You are on page 1of 16

8

A
Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan - Modyul 5:
Ang Mga Bansang Nagkakaisa
( United Nations)

1
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 5: Ang Mga Bansang Nagkakaisa (United Nations)
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Marilou M. Oracion
Editor: Marites A. Abiera
Tagasuri: Gemma F. Depositario EdD
Tagaguhit: Typesetter
Tagalapat: Mila A. Reyes

Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin CESO V Rosela R. Abiera


Joelyza M. Arcilla EdD Maricel S. Rasid
Marcelo K. Palispis EdD Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay EdD
Carmelita A. Alcala EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental


Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental
Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Alamin

Panimula
Sa modyul na ito pagtutuunan mo ng pansin ang pag-aaral tungkol sa Ikalawang Yugto
ng Kolonyalismo at Imperyalismong Kanluranin.

Most Essential Learning Competency (MELC)

Natataya ang pagsisikap ng mga bansa na makamit ang kapayapaang pandaigdig at


kaunlaran. AP8AKD-IVh-8

Sa Modyul na ito, inaasahang:


1. Natataya ang pagsisikap ng mga bansa na makamit ang kapayapaang pandaigdig at
kaunlaran.
2. Nakabubuo ng semantic web tungkol sa mga layunin ng United Nations at ang mabuting
naidudulot ng samahan; at
3. Nabibigyang halaga ang pagsisikap ng mga bansa para matamo ang kapayapaang
pandaigdig.

Subukin

GAWAIN A.
Panuto: Basahin at suriing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang titik ng iyong sagot sa
kwaderno.
_____1. Ito ang nangangasiwa sa mga bagay na may kinalaman sa ekonomiya, lipunan,
edukasyon, siyensya, at pangkalusugan ng daigdig?
A. Economic and Social Council B. International Court of Justice
C. Secretariat D. Trustees Council

_____2 Ano ang tawag sa isang samahang pandaigdig na pumalit sa Liga ng mga Bansa?
A. League of Nations B. UNESCO
C. UNICEF D. United Nations

_____3. Isa itong malawakang pagpatay na ginawa noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig
lalo na laban sa mga Hudyo?
A. Insectecide B. Genocide
C. Pestecide D. Death March

_____4. Isang uri ng pagpaparusang ipinataw ng mga Hapon sa Pilipinas laban sa mga
sumukong sundalong Pilipino at Amerikano sa Bataan?
A. Insectecide B. Genocide
C.Pestecide D. Death March

1
____5. Lugar sa mga kampo na ginagawa ang mabilisan at maramihang pagpatay ng mga
Hudyo noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
A. Gas Chamber B. Hiroshima C. Nagasaki D. Moscow

_____6. Isang dokumento na naglalaman ng mga karapatan ng isang nilalang.


A. Treaty of Paris B. Versailles
C. Universal Declaration of Human Rights D. Suffrage

_____7. Kailan itinatag ang United Nations?


A. Oktubre 14, 1945 B. Oktubre 24, 1945
C. Oktubre 14, 1946 D. Oktubre 24, 1946

____8. Ang tinutukoy na “Big Three” sa Yalta Conference?


A. US, Britain at Russia C. Korea, Japana at China
B. China, Japan at Manchuria D. Us, Germany at Spain

_____9. Ilang bansa ang nagpulong sa California at Estados Unidos upang balangkasin ang
karta ng Bansang Nagkakaisa o U.N.?
A. 51 B. 48 C. 49 D. 50

_____10. Ang kumperensiyang dinaluhan ng “Big Three” na lumikha ng tensyon ng Allied


Power sa Axis Power?
A. Yalta Conference C. Covenant of the League
B. General Assembly D. SONA

Balikan

Gumawa ng maikling paglalarawan ukol sa mga larawan na inyong makikita sa ibaba


tungkol sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Isulat ang iyong sagot sa kwaderno.

1._____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________

2
2. __________________________

_____________________________

_____________________________

_____________________________

_____________________________

(Halaw sa EASE Module 17 AP III p. 48)

Tuklasin

Gawain 1. Mga Letrang Ito: Ayusin Mo!


Panuto: Ayusin ang mga titik na nasa loob ng bawat kahon upang malaman ang tamang
sagot na tinutukoy sa bawat bilang, isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.

1. Sa pagkatapos ng Ikalawang
AMG AG KANIASGAKA NSABN Pandaidig, nabuo ang samahang ito
upang pangalagaan ang
pandaigdigang kapayapaan.
___________________

2. Malawakang pagpatay na ginawa


CIGDEONE noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig lalo na laban sa mga
Hudyo.
__________________

3. Lugar sa mga kampo na nagsisilbing


SAG MBCEHRA lugar para sa mabilisan at
maramihang pagpatay ng mga Hudyo
noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig
_____________________

3
4. Isang uri ng pagpaparusang ipinataw
ATDHE ARMHC ng mga Hapon sa Pilipinas laban sa
mga sumukong sundalong Pilipino at
Amerikano sa Bataan
_____________________

5. Dito naganap ang paglilitis sa mga


5. RBEMNEURG taong may kinalaman sa maraming
buhay at ari-ariang nawasak noong
Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

______________________

Suriin
Ang Mga Bansang Nagkakaisa (United Nations)

(Halaw sa EASE Module 17 AP III p.46)

 Hindi pa natapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, napag-isip ni Pangulong


Roosevelt ng Estados Unidos na muling magtatag ng isang samahang pandaigdig na
papalit sa Liga ng mga Bansa o may nawawala ba?

 Apat na buwan bago sumalakay ang mga Hapones sa Pearl Harbor, sina Pangulong
Roosevelt at Punong Ministro Winston Churchill ng Inglatera ay bumalangkas nang
deklarasyon ang Atlantic Charter, na siyang saligan ng 26 na bansa sa nilagdaang
deklarasyon ng mga Bansang Nagkkaisa (United Nations). Sa isang komperensiya sa
Moscow noong Oktubre 1943, ang estados Unidos, Gran Britanya at Soviet Union ay
nagkakasdo ng pagpapairal at pagpapanatili ng kapayapaan sa sandaling matalo ang
Axis.

4
Sinundan ito ng Deklarasyon ng Apat na Bansa, kasama ang Tsina, para sa pagtatag ng
isang pangkalahatang samahang pandaigdig upang mapanatili ang kapayapaan at kaligtasan
sa mundo. Limampung bansa ang nagpulong sa California, Estados Unidos, upang
balangkasin ang Karta ng mga Bansang Nagkakaisa o UN. Noong ika-24 ng Oktubre, 1945
ay itinatag ang mga Bansang Nagkakaisa. Muling nagpulong ang mga kinatawan ng mga
bansa sa London noong 1946 at naghalal na unang Sekretaryo-Heneral si Trygve Lie ng
Sweden.
 Ang Mga Bansang Nagkakaisa ay may anim na pangunahing sangay. Ang
Pangkalahatang Asemblea (Assembly) ang sangay na tagapagbatas ng samahang
binubuo ng mga kinatawan ng lahat ng lahat ng mga kasaping bansa, dito isinasagawa
ang mga pangkalahatang pagpupulong.
 Ang Sanguniang Pangkatiwasayan (Security Council) ang sangay tagapagpaganap.
Binubuo ito ng 11 na kagawad at ang lima ay permanenteng miyembro, samantalang
ang anim ay inihalal sa taning na panunungkulan ng dalawang taon
 Ang Kalihim (Secretariat) ay ang pangkat ng mga tauhang pampangasiwaan ng U.N
na nagpapatupad sa mga gawaing pang-araw-araw.
 Ang Pandaigdig na Hukuman ng Katarungan (International Court of Justice) ang
siyang sangay na nagpapasya sa mga kasong may kinalaman sa alitan ng mga bansa.
 Ang Sangguniang Pangkabuhayan at Panlipunan (ECOSOC) ay binubuo ng 54 na
kasaping bansa. Ito ang sangay na namamahala sa mga bagay na pangkabuhayan,
panlipunan, pang-edukasyon, siyentipiko at pangkalusugan ng daigdig,
 Ang sanggunian ng mga katiwala ay nangangasiwa sa mga teritoryong ipinagkatiwala
na kinabibilangan ng mga sumusunod: (1) mga teritoryong pinigil sa ilalim ng batas ng
Samahan ng mga Bansa; (2) mga teritoryong kinuha mula sa kapangyarihang Aksis
(Axis Power) inilagay sa Sistema ng katiwala ng U.N.
 Maraming Hudyo ang ipinapatay ng mga Nazi na kilala sa tawag na Genocide sa
pamamagitan ng Gas Chamber at sa mga kampo ng konsentrasyon kung saan
sapilitang pinagtratrabaho ang mga bihag para sa suplay ng armas pandaigdig.
 Sa Pilipinas ay nakilala ang Death March bilang pagpapahirap ng mga Hapon sa mga
Pilipino at Amerikanong sundalo sa Bataan.
 Matapos ang digmaan ay nagkaroon ng makasaysayang paglilitis sa Nuremberg sa
Alemanya upang mabigyang hustisya ang halos 11 milyong nasawi dulot ng digmaan.
 Noong Enero ng 1946, dalawampu’t anim na bansa ang lumagda sa isang kasunduan
na magtaguyod sa Atlantic Charter. Ito ay naglalaan na makapagtatag ng malawakan
at permanenteng pamamaraan para sa pandaigdigang katiwasayan. Sa isang
pagpupulong sa Moscow noong Oktubre 1943, nagkasundo ang Estados Unidos,
Gran Britanya, at Rusya na kailangang magtatag ng isang pandaigdigang lupon para
mapanatili ang katiwasayan at kapayapaan ng daigdig. Nagtipon-tipon ang mga
kinatawan ng mga pangunahing bansa sa Dumbarton Oaks sa Washington, D.C. para
sa isang mahusay na organisasyon.
 Sa Yalta Conference sa Crimea noog Pebrero 1945, ang tinaguriang “Big Three” na
sina Pangulong Roosevelt, Punong Ministro Churchill, at Premier Stalin ay sumang-
ayon sa planong ginawa sa Dumbarton Oaks na bubuo ng isang Saligang Batas para
sa United Nations.

5
Layunin ng United Nations

https//en.m.wikipedia.org/wiki/flag

Inilahad ng United Nations ang sumusunod na mga hangarin o layunin:


1. Mapanatili ang pandaigdigang kapayapaan at seguridad;
2. Mapaunlad ang relasyong pagkakaisa ng mga bansa batay sa pantay na karapatan at
sariling determinasyon ng mga tao at gumawa ng mga angkop na hakbang upang
palakasin ang kapayapaan;
3. Matamo ang pagkakaisa sa paglutas ng mga suliraning internasyonal gaya ng
pangkabuhayan, sosyal, kultural, at sa pagtataguyod ng paggalang sa karapatan ng
tao at;
4. Maging sentro ng pagkakaisa para matugunan ang mga gawain ng mga bansa sa
pagkamit ng mga layunin.

Mga Tagumpay ng United Nations

Ang United Nations ay nakatulong nang malaki upang pahupain ang kaguluhan sa daigdig.

Ilan sa mga nagawa ng organisasyon ay ang sumusunod:

 Mapayapang kasunduan ng mga pandaigdigang krisis. Ang krisis sa Iran ay


mapayapang naayos ng organisasyon simula noong 1946. Hinikayat ng ahensiya
ang Unyong Sobyet na alisin nito ang kanyang tropa sa Iran at itigil ang
mapaminsalang gawain. Nahinto ang pagtulong ng Albania, Bulgaria, at Yugoslavia
sa mga gerilyang komunista na sumalakay sa Gresya. Nahinto ang krisis sa
Gresya.
 Natigil ang digmaan sa Netherlands at Indonesia noong 1949 at kinilala ang
kalayaan ng Indonesia
 Ang krisis sa Suez noong 1956 ay nalutas nang magpadala ng puwersa ang United
Nations upang pahintuin ang digmaan ng Britanya at Ehipto, Pransiya at Israel.
 Sa tulong ng iba’t ibang ahensiya, inaalagaan ng United Nations ang libo-libong
takas sa digmaan. Maraming taong tumakas sa digmaan ang napadpad sa iba’t
ibang bansa kung saan nabuhay sila sa karalitaan. Sa pamamagitan ng United
Nations, nabigyan ng panibagong buhay ang mga taong ito.

6
 Ang isang karangalan na natamo ng ahensiya ay ang Proklamasyon ng
Pandaigdigang Pahayag ng Karapatang Pantao (Universal Declaration of Human
Rights) noong Disyembre 10, 1948. Ang dokumentong ito ay naglalaman ng mga
karapatan ng isang nilalang. Ang pagtuligsa ng ahensiya sa apartheid na ipinairal
sa Timog Aprika ang patunay sa hangarin na matamo ang pantay-pantay na
karapatan.
 Ang pamamahagi ng kaalamang teknikal at kultural ay isa pang dakilang hakbang
ng organisasyon. Ang pagpapadala ng mga eksperto upang magturo sa mga bansa
sa larangan ng agham, agrikultura, at iba pa ay maluwalhating isinagawa ng
organisasyon.
 Ang kalagayang panlipunan, pangkabuhayan, pangkalusugan, at pangkultura ay
binigyang-pansin ng ahensiya. Nadagdagan ang produksiyon at ang kalagayan ng
mga manggagawa ay napabuti at naiwasan ang paglaganap ng mga nakamamatay
na sakit tulad ng kolera at malaria.
 Patuloy ang pagbibigay-tulong ng ahensiya hanggang sa kasalukuyang panahon.

MGA KABIGUAN NG UNITED NATIONS

 Patuloy ang pagsisikap ng ahensiya na mahanap ang katahimikan sa mundo,


ngunit tumanggap naman ito ng maraming kabiguan sa maraming bagay.
 Ang suliranin sa disarmamento ay lumaki. Ang pagbuo ng bomba at mga sandatang
nukleyar at kemikal ay isang pangamba sa katiwasayan ng daigdig.
 Tumitindi ang suliranin sa terorismo na nakababahala sa daigdig. Ang mga
kasalukuyang kaganapan tulad ng panghaharang at pang-aagaw sa mga
sasakyang panlupa, panghimpapawid, at pandagat; ang pagdukot sa mga pinuno
bilang hostage; at iba pang gawain ay mga suliraning hindi pa nabibigyan ng lunas
 Bigo ang United Nations na hadlagan ang pagkakaroon ng digmaan. May mga
digmaan na patuloy na sumiklab sa iba’t ibang rehiyon ng daigdig lalo na sa Gitnang
Silangan at Asya.

7
Pagyamanin

Gawain A. Ipares mo!


Panuto: Pagtapat-tapatin ang Hanay A sa Hanay B. Isulat lamang ang titik ng wastong
sagot sa inyong kwaderno.

HANAY A HANAY B
1.Economic and Social Council A. Sangay na tagapagbatas ng samahan
2.International Court of Justice B. Pangkat ng mga tauhang
pampangisawaan ng U.N na
nagpapatupad sa mga gawaing pang-
araw-araw
3.General Assembly C. Sangay na tagpagpaganap
4.Secretariat D. Sangay na nagpapasya sa mga
kasong may kinalaman sa alitan ng
mga bansa
5.Secuarity Council E. Sangay na namamahala sa mga
bagay na pangkabuhayan, panlipunan,
edukasyonal, siyentipiko, at
pangkalusugan ng daigdig
6.Trusteesship Council F. Sangay na nangangasiwa sa mga
teritoryong ipinagkatiwala

GAWAIN B
Panuto: Isipin mo na ikaw ang tao na nasa larawan na nakaranas o nasa gitna ng digmaan.
Ano ang iyong natatanaw matapos ang gulo at digmaan? Gumawa ng isang
maikling sanaysay para sa iyong kasagutan sa pamamagitan ng 7-10
pangungusap. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel/kwaderno.

(Halaw sa EASE Module 17 APIII p. 50)

8
Isaisip
Panuto: Sa bahaging ito ay magmumuni-muni at magbahagi ng iyong natutunan mula sa
aralin. Isulat sa kwaderno ang inyong sagot.

Ang natutunan ko

______________________________________________________
________________________________________.
Napagtanto ko na
______________________________________________________
______________________________________________________
__________________________________.
Maisasabuhay ko na
______________________________________________________
______________________________________________________
___________________________________.

Isagawa
SEMANTIC WEB.
Panuto: Kopyahin at buuin ang semantic web sa iyong kwaderno tungkol sa United
Nations. Isulat sa mga kahon na nasa ibaba ang layunin ng United Nations gayundin ang
mabubuting naidulot ng organisasyon.

1.

4. 2.

UNITED NATIONS

3.

9
Tayahin

I. Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap, Piliin ang titik ng tamang sagot at
isulat sa inyong sagutang papel/kwaderno.
_____1. Ito ang nangangasiwa sa mga bagay na may kinalaman sa ekonomiya, lipunan,
edukasyon, siyensya, at pangkalusugan ng daigdig?
A. Economic and Social Council B. International Court of Justice
C. Secretariat D. Trustees Council

_____2 Ano ang tawag sa isang samahang pandaigdig na pumalit sa Liga ng mga Bansa?
A. League of Nations B. UNESCO
C. UNICEF D. United Nations

_____3. Isa itong malawakang pagpatay na ginawa noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig
lalo na laban sa mga Hudyo?
A. Insectecide B. Genocide
C. Pestecide D. Death March

_____4. Isang uri ng pagpaparusang ipinataw ng mga Hapon sa Pilipinas laban sa mga
sumukong sundalong Pilipino at Amerikano sa Bataan?
A. Insectecide B. Genocide
C.Pestecide D. Death March

____5. Lugar sa mga kampo na ginagawa ang mabilisan at maramihang pagpatay ng mga
Hudyo noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
A. Gas Chamber B. Hiroshima C. Nagasaki D. Moscow

_____6. Isang dokumento na naglalaman ng mga karapatan ng isang nilalang.


A. Treaty of Paris B. Versailles
C. Universal Declaration of Human Rights D. Suffrage

_____7. Kailan itinatag ang United Nations?


A. Oktubre 14, 1945 B. Oktubre 24, 1945
C. Oktubre 14, 1946 D. Oktubre 24, 1946

____8. Ang tinutukoy na “Big Three” sa Yalta Conference?


A. US, Britain at Russia C. Korea, Japan at China
B. China, Japan at Manchuria D. US, Germany at Spain

_____9. Ilang bansa ang nagpulong sa California at Estados Unidos upang balangkasin ang
karta ng Bansang Nagkakaisa o U.N.?
A. 51 B. 48 C. 49 D. 50

_____10. Ang kumperensiyang dinaluhan ng “Big Three” na lumikha ng tensyon ng Allied


Power sa Axis Power ?
A. Yalta Conference C. Covenant of the League
B. General Assembly D. SONA

10
Karagdagang Gawain

Panuto: Ipagpalagay na ikaw ay nakatira sa mga lugar na nakaranas ng ganitong pangyayari


sa panahon ng digmaan. Ano ang mararamdaman mo? Gumawa ng isang reflection
journal tungkol dito. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.

https//tl.mwikipedia.org/wiki/ikalawang_Digmaang_Pandaigdig

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang ipinakikita sa larawan?
2. Paano ka makatutulong upang maiwasan ang ganitong pangyayari?

Reflective Journal:

_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
______________________________________________________________.

11
12
BALIKAN:
1. Death March
 Ika-14 ng Disyembre 1941, nagana pang pagpapahirap ng mga Hapon sa mga
Pilipno at Amerikanong sundalo sa Bataan.
2. Pagbomba sa Pearl Harbor
 Noong ika-7 ng Disyembre 1941, biglang sinalakay ng Japan ang Pearl Harbor, isa
sa mga himpilan ng hukbong dagat ng United States sa Hawaii.
SUBUKIN AT TAYAHIN:
1. A 4. D 7. B 10. A
2. B 5. A 8. A
3. B 6. C 9. D
PAGYAMANIN:
Gawain A. Ipares Mo! ISAISIP: Ipatsek sa gurong tagapamatnubay…
1. E 4. B ISAGAWA: Ipatsek sa gurong tagapamatnubay…
2. D 5. C
3. A 6. F KARAGDAGANG GAWAIN: Ipatsek sa gurong
tagapamatnubay
Gawain B: Semantic Web
1. Mapanatili ang pandaigdigang kapayapaan at seguridad.
2. Paunlarin ang pagkakaibigan ng mga bansa, batay sa pantay-pantay na karapatan ng lahat
ng mga tao.
3. Makamit ang pandaigdigang pakikipagtulungan sa paglutas ng mga suliranin ng
sangkatauhan sa kabuhayan, lipunan at pantao.
4. Maging sentro ng pagkakaisa para matugunan ang mga Gawain ng mga bansa sa pagkamit
ng mga layunin.
 Ang United Nations ay nakatulong ng malaki upang pahupain ang kaguluhan sa
daigdig.
TUKLASIN
1. MGA NAGKAKAISANG BANSA 4. DEATH MARCH
2. GENOCIDE 5. NUREMBERG
3. GAS CHAMBER
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
A. Aklat

Celia D. Soriano, et.al., Binagong Edisyon: Kayamanan Kasaysayan ng Daigdig, Batayan at


Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan, Rex Bookstore, Inc.
Teofista L. Vival, et.al, Kasaysayan ng Daigdig, SD Publications, Inc.

B. Teacher’s Guide

Most Essential Learning Competencies (MELC)

C. AP III EASE Module 17

D. Google Images:

https//en.m.wikipedia.org/wiki/flag
https//tl.mwikipedia.org/wiki/ikalawang_Digmaang_Pandaigdig

13
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like