You are on page 1of 26

8

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan - Modyul 2
Unang Yugto ng Imperyalismong
Kanluranin
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 2: Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat/Tagaguhit/Tagalapat/Editor:
Sheryl C. Angeles, Ann Lorraine L. Vicente
Esmeralda R. Tenorio
Esmeralda R. Tenorio
Mary Grace C. Bernardo

Tagasuri ng Nilalaman: Rainelda M. Blanco


Tagasuri ng Wika: Rushjet R. Peñaranda
Tagasuri ng Paglapat: Karen P. Lagos
Tagapamahala: Gregorio C. Quinto, Jr.
Rainelda M. Blanco
Agnes R. Bernardo
Virgilio L. Laggui
Glenda S. Constantino
Joannarie C. Garcia

Inilimbag sa Pilipinas ng ___________________________

Department of Education – Schools Division of Bulacan


Office Address: Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph
8

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan - Modyul 2
Unang Yugto ng Imperyalismong
Kanluranin
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay inihanda para sa ating mag-aaral sa


kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa
kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng


mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-
aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan
niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit
sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at
pagsusulit. Inaasahan naman na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit
nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung


sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM
na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa


kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Sa modyul na ito ay pag-aaralan mo ang mahahalagang kaalaman tungkol


sa ginawang paglalayag at pananakop ng mga bansang Kanluranin sa Unang
Yugto ng Imperyalismo. Gayundin ay mauunawaan mo ang mga motibo at salik
sa eksplorasyon at mga naging epekto ng unang yugto ng kolonisasyon.

Ang modyul na ito ay nahahati sa mga sumusunod na paksang talakayan:

Talakayan 1 - Mga Motibo at Salik sa Eksplorasyon


Talakayan 2 - Ang Portugal at Spain sa Panahon ng Paggagalugad
Talakayan 3 - Ang Paglalakbay ni Ferdinand Magellan
Talakayan 4 - Ang mga Dutch
Talakayan 5 - Kahalagahan ng mga Paglalayag at Pagtuklas ng mga
Lupain
Talakayan 6 - Epekto ng Unang Yugto ng Kolonisasyon

Pagkatapos na mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

a. Nasusuri ang mga motibo at salik sa eksplorasyon


b. Nailalahad ang naging paglalakbay at pagtuklas ng mga Portuges,
Espanyol at Dutch sa unang yugto ng imperyalismong Kanluranin; at
c. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng paglalayag at pagtuklas ng mga
lupain at mga naging epekto ng kolonisasyon.

1
Subukin
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng wastong sagot at
isulat mo ito sa iyong sagutang papel.

1. Anong siglo nagsimula ang dakilang panahon ng eksplorasyon o paghahanap ng


mga lugar na hindi pa nararating ng mga Europeo?
A. ika-15 na siglo C. ika-14 na siglo
B. ika-16 na siglo D. ika-17 na siglo

2. Paano nakatulong ang librong “The Travels of Marco Polo” sa paghahangad ng


mga Europeo na maglakbay patungong Asia partikular sa bansang China?
A. Nailahad nito ang mga pinagdaanang digmaan ng China
B. Naipabatid nito sa mga Europeo ang yaman at kaunlarang taglay ng China
C. Naipabatid nito na ang China ay malaya sa mga barbarong tribo
D. Nailahad nito ang pagiimbita ng emperador ng China sa mga Europeo

3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga itinuturing na motibo para
sa kolonyalismong dulot ng eksplorasyon?
A. Paghahanap ng kayamanan C. Paghahanap ng katanyagan
B. Pagpapalaganap ng Kristiyanismo D. Pagpapalit ng bagong pinuno

4. Anong bansang Europeo ang kauna-unahang nagkaroon ng interes sa


panggagalugad sa karagatan ng Atlantic?
A. Spain C. Portugal
B. Netherlands D. France

5. Saang bansa nagmula si Prinsipe Henry The Navigator na siyang nag-anyaya sa


mga mandaragat na magturo ng tamang paraan ng paglalayag?
A. England C. Netherlands
B. Portugal D. Spain

6. Alin sa mga sumusunod ang mga bansang naging bagong imperyo sa Europe
noong ika-17 na siglo?
A. Great Britain, France, Netherlands C. France, Netherlands, Portugal
B. Great Britain, France, Spain D. France, Italy, Netherlands

7. Anong kalakal mula sa Asia ang ginamit ng mga Europeo bilang pampalasa at
upang mapreserba ang mga karne gayundin bilang gamot?
A. astrolabe C. pulbura
B. spices D. seda

8. Sinong manlalakbay ang nakarating sa Cape of Good Hope at nagpatunay na


maaaring makarating sa Silangang Asya sa pamamagitan ng pag-ikot sa Africa?
A. Vasco da Gama C. Bartholomeu Dias
B. Ferdinand Magellan D. Christopher Columbus

2
9. Anong bansa ang naging katunggali ng Portugal sa pagtuklas ng mga bagong
lupain noong unang yugto ng imperyalismong Kanluranin?
A. Spain C. France
B. Great Britain D. Netherlands

10. Sino ang manlalakbay ang ginawaran ng titulong Admiral of the Ocean Sea ng
bansang Spain dahil sa kanyang pagkatuklas sa Bagong Mundo o kalupaan ng
Amerika?
A. Ferdinand Magellan C. Vasco da Gama
B. Amerigo Vespucci D. Christopher Columbus

11. Anong kasunduan noong 1494 ang nagtakda sa sa line of demarcation na


paghahati ng Portugal at Spain sa mga bahagi ng mundo na hindi pa nararating
ng mga taga-Europe?
A. Kasunduan sa Tordesillas C. Kasunduan sa Paris
B. Kasunduan sa Versailles D. Kasunduan sa Britanya

12. Sino ang Pope na naglabas ng papal bull na naghati sa mga lupaing maaaring
tuklasin ng Portugal at Spain?
A. Pope Gregory VII C. Pope Leo X
B. Pope Alexander VI D. Pope Urban II

13. Anong ekspedisyon ang unang circumnavigation o pag-ikot sa mundo?


A. Ekspedisyon ni Magellan C. Ekspedisyon ni Villalobos
B. Ekspedisyon ni Columbus D. Ekspedisyon ni Legazpi

14. Alin sa mga sumusunod ang WASTO ang pahayag?


A. Napalitan ng mga Portuguese ang mga Dutch bilang pangunahing bansang
kolonyal sa Asya noong pagpasok ng ika-17 siglo.
B. Pinangunahan ng manlalayag na si Henry Hudson mula Spain ang
paglalakbay sa North America
C. Sa pagpasok ng ika-17 na siglo ay namayagpag ang mga Dutch ng
Netherlands bilang pangunahing bansang kolonyal sa Asya kapalit
ng Portugal
D. Nagkasundo ang mga Dutch at Portuguese sa paghahati sa mga lupaing
kanilang natuklasan.

15. Alin sa mga sumusunod ang HINDI mabuting epekto ng Unang Yugto ng
Kolonisasyon?
A. Sumigla ang paglaganap ng sibilisasyong kanluranin sa silangan.
B. Nakapukaw ito ng interes sa mga makabagong pamamaraan at teknolohiya
sa heograpiya at paglalayag.
C. Napalakas nito ang ugnayang silangan at kanluran
D. Nagdulot ito ng pagsasamantala sa likas na yaman, pagkawala ng
kasarinlan at paninikil.

3
Aralin Unang Yugto

2 ng
Imperyalismong Kanluranin

Ang dakilang panahon ng eksplorasyon o paghahanap ng mga lugar na hindi


pa nararating ng mga Europeo ang naging daan upang ang mga karagatan ay maging
daan sa pagpapalawak ng imperyalismo o ang panghihimasok, pag-impluwensiya o
pagkontrol ng isang makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa. Ang
imperyalismong Kanluranin ay nagkaroon ng matinding epekto sa naging takbo ng
kasaysayan ng Daigdig. Sa modyul na ito, pinagtutuunan mo ang mga motibo at
salik sa eksplorasyon gayundin ang paglalakbay at pagtuklas ng mga bansang
Kanluranin. Susuriin din ang kahalagahan ng paglalayag at pagtuklas ng mga
lupain at mga naging epekto ng kolonisasyon. Simulan mo na.

Balikan

Sa nakaraang aralin, tinalakay ang mga ambag ng panahon ng Renaissance.


Malinaw na ang yugtong ito ay naging mahalaga sa kasaysayan dahil ito ang naging
hudyat ng pagbabago sa lipunang Medieval. Pinawi nito ang dating mga kaugalian
at institusyon na nangibabaw sa Europe sa loob ng mahabang panahon at lumitaw
ang mga bagong ideya at pagpapalagay na hanggang ngayon ay taglay natin sa ating
buhay.
Sagutin mo ang tanong batay sa iyong natutuhan sa nakaraang aralin.
Ipaliwanag ang sagot ng hindi hihigit sa tatlong pangungusap.

Anong katangian ang


ipinamalas ng mga
taong nakilala at
__________________________
nakapag-ambag ng
__________________________
kanilang obra at ideya
__________________________
sa panahon ng
______________
Renaissance?

4
Mga Tala para sa Guro
Kailangang gumamit ng mga pamprosesong tanong upang
maiugnay ang natapos na aralin tungo sa bagong aralin.
Ituro ang konsepto ng araling ito sa pamamagitan ng mga
malikhaing pamamaraan na makikita sa mga gawain sa
modyul na ito.

Tuklasin
Inaasahang handa ka na sa iyong bagong aralin. Sa pagkakataong ito ay
suriin mo ang larawan sa ibaba at sagutin ang mga katanungan.

Ipagpalagay na ikaw ay naanyayahang maglayag sakay ng isang galyon. Ano


ang mga bagay na iyong dadalhin para sa iyong mahabang panahon ng paglalakbay?
Isulat sa loob ng kahon ang iyong sagot.

Bakit ito ang mga bagay na iyong napiling dalhin sa iyong paglalakbay sakay
ng galyon?

_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

5
Sa iyong palagay, naging madali ba para sa mga sinaunang manlalayag ang
lakbayin ang mga karagatan? Ipaliwanag ang iyong sagot ng hindi hihigit sa tatlong
pangungusap.

_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

Suriin

Halina at iyong suriin ang ginawang paglalayag at pananakop ng mga


Kanluranin sa Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin.

Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin


Ang ika-15 hanggang ika-17 siglo ang unang yugto ng imperyalismong
Kanluranin. Ang pagpapaligsahan ng mga makapangyarihang Kanluraning bansa ay
nagbunga ng pagkakatuklas at tuluyang kolonisasyon ng maraming bansa lalo na
sa kalupaan ng Amerika, Aprika at Asya. Namayagpag ang imperyalismong
Kanluranin sa mga mahinang bansa. Maaaring ito ay tuwiran o di-tuwirang
pananakop.

Mga Motibo at Salik sa Eksplorasyon


Ang dakilang panahon ng eksplorasyon o paghahanap ng mga lugar na hindi
pa nararating ng mga Kanluranin o Europeo ay nagbunga ng kolonyalismo. Tatlong
bagay ang nakahimok sa mga bansang Kanluranin at naging motibo upang maglayag
at tumuklas ng mga bagong lupain: (1) paghahanap ng kayamanan; (2)
pagpapalaganap ng Kristiyanismo; at (3) paghahangad ng katanyagan at karangalan.
Ang masigasig na pagtuklas ng mga Europeo ng mga bagong lupain ay
naisakatuparan dahil sa mga sumusunod na salik: pagiging mapang-usisa na dulot
ng Renaissance, pagsuporta ng mga monarkiya sa mga manlalakbay at
pagkakatuklas at pagpapaunlad sa mga instrumentong pangnabigasyon at
sasakyang pandagat.
Napukaw ang pansin ng mga Europeo sa mga tala ng mga manlalakbay tulad
nina Marco Polo sa kanyang aklat na “The Travels of Marco Polo” na naglarawan ng
yaman at kaunlaran ng China gayundin ang paglalakbay sa Asya at Africa ni Ibn
Battuta.
Ang suportang inilaan ng mga hari sa mga paglalayag ng mga Europeo ay
nakatulong sa interes ng mga manlalayag. Halimbawa, si Prinsipe Henry ng Portugal
na nagpamalas ng interes sa paglalakbay kaya sinuportahan niya ang mga
manlalakbay ng Portugal.
Ang mga instrumentong pangnabigasyon tulad ng compass at astrolabe at
sasakyang pandagat na caravel ay nakatulong upang maisakatuparan ang
paglalakbay sa malawak at hindi kabisadong karagatan.

6
Ang Paghahanap ng Spices
Hinangad ng mga Europeo ang mga produkto mula Asya tulad ng mga spices
o pampalasa. Ang spices ay ginamit sa pagpreserba ng pagkain lalo na ang karne at
ginamit din sa medisina. Ninais ng mga Kanluranin partikular ang mga Portuges
na makatuklas ng mga bagong ruta ng kalakalan sa dagat upang makibahagi sa
kalakalan ng spices at makaiwas sa mga lupaing kontrolado ng mga Muslim.

Mga Bansang Kanluraning Nanguna sa Eksplorasyon

Ang mapa ng ruta ng iba’t ibang eksplorasyon ng mga Europeo mula sa ika-15 siglo

Nanguna ang Portugal at Spain sa eksplorasyon sa malalawak na karagatan


noong ika -15 siglo. Sinundan sila ng iba pang mga bansang Europeo tulad ng
Netherlands, England at France.

Portugal, Pangunahing Bansa sa Paglalakbay


Ang karagatan ng Atlantic ay unang ginalugad ng Portugal upang makahanap
ng mga spices at ginto. Nakapaglayag ang mga Portuges hanggang sa kanlurang
bahagi ng Africa upang hanapin ang rutang katubigan patungong Asya.

Ang anak ni Haring Juan ng Portugal na si Prinsipe Henry, ang naging


pangunahing tagapagtaguyod ng mga paglalayag kung kaya’t siya ay kinilala bilang
“The Navigator”. Hinikayat niya ang mga Portuges na maglakbay upang makatuklas
ng bagong teritoryo at kayamanan.

Narating ng mga Portuges ang Africa at nalibot ni Bartholomeu Diaz ang Cape
of Good Hope noong Agosto 1488. Pinatunayan ng kanyang paglalakbay na
mararating ang Silangang Asya sa pamamagitan ng pag-ikot sa Africa.

7
.
Taong 1497 ng pamunuan ni Vasco
da Gama ang ekspedisyon hanggang
Calicut,India. Ang kaniyang ekspedisyon
ang nakatuklas ng unang rutang
pangkaragatan mula sa kanlurang Europe
hanggang India. Ang paglalakbay ni da
Gama ang nagbigay-daan sa mga Portuges
upang matuklasan ang yaman ng Silangan
at maunlad na kalakalan.

Ang ruta ng paglalakbay ni Vasco da Gama

Paglahok ng Spain sa Paglalakbay


Pinangunahan nina Haring Ferdinand V ng Aragon at Reyna Isabella I ng
Castille ang pagpapadala ng ekspedisyon sa Silangan na unang pinamunuan ng
Italyanong manlalayag na si Christopher Columbus noong 1492. Ang paglalayag ni
Columbus ang naging hudyat ng pakikilahok ng Spain sa eksplorasyon at
paglalakbay. Inilunsad ni Columbus ang kanyang ekspedisyon sa ilalim ng watawat
ng Spain patungong India na dumaan pakanluran ng Atlantic.
Sa kabila ng mga paghihirap na dinanas ng kanyang ekspedisyon ay narating
ni Columbus ang isla ng Bahamas sa Caribbean na inakala niyang India. Narating
din niya ang Hispaniola (kasalukuyang Haiti at Dominican Republic) at Cuba. Ang
mga lupaing ito na narating ni Columbus ay kalaunang tinawag bilang New World.
Hindi man nagtagumpay sa paghanap ng bagong ruta pasilangan ay
ipinagdiwang ng Spain ang resulta ng ekspedisyon ni Columbus at siya ay ginawaran
ng titulong Admiral of the Ocean Sea, Viceroy at Gobernador ng mga islang kanyang
natagpuan.
Noong 1507, ang Italyanong nabigador na si Amerigo Vespucci ang
nagpaliwanag na hindi Asya ang narating ni Columbus kundi ang Bagong Mundo o
New World. Apat na beses siyang naglakbay sa kalupaang ito na nang lumaon ay
pinangalanang America alinsunod sa pangalan ni Amerigo.

Ang ruta ng paglalakbay ni Christopher Columbus


8
Paghahati ng Mundo
Upang maiwasan ang tunggalian sa interes ng Portugal at Spain ay dumulog
ang dalawang bansa kay Pope Alexander VI. Naglabas ang papa ng papal bull na
naghahati sa lupaing maaaring tuklasin ng Portugal at Spain. Sa pamamagitan ng
Treaty of Tordesillas noong 1494, hinati ang Daigdig sa Portugal at Spain. Ang hatian
ay batay sa line of demarcation, isang hindi nakikitang linya mula sa gitna ng
Atlantic tungo sa Hilagang Pola hanggang sa Timog Pola. May karapatan ang Spain
sa mga katubigan at kalupaan sa Kanlurang bahagi ng Daigdig samantalang ang
Silangang bahagi ng Daigdig ay sa Portugal. Ang kasunduang ito ay nagpapatunay
lamang na ang eksplorasyon at pagtuklas sa mga bahagi ng mundo na hindi pa
nararating ng Europe ay pinaghatian ng Portugal at Spain.

Ang paghahati sa mga lupaing maaaring tuklasin ng Portugal at Spain


Ang Paglalakbay ni Ferdinand Magellan
Nagsimula ang ekspedisyon ni Ferdinand Magellan noong taong 1518. Si
Magellan ay isang manlalakbay na Portuges na naglayag para sa bansang Spain na
kung saan ito ang nag pondo ng kaniyang paglalayag.
Mula kanluran patungong silangan ang naging ruta ng kaniyang ekspedisyon.
Kanilang natagpuan ang silangang baybayin ng South America o mas kilala ngayon
bilang bansang Brazil. Kanila ring nilakbay ang Strait of Magellan na noo'y isang
makitid na daanan ng tubig. Sila ay naglayag sa malawak na karagatang Pasipiko at
dito nila narating ang Pilipinas.
Sa kasagsagan ng kanilang paglalakbay ay may mga suliranin silang
kinaharap. Nariyan ang pag-aalsa ng mga miyembro gayon din ang tag-gutom.
Ngunit hindi roon natapos ang kanilang ekspedisyon. Kanilang nalagpasan ang mga
problema at nakatagpo ng mga pampalasa at malaking kayamanang ginto. Ang
grupo ni Magellan ay naging matagumpay din sa kumbersiyon ng Katolisismo ng
mga katutubo.
Isa sa naging kontribusyon ng ekspedisyon ni Magellan ay ang pagpapatunay
na ang mundo ay bilog. Ito ay kaniyang napatunayan nang nakabalik sa Spain ang
isa sa limang barko na kanilang ginamit sa paglalakbay, ang barkong Victoria. Ang
barkong Victoria ay matagumpay na nakabalik sa kabila nang pagkasawi ni
Magellan sa mga kamay ni Lapu-Lapu na pinuno ng Mactan.

9
Tinatayang ang ekspedisyon ni Magellan ang unang circumnavigation or pag-
ikot sa mundo. Naitama nito ang paniniwala ng mga Europeo na ang mundo ay
patag. Dahil dito, naitala ang ilang parte ng kalupaan sa Silangan at mas lalong
nakilala ang mga yaman nito.

Ang ruta ng paglalakbay ni Magellan patungong Silangan

Ang mga Dutch


Napalitan ng mga Dutch ang mga Portuges noong ika-17 siglo bilang
pangunahing bansang kolonyal sa bansa. Ang Moluccas ay kanilang inagaw mula
sa Portugal at nagtatag ng bagong sistemang plantasyon na kung saan pinataniman
ng mga halaman ang mga lupain. Ang naging bunga nito ay sapilitang paggawa na
siyang naging patakaran din ng mga Espanyol sa Pilipinas.
Ang mga Dutch ay nagkaroon ng kolonya sa North America. Ito ay
pinangunahan ni Henry Hudson, isang English na manlalayag na naglakbay para
sa mga mangangalakal na Dutch. Noong 1906, kaniyang napasok ang New York Bay
at pinangalanan itong New Netherland. Isang trade outpost o himpilang
pangkalakalan naman ang itinatag sa rehiyon noong 1624 na pinangalanang New
Amsterdam at ngayon ay kilala bilang New York City.
Naitatag ang Dutch East India Company o Vereenigde Oostindische
Compagnie (VOC) noong 1602 na nagpakita nang matagal na paghawak ng
kapangyarihan ng mga Dutch sa Asya kung ito ay ihahambing sa pananakop ng
America.
Ang mga Dutch ay nagtatag ng pamayanan sa Africa sa pamamagitan ng mga
magsasaka na nanirahan sa Cape of Good Hope o mas kilala bilang mga Boers.
Ngunit humina ang kapangyarihang pangkomersiyo ng mga Dutch noong ika-17
siglo at ito ay pinalitan ng England bilang pinakamalakas na imperyong
pangkatubigan ng Europe.

10
Kahalagahan ng mga Paglalayag at Pagtuklas ng mga Lupain

Noong ika-15 at ika-16 na siglo ay nagbunga ng pagbabago ng mga ruta sa


kalakalan ang pagtuklas at paglalayag. Ang bansang Italy ay nawala sa dati nitong
kinalalagyan sa kalakalan na kaniyang pinamunuan sa Medieval Period. Ang mga
pantalan sa baybay-dagat ng Atlantic mula sa Spain, Portugal, France, Flanders,
Netherlands at England ang naging sentro ng kalakalan.
Higit na dumagsa ang mga kalakal at spices na nagmula sa Asia dahil sa
pagkakatuklas ng mga lupain. Kape, ginto, at pilak sa North America; asukal at
molasses sa South America; at indigo sa Kanlurang Indies. Ang naturang mga
produkto ang nagpalawak sa paglaganap ng mga salaping ginto at pilak na mula sa
Mexico, Peru, at Chile.
Dahil dito, umusbong ang pagtatatag ng mga bangko. Kinakailangan ng mga
mangangalakal nang paglalagyan ng salaping barya. Dito naipakilala sa mga
mangangalakal ang salaping papel na kanilang ginamit. Nagbigay daan ang salaping
ito para upang maitatag ang sistema na kung saan ang isang tao ay mamumuhunan
ng kanyang salapi upang magkaroon ng tubo o interes. Ang sistemang ito ay
tinatawag na kapitalismo.
Sa panahon ng Medieval, ang pag-iipon ng salapi ay hindi pa lingid sa
kaalaman ng mga tao. Sila ay lubos nang nasisiyahan kapag ang kanilang kita ay
sapat na para sa kanilang pangangailangan. Subalit sa pag-unlad ng kalakalan, ang
kanilang naipong salapi ay dumami. Ginamit nila ito bilang puhunan upang lumago
ang kanilang salapi.

Epekto ng Unang Yugto ng Kolonyalismo

Hindi maikakailang maraming naging pagbabago ang naging dulot ng


panahon ng eksplorasyon at kolonisasyon sa daigdig. Ang mga sumusunod
ay ilan sa mga naging epekto ng unang yugto ng kolonisasyon. (1) Ang mga
paglalayag ng Portugal at Spain ay nagbunga ng pagkatuklas ng mga lupaing
hindi pa nagagalugad ng kahit na sino. Naging bunga nito ang pagkakaroon
ng malakas na ugnayan sa pagitan ng silangan at kanluran; (2) Mas
nagkaroon ang mga manlalayag ng malaking interes sa larangan ng
heograpiya at eksplorasyon gawa ng makabagong pamamaraan sa
teknolohiya; (3) Nang dahil sa kolonisasyon, ang sibilisasyong Kanluranin ay
nagkaroon nang matinding paglaganap sa Silangan; (4) Nagbunga ng iba't
ibang suliranin ang kolonisasyon sa mga bansang nasakop. Ilan sa mga ito
ang pananamantala sa mga likas na yaman at hilaw na mga sangkap, pag-
alis ng kasarinlan, at pisikal at emosyonal na pang-aabuso; at (5) mga
pagbabagong dulot sa ecological system ng daigdig, nagresulta ito ng
pagpapalitan ng halaman, hayop, at mga sakit.

11
Pagyamanin

Pang-isahang Gawain 1
Panuto: Humanap ng limang (5) salita sa loob ng Wordhunt Box na maiuugnay sa
motibo at salik ng Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin. Isulat mo sa loob
ng kahon ang sagot.
K A Y A M A N A N K
1. _______________________
S P O Y F U O G A A
P A G T U K L A S T
2. ________________________
E M A S W R L L E A
R R E L I H I Y O N
T T A R T Y T N D Y 3 _________________________

Y A S S G H V G A A
U L C H Y D B M L G 4. ________________________

I P A L A W O K N A
5. ________________________
K A R A N G A L A N

Pang-isahang Pagsusulit 1
A. Panuto: Ayusin ang mga ginulong letra upang matukoy ang hinihingi ng bawat
pahayag. Isulat mo sa patlang ang sagot.

________________1. ARBTHOOLMUE ZDAI Narating niya Cape of Good Hope


noong 1488.
________________2. PEPRINIS ENHRY Kinilala siya bilang “The Navigator”
________________3. COVAS AD MAGA Narating niya ang Calicut, India
noong 1497.
________________4. CHIRSOTPHRE LOMCOBUS Narating niya ang New World noong
1492
________________5. NANDFERDI LLANGEAM Narating niya ang Pilipinas noong
1521
B. Panuto. Pag-ugnayin mo ang kolum A sa kolum B. Isulat ang titik sa patlang.
A B
____1. New World A. Portugal
____2. Unang bansang gumalugad ng mga bagong lupain B. Spain
____3. Dito matatagpuan ang Cape of Good Hope C. Netherlands
____4. Nagtatag ng sistemang plantasyon sa Moluccas D. America
____5. Naglunsad ng ekspedisyon ni Magellan E. Africa
F. Asia

12
Pang-isahang Gawain 2
Panuto: . Tukuyin ang konseptong inilalarawan sa pamamagitan ng pagpupuno
ng wastong letra sa loob ng mga kahon. Isulat mo ang iyong sagot sa sagutang
papel.
P T L I 1. Ito ay isang sistema na kung saan ang
isang tao ay mamumuhunan ng
kaniyang salapi upang magkaroon ng
tubo o interes.

O R 2. Tawag sa mga magsasakang nanirahan


sa Cape of Good Hope.
R I N D 3. Isang manlalayag na Portuges na
A E L A nagpatunay na ang mundo ay hindi
patag.

4. Pangalan ng barko na nakabalik sa


V T R Spain.

E R 5. Ingles na manlalayag na naglakbay para


sa mga mangangalakal na Dutch.
H S

A A S 6. Pangalan ng isla na narating ni


Christopher Columbus.
7. Tawag sa produkto na ginagamit bilang
S C pampalasa at pampreserba ng pagkain.
M I A 8. Pangalan ng lugar na isinunod sa
pangalan ni Amerigo Vespucci.
C P S 9. Isa sa mga instrumentong
pangnabigasyon na ginamit ng mga
Europeong manlalayag.
10. Kilala sa tawag na "The Navigator"
P N I P
N R

Pang-isahang Pagsusulit 2
Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag sa ibaba. Isulat mo ang salitang
WASTO kung ang salita o lupon ng salitang may salungguhit ay nagpapakita ng
wastong kaalaman sa kabuoan ng pahayag at isulat ang DI-WASTO kung hindi
nagpapakita ng wastong kaalaman. Isulat mo ang iyong sagot sa sagutang papel.
_________1. Pinalitan ng mga Amerikano ang mga Portuguese bilang
pangunahing bansang kolonyal sa Asya.
_________2. Ang ekspedisyon ni Magellan ang tinaguriang unang
circumnavigation o pag-ikot sa mundo.
_________3. Sa panahong Medieval, hindi pa lingid sa kaalaman ng mga
tao ang pag-iipon ng salapi.

13
_________4. Isa sa naging epekto ng unang yugto ng kolonisasyon ang
makabagong pamamaraan ng teknolohiya.
_________5. Napasok ni Henry Hudson ang New York Bay at pinangalanan
itong New York City.
_________6. Taong 1529 nang magsimula ang ekspedisyon ni Ferdinand
Magellan.
_________7. Nilakbay ni Ferdinand Magellan ang isang makitid na daanan
ng tubig na ngayon ay kilala sa tawag na Strait of Ferdinand.
_________8. Sa limang barko na ginamit ng grupo ni Magellan, ang barkong
Victoria ang matagumpay na nakabalik sa Spain
_________9. Inagaw ng mga Dutch ang Cuba mula sa Portugal at nagtatag
ng bagong sistemang plantasyon.
_________10. Sa pananakop ng mga Dutch naitatag ang Dutch West India
Company o Vereenigde Oostindische Compagnie.

Pang-isahang Gawain 3
Panuto: Isulat mo sa patlang ang wastong salitang kukumpleto sa buong pahayag.
1. Ang pagpapaligsahan ng mga makapangyarihang Kanluraning bansa ay
nagbunga ng pagkakatuklas at tuluyang kolonisasyon ng maraming bansa lalo
na sa kalupaan ng America, Africa at ______________.
(Asia, Australia, Antarctica)
2. Ang dakilang panahon ng eksplorasyon o paghahanap ng mga lugar na hindi pa
nararating ng mga Kanluranin o Europeo ay nagbunga ng ______________.
(nasyonalismo, kolonyalismo, lokalisasyon)
3. Napukaw ang pansin ng mga Europeo sa mga tala ng mga manlalakbay tulad ni
Marco Polo sa kanyang aklat na pinamagatang ______________.
(Road to Asia, The Travels of Marco Polo, The Adventures of Marco)
4. Ninais ng mga Kanluranin partikular ang mga Portuges na makatuklas ng mga
bagong ruta ng kalakalan sa dagat upang makibahagi sa kalakalan ng spices at
makaiwas sa mga lupaing kontrolado ng mga ______________.
(Katoliko, Protestante, Muslim)
5. Ang eksplorasyon sa malalawak na karagatan noong ika -15 siglo ay
pinangunahan ng mga bansang Portugal at ______________.
(Amerika, Spain, England)
6. Ang anak ni Haring Juan ng Portugal na si Prinsipe Henry, ang naging
pangunahing tagapagtaguyod ng mga paglalayag kung kaya’t siya ay kinilala
bilang ______________.
(The Navigator, Admiral of the Ocean Sea, Viceroy)
7. Isa sa naging kontribusyon ng ekspedisyon ni Magellan ay ang pagpapatunay na
ang mundo ay bilog. Ito ay napatunayan nang nakabalik sa Spain ang isa sa
limang barko na kanilang ginamit sa paglalakbay, ang barkong ______________.
(Santiago, Victoria, Concepcion)
8. Isang himpilang pangkalakalan ang itinatag sa North America noong 1624 na
pinangalanang New Amsterdam at ngayon ay kilala bilang ______________.
(New York City, New World, New Hampshire)

14
9. Ang mga Dutch ay nagtatag ng pamayanan ng mga magsasaka sa Cape of Good
Hope na matatagpuan sa kontinente ng ______________.
(Asia, Europe, Africa)
10. Upang maiwasan ang pagtutunggalian ay naglabas si Pope Alexander VI ng
papal bull na naghahati sa lupaing maaaring tuklasin ng Portugal at Spain sa
pamamagitan ng ______________.
(Treaty of Paris, Treaty of Versailles, Treaty of Tordesillas)

Pang-isahang Pagsusulit 3
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot na nasa loob ng kahon. Isulat mo ang iyong
sagot sa sagutang papel.

A. Bartholomeu Diaz F. Moluccas


B. Atlantic G. Spices
C. Christopher Columbus H. Kapitalismo
D. Pope Alexander VI I. Prinsipe Henry
E. Vasco Da Gama J. Ferdinand Magellan

1. Ito ay ang mga produktong ginamit ng mga Europeo bilang pampalasa at


pampreserba ng mga pagkain.
2. Siya ang nakapagpatunay na ang mundo ay bilog.
3. Tawag sa karagatan na unang ginalugad ng Portugal sa paghahanap ng mga
spices at ginto.
4. Ito ay isang sistema kung saan ang mga tao ay namumuhan ng kaniyang salapi
upang magkaroon ng tubo o interes.
5. Siya ang manlalayag na nakarating sa mga lugar na binansagang New World.
6. Siya ang anak ni Haring Juan na nanghikayat sa mga Portuges na maglakbay
upang makatuklas ng bagong teritoryo at kayamanan.
7. Tawag sa lugar na inagaw ng mga Dutch mula sa Portugal.
8. Siya ang manlalayag ang nakalibot sa Cape of Good Hope noong Agosto 1488.
9. Siya ang gumawa ng kasunduan sa pagitan ng Portugal at Spain na tinawag na
Kasunduan sa Tordesillas.
10. Ang kanyang paglalakbay ang nagbigay-daan sa mga Portuges upang
matuklasan ang yaman ng Silangan.

15
Isaisip

Gamit ang Graphic Organizer, ilahad mo ang positibo at negatibong epekto


ng Kolonyalismo ng hindi hihigit sa tatlong pangungusap. Isulat mo ang iyong sagot
sa sagutang papel.

P ___________________________________
O
S ___________________________________
I ___________________________________
T
I ___________________________________
B
O
_____

K o l o n y a l i s m o

N
___________________________________
E
G ___________________________________
A
T ___________________________________
I ___________________________________
B
O ___________________________________

Isagawa

Pagkatapos mong mabasa ang aralin ay sagutin mo ang katanungan sa ibaba.


Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Kung ikaw ay nabubuhay sa panahon ng eksplorasyon at binigyan


ka ng pagkakataong manakop, gagawin mo ba ito? Pangatwiranan mo ang
iyong sagot ng hindi hihigit sa tatlong pangungusap.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

16
Tayahin

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Ano ang tawag sa mga magsasaka na nanirahan sa Cape of Good Hope?
A. Boers C. Scribes
B. Bourgeoisie D. Nobles
2. Siya ang pangunahing tagapagtaguyod ng mga paglalayag at kinilala bilang
"The Navigator."
A. Prinsipe Henry C. Vasco Da Gama
B. Ferdinand Magellan D. Bartolomeu Diaz
3. Sinong manlalakbay na nakatuklas ng unang rutang pangkaragatan mula sa
Kanlurang Europe hanggang India?
A. Bartolomeu Diaz C. Christopher Columbus
B. Amerigo Vespucci D. Vasco Da Gama
4. Anong mga bansa ang nanguna sa eksplorasyon sa malalawak na karagatan
noong ika-15 siglo?
A. France at Netherlands C. Spain at Portugal
B. England at Spain D. Portugal at France
5. Anong isla ang narating ni Columbus na inakala niyang bansang India?
A. Molucas C. Atlantic
B. Cuba D. Bahamas
6. Sino ang hari at reyna na nanguna sa pagpapadala ng ekspedisyon sa Silangan
na pinamunuan ni Christopher Columbus?
A. Philip IV at Joan I C. Edward IV at Elizabeth
B. Ferdinand V at Isabela I D. Richard III at Anne
7. Sinong manlalayag ang ginawaran ng titulong Admiral of the Ocean Sea, Viceroy
at Gobernador ng mga islang kaniyang natagpuan?
A. Henry Hudson C. Christopher Columbus
B. Vasco Da Gama D. Bartolomeu Diaz
8. Anong pangalan ang isinunod sa kalupaang narating ni Amerigo Vespucci?
A. America C. Australia
B. Atlantic D. Africa
9. Anong mga bansa ang naghati sa parte ng mundo base sa Kasunduan sa
Tordesillas?
A. Portugal at Spain C. Spain at France
B. Portugal at Spain D. France at America
10. Anong barko ang matagumpay na nakabalik sa Spain sa kabila nang pagkasawi
ni Ferdinand Magellan?
A. Trinidad C. Concepcion
B. Victoria D. Santiago
11. Sino ang manlalayag na Portuges na nagpakilala na ang mundo ay bilog at
nagpabago sa dating paniniwala na ito ay patag?
A. Christopher Columbus C. Vasco Da Gama
B. Henry Hudson D. Ferdinand Magellan

17
12. Sino ang Ingles na manlalayag na naglakbay para sa mga Dutch?
A. Bartolomeu Diaz C. Henry Hudson
B. Ferdinand Magellan D. Amerigo Vespucci
13. Ano ang naging bunga ng pagtatag ng mga Dutch ng sistemang plantasyon sa
Molucas?
A. Pagkamatay ng mga hayop C. Paglaganap ng sakit
B. Sapilitang paggawa ng mga tao D. Pag-abuso sa mga likas na yaman
14. Gumamit ang mga manlalayag ng mga instrumentong pangnabigasyon upang
maisakatuparan ang kanilang paglalakbay MALIBAN sa:
A. Astrolabe C. Compass
B. Hourglass D. Caravel
15. Ang mga sumusunod ay mga salik na nakaapekto sa eksplorasyon ng mga
Europeo MALIBAN sa?
A. Pagsuporta ng mga monarkiya sa mga manlalakbay.
B. Pagkakaroon ng pagbabago sa ecosystem ng daigdig
C. Pagkakatuklas at pagpapaunlad sa mga instrumentong pangnabigasyon at
sasakyang pandagat.
D. Pagiging mapang-usisa na dulot ng Renaissance.

Karagdagang Gawain

Gamit ang mga natutuhang kaalaman sa aralin, lumikha ng isang poster


patungkol sa Epekto ng Unang Yugto ng Imperyalismo at Kolonyalismo. Gawin mong
gabay ang rubrik sa ibaba sa paggawa ng iyong poster.

18
RUBRIKS SA PAGGAWA NG POSTER
Nakagawa
Nakagawa
Nakagawa ng may
ng higit sa
Kasanayan ng maayos kaunting
inaasahan
(3 puntos) pagkukulang
(5 puntos)
(1 puntos)
Maliwanag at angkop ang mensahe
sa paglalarawan ng konsepto
Orihinal ang ideya sa paggawa ng
poster

Malinis at maayos ang kabuuang


presentasyon
Gumamit ng tamang kombinasyon
ng kulay upang maipahayag ang
nilalaman, konsepto, at mensahe

19
20
TUKLASIN
SUBUKIN
MAAARING MAGKAKAIBA ANG
1. A 6 .A 11.A
SAGOT
2. B 7 .B 12.B
3. D 8. C 13.A
4. C 9. A 14.C
5. B 10. D 15.D
PAGYAMANIN
PANG-ISAHANG GAWAIN 1 PANG-ISAHANG GAWAIN 2 PANG-ISAHANG GAWAIN 3
1. KAYAMANAN 1. KAPITALISMO 1. ASIA
2. PAGTUKLAS 2. BOERS 2. KOLONYALISMO
3. KATANYAGAN 3. FERDINAND MAGELLAN 3. THE TRAVELS
4. KARANGALAN 4. VICTORIA OF MARCO POLO
5. RELIHIYON 5. HENRY HUDSON 4. MUSLIM
6. BAHAMAS 5. SPAIN
PANG-ISAHANG 7. SPICES 6. THE NAVIGATOR
PAGTATAYA 1 8. AMERICA 7. VICTORIA
9. COMPASS 8. NEW YORK CITY
A. 10. PRINSIPE HENRY 9. AFRICA
1. BARTHOLOMEU DIAZ 10. TREATY OF
2. PRINSIPE HENRY PANG-ISAHANG PAGTATAYA 2 TORDESIILAS
3. VASCO DA GAMA
4.CHRISTOPHER 1. DI-WASTO PANG-ISAHANG
COLUMBUS 2. WASTO PAGTATAYA 3
5.FERDINAND 3. WASTO 1. G 6. I
MAGELLAN 4. WASTO 2. J 7. F
5. DI- WASTO 3. B 8. A
B. 1. D 6. DI- WASTO
4. H 9. D
2. A 7. DI- WASTO
8. WASTO 5. C 10. E
3. E
4. C 9. DI- WASTO
5. B 10. DI- WASTO
ISAISIP
MAAARING MAGKAKAIBA ANG SAGOT TAYAHIN
1. A 6. B 11. D
ISAGAWA 2. A 7. C 12. C
MAAARING MAGKAKAIBA ANG SAGOT 3. D 8. A 13. B
4. C 9. A 14. B
KARAGDAGANG GAWAIN
5. D 10. B 15. B
MAAARING MAGKAKAIBA ANG SAGOT
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Blando, Rose Marie C., et. al. Araling Panlipunan: Kasaysayan ng Daigdig,
2nd Edtion. Department of Education Learners Module in Araling
Panlipunan Grade 8. Edited by Pablito R. Alay and et. al. Pasig City,
Philippines: Department of Education Bureau of Learning Resources,
2016.

Dionisio, Aeron A., et al./ SDO Bulacan. “Panahon ng Eksplorasyon at


Imperyalismo.” Accessed December 22, 2020.
https://drive.google.com/open?id=7m58UJMD9QQCDwiQuqz.

Project EASE Araling Panlipunan III. “Modyul 14: Panahon ng Eksplorasyon at


Paglawak ng Teritoryo” Accessed December 27, 2020.
https://lrmds.deped.gov.ph/pdf-view/6465.

21
Para sa mga katanungan o puna, sumulat sa:

Department of Education, Schools Division of Bulacan


Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email Address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph

22

You might also like