmaan,
maliban sa isa.
A. Naitatag ang United Nations
B. Pagkamatay ng maraming mamamayan
C. Pagkasira ng maraming kabuhayan sa Europe
D. Nabago ang kalagayang politikal sa Europe at sa ibang bahagi ng mundo

7. Ayon sa Treaty of Versailles, ito ang bansa na pangunahing responsable sa


pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig.
A. France C. Great Britain
B. Germany D. United States

8. Ito ay isang pampasaherong barko ng Britain na naglululan ng 1,959 na


pasahero, kung saan mahigit sa isang libong pasahero ang namatay nang
palubugin ito ng Germany noong 1915.
A. Gavrilo C. Lusitania
B. Frye D. Pearl Harbor

21
9. Ito ang pangunahing plano ng pakikidigma na ginamit ng hukbong German
upang mabilis na masakop ang France.
A. Blitzkrieg C. Operation Sea Lion
B. Marne Plan D. Schlieffen Plan

10. Ito ang itinuturing bilang kauna-unahang tagumpay ng mga Allied Forces sa
labanan sa kanluran.
A. Labanan sa Jutland C. Labanan sa Tannenberg
B. Labanan sa Marne D. Labanan sa Gallipoli

11. Ito ang itinuturing bilang kauna-unahan tagumpay ng Central Powers sa labanan
sa silangan.
A. Labanan sa Gallipoli C. Labanan sa Marne
B. Labanan sa Jutland D. Labanan sa Tannenberg

12. Ang mga sumusunod ang naging dahilan ng pagsiklab ng Unang Digmaang
Pandaigdig, maliban sa _________.
A. pag-atake sa Manchuria
B. pagkakabuo ng mga alyansa
C. masidhing damdaming nasyonalista
D. pagpapalakas ng puwersa-militar ng bansa

13. Pagsunud-sunurin ang sumusunod na kaganapan noong Unang


Digmaang Pandaigdig:
I. Pagpaslang kay Archduke Franz Ferdinand at sa kaniyang asawang si
Sophie
II. Pinamahalaan ng Austria-Hungary ang Bosnia-Herzegovina
III. Pagsalakay ng Bulgaria sa Greece at Serbia upang makapagtatag ng
teritoryo sa Macedonia
IV. Nabuo ang Balkan League

a. I, II, III, IV c. IV, III, II, I


b. II, IV, I, III d. I, IV, III, II

14. Pagsunud-sunurin ang sumusunod na mga pangyayari noong Unang


Digmaang Pandaigdig:
I. Nagdeklara ang Germany ng digmaan laban sa France
II. Nagdeklara ang Germany ng digmaan laban sa Russia
III. Sumanib ang Japan at Italy sa Allied Powers
IV. Nagdeklara ang Britain ng digmaan laban sa Germany
a. I, II, III, IV c. III, IV, I, II
b. II, I, IV, III d. IV, I, III, II

15. Siya ang chancellor ng Germany na nanguna sa pakikipag-alyansa sa


Austria-Hungary at Italy.
A. Adolf Hitler

22
B. Otto von Bismarck
C. Wilhelm II
D. Woodrow Wilson

Karagdagang Gawain

Pagsulat ng Repleksyon. Sumulat ng isang maikling repleksyon na naglalaman ng


10-15 pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Gawing gabay ang sumusunod na tanong:

• Bilang isang mag-aaral, nabago ba ang iyong pananaw tungkol sa digmaan


matapos malaman ang mga naging epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig sa
buhay at ari-arian ng mga tao? Ipaliwanag ang iyong sagot.
• Paano mo maipapakita ang iyong pagmamalasakit sa bansa?

23
24
Subukin: Hu-Letra: Cloze Baitang ng
1. D 1. Imperyali Procedure: Pangyayari:
2. A smo
3. A 2. Triple 1. Schlieffen Plan a. 2
4. C Alliance 2. Paris b. 1
5. C 3. Triple 3. Allied Forces
c. 4
6. A Entente 4. Labanan sa Marne
5. Allied Forces d. 3
7. B 4. Woodrow
e. 5
8. A Wilson Cloze
9. C 5. Versailles
10. D Procedure: Sang-ayon o
11. C
12. B 1. ✓ Hindi Sang-
13. B Tuklasin: 2. X
14. B 3. ✓ ayon:
15. B Maaaring 4. ✓
5. X Maaaring magkakaiba
magkakaiba ang
6. ✓ ang sagot ng mga mag-
sagot ng mga
7. ✓ aaral.
mag-aaral.
8. X
9. ✓
10. ✓
Patalasan ng Isaisip: Isagawa: Tayahin:
Isip: Concept Map Maaaring magkakaiba 1. A
Maaaring magkakaiba ang sagot ng mga mag- 2. D
1. Sarajevo aaral.
ang sagot ng mga mag- 3. C
2. Imperyalismo
aaral. 4. C
3. Junker
5. C
4. Marne
Isaisip: 6. A
5. Triple Entente
7. B
6. Bismarck Magpaliwanag 8. C
7. Gavrilo Princip Tayo 9. A
8. Lusitania
10. B
9. Black Hand Maaaring magkakaiba
11. D
10. Balkan ang sagot ng mga mag-
aaral.
12. A
Cause and 13. B
Effect: 14. B
15. B
Maaaring magkakaiba
ang sagot ng mga mag-
aaral.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Archduke Franz Ferdinand. 2020. Image. Accessed July 3.


https://www.onthisday.com/people/franz-ferdinand.

Augustyn, Adam. 2020. Big Four. Image. Accessed July 3.


https://www.britannica.com/event/Treaty-of-Versailles-1919.

Blando, Rosemarie, and Michael Mercado. 2014. Modyul Ng Mag-Aaral Sa Araling


Panlipunan 8 Kasaysayan Ng Daigdig. 1st ed. Pasig City: Kagawaran ng
Edukasyon.

Gavrilo Princip. 2020. Image. Accessed July 3.


https://en.wikipedia.org/wiki/Gavrilo_Princip.

"League of Nations". 2017. HISTORY. https://www.history.com/topics/world-war-


i/league-of-nations.

"Most Essential Learning Competencies". 2020. Deped LR Portal.


https://lrmds.deped.gov.ph/detail/18275.

Mapa Ng Mga Nabuong Alyansa Sa Europe. 2020. Image.


https://en.wikipedia.org/wiki/Triple_Entente.

Perry, Marvin. 1995. History of The World. Boston, MA: Houghton Mifflin Co.

Simkin, John. 2020. "Versailles Treaty". Spartacus Educational. Accessed July 2.


https://spartacus-educational.com/FWWversailles.htm.

Sinking of The RMS Lusitania. 2020. Image. Accessed July 3.


https://en.wikipedia.org/wiki/Sinking_of_the_RMS_Lusitania.

Sophie, Duchess of Hohenberg. 2020. Image. Accessed July 3.


https://en.wikipedia.org/wiki/Sophie,_Duchess_of_Hohenberg.

"The United States Officially Enters World War I". 2010. HISTORY.
https://www.history.com/this-day-in-history/america-enters-world-war-i.

"Treaty of Versailles". 2010. HISTORY. https://www.history.com/topics/world-war-


i/treaty-of-versailles-1.

25
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III


Learning Resource Management Section (LRMS)
Diosdado Macapagal Government Center
Maimpis, City of San Fernando, Pampanga 2000
Telefax: (045) 402-7003 to 05
E-mail Address: region3@deped.gov.ph

26

You might also like