You are on page 1of 24

8

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 3
Rebolusyong Siyentipiko,
Enlightenment, at Industriyal
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Module
Ikatlong Markahan – Modyul 3: Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment at
Industriyal
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Emely B. Pactorayan, Elgemary S. Abata

Editor: Filipina F. Meehlieb, Lileth F. Oliverio

Tagasuri: Lilifreda P. Almazan, Fatima D. Notarte, Leowenmar A. Corvera,


Edwin C. Salazar, Marina B. Sangeunza, Alyn M. Tolero, Jr.,
Marino L. Pamogas, Honorato Mendoza, Joel P. Plaza, John M. Anino,
Edwin G. Capon, Larry G. Morandante
Tagaguhit:
Tagalapat: Genebabe C. Betonio, Paul Andrew A. Tremedal

Tagapamahala: Francis Cesar B. Bringas, Isidro M. Biol, Jr., Maripaz F. Magno


Josephine Chonie M. Obseñares, Karen L. Galanida,
Florence E. Almaden, Carlo P. Tantoy, Noemi D. Lim, Laarni C. Micayas

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon ng Caraga

Office Address: Teacher Development Center


J.P. Rosales Avenue, Butuan City, Philippines 8600
Telefax: (086) 342-8207: (085) 342-5969
E-mail Address: caraga@deped.gov.ph
8

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 3
Rebolusyong Siyentipiko,
Enlightenment, at Industriyal
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang
o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng


mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan
niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa
bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at
pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro


kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Ang modyul na ito ay sadyang inihanda upang matulungan ka na maunawaan


ang mga mahahalagang kaganapan at dahilan na nagpapabago sa pamumuhay ng
tao sa larangan ng siyensiya, mga ideya, makabagong makinarya, at epekto sa
industriyal.

Ang mga paksa na nakapaloob sa modyul na ito ay sistematikong iniayos


upang mas madaling maunawaan ang daloy ng iyong pag-aaral.

Mayroong mga angkop na gawaing inihanda para sa iyo upang maging


makabuluhan ang iyong pag-aaral. Kailangan mong gawin o sagutan ang lahat ng
mga gawain sa modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot.

Ang modyul na ito ay nakapokus sa pagtalakay sa Rebolusyong Siyentipiko,


Enlightenment, at Industriyal na nahahati sa mga sumusunod na paksa:

Paksa 1- Rebolusyong Siyentipiko


Paksa 2- Panahon ng Enlightenment
Paksa 3- Rebolusyong Industriyal
Paksa 4- Epekto ng Industriyalisasyon

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:

Nasusuri ang dahilan, kaganapan, at epekto ng Rebolusyong Siyentipiko,


Enlightenment at Industriyal. MELC AP8 Quarter 3 Week 4

Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang iyong:

1. nailalahad ang mga salik na nagbibigay-daan sa pagsibol ng Rebolusyong


Siyentipiko, Panahon ng Kaliwanagan, at Rebolusyong Industriyal;
2. nakasusulat ang mga mahahalagang kontribusyon ng mga kilalang
personalidad sa pagsulong ng Rebolusyong Siyentipiko, Panahon ng
Kaliwanagan, at Rebolusyong Industriyal;
3. nahihinuha ang kahalagahan ng Rebolusyong Siyentipiko, Panahon ng
Kaliwanagan, at Rebolusyong Industriyal sa pagsulong ng mga pagbabago sa
lipunan sa Europe at Amerika;
4. natataya ang epekto ng Rebolusyong Industriyal; at
5. nakagagawa ng isang poster na nagpapakita ng sariling pag-unawa tungo sa
isang mabuti, mapayapa at maunlad na pamayanan.

1
Subukin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tanong sa bawat bilang at piliin ang letra
ng tamang sagot.
Isulat sa sagutang papel ang inyong mga sagot.

1. Ano ang isinusulong ng Teoryang Heliocentrism na ipinahayag ni Nicolaus


Copernicus?
A. Umiikot ang araw sa aksis ng mundo.
B. Ang araw ang sentro ng Solar System.
C. Ang mundo ang sentro ng Solar System.
D. Ipinahayag na ang daigdig ay bilog at hindi patag.

2. Ano ang tawag sa yugto ng kasaysayan kung kailan umunlad ang mga kilusang
intelektuwal na naglalayong iahon ang mga Europeo sa kawalan ng katwiran at
maling paniniwala noong Middle Ages?
A. Eksplorasyon C. Kolonisasyon
B. Enlightenment D. Paggalugad

3. Bakit nagdalawang isip ang mga astronomer na ilathala ang kani-kanilang mga
bagong kaisipan?
A. Natakot silang mawalan ng trabaho.
B. Natakot silang baka mali ang kanilang imbensiyon o ideya.
C. Natakot silang bawiin ang kanilang lisensiya bilang siyentista.
D. Natakot sila sa persekyusiyon at ekskomuniksyon ng Simbahang Katoliko.

4. Alin ang hindi mabuting naidulot ng paggamit ng domestic system sa


pangangalakal sa Great Britain?
A. Mataas ang presyo ng mga tela.
B. Malaki ang kita ng mangangalakal.
C. Maraming mga tao ang nagkaroon ng trabaho.
D. Maraming tela ang nagagawa gamit lamang ang kamay.

5. Alin sa mga sumusunod ang hindi naganap sa pagsisimula ng Rebolusyong


Industriyal?
A. Mas kumita ang mga industriya gamit ang gawaing manwal.
B. Napabayaan ang mga sakahan dahil sa makabagong makinarya.
C. Napataas ang dami ng produksiyon dahil sa mga makabagong makinarya.
D. Napataas ang bilang ng mga turismo dahil sa mga makabagong makinarya.

6. Sa anong bansa sa Europe unang nagsimula ang Rebolusyong Industriyal?


A. Great Britain C. Italy
B. Greece D. Spain

2
7. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga suliraning panlipunan na
idinulot ng Rebolusyong Industriyal?
A. Maraming bata ang napilitang magtrabaho.
B. Naging dahilan ito ng hidwaang pampolitika
C. Maraming nawalan ng hanapbuhay at naging palaboy
D. Kakaunti ang mga makinarya na ginamit sa industriya.

8. Alin sa sumusunod ang hindi ambag ng Rebolusyong Siyentipiko sa Europe?


A. Nadagdagan ang kapangyarihan ng mga hari at reyna.
B. Nakapagtatag ng mga paaralang pang-agham sa Europe.
C. Maraming aklat ang naisulat tungkol sa agham sa panahong ito.
D. Naging pangunahing dahilan ito ng kamalayan ng mga Kanluranin.

9. Ano ang mahalagang naimbento ni Alexander Graham Bell?


A. Bombilya C. Telegrapo
B. Steam engine D. Telepono

10. Ano ang pinakamahalagang ambag ni Galileo Galilie sa larangan ng siyensiya?


A. Paglipad ng Telstar
B. Pagpakilala ng telegrapo
C. Pagkaimbento ng telepono
D. Pagkaimbento ng teleskopyo

11. Ano ang pangunahing dahilan ng pananakop ng mga kanluranin sa Panahon


ng Rebolusyong Industriyal?
A. Lumaki ang populasyon ng kanilang bansa.
B. Upang mayroon silang mapagkukunan ng hilaw na sangkap.
C. Mayroon silang tagasuporta sa pagpapaunlad ng kanilang kultura.
D. Mayroon silang kaalyadong bansa na magbigay sa kanila ng proteksiyon.

12. Sino ang nagpakilala ng telegrapo na nakatulong sa pagpapaunlad ng sistema


ng komunikasyon?
A. Eli Whitney
B. Samuel B. Morse
C. Thomas Alva Edison
D. Alexander Graham Bell

13. Ano ang naimbento ni Thomas Alva Edison na nakatulong sa pagpapaandar ng


mga makabagong makinarya at pagbibigay liwanag sa mga komunidad?
A. Bombilya
B. Hydroelectric
C. Suplay ng Enerhiya
D. Lakas ng Elektrisidad

3
14. Sa anong sistema napasailalim ang paggawa at paglikha ng mga produkto at
serbisyo gamit ang kamay?
A. Domestiko C. Rebolusyon
B. Industriyal D. Siyentipiko

15. Ano ang kahalagahan ng pagkaimbento ng cotton gin?


A. Nagpabilis sa paglalagay ng sinulid sa bukilya
B. Napadali ang paghihiwalay ng buto at ibang materyal sa bulak
C. Nakapagbigay ng enerhiya sa makinarya sa paggawa ng mga bulak
D. Napabilis ang pagtrabaho sa paglikha ng tela at iba pang gamit sa tahanan

Balikan

Gawain1: MK o WK
Panuto: Upang mataya ang iyong kaalaman sa paksa na may kinalaman sa Unang
Yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon, isulat ang MK (May Katotohanan)
kung ang pahayag ay nakaktulong at WK (Walang Katotohanan) kung ang
pahayag hindi nakatulong sa pag-unlad ng kalagayang panlipunan ng
Europe.
Gawin ito sa iyong sagutang papel.

1. Lumakas ang ugnayan ng Silangan at Kanluran.

2. Humina ang kapangyarihan na nagdulot ng pagkalugi sa pagtustos at


pagpondo sa mga ekspedisyon.

3. Naipalaganap ang paniniwalang Kristiyanismo sa mga naging kolonya nila.

4. Ang paggalugad at pananakop sa iba’t ibang bahagi ng mundo ay nagdulot ng


mga digmaan ng mga bansa sa Europe.

5. Nakuha ng mga kanluranin ang kanilang kailangang hilaw na materyales at


produkto.

6. Naipakilala at lumaganap ang sibilisasyong mula sa Kanluran sa mga lupaing


kanilang nasakop.

4
Tuklasin

Gawain 2: Gamit Ko, Noon at Ngayon!


Panuto: Tukuyung ang mga imbensyon na inilalarawan ng pahayag sa bawat bilang.
Isulat ang inyong mga sagot sa sagutang papel.
telepono teleskopyo telegrapo
barko eroplano globo astrolabe

1. Isang elektronikong kagamitang pantelekomunikasyon na nagpapadala


ng boses, tunog, o ingay mula sa pinagmulan patungo sa paroroonan.
2. Aparatong gumagamit ng mga de-koryenteng signal na ipinadala sa
pamamagitan ng nakalaang telekomonikasyon circuit o radyo.
3. Sasakyang panghimpapawaid na mas mabigat kaysa sa hangin.
4. Ginagamit sa pagtukoy ng lokasyon ng isang lugar.
5. Ginagamit para obserbahan ang kalawakan.
6. Malaking sasakyang pantubig na ginagamit para sa pandagat na paglalakbay.
7. Sumusukat sa latitud o layo mula sa ekwador.

Suriin

Ang Rebolusyong Siyentipiko


Ang Rebolusyong Siyentipiko ay ang yugto sa kasaysayan kung kailan
nagkaroon ng malawakang pagbabago sa pag-iisip at panininiwala ng mga kanluranin
noong kalagitnaan ng ika-16 na siglo. Pinangunahan ng mga griyego ang pag-aaral
ng scientia, na nangangahulugang “kaalaman” subalit hindi nila ito pinagtuunan ng
pansin sa kanilang mga unibersidad.

Ang Rebolusyong Siyentipiko ay nagpaunlad sa sistema ng pag-aaral, sa


pamamagitan ng pagtakda ng mga eksperimento mula sa pagmamasid sa kapaligiran.
Napalitan nito ang lumang kaisipan ng mga Europeo tungkol sa mundo at sansinukob
na batay naman sa mga pag-aaral ng mga Kristiyanong teologo at pilosopo, gaya ni
Aristotle. Sa panahong ito, nagsimulang magtanong ang mga tao tungkol sa
kahiwagaan ng mundo at sansinukob na nagdulot ng pagkakatuklas ng mga bagay sa
iba’t ibang larangan o aspeto ng siyensya.

5
Ang bagong kaisipang siyentipiko ay nagbibigay ng panibagong pananaw sa
kaalaman at paniniwala ng mga Europeo. Dahil dito, humina at nabawasan ang
impluwensiya ng simbahan sa pamumuhay at kaisipan ng mga tao. Naging daan ang
Panahon ng Kaliwanagan upang magkaroon ng bagong pananaw sa paglalarawan ng
lipunan. Samakatuwid, ito ang resulta ng Siyentipikong Rebolusyon na umusbong sa
panahong iyon.

Isa si Nicolaus Copernicus sa mga hindi naniniwala sa ilan sa mga ideyang


itinuro ng simbahan, lalong lalo na sa paniniwalang ang mundo ang sentro ng
sansinukob. Batay sa kaniyang masusing pag-aaral at pag-oobserba sa kalawakan,
inilahad niya na ang mundo ay umiikot sa sarili nitong aksis habang umiikot sa araw
bawat taon. Ang teoryang ito ay tinawag niyang Heliocentrism. Ipinapaliwanag nito na
ang araw, at hindi ang mundo, ang sentro ng Solar System.

Ang Teoryang “Heliocentrism” (mula sa salitang Greek na helios – araw, at


centrism – sentro) ay hindi nagtagumpay sa pagbago sa kamalayan ng mga tao sa
panahon ni Copernicus. Maging ang kaniyang aklat na naglalahad ng ideyang ito ay
hindi nailimbag. Gaya ng iba pang mga siyentipiko, nakaranas si Copernicus ng
persekusiyon mula sa simbahan, sa pamamagitan ng inquisition. Ang inquisition ay
ang tawag sa hukuman na itinatag noong Middle Ages upang parusahan ang mga
taong ayaw sumunod sa kautusan ng simbahan. Batay sa desisyon ng husgado si
Copernicus ay pinarusahan ng ekskomunikasyon at lantarang itinawalag ng
Simbahang Katoliko. Namatay si Copernicus na hindi man lang nabigyan ng parangal
mula sa kaniyang nagawa. Subalit ang kaniyang naging ambag sa pag-aaral ng
Astronomiya ay nananatili hanggang sa kasalukuyan.

Mga Pamprosesong Tanong:


Panuto: Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Ano ang kahulugan ng Rebolusyong Siyentipiko?
2. Paano nabago ang kamalayan ng mga kanluranin sa paglunsad ng Rebolusyong
Siyentipiko?
3. Ipaliwanag ang Teoryang Heliocentrism ni Copernicus.
4. Nagtagumpay ba ang Teoryang Heliocentrism sa pagbago ng kamalayan ng mga
kanluranin sa panahon ni Copernicus? Patunayan.
5. Paano nakatulong ang siyensiya o agham sa pag-unlad ng pamumuhay ng mga
tao sa lipunan noon at ngayon?

Mga Bagong Teorya Ukol sa Sansinukuban (Universe)


Ang hindi magandang karanasan ni Copernicus sa pagsulong ng siyensya ay
hindi nagpatinag sa mga sumunod na siyentipiko na isulong ang kanilang mga ideya.
Sa katunayan, pinangunahan ni Johannes Kepler, isang Aleman na astronomer at
mahusay na matematisyan, ang pagbuo ng isang pormula na nagpapaliwanag sa
posibleng pag-ikot ng mga planeta sa isang parabilog, na tinawag na ellipse, batay sa
paggalaw ng mga ito sa kalawakan. Ayon sa kaniyang paniniwala, ang mga planeta
ay mayroong magkakaibang bilis sa kanilang paggalaw.

6
Dito ipinapaliwanag na mas mabilis ang paggalaw ng planeta kung ito ay
malapit sa araw ngunit mabagal naman kung ito ay malayo. Ang ideyang ito ang
nagsulong ng paraan ng pag-aaral sa kalawakan gamit ang siyentipikong
pamamaraan.

Sa kabila ng takot, ang ilan sa mga dalubhasa sa siyensya ay hindi nag-


alinglangan na isulong ang kanilang mga siyentipikong ideya. Sa katunayan, nagtatag
pa sila ng mga kilusang naglalayong maiwasto ang mga maling pananaw ng
simbahan. Mas lalong lumakas ang siyentipikong ideyang sumuporta sa pananaw ng
mga dalubhasa sa siyensya noong maimbento ang iba’t ibang uri ng instrumento na
mayroong mahahalagang papel sa paglutas ng mga kalituhan sa mundo at
sansinukob.

Noong 1609, naimbento ni Galileo ang teleskopyo. Ito ay mayroong


mahalagang ambag sa pag-aaral ng Astronomiya. Tinanggap niya ang teorya ni
Copernicus na siyang dahilan kung bakit siya napasailalim sa inquisition ng simbahan.
Dala ng takot sa maaaring resulta ng paghahatol, binawi niya ang kaniyang ideya
upang hindi itiwalag ng simbahan. Subalit, nagpatuloy siya sa kaniyang pag-aaral at
siyentipikong pagtuklas na naging batayan ng mga sumunod na siyentipiko upang
makabuo ng mga unibersal na batas sa aspeto na Pisika.

Ang Panahon ng Enlightenment


Ang pamamaraang maka-agham ay nagbunga ng rebolusyon sa iba’t ibang
larangan ng pamumuhay, gaya ng sa kabuhayan, politika, relihiyon, at edukasyon.
Tinawag itong Panahon ng Kaliwanagan (Enlightenment) na tumutukoy din sa
kilusang intelektuwal na nagpaunlad sa pag-aaral ng pilosopiya at agham sa Europe
noong ika-18 siglo.

Ang kilusang intelektuwal na ito ay susi sa paggamit ng katwiran, kaalaman, at


edukasyon bilang tugon sa mga lumang pananaw dala ng mga pamahiin at paniniwala
noong Panahong Medieval. Ang pagtuligsa ng mga pilosopo at mga siyentista sa
kawalan ng katarungan at ang pagsuri sa kapangyarihan ng relihiyon ay naging
pundasyon ng mga modernong ideya na may kinalaman sa pulitika, sosyolohiya,
ekonomika, at kultural na aspeto sa pag-aaral ng lipunan.

Ayon sa pagpapaliwang ni Thomas Hobbes tungkol sa pamahalaan na kung


saan ibinatay niya sa ideya ng natural law na ang Absolute Monarchy ang
pinakamahusay na uri ng pamahalaan. Ayon sa kaniyang paniniwala na ang
kaguluhan ay likas sa tao na kung saan kailangan ng isang absolutong pinuno upang
walang kaguluhang mangyayari. Bingyang diin din na ang tao ay walang kalayaan
kundi sumunod sa kasunduan ng pamahalaan na pangangalagaan at protektahan ng
pinuno ang kanyang nasasakupan. Nailalarawan ito sa kaniyang aklat na “Leviathan”
na magulo ang isang lipunan kung walang pinuno. Ganoon din ang pahayag ni John
Locke isang pilosopo ng England na may kakaiba sa kaniyang paniniwala na ang tao
ay may natural na karapatan sa buhay, kalayaan at pag-aari.

7
Si Baron de Montesquieu ay isang pilosopo sa larangan ng politika na
naniniwala sa ideya na ang kapangyarihan ng pamahalaan ay dapat paghatiin. Hinati
niya ito sa tatlong sangay; lehislatura ang pangunahing gawain ay ang pagbubuo ng
batas; ehekutibo ay ang pagpapatupad ng batas; at hukuman tumatayong tagahatol.

Ang Rebolusyong Industriyal


Naging daan ang Panahon ng Kaliwanagan upang magkaroon ng pagbabago
sa siyensya at ang pag-usbong sa aspektong agrikultura at industriyal upang
mapaunlad ang sistema ng pangkabuhayan sa lipunan na naging dahilan sa
pagsisimula ng Rebolusyong Industriyal.

Ang Rebolusyong Industriyal ay isang transisyonal na yugto, mula 1760


hanggang 1840), sa Europa at Amerika na nagdulot ng pagbabago sa mga proseso
ng paggawa, mula sa pagbuo ng mga produkto sa pamamagitan ng kamay papunta
sa paggamit ng makinarya at awtomisasyon. Una itong sumibol sa Great Britain na
matagumpay na binago ang dating sistemang domestiko tungo sa paglikha ng mga
produkto at serbisyo gamit ang mga makinarya.

Ang sistemang domestiko (domestic system) ay isang paraan ng paglikha ng


produkto at serbisyo na ginagawa sa mga tahanan. Ito ay pinamahalaan ng mga
namuhunang mangangalakal na mayroong sariling manggagawa na kadalasan ay
kinabibilangan ng pamilya. Ang mga kadalasang produkto na ibinenta sa panahong
ito ay mga telang gawa sa kamay. Matagal ang proseso ng paggawa sa sistemang
domestiko kaya naman mahal at tanging mayayaman lamang ang mga nakabibili ng
mga produkto nito. Sa pagka-imbento ni James Hargreaves ng spinning jenny, unti-
unting bumilis ang daloy ng produksiyon ng tela sa Great Britain.

Ang Rebolusyong Industriyal ay lumaganap at umabot sa Amerika. Sa


pangunguna ng Amerikanong si Eli Whitney, naimbento ang cotton gin na nakatulong
nang malaki sa pagtaas ng produksiyon sa pamamagitan ng pagpapadali ng
paghihiwalay ng buto at ibang materyal sa bulak o cotton. Dahil dito, napabilis at
lumaki ang produksiyon sa paggawa ng tela sa Amerika.

Maliban sa sistema ng paggawa ng tela, nakatulong din ang Rebolusyong


Industriyal sa paglago ng ekonomiya sa pamamagitan ng pagpapaunlad sa sistema
ng komunikasyon at iba pang uri ng imprastraktura. Ang kaalaman ni Thomas Alva
Edison ay mayroong mahalagang kontribusyon sa pagkakatuklas ng lakas ng
elektrisidad na dahilan ng pagpapatakbo ng mga makabagong kasangkapan at
pagpapailaw sa mga komunidad.

Samantala, kilala naman sina Alexander Graham Bell, bilang imbentor ng


unang telepono, at Samuel Morse, na nakaimbento ng telegrapo. Ang mga
mahahalagang imbensyon na ito ay nakatulong sa pagpapaunlad ng sistema ng
komunikasyon sa Amerika.

8
Ang Newcomen steam engine at Watt steam engine naman na naimbento nina
Thomas Newcomen at James Watt ay nakatulong sa pagpapaunlad sa sistema ng
patubig na nagsilbing pinagkukunan ng hydroelectric na enerhiya na kinakailangan
upang mapatakbo ang mga makinarya sa pabrika. Ang makinang pinasisingawan o
makinang de-singaw ay isang makina o motor na gumagamit ng mainit na singaw
mula sa kumukulong tubig upang umandar ito. Nababago nito ang enerhiyang nasa
mainit na hangin upang maging galaw o kilos, na maaaring gamitin upang mapatakbo
ang isang pabrika o mapausad ang isang tren o bangka.

Ang unang steam-powered locomotive ay naimbento ni Richard Trevithick


noong 1804 na nagbigay-daan upang buksan ang mga riles. Sina George Stephenson
at ang kanyang anak ay nakabuo ng mas mabuting makina na unang ginamit sa
pampublikong riles noong 1830. Maganda ang naidulot nito lalo na sa mga sasakyang
pinapatakbo ng steam engine sa pagpapabuti ng sistema ng transportasyon.

Epekto ng Industriyalismo
Nagdulot ng maraming pagbabago sa lipunan ang Rebolusyong Industriyal. Isa
dito ang pagdami ng tao sa lungsod, sa pag-aakalang mayroong magandang
oportunidad dito. Lumobo ang populasyon ng mga lungsod sa Europa habang
kakaunti lamang ang bakanteng trabaho kaya marami ang naging palaboy dahil sa
kawalan ng trabaho. Ang mga bata ay napilitan ding magtrabaho sa murang edad
dahil sa hirap ng buhay.

Dumami ang bilang ng middle class o gitnang uri ng tao sa lipunan na nagdulot
ng hidwaang sosyo-pulitikal sa pagitan ng mga manggagawa at mga kapitalista.
Natatag ang unyon ng mga manggagawa subalit nagkaroon ng patuloy na hidwaan
na dala ng lumalaking agwat sa pagitan ng mga mahihirap at mga mayayaman.

Ang Rebolusyong Industriyal ay nagsilbi ring dahilan ng pagnanais ng mga


Kanluranin na manakop at magtatag ng kolonya sa iba’t ibang bahagi ng mundo upang
makakuha ng mga hilaw na sangkap na gagamitin upang makalikha ng mga produkto
at serbisyo na makadadagdag sa kita ng bansa.

Sa kabila ng suliraning panlipunan na dulot ng Rebolusyong Industriyal, maraming


mga bagay ang naiambag nito sa pag-unlad ng pamumuhay ng mga tao. Sa
pagkakatuklas ng makabagong teknolohiya sa paggawa na nagpabilis at nagpataas
ng bahagdan ng produksiyon, bumaba ang halaga ng mga produkto at serbisyo na
dahilan upang matamasa ito ng mga karaniwang tao. Umunlad ang sistema ng
komunikasyon na nagpadali sa pagpadala at pagtanggap ng mensahe ng mga tao
sa mga malalayong lugar, na mayroong kaugnayan sa komersiyo. Sa pagkatuklas
ng steam engine mas napadali ang sistema ng transportasyon na nagdadala ng mga
tao at kalakal sa mga karatig-bayan. Ang mga nabanggit ang dahilan kung bakit
naging progresibo at maunlad ang mga bansang Kanluranin.

9
Pagyamanin

Gawain 3: Sikat na Sikat!


Panuto: Kilalanin ang mga mahahalagang tao sa panahon ng Rebolusyong
Siyentipiko, Enlightenment, at Rebolusyong Industriyal.
Tukuyin ang kanilang mga kilalang kontribusyon na nakatulong sa
panunumbalik ng sigla ng Europe.
Gawin ang talahanayan sa ibaba sa sagutang papel at doon din isulat ang
inyong mga sagot.
Mga Kilalang Tao Kontribusyon
1. Nicolaus Copernicus
2. Johannes Kepler
3. Thomas Alva Edison
4. Eli Whitney
5. Alexander Graham Bell

Gawain 4: Sukat-Sukat!
Panuto: Sukatin ang lalim ng iyong pag-unawa sa aralin at punan ang talahanayan
ng mga hinihingi. Ang paraan ng pagsagot sa Gawain ay ipinakita sa isang
halimbawa. Gawin ito sa sagutang papel.

Konsepto ng Kahulugan Hinuha ukol sa


pangyayari pangyayari
Halimbawa: Paraan ng paglikha ng Mabagal ang produksiyon
Sistemang Domestiko produkto at serbisyo sa kaya mataas ang presyo
pamamagitan ng gawang ng mga produkto.
kamay
1. Rebolusyong
Siyentipiko o
Scientific
Revolution
2. Panahon ng
Kaliwanagan o
Enlightenment
Period
3. Rebolusyong
Industriyal o
Industrial
Revolution

10
Isaisip

Gawain 5: Tala-Gamit!
Panuto: Magbigay ng apat (4) na Imbensiyon sa Panahon ng Industriyalisasyon at
punan ang pangalawa at pangatlong kahon ayon sa gamit noon at sa
kasalukuyang sitwasyon.
Gawin ito sa sagutang papel.

Imbensiyon sa Panahon Gamit


ng Industriyalisasyon Noon Ngayon
1. Halimbawa: Bombilya o nagbigay liwanag sa mga nagbibigay liwanag at
Light Bulb tahanan gamit din ito para sa mga
incubator.
2.
3.
4.
5.

Isagawa

Gawain 6: Guhit ko!


Panuto: Gumawa ng poster na nagpapakita ng iyong pag-unawa tungkol sa isang
mabuti, mapayapa, at maunlad na pamayanan na kung saan makikita ang
paggamit ng mga makinarya na siyang nagpapabilis ng takbo ng mga
Gawain. Ang pagmamarka sa naiguhit na poster ay nagagabay sa Rubric
sa Kabilang pahina. Gawin ang iyong poster sa sagutang papel.

11
Rubric sa Pagmamarka ng Poster
Pamantayan Mahusay Katamtaman ang Nangangailangan Nakuhang
(5 puntos) Husay pa ng Dagdag na Puntos
(4 puntos) Pagsasanay
(3 puntos)
Kaangkupan Nagpapakita ng 5 Nagpakita ng 3-4 Nagpakita ng 1-2 uri
uri ng makinarya na uri ng makinarya ng makinarya na
ginamit sa mabuti, na ginamit sa ginagamit sa mabuti,
mapayapa at mabutim mapayapa at
maunlad na mapayapa at maunlad na
pamayanan maunlad na pamayanan
pamayanan
Malikhain Nagpapakita ng Nagpapakita ng Nagpapakita ng
pagkamalikhain sa pagkamalikhain sa pagkamalikhain sa
paggawa gamit ang paggawa gamit paggawa gamit ang
mga pangkulay, ang mga mga pangkulay.
larawan, at iba pangkulay at
pang gamit. larawan.

Kalinisan ng Napakalinis ang Mas malinis ang Malinis ang


Pagkakagawan pagkakagawa. pagkakagawa. pagkakagawa.

Kabuuang Puntos

Tayahin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tanong sa bawat bilang at piliin ang letra
ng tamang sagot.
Isulat sa sagutang papel ang mga sagot niyo.

1. Sa anong bansa sa Europe unang nagsimula ang Rebolusyong Industriyal?


A. Great Britain C. Italy
B. Greece D. Spain

2. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga suliraning panlipunan na


idinulot ng Rebolusyong Industriyal?
A. Maraming bata ang napilitang magtrabaho.
B. Naging dahilan ito ng hidwaang pampolitika
C. Maraming nawalan ng hanapbuhay at naging palaboy
D. Kakaunti ang mga makinarya na ginamit sa industriya.

3. Alin sa sumusunod ang hindi ambag ng Rebolusyong Siyentipiko sa Europe?


A. Nadagdagan ang kapangyarihan ng mga hari at reyna.
B. Nakapagtatag ng mga paaralang pang-agham sa Europe.
C. Maraming aklat ang naisulat tungkol sa agham sa panahong ito.
D. Naging pangunahing dahilan ito ng kamalayan ng mga Kanluranin.

12
4. Ano ang mahalagang naimbento ni Alexander Graham Bell?
A. Bombilya C. Telegrapo
B. Steam engine D. Telepono

5. Ano ang pinakamahalagang ambag ni Galileo Galilie sa larangan ng siyensiya?


A. Paglipad ng Telstar
B. Pagpakilala ng telegrapo
C. Pagkaimbento ng telepono
D. Pagkaimbento ng teleskopyo

6. Ano ang pangunahing dahilan ng pananakop ng mga kanluranin sa Panahon ng


Rebolusyong Industriyal?
A. Lumaki ang populasyon ng kanilang bansa.
B. Upang mayroon silang mapagkukunan ng hilaw na sangkap.
C. Mayroon silang tagasuporta sa pagpapaunlad ng kanilang kultura.
D. Mayroon silang kaalyadong bansa na magbigay sa kanila ng proteksiyon.

7. Sino ang nagpakilala ng telegrapo na nakatulong sa pagpapaunlad ng sistema


ng komunikasyon?
A. Eli Whitney
B. Samuel B. Morse
C. Thomas Alva Edison
D. Alexander Graham Bell

8. Ano ang isinusulong ng Teoryang Heliocentrism na ipinahayag ni Nicolaus


Copernicus?
A. Umiikot ang araw sa aksis ng mundo.
B. Ang araw ang sentro ng Solar System.
C. Ang mundo ang sentro ng Solar System.
D. Ipinahayag na ang daigdig ay bilog at hindi patag.

9. Ano ang tawag sa yugto ng kasaysayan kung kailan umunlad ang mga kilusang
intelektuwal na naglalayong iahon ang mga Europeo sa kawalan ng katwiran at
maling paniniwala noong Middle Ages?
A. Eksplorasyon C. Kolonisasyon
B. Enlightenment D. Paggalugad

10. Bakit nagdalawang isip ang mga astronomer na ilathala ang kani-kanilang mga
bagong kaisipan?
A. Natakot silang mawalan ng trabaho.
B. Natakot silang baka mali ang kanilang imbensiyon o ideya.
C. Natakot silang bawiin ang kanilang lisensiya bilang siyentista.
D. Natakot sila sa persekyusiyon at ekskomuniksyon ng Simbahang Katoliko.

13
11. Ano ang naimbento ni Thomas Alva Edison na nakatulong sa pagpapaandar ng
mga makabagong makinarya at pagbibigay liwanag sa mga komunidad?
A. Bombilya
B. Hydroelectric
C. Suplay ng Enerhiya
D. Lakas ng Elektrisidad

12. Sa anong sistema napasailalim ang paggawa at paglikha ng mga produkto at


serbisyo gamit ang kamay?
A. Domestiko C. Rebolusyon
B. Industriyal D. Siyentipiko

13. Ano ang kahalagahan ng pagkaimbento ng cotton gin?


A. Nagpabilis sa paglalagay ng sinulid sa bukilya
B. Napadali ang paghihiwalay ng buto at ibang materyal sa bulak
C. Nakapagbigay ng enerhiya sa makinarya sa paggawa ng mga bulak
D. Napabilis ang pagtrabaho sa paglikha ng tela at iba pang gamit sa tahanan

14. Alin ang hindi mabuting naidulot ng paggamit ng domestic system sa


pangangalakal sa Great Britain?
A. Mataas ang presyo ng mga tela.
B. Malaki ang kita ng mangangalakal.
C. Maraming mga tao ang nagkaroon ng trabaho.
D. Maraming tela ang nagagawa gamit lamang ang kamay.

15. Alin sa mga sumusunod ang hindi naganap sa pagsisimula ng Rebolusyong


Industriyal?
A. Mas kumita ang mga industriya gamit ang gawaing manwal.
B. Napabayaan ang mga sakahan dahil sa makabagong makinarya.
C. Napataas ang dami ng produksiyon dahil sa mga makabagong makinarya.
D. Napataas ang bilang ng mga turismo dahil sa mga makabagong makinarya.

14
Karagdagang Gawain

Gawain 7: Tala-dulot!
Panuto: Magbigay ng tig-lilimang mabubuti at hindi kabutihang dulot ng Rebolusyong
Industriyal sa daigdig.
Gayahin ang talahanayan at isulat ang mga sagot sa sagutang papel.

Mabuting naidulot Hindi mabuting naidulot

1. 1.

2. 2.

3. 3.

4. 4.

5. 5.

15
16
SURIIN
Pamprosesong mga Tanong:
1. Ano ang kahulugan ng Rebolusyong Siyentipiko?
Ang rebolusyong siyentipiko ay iba’t ibang pangyayari na nag marka sa pag-usbong ng modernong
siyensiya. Kabilang dito ang pag-unlad ng matematika, pisika, astronomiya, biyolohiya at chemistry
na nagpabago sa pananaw ng mga tao tungkol sa kalikasan.
2. Paano nabago ang kamalayan ng mga kanluranin sa paglunsad ng Rebolusyong Siyentipiko?
Natulungang bigyan ng kaliwanagan at rason sa mga bagay bagay na dati ay hindi maipaliwanag
tulad ng mga bagay sa kalawakan, medisina at matematika.
3. Ipaliwanag ang Teoryang Heliocentrism ni Copernicus.
Ang teoryang heliocentrism ni Copernicus ay ang paniniwalang ang mga planeta kabilang na ang
mundo ay lumilibot sa araw.
4. Nagtagumpay ba ang Teoryang Heliocentrism sa pagbago ng kamalayan ng mga kanluranin sa
panahon ni Copernicus? Patunayan.
Sinuportahan ni Galileo at ni Kepler ang teoryang heliocentrism ni Copernicus. Nabago nito ang
pag-iisip ng mga tao ukol sa konsepto ng oras at paglipas ng mga araw, buwan at taon.
5. Paano nakatulong ang siyensiya o agham sa pag-unlad ng pamumuhay ng mga tao sa lipunan
noon at ngayon?
Nabago ng siyensiya ang pamumuhay ng tao dahil sa napadali nito ang iba’t ibang larangan. Hindi
lamang sa pamumuhay kundi pati na rin sa medisina, agham, transportasyon, komunikasyon at iba
pa. Nagbunga din ito ng marami pang imbensiyon na hanggang ngayon ay tinatangkilik at
pinauunlad pa rin.
Tuklasin Balikan
Gawain 2: Gamit Ko, Noon at Ngayon! Gawain 1: WK o MK
1. Telepono 1. MK
2. Telegrapo 2. WK Subukin
3. Eroplano 3. MK 1. D 6. A 11. B
4. Globo 4. WK 2. B 7. D 12. B
5. Teleskopyo 5. MK 3. D 8. A 13. D
6. Barko 6. MK 4. A 9. D 14. A
7. Astrolabe 5. D 10. D 15. B
Susi sa Pagwawasto
17
Gawain 4: Sukat-Sukat
Konsepto ng pangyayari Kahulugan Hinuha ukol sa pangyayari
Halimbawa: Paraan ng paglikha ng Mabagal ang produksiyon kaya
Sistemang Domestiko produkto at serbisyo sa mataas ang presyo ng mga
pamamagitan ng gawang produkto.
kamay
1. Rebolusyong Siyentipiko o Panahon ng malawakang Nakatutulong sa pagkakatuklas ng
Scientific Revolution pagbabago sa pag-iisip at eksaktong kaalaman tungkol sa
paniniwala ng mga sansinukuban at napagtuunan ng
kanluranin na nakabatay sa pansin ang siyensiya bilang isang
pamamaraang maka-agham disiplina
2. Panahon ng Kaliwanagan o Tumutukoy sa kilusang Naging daan sa paggamit ng
Period of Enlightement intelektuwal na nagpaunlad katwiran, kaalaman at edukasyon
sa pag-aaral ng pilosopiya at upang hindi maging mangmang
agham
3. Rebolusyong Industriyal o Pagbabago sa mga proseso Nagkakaroon ng pagbabago sa
Industrial Revolution ng paggawa mula sa pagbuo aspeto ng pangkabuhayan na
ng mga produkto sa kung saan napapadali ang
pamamagitan ng kamay trabaho at maraming napoprodyus
papunta sa paggamit ng na mga kagamitan
makinarya at awtomisasyon
Pagyamanin
Gawain 3: Sikat Na Sikat
MGA KILALANG TAO KONTRIBUSYON
1.Nicolaus Copernicus Ang teoryang Heliocentrism na ang araw ay siyang
sentro ng sansinukuban
2.Johannes Kepler Nagbuo ng isang pormula sa pamamagitan ng
matematika na tinawag niyang ellipse.
3.Thomas Alva Edison Nagpakilala ng lakas ng elektrisidad para
maliwanagan ang buong komunidad
4.Eli Whitney Nag-imbento ng cotton gin upang mapadali ang
paghiwalay ng buto sa bulak
5.Alexander Graham Bell Nag – imbento ng telepono na gamitin sa
pakikipagkomunikasyon sa malalayong lugar
18
KARAGDAGANG GAWAIN
Gawain 7: Tala-dulot!
Panuto: Magbigay ng tig-lilimang mabuti at hindi mabuting naidulot ng Rebolusyong Industriyal sa daigdig.
MABUTING NAIDULOT HINDI MABUTING NAIDULOT
1.Nagpapabilis ng gawain ng mga tao 1.Paglaki ng Populasyon
2.Nagbibigay ng trabaho 2.Maraming palaboy dahil sa kawalan ng trabaho
3.Nagpataas ng dami ng produksiyon at kita 3.Sapilitang pagtatrabaho ng mga kabataan
4.Nagpapabilis ng komunikasyon sa isat-isa 4.Nagdulot ng hidwaang pampolitika
5.Nagpapalawak at nagpapabilis ng transportasyon 5.Nagdulot ng Polusyon sa tubig at hangin
Tayahin
1. A 6. B 11. D Isagawa
2. D 7. B 12. A Gawain 6: Guhit ko!
3. A 8. B 13. B
4. D 9. B 14. A Ang pagmamarka ng poster ay
5. D 10. D 15. D nagagabay sa rubric.
Isaisip
Gawain 5: Tala-Gamit!
IMBENSYON SA PANAHON NG GAMIT AT KAHALAGAHAN
INDUSTRIYALISASYON
NOON NGAYON
1. Halimbawa bulb - bombilya nagbibigay liwanag nagbibigay liwanag at gamit
din ito pang incubator
1. Cotton gin Paghihiwalay ng buto Mas napabilis ito ngayon
sa bulak gamit ang kuryente sa
paghihiwalay ng buto sa
bulak
2. Newcomen steam engine Nagbibigay ng Napabilis ang mga gawain
hydroelectric upang sa pabrika at nagpapatakbo
mapatakbo ang ng sasakyan
makinarya sa
pabrika.
3. Telepono Nakakausap ang Nakakausap ang pamilya
pamilya sa ibang saang panig ng mundo.
lugar.
4. Spinning Jenny Gamit sa paglalagay Gamit sa paggawa ng yarn
ng sinulid sa bukilya at iba pang kasangkapan
na mas mabilis.
Sanggunian
Blando, Rosemarie C., Michael M. Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C. Espiritu,
Edna L. De Jesus, Asher H. Pasco, Rowel S. Padernal, Yorina C. Manalo, Kalenna
Lorene S. Asis. 2014. Kasaysayan ng Daigdig: Araling Panlipunan 8 – Modyul ng mag-
aaral. Pasig City, Philippines: Vibal Group Inc. and Department of Education-
Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS).
Mateo, Grace Estela C., Rosita D. Tadena, Mary Dorothy dl. Jose, Celinia E. Balonso,
Celestina P. Boncan, John N. Ponsaran and Jerome A. Ong. 2012. Kasaysayan ng
Daigdig: Batayang aklat sa Araling Panlipunan Ikatlong Taon. Quezon City,
Philippines: Vibal Publishing House, Inc.

https://tl.wikipedia.org/wiki/Makinang_pinasisingawan

19
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like