You are on page 1of 37

8

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 2
Unang Yugto ng Kolonyalismo
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Module
Ikatlong Markahan – Modyul 2: Unang Yugto ng Kolonyalismo
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Maria Vanessa J. Resullar, Shiela M. Penza

Editor: Filipina F. Meehlieb, Lileth F. Oliverio, Alfe S. Lito

Tagasuri: Lilifreda P. Almazan, Leowenmar A. Corvera,


Edwin C. Salazar, Junel Lapinid, Marino L. Pamogas
Tagaguhit:
Tagalapat: Paul Andrew A. Tremedal

Tagapamahala: Francis Cesar B. Bringas, Isidro M. Biol, Jr., Maripaz F. Magno


Josephine Chonie M. Obseñares, Karen L. Galanida,
Florence E. Almaden, Carlo P. Tantoy, Noemi D. Lim, Laarni C. Micayas

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon ng Caraga

Office Address: Teacher Development Center


J.P. Rosales Avenue, Butuan City, Philippines 8600

Telefax: (086) 342-8207: (085) 342-5969


E-mail Address: caraga@deped.gov.ph
8

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 2
Unang Yugto ng Kolonyalismo
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang
o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng


mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan
niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa
bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at
pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro


kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Ang modyul na ito ay sadyang inihanda upang matulungan ka na maunawaan


ang mga dahilan, pangyayari at epekto ng Unang Yugto ng Kolonyalismo.
Ang kaalaman mo sa paksang ito ay mabisang hakbang upang iyong
mapahalagahan ang mga naging ambag nito sa kasalukuyan. Ito ay sistematikong
inayos upang maging mas maganda ang daloy ng iyong pag-aaral.

May mga angkop na gawaing inihanda para sa iyo upang maging makabuluhan
ang iyong pag-aaral. Kailangan mong gawin o sagutan ang lahat ng mga gawain sa
modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot.

Ang modyul na ito ay nakapokus sa pagtalakay tungkol sa Unang Yugto ng


Kolonyalismo na nahahati sa sumusunod na paksa:
Paksa 1- Motibo ng Kolonyalismo
Paksa 2- Salik ng Paggalugad at Paglalayag
Paksa 3- Mga Bansang Nanguna sa Paglalayag
Paksa 4- Kahalagahan ng mga Paglalayag at Pagtuklas ng mga Lupain
Paksa 5- Mahahalagang Epekto ng Unang Yugto ng Kolonisasyon

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:

Nasusuri ang dahilan, pangyayari at epekto ng Unang Yugto ng


Kolonyalismo (MELC 2 AP8 Q3 Week 2-3)

Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang iyong:

 Naipapaliwanag ang mga motibo at salik ng Unang Yugto ng Kolonyalismo;


 Nasusuri ang mga pangyayaring naganap sa Unang Yugto ng Kolonyalismo;
 Nahihinuha ang mga epektong pangkalakalan at kolonyal na ekspansiyon ng
mga bansang Europeo sa Asya, Africa at America.
 Napahahalagahan ang naidulot na mga pagbabago sa lipunan sa panahon ng
Unang Yugto ng Kolonyalismo; at
 Natataya ang epekto ng kolonisasyon sa pamumuhay ng mga tao sa mga
bansang nasakop.

1
Subukin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tanong sa bawat bilang at piliin ang letra
ng tamang sagot.
Isulat sa sagutang papel ang mga sagot niyo.
1. Alin sa sumusunod na kagamitan ang hindi ginamit ng mga manlalayag na
Europeo sa Panahon ng Eksplorasyon?

A. astrolabe C. compass
B. caravel D. hourglass

2. Ano ang tawag sa sasakyang pandagat na ginamit ng mga Europeo sa kanilang


paglalayag sa Panahon ng Eksplorasyon?

A. armada C. galleon ship


B. caravel D. steam ship

3. Sino ang nagpatayo ng paaralan na nakatuon sa pag-aaral ng nabigasyon na


nakatulong upang maging mahusay na mandaragat ang mga Portuges?

A. Bartolomeu Dias C. Ferdinand Magellan


B. Christopher Columbus D. Prinsipe Henry

4. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga motibo ng Unang Yugto ng


Kolonyalismo?

A. pagpapalawak ng kultura C. paghahangad ng katanyagan


B. paghahanap ng kayamanan D. pagpapalaganap ng Kristiyanismo

5. Sinong papa ang naglabas ng Papal Bull na naghahati sa mundo mula silangan
hanggang kanluran na maaaring tuklasin ng mga bansang Portugal at Spain?

A. Alexander VI C. John Paul II


B. Gregory VII D. Leo I

6. Anong kasunduan ang nilagdaan ng mga bansang Portugal at Spain na


nagtatakda ng panibagong line of demarcation na siyang batayan sa mga lugar na
maaari nilang galugarin?

A. Kasunduan sa India C. Kasunduan sa Versailles


B. Kasunduan sa Paris D. Kasunduan sa Tordesillas

7. Kanino ipinangalan ang kontinenteng America?

A. Amerigo Vespucci C. Christopher Columbus


B. Bartolomeu Dias D. Ferdinand Magellan

2
8. Sinong manlalayag na Europeo ang unang nakatuklas sa Bagong Daigdig o New
World?

A. Amerigo Vespucci C. Christopher Columbus


B. Bartolomeu Dias D. Ferdinand Magellan

9. Ano-anong bansa ang unang nagpaligsahan sa eksplorasyon at nabigasyon


noong ika-14 hanggang ika-15 siglo?

A. England at Portugal C. Netherlands at England


B. France at Spain D. Spain at Portugal

10. Sinong hari at reyna ng Spain ang sumuporta sa ekspedisyon nina Columbus at
Magellan?

A. Henry at Anne
B. William at Mary
C. Carlos at Elizabeth
D. Ferdinand at Isabella

11. Ano ang pinakamahalagang nadiskubre o napatunayan ng ekspedisyon ni


Ferdinand Magellan?

A. Ang mundo ay bilog.


B. Mayaman sa ginto ang Pilipinas.
C. Mayaman ang kultura ng mga taga-Silangan.
D. Masagana ang pamumuhay ng mga taga-Silangan.

12. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga salik na nagbunsod sa
paglalayag ng mga Europeo noong ika-14 siglo?

A. paglalakbay ni Marco Polo


B. pagbagsak ng pamilihan sa Venice
C. pagiging mausisa na dulot ng Renaissance
D. pagbagsak ng Constantinople sa mga Turkong Muslim

13. Ano ang nagsilbing inspirasyon sa mga manlalayag na Portuges na manguna sa


paggalugad ng mga lugar sa iba’t ibang bahagi ng mundo?

A. pagkakaroon ng interes sa mga spices


B. pagtataguyod ni Prinsipe Henry sa nabigasyon ng bansa
C. pagpapakasal nina Haring Ferdinand V ng Aragon at Reyna Isabella
D. pagsuporta ng monarkiya sa paghahanap ng rutang pakanluran patungong Asya

3
14. Alin sa mga sumusunod na paraan ng pananakop ang giinamit ng mga Dutch sa
Asya at maituturing na dahilan kung bakit mas nagtagal ang kanilang kontrol sa
Asya kaysa sa America?

A. pagtatakda ng sistema ng plantasyon


B. pagkakatatag ng Dutch East India Company
C. pagkakabuo ng patakaran sa sapilitang paggawa
D. pagpapatibay sa mga trading outpost o himpilang pangkalakalan

15. Paano mo ilalarawan ang epekto ng kolonyalismo?

A. Pawang kabutihan ang dala ng kolonyalismo sa mga bansang nasakop ng mga


Europeo.
B. Ang pananakop ng mga Europeo ay nagbigay-daan sa pag-usbong ng
pandaigdigang kalakalan.
C. Ang kolonyalismo ay nagdulot ng positibo at negatibong epekto sa mga
bansang sakop ng mga Kanluranin.
D. Nagdala ang mga Kanluranin ng mga sakit sa kolonya na naging sanhi ng
maraming pagkamatay ng mga katutubo.

Balikan

Panuto: Sariwain at isulat ang mga natutunan tungkol sa Renaissance batay sa


hinihinging impormasyon.
Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Samakatuwid, ang Renaissance ay isa sa mga salik na nagbunsod ng mga


paggalugad o exploration dahil sa pagnanais ng mga Europeo na maunawaan ang
malaking mundo at upang galugarin ang mga lupain at dagat sa labas ng Europe.

4
Tuklasin

Panuto: Suriin ang kasunod na sitwasyon. Pagkatapos ay sagutan ang mga tanong
na nakapaloob sa bubble map.
Isulat ang mga sagot sa sagutang papel.
Panahon: 1430
Sitwasyon: Isang makulimlim na araw, nasa isang daungan ka ng Europe at
nagmamasid sa Karagatang Atlantiko. Hindi mo alam kung anong
mayroon sa kabilang dako ng karagatan. Ikaw ay naatasan na sumama
sa isang paglalayag. Maraming kuwentong nakatatakot ang iyong
narinig hinggil sa halimaw ng karagatan at mga barkong lumubog.
Mayroon ding mga barkong hindi na muling nakabalik. Sa kabilang
banda, may kayamanang naghihintay para sa mga indibidwal na
nakibahagi sa paglalayag at pagtuklas ng mga bagong lupain.

Sasama ka ba sa
paglalayag?
Bakit?

Ano ang pabuyang


Ano-anong panganib posible mong
ang naghihintay sa iyo matanggap kung
sakaling sasama ka sa sasama ka sa
paglalayag? paglalayag?

Ano kaya ang iba pang


dahilan ng mga pumayag
na sumamang maglayag
sa lugar na hindi pa
natutuklasan?

5
Suriin

UNANG YUGTO NG KOLONYALISMO

Noong ika-15 na siglo, ang mga Europeo ay naghanap ng panibagong ruta na


maaari nilang gamitin upang makakuha ng mga spices o panlasa para sa kanilang
mga pagkain at upang i-preserba ang mga karne. Ang mga produktong matatagpuan
sa Silangan ay malaking motibasyon para sa mga Europeo na maghangad ng
panibagong rutang pangkalakalan. Ang dating rutang kalakalan ay nasakop na ng
mga Turkong Muslim at ang mga mangangalakal na Italyano mula sa Venice, Pisa, at
Genoa lamang ang nakagagamit nito dahil sa mataas na buwis na ipinapataw ng mga
Turko. Ang panggagalugad ay isang anggulo rin ng kanilang pamamaraan upang
mapalaganap ang Kristiyanismo sa mga kapuluan at paniniwalang sila ang magiging
daan upang ito’y maging mga sibilisado. Ang Spain at Portugal ang mga bansa na
naging pangunahing tagapagtaguyod ng mga mandaragat mula sa Europe at naging
daan sa iba’t ibang eksplorasyon sa Asya, Africa at Latin America.

Ang Panahon ng Eksplorasyon ay nagpasimula sa kolonyalismo at


imperyalismo ng mga Kanluranin. Ang kolonyalismo ay ang pagsakop ng isang
makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa samantalang ang imperyalismo
ay ang panghihimasok, pag-impluwensiya, o pagkontrol ng isang makapangyarihang
bansa sa isang mahinang bansa. Sa kabuuan, ang panahon ng eksplorasyon ay
naging dahilan upang ang mga karagatan ay maging daan tungo sa pagpapalawak ng
mga imperyong Europeo.

Motibo ng Kolonyalismo

Tatlong bagay ang itinuturing na motibo ng kolonyalismong dulot ng


eksplorasyon: (1) Ang pagnanais na makatuklas ng mga bagong pagkukunang-
yaman ang pangunahing dahilan ng eksplorasyon ng mga taga-Europe; (2) Ang
paniniwalang ang pagpapalaganap ng Kristyanismo ay isang banal na tungkulin,
nakita ng mga bansa sa Europe ang pangangailangang galugarin ang mundo; (3)
Malaki ang ginampanan ng Renaissance sa paghahangad ng mga manlalakbay na
makarating sa mga bagong lupain, nagkaroon sila ng tiwala sa sariling kakayahan at
naghangad na maging sanhi ito katanyagan at karangalan hindi lamang sa sarili kundi
ng bansang kinabibilangan.

Paghahanap ng Kayamanan
Ang pagnanais na makatuklas ng mga bagong mapagkukunang-yaman ang
pangunahing dahilan ng eksplorasyon ng mga taga-Europe. Dahil sa sistemang
merkantilismo, ninais ng mga Europeo na magkaroon ng maraming ginto at pilak. Ang
merkantilismo ay isang sistemang pangkabuhayan na nagbibigay-diin sa
akumulasyon ng ginto at pilak.

6
Ibig sabihin, kung mas maraming ginto at pilak ang makukuha ng isang bansa,
mas maraming pera ang malilikom nito bilang buwis. Nangangahulugan ito ng mas
magiging mayaman at makapangyarihan ang naturang bansa.

Maliban nito, hinangad din nila ang mga produkto mula sa Asya tulad ng mga
pampalasa na ginamit bilang medisina at pampreserba ng pagkain. Ang kalakalan ng
mga produkto mula sa Asya ay nasa kamay ng taga-Venice, Italy. Sila ang mga
mangangalakal na pinaboran ng mga Turkong Muslim na makadaan sa rutang
pangkalakalan. Kaya naman naghangad ang mga Europeo lalo na ang mga Portuges
na makatuklas ng ibang rutang pangkalakalan.

Pagpapalaganap ng Kristiyanismo

Bunga ng mga mapapait na alaala ng maigting na mga labanan sa pagitan ng


mga Muslim at Kristiyano sa panahon ng mga Krusada, gayundin ang paniniwalang
ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo ay isang banal na tungkulin, nakita ng mga
bansa sa Europe ang pangangailangang galugarin ang mundo.

Noong Gitnang Panahon pa lamang ay naglunsad na ng Krusada upang


mabawi ang Jerusalem sa kamay ng mga Turkong Muslim. Inilunsad sa panahong ito
ng mga Espanyol at mga Portuges ang reconquista upang mabawi ang mga lupain sa
Iberian Peninsula na nasa kamay ng mga Muslim. Ang eksplorasyon ay maaaring
tingnan bilang pagpapatuloy ng Krusada laban sa Islam.

Ninais ng mga Europeo na palaganapin ang Kristiyanismo sa mga lupaing


kanilang narating at nasakop kaya’t nagpadala rin sila ng mga misyonero sa mga
ekspedisyon.

Paghahangad ng Katanyagan at Karangalan

Dahil sa Renaissance napukaw ang interes ng mga Europeo na tumuklas ng


mga bagong lupain na may tiwala sa sariling kakayahan. Ito ang nagbigay sa kanila
ng pagkakataong patunayan ang kanilang angking galing. Hangad nilang maging
sanhi ito ng katanyagan at karangalan hindi lamang sa sarili kundi sa bansang
kinabibilangan.

Salik ng Paggalugad at Pananakop

Ang paggalugad at pananakop ay sanhi ng sumusunod na mga salik.

1. Renaissance
Malaki ang bahaging ginampanan ng Renaissance sa paghahangad ng mga
manlalakbay na Europeo na makarating sa mga bagong lupain. Napukaw ng
Renaissance ang interes ng mga Europeo na marating ang malalayong bahagi
ng daigdig. Dahil sa pananaw sa daigdig sa panahon ng Renaissance ay
humanistiko at hindi na nakasentro sa Diyos gaya ng sa Middle Ages,
nagkaroon ng tiwala sa sariling kakayahan ang tao. Ito ang nagbigay sa kanya
ng pagkakataong patunayan ang kanyang galing. Hangad niyang maging sanhi
ito ng katanyagan at karangalan hindi lamang ng sarili kundi ng bansang
kinabibilangan.

7
2. Paglalakbay ni Marco Polo
Si Marco Polo ay isang mangangalakal na taga-Venice na nakarating sa China
sa panahon ng Dinastiyang Yuan na nasa pamumuno ni Kublai Khan. Ang
kanyang aklat na The Travels of Marco Polo ay pumukaw sa interes ng mga
Europeo sapagkat inilarawan nito ang yaman at kaunlarang taglay ng China.

3. Pagsuporta ng Monarkiya sa mga Manlalakbay


Nakatulong din ang suportang inilaan ng monarkiya sa mga ekspedisyon ng
mga Europeong manlalakbay. Tulad na lamang ni Prinsipe Henry ng Portugal
na nakilala bilang Henry the Navigator dahil sa ipinamalas na interes at suporta
sa mga paglalayag.

4. Pag-unlad ng Teknolohiya
Lubhang napakahirap ng paglalayag na ang gabay lamang ay ang araw, buwan at
mga tala kaya sinikap ng mga manlalayag na sumubok at tumuklas ng mga
kagamitang makatutulong sa maayos na paglalayag. Kaya isa sa mga pangunahing
salik sa kolonyalismo ay ang pag-unlad ng teknolohiya lalo na sa paggawa ng
sasakyang pandagat at instrumentong pangnabigasyon.

https://pixabay.com/vectors/boat-caravel-naval-portuguese-ship-1296422/

Caravel-isang sasakyang pandagat na may kakayahang maglulan ng maraming tao at may


dalang mga kanyon para pangsanggalang sa anumang masasagupa ng isang
manlalakbay. Ito ay may tatlo hanggang apat na poste na pinagkakabitan ng layag.

8
Mga bahagi ng caravel:
 Bowsprit - nakausling haligi sa harap ng barko na nakatutulong sa pagdaragdag
ng mga layag
 Gunport- isang bukas na puwang ng barko na kinalalagyan ng mga kanyon
 Fighting Top- isang maliit na plataporma na makikita sa poste ng barko
 Foremast- mahabang poste ng barko na karaniwang nasa harapan nito
 Keel- isang nakapirming palikpik sa ilalim ng barko na nakakatulong sa hindi
pagkakatinag nito
 Main mast- ang pinakamahaba at pangunahing poste ng barko na karaniwang nasa
sento nito.
 Mizzen- mahabang poste ng barko na nasa likuran ng main mast
 Rudder- isang gumagalaw na palikpik sa likurang bahagi ng barko na nakaaapekto
sa galaw ng tubig sa paligid ng barko na nagreresulta sa pag-ikot nito
 Shrouds- lubid na ginagamit pangsuporta sa mahabang poste ng barko.
 Sail- layag; tumutukoy sa telang ginagamit sa sasakyang-dagat.

https://en.wikipedia.org/wiki/Astrolabe#/media/File:Astrolab.JPG
https://en.wikipedia.org/wiki/History_of_the_compass#/media/File:Epistola-de-
magnete.jpg
Astrolabe- isang instrumentong ginagamit
upang masukat ang layo ng lokasyon batay Compass- ito ay instrumentong gabay sa
sa mga bituin. pagtukoy ng tamang direksiyon sa
paglalayag.

5. Pagbagsak ng Constantinople
Ang Constantinople ay isang masiglang himpilang pangkalakalan sa panahon ng
Byzantine Empire ngunit ito ay bumagsak sa kamay ng mga Turkong Muslim.
Ang isa sa mga pangunahing epekto ng pagbagsak ng Constantinople sa kamay
ng mga Turkong Muslim ay ang pagkontrol nito sa mga ruta ng kalakalan sa
silangan, ang Silk Road. Ito ang rutang ginagamit para makarating ang mga
produktong pangkalakalan sa pagitan ng Europe at Asya. Dahil dito minabuti ng
mga Europeo na tumuklas ng iba pang rutang pangkalakalan gamit ang
katubigan.

6. Pangangailangan sa Pampalasa
Simula pa noong ika-13 siglo ay nakadepende na ang Europe sa mga
pampalasa na matatagpuan sa Asya lalong lalo na sa India. Ito ay ginamit nila
bilang pampalasa sa kanilang mga pagkain at pampreserba ng mga karne.
Ginamit ito para makagawa ng pabango, kosmetiks at medisina.

Ang kalakalan ng pampalasa sa Asya ay kontrolado ng mga Turkong Muslim


at mga taga-Venice. Dahil sa pagmomonopolyo sa kalakalang ito, hinangad ng
mga Europeo na makahanap ng iba pang rutang pangkalakalan.

9
Ilang Popular na Spices o Pampalasa
Pangalan/Deskripsiyon Pinaggagamitan
Cinnamon -ito ay makukuha sa Ito ay karaniwang ginagamit bilang
ilalim ng balat ng kahoy ng pampalasa ng mga pagkain.
Cinnamomum. Ito ay nagmula sa
mga bansang India, Sri Lanka,
Bangladesh at Myanmar.

Ginger - isang bungang-ugat mula Ito ay karaniwang ginagamit bilang


sa pamilya ng Zingiberaceae. Ito ay pampalasa ng mga pagkain at gamot
nagmula sa Timog-Silangang Asya. sa sakit ng ulo at iba pa.

Cloves -isang mabangong bulaklak Ito ay karaniwang ginagamit bilang


ng puno ng clove. Ito ay nagmula sa pampalasa ng mga pagkain. Ang
Moluccas, India. langis nito ay maaaring gamot sa sakit
sa ngipin at iba pa. Dahil din sa bango
nito, ito ay ginagamit na pampabango.

Pepper- mula sa namumulaklak na Ito ay karaniwang ginagamit bilang


baging ng Piperaceae. Ito ay pampalasa ng mga pagkain.
nililinang para sa bunga nito na
tinatawag na peppercorn na
karaniwang pinatuyo upang
gamiting pampalasa. Ito ay nagmula
sa Kerala, India.
Nutmeg- mula sa buto ng puno ng Ito ay karaniwang ginagamit bilang
Myristica fragrans. Ito ay nagmula pampalasa ng mga pagkain. Ang
sa isla ng Banda ng Moluccas, langis nito ay maaaring gamot sa sakit
Indonesia. sa ngipin at iba pa.

Mga Pamprosesong Tanong:


Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na katanungan.
Isulat ang inyong mga sagot sa sagutang papel.
1. Ano-ano ang motibo ng paggalugad na nagbunsod ng kolonyalismo?
Ipaliwanag ang bawat isa.
2. Ano ang mahalagang papel na ginampanan ng Humanismo sa pagsibol ng
Renaissance sa Europa?

Mga Bansang Nanguna sa Paggalugad


Bago pa man ang ika -15 siglo, may mga serye na rin ng ekspedisyong
isinagawa ang mga emperor ng Dinastiyang Ming sa Tsina. Si Zheng He ng Tsina ay
nakapagsagawa ng mga eskpedisyon sa Timog- Silangang Asya, India, Arabia at
maging sa silangang bahagi ng Africa. At noong ika-15 siglo, ang Europe ay nahati sa
mga nation-state na nagpaligsahan sa kapangyarihan sa pamamagitan ng
pagpapalawak ng teritoryo. Nanguna ang Portugal at Spain sa eksplorasyon sa
malalawak na karagatan na sinundan ng Netherlands, England at France.

10
Panahon ng Paglalayag

1490

1550
1410

1430

1440

1460

1470

1480

1500

1600
1400

1420

1510

1520

1540
1450

1530

1580

1590
1560

1570

1610
1419, itinatag ni Henry the Navigator ang
paaralang pangnabigasyon sa Portugal

1488, narating ni Bartholomeu


Dias ang Cape of Good Hope

1492, narating ni Christopher


Columbus ang New World

1497, nagalugad rin ni Amerigo


Vespucci ang America

1497, narating ni John Cabot ang


Newfoundland

1498, narating ni Vasco da Gama


ang India

1519, narating ni Hernan Cortes


ang Mexico

1521, narating ni Ferdinand


Magellan ang Pilipinas

1607, itinatag ng Virginia Company ang


kauna-unahang English settlement sa
1532, narating ni Francisco Jamestown
Pizarro ang Peru

1608, itinatag ni Samuel de Champalin


ang Quebec

1609, ginalugad Henry Hudson ang


Hudson River na ipinangalan sa kanya

Portugal

Ang Portugal ay ang kauna-unahang bansang Europeo


na nagkaroon ng interes sa paglalayag sa Karagatang
Atlantiko. Ito ang unang bansang pumalaot sa paghahanap ng
bagong ruta.

Malaki ang naging ambag ni Prinsipe Henry sa


tagumpay ng Portugal sa larangang ito. Inanyayahan niya ang
mga mahuhusay na mandaragat, taga-gawa ng mapa,
matematisyan at astronomo na mag-aral ng siyensiya ng
Henry the Navigator
nabigasyon sa bansa. Siya ay patron ng mga manlalakbay https://upload.wikimedia.org/wikipedia/co
kaya ikinabit sa kanyang pangalan ang katawagang The mmons/0/02/Henry_the_Navigator1.jpg

Navigator.

11
Bartholomeu Dias Vasco da Gama
https://commons.wikimedia.or https://upload.wikimedia.org/wikipedi
g/wiki/File:Bartolomeu-Dias- a/commons/e/e0/Lisboa-
217x300.jpg Museu_Nacional_de_Arte_Antiga-
Retrato_dito_de_Vasco_da_Gama-
Ang ruta ng paglalayag ni Vasco Da Gama
20140917.jpg

Noong Agosto 1488, narating ni Bartholomeu Dias ang timog na bahagi ng


Africa na naging kilala sa katawagang Cape of Good Hope. Ang paglalakbay ni Dias
ay nagpatunay na maaaring marating ang Asya sa pamamagitan ng pag-ikot sa Africa.

Ang pinakamahalagang tagumpay ng Portugal ay nang narating ni Vasco da


Gama ang India noong 1498. Ang nasabing ekspedisyon ay umikot sa Cape of Good
Hope, tumigil sa ilang mga trading posts sa Africa upang makipagkalakalan hanggang
narating ang Calicut, India. Siya ang kauna-unahang Europeong nakarating sa India
sa pamamagitan ng paglalayag sa dagat at siya’y kinilala bilang bayani sa Portugal.
Dahil din sa kanya nalaman ng mga Portuges ang yaman na mayroon sa Silangan at
ganoon din ang maunlad na kalakalan.

Nagpatuloy ang Portugal sa paggalugad ng iba’t ibang bahagi ng mundo. Isa sa mga
mahahalagang natuklasan ay ang bansang Brazil sa pamamagitan ng manlalayag na
si Pedro Alvares Cabral. Kalaunan, ang bansang ito ay ganap na sinakop ng mga
Portuges.

Spain
Ang pagpapakasal at pagsasanib ng kaharian nina Haring
Ferdinand V ng Aragon at Reyna Isabella I ng Castille ay naging
hudyat sa Spain na maghangad ng kayamanan sa Silangan. Sila
ay nagpadala ng mga ekspedisyon sa Silangan na
pinamumunuan ni Christopher Columbus.

Christopher Columbus. Si Christopher Columbus ay


isang Italyanong nabigador. Siya ay sinuportahan ni Reyna
Isabella I na ilunsad ang kanyang unang ekspedisyon
noong 1492 sa pagnanais na mapalaganap ang Kristiyanismo
sa Silangan. Ang hangarin ni Columbus ay makarating sa India Christopher Columbus
na ang gagamiting daanan ay ang pakanluran ng Atlantiko. https://upload.wikimedia.org/wikipedia/co
mmons/c/c2/Portrait_of_a_Man%2C_Sai
d_to_be_Christopher_Columbus.jpg

12
Nakaranas ng maraming paghihirap ang kanyang paglalayag tulad ng walang
katiyakang marating ang Silangan, pagod at gutom ng kanyang mga kasamahan, at
tagal ng panahon na inilagi sa karagatan. Hanggang sa marating niya ang mga isla
ng Bahamas na kanyang inakalang India, dahil sa kulay ng mga taong nanirahan dito
na tinawag niyang mga Indians. Naabot din niya ang Hispaniola (Haiti at Dominican
Republic sa kasalukuyan) at ang Cuba. Sa mga lugar na ito may maraming ginto na
sapat sa pangangailangan ng Spain.
Hindi narating ni Columbus ang Asya ngunit kumalat ang balita tungkol sa
kanyang ginawang paglalayag sa buong Europe at ito ang naka-engganyo sa iba
pang manlalayag na patuloy na humanap ng ruta papuntang Asya. Kinalaunan, sa
patuloy na paggagalugad sa mga kontinente ng America at Caribbean Islands ay
tumambad sa kanila ang yaman ng lugar at nakakita ang mga kapitalista o
negosyante (na siyang namumuhunan o gumagastos sa mga paglalayag) ng
maraming pwedeng pagkakitaan sa mga lugar na ito. Ito ang nagbigay-daan sa
pananakop sa America ng mga bansa sa Europe.
Sa kanyang pagbalik sa Spain, siya ay ipinagbunyi at binigyan ng titulong
Admiral of the Ocean Sea, Viceroy at Gobernador ng mga islang kanyang
natagpuan sa Indies. Narating niya ang mga isla sa Carribean, at tatlo pang
ekspedisyon ang kanyang pinamunuan bago siya namatay noong 1506.
Basahin ang isang tala ng paglalayag ni Columbus.
“As I saw that they were very friendly to us, and perceived that they could be much more
easily converted to our holy faith by gentle means than by force, I presented them with
some red caps, and strings of beads to wear upon the neck, and many other trifles of
small value, wherewith they were much delighted, and became wonderfully attached to
us. Afterwards they came swimming to the boats, bringing parrots, balls of cotton thread,
javelins, and many other things which they exchanged for articles we gave them, such as
glass beads, and hawk’s bells; which trade was carried on with the utmost good will. But
they seemed on the whole to me, to be a very poor people. They all go completely naked,
even the women, though I saw but one girl. All whom I saw were young, not above thirty
years of age, well made, with fine shapes and faces; their hair short, and coarse like that
of a horse’s tail, combed toward the forehead, except a small portion which they suffer to
hang down behind, and never cut. Some paint themselves with black, which makes them
appear like those of the Canaries, neither black nor white; others with white, others with
red, and others with such colors as they can find. Some paint the face, and some the
whole body; others only the eyes, and others the nose. Weapons they have none, nor are
acquainted with them, for I showed them swords which they grasped by the blades, and
cut themselves through ignorance. They have no iron, their javelins being without it, and
nothing more than sticks, though some have fish-bones or other things at the ends. They
are all of a good size and stature, and handsomely formed. I saw some with scars of
wounds upon their bodies, and demanded by signs the of them; they answered me in the
same way, that there came people from the other islands in the neighborhood who
endeavored to make prisoners of them, and they defended themselves. I thought then,
and still believe, that these were from the continent. It appears to me, that the people are
ingenious, and would be good servants and I am of opinion that they would very readily
become Christians, as they appear to have no religion. They very quickly learn such words
as are spoken to them. If it please our Lord, I intend at my return to carry home six of them
to your Highnesses, that they may learn our language. I saw no beasts in the island, nor
any sort of animals except parrots.”
https://openamlit.pressbooks.com/chapter/excerpt-from-first-voyage/

13
Noong 1507, ipinaliwanag ng isang Italyanong nabigador na si Amerigo
Vespucci na si Christopher Columbus ay nakatagpo ng Bagong Mundo (New World),
isang bagong kontinente na hindi bahagi ng Asya. Nang lumaon, ang lugar ay
isinunod sa kanyang pangalan na nakilala bilang America.
Mga Pamprosesong Tanong:
Panuto: Batay sa primaryang batis na iyong binasa tungkol sa paglalayag ni
Columbus, sagutan ang mga sumusunod na katanungan.
Isulat ang inyong mga sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang impresyon ni Columbus sa mga katutubo?


2. Ano ang kanyang balak sa mga tao at sa teritoryo?
3. Makatwiran ba ang manakop ng ibang lupain upang mapaunlad nag sariling
bansa? Bakit?

Paghahati ng Mundo. Naging mahigpit na magkalaban ang Portugal at Spain sa


pagpapalawak ng kanilang teritoryo. Dahil sa tumitinding paligsahan, sila ay humingi
ng tulong kay Pope Alexander VI upang mamagitan sa kanilang hidwaan. Noong 1493
ay gumuhit ng line of demarcation ang Papa, isang hindi nakikitang linya mula sa gitna
ng Atlantiko tungo sa North Pole hanggang sa South Pole. Ipinaliliwanag nito na lahat
ng mga matatagpuang kalupaan at karagatan sa kanlurang bahagi ng linya ay para
sa Spain at sa Silangan naman ay sa Portugal.

Upang maiwasan ang hidwaang dala ng pagdududa ng mga Portuges, naitakda


ang bagong line of demarcation na nilagdaan sa pamamagitan ng Kasunduan ng
Tordesillas noong 1494. Ang hatian ay batay sa linya ng demarkasyon na 370 leagues
sa kanluran ng Cape Verde Islands. Ipinakita dito na lubusang pinaghatian ng Portugal
at Spain ang bahagi ng mundo na hindi pa narating ng mga taga-Europe.

Ipinapakita nito kung gaano katindi ang pag-iiringan at pag-uunahan ng Spain at


Portugal na mapalawig ang kanilang teritoryong sakop. Ang paghingi nila ng tulong
kay Pope Alexander VI ay nagpapakita lamang sa malaking impluwensiya ng
simbahan sa pamamalakad ng pamahalaan.

Lines of demarcation: 1493, 1494, 1529


https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Spain_and_Portugal.png

14
Ferdinand Magellan. Si Ferdinand Magellan ay isang Portuges
na sinuportahan ng Spain sa kanyang ekspedisyon. Sa ilalim ng
bandila ng Spain, nais niyang ipagpatuloy ang paghahanap ng
rutang pakanluran tungo sa Silangan. Taong 1519 nang
nagsimula ang kanyang paglalayag na may limang barkong
pandagat. Kasama ang 270 tauhan, narating nila ang silangang
baybayin ng South America (Brazil sa kasalukuyan) at nilakbay
ang makitid na daanan ng tubig na tinawag na Strait of
Magellan. Nilayag ang Mar Pacifico o Karagatang Pasipiko
hanggang sa narating ang Pilipinas noong 1521. Ferdinand Magellan
https://upload.wikimedia.org/wikipedia/co
mmons/9/9c/Ferdinand_Magellan.jpg
Sa tagal ng kanilang paglalayag, naranasan nila ang
gutom at uhaw, at may kaunting pag-aalsang naganap sa mga miyembro ng
ekspedisyon. Lahat ng ito ay nalagpasan ng makatagpo ng malaking kayamanang
ginto, pampalasa at pagyakap ng mga katutubo sa Kristyanismo.

Hindi man nakabalik si Magellan sa Spain dahil sa kanyang kamatayan sa


Pilipinas, ang barkong Victoria sa pamumuno ni Juan Sebastian del Cano ang
nagpakilala na maaaring ikutin ang mundo at muling bumalik sa dating
pinanggalingang lugar. Ito ang unang circumnavigation o pag-ikot sa mundo na
nagpatunay na ang mundo ay bilog. Itinama nito ang dating lumang kaalaman ng mga
taga-Europe na ang mundo ay patag.

Magellan-Del Cano Circumnavigation


https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Magellan_Elcano_Circumnavigation-en.svg

Ang paglalayag ni Ferdinand Magellan ay nagsimula sa Seville, Spain at


tumawid sa Karagatang Atlantiko hanggang marating ang dulong timog ng Timog
Amerika, na tinawag na Strait of Magellan ngayon. Pagkatapos ay nagpatuloy sa
paglalayag patungong Karagatang Pasipiko at marating ang Pilipinas.

15
Si Magellan ay nasawi sa Pilipinas noong 1521, kaya’t si Sebastian del Cano,
ang kanyang second-in-command, ang namuno sa ekspedisyon at nagpatuloy sa
paglalakbay sa Karagatang India, sa paligid ng Cape of Good Hope, patugong
Karagatang Atlantiko, hanggang makabalik sa Sanlúcar de Barrameda, Spain noong
1522. Ang paglalayag na ito ay nagpatunay na ang mundo ay bilog.

Hernando Cortes. Si Hernando Cortes ay isang conquistador o mananakop na


naglayag upang maghanap ng yaman at ginto. Narating at sinakop niya ang
Tenochtitlan na kabisera ng Kabihasnang Aztec na matatagpuan sa kasalukuyang
bansa ng Mexico.

Francisco Pizarro. Si Francisco Pizarro ay isang conquistador


na sumakop ng imperyo ng Inca na matatagpuan sa
kasalukuyang bansa ng Peru. Si Atahuallpa na pinuno ng mga
Inca ay binihag at pinangakuan ng kalayaan kung
makapagbibigay ng isang silid na puno ng ginto at pilak.
Naibigay naman ang hiling nila ngunit hindi tumupad si Pizarro
at ang ginawa ay binitay si Atahuallpa.

Sa pagkamatay ni Atahuallpa, tuluyang sinakop ni


Pizarro ang imperyo. Ang pagpapalaganap ng sistemang Francisco Pizarro
Espanyol ay naging dahilan ng pagkawasak ng tradisyon at mmons/9/91/Portrait_of_Francisco_Pizar
https://upload.wikimedia.org/wikipedia/co

kultura ng mga Inca. Ang ginawang pamumuno ng mga Kastila ro.jpg

sa kanyang
kolonya ay may kahalong karahasan sa dahilang ang mga katutubo ay nais nilang
sumunod sa mga batas na pinatutupad ng hari at makonberto sa Katolisismo.
Pinuwersa nila ang mga katutubo na magbigay ng libreng trabaho para sa
Pamahalaang Kolonyal at sa pagtatayo ng mga simbahan. Ang sapilitang sistema ng
paggawa na ito ay tinawag na mita na hango sa sistema ng mga Inca.
Nangangahulugan ito na ang mga kalalakihang may edad 15-50 ay kailangang
magtrabaho hindi lamang sa paggawa ng mga simbahan kundi maging sa lubhang
mapanganib na mga minahan ng ginto at pilak. Nagpatupad din ang mga Espanyol
ng mabibigat na buwis sa agrikultura, metal, at iba pang mga kalakal. Ang mga Inca
ay patuloy na nagdusa dahil sa hindi makatarungang pamamahala ng mga Espanyol
sa kanilang lugar. Kahit na sila ay nag-alsa, ang kanilang sibat, pana at tirador ay
hindi makakatalo sa armas, espada at aserong baluti ng mga mananakop.

Mga Pamprosesong Tanong:


Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na katanungan.
Isulat ang inyong mga sagot sa sagutang papel.

1. Bakit nagpaligsahan sa paggalugad ng mga lupain ang mga Europeong bansa?


2. Bakit hinati ni Pope Alexander VI ang mundo sa Portugal at Spain?
3. Ano ang kahalagahan ng mga sumusunod na ekspedisyon;
A. Christopher Columbus;
B. Ferdinand Magellan; at
C. Pedro Alvares Cabral?

16
Netherlands
Noong 1602 ay itinatag ng Netherlands ang Dutch East Indies Company o
Vereenigde Oostindische Compagnie (VOC) na naging daan sa pagpapalawak ng
komersiyo sa Asya. Ito ang dahilan kung bakit mas matagal ang kapangyarihan ng
mga Dutch sa Asya kumpara sa America.

Napalitan ng mga Dutch ang mga Portuges bilang pangunahing bansang


kolonyal sa Asya lalo na sa Indonesia. Tuluyang nakontrol ng Netherlands ang
kalakalan sa Moluccas o Spice Island nang naagaw ito mula sa Portugal. Nagtatag
sila ng mga plantasyon kung saan ang malawak na lupain ay pinagtaniman ng iba’t
ibang uri ng spices.

Ang mga Dutch ay nagkaroon din ng kolonya sa North


America. Napasok ni Henry Hudson, isang Ingles na nabigador,
ang New York Bay noong 1609 at tinawag itong New
Netherland. Sa kanya rin ipinangalan ang Ilog Hudson sa
Manhattan, USA bilang pagkilala sa kanyang dakilang nagawa.
Noong 1624, isang trade outpost o himpilang pangkalakalan
ang itinatag sa rehiyon na pinangalanang New Amsterdam na
kilala ngayon bilang New York City.
Henry Hudson
Hindi lamang sa Asya at America nagtatag ng pamayanan ang https://upload.wikimedia.org/wikipedia/co
mmons/7/7e/Henry%2BHudson-
mga Dutch. Nagtatag sila ng pamayanan sa South Africa sa posterimage.png

pamamagitan ng mga Boers, mga magsasakang nanirahan sa Cape of Good Hope.


Ngunit noong ika-17 siglo, humina ang kapangyarihang pangkomersiyo ng mga
Dutch at ito ay pinalitan ng England bilang pinakamalakas na imperyong
pangkaragatan ng Europe.

England
Ang England noong 1497 ay nagpasimulang magpakita
ng interes sa pangkaragatang kalakalan. Si John Cabot na
isang Italyanong nabigador ang nagbigay ng mga unang
kolonya sa England gaya ng Newfoundland, Nova Scotia at
New England na kasalukuyan ay bahagi ng Canada at America.

Sa pamumuno ni Francis Drake, isa sa kinilalang


mahusay na nabigador noong panahon ng pamamahala ni
Reyna Elizabeth I ng England, natalo ang Spanish Armada sa
John Cabot
digmaan na nagpahina lalo sa kapangyarihan ng Spain.
https://upload.wikimedia.org/wikipedia/co
Sa pagitan ng 1607 hanggang 1733 nakapagtatag ng
mmons/2/2d/JohnCabotPainting.jpg

mga kolonya ang England sa silangang dalampasigan ng North America. Ang unang
kolonya ay ang Jamestown na kasalukuyang estado ng Virginia sa United States.

17
France
Noong 1534, naabot ni Jacques Cartier ang
kasalukuyang Montreal, Canada. Si Samuel de Champlain ay
narating ang Quebec at si Robert Cavalier naman ay sinakop
ang kabuuang bahagi ng Ilog ng Mississippi para sa France.
Ang paglakas ng kapangyarihang ito sa North America ang
naging sanhi ng paligsahan ng France at England.

Samuel de Champlain
https://upload.wikimedia.org/wikipedia/co
mmons/0/05/Samuel-de-champlain-s.jpg

Kahalagahan ng mga Paglalayag at Pagtuklas ng mga Lupain

Dahil sa mga eksplorasyon at paglalayag noong ika-15 at ika-16 na siglo,


natuklasan ang mga bagong rutang pangkalakan na siyang nagpabagsak sa
pamumuno ng Italy sa kalakalan noong Gitnang Panahon. Naging sentro ng kalakalan
ang mga daungan sa baybay-dagat ng Atlantic mula sa Spain, Portugal, France,
Flanders, Netherlands at England. Sa pagkakadiskubre ng mga lupain, lalong
dumagsa ang mga kalakal at pampalasa na galing sa Asya, sa North America naman
ay kape, ginto at pilak. Samantala, sa South America ay asukal, at sa Kanlurang Indies
ay indigo.

Lumaganap ang paggamit ng salapi na nagpasimula ng Sistema ng


Pagbabangko. Sa simula, ginto at pilak ang ginagamit na pampalit ng kalakal na
siyang dahilan kung bakit nagpunyagi ang mga Europeong bansa na manakop ng
lupain. Sa kalaunan, napalitan ito ng paggamit ng salaping barya at salaping papel sa
pakikipagkalakalan.

Natuto ang mga tao na mag-ipon ng salapi. Ito ang nagbigay-daan sa Sistema
ng Kapitalismo. Ang Kapitalismo ay isang sistema kung saan mamumuhunan ng
kanyang salapi ang isang tao upang magkaroon ng tubo o interes. Sa pag-unlad ng
kalakalan sa pagitan ng mga Europeo at mga Asyano, dumami ang salaping naipon
ng mga mangangalakal na Kanluranin. Nahikayat na gamitin ng mga mangangalakal
ang kanilang salaping naipon sa mga pananim at minahan sa mga kolonya para ito
mas kumita. Sa pag-unlad ng kalakalan, lumaki ang pangangailangan ng pagkakaroon
ng salapi na gagamitin sa pagsisimula ng mga negosyo. Dito lumaganap ang
pagkakatatag ng mga bangko kung saan iniipon ng mga kapitalista ang mga salapi na
maaaring utangin at gamitin ng sinumang mamumuhunan. Sa pagdami ng bilang ng
mga mamumuhunan at mga kapitalista, lumago ang Sistema ng Pagbabangko.

18
Epekto ng Unang Yugto ng Kolonisasyon

1. Ang mga paglalayag na pinangunahan ng bansang Portugal at Spain ay naging


daan sa pagtuklas ng mga lugar na hindi pa nagalugad at mga sibilisasyong hindi
pa natuklasan. Naging daan ito upang lumakas ang ugnayan ng Silangan at
Kanluran.
2. Ang mga eksplorasyon ay pumukaw ng interes sa mga makabagong pamamaraan
at teknolohiya sa heograpiya at paglalayag.

3. Lumaganap ang sibilisasyong Kanluranin sa Silangan dahil sa kolonisasyon.

4. Ang pagtatayo ng mga trading posts o lugar pang kalakalan na nagbigay-daan sa


mga ugnayan sa pagitan ng kanluran at silangan.

5. Nagbigay daan din ito sa iba’t ibang uri ng pagpapalitan mula sa mga halaman,
ani, at hayop na tinawag na Columbian Exchange.

6. Nagbigay-daan din ito sa pag-usbong ng pandaigdigang kalakalan.

7. Ang kolonisasyon ay nagbunga ng mga suliranin sa mga bansang sakop tulad ng


pagkawala ng kasarinlan, paninikil ng mananakop at pagsasamantala sa likas na
yaman.

8. Ang kolonisasyon din ay nagbigay-daan sa Atlantic Slave Trade o ang pagbebenta


ng mga African bilang mga alipin para magtrabaho sa mga plantasyon sa mga
kolonya ng mga Europeo sa America. Ito ay sinimulan ng mga Portuges na
nilahukan naman ng mga Dutch, French at English.

9. Libo-libong pagkamatay ng mga katutubong sinakop dahil sa sakit gaya ng yellow


fever, malaria, bulutong, tigdas o tipus dala ng mga manlalayag na Europeo.

Mga Pamprosesong Tanong:


Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na katanungan.
Isulat ang inyong mga sagot sa sagutang papel.

1. Paanong pinalawig ng kapitalismo ang kolonyalismo o pananakop ng mga lupain?


2. Magbigay ng dalawang mabuti at masamang epektong idinulot ng Unang Yugto
ng Kolonyalismo at ipaliwanag kung bakit mo nasabing mabuti o masama ito.
3. Ano sa palagay mo ang pagkakamaling nagawa ng mga sangkot sa kolonisasyon
ang hindi na dapat pang maulit? Bakit?

19
Pagyamanin

Gawain 1: Hanap-Hanay
Panuto: Pagtambalin ang mga ideya sa Hanay A at Hanay B.
Isulat lamang ang letra ng tamang sagot. Isulat ang iyong mga sagot sa
sagutang papel.

Hanay A Hanay B

 Sumakop sa Tenochtitlan  Bartholomeu Dias


 Manlalayag na nakarating sa  Henry Hudson
Quebec
 Nakasakop sa Nova Scotia  Christopher Columbus
 Naghati sa mundo sa pagitan ng  Francisco Pizarro
Portugal at Spain
 Nakarating sa Cape of Good  Samuel de Champlain
Hope
 Pope Alexander VI
 Unang Europeong nakarating sa
India sa pamamagitan ng  Amerigo Vespucci
paglalakbay sa dagat
 Vasco da Gama
 Ang nakasakop sa bansang Brazil
 Nabigador na nakarating sa New  Pedro Alvares Cabral
York Bay
 John Cabot
 Nakadiskubre sa Bagong Daigdig
 Sumakop sa Imperyo ng Inca  Hernando Cortes

Gawain 2: Kumpletuhin Mo
Panuto: Gawin itong talahanayan sa inyong sagutang papel.
Itala sa sagutang papel ang mga hinihinging impormasyon.

Mga Europeong Dahilan ng Mga Lugar na Epekto ng


Bansa Pananakop Nasakop Pananakop
England

France

The Netherlands

Portugal

Spain

20
Gawain 3: Crossword Puzzle
Panuto: Punan ng sagot ang puzzle.

Pahalang: Pababa:
2. nakatuklas sa Bagong Daigdig 1. ipinangalan sa kanya ang
3. Europeong nakadiskubre sa America
Pilipinas 5. instrumentong ginamit upang
4. muling pagsilang masukat ang layo ng lokasyon
6. sasakyang pandagat na ginamit batay sa mga bituin
sa paglalayag 7. nakatuklas sa Newfoundland
8. bansang nanguna sa 9. barkong nakabalik sa Spain
eksplorasyon 10. Spice Island

Isaisip

Panuto: Gamit ang Venn Diagram, ibigay ang pagkakapareho at pagkakaiba ng


kolonyalismong Portugal at Spain.
Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Spain Portugal

21
Isagawa
Panuto: Sumulat ng isang talumpati na maghihimok sa iba kung bakit hindi
makatwiran at makatarungan ang kolonyalismo.
Iugnay ang mga kaganapan noon sa kasalukuyang sitwasyon.
Isulat ang iyong talumpati sa sagutang papel.
Ang pagmamarka ng talumpati ay naayon sa rubric sa ibaba.

Rubric sa Pagmamarka ng Talumpati


Pamantayan Napakahusay Mahusay Nangangailangan Nakuhang
ng Pagsasanay Puntos
(10 puntos) (8 puntos) ( 6 puntos)
Nilalaman Nakapagpakita Nakapagpakita Nakapagpakita
ng higit ng tatlong ng kulang
sa tatlong katibayan kung sa tatlong
katibayan kung bakit hindi katibayan kung bakit
bakit hindi makatwiran at hindi makatwiran at
makatwiran at makatarungan ang makatarungan ang
makatarungan ang kolonyalismo. kolonyalismo.
kolonyalismo.
Organisasyon ng Lubhang mahusay Mahusay at lohikal Di-sapat ang
mga Ideya at lohikal ang ang pagkakasulat pagkakahanay ng
pagkakasulat at at pagkakahanay mga ideya sa buong
pagkakahanay ng ng mga pahayag talumpati. May ilang
at detalye mula ideya na di kaugnay
mga pahayag at panimula, sa mga inihanay na
detalye mula diskusyon pahayag na siyang
panimula, hanggang lumikha ng kalituhan
diskusyon konklusyon na na bahagyang
hanggang nagpalutang sa nagpalutang sa
konklusyon na hinahangad na hinahangad na
kaisahan upang kaisahan sa buong
nagpalutang sa
ang pagtalakay sa talumpati,
hinahangad na kabuuan ng akda
kaisahan upang ay maging
ang pagtalakay sa lubhang malinaw,
kabuuan ng akda makabuluhan at
ay maging lubhang mapaghamon
malinaw,
makabuluhan,
mapanghikayat at
mapanghamon.

Mekaniks Walang Halos walang Maraming


pagkakamali sa pagkakamali sa pagkakamali sa mga
mga bantas, mga bantas, bantas,
kapitalisasyon at kapitalisasyon at kapitalisasyon at
pagbabaybay. pagbabaybay. pagbabaybay.

KABUUANG PUNTOS

22
Tayahin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tanong sa bawat bilang at piliin ang letra
ng tamang sagot.
Isulat sa sagutang papel ang mga sagot niyo.

1. Sinong hari at reyna ng Spain ang sumuporta sa ekspedisyon nina Columbus at


Magellan?
A. Henry at Anne C. Carlos at Elizabeth
B. William at Mary D. Ferdinand at Isabella

2. Ano ang pinakamahalagang nadiskubre o napatunayan ng ekspedisyon ni


Ferdinand Magellan?
A. Ang mundo ay bilog.
B. Mayaman sa ginto ang Pilipinas.
C. Mayaman ang kultura ng mga taga-Silangan.
D. Masagana ang pamumuhay ng mga taga-Silangan.

3. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga salik na nagbunsod sa


paglalayag ng mga Europeo noong ika-14 siglo?
A. paglalakbay ni Marco Polo
B. pagbagsak ng pamilihan sa Venice
C. pagiging mausisa na dulot ng Renaissance
D. pagbagsak ng Constantinople sa mga Turkong Muslim

4. Ano ang nagsilbing inspirasyon sa mga manlalayag na Portuges na manguna sa


paggalugad ng mga lugar sa iba’t ibang bahagi ng mundo?
A. pagkakaroon ng interes sa mga spices
B. pagtataguyod ni Prinsipe Henry sa nabigasyon ng bansa
C. pagpapakasal nina Haring Ferdinand V ng Aragon at Reyna Isabella
D. pagsuporta ng monarkiya sa paghahanap ng rutang pakanluran patungong
Asya

5. Alin sa mga sumusunod na paraan ng pananakop ang giinamit ng mga Dutch sa


Asya at maituturing na dahilan kung bakit mas nagtagal ang kanilang kontrol sa
Asya kaysa sa America?
A. pagtatakda ng sistema ng plantasyon
B. pagkakatatag ng Dutch East India Company
C. pagkakabuo ng patakaran sa sapilitang paggawa
D. pagpapatibay sa mga trading outpost o himpilang pangkalakalan

6. Alin sa sumusunod na kagamitan ang hindi ginamit ng mga manlalayag na


Europeo sa Panahon ng Eksplorasyon?
A. astrolabe C. compass
B. caravel D. hourglass

23
7. Ano ang tawag sa sasakyang pandagat na ginamit ng mga Europeo sa kanilang
paglalayag sa Panahon ng Eksplorasyon?
A. armada C. galleon ship
B. caravel D. steam ship

8. Sino ang nagpatayo ng paaralan na nakatuon sa pag-aaral ng nabigasyon na


nakatulong upang maging mahusay na mandaragat ang mga Portuges?
A. Bartolomeu Dias C. Ferdinand Magellan
B. Christopher Columbus D. Prinsipe Henry

9. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga motibo ng Unang Yugto ng


Kolonyalismo?
A. pagpapalawak ng kultura C. paghahangad ng katanyagan
B. paghahanap ng kayamanan D. pagpapalaganap ng Kristiyanismo

10. Sinong papa ang naglabas ng Papal Bull na naghahati sa mundo mula silangan
hanggang kanluran na maaaring tuklasin ng mga bansang Portugal at Spain?
A. Alexander VI C. John Paul II
B. Gregory VII D. Leo I

11. Anong kasunduan ang nilagdaan ng mga bansang Portugal at Spain na


nagtatakda ng panibagong line of demarcation na siyang batayan sa mga lugar na
maaari nilang galugarin?
A. Kasunduan sa India C. Kasunduan sa Versailles
B. Kasunduan sa Paris D. Kasunduan sa Tordesillas

12. Paano mo ilalarawan ang epekto ng kolonyalismo?


A. Pawang kabutihan ang dala ng kolonyalismo sa mga bansang nasakop ng mga
Europeo.
B. Ang pananakop ng mga Europeo ay nagbigay-daan sa pag-usbong ng
pandaigdigang kalakalan.
C. Ang kolonyalismo ay nagdulot ng positibo at negatibong epekto sa mga
bansang sakop ng mga Kanluranin.
D. Nagdala ang mga Kanluranin ng mga sakit sa kolonya na naging sanhi ng
maraming pagkamatay ng mga katutubo.

13. Kanino ipinangalan ang kontinenteng America?


A. Amerigo Vespucci C. Christopher Columbus
B. Bartolomeu Dias D. Ferdinand Magellan

14. Sinong manlalayag na Europeo ang unang nakatuklas sa Bagong Daigdig o New
World?
A. Amerigo Vespucci C. Christopher Columbus
B. Bartolomeu Dias D. Ferdinand Magellan

15. Ano-anong bansa ang unang nagpaligsahan sa eksplorasyon at nabigasyon


noong ika-14 hanggang ika-15 siglo?
A. England at Portugal C. Netherlands at England
B. France at Spain D. Spain at Portugal

24
Karagdagang Gawain

Panuto: Pumili ng isang manlalayag at ibigay ang impormasyon na hiningi sa ibaba.


Isulat ang mga sagot sa sagutang papel.

Pangalan ng manlalayag

Bansang Taon ng paglalayag


nagpondo sa
paglalayag

Dahilan ng paglalayag

Mga lugar na Hadlang sa


nadiskubre paglalayag

Bunga ng Paglalayag

25
26
Balikan
RENAISSANCE
Mga Salik sa Pagsibol Kahulugan
Ang Renaissance ay sumibol sa Italy dahil sa: Ang Renaissance ay
 Ang Italy ang pinagmulan ng kadakilaan ng sinaunang Rome at higit na may nangangahulugang muling
kaugnayan ang mga Italyano sa mga Romano kaysa alinmang bansa sa Europe. pagsilang o rebirth ng
 Ang Italy ay may magandang lokasyon na nagbunsod sa kalakalan sa pagitan ng sinaunang kulturang Greek
Europe at Asya. at Roman sa pamamagitan
 Maraming mga maharlikang angkan ang nagtaguyod ng sa mga taong may ng pag-aaral sa panitikan
angking galing sa sining at kultura ng sinaunang
 Pagkatatag ng mga unibersidad na nagtaguyod at nagpanatili sa kulturang sibilisasyon.
klasikal at pilosopiyang kaalaman ng Kabihasnang Griyego at Romano.
Ambag sa Iba't ibang Larangan
Mga Kababaihan
sa Panahong Ito Sining at Panitikan
 Franceso Petrarch-Kilala siya kinilala bilang “Ama ng Humanismo.” Sinulat niya sa
 Laura Cereta Italyano ang “Songbook” isang koleksiyon ng mga sonata ng pag-ibig patungkol
Isinulong niya sakanyang minamahal na si Laura.
ang  Giovanni Boccacio-Isinulat niya ang “Decameron”, isang tanyag na koleksiyon ng
makabuluhang isang daang nakakatawang salaysay.
pagtatanggol  Miguel de Cervantes-Isa siyang nobelista. Isinulat niya ang “Don Quixote de la
sa pag-aaral ng Mancha.” Ang laman ng kanyang nobela ay katawa-tawang kasaysayan ng mga
humanistiko kabalyero.
para sa  Nicollo Machievelli-Isinulat niya ang “The Prince” kung saan ipinayo niya na dapat
kababaihan gumamit ng katusuhan, kalupitan at panlilinlang ang mga pinuno para matamo ang
 Isotta Nogarola kapangyarihan.
Siya ang may  William Shakespeare-Kilala siya bilang “Makata ng mga Makata.” Isinulat niya ang
akda ng kilalang mga dula gaya ng Julius Caesar, Romeo and Juliet, Hamlet, Anthony and
Dialogue on Cleopatra, at Scarlet.
Adam and Eve  Desiderius Erasmus-kilala siya bilang “Prinsipe ng mga Humanista.” Isinulat niya ang
at Oration on In Praise of Folly kung saan tinuligsa niya ang hindi mabuting gawa ng mga pari at
the Life of St. karaniwang tao.
Jerome
 Veronica Pinta
Franco at 1. Michelangelo Bounarotti-Siya ay Dakilang Pintor at iskultor ng Sistine Chapel sa
Vittoria Vatican. Pinintahan niya ito ng mga pangyayari sa Bibliya mula sa paglikha hanggang
Colonna sa Malaking Pagbaha
Kilala sa 2. Leonardo da Vinci-Isa siyang kilalang pintor, arkitekto, iskultor, inhinyero, imbentor,
pagsusulat ng siyentista, musikero at pilosoper. Pinakatanyag niyang obra ay ang The Last Supper o
mga tula Huling Hapunan.
 Sofonisba 3. Raphael Santi-Kilala siya sa katawagang “Ganap na Pintor.” Ilan sa kanyang tanyag na
Anguissola at obra ay ang Sistine Madonna, Madonna and the Child, at Alba Madonna.
Artemisia
Gentileschi Agham
Kilala sila sa 4. Nicolas Copernicus-Ipakilala niya ang isang teorya na nagsasaad na ang araw ang
larangan ng sentro ng sansinukob. Ang mga planeta kasama ang daigdig ay umiikot sa paligid ng
pagpipinta araw.
5. Galileo Galilei-Naimbento niya ang teleskopyo. Isa siyang astronomo at matematiko sa
panahon ng Renaissance.
6. Sir Isaac Newton-Ipinakilala niya ang Batas ng ng Universal Gravitation. Ayon sa
Subukin
1. D 6. D 11. A
2. B 7. A 12. B
3. D 8. C 13. B
4. A 9. D 14. B
5. A 10. D 15. C
Susi sa Pagwawasto
27
Mga Bansang Nanguna sa Paggalugad
Pamprosesong mga Tanong:
1. Bakit nagpaligsahan sa paggalugad ng mga lupain ang mga Europeong bansa?
Upang makahanap ng bagong rutang pangkalakalan patungongAsya at upang makontrol ang kalakalan ng
pampalasa at kayamanan ng bansang nasakop.
2. Bakit hinati ni Pope Alexander VI ang mundo sa Portugal at Spain?
Dahil sa tumitinding paligsahan ng Portugal at Spain na nauwi sa hidwaan ng dalawang bansa, hinati ni
Pope Alexander VI ang mundo.
3. Ano ang kahalagahan ng ekspedisyon:
A. Christopher Columbus;
B. Ferdinand Magellan;
C. Pedro Alvares Cabral?
A. Mahalaga ang ekspedisyon ni Christopher Columbus dahil sa pagkakatuklas ng isang bagong
kontinente na hindi bahagi ng Asya na tinawag na Bagong Daigdig.
B. Ang ekspedisyon ni Ferdinand Magellan ay mahalaga dahil ito ang nagpatunay na ang bundo ay bilog.
C. Si Pedro Alvares Cabral naman ang nakasakop sa Brazil.
Motibo ng Kolonyalismo at Salik sa Paglalayag
Pamprosesong mga Tanong:
1. Ano-ano ang motibo ng paggalugad na nagbunsod ng kolonyalismo?
Ang mga moibo sa kolonyalismo ay paghahanap ng kayamanan, pagpapalaganap ng Kristiyanismo at
paghahangad ng katanyagan at karangalan.
2. Bakit naghanap ng ibang rutang pangkalakalan ang mga Europeo?
Ang Constantinople na nagsilbing rutang pangkalakalan mula Europe patungong Asya ay mubagsak sa
Tuklasin
Oo, dahil nais kong
madiskubre ang mga lugar at
dagat sa labas ng Europe.
Maaaring makasagupa ng
Makakatanggap ng mga halimaw sa karagatan at
kayamanan bilang pabuya sa ang posibilidad na hindi na
pagsama sa paglalayag makabalik sa lupang
sinilangan
Maaaring nagnanais silang
makatanggap ng higit na
kayamanan, katanyagan. O di
kaya’y maipalaganap ang
Kristiyanismo
28
Pagyamanin
Gawain 1: Hanap-Hanay
1. K 6. H
2. E 7. I
3. J 8. B
4. F 9. C
5. A 10. D
Kahalagahan ng mga Paglalayag at Pagtuklas ng mga Lupain
Pamprosesong mga Tanong:
1. Paanong pinalawig ng kapitalismo ang kolonyalismo o pananakop ng mga lupain?
Sa pag-unlad ng kalakalan sa pagitan ng mga Europeo at mga Asyano, dumami ang salaping naipon ng
mga mangangalakal na Kanluranin. Nahikayat na gamitin ng mga mangangalakal ang kanilang salaping
naipon sa mga pananim at minahan sa mga kolonya para ito mas kumita.
2. Magbigay ng dalawang mabuti at masamang epektong idinulot ng Unang Yugto ng Kolonyalismo at
ipaliwanag kung bakit mo nasabing mabuti o masama ito.
Ang dalawang mabuting epekto ay: Nagbigay daan din ito sa iba’t ibang uri ng pagppalitan mula sa mga
halaman, ani, at hayop na tinawag na Columbian Exchange; at Nagbigay-daan din ito sa pag-usbong ng
pandaigdigang kalakalan. Mabuti ito dahil nagkaroon ng palitan hindi lamang ng kultura at kalakalan
kundi pati halaman at hayop na nakatulong upang makilala ang mga ito sa ibang panig ng daigdig.
Samantala, ang di mabuting epekto naman ay: Ang kolonisasyon ay nagbunga ng mga suliranin sa mga
bansang sakop tulad ng pagkawala ng kasarinlan, paninikil ng mananakop at pagsasamantala sa likas
na yaman; at Ang kolonisasyon din ay nagbigay-daan sa Atlantic Slave Trade o ang pagbebenta ng mga
African bilang mga alipin para magtrabaho sa mga plantasyon sa mga kolonya ng mga Europeo sa
America. Ito ay sinimulan ng mga Portuges na nilahukan naman ng mga Dutch, French at English. Di ito
mabuti dahil nawalan ng sariling kalayaan at karapatan ang mga taong nasakop.
3. Ano sa palagay mo ang pagkakamaling nagawa ng mga sangkot sa kolonisasyon ang hindi na dapat
pang maulit? Bakit?
Ang paggamit ng dahas at pang-aabuso sa mga taong nasakop ng mga makapangyarihang bansa.
1. Ano ang impresyon ni Columbus sa mga katutubo?
Ang mga katutubo ay palakaibigan at madaling makonberto sa Katolisismo sa mabuti at maayos na
pamamaraan.
2. Ano ang kanyang balak sa mga tao at sa teritoryo?
Sila ay gawing alipin at Kristiyano, at gawing kolonya ng Espanya ang kanilang teritoryo.
3. Makatwiran ba ang manakop ng ibang lupain upang mapaunlad nag sariling bansa? Bakit?
Hindi, dahil naaapakan ang karapatan at kalayaan ng mga mamamayan ng bansang nasakop.
29
Gawain 3: Crossword Puzzle
C A R A V E L
M J
C H R I S T O P H E R C O L U M B U S
R H
I N A
M
S
G
O C T
O
F E R D I N A N D M A G E L L A N
U V O
B
C E O L V
C S T A I
A P B C
S P O R T U G A L E T
C O
R E N A I S S A N C E
I I
A
Gawain 2: Kumpletuhin Mo
Mga Europeong Dahilan ng Pananakop Mga Lugar Epekto
Bansa
na Nasakop ng Pananakop
England  Paghahanap ng Virginia, Newfundland,  pagkawala ng
kayamanan Nova Scotia, India kasarinlan
Pagpapalaganap ng  paninikil
France Kristiyanismo Quebec, Montreal  pagsasamantala sa
 Paghahangad ng likas na yaman
The Netherlands Katanyagan at Indonesia, South Africa,
Karangalan
New Amsterdam (New
York sa kasalukuyan)
Portugal Brazil, Moluccas
Spain Philippines, Mexico, Peru,
Haiti, Dominican
Republic, Cuba, mga isla
sa Caribbean
30
Isagawa
Ang pagbibigay marka sa nagawang talumpati ng mag-aaral ay naayon sa rubric.
Isaisip
Portugal
Narating ni Bartholomeu Dias ang
timog na bahagi ng Africa na Spain
naging kilala sa katawagang Cape
of Good Hope. Ang paglalakbay ni Pagsuporta ng monarkiya sa Narating ni Christopher Columbus
Dias ay nagpatunay na maaaring paglalakyag ang Bagong Daigdig.
marating ang Asya sa
pamamagitan ng pag-ikot sa Ang mga motibo sa Narating ni Ferdinand Magellan
Africa. paghahanap ng kayamanan, ang Pilipinas. Nagpatunay na
pagpapalaganap ng possible ang rutang pakanluran
Narating ni Vasco da Gama ang Kristiyanismo at paghahangad upang marating ang Asya.
India ng katanyagan at karangalan
Narating nina Hernan Cortes ang
Natuklasan ay ang bansang Brazil Mexico at Francisco Pizarro ang
sa pamamagitan ng manlalayag na Peru.
si Pedro Alvares Cabral.
31
Karagdagang Gawain
Ferdinand Magellan
1519
Spain
 Pagpapatuloy ang
paghahanap ng rutang
pakanluran patungong
Silangan
 Nakaranas ng
 Pagpapalaganap ng matinding gutom
Kristiyanismo at uhaw
Pilipinas  Nagkaroon ng
pag-aalsa sa
mga miyembro
ng ekspedisyon
 Naitama ang dating lumang kaalaman ng mga taga-Europe na ang mundo ay patag
dahil napatunayan sa kanyang ekspedisyon na ang mundo ay bilog.
 Nagtagumpay sa paghahanap ng bagong rutang pakanluran patungo sa Silangan
 Napalaganap ang Kristiyanismo
 Nakatagpo ng malaking kayamanang ginto at pampalasa
Tayahin
1. D 6. D 11. D
2. A 7. B 12. C
3. B 8. D 13. A
4. B 9. A 14. C
5. B 10. A 15. D
Sanggunian
Blando, Rosemarie C., Michael M. Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C. Espiritu,
Edna L. De Jesus, Asher H. Pasco, Rowel S. Padernal, Yorina C. Manalo, Kalenna
Lorene S. Asis. 2014. Kasaysayan ng Daigdig: Araling Panlipunan 8 – Modyul ng mag-
aaral. Pasig City, Philippines: Vibal Group Inc. and Department of Education-
Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS).

Mateo, Grace Estela C., Rosita D. Tadena, Mary Dorothy dl. Jose, Celinia E. Balonso,
Celestina P. Boncan, John N. Ponsaran and Jerome A. Ong. 2012. Kasaysayan ng
Daigdig: Batayang aklat sa Araling Panlipunan Ikatlong Taon. Quezon City,
Philippines: Vibal Publishing House, Inc.

Vivar, Teofista L., Nieva J. Discipulo, Priscilla H. Rille, Zenaida M. de Leon. 2000.
Kasaysayan ng Daigdig: Batayang Aklat sa Ikatlong Taon. Metro Manila, Philippines:
Sd Publications, Inc.

Philippines. Department of Education. (1995). Panahon ng Eksplorasyon at Paglawak


ng Teritoryo – Modyul 14. Pasig City: Bureau of Secondary Education Project EASE.

Bloomahrae. 2007. Timetoast Timelines. Accessed February 28, 2021.


https://www.timetoast.com/timelines/95167.

n.d. softschools. Accessed March 1, 2021.


https://www.softschools.com/timelines/age_of_exploration_timeline/348/.

Shabat, Ben. n.d. weebly. Accessed February 28, 2021.


http://benshabat.weebly.com/parts-of-ship.html.

32
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like