You are on page 1of 30

8

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 4
Kaugnayan ng Rebolusyong
Pangkaisipan sa Rebolusyong
Amerikano at Pranses
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Module
Ikatlong Markahan – Modyul 4: Kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa
Rebolusyong Amerikano at Pranses
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Sheila M. Penza, Maria Vanessa J. Resullar Filipina F. Meehlieb, Lileth


Editor: F. Oliverio
Tagasuri: Lilifreda P. Almazan, Fatima D. Notarte, Leowenmar A. Corvera,
Edwin C. Salazar, Marina B. Sangeunza, Alyn M. Tolero, Jr.,
Marino L. Pamogas, Honorato Mendoza, Joel P. Plaza, John M. Anino,
Edwin G. Capon, Larry G. Morandante, Marnio L. Pamogas

Tagaguhit:
Tagalapat:Aldrin V. Ubas, Paul Andrew A. Tremedal
Tagapamahala:Francis Cesar B. Bringas, Isidro M. Biol, Jr., Maripaz F. Magno Josephine
Chonie M. Obseñares, Karen L. Galanida,
Florence E. Almaden, Carlo P. Tantoy, Noemi D. Lim, Laarni C. Micayas

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon ng Caraga


Office Address: Teacher Development Center
J.P. Rosales Avenue, Butuan City, Philippines 8600

Telefax: (086) 342-8207: (085) 342-5969


E-mail Address: caraga@deped.gov.ph
8

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 4
Kaugnayan ng Rebolusyong
Pangkaisipan sa Rebolusyong
Amerikano at Pranses
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa
kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng


mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro


kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Ang modyul na ito ay sadyang inihanda upang matulungan ka na maunawaan


ang kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan at Pulitikal sa mga dinamikong ideya
tungkol sa Rebolusyong Amerikano at Pranses.

Ang mga paksa na nakapaloob sa modyul na ito ay sistematikong inayos


upang mas madaling maunawaan ang daloy ng iyong pag-aaral.

May mga angkop na gawaing inihanda para sa iyo upang maging


makabuluhan ang iyong pag-aaral. Kailangan mong gawin o sagutan ang lahat ng
mga gawain sa modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot.

Ang modyul na ito ay nakapokus sa pagtatalakay tungkol sa Kaugnayan ng


Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong Amerikano at Pranses na nahahati
sa sumusunod na paksa:

Paksa 1 - Rebolusyong Pangkaisipan


Paksa 2 - Pagpapalaganap ng Ideyang Liberal
Paksa 3 - Impluwensiya ng Pagkamulat ng Pangkaisipan
Paksa 4 - RebolusyongAmerikano: Sanhi at Karanasan
Paksa 5 - Rebolusyong Pranses: Ang Pamumuno ng karaniwang uri

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:

Naipapaliwanag ang kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa


Rebolusyong Amerikano at Pranses. (MELC 4 AP 8 Quarter 3 Week 5-7)

Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang iyong:


1. naihahambing ang Rebolusyong Pranses at Rebolusyong Amerikano;
2. nasusuri ang mga mahahalagang konsepto ng Rebolusyong Pangkaisipan na
may kaugnayan sa Rebolusyong Pranses at Amerikano;
3. naisusulat ang sariling saloobin tungkol sa Rebolusyong Pranses at Amerikano;
at
4. naimumungkahi ang iba’t ibang paraan upang makamit ang mga
pagbabagong pampulitika, panlipunan, at pang-ekonomiya.

1
Subukin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tanong sa bawat bilang at piliin ang letra
ng tamang sagot.
Isulat sa sagutang papel ang inyong mga sagot.

1. Alin sa sumusunod na rebolusyon ang tumutukoy sa mabilisang pagbabago ng


isang institusyon o lipunan?
A. Industriyal
B. Pangkabuhayan
C. Pangkaisipan
D. Siyentipiko

2. Sinong pilosopo ang tahasang tumuligsa sa absolutong monarkiyang naranasan


sa France noong 1700?
A. Baron de Montesquieu C. John Locke
B. Francis Marie Arouet D. Thomas Hobbes

3. Alin sasumusunod na akda ang nagiging daan sa paglaganap ng


Rebolusyong Pangkaisipan sa ibat-ibang bahagi ng daigdig?
A. 28-Volume Encyclopedia C. Encarta Encyclopedia
B. British Encyclopedia D. Meriam Encyclopedia

4. Ano ang tawag sa pamahalaang pinamumunuan ng isang hari?


A. Imperyo C. Monarkiya
B. Diktaturya D. Shogunato

5. Alin sa sumusunod na akda ang humihingi na bigyan ng pagkakataong makapag-


aral ang mga kababaihan upang magkaroon ng pagkakapantay-pantay?
A. Encyclopedia
B. The Social Contract
C. The Spirit of the Laws
D. A Vindication of the Rights of the Woman

6. Anong kulungan ang sumisimbolo sa hindi makatarungang pamamalakad ng


monarkiya sa France?
A. Bastille C. Marseille
B. Burgundy D. Paris

7. Sinong hari ng France ang sobrang maluho at magarbo sa kanyang pamumuno


kahit ang kanyang mga nasasakupan ay naghihirap nang lubusan?
A. Louis XIII C. Louis XV
B. Louis XIV D.Louis XVI

2
8. Anong instrumento ang ginamit sa pagpapatupad ng parusang kamatayan sa
panahon ng kaguluhan sa France?
A. Electric Chair C. Guillotine
B. Gas Chamber D. Lethal Injection

9. Alin sa sumusunod na batas ang ipinatupad ng bansang Britanya na naglalayong


madagdagan ang buwis ng pamahalaan noong 1765?
A. Boston Tea Act C. Republic Act
B. Declaration Act D. Stamp Act

10. Saan ginanap ang Oath of the Tennis Court kung saan inilunsad ang National
Assembly na naglikha ng First Constitution of France?
A. Buckingham Palace C. Palace of Elysee
B. Luxembourg Palace D. Palace of Versailles

11. Ano ang tawag sa pangkat ng tao na naniniwala at nagpapalaganap ng


kaisipang pang-ekonomiya?
A. Aristocrats C. Physiocrats
B. Nobles D. Technocrats

12. Sinong manananggol ang sumulat ng “Declaration of Independence” na


nagpahayag ng kasarinlan ng Amerika?
A. Baron de Montesquieu C. Jean Jacques Rousseau
B. Francois Marie Arouet D. Thomas Jefferson

13. Alin sa sumusunod ang pangunahing tungkulin ng pamahalaan sa usaping pang-


ekonomiko?
A. pagbibigay proteksiyon sa mamamayan
B. paghahati ng kapangyarihan ng pamahalaan
C. panatilihin ang kaayusan ng lipunan at pamahalaan
D. pagpapatayo ng ospital, pagpapagawa ng tulay at kalsada

14. Sinong pilosopo ang sumikat noong panahon ng Rebolusyong Pangkaisipan


dahil sa pagsulat niya ng mga akda na may temang kasaysayan, pilosopiya,
pulitika, at drama gaya ng Candide at Zaire?
A. Francois Marie Arouet C. John Locke
B. Jean Jacques Rousseau D. Thomas Hobbes

15. Anong pangkat ng tao ang kabilang sa pangalawang antas ng lipunan sa


France?
A. clergy C. nobility
B. commoner D. untouchable

3
Balikan

Gawain 1
Panuto: Bigyan ng linaw ang mga sumusunod mula sa isa tanong sa ibaba.
Isulat ang inyong mga sagot sagutang papel.

Ano-ano ang mahalagang kontribusyon ng mga sumusunod na pangyayari sa


Europe?

1. Ang Unang Yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon

2. Rebolusyong Siyentipiko

3. Rebolusyong Industriyal

4. Panahon ng Enlightenment

Tuklasin

Gawain 2: Rebolusyon – Dahilan at Epekto


Panuto: Magbigay ng dahilan at epekto ng pagkalunsad ng rebolusyon.
Isulat ang iyong mga sagot sa sagutang papel.

Ang Rebolusyon ay tumutukoy sa mabilisang pagbabago ng isang institusyon o


lipunan. Nagdudulot ito ng pansamantalang kaguluhan sa mga taong nasanay sa
tahimik at konserbatibong pamumuhay.

Sa Pilipinas, nangyari ang EDSA Revolution noong 1986, ito ang kauna-
unahang mapayapang rebolusyon sa daigdig na may mapayapang demonstrasyon
na nagtagal ng apat na araw mula Pebrero 22 hanggang Pebrero 25 ng taong iyon.

4
Suriin

Mahalagang malaman at maintindihan ng bawat isa na ang kasawian at


tagumpay na naranasan ng bawat lipunan ay may pinag-ugatan. Ang paglaganap ng
Rebolusyong Pangkaisipan ay nagdudulot ng malaking impluwensiya upang mabago
ang hindi mabuting sistemang namayani sa iba’t-ibang lipunan sa Europe, Amerika,
Asya at iba pang bahagi ng daigdig bago matapos ang taong 1700.

Rebolusyong Pangkaisipan
Ang rebolusyon ay tumutukoy sa mabilisang pagbabago ng isang institusyon
o lipunan. Nagdudulot ito ng pansamantalang kaguluhan sa mga taong nasanay sa
tahimik at konserbatibong pamumuhay. Isa sa mga bunga ng pamamaraang maka-
agham ang pagbabagong ginawa nito sa iba’t ibang aspeto ng buhay ng tao. Marami
ang nagmungkahi na gamitin ang pamamaraang ito upang mapaunlad ang buhay ng
tao sa larangang pangkabuhayan, pampulitika, panrelihiyon at maging sa
edukasyon. Tinawag itong Panahon ng Kaliwanagan (Enlightenment).

Ang ideyang ito ay nakasentro sa paggamit ng ‘reason’ o katuwiran sa


pagsagot sa suliraning panlipunan, pampulitikal, at pang-ekonomiya. Ito ay
nagsimula sa batayang pangkaisipang iminungkahi ng mga pilosopo.

Nagkaroon ng mga salon na naging lugar ng talakayan ng mga pilosopo,


manunulat, artists at iba pang katulad nito. Sa Paris nagmula ang salons noong
1600’s, dito nagkakaroon ng pagbasa ng tula ang kababaihan. Sa pagsapit ng
1700’s, ang kababaihang mula sa gitnang-uri ay nagkaroon ng kani-kanilang
pagtitipon. Naging lugar ito ng pagkikita ng mga middle class at noble na may
pagkakaunawaang pantay sila lalo’t higit sa pagtalakay ng mga ideyang liberal.

Kaisipang Pulitikal
Noong ika-18 na siglo, umunlad ang Englightenment o Rebolusyong
Pangkaisipan. Isa sa kinilalang pilosopo sa panahong ito ay si Baron de
Montesquieu dahil sa kanyang tahasang pagtuligsa sa absolutong monarkiyang
nararanasan sa France.

Sa aklat na pinamagatang “Spirit of the Laws” (1748), tinalakay ni Baron de


Montesquieu ang iba’t ibang pamahalaang namayani sa Europe. Ang Parlemento ay
kalipunan ng mga pangkaraniwang tao at mga baron na kasapi ng konseho na
naglalayong maging tagapagsalita ng mga mamamayan.

Higit na kinilala ang kaisipang balance of power ni Montesquieu na tumutukoy


sa paghahati ng kapangyarihan ng pamahalaan sa tatlong sangay (ehekutibo,
lehislatura at hudikatura). Ang paglikha ng ganitong uri ng pamahalaan ay
nagbibigay proteksiyon sa mamamayan laban sa pang-aabuso ng kapangyarihan ng
pamahalaan.

5
Philosophes
Isang pangkat ng mga philosophes ang nakilala sa France. Pinaniniwalaan ng
pangkat na ito na ang reason o katuwiran ay magagamit sa lahat ng aspeto ng
buhay, tulad ni Isaac Newton na ginamit ang katuwiran sa agham.

Limang mahahalagang kaisipan ang bumubuo sa kanilang pilosopiya.

1. Ang katotohanan (truth) ay maaaring malaman gamit ang katwiran. Ang


katwiran ay ang kawalan ng pagkiling at kakikitaan ng pag-unawa sa mga
bagay-bagay.

2. May paggalang sa kalikasan (nature) ng isang bagay. Ang likas o natural ay


mabuti. Naniniwala ang mga philosophes na ang lahat ng bagay ay may likas
na batas (natural law). Tulad ng pisikal na may likas na batas na sinusunod,
gayon din ang ekonomiya at politika.

3. Para sa mga philosophes, ang kaligayahan ay matatagpuan ng mga taong


sumusunod sa batas ng kalikasan. Naniniwala sila na ang maginhawang
buhay ay maranasan sa mundo. Taliwas ito sa paniniwalang Medieval na
kailangang tanggapin ang kahirapan habang nabubuhay upang matamasa
ang kaginhawaan sa kabilang buhay.

4. Ang mga philosophes ang unang Europeong naniwala na maaaring umunlad


kung gagamit ng “makaagham na paraan”.

5. Tulad ng mga British, ninais ng mga philosophes na maranasan ang kalayaan


sa pagpapahayag, pagpili ng relihiyon, pakikipagkalakalan at paglalakbay.
Mangyayari lamang ito kung gagamitin ang reason.

Itinuturing na maimpluwensiyang philosophe si Francois Marie Arouet mas


kilala sa tawag na Voltaire na nakapagsulat ng higit sa 70 aklat na may temang
kasaysayan, pilosopiya, pulitika, at drama. Madalas gumamit ng satiriko si Voltaire
laban sa mga katunggali tulad ng mga pari, aristocrats at ang pamahalaan. Ilang
beses siyang nakulong at ipinatapon sa England ng dalawang taon. Nang makabalik
sa Paris, ipinagpatuloy niya ang pambabatikos sa batas at kaugaliang Pranses at
maging sa relihiyong Kristiyanismo.

Isa pa sa kinilalang pilosopo sa Inglatera ay si John Locke na may parehong


paniniwala gaya ni Hobbes na kinakailangang magkaroon ng kasunduan sa pagitan
ng mga tao at ng kanilang pinuno. Ngunit naiiba siya sa paniniwala na ang tao sa
kanyang natural na kalikasan ay may karapatang mangatwiran, may mataas na
moral at mayroong mga natural na karapatan ukol sa buhay, kalayaan, at pag-aari.
Ayon kay Locke, ang tao ay maaring hindi sumunod sa kanyang kasunduan sa
pinuno kung ang pamahalaan ay hindi kayang pangalagaan at ibigay ang mga
natural na karapatan. Binigyang diin niya na kung ang tao ay gumamit ng
pangangatwiran ay makararating siya sa pagbubuo ng isang pamahalaang
mabisang makikipag-ugnayan at tutulong sa kanya.

6
Noong 1690, inilathala niya ang Two Treatises of Government na naging
popular at nakaimpluwensiya sa kabuuan ng Europe at maging sa kolonya ng
Inglatera, ang Kolonyang Amerika. Ang sanaysay na ito ang naging basihan ng mga
Amerikano na lumaya at ihayag ang kasarinlan mula sa Great Britain. Ang
Deklarasyon ng Kalayaan na sinulat ni Thomas Jefferson ay naging mahalagang
sulatin sa paglaya ng Amerika sa mga Ingles ay halaw sa mga ideya ni Locke ukol
sa kasunduan sa pagitan ng mga tao at ng pamahalaan.

Isa pang philosophes ang tumalakay sa prinsipyo ng pamamahala ay si Jean


Jacques Rousseau. Kinilala siya bilang isang mahusay na manunulat ng mga
sanaysay na tumatalakay sa kahalagahan ng kalayaang pang-indibidwal (individual
freedom). Naniniwala siya na ang pag-unlad ng lipunan o sibilisasyon ang siyang
nagnakaw sa kabutihan ng tao. Ayon sa kanya, likas na mabuti ang tao. Nagiging
masama lamang ang tao dahil sa impluwensiya ng lipunang kaniyang
kinabibilangan. Inihain niya ang paniniwala tungkol sa mabuting pamahalaan sa
kanyang aklat na The Social Contract. Naniniwala siya na magkaroon lamang ng
maayos na pamahalaan kung ito ay nilikha ayon sa ‘pangkalahatang kagustuhan’.

Ang Social Contract ang naging batayan upang malikha ang Saligang Batas
ng France matapos ang rebolusyon. Ipinahiwatig ng prinsipyong ito ang kasunduan
ng mga malayang mamamayan na magbalangkas ng isang lipunan at pamahalaan
na alinsunod sa pangkalahatang kagustuhan o (general will) ng lipunan. Batay sa
kasunduang ito isinusuko ng mga mamamayan ang ilan sa kanilang karapatan para
sa kapakanan ng lahat (common good) habang ang pamahalaan ay may tungkulin
na dapat gampanan sa pamamagitan ng pagtataguyod ng hustisya at kapakanang
pangkalahatan (general welfare).

Mga Pamprosesong Tanong:


Panuto: Basahin at sagutan ang sumusunod na tanong:
Isulat ang mga sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang ipinapahiwatig ng Rebolusyong Pangkaisipan?


2. Ano ang layunin ng Rebolusyong Pangkaisipan?
3. Paano sumibol ang Rebolusyong Pangkaisipan?
4. Paano nakatulong ang Rebolusyong Pangkaisipan sa pagbago
ng balangkas ng pamahalaan?
5. Bakit mahalaga ang partisipasyon ng bawat mamamayan sa
pagbalangkas ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagkakalikha ng
Saligang Batas?

Pagpapalaganap ng Ideyang Liberal


Pinalaganap ni Denis Diderot ang ideya ng mga philosophes sa pamamagitan
ng pagsulat at pagtipon ng 28-volume Encyclopedia. Layunin nitong baguhin ang
paraan ng pag-iisip ng mga tao sa pagbibigay ng mga bagong kaisipan sa usapin ng
pamamahala, pilosopiya, at relihiyon. Binatikos niya ang kaisipang Divine Right at
ilan sa mga tradisyunal na paniniwala ng relihiyong Katolisismo. Bilang tugon,
ipinatigil ng pamahalaan at simbahan ang pagkalat ng Encyclopedia at binantaan
ang mga katolikong bibili at babasa nito. Subalit, nagawang makapag-imprenta ng
mahigit kumulang na 20,000 na kopya ang nasabing aklat.

7
Nagawa ring maisalin ito sa iba’t ibang wika na mas lalong nagpakalat ng mga
ideya ng Enlightenment at nakatulong sa pagsulong ng rebolusyong pangkaisipan
na lumaganap hanggang sa Europa, Amerika, Asya, at Africa.

Mga Kababaihan sa Panahon ng Enlightenment


Ang islogang “kalayaan at pagkakapantay” ay tinitingnan ng mga philosophes
na hindi akma sa mga kababaihan. Naniniwala ang karamihan na limitado lamang
ang karapatan ng kababaihan kung ihahambing sa kalalakihan. Kinuwestiyon nila
ang paniniwalang mas mababa ang uring kababaihan kaysa kalalakihan.

Sina Catherine Macaulay at Mary Wollstonecraft ang nanguna sa laban ng


kababaihan. Sa kaniyang akdang A Vindication of the Rights of the Woman, hiningi
ni Wollstonecraft na bigyang pagkakataon ang kababaihang makapag-aral upang
magkaroon ng pagkakapantay-pantay ang kalalakihan at kababaihan.

Napakahabang panahon bago binigyang-pansin ang ideyang ito. Ngunit


nabago ang pananawnang magprotesta ang ilang kababaihan at naisatinig ang
diskriminasyon sa lipunan.

Kaisipang Pang-ekonomiya
Nagkaroon ng pagbabago sa kaisipang pang-ekonomiya. Kinuwestiyon ang
merkantilismo sa Europa at kinilala ang polisiyang laissez faire. Binibigyang-diin nito
ang malayang daloy ng ekonomiya na hindi dapat pakialaman ng pamahalaan.
Taliwas ito sa nakagisnang merkantilismo na ang pinagbabatayan ng yaman ay ang
dami ng ginto at pilak.

Tinanggap ang ideyang ang lupa ang tanging pinagmumulan ng yaman o


nakatutulong sa pagpapayaman. Physiocrats ang tawag sa mga naniwala at
nagpalaganap ng ganitong kaisipan.

Si Francis Quesnay ay isa sa naniniwala sa doktrina ng malayang ekonomiya.


Naniniwala din si Adam Smith na kailangan ang produksiyon upang kumita ang tao.
Isa siyang ekonomistang British na nagpanukala na ang market o pamilihan ay
maaaring dumaloy nang maayos ng hindi pinakikialaman ng pamahalaan.

Pangunahing tungkulin ng pamahalaan sa usaping pulitikal ay ang


pagbibigay- proteksiyon sa mamamayan at panatilihin ang kaayusan ng lipunan. Sa
ekonomikal na aspeto naman ay ang pagpapatayo ng mga ospital at pagpapagawa
ng mga tulay at kalsada. Madaling magkakaroon ng interaksiyong pang-ekonomiko
sa bawat indibidwal na siyang magpapaangat ng ekonomiya at pamumuhay ng
mamamayan.

8
Impluwensiya ng Pagkamulat ng Pangkaisipan

Nagbigay ang ‘pagkamulat-pangkaisipan’ ng ideya at wika na siyang ginamit


ng mga Pranses at Amerikano sa kanilang rebolusyon. Ang sumusunod ay
impluwensiya ng pagkamulat ng pangkaisipan:

 pagkaroon ng mga tao ng karapatang makapili ng sariling pilosopiya;


 mapanuri ang mga tao sa pagtanggap ng iba’t ibang pananaw;
 naging mapagtanong ang mga tao sa mga kaugalian at tradisyon na matagal
nang sinusunod;
 mapangahas ang ilang tao sa pagtuligsa sa kasalukuyang estruktura
ng lipunan; at
 ninais ng mga tao ang malayang daloy ng ekonomiya sa pamamagitan ng
hindi pakikialam ng pamahalaan sa mga gawain o kalakaran ng pamilya.

Mga Pamprosesong Tanong:

Panuto: Basahin at sagutan ang sumusunod na tanong.


Isulat ang mga sagot sa sagutang papel.

1. Paano lumaganap ang ideyang liberal noong ika-18 na siglo?


2. Paano iminulat ng ideyang liberal ang kamalayan ng kababaihan sa
pagsulong ng kanilang karapatan?
3. Gaano kahalaga ang pagbibigay ng pantay na karapatan sa
kababaihan sa pag-unlad ng bansa?

Ang Rebolusyong Amerikano: Sanhi at Karanasan


Lumaganap ang ideyang liberal sa Amerika na matagumpay sa pagmulat ng
kamalayan ng mga Amerikano. Natuto sila na makialam sa usapin na may
kinalaman sa mga isyu na kinakaharap ng kanilang lipunan. Kagaya ng Salon sa
France, karaniwan na sa mga Amerikano ang pagtitipon kung saan ginaganap ang
pagtalakay sa mga mahahalagang isyu ng lipunan. Nagsimula silang tuligsain ang
mga polisiya o patakaran na ipinatupad ng pamahalaan na humantong sa madugong
rebolusyon. Ilan sa mga sanhi ng rebolusyong ito ay ang sumusunod:

1. Quartering Act of 1765


Ang Quartering Act ay ipinatupad ng Parlyamento ng Great Britain noong
1765 sa kolonya ng America. Ang patakarang ito ay naglalayon sa lokal na
pamahalaan ng kolonya na magbigay ng pabahay at pagkain sa mga sundalong
British. Ito ay mahigpit na tinutulan ng mga kolonista lalo na sa New York. Hindi nila
tinustusan ang pangangailangan ng mga sundalo sa pabahay na nagresulta sa
pagsuspende ng Parlyamento sa Gobernador ng New York. Kalaunan, napilitang
sundin ng mga kolonista ang patakarang ito.

9
2. Stamp Act of 1765
Ang Stamp Act na ipinasa ng Parlyamento noong 1765 ay nagdagdag ng
buwis para sa mga iniluluwas na kalakal ng Amerika patungong Britanya. Ipinatupad
ito ng pamahalaan ng Great Britain sa pamamagitan ng paglalagay ng mga selyo sa
mga produktong dadalhin sa Britanya mula sa mga kolonya. Mahigpit na tinutulan ito
ng mga Amerikano sa kadahilanang labis ang pahirap na dala nito sa kanila. Sa
kabilang banda, isinisigaw nila ang hindi pagbabayad ng buwis kung hindi nila
matamo ang inaasahang partisipasyon sa pamahalaang kolonyal ng Great Britain.
Naging paboritong islogan ang “walang pagbubuwis kung walang representasyon.”
Umabot ng ilang taon ang kanilang pakikibaka subalit hindi sila pinakinggan ng
gobyerno.

3. Townshend Act of 1767


Ang Townshend Act ay ipinangalan mula kay Charles Townshend na siyang
nagpasa ng patakaran sa Parlyamento ng Great Britain. Ito ay ipinatupad noong
1767 na nagbubuwis sa mga produktong ibebenta sa kolonya tulad ng baso, tingga,
pintura, papel, at tsaa. Layunin ng patakaran na itaas ang regular na buwis sa
kolonya upang suportahan ang mga gobernador na kolonyal, huwes at iba pang
opisyal na magtatanggol sa kolonya. Subalit, ito ay nagresulta sa pag-boycott ng
mga taga- kolonya sa mga produktong British.

4. Tea Act of 1773


Ang Tea Act ay ipinatupad noong 1773 ng British Parliament sa kolonya ng
America. Ang Pangunahing layunin nito ay hindi upang makalikom ng kita mula sa
mga kolonya ngunit upang tulungan ang British East India Company na maibenta
ang napakaraming produktong tsaa nito na nakatago lamang sa bodega sa London.
Isa pang dahilan ay upang matigil ang pagbebenta sa kolonya ng mga ipinuslit na
mga tsaa mula sa Netherlands. Ibinigay ng gobyernong British sa kompanya ang
karapatan ng pagmomonopolyo sa pag-aangkat at pagbebenta ng tsaa sa mga
kolonya. Ngunit ito ay tinutulan ng mga taga-kolonya na humantong sa tinawag na
Boston Tea Party noong Disyembre 16, 1773.

Ang Boston Tea party ay naganap sa Boston, Massachusetts. Isang pangkat


ng mga kolonista ang nagsuot ng kasuotan ng mga katutubong Amerikano at
nakapasok sa isang pangkalakal na barko. Kanilang itinapon ang 342 kahon ng tsaa
mula sa nakadaong na mga barkong British. Bilang ganti at parusa, ipinasa ng
British Parliament ang Intolerable Acts noong 1174. Ito ay batas na nagsara sa
daungan ng Boston hanggang hindi nababayaran ang mga itinapong tsaa.

1
Ang Unang Kongresong Kontinental
Ang mga kolonyang bumubuo sa 13 kolonya ng Great Britain sa Amerika ay
dagling sumaklolo sa naging kinahinatnan ng insidente sa Massachusetts. Nabuo
ang Unang Kongresong Kontinental na dinaluhan ng mga kinatawan ng bawat
kolonya maliban sa Georgia. Ang pagsasama-sama ng mga kolonya ay isang
pagpapakilala ng kanilang paglaban sa mga batas at polisiyang ipinatutupad ng mga
Ingles sa kanila.

Noong ika-5 ng Setyembre 1774, dinaluhan ng 56 kinatawan ng mga kolonya.


Si Patrick Henry ay isa sa mga kinatawan ng kolonya nangunguna sa pagbibigay-
diin na walang makitang pagkakaiba ang isang taga-Virginia, Pennsylvania, New
York, at New England. Dapat tandaan na sila’y magkaisa at sama-samang itaguyod
para sa kapakanan ng kabuuang kolonya. Pinagkaisahan nila na itigil ang
pakikipagkalakalan sa Britanya at ito’y nagsimula pagkatapos ng Setyembre 1775.

Marami sa mga kolonya ang determinadong bumuo at gumamit ng mga


radikal na pamamaraan upang labanan ang puwersa ng Great Britain. Sa bawat
kolonya ay bumuo ng magiging kabilang sa boluntaryong army at handang
makipaglaban sa pamamagitan ng digmaan.

Ang Ikalawang Kongresong Kontinental


Noong Mayo 1775, muling nagpulong sa ikalawang pagkakataon ang
Kongresong Kontinental. Idineklara ang pamahalaan na tinawag na “United Colonies
of America” (Pinagbuklod na mga kolonya ng Amerika). Ang hukbo ng mga militar ay
tinawag na “Continental Army” at ang naatasan na commander-in-chief ay si George
Washington. Sinubukan ng hukbong militar na makuha ang Boston ngunit natalo sila
sa Digmaan sa Bunker Hill.

Nakakaranas ng sunod-sunod na pagkatalo ang mga Amerikano sa labanan


ngunit hindi sila sumuko hanggang sa tuluyang napaalis nila ang mga sundalong
British na patuloy na nakukubkob sa Boston noong Marso 1776.

Ang Deklarasyon ng Kalayaan


Nagpadala ng malaking tropa ang Great Britain sa Atlantiko upang puksain at
pahinain ang puwerang Amerikano. Upang matugunan ang ganitong pangyayari ay
minarapat ng Kongresong Kontinental na aprubahan ang Deklarasyon ng Kalayaan
ng Estados Unidos noong Hulyo 4, 1776. Ang dokumento ng deklarasyon ng
kalayaan ay isinulat ng isang abogado, si Thomas Jefferson. Binigyang-diin ng
dokumento na ang dating mga kolonya ay hindi na kasalukuyang teritoryo ng Great
Britain. Kaya kinikilala bilang malayang nasyon ang Estados Unidos ng Amerika.

Paglusob mula sa Canada


Simula noong 1777, pinasimulan ng mga British ang pag-atake sa Amerika
mula sa Canada, nguni’t sa bawat pagtatangka nila ay napipigil ng mga hukbong
Amerikano. Ang Continental Army ay lumaki at umaabot na sa halos 20,000
sundalo.

1
Noong Oktubre 1777, nanalo sa Labanan sa Saratoga ang mga Amerikano at
naging dahilan sa pagwawakas ng mga pag-atake ng mga British mula sa Canada.
Mula sa pamumuno ni Heneral John Burgoyne ang pagsuko ng hukbong British
laban sa hukbong pinamumunuan ni Heneral Horacio Bates.

Pagtulong ng mga Pranses sa Labanan


Ang bansang France ay tradisyonal na kalaban ng British at ang mga French
ay naging lihim na taga-suporta ng mga rebeldeng Amerikano mula pa ng labanan.
Noong 1778, ay pinasimulan nang bigyan ng pagkilala ng pamahalaang France ang
United States of America bilang isang malayang bansa. Nagpadala ang mga French
ng mga bapor pandigma upang tulungan ang mga Amerikano sa pakikipaglaban sa
mga British.

Noong Disyembre 1778, nakuha ng mga British ang daungan ng Savannah at


nakontrol ang buong Georgia. Nahirapan ang mga Amerikano na muling makuha
ang Savannah kahit may tulong mula sa France. Kinubkob ng mga British ang
Continental Army sa daungan ng Charleston at pinuwersang sumuko sa
pamahalaan ng Great Britain.

Paghahangad ng Kapayapaan
Ang pagkapanalo ng mga Amerikano sa digmaan ay malaking pagkamangha
sa mga British sa mundo. Ang Great Britain ay itinuturing isang malakas na
kapangyarihan na may mahuhusay na mga sundalo subalit tinalo ng mga
Amerikanong sundalo na hindi nagkaroon ng mga pagsasanay sa pakikipaglaban.

Noong 1783, sa Paris ay pormal na tinanggap ng Britanya ang kalayaan ng


kanilang dating kolonya, ang Amerika. Samantala ang mga nasa Amerika na
nagnanais pa ring pamahalaan ng hari ng Inglatera ay lumipat sa Canada na
nanatiling kolonya ng Great Britain.

Ang Digmaan para sa Kalayaan ng Amerika ay nagbago sa mukha ng


kasaysayan ng mundo ang naging dahilan ng pagbuo ng isang bagong nasyon na
umunlad at naging isang makapangyarihang bansa sa hinaharap. Ang mga ideyang
iniwan ng digmaan para sa kalayaan ay naging simbolo at inspirasyon sa maraming
mga kolonya na nais lumaya sa kanilang mga mananakop at lalo na sa mga
rebolusyonaryong Pranses.

Ang mga rebolusyonaryong Pranses ang naglunsad ng pagpapabagsak sa


rehimen ng absolutong monarkiya sa Pransiya noong 1789 at nagbuo ng isang
republika.

Mga Pamprosesong Tanong:


Panuto: Basahin at sagutan ang sumusunod na tanong.
Isulat ang mga sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang sanhi ng Rebolusyong Amerika?

2. Bakit isinulong ng mga Amerikano ang pagkakaroon ng partisipasyon o


kinatawan sa British Parliament?

1
3. Paano nakaapekto ang pagpataw ng mataas na buwis sa pagsibol ng
Rebolusyong Amerika?
4. Gaano kahalaga ang sistema ng pagbubuwis sa pagpapatakbo ng
isang bansa?
5. Sa iyong palagay, makatwiran ba na magbayad ng buwis ang bawat
mamamayan sa pamahalaan? Patunayan.

Rebolusyong Pranses: Ang Pamumuno ng Karaniwang Uri


Taong 1789 ang France ay pinaghaharian ni Haring Louis XVI, isang
monarkong Bourbon na ang pamumuno ay absoluto. Ang absolutong hari ay
itinuturing na makapangyarihan pinuno ng isang nasyon sapagkat ang kanilang
ginagamit na basehan sa kanilang pamumuno ay ang divine rights of king. Ang
divine rights ay ang paniniwala na ang kapangyarihan ng isang hari ay may basbas
galing sa kanilang Diyos upang pamunuan ang bansa.

Ang lipunang Pranses ay nahahati sa tatlong pangkat na tinatawag na


estates. Ang unang estate ay binubuo ng mga obispo, pari at ilan pang may
katungkulan sa Simbahan. Ang ikalawang estate ay binubuo ng mga maharlikang
Pranses. Samantalang ang ikatlong estate ay binubuo ng mga magsasaka, may-ari
ng mga tindahan, mga utusan, guro, abogado, doktor, at mga manggagawa.

Noong 1780 kinailangan ng pamahalaang Pranses ng malaking halaga ng


pera para itaguyod ang pangangailangan ng lipunan. Ang bumuo ng una at
ikalawang estate sa ilalim ng kautusan ng hari ay hindi ibinibilang sa mga
nagbubuwis at ang ikatlong estate lamang ang nagbabayad. Idagdag pa rito ang
magarbo at maluhong pamumuhay ng hari at ng kanyang pamilya kaya patuloy ang
paghihirap ng mga bumubuo sa ikatlong estate. Ang maraming digmaan na sinalihan
ng Pransiya kabilang dito ang digmaan para sa kalayaan ng mga Amerikano ay
umubos ng pera para gamitin sa pangangailangan ng mga pangkaraniwang
Pranses.

Iba Pang Mga Salik sa Pagsiklab ng Rebolusyong Pranses

 Kawalan ng katarungan ng rehimen;


 Oposisyon ng mga intelektuwal sa namamayaning kalagayan;
 Walang hangganang kapangyarihan ng hari;
 Personal na kahinaan nina Haring Louis XV at Haring Louis XVI bilang
mga pinuno; at
 Krisis sa pananalapi na kinaharap ng pamahalaan.

Mga Mahahalagang Pangyayari sa Likod Ng Rebolusyong Pranses

Panahon Pangyayari
- Pagtawag sa mga Estado Heneral
May 5, 1789
Ang layunin nito ay upang makakuha ng pondo hindi upang
makapagbigay ng magandang pagbabago.
- Tennis Court Oath
June 17, 1789

1
Ang Tennis Court ay isang lugar sa palasyo ng Versailles na
pinagdausan ng pagpupulong ng mga miyembro ng
pangatlong estate dahil isinara ng mga kawal ng hari ang
silid pulungan at dito sumusumpa silang hindi maghihiwa-
hiwalay hangga’t hindi sila nakabubuo ng Saligang Batas
para sa Pransiya.
- Ang pagbagsak ng Bastille
July 14, 1789
Ang Bastille ay isang lumang moog na ginawang
bilangguang pampulitika at sa ganoon ay naging simbolo ng
mga kahigpitan ng Lumang Panahon (Old Regime). Nagapi
ng mga lumusob ang mga tagapagtanggol ng moog kaya
napalaya ang mga bilanggo. Ang pagbagsak ng Bastille ay
palatandaan na ang mga tao ay naghahangad ng
pagbabago sa pamumuno at pagtatatag ng isang Republika.

- Deklarasyon ng mga Karapatang Pantao at Mamamayan


August 27, 1789
Binibigyang-diin ang lipunang Pranses ay kinakailangang
nababatay sa mga ideya ng kalayaan, pagkakapantay-
pantay, at kapatiran.

- March on Versailles
October 5, 1789
Nagmartsa ang mga kababaihan sa Paris upang iprotesta
ang kakapusan at mahal na presyo ng tinapay.

- Civil Constitution of the Clergy


July 12, 1790
Inilathala upang bigyang pahintulot ang pamahalaan ng
Pransiya na makontrol ang simbahan. At dahil sa masidhing
pangangailangan ng pera sinimulang ibinta ng gobyerno ang
ilang lupang pag-aari ng simbahan.

- Ang Pagtatangka ng Pamilya ng hari na lisanin ang palasyo


June 20, 1791
Tinangka ni Haring Louis XVI kasama ang kanyang asawa
na si Reyna Marie Antoinette at ang kanilang pamilya na
lisanin ang Pransiya ngunit nabigo dahil nahuli sila sa
Verannes at ibinalik sa Paris.

- Pagpatay kay Haring Louis XVI


January 21, 1793
Matapos ang paglilitis ang hari ay nahatulan ng kamatayan
sa pamamagitan ng guillotine. Tinatawag ang pangyayaring
ito bilang September Massacres.

September 1793- - Ang Reign of Terror


July 1794 Libo-libong tao na kaaway ng republika ang nahatulan ng
kamatayan sa pamamagitan ng guillotine sa ilalim ng
pamumuno ni Maximilien Robespierre, isang masidhing
republikano.

1
July 27, 1794 - Ang pagpatay kay Maximilien Robespierre
Pinatay si Maximilien Robespierre sa pamamagitan ng
guillotine at kasabay ng kanyang kamatayan ang pagbagsak
ng Jacobins at pamamayagpag ng Girondins.

Pagyamanin

Gawain 3: Ilarawan Mo!


Panuto: Ilarawan ang pagkakatulad at pagkakaiba ng Rebolusyong Amerikano at
Rebolusyong Pranses sa pamamagitan ng Venn Diagram.
Gawin ang Venn Diagram sa sagutang papel at doon din isulat ang
inyong mga sagot.

Rebolusyong Rebolusyong
Amerikano Pranses

Gawain 4: Hanap-Hanay!
Panuto: Pagtambalin ang mga ideya sa Hanay A at Hanay B.
Isulat ang mga sagot ninyo sa sagutang papel.

Hanay A Hanay B
1. Commander-in-Chief na A. Charles Townshend
naatasang mamuno sa hukbong
sandatahan ng mga Amerikano.

2. Pilosopong tumuligsa sa B. Voltaire


absolutong monarkiyang
naranasan sa France noong 1700.

3. Hari ng France ang sobrang C. Adam Smith


maluho at magarbo sa kanyang
pamumuno kahit ang kanyang
mga nasasakupan ay naghihirap
ng lubusan.

1
4. Ang sumulat ng Declaration of D. George Washington
Independence.

5. Isang pilosopo na madalas E. John Locke


gumamit ng satirikong laban sa
mga katunggali.

6. Ang may akda sa A Vindication of F. Baron de Montesquieu


Rights of the Woman.

7. May paniniwala na kailangan ang G. Mary Wallstonecraft


produksiyon upang kumite ang tao.

8. Isang mahusay na manunulat ng H. Thomas Jefferson


mga sanaysay na tumatalakay sa
kahalagahan ng kalayaang pang-
indibiduwal o individual freedom.

9. Ang nagpasa ng patakaran na I. Jean Jacques Rousseau


nagbubuwis sa mga produktong
ibebenta sa kolonya.

10. Inilathala niya ang Two Treatises J. Louis XVI


of Government.

K. Catherine Macaulay

Isaisip

Gawain 5: 3-2-1 Tsart


Panuto: Punan ng kaukulang impormasyong ang tsart ayon sa iyong naintindihan.
Gawing ang talahanayan sa sagutang papel.

Ito ang tatlong (3) bagay 


na aking nalaman 

Ito ang dalawang (2) 


kamangha-manghang 
ideya para sa akin

Ito ang isang (1) tanong 


na nais kong masagot

1
Isagawa
Gawain 6: Sulat-Tula!
Panuto: Sumulat ng isang tula na nagpapahayag ng iyong saloobin tungkol sa mga
pangyayari sa likod ng Rebolusyong Pranses.
Ang pagmamarka sa iyong tula ay nagagabay sa rubrik sa ibaba.
Gawin ang tula sa sagutang papel.

Rubric sa Pagmamarka ng Tula


Pamantayan Mahusay Katamtaman ang Nangangailangan Nakuhang
(5 puntos) Husay pa ng Dagdag na Puntos
(4 puntos) Pagsasanay
(3 puntos)
Napakaangkop at Angkop at wasto Kakaunti ang angkop
wasto ang mga ang salitang ang salitang ginamit
Pagkabuo salitang ginamit sa ginamit sa sa pagkabuo
pagkabuo. pagkabuo
Buong husay ang Mahusay ang Di gaanong mahusay
Nilalaman pagpapahayag ng pagpapahayag ng ang pagpapahayag
mensahe mensahe ng mensahe

Kabuuang Puntos

Tayahin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tanong sa bawat bilang at piliin ang letra
ng tamang sagot.
Isulat sa sagutang papel ang mga sagot niyo.

1. Ano ang tawag sa pangkat ng tao na naniniwala at nagpapalaganap ng


kaisipang pang-ekonomiya?
A. Aristocrats C. Physiocrats
B. Nobles D. Technocrats

2. Sinong manananggol ang sumulat ng “Declaration of Independence” na


nagpahayag ng kasarinlan ng Amerika?
A. Baron de Montesquieu C. Jean Jacques Rousseau
B. Francois Marie Arouet D. Thomas Jefferson

1
3. Alin sa sumusunod ang pangunahing tungkulin ng pamahalaan sa usaping
pang-ekonomiko?
A. pagbibigay proteksiyon sa mamamayan
B. paghahati ng kapangyarihan ng pamahalaan
C. panatilihin ang kaayusan ng lipunan at pamahalaan
D. pagpapatayo ng ospital, pagpapagawa ng tulay at kalsada

4. Sinong pilosopo ang sumikat noong panahon ng Rebolusyong Pangkaisipan dahil


sa pagsulat niya ng mga akda na may temang kasaysayan, pilosopiya, pulitikaat
drama gaya ng Candide at Zaire?
A. Francois Marie Arouet C. John Locke
B. Jean Jacques Rousseau D. Thomas Hobbes

5. Anong pangkat ng tao ang kabilang sa pangalawang antas ng lipunan sa


France?
A. clergy C. nobility
B. commoner D. untouchable
6. Alin sa sumusunod na rebolusyon ang tumutukoy sa mabilisang pagbabago ng
isang institusyon o lipunan?
A. Industriyal
B. Pangkabuhayan
C. Pangkaisipan
D. Siyentipiko

7. Sinong pilosopo ang tahasang tumuligsa sa absolutong monarkiyang naranasan


sa France noong 1700?
A. Baron de Montesquieu C. John Locke
B. Francis Marie Arouet D. Thomas Hobbes

8. Alin sasumusunod na akda ang nagiging daan sa paglaganap ng


Rebolusyong Pangkaisipan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig?
A. 28-Volume Encyclopedia C. Encarta Encyclopedia
B. British Encyclopedia D. Meriam Encyclopedia

9. Ano ang tawag sa pamahalaang pinamumunuan ng isang hari?


A. Imperyo C. Monarkiya
B. Diktaturya D. Shogunato

10. Alin sa sumusunod na akda ang humihingi na bigyan ng pagkakataong


makapag-aral ang mga kababaihan upang magkaroon ng pagkakapantay-pantay?
A. Encyclopedia
B. The Social Contract
C. The Spirit of the Laws
D. A Vindication of the Rights of the Woman

1
11. Anong kulungan ang sumisimbolo sa hindi makatarungang pamamalakad ng
monarkiya sa France?
A. Bastille C. Marseille
B. Burgundy D. Paris

12. Sinong hari ng France ang sobrang maluho at magarbo sa kanyang pamumuno
kahit ang kanyang mga nasasakupan ay naghihirap nang lubusan?
A. Louis XIII C. Louis XV
B. Louis XIV D. Louis XVI

13. Anonginstrumento ang ginamit sa pagpapatupad ng parusang kamatayan sa


panahon ng kaguluhan sa France?
A. Electric Chair C. Guillotine
B. Gas Chamber D. Lethal Injection

14. Alin sa sumusunod na batas ang ipinatupad ng bansang Britanya na naglalayong


madagdagan ang buwis ng pamahalaan noong 1765?
A. Boston Tea Act C. Republic Act
B. Declaration Act D. Stamp Act

15. Saan ginanap ang Tennis Court Oath kung saan inilunsad ang National
Assembly na naglikha ng First Constitution of France?
A. Buckingham Palace C. Palace of Elysee
B. Luxembourg Palace D. Palace of Versailles

Karagdagang Gawain

Gawain 7: Paraan-Kahalagahan!
Panuto: Magtalag ng limang paraan at ipaliwanag ang kahalagahan ng bawat isa
upang maiwasan ang mga digmaan dala ng pagnanais na makamit ang
mga pagbabagong pampulitika, panlipunan, at pang-ekonomiya.
Gawin at punan ang talahanayan sa sagutang papel.

Paraan Kahalagahan
1.
2.
3.
4.
5.

1
Susi sa Pagwawasto

2
2
2
2
2
Sanggunian
Blando, Rosemarie C., Michael M. Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C. Espiritu,
Edna L. De Jesus, Asher H. Pasco, Rowel S. Padernal, Yorina C. Manalo, Kalenna
Lorene S. Asis. 2014. Kasaysayan ng Daigdig: Araling Panlipunan 8 – Modyul ng
mag- aaral. Pasig City, Philippines: Vibal Group Inc. and Department of Education-
Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS).
Mateo, Grace Estela C., Rosita D. Tadena, Mary Dorothy dl. Jose, Celinia E.
Balonso, Celestina P. Boncan, John N. Ponsaran and Jerome A. Ong. 2012.
Kasaysayan ng Daigdig : Batayang aklat sa Araling Panlipunan Ikatlong Taon.
Queszon City, Philippines: Vibal Publishing House, Inc.
History.com editors. 2019. “Tea Act.” July 8, 2020.
http://www.history.com/amp/topics/american-revolution/tea-act.

2
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifac
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: *

You might also like